Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Heir of the Solstice

Heir of the Solstice by KremaKKK

For how many days, palagi nalang akong nananaginip ng masama. I don't know why. Nagigising nalang ako tuwing madaling araw, basang basa ng pawis at sobrang hingal. Para akong sinisilaban sa loob ng katawan ko. Hindi ko masabi kung papaano pero tuwing nananaginip ako, iisang tao lang ang palagi kong nakikita.

Isang lalake.

Nakahood siya at palaging nakatingin saakin mula sa malayo. Paulit-ulit lang ang nangyayari sa panaginip ko. Palaging may kakaiba akong nararamdaman kapag nasa kalagitnaan na ako ng panaginip. Parang may masamang mangyayari. Hanggang ngayon, kinikilabutan ako sa mga nangyayari saakin.

I was interrupted from my reverie ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, "Justine! Gumising kana. May pasok kapa, bawal ang malate!" Sigaw ng Tita ko mula sa labas. Napabangon ako at kaagad inayos ang hinigaan, I am hoping for the best today.

Naligo ako at nagbihis. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko, biglang nanlabo ang mga mata ko. Napabitaw ako sa tuwalyang hawak ko at kinusot ang mga mata ko. Lumalabo talaga.

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang mapaharap ako sa salamin. Hindi pwede 'to! Pinagdiinan ko talagang dilatin ang mata ko para mapatunayang namamalik mata lang ako. Pero hindi.

Ang lalakeng nasa panaginip ko ay kaharap ko ngayon.

Papaano nangyari 'to?

Napapikit ulit ako dahil mas lalong lumabo ang mga mata ko. Kinusot ko 'to hanggang sa unti-unting nawawala ang kanina hindi ko makitang repleksyon. Pero nung mapatingin ako sa salamin, wala na siya.

Wala na ang lalake sa panaginip ko.

Ang kaninang nagdadalawang isip akong pumasok sa school, ngayon ay nakatambay ako sa library. Wala akong magawa kaya pumasok ako ng pilit. Nababahala talaga ako sa mga nangyayari saakin. Bakit? Tanong ko sa sarili ko.

Alam kong dapat akong magtaka. Hindi naman kasi masasagot ni Tita ang mga tanong ko dahil ampon lang ako. You read it right. Ampon lang ako dahil iniwan lang daw ako sa tapat ng bahay ng mga kinilala kong magulang at wala ni isang sulat ang naiwan. Walang nakakaalam kung sino talaga ang nagiwan saakin. Wala ringnakakita ni isa.

Namatay ang mga kinilala kong magulang nung nasa 12 na gulang palang ako. Ngayong nasa 16 na ako, sa kapatid ng Mama ko ako nakatira. Mabait naman siya at mapag-alaga saakin. Masaya na akong kasama ko siya. May kapatid ako, si Princess. Totoo siyang anak nina mama. Mabait at mapagmahal.

"Anong ginagawa mo dito?" napatingin ako kay Alexa na kakadating lang. "Eto, cutting ulit. Bored." Sabi ko at napahalumbaba ulit. Mahina niya akong tinapik, "Alam mo bang may kakaibang nagyari saakin ngayong araw?"

Napaangat kaagad ako, "Ano?" Umayos siya ng upo at hinarap ako,

"Tatlong araw ko nang nararamdaman 'to, pero kanina habang nag le-lecture si Mr. Anson bigla nalang uminit ang palad ko." Pinakita niya saakin ang palad niyang namumula, "Nung hinawakan ko na ang papel ko, bigla nalang itong nasunog. Kaya ayun, nagkagulo kami sa room kanina."

"Ibig sabihin, galing sa kamay mo ang apoy?"

"Hindi ko rin alam. Bastang uminit nalang ang palad ko at nung hinawakan ko na ang papel, nasunog nalang bigla."

Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa sinabi niya. Paano nangyari sakanya yun? At bakit may ganito rin akong pakiramdam?

"Ikaw? Anong nangyari sayo at namumutla ka? May sakit kaba?" hinawakan niya ang noo ko, tinabig ko ito at hinarap siya. She's my bestfriend after all kaya anong silbi ko kung maglilihim ako sakanya? "May kakaiba ring nangyari saakin. Hindi lang kanina, kundi nung nakaraang araw pa."

She frown, "What do you mean?" at saka niya ako tinaasan ng kilay.

"Nananaginip ako ng kakaiba. Paulit-ulit nalang. Iisang lugar, mga taong nasa paligid-at lalakeng palaging nakatingin saakin... Kaninang umaga, habang nagpapatuyo ako ng buhok, nanlabo bigla ang mga mata ko. Pagarap ko sa salamin, nakit ko siya. Ang lalakeng nasa panaginip ko."

"Wow. Pero paano? At bakit paulit-ulit?"

"Hindi ko rin alam. Yan rin ang mga tanong na bumabagabag saakin ngayon."

"Baka may kailangan siya sayo, Jus."

Napaisip ako. Pero imposible naman, "Paano ko malalaman? Hindi naman siya nagsasalita. Nakatingin lang siya at parang binabantayan ako sa mga galaw ko... At hindi lang yan. Ngayong araw, kahit saan ako tumingin, palagi akong nakakakita ng mga numerong 537."

"Kakaiba nga ang nangyayari sayo, Justine. Kun yung akin eh biglang nasusunod ang mga nahahawakan ko, yung iyo naman masaklap. Nasa panaginip mo nangyayari."

Hindi ako nakasagot at napaisip nalang.

Bakit ako nagkakaganito? Tsaka kung may kailangan ka man saakin, sabihin mo. Nahihirapan rin ako sa sitwasyon ko ngayon. Nakakakilabot at nakakabahala ng sobra. Sana makausap kita mamaya,

Hapon na at nagpasya akong umuwi. Halos hindi ko pinasukan ang ibang subjects ko. Nakakatamad mag-aral.

Nagbihis ako at kaagad humiga sa kama. Nahulog na naman ako sa malalim na pagiisip hanggang sa makaidlip ako, hay buhay.

Isang malakas na busina mula sa likuran ko. Kaagad akong tumabi para hindi mahagip ng bus. Nilibot ko ang tingin, at hanggang sa mapagtanto kong nauulit na naman ang panaginip ko.

Nagsimula akong maglakad kahit na hindi ko alam kung nasaan ako at kung saan ang papunta. Bastang naglalakad lang ako at dahan-dahang pinagmamasdan ang nasa paligid ko. Maraming tao. Maraming building at kung anu-ano sa kalsada. Magulo at maingay. Nasa ganung lugar ako.

Naglalakad lang ako sa kawalan. Hanggang sa makita ko ulit siya. Ang lalakeng palaging nakatingin saakin. Nang mapansin niyang nakatingin rin ako sakanya, tumalikod siya at naglakad palayo. Eto na ang hinihintay kong pagkakataon.

Binilisan ko ang lakad at sinundan siya sa kung saan man siya papunta.

Kahit anong mangyari, aalamin ko mula sakanya kung bakit ako nagkakaganito.

Nasa may iskinita na ako ng mapansin kong dead end na. Paanong nangyaring nawala siya? Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ko inilayo sakanya ang tingin ko kanina. Alam kong dito siya pumasok,

"Haamiah"

Halos humiwalay ang puso ko nang makita ko siya sa likod ko. "P-papaanong n-nandyan ka?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Nakalutang siya. Nakalutang siya habang nakatingin saakin.

"Matagal na kitang hinihintay, Haamiah." Unti-unti siyang bumababa at hindi parin nawala ang tingin niya saakin,

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, "Bakit? Tsaka anong Haamiah? Justine ang pangalan ko, hindi Haamiah."

"Marami ka pang dapat malaman. Isa na dun ang pagkatao mo. Ikaw si Haamiah, 'yan ang totoo mong pangalan."

"Pagkatao ko? Bakit mo alam? Nasaan ang totoo kong mga magulang? Sino kaba? At bakit alam mo ang totoo kong pangalan?" Marami akong gustong itanong sakanya. Mas importante. Pero nung nabanggit niya ang tungkol sa pagkatao ko, nakaramdam ako ng konting tuwa at kaba. Naghalo halo na ang nararamdaman ko.

"Ako si Azriel. Ngunit, Alex ang tawag saakin sa mundo niyo." Lumapit siya ng konti, "Ipinadala ako dito para tulungan ka sa misyon mo. Mismong mga magulang mo ang nagpadala saakin dito."

"Buhay pa ang mga magulang ko?"

Tumango siya, "Saka mo lang sila makikilala kapag natapos mo na ang nakatakdang misyon para sayo. Dapat mo itong magawa ng mabuti at maibalik ang dapat na nasa kalalagyan nito. Isang malaking pagsubok ang mararanasan mo sa mga susunod na araw."

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.

"Sa panaginip mo, ikaw ang gagawa ng paraan para makuha ang tanging kinakailangan mo. Iyon ang susi sa pagkataong matagal mo ng hangad matuklasan. Iyon ang magbibigay ng sapat na kapangyarihan sa kaharian niyo kapag nakuha mo ito."

Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya, "Anong mga pinagsasabi mo? Tsaka kaharian? Bakit may ganun? Bakit kailangan ko pang pagdaanan ang mga misyon na 'yan?"

"Dahil 'yun lang ang tanging paraan para makabalik ka sa realidad."

"Ibig sabihin-"

"Tama ka ng iniisip. Kapag hindi mo nagawa ang misyon, kailan man hindi kana makakabalik sa realidad. Mananatili kang nasa panaginip."

Shit! Bakit humantong ako sa ganito?

"Sapat na ang dapat mong malaman, Haamiah. Kailangan mo na kumilos habang may sapat kapang oras. Ikaw ay nakatakdang pumalit sa trono kaya dapat matapos mo ito sa lalong madaling panahon." Napanganga ako ng makita kung saan kami.

Kung kaninang nasa iskinita kami, ngayon naman at nasa isang malawak na kwartong puno ng pinto ang nakapalibot.

"Ano to?" Tanong ko,

"Ito ang unang pagsubok mo. Kailangan mong pasukin ang tamang pinto at makuha ang nasa loob nito. Isang mahiwang dahon na may kulay asul."

Nilibot ko ang tingin. Bawat pinto ay may mga number na nakaukit. 10,14,7,21 at 11

"Minus the middle, multiply the last one." Kabalakwas kaagad ako. Imposibleng si Alex ang nagsabi nun. Nakatayo lang siya sa harapan ko. Ang boses na yun ay galing sa ulo ko. Parang may bumulong.

Namilipit ako sa sakit ng ulo at unti-unting nanlalabo ulit ang mga mata ko. Pero kapag minumulat ko naman, kahit may kung ano ano akong nakikita. Tatlong number ang malinaw saakin.

537

Tama!

5-3x7

14

Yun nga ang sagot. Kaagad akong umapit sa pintong may 14 ang nakaukit. Dahan-dahan kong pinihit. "Pumasok kana." Sabi ni Alex saakin.

Napapikit ako at dahan-dahang pumasok. Eto na talaga 'to. Wala nang urongan.

Nasa loob na ako ng silid ng mapansin kong madilim. Unti-unti akong naglakad kahit na kabadong-kabado ako at hindi alam ang gagawin. Madilim man pero pinilit kong lakasan ang loob ko. Kailangan kong maging matapang. Naglakad lang ako sa kawalan, bahala na si batman.

Kailangan kong makaalis dito.

Sa dulo ng kwarto. Nakikita ko na ang mala asul na liwanag mula sa isang dahong nakalutang sa hangin. Hindi kalakihan pero nakakamanghang tignan. Hahawakan ko na dapat pero bigla nalang ako naramdam ng pamimilipit ng katawan. Anong nagyayari saakin?

"Araaaaayyy!" napapsigaw ako sa sakit. May mga boses akong naririnig. Hindi ko maintindihan pero binabasag nila ang tenga ko. Malakas, masakit, masikip. Lahat na siguro nararamdaman ko. Inipon ko ang lakas ko para abutin ang dahon. Nakailang ulit ako sa pag-abot. Hanggang sa huling lakas ko ay nakuhako ito. Sana tumigil ang kaninang nararamdaman ko.

Halos tinakbo ko na ang labasan. Kaagad akong sinalubong ni Alex, "Isang pagbati ng unang tagumpay, Haamiah." Tinanguan ko lang siya.

Naulit na naman ang nagyari kanina, nasa ibang lugar na naman kami. Mabilis ang pagiiba ng lugar kung saan kami napupunta. Ngayon ay nasa maraming tao kami. Parang palengke. Maraming tao at hindi mapakali. Napadaan kami sa iba't ibang pwesto hanggang sa napahinto kami sa gitna.

"Para sa ikalawang pagsubok, kinakailangan mong makuha ang apat na dyamanteng nasa paligod lang. Gamitin mo ang utak mo. Nasa paligid lang ito nakatago."

Sasagot pa sana ako ng mawala siya sa bigla. Nasaan na naman kaya siya pumunta.

Nagmadali akong halughugin ang paligid. Sa isang kahon. Mga prutas ang laman. Ngunit isang nakakaagaw tingin ang mapapansin sa loob nito. A shiny yet small piece of stone. Ng hawakan ko 'yun. Napagtanto kong iyon ang dyamante. Color green.

Nakuha ko na ang una. Sa katabi nito ay isang bote, sa loobmay kumikislap na bato, dali kong kinuha ang pangalawa. Sa pangatlo ay medyo nahirapan ako. Kung hindi dumaan ang isang aleng may dalang supot, hindi ko makikita ang pangatlong dyamante.

Panghuli na 'to. Kailangan makuha ko ito kaagad.

Isang tindahan. Idang aleng nakatingin saakin. Lumapit ako sakanya, "Ale may nakita kabang kulay berdeng dyamante."

Nginitian niya ako at inilahad ang kamay niya, "Eto ba ang hinahanap mo?" Saka niya inilapag. Kukunin ko na saa ng may sinabi siyang hindi ko maintindihan hanggang sa, "Gawin mo ang tama. Ikaw lang ang makakapagpatunayan ng dating misteryo."

Naramdaman ko ang lamig ng ihip ng hangin. Isang napakalamig at nakakatayong balahibo.

"Huling pagsubok nalang, Haamiah. Matutuklasan mo narin ang nais mo." Bulong ni Alex. Alam kong nasagilid ko lang siya.

Nagiba ang lokasyon namin. Nasa isang malawak ba kagubatan kami at napapalibutan ng malalaking halaman. Eto na ang huling pagsubok ko. Kailangan kong matapos 'to para makabalik na ako sa kung saan man ako galing.

"Isang nagaapoy na bato ang kailangan mong makuha mula sa puso ng kagubatan. Kapag nahawakan mo na ito, dadalhin kana nito papunta sa mundo mo. Makakabalik kana at matutuklasan mo narin ang nais mo." Naglaho siya ng parang hangin. Unti-unting nawala sa gilid ko.

Kaagad akong tumabko papunta sa puso, pero nagpabalik-balik ako sa dinaanan ko. "Nasaan na ako?" tanong ko sa sarili ko.

Napaisip ako. Nasaan nga ba talaga ako? Nilibot ko ang tingin sa buong kagubatan. At doon ko nahanap ang huling bagay na kailangan kong makuha.

Ang nagaapoy na bato. Nasa itaas ito malaking puno. Kinakailangan itong akyatin. Sinubukan ko, ngunit napaka taas sobra. Dahat dahan ulit akong umakyat. Bahala na si batman. Umabot ako hanggang sa sanga. Siguro naman abot ko na ito.

Nag aapoy. Mainit at kung ano ano pa pero para kailangan ko itong tiiisin.

Maabot ko na.

Mainit. Nakakapaso. Nakakaliyab ng damdamin. Tiniis ko ang sakit sa kamay hanggang sa maabot ko ito. Unti-unting lumiwanag ang lahat.

Napamulat ako kaagad. Pawisan ako habang hinahabol ang hininga ko.

Dun ko napagtanto ang dami ng taong nakapalibot saakin. Hindi ito ang kwarto ko. Hindi ito ang bahay ng tita ko. "Nasaan ako?" tanong ko sa babaeng nakadamit bestida na nasa tabi ko.

"Maligayang pagbabalik anak." Nginitian niya ako at hinimas ang buhok.

Anak? Isip ko. "Sino ka?"

Dumating bigla ang tatlong lalake at iisang babae. Nginitian ako ng lalakeng tumabi sa kaninang kasama ko. "Kami ang mga tunay mong magulang Haamiah. Ako si Haring Cis at siya ang iyong ina na si Reyna Mae. Maligayang pagbabalik."

"Pagbabalik? Hindi naba ako nananaginip? Bakit nandito ako? Bakit hindi ito ang kwarto ko?"

"Ikaw ay nakabalik na mula sa hinaharap, anak. Ang totoong buhay mo ay nasa nakaraan. Ito ngayon. Ang tanging naranasan mo ay dapat na kakaharapin mo, ngunit binago mo ito dahil sa misyon. Nagawa mo lahat ng iyon, kaya ikaw na ang papalit saamin. Ikaw ang tagapagmana ng trono."

Trono? Kaharian?

"Welcome back." Naagaw ang atensyon ko sa dalawang taong nakatayo sa likod nila.

"Alexa? Alex?" nagtataka kong tanong. Papaano sila napunta rito?

"Kami nga, Justine." Nginitian ako ni Alexa, "Hindi man kapani-paniwala pero eto ang katotohanan. Lahat ng naranasan mo kasama ako ay ilusyon lang."

"Ako ang nakatakdang maging hari. Ako ang magiging kasama mo sa panibagong laban na kakaharapin natin." Ngiting sambit ni Alex.

"Ibig sabihin ba ni-"

"Oo anak. Ikaw ang mamumuno sa nakaraan at sa magiging hinaharap. You're the heir of the solstice."

Indeed.

Ako si Haamiah sa nakaraan, at magiging Justine Saavedra sa hinaharap. And,

I am the heir of the solstice.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: