Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12 | Oops!

Chapter 12 | Oops!



It's been a week and I'm still struggling how to work things out. Unlike before, I mostly spend my days outdoors. Ayokong tumambay sa apartment, ayokong umuwi ng Quezon... I isolated myself again.


Nahihiya rin siguro ako na mag-stay sa apartment. After what happened, I felt bad for Blu since wala naman siyang alam, yet I acted that way. Napakabastos ko kung tutuusin. Hindi lang naman ako ang nakatira don. Since then, I made sure that I won't be a bother anymore but things happened the other way around. Mas naging awkward.


Wala naman siyang sinasabi, o kahit anong pagpaparinig, pero ramdam ko na conscious siya sa presence ko. Tumatahimik siya bigla kapag nalalaman niyang nasa kwarto ako. Ni hindi nga siya makatingin sa 'kin ng diretso. And I understand that.


Gatorade, on the other hand, well... I barely see him. Kapag nasa apartment ako, malalaman ko lang na nasa bahay siya kapag maririnig ko ang boses niya mula sa salas. Hindi naman ako lalabas ng kwarto para batiin siya. Kung nasa labas ako ng kwarto, papasok agad ako kapag nararamdaman kong dadating siya. There was a case of paranoia na akala ko siya yung kumatok pero si Jun lang pala. Nagdala ng bagong supply ng rambutan. (Hindi ko alam kung saan o sino supplier niya.) Kung anong ginagawa ni Blu tuwing nasa parameter ako, ganun naman ako kay Gatorade.


To be honest, I don't know how I feel.


Meron sa loob loob ko ang natuwa dahil nagawa ko 'yon pero meron ding pagkakataon na nagsisisi ako. A part of me is telling me that I shouldn't have done that--that he doesn't deserve to be treated that way. It's been a long time. Hinihintay ko sa kanya noon na mag-alala siya para sa 'kin. Ang tagal kong naghintay ang mga matang yon na tumingin sa 'kin at mga salitang na marinig mula sa labi nya. Nangyari siya kung kailang wala na akong pakialam.


"You're welcome." Napaupo ako nang ayos sa swivel chair ko at nilingon si Matt pero palabas na siya ng cubicle ko. "No pressure. Just make sure you get that motivation back."


I have a shit load of projects na malapit na mag-due. I got my memo this morning dahil late ako for the whole week. Tampo sa 'kin si Aljie dahil kahit siya nakakalimutan kong kumustahin. I barely eat. Mapapansin ko na lang na hindi ako kumain kapag tumitingin ako sa orasan o kapag matutulog na ako. I'm literally a mess right now.


Kinuha ko yung frappe sa table ko na iniwan ni Matt. Napangiti ako nang makita ang nakasulat sa cup. Panget. May drawing pa sa tabi non na sa tingin ko ay ako dahil sa mabilog na mata at kulot na buhok. Corny mo, Matt.


Napatingin ako sa relo ko at napansing hindi na naman ako kumain ng lunch. Dinala ko ang frappe ko at dumiretso sa cafeteria. On my way, I checked my mail and replied to Russ. May flight siya ngayon papuntang Cebu. Si Alex, nagsend ng picture na may caption na "Gwapo ko, 'no? Wag kang maiinlove ha?" Alam kong nangangamusta lang ang loko. Baka nagkwento sa kanya si Russ. Akala siguro mapapaganda ang araw ko pero nyeta, sinira nya lang lalo.


Si Dom naman hindi ko masyadong makausap. Madami kasing inaasikaso sa trabaho. Kailangan daw kasi bago siya maging busy pra sa pagpaplano ng kasal. Which also means na magiging busy ako. Maid of honor e. No choice. Si Princess naman, nasa airport daw. Akala ko kasama niya si Russ pero nasa Clark si Russ at nasa NAIA naman siya. I asked kung dadating parents nya pero hindi na niya ako nireplyan.


Kokonti ang tao nang makarating ako ng Cafeteria. Like the always, hindi ako nagkaro'n ng appetite pagkakita ko sa mga pagkain. Ayoko namang lumabas. Ayoko ding magpadeliver. Eh ba't pa ako nag-effort?


I was busy staring at the foods, hoping that they'll make me hungry anytime soon nang bigla akong makarinig ng shutter sa paligid ko. I don't know I heard it but I did. Bigla akong napatingin sa paligid pero wala namang nakatingin sa 'kin kundi yung server na hinihintay ang order ko.


"Ano yun, Miss?"


In the end, I ordered sandwich. Wala rin, e. Not in the mood for eating but I don't want to kill myself.


Ilang minuto rin akong nagtagal sa cafeteria. I was lurking and suddenly became interested of logging in my social media. After being inactive for so many years, nothing has really changed. Aside for my notifs of mostly game requests, friend requests from my co-workers, and overly old dramatic messages from Dominique (nung hindi pa ako nagpaparamdam) wala nang exciting. Well there are other tagged pictures that I don't want to look at. Ayoko na rin kasing balikan.


I was wondering why people spend most of their time in the internet until I realized I was doing the same thing. Nakakaubos ng oras 'to ah.


Binuksan ko rin ang messenger ko para isa-isahing basahin ang mga unread messages nang makita ko yung lists ng active ngayon. Nakita ko yung kulay green na bilog sa tabi ng pangalan niya. Friends pa rin pala kami dito sa Facebook.


I clicked his name and find my way to his profile. Pokerface siya sa profile picture nya kahit alam niyang pinipicturan siya. He was looking directly at the camera like what the hell. Fine, picturan mo ko. I don't really care. Kahit sa cover photo nya, ganun din. Porket alam kasi na gwapo siya.


Fudge.


Sabi sa 'yo, Gab, scroll down lang!


I noticed his relationship status. Hmm. It's complicated? Complicated ba silang dalawa ni Blu? They don't look complicated for me. Sila ba? Ewan ko. Though I haven't seen any pictures of them together.


Scroll lang ako ng scroll nang bigla akong napatigil sa isang picture niya. That was taken years ago. Alam ko yung picture na'yon dahil ako mismo ang kumuha. He was even wearing the red hoodie I gave him for his birthday. Hindi ko alam kung bakit ko siya pinicturan. Ang alam ko lang, matagal kong ginawang screensaver yon.


"Ghad, I'm wasting time." I cringed at a thought of what I just did. Social media is a real source of procrastination. Hindi maganda 'to.


Hindi ko man lang naubos yung sandwich pero busog na agad ako. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa katawan ko.


Bumalik na ako sa cubicle ko, hoping that I can work on something--atleast start or draft something for my projects. But to my surprise may packed lunch sa table ko. May nakadikit na kulay blue na post it don with smiley face.


"Sa 'kin ba 'to? Kanino galing?" Tanong ko dun sa kaofficemate ko pero mukhang 'di niya ako narinig dahil may earphones siyang suot.


"May lason ba 'to?"


"Ah! May nagpapabigay lang kanina." Nagulat ako nang dumaan yung isa ko pang katrabaho. "Para sa 'yo daw kaya iniwan ko na lang d'yan."


"Sino daw?"


"B daw e."


"B?"


B? Sinong B? Si Blu?


Ba't naman niya ako bibigyan ng pagkain?


Nonetheless, kinain ko pa rin dahil bigla akong nagutom nang makita kong tocino yung pang-ulam. Biglang lumiyok ang tiyan ko nang maamoy ko yung pagkain. Bagong luto at may suka pang kasama. Mukhang galing dun sa tindahan sa tapat. Who would have thought Tocino lang pala ang katapat ng pasaway kong tiyan?


So far, hindi pa naman bumubula ang bibig ko so... I think I'm safe. Meh, wth.


To my surprise, I did some of my works after having my late lunch. I don't want to ruin my momentum but Matt did.


"What the hell, Gab?"


"What?" Nagddrawing pa ako nang tuktukan niya. "Anong problema moooo?"


Pinakita niya sa 'kin ang screen ng phone niya. Yung latest profile picture lang naman ni Gatorade. Gusto ko siyang batukan dahil anong mapapala ko sa picture ni Gatorade e nakita ko na 'yan kanina?


"Nang-aasar ka ba?"


"I was wondering why I saw you online a while ago."


"Natripan ko lang mag-online."


"Mag-online para makapagstalk sa ex mo?"


WAIT. HOW DID HE--


"Mag-stalk ka na nga lang, nag-iwan ka pa ng ebidensya."


"Anong sinasabi mo?"


Pinakita niya ulit yung picture. "Ni-like mo."


"Oh shit."

Iniscroll down pa niya at mas napamura ako nang makita ko yung ibang comments do'n na wala naman kanina.


"Putangina."


Nangunguna pa si Alex!!!!


Alex Marilao: Akala ko ba break na kayo? Kayo na ulit?

Alex Marilao: Ang pabebe niyo!!! @Alexa Gabrielle Delos Reyes

Alex Marilao: pusuan natin mga bes!


"Okay na pala ulit kayo. Mag-comment ba rin ba ako?"


"Gago, wag!!"


Bigla kong kinuha ang phone ko at nakita yung notifs mula kay Alex. Pumunta agad ako sa picture ni Gatorade at hindi makapaniwalang nilike ko nga ang picture niya. I immediately deactivated my account without thinking.


"Why did you do that?" Natatawang sita sa 'kin ni Matt.


"Nagtatanggal ng ebidensya."


"Nakita na niya siguro 'yon." Tinapik-tapik ni Matt ang ulo ko. "Kanina pa siyang online."


"Tangina talaga."


Iniwan ako ni Matt na galit sa mundo.


KAYA AYOKO NG SOCIAL MEDIA E!!



*****



"Akala ko ba wala na kayo?"


"Just freaking delete it, Alex!" Naiiritang sigaw ko sa phone ko. Ako lang tao dito sa apartment kaya okay lang kahit anong gawin ko. "Please. Nakakahiya."


"Bakit naman? Nilike mo lang naman, 'di ba?"


"Pero ginawan mo ng issue. Gago mo talaga."


"It's called teasing. Mukhang okay lang din naman kay Lance. No reaction nga e. Akala mo di namin nakikita na online sa Facebook." But nonetheless, nakakahiya. Akala mo gumawa sila ng fanclub dun sa comment section ng picture ni Gatorade. Even Dominique, with her busy schedule, called me minutes after I deactivated my account. Nag-screenshot kasi ang loko!!


Matt kept me updated. Nag-send siya sa 'kin ng screenshots ng usapan sa comments kahit hindi ko naman hinihingi. Nang-aasar din kasi!


"Just please stop it, Alex. Para kang highschool."


"Ay ako pa daw? Wow ha. Coming from you na naghihysterical sa phone."


"I hate you."


"The feeling is mutual."


Aaaand, I gave up. It hit me that I was the one who's acting like a highschooler. I activated my account again to let them know that I'm not affected anymore. O pagpapasual ko na rin siguro. O baka dahil ayokong masabihan na sobrang affected--kahit oo naman talaga.


EWAN KO!


Humiga ako sa kama at binasa yung iniuwi kong mga project. Bigla-bigla kasing gusto kong maging productive. Sinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog. Lumabas ako at dumiretso sa kusina para makakuha ng pagkain. Napansin ko kaagad yung blue na post it pagkabukas ko ng ref.


May ice cream sa freezer. :D


Hindi ko alam kung bakit may mga ganito o bakit ginagawa 'to ni Blu. Is she trying to be friendly? O gusto nya lang malaman na okay na at pwede ng hindi na kami maging awkward? At isa pang weird, kahit nawiwirdohan ako ay kumukuha ako ng mga inooffer niya.


I drafted some of the wall designs para sa interior ng store ni Lean. Kailangan ko kasing magkaroon ng approved 12 designs para sa first year of operation nila--at hindi pa ako nangangalhati. Sinend ko na agad kay Matt for approval pero nakalimutan kong isa ring lokoloko 'to.


"Inspired ka ata? No wonder. :D" Reply niya sa email ko. Hindi ko na lang pinansin.


Matapos pa ang ilang layout for different projects, napansin ko na lang na madilim na sa labas. Lumabas muna ako ngn kwarto at mukhang ako pa rin lang ang tao dito sa apartment. Dumiretso ako sa CR.


I was busy doing my thing nang bigla kong narinig bumukas ang pintuan ng apartment.


Shit.


Narinig ko ang boses ni Blu kasunod ang boses niya.


Double shit.


Pero kalma, Gab. Ba't ka ba kinakabahan? So what kung gumagamit ka ng banyo ng apartment na nirerentahan mo? Bawal ka bang makita di--


"Anong sabi mo?" Wala akong narinig na sagot. Narinig ko na lang magsalita ulit si Blu. "Kailan 'to?" Natatawang tanong niya.


"Kanina lang."


"And?"


Hindi ulit sumagot si Gatorade.


"Wala ka man lang reaksyon?"


"Reaction? Para san? Picture lang 'yan."


"Na ni-like niya."


Pucha, kainin niyo ko ng buhay.


Okay.


Kalma.


PERO PAANO?!


I hate you, Alex!!!


"Hilig nyo gumawa ng issue."


"Bakit kasi ayaw niyong mag-usap?"


"Siya ang may ayaw. Nakita at narinig mo 'yon."


"Sayang lang kasi. Okay kayo ng barkada. Kayo na lang hindi."


Napatigil ako sa narinig ko. May sinabi pa si Blu na sana i-work out pa daw para maging okay na ang lahat. Na-mention pa niya na baka masyado lang daw akong nasaktan kaya ako nagkakaganito... na kailangang intindihin pa ako ni Gatorade.


At naiinis ako.


Anong alam niya?


Walang ano ano ay binuksan ko ang pintuan ng CR. Nakita ko ang gulat sa mata nila nang lumabas ako. Hindi ko alam kung mapapansin nilang naka-earphones ako o isipin na lang nila na hindi ko narinig ang lahat. Tipid akong ngumiti at dumiretso sa kwarto.


Walang ano ano ay humiga ako sa kama ay hinanap ang phone para magpatugtog at tuluyang hindi na marinig ang pinaguusapan nila.


Pero nagkandaleche-leche na talaga.


Hindi pala nakasaksak ang earphones ko sa phone dahil tinanggal ko 'yon kanina.


Palawit-lawit pala ang jack kanina.


Too much for hoping that they'll think I wasn't listening.


Ang fail!!!!


*****



Tunog ng tunog ang phone ko dahil nagnonotif yung Facebook. Nakakapagataka kung bakit hindi ko inunlike yung picture bago ko dineactivate at bakit nag-activate pa ako ulit. Ang gulo rin talaga madalas e. A lot have been messaging me, teasing me, asking me questions kung kami na ba ulit. Bakit parang ang laking issue? Kahit yung iba, halos di ko na maalala kung paano ko sila nakilala, tila parang close kami.


Marami ba talagang nakakaalam na kami?


Ganun ba kami ka-showy noon?


I can't remember.


Ang alam ko lang, kami.


Ni hindi ko alam na may sumusubaybay saming dalawa. We barely post pictures online. Si Gatorade, minsan. Picture ko o picture naming dalawa. I did one time. Picture niya na buhat-buhat si Laelle pero hindi na naulit.


Binuksan ko kaagad yung profile ko at hinanap yung picture. Hindi naman mahirap hanapin dahil minsan lang akong magpost.


Isa yon sa mga paborito kong pictures. I even have it printed and posted on my wall. Ngayon, hindi ko na alam kung nasaan. Not that I'm looking for it. Kung tutuusin ayoko na rin tingnan.


Pero heto ako ngayon.


I frowned while reading the caption.


"Baby boys."


Ang corny ko. Active pa dito romantic bone ko.


Gusto ko sanang burahin yung picture pero bigla akong natakot na baka wala na akong copy. So I decided to hide it instead. Ipiprint ko lang ulit tas buburahin ko na. Kahit papano, I want to treasure this.


Kasi sa totoo lang, kahit sobrang sakit balikan ng nakaraan, hindi ko ikakaila na may masayang memories din naman kaming dalawa. Masyado ko lang din namimiss si Laelle.


Tahimik ang apartment nang mapansin kong alas-otso na pala. Napatingin ako sa pintuan ko nang marinig kong magsimula nang magpatugtog yung kapitbahay namin sa taas. Hindi kasi masyadong marinig yon dito sa kwarto ko. Mas malakas sa living room dahil andun ang malaking bintana.


I suddenly felt like I gave up. Lumabas ako ng kwarto na walang inaasahan kung makikita ko sila sa labas o hindi. Bukas lang ang mga dim light at mukhang walang tao.


Binuksan ko kaagad yung mga bintana para pumasok sa musika sa loob ng apartment namin. Umupo ako sa sofa at niyakap ang mga binti ko.


Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos?


Napatingin ako sa phone ko nang biglang tumunog yon. Binasa ko agad yung text sa 'kin ni Princess. Tinanong ko siya kung sinong tatagpuin niya sa airport kanina pero ngayon niya lang ako sinagot.


Not waiting for anyone but I'm hoping for a second chance.


Rereplyan ko sana siya pero nag-text siya ulit.


Francis.


Francis Madrigal?


What happened?


"Akala ko okay kayo? Hindi ba?" Reply ko.


I almost hit myself nang maalala kong ako tong dakilang hiatus ng tatlong taon at wala akong alam sa kanila. I want to take back what I said pero isang smiley face ang natanggap ko kay Princess.


Gusto ko siyang tawagan nang biglang bumukas ang pintuan ng apartment. Sabay kaming nagulat na makita ang isa't isa. Nagtagal siya sa may pintuan, inaalam kung tutuloy ba siya pagpasok o aalis na lang ulit. Akala ko aalis siya pero sinara niya ang pinto at umakmang papasok sa kwarto ni Blu.


"May trabaho si Blu?" I blurted out of nowhere.


"Oo." And he immediately answered back.


Tumango ako kahit hindi naman siya nakatingin.


Sa isang paalam lamang ba lahat matatapos?


"I..." natigilan ako nang papasok na sana siya sa loob ng kwarto pero tumigil siya. Tumigil siya at hinintay ulit akong magsalita. "Sorry."


Hindi niya ako tiningnan pero hindi siya umalis.


"I've been acting up. Certified Drama queen. I'm sorry."


Bigla akong kinabahan nang isara niya ang pintuan ng kwarto ni Blu. Hindi siya pumasok. Instead, nakatayo lang siya doon.


Pinanood ko ang pagbuntong-hininga niya bago maglakad papuntang dining table at umupo don. Pero hindi pa rin niya ako nililingon.


I don't know what I'm doing. I don't know what got into me. Siguro dahil sa sinabi ni Blu? O dahil nahihiya na ako sa ginagawa ko? I've been bitching when all he asked was to talk to me.


"Sorry din kanina. I accidentally liked your picture."


"It was unintentional?" Nagulat ako sa tanong niya.


"Ginulo ka pa nila. Lalo na si Alex."


"It was unintentional."


He's weird.


"Unintentional or not, I'm sorry."


"Why are we talking?"


Pucha.


Edi ba ikaw tong may gustong mag-usap?! Gago ka ba?!


"Ewan ko." Of course, I won't say that. I don't want to sound insincere. Though part of me is.


"So mag-uusap na tayo?"


"Ay gago."


"Ano?"


"Wala."


Nakakainis ha.


Pero bigla siyang tumawa. Inirapan ko lang siya. Ifinocus ko na ang sarili ko sa pakikinig sa kumakanta sa taas nang magulat na lang ako nang bigla gumalaw ang sofa na inuupuan ko. Napatingin ako sa tabi ko.


"Since we're talking." What the hell?


Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya sa mukha. I avoided his eyes since he's doing the same thing. Nag-Indian sit siya sa tabi ko pero hindi na siya umimik pa. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin.


Tahimik lang kaming dalawa doon. Nakailang palit na rin ng kanta yung kapitbahay namin. Sinubukan kong silipin si Gatorade sa tabi ko pero nakatitig lang siya sa mga kamay niya. Nang mapansin niyang nakatingin ako, bigla akong iiwas at iuubob ang mukha ko sa tuhod ko.


"Alexa." Tawag niya.


"Why do you still keep on calling me Alexa?"


"Eh ikaw yun."


"Stop the bullshit, Gatorade."


"Then why do you still keep on calling me Gatorade?"


Eh ikaw yun. Nakakainis na talaga ha.


"Galit ka ba?" Hindi ako umimik. "Sorry."


Naramdaman ko ang pagiging komportable niya sa tabi ko. Kahit ako... I began to loosen up. Hinihintay ko siyang magsalita ulit.


Unti-unti ng natatapos ang bawat kanta. Hanggang wala na akong naririnig mula sa taas. Hanggang sa wala na kaming marinig. Hanggang sa presensya na lang naming dalawa ang nararamdaman ko ngayon.


Sinilip ko siya sa tabi ko at nahuli siyang nakatingin sa 'kin. Pero hindi ko binawi ang tingin ko. Tinitigan ko siya pabalik. Muli sa unang pagkakataon, nakita ko ang mga mata niya. At tila naligaw ako nang panandalian.


Kinilabutan ako nang bigla kong maramdaman ang balat niya sa dulo ng mga daliri ko. Sinubukan niya akong hawakan pero hindi ako gumalaw. Ni hindi ako nagreklamo. Pero pareho kaming natatakot.


Ramdam ko ang kaba.


Ramdam ko ang takot sa pagkakamaling pwedeng mangyari sa kakalabasan ng paguusap na 'to.



Pinanood ko siyang magsalita.



"Paano ako magsisimula?"


Nakita ko kung paano kumurba pababa ang mga labi niya. Umakma siyang hawakan ako ulit pero hindi niya magawa.


"Baka masaktan na naman kita."


Gusto kong magalit. Gusto ko siyang pagtulakan palayo. Gusto ko siyang saktan. Gusto kong sumigaw at umiyak pero wala akong magawa. Hindi ako makagalaw.


"Alexa."


Then I felt it.


Again.


For the first time...


Naramdaman ko ang kamay ni Gatorade.


Natatakot siyang kinuha ang kamay ko. Nagdadalawang isip na hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.


"Alexa."


Alexa.


Alexa.



"Can we be strangers again?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro