Chapter 6 | Type Mo, Type Niya Din
Chapter 6 | Type Mo, Type Niya Din
"Eleu—" Bulong ko sa sarili ko.
Hindi ako bingi. Naglilinis ako lagi ng tainga ko kaya naman sigurado ako sa narinig ko. Ayoko magsalita. Kung magsasalita man ako, anong sasabihin ko? Tangina, puso, kumalma ka! Nagpapanic na ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Ibaba ko na lang kaya? Tama! Kunwari wala akong narinig. Ibaba ko na lang—
"Huy!" Nagulat ako nang biglang magsalita si Alex mula sa likod ko. Nag-malfunction na ang utak at dila ko. Shit, wag mong kunin 'yung phone! Malalaman mo na alam kong—Wala na. Nakuha na niya.
Pinanood ko ang bawat galaw ng face muscles ni Alex. Natataranta ako sa malalaman niya at kung paano niya babasahin ang expression sa mukha ko. Tangina, ayaw ding makisama ng facial expressions ko.
"Oh, hi babes!" Napakunot ang noo ko sa biglang tugon ni Alex sa tao mula sa kabilang linya. "Grabe ka naman, oh. Lagi mo akong namimiss."
Nabasa ko ang hitsura ng mukha ni Alex. Pinigilan ko siya nang subukan niyang tumalikod sa 'kin. Tinitigan ko siya at hindi siya pinayagang makawala ang mga mata niya sa mga mata ko.
"Eh, hindi ako pwede ngayon. Mambababae muna ako ngayon, babes. Di muna kita mahal kunwari, okay?" At biglang binaba ni Alex ang telepono at humikab. "Grabe, inaantok na ako, Gab. Tulog na tayo?"
Pero mahigpit ko siyang hinawakan sa pupulsuhan nang magsimula na siyang maglakad.
"Uy, ano ka ba! Syota ko 'yun. Iniistorbo si Russ, alam niya kasing andito ka, e bawal kayong magki—"
"Lalaki ang narinig ko."
Nagulat ako nang biglang kinurot ni Alex ang pisngi ko. "Ikaw naman. Pwedeng magbago ang taste ng isang tao. Sama nito! Sumbong kita sa LG—"
"You're not gay." For the first time in history, I insisted that he's not. Ugh.
"Well, maybe I am... tonight?" Gusto niya akong makisakay sa trip niya ngayong gabi pero hindi ko kaya. "Hayaan mo na akong maging baliw ngayon, ha? Makisakay ka na lang na kabit kita."
"Stop it, Alex." Tinulak ko ang kamay niya nang bigla niya akong hawakan sa pisngi. "Ew."
"Ang hirap niyo kasing maging kaibigan, mga bessy. Ang high maintenance ninyo!" Naglakad na si Alex paakyat. Ikukuha niya raw ako ng mga unan. "Kailangan mo rin ba ng kadena just in case na maisipan mong sugudin siya in the middle of the night?"
"No need." Umupo na ako sa sofa. "You better lock your doors. Justine might strangle you in your sleep. She was possessive, you know."
"Hoy! Baka mamaya katabi mo ako sa sofa, sige ka!" Napatawa ako nang biglang kumaripas ng takbo pababa si Alex. "Idadamay mo pa ako d'yan sa drama mo. Kayo lang naman di marunong mag-move on."
"Good night, Alex." Nagdadalawang isip siya umakyat dahil nakaramdam nga ata ng takot na baka may bumisita sa kanya. Matagal din bago siya tuluyang umakyat.
'Hoy, Alex! Asan ka? Puntahan mo ko dito kay na Russ!'
Funny how I still remember his voice through the phone.
I can still perfectly tell how he mutters every word from his lips and how his eyes give reactions.
Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako sa bilis ng tibok ng puso ko.
Maybe he does belong to the list of people I've missed.
Maybe you do.
Well, maybe...
...and maybe not.
"What..." Sleep doesn't want to leave my body and I don't want it either. But someone's tearing us apart. "—the fuck are you doing?"
"Remember when I told you na kailangan mo ng kadena?" Tinulak ako ni Alex para makaupo ako nang maayos sa sofa. "It turns out that he needs it more than you do."
I. Can't. Process. Anything.
"And what do I have to do with that?" I hope I sounded clearly. I can't even open my eyes right. "Alex, please let me have my proper long date with sleep. Tuwing gabi na nga lang kami nagkikit—"
"Sa kwarto ka na matulog."
"Ayoko. Justine might change her mind at ako ang i-strangle niya—"
"Justine strangling you or letting your ex see you on my couch? Mamili ka para hindi na ako mag-aksaya ng lakas."
"Let him see me. I don't care! Just please give me my pillows back."
Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Alex nang ibalik niya sa 'kin ang unan. Patayo na sana siya pero naunahan ko siya nang biglang may bumusina sa labas. Napailing na lang si Alex at ginulo ang buhok ko.
"No," pinigilan ko si Alex. I was about to reject again when he suddenly grabbed me and locked my arms so I won't able to move. "Let go of me, Alex!"
Hinigit niya ako papunta sa taas, sa kwarto niya. "Ayoko kayong magkita at ipupusta ko ang kagwapuhan ko dahil alam kong ayaw mo rin. Matigas lang din kasi talaga ang ulo mo."
"Why is he here anyway?"
"Nagtaka ka pa? Pareho kayo ng pinaglihihan, 'di ba?"
"Shoo him away."
"Basta dito ka lang sa kwarto."
Then everything sunk in nang marinig namin ang pangalawang busina. Mabilis niya akong tinulak papasok ng kwarto. Kumuha siya ng madaming panyo at mahigpit na itinali ang mga kamay at paa ko.
"I can sue you for this, Alex!"
"Pero hindi ka naman nagpupumiglas, 'di ba?" Nilagyan niya din ng panyo ang bibig ko. "Alam mong palatandaan 'tong mga panyong 'to para wala kang gawin kabaliwan."
Fuck you.
Fuck you, Alex!!!
Inihiga ako ni Alex sa kama, nakatalikod sa pintuan. Kinumutan niya ako pero inilabas niya ang buhok ko—thinking that he could possibly go inside. Narinig ko ang pagsara ng pinto at mabilis niyang pagtakbo palabas.
Sumilip ako sa likod ko, sa may pintuan. HE. COULD. OPEN. THAT. FREAKING. DOOR.
Fuck it. Iniwan na rin ako tuluyan ng tulog ko. Pati ba naman tulog iniiwanan ako!
Punyeta, ayaw umayos ng utak ko.
Natigilan ako at mas sumiksik sa pader nang nang marinig kong bumukas ang main door. Napahawak ako sa dibdib ko, checking kung puso ko nga talaga 'yung nagwawala. Yes, puso ko nga...and I'm not happy about it.
Pero bakit nga ba ako kinakabahan?
Was it because I'm scared seeing his face?
Was it because I don't want confirmation that it's him?
Was it because I'm not ready?
Was it because I don't want to see him see me and acknowledge that...well, totally na wala na?
O baka naman dahil baka makapatay ako ng tao ngayong gabi?
All of the above?
Or maybe I don't want to know if I still—Psh. ASA.
"Kahapon pa akong na kay na Russ pero hindi ka pumunta."
And I got chill after hearing that.
"Busy. Tagapagmana, e. Ikaw dapat ang mag-adjust sa schedule ng mayaman." Alex answered casually as if wala siyang tinatago. But heck!!
BAKIT KAILANGAN SA LABAS NG KWARTO SILA MAG-USAP? ANG LAWAK NG SALAS, OH!
"Bukas wala ka rin?"
"Punta ako kay Justine bukas."
"Akala ko ba may kasama kang babae?"
"Kabit."
"Next time mo na lang bisitahin si J. Nauumay na ako sa mukha ng hapon, eh."
"Gago." Nasa labas din si Russ.
Oh c'mon!
"Asan siya?"
"Sino?"
"Yung babaeng ipinalit mo sa first love mo?"
"Wala. Umuwi na."
"Ha? Akala ko ba kasama mo?"
"Type mo 'yun, e. Agawan mo pa 'ko. Type din ni Russ. Baka ma-in love sa inyong dalawa, iwanan pa ako."
"Gago, alam mong 'di pwede."
At wala na akong narinig pagkatapos n'on.
*****
"So you're the one who's been doing all of these flower arrangements!" Pinagpagan ko ang mga kamay ko nang matapos akong ayusin ang mga bulaklak. "Muntik na akong maglagay nang CCTV para lang malaman kung sinong nanliligaw kay J."
"Akala ko ba naka-move on ka na?" Naiinis kong tanong kay Alex.
"Walang choice, e."
Umupo kami sa nilatag na banig ni Alex. Ilang segundo kong tinitigan ang ginawa kong panibagong flower arrangement nang malipat ang tingin ko kay Alex. Nahuli ko siyang nakangiting tinititigan ang puntod ni Justine.
Ilang araw matapos ang finals noon. Hindi na ako nagpapakita sa kanila nang malaman ko. Sila rin mismo ang nag-text sa 'kin ng nangyari. They were begging that I should go and visit Princess at ang burol ni Justine. They were expecting me to come—but pride consumed me. Hindi ako pumunta. Kaya naman inaasahan ko ang sobrang galit sa 'kin ni Princess. I was supposed to be there pero hindi ko ginawa.
Naaalala ko pa noong huli kong bisitahin si Justine. I was already lost back then but I still managed to visit her weekly. Si Justine na lang ang nagpapangiti sa 'kin n'on. Mabilis kasi siyang nahawaan ng witty comebacks ni Alex.
"Please look after my sister. I failed to be one but you'll do better."
Princess began calling me ate. Out of the blue 'yon hanggang sa nakasanayan na. Nagtampo pa nga si Justine noon pero tinanggap na rin niya kinalaunan.
She always reminded me of that I'll make her grave pretty. Ayaw niyang maging typical na gravestone lang o puro tiles ang nandoon. Kahit hindi na physical appearance niya ang nakikita, gusto pa rin niyang malaman ng lahat na maganda siya—at nang naaalagaan siya. She was that selfish. Pero ginawa ko pa rin. Pambawi.
Pero hindi na ako bumisita nang sumama ang loob ko sa kanya. I know she was just doing her duty as one of my friends but... I hated the fact that she wanted me to be okay—because clearly, I wasn't.
"Baka naman may dahilan siya? You know him. Hindi siya basta basta gumagawa ng desisyon."
"You don't have to do this to yourself. You're stronger than this. Magiging okay ka. You don't need someone just to be happy. Ano ka ba noong wala pa siya?"
"But you're forgetting to love yourself back."
Those hit my nerve. Masyado kong kinaawaan ang sarili ko kaya naman imbes na matulungan ako ni Justine, nagalit ako sa kanya. I was more selfish. I was expecting her to be on my side. Gusto kong magalit din siya kay Gatorade pero hindi. She took it all in and said that I will be okay.
But I don't want to be okay.
May dahilan si Gatorade, alam ko, pero wala siyang binigay sa 'kin na kahit ano. Yes, I know contentment noong wala pa siya noon pero I don't want to go back there anymore. Why would I settle on enough when I already experienced too much? And no, I didn't forget to love myself back. It's just that... I learned to give more to him than to myself. Kaya noong iniwan niya ako, ang daming nawala sa 'kin at hindi na bumalik.
Nagsisisi ako. I wanted to say sorry to her. I did sneak once noong nabalitaan kong mas lumalala na ang kondisyon niya. Ayoko pa ring magpakita sa iba kaya nagtatago ako. Sinilip ko siya sa glass window ng ICU. I was so afraid that I couldn't even have the energy to open the damn door.
Akala ko natutulog siya noon.
Not until she slowly opened her eyes and looked at me.
At 'yon na ang huli.
Tumakbo ako palayo dahil iyak ako ng iyak. It was a different kind of level of sadness. I lost Gatorade and I was slowly losing her. Devastated ako nang mga panahong 'yon.
I remember myself crying nonstop while driving. And that's when I almost and actually lost everyone, everything. Almost, actually.
"Eleutheromania." Napatingin sa 'kin si Alex. "I always remember Justine" Napahawak ako sa dibdib ko. "She was craving for freedom."
"She is now."
"Too bad, siya lang."
"But what is freedom?"
Natigilan ako sa tanong ni Alex. "Hindi ko alam."
"Yet you crave for it." Tinuro niya ang dibdib ko kaya mabilis kong inayos ang damit ko. "You want to remind yourself everyday."
"Bakit hindi niyo sinabing siya ang bisita ni Russ?"
"Kapag ba sinabi namin, anong gagawin mo?" Nginitian ulit ni Alex ang puntod ni Justine. "Mage-eskandalo ka ba sa apartment ni Russ o tatakbo ka pauwi ng Quezon? Either way, kakayanin ba ng pride mo?"
"Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko, anong gagawin mo?"
"Papakamatay ako."
"Alex!"
"E ang hirap ng problema mo!" Nag-make face pa ang loko. "Pati ba naman sarili mong problema gusto mo pang ipa-experience sa iba? Loka ka, ah!"
Napabuntong-hininga na lang ako at kumuha ng pagkain sa bag na dala ni Alex. Inalok ko si Alex pero hindi niya ako napansin dahil tinititigan na naman niya ang puntod ni Justine, as if nag-uusap silang dalawa. Mabilis siyang nakapasok sa zone nilang dalawa. At kahit lampas tatlong taon na ang nakakalipas, makikita mo pa rin ang feelings ni Alex para sa kanya. She wasn't there physically but that won't stop his feelings for her.
It was so damn pure.
"I'm sorry." Sinilip ako ni Alex sa balikat niya. "Sorry for not being there when you needed a friend."
"Mister Congeniality 'to. Madami akong friends." Sinuntok ko siya sa braso pero hindi man lang nasaktan ang gago.
"Sincere 'yung tao, e."
"Wag kang mag-alala." Inagaw niya yung chichirya sa kamay ko. "Sa burol mo, kami naman ang wala."
"Gago."
"Hashtag: friendship goals!"
Matagal-tagal din kaming nag-stay doon. Pareho kaming tahimik na kinakausap si Justine. Hindi ko alam kung naiintindihan niya kami since pareho kaming mentally nakikipagusap sa kanya—nah, weird thought. But at least, there was a comfort and relief after that.
Pero kung anong kinaingay naming dalawa ni Alex sa sementeryo, ganoong kaingay din kami syempre nang makasakay kami ng sasakyan. The usual. Pinag-aawayan namin lahat ng bagay lalo na yung kanta. Pareho kaming hindi magkasundo. Nakalimutan niya ang role ng bawat taong nakasakay sa sasakyan. If you're the driver, in-charge ka—of course, duh—sa pagmamaneho. Kung nasa shotgun seat ka, you'll be the DJ, navigator! At kung nasa likod ka, foods at gamit hawak mo. But nooo! His car, his music, his rules! Nak ng!
"Fine, since you insisted na iyo lahat, libre mo ako."
"Grabe! Naka-graduate na tayo at lahat, kuripot ka pa rin!"
Plano naming kumain sa labas pero wala akong dalawang bag o kahit wallet. Tinatamad akong magluto at siya prito lang ang alam. Kaya we both agreed na iba ang magluluto para sa 'ming dalawa. I teased him na namimiss niya lang ako at gusto niya lang akong makasama—at laking gulat ko na hindi siya tumanggi. Halos palayasin ako kahapon pero nagiinarte lang pala. Gago, 'di ba?
"Shoot! Naiwanan ko yung power bank ko!"
"23 pero ulyanin na!"
"Ang kulit mo kasi kanina! Sabi ko kasi sa 'yo sa bahay ka na mag-charge, nangaagaw ka pa ng cable!"
"Pinahiram mo naman."
At ratatatat na naman kaming dalawa!
He was about to make a U-turn nang pinigilan ko siya kaagad. Ang lapit-lapit na namin sa apartment! I insisted na idaan na muna niya ako at saka na lang balikan pagkabalik niya mula sa sementeryo. Of course, inis ang lolo niyo pero sumunod na rin. Mamahalin daw power bank niya, e. Tagapagmana daw at mayaman pero ganyan. Ang labo talaga.
Bumaba na ako agad pagkabigay ni Alex ng susi sa 'kin. Dumiretso agad ako sa loob at hinanap ang bag ko. Umupo muna ako sa sofa dahil alam kong maya-maya pa dadating si Alex.
Inalala ko ang nangyari kagabi. Halos 4 A.M. na rin sila natapos at alam ko 'yon dahil kinalimutan ako ni Alex! I was struggling with my tied arms and feet. Halos masakal ko siya nang dumating siya around 2 A.M. para kalagan ako. Hindi rin naman ako nakatulog agad dahil nagpapanic ako tuwing makakakita ako ng anino sa labas ng pintuan ng kwarto. Plus, ang ingay nila. Nangunguna si Alex. Dispensa niya? Para 'di obvious na may tao sa kwarto niya. Tsk.
Wala na akong masyadong matandaan bukod sa pinag-usapan nila si Lean, Lovely at Andrei. Hindi ko talaga alam ang pinag-usapan nila. Narinig ko lang ang mga pangalan nila.
Ilang minuto din ang nakalipas nang marinig ko ang katok sa pintuan. Agad kong pinatay ang TV at inayos ang sofa bago dumiretso. Dinouble check ko ang bag ko dahil for sure nga-ngawngawan ako ni Alex kapag ako naman ang nakalimot ng gamit. Nagdala na rin ako ng headset ko dahil baka mag-away na naman kaming dalawa sa patutugtugin mamaya.
Weird side of me thought of going for late 2000s music playlist. Na-recognize ko kaagad ang beat ng kanta at alam ko na agad sa M2M. I cringed at my own taste of music. I don't even know myself anymore.
"I lie awake and pray that you will look my way..." sinabayan ko ang kanta. "I have all this longing in my heart. I knew it right from the start."
Mabilis kong binuksan ang pinto nang kumatok siya ulit sa pintuan.
"Oh, my pre—"
Oh, my pretty, pretty boy, I love you
Like I never ever loved no one before you
Pretty, pretty boy of mine
Just tell me you love me too
Hindi siya si Alex.
At isa siya sa mga taong hindi ko inaasahang pagbubuksan ko ng pintuan.
"Alexa."
Oh, my pretty, pretty boy
I need you
Oh, my pretty, pretty boy I do
Let me inside
Make me stay right beside you
Pucha, bakit ito pa ang kanta?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro