Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

Chapter 4

November 21, 20xx | Wednesday

[Dominique Veena Delos Santos' POV]

Titigan ang bola. Magfocus sa center. Calculate, take a step back, jump—then spike!

Pinunasan ko yung tumulong pawis sa baba ko. I thought I was about to score noong nakita kong hinabol ni bebs 'yong bola. I immediately went back to my form and watched her return the ball again. Agh!! Nasagot niya.

Tumakbo agad ako palapit sa net but too late!

"Argh, bebs! You know I hate running!" Tipid lang na ngumiti sakin si bebs. Nag-gesture siya na tumayo na ulit ako at ise-serve na niya ulit ang bola.

"But you love volleyball? That's weird." Inihagis niya yung bola kaya napatayo na agad ako. Bago niya paluin ang bola, "At saan mo pa natutunang sumuko? Are you really Dominique Delos Santos?"

Hinayaan ko lang na lumipad ang bola hanggang sa makalagpas ito ng net.

I don't know, bebs. I don't know myself anymore. 

 

*

  

Napaupo ako sa sahig, "Oh my dee," I tried my best to say that, "Bebs!"

"Gusto mo ba talagang bugbugin ang sarili mo?"

"Eehh. " I pouted, "You already know why I'm like this."

Tumingin lang sa akin si bebs noong pagkapulot niya nung volleyball. Like the always, titingin siya sayo ng parang wala lang. You don't even know kung sayo nga siya nakatingin or nakatingin nga siya sayo pero iba ang iniisip niya. I really have a weird best friend. 

"Isa pang round?"

HAAA?! "You've got to be kidding me!!"

"Well, you're the one who asked me to play with you."

"Aren't you tired?" Humiga na ako ng tuluyan sa sahig. "Naglalaro na tayo for 2 hours straight!"

"Who cares if I'm tired?" Nakita kong hinagis niya pataas ang bola. Nakita kong sa aking babagsak yung volleyball kaya itinaas ko ang mga kamay ko para masambot yun, "...you need me so mas kelangan kitang intindihin."

Napaupo ako sa sinabi ni bebs at.. "Beeeebs!!!"

"You look awful." Sumimangot ako lalo. Based on bebs' facial expression, gusto niya na ihilamos ang kamay niya sa mukha ko. "Stop crying!"

Napasinghot ako at pinunasan ang luha ko. Hinagis hagis ko pabalik balik ang bola sa ere. Doon lang ako nakatingin. I don't think I can hold this much longer. Si bebs kasi kahit dalawang buwan ko na siyang di pinapansin—fine! I admit it, ako yung masama!! *insert cutie crying emoticon here, pretty please*

Napaurong ako noong inihilamos na nga ni bebs yung palad niya sa mukha ko. Ehh! "Bakit parang nagsisisi na ako at pumayag ako sayo?"

"Wag mo naman akong i-down pa kung alam mong down na down na ako. "

Narinig ko yung pagbuntong hininga ni bebs dahil sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa volleyball court kung saan kami naglaro. Nandito kami sa isang countryclub sa Batangas. Wala kasi kaming alam kung saan pede maglaro.

Napatungo ako nang ipatong ni bebs yung palad niya sa ulo ko, "Sorry bebs ha." I looked at her, "Totoo ngang disadvantage pag wala kang alam. Hindi ko tuloy alam kung paano kita tutulungan."

I was about to say something about her being sweet pero sinamaan na niya agad ako ng tingin. She really hates mushy mushy.  "At mas lalo akong hindi makakapagisip kung ganyan mukha mo. You're a distraction."

Gusto ko sanang i-pout pa ang labi ko pero seryoso na si bebs. Masyado na ba akong naging bother sa kanya? Malamang! Alam ko naman kahit walang iniimik si bebs at nagiging observant lang siya most of the time, may pakielam pa din siya. Hinayaan ko lang ang sarili kong maging oblivious dun.

"Are you talking to Leah now?" I shook my head, "So you're not talking to Marie and Cymone, too?" Tumango ako. After nang nangyare sa mall and BFC demo thingy, I haven't been in touch with them. Talk about awkward. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla niya akong tinuktukan. "I can't believe that you're really stupid."

"Sumusobra ka na bebs!" I whined. Pero binigyan niya lang ako ng isang bored na look. "Fine, guilty of charge bebs. Pero alam mo namang mabilis akong maapektuhan di ba?"

"Pero hindi rin nila kasalanan yun, they don't know a thing!" pagtatanggol niya sa kanila pero nagbago agad ang expression sa mukha niya. "Pero hindi din naman kita pe-pwersahin na kausapin sila. It's still your choice."

"Sa tingin mo iniisip nila na iniwan ko sila sa ere—Ohmydee. Maybe they're thinking that way!!"

"I will feel that way kung sa akin mo ginawa yun."

Double pang of guilt! Straight to my chest! I wanna cry!! Pero I really don't know what to do—especially how to deal with Leah! Because, because—she kissed Marcus. Kahit di ko talaga nakita, alam kong hinalikan siya ni Marcus. Duh, it was a demo!

Lumapit ako kay bebs at niyakap siya. Hindi siya nagreact. Hinayaan lang ni bebs na yakapin ko siya. Ito ang isa sa mga gusto ko kay bebs, yung tipong kahit hindi siya masyadong touchy or mushy na tao, kapag alam niyang kelangan mo 'to, pagbibigyan ka niya.

"I miss him." I tightened my hug. "Yah! I miss Love!! Aw!"

At ito rin ang ayaw ko sa kanya, kapag napuno na siya ay wala na siyang pakielam kung kelangan mo pa ng yakap o hindi kasi talagang itutulak ka niya palayo at pag di ka niya naitulak, she use all her force mapalayo ka lang sa kanya.

"You don't have to kill me. I get it already, miss mo na siya. Psh." Hinilot niya yung leeg niya. Pero lumapit ulit ako sa kanya at niyakap siya. Hindi na naman siya tumanggi.

"Please let me hug you. Please? Please? Please?" I used my ultimate weapon pag ganitong asar na siya. PUPPY EYES ON!! She's too weak basta mata ang paguusapan.

"I'll hit you again kapag hinigpitan mo pa." Iniwas na niya ang tingin niya sakin.

Sinandal ko ang side ng ulo ko sa balikat ni bebs. I always find bebs' shoulders comfortable at alam kong lahat ng close sa kanya, nadidiscover yun. Ilang bebes kong napapansin na mahilig sumandal si Gatorade sa kanya noon. Pati din si Rinri—

*Poof!* *Blushes*

"Problema mo?"

"Wala." I shook my head. "Don't mind me."

Naalala ko kasi yung ginawa ni Rinrin sakin nung nasa mall kami. Nung tinakpan niya ang mata ko. Matapos ko kasing umiyak noon biglang pumasok sa utak ko yung ginawa niya at— Ang manly kasi ng ginawa niya kahit ganun lang 'yon!! *blushes 10x more*

Ni hindi pa ako nagpapasalamat sa kanya. Minsan lang kasi kaming magkita at sabi ni bebs lagi silang may practice. Haaay. Who would have thought na si Rinrin pala ang magliligtas sa akin noon? We all know na para siyang si Andrei.

"Bebs."

"Hm?"

"Thank you ha?" Lumingon sakin si bebs kaya napaayos ako ng upo. "Kahit hindi kita kinausap.."

Ngumiti lang sa akin si bebs. Kahit hindi ko na sabihin, alam na niya kung anong gusto kong iparating sa kanya. I'm so blessed having bebs as my best friend. Pasalamat talaga ako kasi di siya nagsasawa sakin kahit sa mga ganitong teenage problem-*ehem*-lovelife ko.

Kahit mula pa noong sa first break up ko, hindi ako umiimik sa kanya.Yayakapin ko lang siya, hindi siya magtatanong. Hindi ko siya kakausapin ng ilang linggo at hindi siya nagrereklamo. Andyan pa rin siya.

"Buti di ka nagsasawa sa akin bebs." I sniffed and trying not to cry again.

"Umay na nga ako e." I pouted pero nagsmirk lang siya at pinadribble yung volleyball. Bebs will always be bebs.

*

[Alexa Gabrielle Delos Reyes' POV]

Ang sakit na ng paa ko. Hindi ako gumalaw nang niyakap na naman niya ako. Paano ako makakagalaw e pagod na pagod na ang katawan ko? Agh. Hindi ko ba alam kung bakit ito ang napili ni bebs na pang-alis ng stress. Ang tagal ko ding hindi nakapagbunot ng buto. Psssh.

Nabitawan ko yung bola noong bigla akong natulak ni bebs. Thanks for letting my entertainment go away bebs. Tsk. Tatayo na sana ako pero nakita kong tumama 'yong bola sa bagong kakapasok lang dito sa loob ng gym. Tumayo na kami pareho ni bebs para kunin 'yong bola.

"Alexa?"

Natigilan kami sa paglalakad nang biglang may magsalita doon sa likod ng babaeng natigilan ng bola. I recognize that voice. Sumilip siya samin.

"Aly!"

"Hi! Dominique!" lumapit samin si Aly at nakipagbeso. Ganun din ang ginawa niya kay bebs. "Hey. What's up? Long time no see!"

Tapos na ang OJT nina Aly sa Art Stuff since isang semester lang ang OJT nila at back to acads na ulit kaya naman ngayon lang ulit kami nagkikita. May kakilala daw siya dito sa country club at minsan talaga pumupunta sila dito para mag-unwind. Ilang minuto ang lumipas para lang kasuklaman ang course niya pero mukha namang gusto niya pa rin 'to.

"Guys, meet my friends!" Tinawag niya yung kasama niya, three girls and four boys. Actually hindi ko naman natandaan ang mga pangalan nila. Bebs can handle the names. I'm not really interested since there are lesser chances that I'll meet them again. Pero mas naging aware ako sa sinabi ni Aly na highschool barkada. Ibig sabihin—ito rin yung barkadang sinasamahan nina Gatorade dati.

Naiwan muna kami ni Aly sa bench. Ayaw daw muna niyang maglaro at dahil bumalik na din ang energy ni Dominique, siya muna ang pumalit kay Aly.

"Ahhh. I don't want to miss paper works but I really miss Art Stuff. You never know kung kelan ka ulit makakakita ng masterpiece doon!" I nodded. "By the way, Gatorade and Marcus? Nakita ko sila last week pero I was so busy kaya I never had a chance to talk to them." Natahimik ako bigla sa tanong ni Aly. Hindi niya alam? "I thought kasama nila kayo pero hindi ko na nacheck dahil nagmamadali nga ako."

"Aly," Napatingin ako sa kamay ko sa lap ko. "Break na kami."

Nakita ko ang pagkagulat sa mata ni Aly pero halatang pinilit niya na agad mawala yun. Alam ko naman kung bakit, "I—I forgot. Sorry."

"Wala namang dapat ika-sorry."

"Nakita mo na siya?"

I shook my head, "After our break up, hindi na kami nagkita. Pero tinawagan ko siya noong birthday niya."

"Last week?" I nodded. "I texted him that day pero feeling ko busy siya e."

"Busy naman talaga siya e."

"Sus!" Nagmake face siya kaya napatawa ako. "Asang busy ang asul na 'yun. Ayon ang pinakaayaw niya sa lahat, ang maging busy."

Agad na nawala ang ngiti ko. Bakit ganoon? Bakit kahit tatlong buwan kong nakasama si Gatorade, parang wala akong alam sa kanya? Get a grip, Gab. Magkaibigan na sina Gatorade at Aly nung highschool palang sila.

"Alexa." Napatingin ako kay Aly. "Anong...anong nararamdaman mo?"

"Nararamdaman?"

"Ngayong.. hindi na kayo?"

Napatingin ako kung saan nakatingin si Aly. Pinapanuod namin na lumipad ang volleyball sa ere pero alam naming iba ang nasa isip namin ngayon. Ano nga bang nararamdaman ko? Napangiti ako. Sa totoo niyan, hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Aly. Pero hindi na naman niya ako kinulit. Maya maya nakipagpalit na sa kanya si bebs at siya na ang nakipaglaro sa mga kasama niya.

Alam talaga ni Aly kung kelan magpapakita.

***

To: Russ

Pauwi na kami.

Tinext ko agad si Russ. Tapos na daw kasi ang practice niya. Good thing wala ako sa Art Stuff kung hindi baka pinakidnap na naman niya ako kay Alex. Masyado na silang namimihasa na ginagawa akong uto-uto.

"Oy, kayo saan?" tanong samin nung isang lalaking kabarkada ni Aly.

"Pauwi na kami." sagot ni bebs.

"May sundo kayo?" tanong naman ni—wait, what's her name again? Ugh.

"May sasakyan." tinuro ako ni bebs at pinakita sa kanila yung susi ng Minica.

"Bourgeois!" pangaasar ni Aly. Siya pa talaga ang nanguna. 

Sabay sabay kaming pumunta sa parking lot. Lakas akong asarin eh sila din naman pala ang may mga sasakyan. Kanya kanya pa ata sila. Who are the bourgeois now? Nagpaalam na sa amin ang ibang kabarkada nina Aly. Actually, parang si bebs lang ang kausap nila—not that I mind. Hindi ko din naman kasi alam kung anong pangalan nila at hindi ko naman pinipilit na makilala sila. Siguro, hanggang mukha nalang talaga ang alam ko sa kanila.

Okay. I really sounded mean.

"Bisita nalang ako sa Art Stuff ha! At oo nga pala—Eh kasi," biglang napakamot si Aly sa batok niya. "I really want to ask you this before nung nasa Art Stuff pa ako." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Who's that guy? Yung lagi mong kasama?"

"Si Matt?"

Biglang napakagat si Aly sa lower lip niya at unti-unting namula ang mukha niya. Ohhhh. Mukhang alam ko na kung bakit. Napatawa nalang ako at tumango.

"Got it, Aly." I smirked at mas lalo siyang namula! She likes Matt!!!

Nilapitan na din ako ng mga kausap ni bebs at nagpaalam sila sa akin. They were about to go back to their cars pero napatigil sila noong may bagong dumating dito sa parking lot. Nakamotor. Nagpark agad sila sa tabi ng Minica. Hindi na ako nagulat.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Gabby!!" Rinrin greeted me. May peace sign pa. Bumaba agad siya sa motor at pumunta sa likod ko. Napatungo naman ako noong para siyang sumampa sa likod ko. Para siyang monkey, lambitin ng lambitin sa akin.

"Hi Dommy!!" Kumaway naman siya kay Dom and to my surprise hindi ata bumati si bebs sa kanya.

"We're picking you up." sabi ng isang masungit.

"Dala ko Minica." turo ko. "May motor ka."

"Oh tapos?"

Ugh. Bakit pa ba ako makikipagtalo sa kanya?

Pinilit ko si Rinrin na umalis ko pero mukhang tuwang tuwa talaga siya sa paglambitin sa akin. Ahhhh. Ano bang meron kay Rinrin at bakit siya sumasabit sa akin?

"Russel?"

Lahat kami napatingin kay Aly. Akala ko umalis na sila? Pero lumapit ulit sila sa amin na parang naninigurado. Kahit si Rinrin mukhang naguguluhan kung bakit nila tinawag si Russ. They even called him Russel! Tumingin ako kay Rinrin para magtanong pero umiling siya agad. Meaning, hindi niya kilala sina Aly.

"Pare!"

Nanlaki ang mata ko noong lumapit yung mga lalaki kay Russ at inakbayan 'to. Yung iba ginulo ang buhok niya. Si Russ naman nakangiti lang. A—Anong meron? Pati ang mga babae nakilapit na rin at binati si Russ. Umalis naman si Rinrin sa likod ko. Pumunta siya sa pagitan namin ni bebs at nakatitig lang doon sa parang nagaganap sa mini reunion sa harapan namin. Nakahawak yung daliri niya sa baba niya na para bang pinaparating niya na—nagseselos siya. Uhhh.

"Gabby.." sumimangot siya at tinuro yung nasa unahan namin, "Si Russy."

Oh boy.

Bakit parang... iiyak na siya?

"Hey. I didn't know that you're friends with this cold guy!" Nakaakbay si Aly kay Russ na lumapit sakin.

"Bitaw, Aly." Reklamo ni Russ pero mukha naman siyang hindi nagrereklamo dahil sa ngiti niya.

"Barkada kayo?" tanong ko. Pero biglang nawala yung ngiti ni Russ nung narinig niya ang tanong ko.

"Yup." Ginulo niya ang buhok ni Russ. "Magkakilala na kami nung highschool palang kami pero itong lalaking 'to sa ibang school pumapasok."

"Aly!" Pinilit niyang alisin ang ulo niya sa pagkakaakbay ni Aly.

"What? It's true! Ewan ko ba. May sariling mundo kayong dalawa ni Alex e."

Wait... Kilala niya din si Alex? Paanong...

 

 

*

[Someone's POV]

Pumasok ako sa van at agad na sinuot ang earplugs. Nakakapagod. At panigurado na magiingay pa 'tong mga kasama ko. Hindi ko nalang sila pinansin at doon ako umupo sa tabi ng bintana. Gusto ko pang matulog. Nagkakagulo yung mga kasama ko, nag-aagawan ng wet wipes. Haaay. Ingay.

"OY! Wag nga kayong malikot. Pag na-flat ang gulong ng van, idi-demerit ko kayong lahat!!"

Tumahimik sila ng ilang segundo sa sigaw niya pero... "BOOO!!!!" Tinapon lang nila sa kanya ung gamit na wet tissue.

"Langya kayo! Manager ba talaga tingin niyo sakin?!"

"BOOOO!!!"

"Ahhh!! 100 DEMERITS!!"

"MANAGER NAMAN!!"

"Pasalamat kayo gwapo ako at 100 lang yan! Mwahahaha!"

Napatawa nalang ako sa naging itsura ng mga 'to sa sinabi ni Francis. Kapag demerits talaga ang usapan natatameme silang lahat. Ano bang meron sa demerits? Tahimik lang ang byahe pabalik namin sa BFC. Si Marcus tulog sa tabi ko. Napuyat na naman kasi kagabi. Ewan ko ba kung anong pinagkakaabalahan niyan.

Bukas may demo na naman. Ayoko ng sumama pero 'tong si Francis ginagawa kaming pangdisplay. Kami lang daw kasi ni Marcus ang makakahatak ng customer pero hindi naman kami talaga kasama sa free kiss demo. Literal na display lang kami.

Ginising ko si Marcus noong nakadating na kami sa BFC. Walang imik na bumaba na siya ng van tulad ko. Akala ko magiging normal lang ang araw na 'to pero may nakita akong familiar na taong naghihintay sa amin sa lobby ng BFC.

"Lance!"

Napaurong ako nang nakita siyang tumatakbo papalapit sakin. Te—teka. Anong gagawin ko? Nanlaki ang dalawang mata ko nung bigla niya akong hawakan sa magkabilang braso ko, "Please help me. T0T"

"Po?"

"Please date my daughter again. TT0TT"

"Ha? Ano po?"

Si Alexa?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro