Last Chapter
Hi! So yeah, this is the last of Boyfriend Corp 2. Feel free to put any song now, though I recommend light songs. Gusto ko lang maging light para sa inyo ang chapter na 'to and I think a light and happy song can work. Put it in a minimal volume, enough para hindi kayo mapasabay sa kanta pero may effect pa rin sa storya. Oh diba ang demanding ko. Hahaha. Pagbigyan niyo na ako, minsan lang naman. :D
Anyway, this is will be a long post not only because of the chapter but because I have some message after. Enjoy guys! (Btw, I'm currently listening to Full House OST: I think I love you and Southborder's Rainbow. Ganda kasi. Hehe v
The Last Chapter
Gaano na ba katagal? There was out three month contract, the two month post break up, the 2-day date, holidays came, the Twinkling Couple plus Rinrin Drama, I met the Power Puff Girls, there's Russ to the rescue, the beach high school reunion, the return on the exes, the villain mama, Pops calling me heir and yeah, it's been a loooong trip.
"Not bad," muntik ng mapunit yung papel sa kamay ko nung biglang inagaw yun sa akin ni Alex. It'll be okay if normal paper lang yun pero hindi! Grades ko yun!
I rolled my eyes heavenward when I saw him comparing his grades to mine. Dahan dahan ko ng kinuha yun sa kanya at narinig ko siyang nagrereklamo sa isang subject na mas mataas ako sa kanya. Grade conscious!
"Uwi ka din ba ngayon sa Quezon?"
"Bakit sasabay ka? Bawal."
"Damot nito!" pabiro niya akong binatukan at gumanti ako ng suntok sa braso. Yun nga lang yung sa akin, hindi pabiro. "Kainis, nasira kasi."
"Hindi naman problema sayo ang sasakyan ah? Hindi mo nga madalas dinadala yun dito sa Batangas." I told him. Lumabas na kami sa assigned room ng kuhanan ng grades namin. Napatigil ako nung may nahagip ang mata ko.
"Hindi mo kasi alam kung gaano kahirap manligaw. You have to always look cool!"
"Ahhh, si Justine." naiintindihan ko pa din ang rants ni Alex about sa sasakyan pero hindi ko mapigilang mapatitig dun sa couple na nasa hallway dito sa SH building.
Since then, hindi pa rin kami nagkakausap. Worse, his last word was bye. Well at least it's better than 'Let me go', right? But still, gusto ko pa rin siyang makausap kahit alam kong wala na kaming dapat pagusapan. I told him that he has the right to let go, he asked and I agreed.
We cut off our ties.
Bigla akong napaiwas ng tingin nung napatingin sa akin yung babaeng kasama ni Russ. Siya yung nakita kong may hawak hawak ng papel at may nakasulat na pinapalabas niya ng classroom si Russ. Of course, I want to know how they met pero realizing it—it shouldn't be my concern now.
"Oh," napatigil sa kaka-rant si Alex nung iniabot ko sa kanya yung susi ng sasakyan.
"Ha?"
"Puntahan mo nalang ako sa apartment mamaya. You have a date right? Mag-aayos pa naman ako ng gamit eh." Nakikita ko ang pagdadalwang isip ni Alex na parang iniisip niya kung magte-thank you siya o hindi. Siguro, mandidiri lang kami after marinig yun sa kanya so I cut him off, "Good luck to your disgusting love moves. You're getting creepier, for your information."
He shrugged, "You never know when it hits you and it can hit you so bad..." napailing siya, "So, so bad."
And I have to agree to that.
Sinabayan ko na si Alex maglakad. Sinubukan kong wag lumingon kay na Russ nung kelangan naming dumaan sa harapan nila and I'm wishing that Alex won't notice him (and of course that won't really happen since napakahirap hindi mapansin ng isang Russ Hyuuga.) So just pretend that you didn't hear Alex greeting him, okay Gab? Push mo yan.
Pero naisip ko, ano nga kaya kung si Russ ang pinili ko noon? Anong wala ako ngayon na magkakameron ako kung siya at ako? I have no idea but I'm intrigued for the possibility.
Ilang hakbang palang ang layo namin kay na Russ nung may naramdaman akong dumampi sa palad ko. My heart reacted. It's still there. Napaharap agad ako sa kanya nung kinuha niya yung grades ko sa kamay ko.
"Nandaya yan. Wag kang maniniwala sa nakikita mo sa papel na yan." pagbibiro ni Alex. Pinag-aralan ni Russ ang grades ko. Pinigilan kong mapangiti nung isini-sink in ko na napakaweird ng process kung paano ulit kami mag-uusap.
Napaayos ako ng tayo nung nakita ko siyang ngumiti at ibinalik na yung grades sa kamay ko. Nung nakuha ko yun, napatungo ako kasi ginulo niya ang buhok ko.
"Quezon?"
That is his first word and weirdest way to say hello again.
Ngumiti ako at inayos ang buhok ko. Napatingin ako dun sa babaeng katabi niya at ibinalik ko yun kay Russ. Tiningnan ko silang dalawa and unconsciously, lumawak ang ngiti ko.
"Yeah. See you."
See you in Quezon, Russ.
Dumiretso agad ako sa mall, nag-send ako ng text kay bebs na nandito na ako sa We Have It All—We Mean All—Mall. Dito kasi kami magkikita kasi kelangan naming maghanap ng gown para sa upcoming wedding nina Lean at Lovely. Ayaw niya kasi nung provided na gowns. Actually, pinasadya yun ni Lovely para inisin si bebs.
I just don't get those two. Simula nung madalas na naming nakakasama at nakakausap si Lovely, madalas silang mag-away pero magkasundo din sila sa madaming bagay. But I see them as very close friends now. I consider Lovely as a friend now, too. Siya nag-proclaim nun nung ininvite niya kami sa wedding. She said that friends should be invited. And that's how we started...awkwardly. Pero yung kay na bebs at Lovely, kakaiba. There won't be a day na pag nagkasama sila, hindi sila mag-aaway pero lagi namang magkadikit.
Me jealous? Meh. Konti lang. *rolls eyes*
Pagkapasok ko ng mall, isang mahabang pila agad ang sumalubong sa akin. Hindi na ako nagulat. Since Boyfriend Corp happened to me, alam ko na ang ibig sabihin pag may isang mahabang pila ng babae sa harap ng isang—aakalain mo ay free taste—stand. Sinibukan kong sumilip sa may stand para makita ko siya pero naradaman ko nalang na may humawak sa wrist ko at hinigit ako papunta kung saan.
"Hello, bebs." Monotone kong bati. Higit nalang kasi ng higit!
"Dali! Marcus is waiting!"
I sighed at nagpadala nalang sa kanya. Curiosity, sumilip ulit ako sa stand hoping na may makikita ako. And I did. I saw his hair, his icy blue hair.
He's here.
Lapas isang buwan na din ang nakalipas matapos nung nangyare. Naalala ko pa din ang lahat mula dito at pinipilit kong wag makalimutan yun, kung paano ko napatunayan sa kanila, sa kanya at sa sarili ko na ang isang tulad ko ang kaya ding tubuan ng isang romantic bone.
At kahit ganun, pinipilit ko pa din intindihan kung bakit pinili niyang manatili sa Boyfriend Corporation. It's been a month at andun pa rin siya. Yes, I was hoping that after that—after everything happened—may magbabago na baka mag-resign na siya. But that didn't really happen.
Gusto kong intindihin na mahal na mahal talaga ni Gatorade ang Mama niya at hindi niya kayang iwanan. Alam kong problema pa din si Madam pero we were there. At least, kahit papano pinilit namin ayusin. At ano nga bang laban ko kay Madam? She's still his mother no matter what at ang isang tulad ko ay pwedeng mapilitan. Ang nanay, hindi.
But still, I'm holding my promise to him that I'll always be there for him no matter what—for us.
"Ohmydee!"
Napatigil ako sa pagsusukat ng gown nung narinig ko yung sigaw ni bebs sa kabilang fitting room. Hinubad ko agad yun at nagpalit ng damit ko. Lumabas na ako at nakita si Marcus na naguguluhan na nakatingin sa girlfriend (officially) at si bebs na nagtatalon, still with her gown and pants underneath, habang china-chant ang famous line niya na: "Ohmydee! Ohmydee!"
But it's bothering me. Mukhang gulat siya at hindi excited. Lumapit na ako sa may living room at inintay siyang kumalma.
"Ohmydee, bebs! Nareceive mo ba ang text ni Francis?" Francis? Umiling ako. Hindi ko hawak ang phone ko sa loob ng fitting room. "Si Nikki!"
"What about her?" kinilabutan ako. It's been a long time since I heard her name. What is it this time?
Ugh, no more. Please.
"Wait," kinuha niya yung phone niya at nagbasa. I noticed her making small jumps at mukhang naku-cutean dun si Marcus. Pasimple kasing ngumiti, yung twinkling teeth! "Hi guys! Ito po si Francis, ang poging newscaster through text," sabay kaming napailing at napa-irap ni bebs sa greeting ni Francis. Kahit sa text, conceited! "Nag-uulat nang poging balita na si Nikki Rivera ay muling ibinabalik sa rehabilitation center sa pagkakaalam na ang dalaga ay... bebs!"
Inagaw ko bigla yung cellphone kay bebs. Hindi lang dahil hindi bagay sa cute niyang boses ang newscaster stuff pero dahil na din sa binasa niya. Hindi kasi ako makapa-concentrate kung yung boses niya o yung binabasa niya ang iintindihin ko.
From: Manager Francis
Hi guys!
Ito po si Francis, ang poging newscaster thru txt! *pogi pogi*Naguulat ng poging balita na si Nikki Rivera ay muling ibinabalik sa rehab center sa pagkakaalam na ang dalaga ay gumamit ng pera upang makalabas noong dating ipinasok siya sa rehab center! PERA TALAGA! KAYA GUSTO KO YUMAMAN! $___$
Walang ano ano ay di-nial ko ang number ni Francis at tinawagan siya. Alam kong hindi mag-rereklamo di bebs. At pagkatingin ko sa kanya, mukhang mas excited pa siya sa akin. She even mouthed: "Loud speaker!" I just rolled my eyes on her and obeyed.
"Hello, Poging Ancis speaking!!!" As usual, he's hyped. At narinig ko yung sigawan ng babae, ibig sabihin nandito din siya sa mall.
"Spill." Utos ko.
"Eh? Si Gab ba 'to?"
"Doesn't matter. Sabihin mo na, dali!"
"Si Gab nga!" napa-iling nalang ako sa pagiging makulit niya at sa pagtawa niya ng nakakaasar. "Sabihin mo munang gwapo ako."
"A-S-A!"
Bababaan ko na dapat siya pero sumigaw si Dom, "Spill Francis! Please! Handsome Francis!!"
Nakita ko yung reaksyon ni Marcus pero imbes na magulat sa ginawa ni bebs, tumawa pa 'to. Nakita kung gaano ka-gullible si bebs sa mga ganitong bagay.
"Gusto ko si Gab magsabi!!"
"Ancis!"
"Grabe! Kahit sa phone, nakakatakot ka!" Pero mukhang hindi naman siya natakot kasi tumawa pa siya. "I really don't know what happened pero binalita lang yun sa akin. Even Cess confirmed it. Sweet nga eh, pinuntahan pa ako sa office para lang ibalita yun."
Natigilan ako nung gumawa siya ng iba't ibang sounds and I bet yun ang nangyayare pagkinikilig siya. Ohjeez, Francis.
"Anyway, yun nga. Rivera is a well-known family so they tried to made measures to take Nikki out of rehab. But this time, someone caught her being high under the influence of drugs. And thus, Psycho Ex definitely suits her."
What the hell.
Kahit ako, napansin ko na kung bakit mabilis lang sa rehab si Nikki pero I didn't know that she'll be using drugs. Kaya pala andun pa rin yung creepiness, yung takot ko. Kasi hindi pa siya magaling. Pero masyado kaming nalinlang ng mean girl aura niya na hindi na naming napansin na ganun nap ala ang nangyayare.
"Or maybe masyado lang siyang na-overdose sa kagwapuhan ko kaya—"
"Oh please."
"Bakit ba ayaw mong aminin na gwapo ako, Gab! My face is enough proof! Kahit boses ko!"
I bet tumakbo na siya sa gilid at naggagawa ng scribbles scribbles sa sa sahig habang may nakapalibot na dark aura sa paligid niya. The same old Francis!
"Gatorade oh!"]Oh. Si Gatorade. "Tama na yan, Francis. May trabaho pa."
Natigilan ako nung narinig ko yung boses niya. Napatingin ako kay na bebs at binigyan nila ako ng isang nakakaloko ng ngiti. Alam kasi nila. Sinamaan ko siya ng tingin at itinulak sa kanya yung phone niya. Tinawanan niya ako kasi alam niyang naapektuhan ako.
Tinapos ko na yung pagfi-fit ng gown. Hindi ko na hinintay sina bebs. Nginitian lang ako ng nakakaloko ni Marcus nung nakita niya akong papalabas ng stall. Nag-pout lang ako sa kanya ang nag-gesture nalang siya na magmadali akong lumabas bago makalabas si bebs. Tumango ako at umalis na.
Bumalik ako dun sa pwesto kung saan ko nakita yung mahabang pila ng mga babae. Napailing nalang ako sa naisip kong gawin, but still pumunta ako sa pinakadulo at nakipila. I don't know how to talk to him again. Call me desperate now!
Simula kasi noon, hindi na niya ako masyadong kinakausap. Nung una, sinasabi kong inosente ako pero di nagtagal nakita ko din ang stupidity ko. I really hate it pag wala akong alam sa mga bagay bagay at pag hindi nila naiintindihan, na ayun nga, wala pa akong alam sa mga ganito. He has the right to be mad pero yung pride ko, sinasabayan ang galit niya.
Matagal na umabante ang pila pero kahit ganun, naririnig ko yung nasa unahan ko na si Gatorade ang gusto nila para maging free boyfriend demo. Hindi ako naapektuhan. Hindi. Hindi. Hindi. A-S-A kayo.
Ugh, sinungaling.
"Ikaw." Napapikit ako nung narinig ko ulit yung babae nung tinanong siya kung sino ang gusto niyang maging boyfriend demo. Pero bigla akong kinabahan nung bigla siyang tumawa.
Agh, this is really frustrating.
Ilang babae nalang at ako na yung kasunod. Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Lumingon ako sa likod ko at nakitang may dumagdag pang madaming babae sa pila. If I back out now at naisipang gawin ang disgusting love move, babalik na naman ko sa dulo. Nakakainis!
Once na nagka-romantic bone ka, kelangan mo i-face ang consequences ng disgusting love moves. Proven na yun! Psh.
Tumungo ako para hindi ako makita ni Gatorade. Ngumi-ngiti siya sa mga babaeng nagpapa-demo pero pag nakaalis na, sisilip siya sa phone niya. I watched him how he boringly looked at his phone, how those dull dark brown eyes stare at the screen. Kung ako yung phone. . . Focus, Gab!!
"Next!" sigaw niya at hindi man lang niya ako tiningnan dahil busy siya sa kakatingin sa phone niya. Huminga ako ng malalim para mabawasan ang kaba ko at hindi effective yun dahil mas dumoble ang kaba ko nung nakalapit na ako sa may stand. "Pili ka na miss para sa demo."
I rolled my eyes. Tulad ng unang beses na nakita ko siya sa stand na 'to. Ang arogante pa rin niya. Buti nalang hindi nagrereklamo yung mga babae kanina. Hindi talaga bagay sa kanya ang trabahong 'to.
"Yung may blue hair." Mahina kong sabi pero alam kong narinig niya kasi napatigil siya sa pag kalikot ng phone niya.
"Sorry Miss pero hindi ako—" natigilan siya nung lumingon na siya sa akin.
"I know." Tumama ang mata niya sa akin. Alam kong hindi siya kasama sa mga boyfriends, "But I still want you."
Tinitigan niya ako ng ilang segundo. Tinitigan ako nung dark brown eyes ni Gatorade. Ako na yung phone. Tsk. Masisira LCD ko.
Agh, korni mo Gab. Meh.
Napatungo ako nung tumuon siya sa may stand at hindi yung expression niya sa mukha ngayon ang inaasahan ko. Mukhang naiinis pa rin siya sa akin. Itinaas niya yung palad niya, na ikinataka ko, "Phone."
"Ha?"
"Phone." Ulit niya. Hindi na ako nagtanong at iniabot sa kanya ang phone ko. Gusto kong silipin kung anong ginagawa niya sa phone ko pero mas pinili kong mag-behave. Galit pa eh! Nagulat ako nung hinagis niya yun papunta sa akin and good thing, nasalo ko. "Next!"
What the! Yun na yun?!
Magrereklamo sana ako pero nagsalita siya ulit, "Miss, nakakaabala ka sa trabaho ko."
Napakagat ako sa labi ko. Parang may bumara sa lalamunan ko. Alam kong gusto ko na tingnan niya ako pero the way he looks at me now, ayoko na. Gusto kong mag-disappear sa harapan niya.
"Sorry." Desperate na kung desperate. I want him to know that I'm sorry! "Sorry na, Gatorade."
Pero hindi, parang hindi niya ako narinig nung ini-level nya yung mukha niya sa akin at malamig niya akong tiningnan, "Next."
Wala na akong nagawa kundi mapatungo dahil nagrereklamo na din yung mga babae sa likod ko. Naglakad na ako palayo sa stand. Narinig ko pa na tinawag ako ni Francis nung napansin niya ako pero hindi ko na sinubukang lumingon.
Galit pa din siya.
Well, it's really my fault. Questioning him kung kami ba was really below the belt. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang iyak ko pero naiinis talaga ako. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa hindi ko na kaya. Nagulat kasi ako dun sa ginawa niya nung last seventeenth. I wasn't expecting anything from that day dahil hindi ko naman talaga alam. Nag-surprise siya sa akin dahil monthsary daw namin at ang nasabi ko lang ay... "Bakit? Tayo ba?"
I was innocent! Hindi ko talaga alam dahil after ng nangyare, hindi naming 'yun napagusapan. Pero ang resulta? Ayun. Nasira ang surprise niya. Bebs and Marcus understand the both of us dahil meron kaming mag kanya kanyang rason pero syempre, kami ang hindi magkaintindihan. Nadadagdagan pa nitong bumalik siya sa BFC para maging manager. Acceptable pa yun pero bothering dahil halos lahat ng pumipila, siya ang pinipili para sa demo.
Selfish? Fine, fine! I'm selfish.
Nakakainis.
Pero ngayon naiintindihan ko na. I tried to call him many times para mag-sorry pero nire-reject niya. Nagkakasama kami pero cold siya sa akin. And about sa BFC, alam kong nagpapa-good shot siya kay Madam para kahit papano, maging okay na.
Tiningnan ko yung phone ko para malaman kung anong ginawa niya. At mas lalo lang akong naiyak nung hindi ko na mahanap yung pangalan niya sa contacts ko. I tried Gatorade, Lance, L.A at kahit papa monster pero wala.
Mukha akong tanga. Nagiiyak ako sa gitna ng mall. At ang tanga ko talaga. Fck it for not being born without romantic bone.
Huminga ako ng malalim hoping na patahanin ang sarili ko. Dinial ko yung number ni bebs para tawagan siya pero nagulat ako nung tumunog ang phone at may nakita akong kakaiba sa screen ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nung binasa ko yung nasa screen ng phone. Kaya hindi ko makita kasi. . .
Lumingon ako sa likod ko at hindi ko na napatahan lalo ang sarili ko. I almost forgot that Marcus once called him Man of Surprises. There was an impatient yet nervous look on his eyes. Napatingin din ako dun sa asong paikot ikot sa paanan niya, hinahabol yung lobo sa buntot niya. Nakita kong bumuntong hininga si Gatorade at ilang ulit na ginawa ang hot mannerism niya.
Lalapitan ko na sana siya pero bigla niyang nilagay yung dalawang kamay niya sa harapan niya, pinapatigil ako. Tinuro niya yung phone niya saka iniwas ang tingin niya sa akin. Tinitigan ko ulit yung phone ko at saka binasa yung nasa screen. Kaya ko hindi mahanap ang pangalan niya kasi pinalitan niya ang pangalan niya dito at ngayon tumatawag siya...
Will you be my girlfriend?(:
Accept Reject
"Bilis." Napatingin ako sa kanya at nakita kong dumadami na yung tao sa paligid namin at kasabay nun ang pagdami ng ulit niya sa paggawa ng mannerism niya.
I bit my lip ang pressed the accept button, "Hello?"
Nawala yung kaba sa mata niya nung tiningnan na niya ako ulit. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Lalapit na sana ulit ako sa kanya pero pinatigil na naman niya ako. Gusto kong magreklamo pero hinayaan ko nalang.
Nagtaka ako nung tumalikod siya at dahan dahang tinanggal yung polo niya. Dun ko napansin ang isang familiar na t shirt. At natigilan ako at napatawa nung nakita ko yung nakasulat dun. It was supposed to be I Like You Alexa pero may papel na nakapatong dun sa word na like at may nakasulat ng Love.
"Still not ruining the meaning of it." Silip niya mula sa balikat niya. Dahan dahan siyang humarap sa akin. "Baby?"
Tumango ako, "Baby."
Nagulat ako nung tumakbo sa akin si Gatorade. Nagtaka ako nung tumigil siya sa harap ko at hinawakan ang dalawang kamay ko,
"Smack, lip-lock or torrid?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
At dun ko naalala na ito yung unang sinabi niya sa akin nung nagkita kami sa boyfriend demo. Mabilis niyang kinagat ang labi niya at ngumiti, "For the sealing of our contract? Ano na?"
Hindi ko maitago ang ngiti ko. Natawa ako nung hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko, making me more aware na naghihintay siya at seryoso siya sa tanong niya. Maybe happiness is taking control of me now, and I don't really care. Binitawan ko ang kamay niya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
I KISSED HIM.
I let go nung narinig ko yung audience sa paligid namin. I smiled at Gatorade, "You haven't seen my kissing monster side yet."
Tiningnan niya ako na parang hindi siya makapaniwala saka umiling, "San ba ang bar dito?"
"Baliw!" hampas ko sa braso niya.
"Ikaw naman ang kinakabaliwan." Hinawakan niya ako at hinila papalapit sa kanya saka niyakap. Napatignin ako sa likod ko nung sumigaw siya, "O, kami na ha!" sina bebs. "Wala ng aangal!"
Niyakap ko siya pabalik.
Kami na.
Alam kong simula palang 'to. Alam kong maraming pang hindi kaming naayos. Marami pang dadating na problema. But we've been there. Napatunayan na. And... I really don't care because
I am TGWSGLG Version 2.0
I was dating. . .
I am still dating. . .
and I will be dating someone... And guess what! His hair is blue!
That's for sure.
"As expected, Gatorade," sinilip niya ako. "Nakakainis ka talaga."
Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo, "Mas nakakainis ka, Alexa."
The Girl Who Slapped Gatorade Loves Gatorade.
*****
INT. Boyfriend Corp. Francis Madrigal's Office
Nahihiyang pumasok ang babae sa loob ng office ng isa sa manager dito sa Boyfriend Corp. Masiglang ngumiti sa kanya ang binata.
"Ikaw ba ay sawi sa pag-ibig? Ikaw ba ay takot sa mga lalaki? Iniwanan nalang sa ere kaya galit sa kalalakihan at may namumuong pakiramdam na gustong maghiganti?" alanganin na umupo ang babae sa upuan sa harap ng table ng manager. "Naghahanap lang ba ng taong sayo'y magpapakilig? O kaya naman malakas lang talaga ang iyong trip?"
Hindi mapigilang mapatawa ng dalaga at walang ano ano'y tumango kahit hindi niya alam kung para saan yun sa daming tanong sa kanya.
"Nasa tamang lugar ka, magandang binibini!"
Tumayo si Francis sa swivel chair niya at itinaas ang dalawang kamay,
"Welcome to Boyfriend Corporation!" Inilagay ng manager ang isang papeles sa harap ng dalaga, "Choose from the list and he'll be yours. Pay the price and get the service you will never forget.
"Pero paano kung main-love ako sa boyfriends niyo?"
Hinawakan ni Francis ang kamay ng dalaga,
"Everyone deserves a happy ending, milady." Ngumiti si Francis. "But still, you won't get it for free."
MONEEEEY!
-END-
*********
Click external link para sa keme proposal ni Gatorade. Hihi.
Author's note:
Hello Baby Monsters and Frosties!
And yes, this is it! I'm closing Boyfriend Corp 2! Officially! I know may naiiwan pang open na sub stories sa story but I'm ending it with Alexa since this is her and Gatorade's story to begin with. I want to thank you for reading Boyfriend Corp book 2! Kahit alam kong hindi siya ka-humor ish o ka-lively compare sa book 1, thank you kasi nagtiis kayo na basahin, sinabayan niyo akong tapusin, sinabayan niyo akong umiyak, tumawa at kiligin! Thank you kasi hindi kayo bumitaw. Thank you dahil isa kayo sa dahilan kung bakit nabuhay ang Kissing Monster, Twinkling Couple, Grubsy, Baby Monsters at Frosties! At aaminin ko, napakasakit na tapusin ang story na 'to dahil sobrang attached na ako sa story na 'to. Na parang kapit bahay ko sina Gatorade at parte na talaga sila ng real world ko. I'm thankful kasi dahil sa BFC, may napatunayan ako, marami akong nakilala. . . nag-grow ako.
Guys, you don't know how happy I am. Sobra sobra at aaminin ko naiiyak na ako ngayon. Tine-treasure ko ang BFC at hindi ko alam kung kayak o pang makagawa ng tulad nito. BFC is a massive gift for me. Thank you talaga. Iyak muna ako ng ilang beses ha. BFC is getting me so emotional!
Ah basta, if you're reading this, pa-hug!! Virtual hug!! Thank you ha? Love you to death! LOVE YOU BABY MONSTERS!! MAGPAKARAMI TAYO!! HAHAHA. PAPAYAG SI GATORADE NIYAN! XD
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro