Chapter 4 | We Both Know That's Not True
Chapter 4 | We Both Know That's Not True
I'm incompetent and obviously a mess. Handang-handa ako sa project na 'to dahil gusto kong may mas mapatunayan pa sa mga head namin, but I failed. My mind went automatically blank and I can't even utter a word. What in the world is happening? Bakit ako nagkakaganito?
"Suck it up. It's not the end of the world." Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay ni Matt sa ulo ko. "Tapos na."
I excused myself a while ago dahil pakiramdam ko nasu-suffocate na ako. Sa lahat ng pinaghandaan ko ngayon, sa kanya ako hindi ready. Paano ko ba naman malalaman sa lahat ng araw ng kalendaryo na ngayon kami magkikita?
"Naghihintay sila sa lounge area."
"No." I said in disbelief.
Nginitian lang ako ni Matt at mahigpit na hinawakan sa balikat. "Just call my name—"
"And you'll be there?"
"No. I'll call the security." Seryosong sabi niya bago tuluyang makaalis ng cubicle ko. Ha-ha, funny, Ugh.
Well, I'll just make it worse if I let them wait.
At last, Art Stuff is getting out of its 'comfort zone'. The management is waiting for an initial project para masabing nagdadagdag na kami ng variety sa service at ito ang napili nila. We will be designing a store. Interior designing. Hindi kami expert when it comes to this field pero alam kong may mata kami at may utak kami na pwedeng makatulong. Buhat bangko man pero proud akong sabihing talented lahat ng employees dito.
Matt was shocked and conscious the same as I was nang makita namin ang clients namin pero naging excited siya noong naexplain na nila kung anong gusto nilang mangyari. He immediately took down notes and inhaled every detail he needs to know—including the fact that I'm having trouble. Kinalimutan niya ako. Art freak.
Nakailang hingang malalim ako nang makarating ako sa lounge area. Mindful akong dahan-dahang lumapit sa kanila. Ngumiti agad sa 'kin ang babaeng kasama niya at tinanong ako kung maasahan ako sa project na prinopropose nila. To be honest, excited din ako pero mas nangibabaw ang kaba ko.
"Gab." Tumayo siya sa sofa at lumapit sa 'kin. Inoffer ko ang kamay ko for another handshake pero nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Enough with the formality. Kumusta?"
Ngumiti ako at dahan-dahang gumawa ng distansya, "I'm good. Thank you for trusting us this project."
"How can I not trust you? I've seen you work."
Ngumiti ulit ako—the sincerest of all smiles I did today. But as if on cue, tumunog ang phone ng kasama niya kaya nag-excuse siya at naiwan kaming dalawa dito. Umupo ako sa sofa na katapat niya pero nagulat ako nang in-occupy niya ang upuan na malapit sa 'kin.
Okay. Anong kailangan naming pag-usapan?
He is manly compared to the last time we met. Mas built at broad ang balikat niya—fine, more developed muscles—kaya naman mas bagay ang mga damit sa kanya ngayon. His hair is definitely black and but it a way that made him mature yet young at the same time.
"It's nice seeing you."
Pero umiling siya. "We both know that's not true."
I thought Art Stuff is already stressing me out pero nagkamali ako. Mas matindi ang nangyayari ngayong linggong ito. Full of anxiety ang description ng week na'to para sa 'kin. Nakikita ko ang mga taong hindi pa ako ready na makita—and that includes him.
"Gusto ko talagang malaman, Gab. Kumusta ka?"
Napatungo ako nang mapansing kanina pa siya nakatingin sa 'kin. "Out of all the questions you asked me today, d'yan lang ako nahirapan ng sobra."
Ang tagal na mula nang marinig ko ang tanong na 'yon. Yes, there are casual how are you but this time, they are asking for different answers. Paano ko sila masasagot kung mismong sarili ko hindi ko tinatanong?
"To be honest, I really want to hit you right now." Sabi ko sa kanya. "Sa mukha, ha."
Bigla siyang napahawak sa mukha niya at tumawa. "Ouch."
"What do you want from me?"
"Hmm, assurance for the success of your project?"
"Pero hindi mo ako hihintayin dito para d'on." Napaayos siya ng upo na para bang nae-entertain siya sa nangyayari.
"Gusto kitang yakapin." Napairap ako sa sinabi niya dahil pinilit niya talagang magtonong seryoso kahit hindi 'yon bumagay sa kanya.
"What do you really want from me, Lean?"
"All this time I thought ka-aura ko na ang kapatid ko!" Pagmamaktol niya. "Umalis ka kanina dahil alam kong may epekto ako sa 'yo."
Ginesture ko ang mukha niya na lalong ipinagmaktol niya. They share the same face and of course they'll have the same effect. I've let my guard down and I was no ready of seeing his face. Halatang nag-mature na rin si Lean, considering na nandyan na si Lovely at Andrei, pero iba pa rin talaga silang dalawa ng kakambal niya.
"I'm worried, apparently." I liked the honesty in his tone. "Noong huli kitang nakita, masaya ka sa tabi ng kapatid ko. I had high hopes for the both of you kaya tiwala ako bago kami umalis ng Pilipinas."
"Everyone had." Even me.
"Hindi naman ako makauwi para kumustahin ka o para man lang matulungan kita."
"And you didn't have to." Dahil wala na rin namang mangyayari. Tumulong ang barkada. Sinubukan nila. Sinamahan nila ako. Pinagtanggol. "Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang isasagot sa tanong mo kung kumusta na ako."
"Mas gumanda ka." Unconsciously akong napahawak sa buhok ko. "I like your tattoo."
"You noticed."
"Sign ba ng rebellion 'yan or resentment against the world?"
"Stupidity." I corrected him. "Your brother made a mark so I took it literally."
"Ako na ang susuntok sa kanya para sa 'yo." Tumayo na siya sa sofa nang makabalik 'yong babaeng kasama niya, secretary niya. "At least, I owe you that one."
Hinatid ko sila palabas ng Art Stuff, kung saan naghihintay ang sasakyan niya. Nakailang paninigurado si Lean na susuntukin niya talaga ang kakambal niya. He even made an excuse na pipicturan niya at isesend sa 'kin para lang makuha ang number ko.
"Lean." Tumingin siya sa 'kin bago pumasok ng sasakyan. "It's really nice seeing you today. Thank you."
"I missed you too, Gab."
* * * * *
After seeing Lean, naging matahimik na ang linggo ko. Naging babad kami ni Matt para sa brainstorming ng project. Good thing, hindi pa ako nagrereklamo. Since bago 'to, bato lang kami ng bato ng ideas ni Matt. Kung magkaroon na kami ng final design, saka na kami magpapatawag ng meeting. We can take our time naman daw sabi ni Lean.
Pero dahil sa sobrang tahimik ng mga nangyari noong mga nakaraang araw, naghanap ako. Pakiramdam ko, may kulang kaya naman nakita ko na lang ang sarili ko na bumibili ng isang bagay na matagal ko nang hindi binibili.
Siguro nga, mali ang nagawa ko. Hindi dapat ganoon ang inasal ko. I was so sensitive when I heard the word okay. Siguro, I hated the fact that they're okay and I wasn't. I hated the fact that they rubbed it in my face. I hate seeing the fact that a lot had changed and I wasn't able to be there to see it, enjoyed it with them.
I hate the fact that I was scared, that I'm immature, that I turned like this.
I came to this conclusion after talking to Lean. Kung hindi lang siguro ako napraning o hindi naging over sensitive, it would have a different ending.
Kanina pa akong nasa labas ng bahay nila at alam kong tunaw na ang dala kong strawberry ice cream. Nasa dilemma ako kung pipindutin ko ba ang doorbell o uuwi na lang sa bahay para ibigay ang ice cream kay Aljie since umiyak siya dahil dito bago ako umalis.
Agh. I hate you, Gab.
I hate my freaking self.
Hindi ko rin naman sigurado kung nandito siya sa bahay nila. Tatawag ba ako? But that's bullshit, wala akong number niya. Eemail ko si Princess? Kalokohan! Eh anong gagawin ko? Ipapadala yung ice cream with a note: Punta ka sa bahay. Usap tayo?
Ang kapal ng mukha ko.
Leche ka, Ga—
"Hindi magsasariling tutunog ang doorbell kung walang pipindot." Biglang bumukas ang gate at lumabas siya nang may sama ng tingin sa 'kin. "Thirty minutes ka nang nand'yan."
"I was wondering if I'm still welcome."
"Yung dala mo, oo. Ikaw hindi." Ouch. "Give me that."
Nagaalangan ako pero binigay ko pa rin sa kanya. Mabilis niyang kinuha 'yon sa kamay ko at tiningnan kung anong laman sa loob. Hindi ako makapaniwalang nagdire-diretso siya talaga sa loob. Para siyang nanampal. Stingy.
Napasimangot ako at napagpasyahan na umuwi nang marinig ko ang boses niya. Sumilip siya ulit sa may gate.
"Subukan mong gumalaw d'yan, igagapos na talaga kita!"
"A—ako?"
"Hindi ikaw. Si bebs three years ago."
* * * * *
Walang umiimik sa 'min simula nang makaalis kami ng bahay nina Dominique. Sinundan ko lang siya noong nauna siyang maglakad sa 'kin at dinala niya ako sa pinakamalapit na playground dito sa lugar namin. Maraming batang naglalaro at alam kong kanina pa nilang iniintay na umalis kami sa swings na inuupuan namin.
Sinubukan kong titigan si Dominique. She's fairer and her new hair color complements her well. It's rare seeing her on a bun dahil gusto niya dating ipanlandakan ang maganda niyang buhok pero mas naging malinis at chic ang itsura niya. Cute outfits are gone. Mas casual na ang suot niya pero may class. Kahit sa pambahay, nagbago.
I missed her kakulitan though. Halata kasing medyo reserved na siya ngayon at aware na siya sa kilos niya. Sabihin na nating: she's acting her age. But we're only 23.
"I'm sorry." I blurted out and it did get her attention since she stopped swinging.
"For what you did days ago or three years back?"
"Days ago." I truthfully answered. "I lost my cool."
"You were a bitch."
"I was." Pag-aamin ko. "Hindi ko dapat ginawa 'yon. I'm really sorry. Hindi ako ready na makita kayo, much more na makausap kayo."
"E ano yung ngayon?" Hinarap na niya ako. Seryoso niya akong tingnan na tila ibang tao ang kaharap ko ngayon. "Handa ka na bang makipag-usap sa 'kin?" Umiling ako. "Eh ano?"
Hindi ko na kayang tingnan siya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, ang kaba ko. Napaka-out of the blue nang desisyon ko na kausapin siya ngayon. I wanted to stop myself, pero hindi ko kaya. There's an urge inside me that badly craved to see her.
"Bakit..." sinubukan kong ipunin ang boses ko dahil parang mauubusan ako nang hininga. "Bakit gusto niyo—mo akong makita?"
Nakita ko ang hindi niya pagkapaniwala sa tanong ko, na para bang isang taboo ang tanong ko. "Nawalan ako ng best friend for three years."
"It was the same for me, Dominique."
"Pero andoon ako parati para sa 'yo at ikaw ang nang-iwan." Pagdidiin niya. "May kasalanan din ako, oo. Pero masama bang humiling na bumalik ka na?"
"I want to."
"But still, hindi ka bumalik."
Naalala ko ang lahat nang umalis ako ng apartment sa Batangas. Naging miserable ang huling taon ko sa CK University. I was failing my subjects and I acted like it didn't matter. I was doing it on purpose. Dahil sa katangahan ko sa konsepto ng pag-ibig, pinilit kong maghitsurang kawawa. Akala ko kasi maawa siya sa 'kin at balikan ko. But it didn't happen. And I lost it.
Bumawi ako noong latter part ng fourth year. Sinubukan kong bumawi sa mga nag-aalanganin kong subjects para masabing maka-graduate at makakuha ng diploma. But as the semester bid goodbye, nag-impake na ako at umuwi ng Quezon. I didn't even bother to attend my graduation ceremony.
Naiwan si Dominique sa Batangas. Limang taon pa siya doon pero hindi na ako bumalik. Ni wala nang bagong hi or hello.
I was really an asshole.
"Paano kung..." napahigpit ang hawak ko sa bakal ng swing. "Paano kung hindi na talaga siya bumalik?"
Baka permanente nang nagpaalam si Alexa.
"What do you want to hear from me, Gab?"
Hindi ko alam.
I have no idea if the old me will ever come back and don't know if I want to stay like this.
Mukhang nabasa ni Dominique ang frustration ko. Matagal niya akong tinitigan bago pinanood ang mga batang naghihintay sa turn nila sa swing na inuupuan namin. Agad nawala ang inis sa mukha niya na para bang naintindihan niya bigla ang katahimikan ko. Mahina siyang nag-swing bago muli magsalita.
"We've been friends since birth, Gab. For twenty years, nakita nating lumaki ang isa't isa. I know your flaws at alam kong alam mo rin ang sa 'kin. We can easily enumerate our darkest secrets, our ugly parts, your worst." Nagtaka ako nang bigla siyang bumuntong-hininga at ngumiti. "I watched you changed at tinanggap kita. Do you think may laban ang tatlong taong pagbabago mo? You must be underestimating me, Delos Reyes."
"I'm scared, Dominique."
"At best friend mo ako, gaga ka."
"How can I make it up to you?"
Hindi agad siya sumagot. Tumayo na siya at sumenyas sa mga bata na sila na ang umupo kaya tumayo na rin ako. Sinundan ko siyang maglakad paalis ng playground. Naghahalo na ang itim at orange sa kalangitan. Tahimik ang daan nang maglakad kami pauwi.
Magpapaalam na sana ako sa kanya nang makarating kami sa tapat ng gate ng bahay namin pero inunahan niya akong magsalita. Hindi na siya lumingon at tuloy tuloy siya sa paglalakad pero alam kong alam niya ang gulat ko dahil sa sinabi niya.
"You want to do something for me, right?"
I want to.
Slowly.
Let's see how I can fill that three years gap—
"Be my maid of honor, then." There was a stern tone in her voice, meaning she's not kidding. "You can start with that."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro