Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Accidentally I'm In Love

ACCIDENTALLY I'M IN LOVE by ExoticAlien

==============================================
~Francis's POV~

"Master Gato pinatawag niyo raw ako?" tanong ko habang naka yuko sa harapan niya.

"Oo, Francis may pag-uusapan tayo tungkol sa bagong mission mo. Maaring ito na ang huling mission mo, kung saka-sakaling maraming merits and makuha mo dito." Sagot ni master.

"What do you mean? Master?" yeah, kala niyo kayo lang ang pwedeng mag-english, huh! pinaghirapan ko yang salita na yan kaya huwag epal diyan. (=___=)seryoso ako.

"Sa tingin ko ito na ang huling taga-lupa na pagsisilbihan mo sa loob ng isang linggo." Seryosong saad ni master. Tumayo siya and head himself to the nearest balcony.

"T-talaga! master! (^____^) kailan po ako magsisimula." excited na akong makilala at makita kung sinong taga-lupa aking pagsisilbihan at isakatuparan ang tatlong kahilingan.

"Maghanda ka na, bukas magsisimula ka na" Seryoso siyang humarap sa'kin.

"Yehey! Master Gato thank you, I wab u." I said with full of excitement.

"Magtino ka nga! Kahit kailan talaga nilalaro mo lang ang trabaho mo. Don't forget the rules Francis! alam mo yan, and remember your previous violations huh!! marami ka ng violations please Francis don't attempt to make another failure this time kung mangyari man baka hindi na kita matutulungan. Baka mag-away na naman kami ni Gandang Alexa ko dahil sayo."

-------------------
Ngayon na ako magsisimula sa mission ko, sana magawa ko to ng maayos para ito na ang huling mission ko.
"Master Gato, saan dito sa taga-lupang ito ang tutulungan kong tuparin ang tatlong kahilingan" tanong ko habang nakatingin sa bolang kristal.

~Princess's POV~
Hay, balik sa dating gawi, bahay-trabaho-bahay-trabaho yan ang daily routine ko every weekdays. Sa weekends naman, bahay-mall-kain-bahay- ganyan lang ka boring ang takbo ng buhay ko.

Wala na kasi ang tagapagtanggol ko, ang taong nagpapasaya tuwing malungkot ako, ang taong laging andyan sa tabi ko, at dumating araw na lilipat kami at siya ring ang araw na hindi ko makakalimutan, ang huling araw na nagpaalam ako sa kanya at nagpinky promise kami na magkikita kami tuwing bakasyon ngunit sa pagbisita namin doon wala na siya, umalis na siya na hindi man lang nagpapaalam sa akin, bigla lang siya nawala kahit magparamdam man lang ay hindi na nagawa.

Kaya ngayon, tanggap ko na, tanggap ko na wala ng nagmamahal sa akin maliban sa pamilya ko. Simula 'nun bahay-school-bahay lang ang ginagawa ko araw-araw hanggang sa nag-college na ako. Niyaya ako nila ate mag-out of town noong nakaraang buwan para magliwaliw pero wala pa rin nagbago.

"Princess, anak! Bumangon ka na male-late ka na sa trabaho." I stop mesmerizing when my mother knock on the door.

"Yes, ma, maliligo na po ako." Sigaw ko.

Babangon na sana ako sa higaan ko ng may naramdaman kong may yumakap sa akin. (O.o)

"Aaaaaaaaahh---------ghicgibsf" biglaang sigaw na biglaan ring takip niya sa bibig ko.

"Sssssssssshhhhh, tch! Ang ingay naman, ganyan ka ba pagnakakita ka ng gwapo sa tabi mo?" (O.O)m-may m-magnanakaw, m-may gusto---.
"Aalisin ko ang kamay ko sa bibig mo basta wag kang sisigaw dahil maging katawa-tawa ka lang Princess pagsumigaw ka." Mahinahon niyang sabi at tumango na lang ako kaya inalis niya.

"W-who are you? H-how arggghh!!you get inside my room? Why are you here? Who told yo---" tumigil ako sa sunod-sunod na tanong when he gave me a death glare look.

He explains and answers the questions that's buffering in my mind. After that, meron ng pumasok na unang wish ko, kaya.

"Oh! anong mukha na naman yan? Huwag mong sabihin na hindi mo pa naintidihan? Psh, sana nagrecord na pala ako para ma-rewind ko lahat" he sadly says.

"Psh, yun agad ang pumasok sa utak mo? Hindi pwede na meron na akong first wish" I broadly says and stood up.

"Oh! anong first wish mo?" He asks after he realize what I had said.

"Gusto ko ng 1 week leave" I directly said.

"Are you sure? Yan ang wish mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo, yan ang wish ko.Kung kaya! Para maniwala ako sayo na magawa mo ang three wishes ko do my first wish now." I playfully commanded him.

"Ok,your wish is my command my Princess, but for now pumasok ka muna ngayon sa office mo my Princess *wink." After saying those words he immediately appeared. Psh, kinikilabutan ako sa tawag niya sa'kin.

Pasakay na ako ng elavator ng maabutan ko ang sekretarya ng Presidente ng pinagtatrabahuan ko.

"Ahmm. Are you Miss Princess Saavedra?" mapadudang tanong niya. I just nod as an answer.

"Mr. Madrigal wants to talk with you in his office, sabay na tayo pumunta sa office niya." After that, the elevator opens and head our feet to the President's office.

"Sir, nandito na po si Miss Saavedra." The secretary says after her slightly open the president's door.

"Ok, let her come in." Nag marinig ko ang sinabi niya ay pumasok na ako.

"Magandang Buhay! Po Mr Madrigal, pinatawag niyo raw po ako?" I nervously ask.

"Miss Saavedra, napansin ko matagal ka na nagtatrabaho sa companya ko at active ka rin sa mga seminars at you devotedly gives your time and efforts sa company kaya bilang pasasalamat I'll give you one week vacation. Please don't refuse my offer kahit one week lang makapagrelax ka."
----------------
"Hay! Bilib na ako sayo poging Francis, may powers ka talaga." I cheerfully say.

Pumayag na ako magleave. Nandito ako ngayon sa beach, Oo beach talaga! Gusto kong magrelax na walang sagabal pero I invited my family para magkabonding din rin kami pero hindi pwede kasi hindi kami kompleto, nasa states kasi ang ibang kapatid ko with their families na rin kaya sabi ni mama, solohin ko na ang isang linggo para sa sarili ko para maka unwind, sa darating na Christmas na raw kami magbonding kasi seguradong kompleto na kami 'nun. I love my mother she knows what is best for me.

"Anak ng....so pinagdudahan mo pala ako! Ang sakit, (T_T)napakasakit tinutusok-tusok ang heart ko oh, kita mo to!" hahahaha!! madramang Francis.

"Psh, ewan ko sayo.Tusukin ko yan ng true puso mo eh! Makita mo. At tsaka ba't yan ang suot mo?" takang tanong ko.

"Oh! Anong masama sa suot ko. Ok naman ah." He innocently says.

"Ba't nagsuot ka pa ng pangsummer outfit diyan? Eh, hindi ka naman makikita nila?" I ask.

"Huh! Bakit ikaw lang ba ang pwede? Kala nito! Nakakasakit ka na ata ng damdamin my Princess ah." Teary eyes pa habang sinasabi niya yan huh.

"Anong nakakasakit ng damdamin? Sinasabi ko lang naman ang totoo po poging Francis." I said.

"Psh, nag-effort pa naman ako sa susuotin ko tapos binabaliwala mo lang *huhuhuh." Umiiyak-iyak na yan.

Sino ba ang pumayag na maging genie to? Mukhang baliw to eh, at ang isip bata nito. Parang hindi ata ako makapagrelex sa buong linggo nito. Babantayan ko pa ata siya sa buong linggo? (O.O).Anak ng.... ang swerte niya ata. Sa ganda kong to? Ako ang babysitter nito?

"Hoy! Poging Francis, huwag mong ubusin ang pasensya ko! Baka makapagdesisyon ako sa second wish ko na palitan ka bilang genie ko." Deritso kong sabi.

"Ay! Wala naman ganyanan my Princess. I'm doing all my best in this job kasi ito na ang huling trabaho ko kapag nagawa ko ng maayos ang serbisyo ko." At ngayon naging seryoso naman siya. Hahay mood swings.

"Hay! Kaw naman, joke lang yun noh! Di ko naman totohanin yun. Mahal kaya kita." I said

"T-talaga! Mahal mo na ako? My Princess. Kung sabagay sa poging kong to sinong hindi mahuhulog at mababaliw sa angking kagwapuhan ko (^________^)." Ang hangin naman ata. (=__=)

"Psh, P-paano ba kita papatayin ang kahanginan mo ang lakas." I say in a sarcastic tone.

"Basta, huwag mo na ulit sabihin yun huh! Kinakabahan ako bigla. Alam mo ba yun." Ang seryoso naman ata niya.

"Opo poging Francis, sorry na ulit." Sabi ko.

Nandito na ako sa beach as in sa beach na talaga, naka apak na talaga ako sa buhangin nasa likod ko si Francis lumalaki ang mga mata sa mga nakikitang magagandang view. Psh, ang pervert nitong genie na to. Nawala ang monologue sa isipan ko ng may tumawag sa pangalan ko.

"Princess? Is that you?" Hinarap ko ang taong tumawag sa pangalan ko and....

"R-Rinrin?" utal kong sabi.

"Oh! Ikaw nga. Ang tagal nating hindi nagkita. Kumusta ka na?" Sabi niya lumakad palapit sa akin.

"Huh! Sino yan? My Princess? Ang panget niya." (=__=) Pagbabae ang nakikita maganda pero paglalaki panget? Saan ang hustisya nun! Naku pagnahahawakan ko talaga to si Francis malamang kanina ko pa to binatukan. Pasalamat siya hindi ako makasalita baka mapagkamalan pa akong baliw ni Rinrin.

"A-aah, ano o-ok lang ako Rinrin. Ikaw?" nauutal ako kasi si Francis kung ano-ano ang ginawa sa harapan ko para madistract lang kay Rinrin. (=__=).

"Ok, lang ako, halika ipakilala kita sa mga kasamahan ako." At ayun hinila na niya ako.

Masaya kaming nagkwentuhan sa mga kasamahan ni Rinrin. Ang saya pala nilang kasama hindi ka mabo-bored sa mga kwento nila. Si poging Francis???? Ewan bigla kasing nawala. Baka nandun sa mga magagandang view, alam niyo na.

Ilang oras na kwentuhan ay nagpaalam na ako. Pero nagpaalam rin si Rinrin para samahan ako. Ang sweet naman niya. Parang alam ko na ang second wish ko (^U^). Pero parang may kulang, Oo parang may kulang. Wala kasing nangungulit miss ko ata bigla si poging Francis, asan na kasi yun.

Masaya kami namasyal ni Rinrin. At ng gumabi ng nagpasya na kami na umuwi kaya nandito na ako sa kwarto ko. Hay, asan na kasi si Francis, ba't hindi ko na siya nakikita. Binuksan ko na ang pinto at pumasok.

"Oh! Ginabi ka yata?" bungad na tanong ni.....

"Oh, ginabi ako pake mo?" tanong ko rin sa kanya.

"Sungit naman, kumain ka na ba?" huh! Ba't ang seryoso niya naman ngayon.

"Yep, kumain na kami ni Rinrin." Sagot ko habang kumukuha ng tubig sa ref.

"Ah, ganun ba." He says that in a bored tone.

"Teka, poging Francis meron na akong second wish." Masaya kong sabi.

"Oh, ang bilis naman ata..sege ano ba yun?" he asks.

"Please let me fall in love." Seryoso kong sabi.

"Huh! Seryoso ka ba?" takang tanong niya.

"Oo, seryosong-seryoso ako at hindi na magbabago yun." Seryoso talaga ako.

"Pero, ano...... psh! Paalalahanan kita ulit my Princess na bawal ng bawiin ang wish mo." Tumango lang ako bilang sagot.

Matapos nun, natulog na ako. Hindi na rin ako kinukulit ni Francis. Ngayong umaga ganun pa rin walang poging Francis ang nakita ko. Saan naman kaya nagpunta yun? Psh, malamang nandun na yun sa mga magagandang view. (=__=)

Kasama ko ngayon si Rinrin at nag-aya na mamasyal, nandito kami sa isang Seafood Restaurant kumain muna kami bago mamasyal.

"Masarap ba ang pagkain Princess?" nakangiting tanong ni Rinrin.

"A-ah, Oo masarap, ang sasarap ng mga pagkain dito Rinrin." Masayang sagot ko.

Feeling ko kasi, parang may gusto akong makasama ngayon, Yung pwede kong ipakita kung ano talaga ako, yung walang halong hiya sa sarili kong ano talaga ako. Tinupad ba ni Francis ang second wish ko? Parang wala ata akong nararamdaman, saan na kasi siya. Naiinip na ako dito.

"Ok, ka lang ba Princess? Masaba ba ang pakiramdam mo?" alalang tanong ni Rinrin.

"Ah! Don't mind me I'm okey, may iniisip lang ako." Sabi ko habang iwinawagayway ang kamay ko.

Pagkatapos namin kumain, naglakad-lakad kami sa tabing dagat, nagkwentuhan at nagtawanan sa mga kabaliwan namin 'nung bata pa kami. Masaya ako na nakita ko ang kababata ko, Nagtanong ako sa kanya kung may balita ba siya sa isa sa kababata namin. Ang taong gustong kong makita, at gusto kong malaman ang estado niya ngayon. Pero nalungkot ako ng malaman ko balita, na yung taong yun was in coma.

"Princess ok ka lang ba talaga?" nag-alalang tanong ni Rinrin.

"Saan siya ngayon? Wala na bang ibang paraan para magising siya?" malapit na akong umiyak pagkasabi ko 'nun.

"Ang natatanging pag-asa natin ay manalig si Diyos, manampalataya." Sabi niya habang hinawakan ang kamay ko.

"Sana magising na siya." Yumakap si Rinrin ng pagkasabi ko nun. Pagkatapos ay nagpasya na akong umuwi at magpahinga.

"Oh! My Princess ang aga mo atang umuwi." Bungad sa akin ni Francis.

"Heh! Saan ka ba galing? Hindi pa tapos ang trabaho mo nang-iiwan ka na." tampo kong sabi.

Hay, mabuti naman at nandito na siya. Na miss ko siya bigla.Hindi ko alam anong nararamdaman ko pero masaya talaga pagkasama ko si Francis. Si Rinrin? Masaya naman siyang kasama pero iba kapag si Francis eh.

"A-ano, d-diyan lang sa tabi-tabi." Utal niyang sagot.

"Wee, sa tabi-tabi? Eh hindi nga kita nakita eh." Biro ko.

"Psh, ang dami mong tanong my Princess magpakatao kaya ako sandali para halikan kita diyan, makita mo, para tumahimik ka." Sabi niya.

"Huh! Subukan mo lang. Baka ang last wish ko baka patayin kita, makita mo." Binalaan ko.

"Ohw! Speaking of last wish, remind ko lang na isulat mo na ang wish mo at ilagay sa bote bago mo ihagis sa dagat kapag handa ka na sa last wish mo. Pero hindi ako ang tutupad kundi ang master namin dahil tapos na ako mission ko. Doble ang nakuha kong merits sa mission na ito. Kaya nagpapasalamat ako sayo my Princess hinding-hindi kita malilimutan. Masaya ako na nakilala kita."Francis.

Simula 'nun hindi ko na nakita si Francis matatapos na ang one week leave ko ngayon, at ngayon ko rin ihagis sa dagat ang huling wish ko. Sana maging ok ang lahat pagkatapos nito. Sana makita ko pa ang tao na gustong makita sa simula pa. Sana ang lahat ng to may magandang patutunguhan.

"Uy! Miss Saavedra, alam mo ang bagong balita?" tanong agad sa akin isa sa ka-workmate ko sa opisina. Ito ang first day ko after my leave. Nagkasabay kami nag-antay sa elevator.

"Nah, hindi ko alam, naka leave kaya ako." Inosente kong sagot.

"Ay! Oo, nga pala, Alam mo ba Princess nandito ang anak na lalaki ng presidente. Balita ko, isang himala na nagising siya ilang buwan na comatose yun. At ang gwapo pa niya Princess at siya pala ang CEO dito. Ay! Teka may dadaanan pa pala ako, una ka nalang Princess" I nod as an answer and wave goodbye.

Pumasok na rin ako sa elevator at ng magsasara na may humabol.

"Ops, naka-abot pa ako."Siya? (O.O)

"I-ikaw?" ako.

"Yes! My Princess? Anong problema?" si Francis?

"Totoo, ka?" ako.

"Oo, totoo, bakit ba?" Napakagulo.

"Y-you mean kilala mo ako at totoong tao ka talaga?" hindi ako makapanila.

"Ah, Oo, kaya bigla akong nawala 'nun kasi nagising na ako galing sa coma at hindi na ako nagpaalam ng matiwasay." He says.

"Naalala mo ako?" ako.

"Oo, yan kasi ang pakiusap ko sa master ko bago ako magising." Ngiti niyang sabi.

"Coma? Galing ka sa coma?" ako.

"Oo, na-coma ako 'nung kasama mo ang family mo sa ibang bansa nakita kita, nakasunod lang kotse ko 'nun pero biglang nawalan ng break kaya ayun." Francis

"Teka, coma? Last month? You mean-----" ako.

"Oo, ako si Cis na kababata mo, na iniwan ka bigla ni hindi man lang nagpaalam." Francis.

"Tarantado ka! Ba't ngayon ka lang nagpakita sa akin." Binatukan ko at aakma ng umiyak.

"Araay! Arrraay!aishh ano kasi napilitan kasi ako nun. May taning na kasi si mama kaya kailangan kong pumunta sa states." At Yumakap si Francis.

"Ganun ba, pero ba't hindi ka man lang nagparamdam kahit sa internet para conversation man lang tayo." Ako.

"Kasi, akala ko galit ka sa akin, ni hindi ka nga masyado pumapansin sa ibang tao. Teka! Tanong ko lang ano pala ang last wish mo my Princess?" Francis.

"Ang last wish ko, Give me the signs that I already found my happiness." Hiya kong sabi.

"Psh, signs? Parang kanina mo pa ata nahanap ang mga signs mo?" Francis.

"Huh! Anong pinagsasabi mo? Lumayo ka nga. Nasa elevator tayo." Nahihiya kong sabi and I heard him chuckled.

I never thought na siya rin pala ang kababata kong kaibigan na si Cis at siya rin pala ang anak ng presidente ng companya. Matagal ko na pala nahanap ang happiness ko pero hindi ko lang napansin. Pero ngayon hindi ko na hahayaang mawala pa, siya talaga ang nakalaan para sa akin. ACCIDENTALLY I'M IN LOVE WITH MY GENIE but hindi aksidente ang matagal ko ng nararamdaman sa kababata ko na si Cis na sa totoong pangalan na si Francis Madrigal. At hindi aksidente na siya ang genie ko dahil sinadya talaga ng kapalaran.
♥♥♥♥THE END♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: