Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Game Of Love

Game Of Love by anonymousee

I love her.
3 years ng paghahabol sa kanya ay hindi biro.
I've been running so long pero hanggang ngayon, milya pa rin ang layo niya sa akin.
Ang hirap niyang habulin.
Lalo na't may hinahabol siyang iba.
How many years will it last?
Gaano katagal kaming maghahabulan at magpapakapagod sa larong ito?
Basta ako. I will run forever just to have her heart.
Sana tumigil na siya sa pagtakbo at hayaang mataya ko siya.
At pag nasa akin na ang puso niya.
Hindi ko na hahayaan pang mapagod siya sa paghahabol sa iba.

[Lance Alexander Zamora]

"Russ! Wait hintayin mo naman ako!" sigaw ni Alexa kay Russ na mukhang walang narinig at dire-diretso pa ring naglalakad sa hallway ng campus. Tsk. Alexa will always be Alexa. Bakit ba habol siya ng habol sa kulugong yun gayong nandito naman ako?

"Alexa. Tara na" I hold her wrist at hinila siya papuntang parking lot.

"Oy ano ba! Kay Russ ako sasama!" pagmamatigas ni Alexa. Haay!

Ilang taon na bang ganito ang sitwasyon? Tatlo? Tatlo't kalahati?

Ang tagal tagal na pero hanggang ngayon ay pinipilit kong abutin ang puso niya pero may inaabot din siyang iba.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Patuloy akong naglakad pero nagpupumiglas parin siya.

"Lance please! Please hayaan mo na akong puntahan si Russ! Baka nakalayo na yon!"

"Alexa. Don't you see? Tatlong taon mo na siyang hinahabol pero ano? Wala ka namang napala diba? May iba siyang gusto! Can't you see it huh? Nandito naman ako Alexa eh!"Hindi ko mapigilang sumigaw. Ano bang pinakain ng hapones na yon dito at gustong gusto siya ni Alexa?

"Eh bakit din ba habol ka ng habol sakin? Di mo ba nakikitang wala akong gusto sayo? Mas gugustuhin ko pang mapagod kakahabol kay Russ kaysa ipagpilitan ko ang sarili ko sayo! You're not the man of my dreams Lance. Its Russ and it will always be Russ. Siya lang at wala ng iba. Kaya pwede ba? Bitawan mo na ako!"

Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak ko sa kanya. It's not the first time na nasaktan niya ko through her words. Nasasakal na ba siya sa akin?

"Fine. Habulin mo na siya. Hindi na kita papakielaman. Goodluck Alexa." Papasok na ako ng kotse pero may sinabi muna ako.

"I love you Alexa. So much that it took so long at hinahabol padin kita. But this fvcking game of love is so.. Ugh! Ang daya Alexa. Ang daya!"Sumakay ako ng sasakyan at iniwan ang mahal ko ng mag-isa. Sana lang makuha niya na ang gusto niyang makuha. Okay. Masaya na ako kung saan siya masaya. Pero siguraduhin niyang dun talaga siya masaya sa Russ Hyuga na yon dahil kung hindi. I'll continue running. Kahit nakakapagod. Wala akong pakielam.

After 5 months...

"Marcus pare, ano ng balita dyan?" tanong ko sa kaibigan ko sa phone.

Five months had passed and I am still hoping that one day, an angel named Alexa Gabrielle Delos Reyes would call me at sasabihing "Bumalik ka na. Miss na kita" Pero wala.

Pinilit kong magmove-on pero parang kapag nagmove-on ako ay yun na din ang katapusan ng buhay ko. Kanya nalang umiikot ang mundo ko. Siya ang buhay ko. Hay! Ang bading pakinggan.

"Ayos naman pare. Your sisters are missing you so much. Wala ka pa bang balak umuwe? You've missed already five months sa school. Baka di ka makagraduate niyan." sagot ni Marcus sa kabilang linya. Who would want to see the girl he love running towards others? Masakit diba?

"What's the use of powers Marcus?"I asked.

"Okay okay brad. I know, you're the congressman's son." Natatawang sagot ni Marcus "Pero kailan ka nga uuwi? Your sisters are missing you so much and your mom." dagdag pa niya.

"I don't know. Maybe this week? Namimiss ko na din ang Manila" Sagot ko. Five months na halos ako dito sa Paris. Miss ko na nga siya eh. "Siya ba, hindi ako namimiss?" Tanong ko. Malay mo?

"Ewan pre. Habol pa din ng habol kay Russ. That girl's really addicted to him that much huh?" Sabi niya. Hay! Okay okay. I know he does'nt missed me.

"Ganon ba. Oh siya sige na pre. Baba ko na to. I'll go back there maybe next next day. Miss ko na diyan eh." I said then end up the call. Ano na kayang balita kay Alexa?

[Alexa Gabrielle Delos Reyes]

"Asan na ba si Russ?" bulong ko sa sarili ko. Nawala siya sa paningin ko nung tinawag ako ni Nikki at Dom! Kasi naman eh.

Inikot ko pa ang buong campus at nakita si Russ sa may benches malapit sa garden ng school.

"Russ!" sigaw ko sa kanya. Nilingon naman niya ako at nakitang napa-tsk pa siya. Hay! Talaga naman si Russ. Pakipot pa eh. Alam ko naman gusto din niya ako. Nakita ko na siyang namula noong sinabihan ko siyang mahal ko siya! O diba? Kyaa.

"Alam mo ba kanina pa kita hinahanap. Nga pala Russ gumawa ako ng cookies para sayo! Tikman mo. Pinag--"

"How long have you been doing this? And how long are you going to continue doing this?" Biglang singit ni Russ.

"Eh. Russ hindi ako titigi--"

"Hindi ka titigil? Oh come on Gab. Can't you see? Hindi kita gusto dahil may iba akong gusto! Hindi ko siya makuha kuha because of you! You keep on sticking on me kaya akala niya niloloko ko siya. Please Gab! Layuan mo na ako!" sigaw ni Russ. Namumuo na ang luha sa mata ko. Ilang beses na niya yang sinabi yan pero bakit parang mas masakit ngayon? Dahil ba ngayon niya lang nasabing lumayo na ako sa kanya?

"Pero Russ. I know na alam mong hindi ko kaya. And I know you also had feelings for me." Tanong ko. "Namula ka nung sinabi kong mahal kita" dagdag ko pa.

"Namula? Namula ako sa galit nun Gab! Hindi mo ba naiintindihan? I dont love you because I love somebody else! So please. Lumayo ka nalang! Sorry for hurting you but I know this is the only right thing to do. Sorry Gab. Di ko maabot yung gusto kong makuha dahil hatak ka ng hatak sa akin pabalik. Mali yun Gab. Maling mali ang ipagpilitan mo ang sarili mo sa taong ayaw sayo." Tumayo siya at nagsimulang maglakad palayo sa akin.

"Si Lance. He's better than me FOR YOU. Wag ako Gab." Sabi pa niya at tuluyan ng umalis.

Ang sakit. Maganda naman ako. Mabait. Madami ng nanliligaw sa akin. Pero bakit siya hindi niya ako makita kita? Aray lang.

Nasan na ba yung Lance na yon!? Diba pag pinapalayas ako ni Russ sa harapan niya, siya yung sumasalo sa akin? Eh bakit ngayon wala siya? Ang tagal niya ng di nagpapakita't nangungulit ah?

Eh teka. Bat ba iniisip ko siya?! Grr!

Kriiiing kriiiiing ..

"Hello?" Sabi ko ng hindi man lang nakita kung sino yung tumawag. Medyo halata pa sa boses kong galing ako sa madugong iyakan.

Tatlong araw na simula nung sinabi ni Russ yun. Pero hanggang ngayon masakit pa din. Gabi na at nandito ako sa kwarto.

"Is there any problem Alexa? Bakit ganyan ang boses mo?" Dugdug. What the? After 5 months narinig ko ulit ang boses niya! God! I am supposed to be crying all along because someone broke my heart but why am I feeling happy na narinig ko ulit ang boses niya? Galit ako sa kanya diba? Bakit parang feeling ko namimiss ko na siya? Ayt!

"Who you?" kunwaring sabi ko sa kanya. Hehe. Pakipot effect kunwari.

Wait. PAKIPOT!? Ohmydee!

"Ow. Nabura mo na ba sa phone mo ang number ko?" sagot niya. Eh! Bakit parang kinikilig ako? This is a hell of a big problem!

"Yeah. Tatanungin ko ba kung sino ka kung alam ko naman? Oh cmon Lan--"

Napahawak ako sa aking bibig. OH MY GOD! Nadulas ako! Narinig ko pang natawa siya sa kabilang linya.

"Hahaha. You're still the Alexa that I know. And I love." he replied.

"Nasan ka ba ha? Nawala ka nalang bigla ng parang bula." tanong ko denying the fact na nagkakagulo na ang mga paru-paro sa tiyan ko. What the hell am I feeling?

"Why dont you open the door on your room to know the answer?"

Napakaripas ako ng takbo sa pintuan. Agad ko itong binuksan at nakitang nakangiting nakatingin sa akin si Lance. Ewan ko kung anong sumapi sa akin at niyakap ko siya. Walanjo! Ano ba tong nararamdaman ko? Kanina halos magbaha na sa bahay sa sobrang pag-iyak ko. Pero tumawag lang siya at narinig ko lang ang boses niya, sa isang iglap ay nawala ang sakit at napalitan ng saya.

"Ouch!" sabi niya. Binatukan ko kasi. Hahaha. cute!

"Gago ka. Saan ka nagpunta? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" tanong ko.

"Diba sabi mo layuan na kita? Ginawa ko naman ah. Kaso di ko natiis. I miss you so much Alexa." Blush. Okay! Kinikilig ako. Mahal ko na ba siya? But why so fast?

"Sira! Syempre arte lang yun para umalis ka na! Tinototoo mo naman. Hay! Nakakalungkot kaya nung wala ka. Ang boring ng buhay ko-- Ooops. H-he-he." Mas lalo siyang gumwapo sa lapad ng ngiti niya.

"Ang sarap pala sa feeling na sinasabihan ka ng ganyan ng mahal mo." Sabi niya.

*message receive*

Russ : Yohoo! Finally sinagot na ako ni Nikki! Ang saya saya ko! Just wanted to inform you that me ang Nikki will never be seperated again.

Gm.

Wooh. Sila na? Eh teka. Bakit walang sakit? Bakit parang ang sarap sabihing 'Okay. As if I care?' Waah!

"Nak! Dinner na muna kayo ni Lance dito sa baba!" sigaw ni mama. Agad ko naman siyang niyaya sa baba.

[Lance Alexander Zamora]

Isang buwan pagkatapos ng pagkikita namin ni Alexa ay sobrang saya na ng buhay ko.

Araw araw na kaming magkasama. Masaya. Minsan nagdedate. Nasa bahay nila ako minsan para makapagbonding kami.

Pumayag na din siyang manligaw ako. Oh diba? This is the happiest point of my life!

"Lance. Ano sa tingin mo ang bagay sakin?" tanong ni Alexa sabay pakita sa akin ng dalawang gowns. Actually, kahit ano namang suotin niya, babagay padin sa kanya eh. Kahit basahan pa yan.

"Anything honey." sagot ko sa kanya. Nakita ko namang pumula ang pisngi niya.

"Honey honey ka diyan. Pakagat kita sa bubuyog eh!" Alexa said then went to the counter para bayaran ang napili niyang gown. Bukas na kasi ang prom night ng mga seniors. Kaya eto, nagpasama ang mahal ko na magpabili ng susuotin niya bukas. Bukod sa prom night. Tomorrow will also be a big day.

"Goodnight honey. Sunduin nalang kita bukas." Sabi ko pagkarating namin sa labas ng bahay nila. Gusto ko pa sanang magstay pero masyado ng gabi at baka pagod na rin si Alexa kanina.

"I said stop calling me honey. Chupi ka na nga!" Hahaha.

"Sige na. Bye!" Sabi ko. Sumakay na ako sa loob ng sasakyan.

"K. Thankyou Lance! Goodnight! Ingat!" She said while waving her hand.

"Bye. Sleepwell. Dream of me. I love you!" Pahabol ko bago tuluyan umalis ng sub. nila.

[Alexa Gabrielle Delos Reyes]

"You're really so beautiful my princess" Sabi ni Lance. Kanina pa yan nung nasa bahay pa lang! Ngayong nandito na kami sa venue at nasa kalagitnaan na ng program ay yun padin ang sinasabi niya.

Kinikilig naman ako ang yeah. I admit it. Wala na yung feelings for Russ. Parang sa isang iglap lang nalipat yun lahat kay Lance.

"Oh na. Paulit ulit eh." Sagot ko.

"Cr lang muna ako Alexa. Sama ka?" Natatawang sabi ng kumag. Nasapak ko tuloy.

"Tseh!" Sabi ko bago siya tuluyang umalis.

Limang minuto na ang nakalipas pero wala parin siya. Ang tagal naman nun! Natae na ba yun?

Maya maya'y may nag-abot sa akin ng rose. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Ang dami! Tinatanong ko naman sila pero ngingiti lang sila. Hello? What's happening in this country?

"Ang dami" bulong ko sa sarili ko. Tapos, nagpalakpakan sila at isa isang nagtinginan sa stage. Ako naman si ganda, kinilig.

Pano nandun si Lance! Diretso ang tingin sa akin at nakangiti pa. Kinuha niya ang mga roses na hawak ko at binigay sa kaibigan niya. Marcus ata ang name. Then he hold my hand at sinama sa taas ng stage.

"Anong kalokohan to Lance?" tanong ko sa kanya.

"Ehem. Ah Alexa. Hindi to kalokohan lang. It's a big day for me. Although hindi ko pa alam yung isasagot mo. Alexa, ikaw. Simula nung nakita kita, wala ng ibang tiningnan pa ang mga mata kong to. Nung una masakit. Oo, dahil si Russ lang ang nakikita mo. Para tayong naglalaro ng habulan. Pinipilit kitang makuha pero may hinahabol kang iba. Pero Alexa, sinabi ko sa sarili kong susugal ako sa larong to. Kahit na matalo padin ako sa huli, makikipaghabulan ako sayo. I love you so much Alexa. So much that I would die if your heart will not be mine. Ikaw na ang buhay ko. Ikaw lang at wala ng iba."

Literal na napanganga ako sa mga sinabi ni Lance. Naiyak na din ako. Ang saya! Ganito pala ang feeling na mahal ka ng mahal mo.

"Alexa. Umoo ka man o hindi, like what i've said awhile ago. Susugal ako matalo man, okay lang. Atleast nagtry."

Huminga siya ng malalim bago nagsalitang muli.

"Please be mine Alexa. Please be my girlfriend." Sabi niya. Tuloy tuloy ang agos ng luha ko, pero hindi na dahil sa sakit kundi sa saya! Mahal na mahal ko na talaga si Lance.

"Pasensya na kung nasaktan kita noon Lance. But promise, I will not hurt you anymore and I will be a good girlfriend to you. Yes Lance. You are my boyfriend already." Unti unting nagpalakpakan ang mga tao.

"Yes!!" Sabi ni Lance sabay yakap sa akin. "I love you so much. Thankyou!"

"I love you too" Sabi ko at agad na naglapat ang mga labi namin. Thankyou lord.

Alam kong nasaktan ko siya nung una pero ngayon, di man ako sigurado kung kami nga talaga hanggang huli ay mamahalin ko siya ng sobra.

"Honeymoon" Sabi ni Lance. Binatukan ko nga. Loko! Honeymoon agad agad?

"Hahaha! Joke lang. I love you so so so much my princess!"

-End-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: