Chapter 2 | News Flash
Chapter 2 | News Flash
I'm lost for words.
Kung iisipin napakaemotionless ng mga salita. They are just words for things you want to label. Pero alam mo namang kulang ang mga salitang 'yon para ipaalam sa sarili mo at sa iba kung ano ba talagang nararamdaman mo.
Katulad ngayon.
I am beyond nervous and scared. Describing how cold my hands are or how uncontrollable my sweats are... ang hirap.
Tatlong taon na ang nakakalipas mula nang makikipagkita ako sa mga taong iniwan ko noon. Oo, nang-iwan ako. Aminado ako sa isang desisyon na ginawa ko noon at hindi ko sila masisisi kung galit sila sa 'kin hanggang ngayon.
It's been freaking three years.
Kanina pa akong nandito sa loob ng sasakyan. Alam kong kanina pa rin siyang nasa loob pero tila kulang pa rin na rason na 'yon para lumabas ako dito. Ilang beses na akong nag-practice sa harap ng salamin kung paano ko siya babatiin, ilang beses na akong nagpaikot-ikot sa bahay at isinuko ko ang tulog ko para ipaalala sa sarili ko na kailangan ko ng lakas ng loob. Pero nang umalis ako sa bahay, tila unti-unti na ulit nagba-bye ang inipon kong lakas ng loob.
Napatingin ako sa phone ko nang tumunog 'yon. Kanina pa niya akong tinatanong kung makakapunta ako pero ni isa sa mga texts niya ay hindi ko sinasagot.
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag at kung bakit nandito ako ngayon—fuck it, you freaking know why you're here. Unbelievable, Gab. Unbelievable!
Bigla akong napatingin sa entrance ng restaurant nang may lumabas doon. Tumingin-tingin siya sa paligid saka sa phone niya. Mas naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Huminga siya ng malalim bago naglakad palayo sa restaurant.
Leche, Gab.
Bahala na.
"Princess!"
* * * * *
"Kailan ka ba available? Tayo daw bahala sa schedule," sabi ni Matt sa kabilang linya.
"Tomorrow afternoon is fine. I'll pick up Aljie then diretso na d'yan. I hope they won't mind kung may bata akong kasama."
"Mabait naman si Aljie so I think we can manage. We can ask someone to look after him habang nagme-meeting tayo."
"Okay. Just update me with all the details para kahit papano makapag-research ako." Ibababa ko na sana ang phone ko nang magsalita ulit si Matt.
"Hey. Good luck."
Hindi na ako sumagot. Itinago ko na ang phone ko at huminga ng malalim bago pumasok ulit sa restaurant. Naabutan ko siyang nakatitig sa pagkain na kanina pa naming inorder.
"Sorry. Kailangan lang naming asikasuhin 'yung bagong—"
"No, it's okay." Ngumiti siya sa 'kin. "Alam kong busy ka."
Hindi ko na naman maalis ang tingin sa kanya. Napatango na lang ako noong inalok niya ako ng pagkain. Naalala ko ang mga pagkakataong tinitigan ko si Justine noon. Hindi na nagkakalayo ang payat nilang dalawa.
Anong nangyari?
Bakit?
Anong hindi ko alam sa nakalipas na tatlong taon?
"Naka-graduate na nga pala ako, sa wakas. Natagalan pa bago namin magamit yung video ng interview mo."
"It doesn't really matter." Even if it does, wala na rin namang mangyayari.
"Ikaw kumusta ang trabaho? Buti na lang nasa Art Stuff ka pa rin." Ngiti siya ng ngiti na para bang nakakatuwa ang lahat. "Pero AS naman talaga ang gusto mong pasukan."
"Ah, oo."
"Ako, wala e. Ayoko namang sumunod kay na Mama at Papa sa ibang bansa."
"Sayang ang opportunity sa ibang bansa. Maraming—"
"Pero ayaw kong iwan si Ate dito." Ngumiti na naman siya. "Tsaka okay naman na kahit entry level position pa lang napapasukan kong trabaho. Kaya naman."
Hindi ko maiwasang tingnan ang pinagbago ni Princess physically. Maikli na rin ang buhok niya ngayon kaya mas halata ang pagkapayat niya. Bakas sa mukha niya ang pagod at pagtanda sa loob ng tatlong taon. Pero paano mo nagagawang ngumiti pa rin? Na parang wala kang problema?
Na parang ayos lang ang lahat?
"Thank you."
"Ilang beses na 'yan." Iniwasan ko ang mata niya at nagsimula nang kumain. "Pero bakit nga ba gusto mo kong makita?"
"Wala lang." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Ang tagal tagal na rin kasi. Miss na kita."
"Pabalik-balik lang naman ako dito sa Batangas at Quezon."
"Pero hindi ka namin makita. Ayaw mo ring magpakita."
"I have my reasons."
"Alam namin." Natigilan ako nang marinig ko 'yon. "Kaya hinayaan ka namin. Kaya okay lang."
Binitawan ko ang mga hawak ko at napasandal sa inuupuan ko. Bigla akong nakaramdam ng inis at galit dahil sa sinabi niya. Na para bang isang pang-aasar ang narinig ko. Isang sampal sa katotohanan na hindi okay ang nangyari.
Okay lang?
Ang bullshit.
"Okay lang na nawala ako sa ere?" Mas lumala ang inis ko nang tumango siya. "Wag nga tayong maglokohan. Sino namang magiging okay lang na maiwan at hindi na binalikan pa sa loob ng tatlong taon?"
"Pero—"
"Hindi ka okay. Kaya pwede ba?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kusa na lang lumalabas ang mga 'to sa bibig ko.
"Please. Wag." Napatingin ako sa mga payat niyang kamay nang napahawak siya bigla sa gilid ng lamesa. "Gusto lang kita makasama ngayon, Gab."
"Gusto mo lang makita o gustong mong ipamukha sa 'kin ang ginawa ko noon?" Pangungutya ko sa kanya.
"Namiss lang kita, Gab. Ayun lang 'yun."
"And you're saying that you're freaking okay after what I did?"
"Yes." Humigpit ang hawak niya sa lamesa. "Bakit ba ayaw mong maniwala?"
"Cause that's bullshit!" Nagulat si Princess sa sinabi ko at nakita ko ang takot at panggigilid ng luha niya ang tingnan niya ako ulit. "Edi sana pinuntahan mo na lang ako at inexcuse mo ako sa Art Stuff kesa pumunta ka sa office ni Matt para kunin lang ang email address ko."
Napatungo si Princess at hindi na nagsalita pa. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero mabilis na nag-replay lahat ng ginawa ko sa loob ng tatlong taon. Nangibabaw lahat ng inis, takot at galit.
Ayoko nito.
Ayokong maramdaman 'to.
Okay na ak—
"E ako ngang kapitbahay mo, ayaw mong labasan ng bahay." Nagulat ako nang biglang may kumuha ng kamay ko. "Bullshit nga, Gab."
"Let me go."
"Not this time, my precious best friend." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko nang pinilit kong makawala. "I'm not doing the same mistake I did three years ago."
Nilingon ko si Princess. Mabilis niyang pinunasan ang luha niya saka tumingin sa 'kin.
"See this?" Nagulat ako nang makita ang bag at susi ng sasakyan sa kamay ni Dominique. "Sa'min ka magbaba-bye o sa mamahaling mong sasakyan?"
"Kay mama ang sasakyan na 'yan." Giit ko.
"Better reason to come with us." Hinigit na niya ako para makatayo. "Bilis bago ako mag-eskandalo dito."
Pinilit kong agawin ang kamay ko kay Dominique pero ayaw niya talaga akong bitawan kahit na bumabaon na ang kuko niya sa balat ko. Nagdirediretso na kami sa labas. Binuksan ni Princess ang pintuan sa likod at tinulak ako ni Dominique sa loob. Mabilis na pumasok silang pareho sa loob ng sasakyan at nilock ang mga pintuan.
"You don't know how to drive." Sabi ko sa kanya nang makita ko siya sa driver's seat.
"Too bad, wala kang alam sa mga nangyari sa loob ng tatlong taon." Napaayos ako ng upo nang biglang pinaandar ni Dominique ang sasakyan. "Update number 1: marunong na akong mag-drive. But considering we're friends ever since, alam mo ring may pagkagaga ako at kaya kong ibangga ang sasakyan na 'to."
"Hindi mo kaya—hoy!"
Biglang nagpreno si Dominique at nakita ko ang ngiti niya sa may rear mirror.
"Subukan natin, Gabrielle. Ipapaalam ko sa 'yo na hindi lang ikaw ang marunong magbago."
* * * * *
Alam na alam ni Dominique kung paano ako aasarin. Simula nang makasakay kami dito sa sasakyan, wala na siyang tigil sa pagpaparinig tungkol sa pagkawala ko ng tatlong taon. They're intentionally talking about memories na wala akong parte. Kung paano sila naging masaya, malungkot, nakabuo ng bagong grupo at pinaalam na nakaya nila na wala ako.
Mga memoryang ipinamumukha nilang nagawa nila nang kahit wala ako.
"Ahhh, good old times." Iniliko ni Dominique ang sasakyan sa lugar na hindi na ako pamilyar. "Ano, Gab? Sana ikaw rin ganoon sa mga nakalipas na taon."
I wasn't.
Naging mabilis ang tatlong taon at hindi ko na napansin ang bawat nangyari sa araw-araw. Mapapansin ko na lang na malapit nang matapos ang taon kapag malapit na ang pasko. Sa tatlong taon na 'yon, si Aljie lang ang naging significant. Wala ng iba.
I was lost, for sure. Wala akong destination pero dirediretso akong naglakad. I learned how to appreciate less and got my old 'care less to others' self. Para akong isang taong walang distinction.
Na kahit sarili ko, hindi na alam kung sino ako.
"Ano bang kailangan niyo sa 'kin?"
Hindi na ako lumaban o ipagpilitan ang sarili kong makalabas ng sasakyan. Napagod na rin ako ng pakikipagtalo kay Dominique. Naawa na rin ako kay Princess dahil alam kong nagaalala siya sa bangayan naming dalawa.
Pero parang hindi ako pinakinggan ni Dominique. Pinadiretso pa rin niya ang sasakyan. Kahit si Princess, tahimik.
"Kung gusto niyo akong kumustahin, okay lang ako. I'm fine and still breathing, as you can obviously see." Sinilip lang ako ni Dominique sa may rear mirror pero hindi pa rin siya nagsalita.
It's weird seeing Dominique now. Nakikita ko siya madalas sa Quezon but, as much as possible, sinusubukan kong hindi niya makitang nakatingin ako sa kanya tuwing mapapansin na niya ang presence ko. I still watched her grow and become more mature. Alam ko rin ang ibang nangyari sa buhay niya dahil sa pagkukwento sa 'kin ni Papa.
And yes, I'm proud of her.
But I won't let her know.
Dahil wala nang bearing kung meron.
Pumasok kami sa isang resort. Walang imik ay lumabas ang dalawa pagka-park ni Dominique ng sasakyan kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod. I don't have my bag, wallet and keys, kaya wala pa rin akong kawala.
"Kailangan bang sa isang resort pa tayo pumunta para sa kumustahan?"
Malapit na kami sa may dagat pero hindi pa rin ako pinapansin ng dalawa. Nakailang tawag na ako sa kanila para patigilin sila sa paglalakad pero wala. Pinipilit nilang wag akong pansinin.
"Punyeta naman, Dominique! Dito na tayo mag-usap!"
But no use. Wala pa rin.
"Dominique! Princess!"
Tumakbo ako at hinawakan si Dominique sa braso para pigilan siya. "Kung gusto niyo makipag-usap, do it here. Now!"
"Ngayon ramdam mo na?" Napatigil ako nang magsalita siya. "How does it feel nang ikaw naman ang naghahabol para maka-usap lang kami? Sayang katiting palang 'yan, Gab."
Inagaw ni Dominique ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.
"Ilang beses ka naming sinubukang tawagan, lapitan... pero lumingon ka ba? O kahit man lang nagpakita ng interest na kausapin kami, ha?"
"Fine! You want me to feel crap dahil sa ginawa kong pangiiwan sa inyo, ganon ba?" Ito 'yon? Manghihiganti sila? E punyeta lang! "Ang childish niyo!"
"Childish?" Nagulat ako nang bigla akong hinarap ni Dominique at tinulak. "Tatlong taon kang nagtago at kami pa ngayon ang childish?!"
"Akala ko ba okay lang kayo?" Pambawi ko sa kanya habang tinitingnan si Princess. "Akala ko ba naiintindihan niyo ako, ha? Kakasabi mo lang kanina, Princess! Okay kayo. Okay!"
"I can't believe you turned yourselves into this!"
"News flash, Dominique... I'm better off this way." Nakita ko ang mas pagkunot ng noo niya. "At kung hindi niyo kayang tanggapin kung ano ako ngayon, ituloy niyo na lang ang tatlong taon na wala ako sa buhay niyo."
"We're your friends, Gab." Galit na idiniin ni Dominique sa mukha ko.
"Alam ko at pwede pa rin tayong maging magkaibigan. Pero mamimili kayo kung sinong Gab na ang gusto niyong makasama." Sinuklian ko ang sama ng tingin sa 'kin ni Dominique. "Dahil sa totoo lang, wala na akong balak balikan kung ano ako noon. Matagal na akong nagpaalam sa kanya."
"Anong ginawa mo kay bebs? Anong ginawa mo sa kaibigan ko?"
Napangiti ako sa tanong niya. "Hindi mo dapat sa 'kin tinatanong 'yan. Alam mo 'yan, Dominique."
Inagaw ko na sa kanya ang bag ko at pabalik na sana sa parking lot nang bigla kong makita sina Aly, Marcus at Alex na may hawak-hawak na cake at mga lobo sa likod namin. Kita ko ang dismaya sa mga mukha nila, lalong-lalo na kay Aly.
Napailing na lang ako at nilapitan si Alex, "and all of these people, akala ko mas maiintindihan mo ako."
"Mukhang isa rin ako sa mga taong inaakalang may pag-asa pa mula sa 'yo."
"I already lost hope, Alex. Nakita mo ako kung paano ako natumba."
Nilingon ko sina Marcus at Aly pero mabilis nilang iniwas ang tingin nila sa 'kin. Nang marinig kong tumunog ang phone ko sa loob ng bag ko, nagdirediretso na akong maglakad papunta sa parking lot.
Hindi na sila nilingon pa.
Dahil sa simula pa lang, wala na 'yon sa mga plano ko.
Dahil kung isa sa paraan para mas makalimutan ko ang nakaraan ko ay ang paglimot din sa kanila, gagawin ko.
And yes, it's better to be a monster like this.
Kesa maniwala ako sa isang fairy tale na hindi naman pala para sa 'kin.
Hinayaan kong matapos ang pag-ring ng phone ko nang makadating ako sa harapan ng sasakyan. Nakita ko ang ilang tawag na hindi ko nasagot mula kay Aljie. Gustong-gusto kong marinig ang boses niya ngayon pero hindi ko magawa dahil alam kong hindi ko na mapipigilan ang mga luha ko.
Bakit ka nga ba pumayag na makipagkita, Gab?
Bakit gusto mong makita si Princess in the first place?
Bakit ka kinakabahan kanina nung muli mo siyang makikita?
Pero bakit pinagtutulakan mo na sila ulit ngayon?
Anong nangyari sa 'yo?
"Gab."
Napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang boses niya. Wala akong balak na lingunin siya pero naramdaman ko na lang ang paglapit niya sa 'kin... at ang dahan-dahang pag-ikot ng mga braso niya sa katawan ko.
"Thank you."
Napakagat ako sa labi ko.
Anong nangyari sa 'yo, Gab?
"And I'm sorry."
Anong nangyayari sa 'yo?
Hindi ako gumalaw. Hinayaan ko lang na yakapin ako ni Princess hanggang siya na ang bumitaw. Nagtaka ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko.
"Miss na miss... na miss na kita." Ibinuka niya ang palad ko at inalagay d'on ang susi ng sasakyan ko. "Intayin ko pagbalik mo."
"I'm not coming back, Princess."
Pero nginitian niya ako.
Na parang wala akong sinabi kanina.
Alam mo ang dahilan kung bakit ka pumunta, Gab.
"Ingat ka ate, ha?"
Alam mo sa sarili mong miss na miss mo na rin sila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro