Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seven

Chapter 7

November 25, 20xx | Sunday

Napasigaw ako nung natapik ni Gatorade ang bola sa kamay ko. "Ang daya mo!"

Bumelat siya sa akin at mabilis na tumakbo sa kabilang side ng court. He did an easy lay up, making our scores' gap wider. Grr. Madaya. Madaya. Madaya!

"Anong madaya doon?" Pinasa niya yung bola sa akin at saka tumakbo para bantayan ako.

I glared at him while dribbling the ball. Pero mas lumawak ang ngiti niya na naging dahilan ng pagkawala ng concentration ko. Dang! Alam kong nakakainis ang ngiti niya pero napapangiti din ako pagnakikita ko iyon.

"Don't be..." natapik na naman niya ang bola. Ahh!! "...distracted."

"Blue head!" Hinigit ko yung T-shirt pero balewala pa rin nakawala siya at nakatakbo na palayo. I tried to stop him pero pinagod ko lang ang sarili ko.

Another easy lay up, "20-12."

Sinambot ko ang bola pagkashoot niya. Tumakbo agad ako para makashoot at hindi na ako nagulat nang masabayan niya ako sa pagtakbo. Medyo lumayo ako sa kanya at lumabas sa three-point lane. Tinitigan ko ang ring at...

Lumabas ang pa-cool boy smile niya habang pinapanuod ang pashoot ng bola. I did the oh-so famous 'I'm watching you' hand gesture. Napailing nalang siya at napangiti.

"20-15."

Ibinuka ko ang mga braso ko na tila ba binabantayan ko talaga nang kunin niya ang bola. Nakatayo lang siya doon at pinadribble ang bola. Nagtaka ako kung bakit ngumiti siya sakin..

"You want me to hug you?"

WTH.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at automatic na tiniklop ko ang mga braso ko. At huli nab ago ko marealize ang ginawa niya. Argh! He did it again. Mabilis niyang nagagawang pawalain ang focus ko para makalagpas siya at makascore!

"22-15"

"I can't believe it." Napailing nalang ako dahil hindi ako makapaniwalang nangyayari 'to.

"Taste of your own medicine?"

****

Tinapik niya ako matapos niyang lagyan ng towel ang likod ko. Boyscout pa rin ang peg niya hanggang ngayon. Ibinigay niya sa akin 'yong tubig nang nakainom na siya.

"Unfair." I exhaled.

"I'm fair. It's what you call strategy, baby." He softly laughed.

"And your strategy was distract me? Tsss."

"Nagpadistract ka naman sa akin, 'di ba?" Napaurong ako nang nagbend siya at pumunta sa mismong harapan ko. Iniwas ko ang tingin ko at uminom ng tubig. "See? You're easily distracted."

"Stop it, Gatorade."

Tumawa siya. "Ano bang ginagawa ko?"

Hindi na ako sumagot. Ang weird na, ang awkward pa. Sanay na naman ako dito dati, 'di ba? Alam ko na dapat kung ano ang magiging reaksyon niya o kung ano pa ang isasagot niya sa sasabihin ko. Lagi naman kaming nag-aasaran dati. Alam ko na ang pagkakulit niya at kaya kong magprolong ng temper kapag nangungulit siya pero bakit ngayon... Tila bumalik kami sa Day 1 mula nang magsimula ang kontrata.

Dalawang buwan lang naman ang nakalipas, 'di ba?

Napatigil ako sa paginom nung naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Nagiging mas self-conscious na rin ngayon. Ramdam ko ang pagnginig at pagpapawis ng lamig ng kamay ko. Shoot.

Gusto ko sanang kunin pabalik ang kamay ko pero nalock na niya ang mga daliri namin. I even wonder how he did that, eh hindi ko naman ginagalaw ang kamay o ang mga daliri ko.

Am I really easily distracted now?

Shoot. Please no.

 

 

Agh. Wag naman sana.

Must. Think. Of. Something. To. Talk. About.

That hand thingy is making my focus go away.

Wait. Bakit ba kelangan kong mag-focus?

"Hm. Pwede maging tsismosa?" I started. Napalunok ako matapos isipin kung anong tinanong ko.

He chuckled, "You're always nosy."

"Tss. It's either yes or no lang naman, blue head."

"Go." Napatingin ako sa kamay naming dalawa nung sinabi niya 'yon. Pinaglalaruan na naman niya kasi e.

"Is Andrei..."

"Kung anak ko?" Mabilis siyang tumingin sa akin at bumalik ulit sa mga kamay namin. "Oo. Pervert ako e."

"Psh. Gatorade." Reklamo ko. Hindi niya naman kasi ako sineseryoso.

He chuckled, again. "Oo. Anak ko si Andrei."

"Blood to blood, flesh by flesh? As in hindi mo siya ampon or what?"

"Our faces say it all, baby." And there goes the doki doki feeling again. Psh. Baby. "Bakit, turn off ka na ba? Si Gatorade ang batang ama."

"Uhhhh.." Napakagat ako sa labi para pigilan ang tawa ko nang sabihin niya 'yon habang tinaas ang dalawang kamay. "Actually, turn off na ako nung first day palang kitang nakilala."

"I know. You slapped me, right?"

"Good thing you still remember."

"Paano ko ba hindi makakalimutan?" Ni-link niya yung daliri namin bago tumingin sa akin, "You're one of those few people."

"Oo na! Oo na! Ikaw ng gwapo kaya natatakot silang sirain ang mukha mo." I made face at tinulak niya mukha ko gamit ang free hand niya.

"But seriously, turn off ka?"

Tumayo siya at kinuha ang bag ko. Kinuha ko naman ang bag pack niya. Nagpalit kasi kami ng bag noong pauwi kami. I love his neon green backpack. Hinigit na niya ako. Uuwi na siguro? Dito kasi kami sa court dumiretso.

"Slight?"

"Slight?" May hint ng pagkainis sa boses niya.

I laughed, "Don't make an awful face. Nagreregret tuloy akong sinabihan kitang gwapo."

"What? Ikaw lang may karapatang mag-make face?"

I shook my head and trying myself not to laugh, "Pero nagmumukha kang nagtatantrums na bata."

"Baby face, e." He smirked.

"Baby with blue hair?" I imagined. What an odd looking baby.

"Yes. Your baby with blue hair." He nodded, emphasizing the word your. Hindi 'yon ang ibig sabihin ko pero pinaparating niya na yun ang ibig sabihin ko. I didn't call him baby!

Nasa kanto na kami papunta sa apartment namin nang biglang may mahagip ang mata ko. Sa ibang way nakatingin si Gatorade kaya siguro hindi niya napansin. Binitawan ni Gatorade yung kamay ko at pumunta siya sa may tindahan habang ako nakatigil pa din dun at nakatingin sa kanya. Anong ginagawa niya dito?

"Gatorade." Nilingon niya ako. "Si Marcus."

Tinuro ko sa kanya kung nasaan si Marcus. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya na kaya mas nagtaka ako sa nangyayare. "Parang di ko siya pinagsabihan." Kinuha na ni Gatorade yung binili niya at hinawakan na niya ulit ang kamay ko. "Tara."

Hindi mawala ang tingin ko kay Marcus. Alam kong nakita niya rin kami pero mas pinili niyang walang gawin at tumigil doon. Napalingon ako sa apartment namin, and that made me realize na lumampas na pala kami.

"Where are we going?"

"I just thought maybe we should stroll a bit longer." What? "Ayaw mo ba akong kasama?"

Napakurap ako sa sinabi niya. Kinindatan niya ako at nakuha ko na agad ang gusto niyang iparating. Alam ko na gusto niyang ibahin ko kung ano man ang nasa isip ko. Mas maganda nga muna sigurong wag kaming umuwi. Maybe Marcus has a plan at ayokong maging harang d'on.

****

Kinuha niya ang bag sa kamay ko at itinabi sa kanya. Dahan dahan akong umakyat sa monkey bars para makatabi sa kanya. Inabot niya ang kamay ko at hinila ako pataas. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa tabi niya pero mas napansin ko lang na hindi niya binibitawan ang kamay ko. Sinubukan kong tumingin sa papalubog na araw sa harap namin pero ayaw maalis ng tingin ko sa kanya.

Nagiging orange ang balat niya dahil sa reflection ng araw.

"Sa tingin mo, bakit tumakbo si Cinderella nang tumunog ang orasan noong 12 o'clock?"

Ha?

Naguluhan ako sa pagiging random ng tanong niya. Here goes the Cinderella story again, his favorite fairytale story. Naalala ko ang debut ko. When the clock struck twelve...

"Kasi sabi ni fairy godmother bumalik siya ng 12 midnight?"

Napangiti siya at napailing, making me more confused. "Pero alam naman ni Cinderella na kung hindi siya umalis, may possibility na instant happily ever after na agad."

Instant happily ever after?

He slowly shift his gaze to mine, "I hope Cinderella didn't ran away. Hindi na dapat siya babalik sa pagpapahirap ng step mother and step sisters niya. She can stay and live with the prince. Dahil tanggap siya nito."

"But in the end, they lived happily after naman, 'di ba?"

Tumango siya, "Pero paano kung may naunang babae at nagkasya ang sapatos? Magpapakasal ang prinsipe sa maling babae. Hindi si Cinderella ang makakasama niya sa happily ever after."

Bigla akong kinabahan sa pagtingin sa akin ni Gatorade. Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko nang higpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Nakalimutan ko na hawak hawak niya ako.

"Sorry, random stuff."

It's very obvious na there's something behind that Cinderella story and it's not just like any random stuff. Kahit naguguluhan ako, I kind of understand that there's something bothering him or there's something na kelangan ko pang mas maintindihan.

"Anong nangyare, Lance?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Why do you use to live in tents before? What happened to your parents?" Kita ko ang pagbabago ng expression ni Gatorade. "Who are you, Lance?"

Kinabahan ako nang dahang dahang mawala ang pagkakahawak ni Gatorade sa kamay ko. Nanlamig ang buong katawan ko. He's letting me go. Shit, Gab.What the hell are you thinking, mindlessly asking things like that?!

Stupid. Stupid. Stupid.

Nanlaki ang mata ko nang biglang tumalon si Gatorade mula sa kinauupuan namin. Naglakad siya palayo. Please no. I was about to call him when he stopped and faced me.

Agad kong kinuha yung bag namin. Tumalon din ako tulad ng ginawa niya at.. "Ah!"

Hindi ko akalaing mas magiging tanga pa ako sa ginawa ko. Napaupo ako at hinawakan ang ankle ko. Lumapit sakin si Gatorade. Umupo siya sa harap ko at hinawakan ang paa ko. "You really are something, Ms. Delos Reyes."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Kinuha niya ang dalawang bag namin at tumalikod sa akin. "What are you doing?"

"Doing something good for my girlfriend obviously." He peeked at him and invited me to get closer to his back. "Dali na. Before I change my mind."

"No, Gatorade. Kaya ko."

"Seriously, Alexa?"

Sinubukan kong tumayo pero dumaing lang ako sa sakit kaya wala na akong nagawa at lumapit sa kanya. Binuhat na niya ako sa likod niya. At ito na naman yung pagiging conscious ko sa timbang ko. I hope I lost pounds though I'm not really into diet.

I secure my arms around his neck, making sure na hindi siya nasasakal. Dahan dahan siyang tumayo, looking for balance. Napasigaw ako nang muntik na kaming matumba.

"I got you, baby. Don't worry."

Napasubsob ako sa balikat niya. Nagsimula na kaming maglakad pauwi. Naalala ko noong nakidnap kaming dalawa ng KDL noong last foundation week. When he mentioned that he's the only one who's allowed to lift me. 'Buhat sako'

"I chose to be away from them."

Pinagtitinginan na kami ng mga taong nakakasalubong namin, making me more conscious. I wanna bury myself right now. Pero hindi ito yung time para dito. He's talking. He's really talking.

"As much as possible, I don't want to see them."

"Hindi ka ba natatakot dahil bawal 'tong ginagawa mo? Baka malaman ng BFC." Nahihibang na talaga ako.. I'm the one who asked him pero ito pinapaalala ko sa kanya na bawal dahil ng rules. Great.

"Blame yourself. Hindi talaga mawala yun sayo e."

"Alin?"

"Ang mga tingin na 'yon."

Mas pinili niyang hindi sila makasama. Bakit? Paano nangyare 'yon? Anong nangyare noon?

"I had no place to stay kaya sa tents ako natutulog."

"Nagrebelde ka?"

"Pero may rason ako."

"Pero okay na kayo."

"Sabihin na nating oo." He shrugged. "Kasama ko sila o hindi, gan'on pa rin naman."

"Pero—" tumawa siya at pumasok na kami sa loob ng gate.

"I think that's enough baby. Madami ka ng tinatanong at kapag hindi pa kita pinigilan, baka hindi ka na tumigil kakatanong."

I sighed. May point siya. Talk about where I got my blabbering mouth. Clue: I call him Papa.

Binuksan na niya ang pintuan at hindi ko alam kung pareho kami pero nagulat ako na makita si Marcus sa harap namin. Palabas na din siya siguro. Magsasalita dapat ako pero walang lumalabas sa bibig ko.

"Sorry." iyon lang ang sinabi niya at dumiretso labas na siya sa bahay.

Hindi ko na nagawang magtanong dahil pumasok na din kami sa loob. Mukhang wala lang kay Gatorade na makita ang best friend niya na nag-trespass sa apartment namin. Not really trespassing, but still. Why? Why? Whyyyy?

I suddenly thought of bebs nang pinaupo ako ni Gatorade sa sofa. Walang imik pa rin siyang pumasok sa kwarto ko para ilagay ang bag namin. Gusto kong tumayo para tingnan ang kwarto ni bebs but my ankle forbid me too.

Bumalik si Gatorade hawak hawak ang isang pain killer lotion. Umupo siya sa sahig, katapat ko. I'm itching to ask him. Pwede naman siya magsalita o magreact kahit papano!

 

Napatingin ako sa likod ko nung tumunog yung pintuan ng kwarto ni bebs, "Hey! You're back!"

Dumiretso si bebs sa kusina. Lumabas siya hawak hawak ang isang pack ng MnM's. Umupo siya sa tabi ko matapos batiin si Gatorde.

"Thanks to these," pertaining to her chocolates. "they keep me company while you do your lovey dovey."

NNapabuntong hininga nalang ako. It's just a party, bebs. A freaking formal gathering! At anong lovey dovey? We did this for Mama. Don't get the wrong idea. Wait.. or am I the one who got the wrong idea? Ugh.

"Wait. What happened?" Turo niya sa hinihilot ni Gatorade.

"Well, your best friend wanted to fly. "

"WTH." Napailing nalang ako sa sagot ni Gatorade at hindi ko alam kung bakit naging benta 'yon kay bebs.

I looked at bebs and Gatorade. Wala namang iba sa kanila at hindi man lang ako nakaramdam ng awkwardness between them noong magkita sila kahapon ng umaga. She was surprised to see Gatorade dahil ineexpect namin na bawal siya i-rent for a day. Iyon ang sabi sa amin ni Francis, 'di ba?

"Bebs, may pumunta ba dito kanina?"

Hindi ko na napigilang magtanong.

"Bisita?" nagtataka niyang tanong sa akin. "I was sleeping the whole day. Kaninang umaga lang kasi ako umuwi."

"What? At san ka nanggaling?"

"Looking for company. Minsan kasi 'di effective ang chocolates."

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. So hindi sila nagkita ni Marcus? Pero paano nakapasok si Marcus dito? Meron ba silang spare key? Well, I doubt. Ito ngang blue head basta basta pumapasok sa bintana ko. Pwede na talaga silang kasuhan ng trespassing. Pwede din silang mapagkamalan na akyat bahay.

"Why? Magdadating ka ba dapat na bisita?"

Umiling ako. I feel better matapos hilutin ni Gatorade ang ankle ko. Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong buhatin ng parang sako. "WTH are you doing?!"

Hindi sya sumagot, instead narinig ko ang sigaw ni bebs, "Oh please. Wag niyo naman akong inggitin!!"

"Blue head!!"

Pumasok kami sa kwarto. Madilim pero dirediretso ako ibinagsak ni Gatorade sa kama. I glared at him noong makita ko ang mukha niya pero binigyan niya lang ako ng poker face.

"I don't know what's happening but I think it's better if we let Dom and Marcus on their own.."

"What? Why?"

Hindi sumagot si Gatorade. Pumunta siya sa cabinet ko at kumuha ng Pjs ko. Ibinato niya yun sa kama at pumasok sa banyo. Napailing nalang ako pero sinunod ko na rin siya kaya nagpalit ako agad. Sumigaw ako ng tapos na para lumabas na siya ng banyo. This guy!

"You got weirder after those months."

Pumunta siya sa kama at lumapit sakin. He kissed my forehead, "You too, baby. Get some rest."

*

[Francis' POV]

Kumatok ako sa bintana. Grrrr. How long does he want me to wait? Hindi ba niya alam na sensitive ang mga balat ng gwapo?! Kumatok ulit ako, ayaw pa kasi lumabas, e!!

Napabuntong hininga ako nung buksan na niya yung bintana. Muntik na akong magkaroon ng super powers na nakakapag-laser beams! Pero fair si God kaya naman, gwapo nalang ang ginawa niya. "Atlast!! Ang tagal mo!!"

"Wag ka ngang maingay."

"Alam mo bang ang lamig lamig dito? Ang gwapong Francis Madrigal pinaghihintay mo?! Di mo ba alam na importante ang gwapong oras ng mga gwapong katulad ko?"

Tinitigan niya lang ako..

Sabi ko na nga ba e..

"Naga-gwapuhan ka na nga sakin!!!" sigaw ko habang nakaturo sa kanya.

"Can you put your voice down? Tulog na si Alexa!" pabulong na sigaw niya. Ang labo. Pero basta sumisigaw siya pero pabulong. *kamot ulo* Ni hindi ko nga alam kung paano niya nagawa yun. Bulong na sigaw.. Uhhh.

Sisilip sana ako sa bintana pero tinulak niya ang mukha ko. Waaah! Not my face. Not my handsome face!!

"Akala ko ba aalis na tayo?"

"Nakipagbreak ka na ba sa kanya?" Napatigil si Gatorade sa tanong ko. Ehhh~ Kinilig yan sa gwapong boses ko. Mwahahahahahah!

"Alam na naman niyang aalis na ako."

"Weh? Dali na. Intayin na kita."

"Tss. Wag na." Lumabas na siya ng bintana. Mamaya mapagkamalan pa kaming akyat bahay gang nito. Hooo. Ayoko. May pamilya pa ako. T^T

Nauna na maglakad sa akin si Gatorade. Sisilip sana ako sa bintana for the second time pero hinigit na niya ako sa kwelyo ko. Argh. "Iniisip ko talaga kung kelan niyo ko irerespeto bilang manager. T^T"

"Di mo na kelangan. Tara na."

"Ba't ka ba kasi nagpasundo? Alam mo na ba kung anong oras na?!" Teka.. Ano nga bang oras na? Mabilis akong tumingin sa relo ko. "Alas dose na oh!!"

"Kelangan ba talagang sumigaw ka? Tsk."

"Gwapo ako e." Given na 'yon. Hindi ba siya nagsasawa at kelangan ko pang ulit-ulitin 'yon sa kanila?

"At walang sense yun." nagpahigit lang ako kay Gatorade. "Baka kasi hindi na naman ako makauwi."

"Suuuuuuus! Sabihin mo namimiss mo lang ang gwapong nilalang na ako. Wag ka ng tumanggi, Gatorade. Wag ka ng mahiya. Alam ko naman kasing gwapo ako."

Pero ang punyeta, pinoker face lang ako!!!

Tumayo na ako at pinagpagan ang pantalon ko with my gwapo poise. Hehe. Binuksan ko yung van para makaalis na agad kami. Gabing gabi na. May problema pa ako kay Marcus. Biglang nawala nung mall tour namin. Wahaha. At mall tour talaga yun.

"Sure ka bang di ka magpapaalam kay Alexa?"

"You're not allowed to call her Alexa."

"Hooo! Oo na boss! Hindi na!" Napailing nalang ako. Manager mo kaya ako. Huhuhu! "So ano nga?"

Pumasok na ako sa loob nang makita kong binuksan ni Gatorade ang pintuan para sa shotgun seat. Pinaandar ko na ang engine pero nanlaki ang gwapo kong mata nang nakita kong tumakbo pabalik si Gatorade sa bintana ng apartment nina Gab.

Wag daw tawaging Alexa, e. Boss siya, e!

Sumunod ako sa kanya pero napatigil ako noong makita ko na si Gab sa loob. Walang imik imik to toothbrush toothbrush, hinalikan ni Gatorade si Gab. Oh boyyy~ *sipol*

Kinuha ko yung phone ko at agad na dinial yung number niya.

*ring... ring...*

*ring... ring...*

*ring... ring...*

 

"ANO NA NAMAN BANG KELANGAN MO?!"

"Mehehehe. Miss lang kita."

 

"LECHE KA. Alam mo ba kung anong oras na?!!"

"At least sinagot mo." Love na talaga ako nito. Napatawa nalang ako at nakitang pabalik na si Gatorade. Kumaway pa nga ako kay Alexa at tipid siyang ngumiti sakin, "Amazona mode ka pa rin kahit alas dose na?"

"Bwiset ka! Just die!"

"Wag naman. Madaming manghihinayang sa henerasyon na maiaambag ko sa future!"

"You're a conceited manager. Don't call me again!!!"

*Tutut*

Nakakamiss din pala ang pagiging amazona niya. Princess Amazon. OuO

Bumalik na si Gatorade at hindi siya tumingin sa akin dahil diretso na siyang pumasok sa van. Sows. Masyado ba akong gwapo para hindi niya tingnan? Namumula pa ang tenga e!

Pero seryoso gwapong Francis na ako... At kahit hindi ko kaya maging seryoso. Hihihi.

Padabog na sinara ni Gatorade ang van nung bigyan ko siya ng nakakalokong tingin. Mwahahahaha. Asar talo e.

"Interesting ang mga susunod na mangyayare." Binuksan ko ang pintuan at pumasok. Sinamaan ako ng tingin ni Gatorade nang ngumiti ako sa kanya. "Goodluck boy."

"Ano?!"

"Wala. Sabi ko ang gwapo ko. OuO"

Sana maganda ang mangyayare sa lalaking 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro