Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1 | Skip and fast forward »

Chapter 1 | Skip and fast forward »


"Baby."


Pinilit kong wag muna buksan ang mga mata ko. Sinubukan kong hindi gumalaw at magkunwariang natutulog dahil alam kong lalapit siya at tatawagin ulit ako. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama ko. Halos kilabutan ako nang tumama ang daliri niya sa pisngi ko—hanggang sa sa buong kamay na niya ang humahawak sa mukha ko.


"Baby." Ulit niya sa tonong hindi niya malaman kung gigisingin ako o hahayaan matulog.


Dahan-dahan niyang itinago ang mga buhok ko sa likod ng tainga ko. Nalilito ako sa sunod niyang gagawin kaya muntik na akong makatugon nang hawakan niya ang isa kong kamay.


Tumigil ang isa sa pisngi ko at mahina niyang pinisil 'yon. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kamay ko at inilipat 'yon sa kabilang pisngi ko.


"Ang liit ng mundo ko. Kasyang-kasya sa dalawang kamay ko."


Kinabahan ako nang gumalaw na naman ang kama. Naamoy ko na ang pamango niya atsaka naramdaman ang mga labi niya sa noo ko.


"Alam kong hinihintay mo 'yon, Alexa, at alam mong hindi ka magaling na actress." Iminulat ko na ang mga mata ko at nakita ang ibabang parte ng mukha niya. Ipinantay niya ang mga mata niya sa mga mata ko at ngumiti. "Isa't kalahating taon mo na 'tong ginagawa. Sa tingin mo ba, maloloko mo pa 'ko?"


Isa't kalahating taon na...


Tinakluban ko ang bibig ko, "I really like your morning messages."


"Bakit? Dahil mas nagiging malusog at malakas ang romantic bone mo?" He playfully removed my hands away from my lips pero pinigilan ko pa rin siya. "Come on, Alexa. Sa tingin mo ba isang bad breath lang ang magpapawala ng pagmamahal ko sa 'yo?"


Hindi ko napigilang mapatawa pero hindi ko pa rin siya hinayaang alisin ang kamay ko. "Just move, Gatorade, so I can brush my teeth."


Sumimangot siya. "But I want to kiss you now."


Napairap ako sa kanya pero agad niyang inihilamos ang kamay niya sa mukha ko. Bumuntong hininga siya at umalis na sa harapan ko. Inoffer niya ang kamay niya para makatayo ako sa kama kaya hinawakan ko ang mga 'yon.


But heck, I was caught off guard!


Hinila niya ako agad at hinawakan sa pisngi para mahalikan.


"See? That wasn't so bad." Ngiti niya. Tinakluban ko agad ang bibig ko at sinipa siya sa binti para lumayo sa 'kin. "Ano? Tinatapos ko lang naman ang morning routine ko!"


Inirapan ko siya at dumiretso na sa banyo.


Tinatapos lang daw ang morning routine niya... E, kakasimula pa nga lang ng sa 'kin.


It's been a year and a half.


A freaking a year and a half since we officially became a couple...


...at hindi pa rin kami nagsasawa.


...hindi pa rin ako nagsasawa.


But that's bullshit.


"Ack!"


Napahawak ako sa noo ko nang biglang bumagsak ang cellphone ko sa mukha ko. Agad akong tumayo sa kama at inaninag sa screen ng phone ko kung pula na naman 'yon.


Ini-unlock ko ulit ang phone ko at tinitigan ang pinakaunang email na binasa ko ngayong umaga. Hindi pa talaga nagsisimula ang araw ko pero nakakailang buntong hininga na agad ako ngayong umaga. Sampung minuto pa lang ang nakakalipas mula nang magising ako.


Binalik ko na sa inbox ng mailbox ko at binasa ang schedule ko para ngayong araw. As usual, walang exciting—6:00pm Go and grab yourself a beer, idiot. But I'm just kidding with beer, make it beersssss.


Ha, at least there's something to look after for this day. Right! Beers!


I did my thing fast so I can get to office early. I'm planning to have an early out since gusto kong mapaaga ang 6 P.M. appointment ko. Matapos maligo at makapagbihis ay tinawagan ko agad si Matt para sa lunch meeting mamaya. Kailangan ko muna kasing dumaan sa pre-school at asikasuhin ang inuutos sa 'kin ni Papa bago ako makapunta sa Art Stuff.


Lately, it's all been pre-school and Art Stuff. Kung wala ako sa bahay, doon lang ako makikita. Mag-eenie-minnie-miney-mo ka na lang.


"I'm meeting a different client?"


"WE are actually. I'm really sorry. Sabi din kasi ng nakakataas na ikaw ang humawak ng bagong kliyente." Pangdispensa ni Matt. Ginamit na niya ang term na 'nakakataas' kaya for sure, wala na talaga siyang magagawa. "They already gave your supposed to be project to someone else."


"Pero I already made the presentation, Matt. And if you want me to meet the new client, wala akong ipe-present."


"I know, I know. It's kind of a bummer since kahit ako damay. Back to zero pero wala e. The management is really pursuing to add more variety for Art Stuff kaya tinanggap nila agad 'yong offer."


Dinagdagan ko na naman ng bilang ng buntong-hininga ko ngayong umaga. Kahit naman magreklamo akong magiging useless ang pinagpuyatan kong presentation para sa araw na 'to, wala rin naman kaming magagawa.


"Look at the brighter side, Gab. Getting this project means they trust you so much."


"But they're being a pain in the ass."


"Oo nga, e. Hindi na ata talaga mawawala sa characteristics ng isang boss 'yon. Adjust na lang!"


"E, ano pa nga ba?"


"Pabayaan mo na. Considerate naman yung client natin kasi for formality lang tayo this day since biglaan naman 'to."


"Okay, fine. Just text me the details para mamaya. Kailangan ko pang puntahan si Aljie."


"Sure. Fist bump mo ko sa kanya."


"Oo na. Oo na." Napailing na lang ako dahil tuwang tuwa pa rin talaga siya hanggang ngayon kay Aljie.


Sana hindi ako matagalan sa pre-school. Bumaba na agad ako at dumiretso sa labas para makaalis. Wala na rin namang tao dito sa bahay kaya wala na dapat akong batiin. Tinext ko si Papa na on the way na ako.


Kahit nakafocus ako ngayon sa Art Stuff, hindi ko maiwasang hindi ma-hassle kahit gustong-gusto ko ang ginagawa ko. Tama ang sinabi ni Matt, I should be taking this as an opportunity. But lately, nakakapagod na. It's like I'm dealing with so much expectations that instead of pushing me up, dina-drag pa ako nito pababa.


Looks like my new year's resolution: appreciating more is not going to happen.


I casually turned on the radio and grabbed my phone nang mapatigil ako sa isang traffic light. I'm refreshing my mailbox, hoping something interesting will happen today nang matigilan ako nang biglang may tumunog na isang pamilyar na melody sa speaker.


All I hear is raindrop falling from the rooftop.


Oh baby, tell me why'd you have to go?


Nakita ko na lang ulit ang sarili kong binabasa ang email na natanggap ko kaninang umaga. Pinaulit ulit kong basahin ang isang linyang nandoon.


'I'm curious about you, about what happened after.'


"Shit!"


Bigla kong nabitawan ang phone ko nang may malakas na bumusina sa likod ko. Pumunta sa gilid ng sasakyan ko at sinigawan ako dahil mamalag-malag daw ako sa daan. Kanina pa palang naka-green light!


Cause this pain I feel it won't go away...


Agad kong kinuha ang phone ko dahil marami nang bumubusina sa likod at pinaandar ang sasakyan. But lo and behold! Nagkamali ako nang pagtapak sa clutch at gas kaya tumirik ako sa daan.


...and today, I'm officially missing you.


"Shit lang oh!"


* * * * *


"Asan ba kasi 'yon?" Kanina ko pang inaabot ang isa kong notebook sa may backseat pero mali lagi ang nakukuha ko dahil nakatingin ako sa daan.


"Ano ba 'yong hinahanap mo?" Napatigil si Gatorade sa pagbabasa ng mga weekly reports mula sa mga boyfriends ng Boyfriend Corp. Ayoko talaga siyang istorbohin sa trabaho niya kaso...


"Yung notebook ko sa Financial Management. May nakalimutan kasi akong formula." Nabitawan ko yung bag at bumagsak'yon sa baba. "Ah, shit."


"Ako na."


Muntik na akong mawala sa lane nang biglang tinanggal ni Gatorade ang seatbelt mula sa shotgun seat at mabilis na lumipat sa likod. Pinanood ko siya sa rear mirror habang hinahanap niya ang kailangan kong notebook.


Binasa niya yung outlines ko para sa nakalimutan kong formulas habang nagmamaneho ako pabalik ng Batangas. Hindi kasi ako masyadong nakapag-aral sa Quezon. Naiiwanan talaga ang utak ko para sa pag-aaral sa Batangas tuwing umuuwi ako sa Quezon.


Akala ko babalik na si Gatorade sa shotgun seat nang masabi na niya ang kailangan kong matandaan na formulas nang bigla niyang tinanggal ang headrest ng upuan ko.


"What the hell are you doing?"


"Papakiligin ka sana."


"Gatorade, pakibalik ng headrest, please."


Pero hindi niya ginawa. Hindi naman ako makalingon sa likod dahil nagmamaneho ako. Nagulat na lang ako nang iikot niya ang braso niya sa 'kin at niyakap ako sa may bandang leeg.


Nagiging habit na 'to ni Gatorade. Hindi ko akalaing may ikaka-clingy pa pala ang lalaking 'to. Kung hindi siya pre-occupied sa trabaho sa BFC o pag nawala ang focus niya sa isang bagay, paniguradong ako ang kukulitin niya.


"May naalala ako bigla." Tumuon si Gatorade sa upuan ko at inilapit ang bibig niya sa tainga ko. "Kung paano ako nag-exist noon, yung mga panahong wala ka."


Hinayaan ko siyang magsalita. Nakita ko ang pasimple niyang ngiti mula sa rear mirror habang inaalala niya ang lahat. Kung noon, lungkot lang ang makikita ko sa mga mata niya tuwing inaalala niya ang nakaraan niya pero ngayon...hindi ko akalaing makikita ko ang ngiti niya ngayon.


"Salamat."


"Para saan?"


"Hanggang ngayon, tandang-tanda ko pa ang mga panahong ipinagdadasal ko ang mga bagay na meron na ako ngayon...lalo na ang pagdating mo." Mas lumapad ang ngiti niya. "Kaya salamat. Salamat at dumating ka kaagad."

* * * * *


Inayos ko ang gamit ko bago bumaba ng sasakyan. Papasok na sana ako ng building nang may makita ko ang sasakyan ni Papa sa parking lot. Dumiretso na ako sa loob at tinawagan siya. Akala ko ba ako ang pupunta?


Sumilip ako sa classroom at napansing wala masyadong tao sa loob kaya naman pumasok na ako. Kaya naman pala hindi sinasagot ni Papa ang tawag ko.


Pinanood ko si Papa na makipaglaro kay Aljie at sa ibang kaklase nito. Pawisang pawisan na sila lalong lalo na si Papa. Nakacorporate attire pa!


"Baby!" Automatic na napangiti ako nang tawagin niya ako.


"Hi, baby."


Tumakbo agad sa 'kin si Aljie at niyakap ako sa binti. Nginitian ko si Papa pero bigla siyang sumimangot ng bongga nang makita ako.


"Baby! Look!" Nilingon ni Aljie si Papa. "Bang, bang, bang!"


Nanlaki ang mata ko nang biglang bumagsak si Papa sa sahig habang hawak-hawak ang kaliwang parte ng dibdib niya.


"Ah! Aljie! Binaril mo na naman ak—ack!"


"Pa, may ibang tao!" Lalapitan ko na sana si Papa nang 'binaril' na naman siya ni Aljie kaya naglupasay na nang todo ang tatay ko sa sahig. "Pa!"


"Baby, baril-baril ko siya." Pagmamayabang sa 'kin ni Aljie habang tinuturo si Papa.


"Princess." Napalingon ako kay Papa at nakita ko ang pagmamakaawa sa mukha niya—ang crying emoticon face niya.


Oh boy, that never gets old.


Nakailang bang-bang-bang pa si Aljie at ilang arte na patay-patayan si Papa bago magsawa si Aljie at naghanap ng ibang makakalaro. Bigla naman akong niyakap ni Papa nang makawala siya. Para siyang si Aljie na nakayakap kanina sa binti ko.


"Pero hindi mo naman kailangang gawin 'yun, Papa."


"But princess! Nakita mo ba ang mukha ni Aljie? Ngayon ko lang siya napatawa!" Nangingiyak pero proud na sinabi sa 'kin ni Papa. Pinagpagan ko ang coat na suot niya. Nagusot at nadumihan na kakaplakda niya sa sahig kanina.


"Akala ko po ba ako na lang po ang aattend sa parents' meeting ngayon? Bakit po kayo nandito?"


Lumabas ang isang mahabang haaaaaaaay mula kay Papa. Ngayon ko na lang ulit nakita nang matagal si Papa. Palibhasa kain na kain ang oras niya sa trabaho. Kahit ganito pa rin si Papa, hindi mawala sa isip ko na tumatanda na rin siya.


Kinuha niya ang phone niya at ipinakita sa 'kin ang isang picture, picture ni Aljie na nakangiti habang hawak-hawak ang isang drawing na punong-puno ng smiley face at puso. Sa ilalim n'on, nakalagay ang salitang baby. Sinilip ko si Papa at isang exaggerated sad face na naman ang nakita ko mula sa kanya.


"Hindi ata ako mahal ni Aljie. Uwaaaaah!!!"


"Papa," sinuway ko siya. Napatingin kasi sa 'min ang ibang parents. "Don't say that."


"E, hindi mo pa kasi 'to nakikita!" Pinakita niya sa 'kin ang sunod na litrato. Doon ko napatunayan na kamukha talaga ni Aljie si Papa. Nakasimangot doon si Aljie—pout to be exact—habang hawak-hawak ang drawing niya ni Papa. May unibrow ito, blackeye at bigote! "Hindi niya ako mahal, princess!! Huhuhuhu!"


"Pano ba naman kasi Papa, madalas mo 'tong gawin sa mukha niya kapag inaaway mo siya! Gumanti tuloy!"


"Pero love ko naman si Aljie!"


"At love ka din niya."


"Pero ikaw lang ang may puso sa gilid!!" Ayjusko, ang papa ko!


"Inaaway mo baby ko?" Biglang pumagitna sa 'min si Aljie at sinamaan ng tingin si Papa. "Bawal awayin baby ko!"


"See!" Duro ni Papa kay Aljie. "Ang protective ng batang 'to!"


Parang ikaw, Papa. Manang-mana sa 'yo.


Pumunta si Papa sa parent's meeting dahil gusto daw niya na mahalin siya ni Aljie. Bumabawi, nagpapa-goodshot sa bata. Nag-stay na rin ako dahil alam kong hindi makikinig si Papa dahil makikipaglaro lang siya kay Aljie all throughout the meeting. And guess what? Tama ako. Haaay. Para dalawang Delos Reyes na bata ang pinapasok namin dito sa pre-school.


Umiyak si Aljie noong sabihin ko sa kanya na hindi ko siya masasamahan after school dahil may meeting pa akong pupuntahan. Hindi ko naman siya pwedeng isama dito sa Art Stuff. I hope hindi sila mag-away ni Papa pag-uwi.


But heck, sana pala sinama ko na lang si Aljie.


"They cancelled. Magpapa-resched na lang daw sila ng panibagong meeting."


Napapikit na lang ako nang marinig 'yon mula kay Matt. Aside from seeing Papa and Aljie, wala pang nangyayaring matino at maganda sa 'kin simula nang magising ako. Gusto ko mang maglabas ng sama ng loob kay Matt pero isa rin siya sa pasimuno ng kaguluhan ng nangyari sa 'kin kaninang umaga.


"May atraso ka sa 'kin." Bintang ko sa kanya.


"I know. I'm sorry. Alam kong matagal mo talagang inayos ang presentation for this day and some client blew it up just like that. Alam kong maganda ang ginagawa mo—"


"That's not it, Matt."


"Ha?"


"Bakit?" Sumimangot ako na lalong ikinagulo ng expression ng mukha niya. Kinuha ko ang phone ko at ipinabasa sa kanya ang email na natanggap ko kaninang umaga.



To: [email protected]

Subject: Give it a try?

Attachment: FinalVideo_Group4_TakingChances.mp4

Message:

Hi, Gab! I know you told me a bunch of times that you're not interested in watching this video but still give it a try. Thanks a lot for giving your time for the interviews. This may offend you but come on, pinasa mo kami sa finals!!! That's why I owe you so so so much!

Anyway, are you still going? I want you to come but if you're really busy, I'll understand. Pero hindi ba talaga pwedeng magkaroon ng appointment with Ms. Delos Reyes? Please, please, please? I missed you... You know I miss you when I also missed ate. AT KELAN BA TAYONG HULING NAGKITA! I'm curious about you, about what happened after, if you're okay now or if you're still breathing! Can I meet you? Please let me meet you. Yes? It's a yes, right?

Love you, Gab!

P.S. I'm sorry if I asked Matt for your company email address. I don't know how to contact you. You even changed your number! Wag ka sanang magalit.

Love,

P.



"Tulad ng sabi niya: wag ka sanang magalit."


"Matthew."


"Alexa Gabrielle, ilang years na po?" Kinuha ni Matt ang kamay ko at inilagay ang phone ko d'on. "Do we have to talk about this again? And besides, is there anything wrong with this email? Ang cute nga ni Princess, oh! Ang daming ginamit na please. Pag hindi ka pa naman pumayag niyan, e!"


"Matt," bumuntong-hininga ako at umiling. Alam kong naiintindihan niya ako.


Siya lang naman kasi ang may alam ng lahat—well, one of those few people pero siya lang ang madalas na nakakasama ko ngayon.


Sa totoo lang, alam kong may dadating na mga ganito sooner or later. Kahit anong pilit ko na ihanda ang sarili ko, palyado pa rin ako.


"Matt, hindi ko pa kaya."


Sumandal si Matt sa swivel chair niya, "ano pa bang pumipigil sa 'yo, Gab?"


"I... I... This—"


"Slowly, Gab." Tinuro ni Matt ang phone na nasa kamay ko. "Try. Subukan mo lang panoorin ang video."


"Pero—"


"I'd like to help you, Gab. But you need to help yourself, too." Seryoso akong tiningnan ni Matt. "Isang tao lang ang nang-iwan sa 'yo, hindi buong mundo."


* * * * *



Pinaulit-ulit kong panoorin ang huling minuto ng video. Tinitigan kong magsalita ang isang Alexa Gabrielle Delos Reyes mula sa nakaraan. Kung paano siya simpleng ngumiti sa bawat natirang alaalang pinipilit niyang hindi na mawala sa kanya noon. Kung paano siya sumimangot sa inaakala niyang panahon na sinukuan na siya ng lahat.


Kung ano ako three years ago.


"Ah, punyeta." Inubos ko ang laman ng isang can ng beer at tinitigan ang garden ng bahay. "Bullshit ka, Matt."


Napatingin ulit ako sa phone ko nang marinig ko ulit ang boses ko mula doon. Napangiwi ako at hindi napigilan ang sarili kong magbukas ng panibagong beer.


"It's not a fairy tale. Cause if it is, it should be a happy ending."


It's been three years, Gatorade.


Ang aga mong tinapos ang fairy tale.



"Fuck you, Zamora."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro