Chapter Eight part 2
Nagdadalawang isip akong bumaba nang makadating kami ni Russ dito sa apartment. Alam kong napansin din ni Russ 'yon pero mas pinili niyang wag magsalita. Alam niya kung anong nangyare dati. Hindi ako kinilabutan but remembering her smile before... Tumingin ako kay Nikki pero hindi tulad dati, iba ang tingin niya ngayon.
"Relax." Ngiti niya. "And be grateful that I waited this long just to see you?"
"A—Anong ginagawa mo dito?"
"Oh, please. Stop giving me that look. Don't worry, hindi kita sasaktan."
How can I trust her?
She's the Psycho ex, for crying out loud!
Doon ko lang narealize ang sobrang kaba ko nang maramdaman ko si Russ sa tabi ko. Seryoso niyang tinitingnan si Nikki.
"How dare me to hurt you if you have a bodyguard beside you?" Then the thought of the two of them possibly knowing each other before pops in my head. Hindi impossible dahil barkada sila. "Not so nice to see you, Russ."
Itinago ako ni Russ sa likod niya. "Pumasok ka na sa loob."
"You're so mean, Russ. Don't be such a overly protective—" Mabilis na tumaas ang kilay niya. Napatigil siya na parang nagiisip kung anong dapat isunod sa sasabihin niya, "I don't think she's your girlfriend."
"Just back off, Nikki."
Nagpretend siyang natatakot sa banta ni Russ pero sumeryoso ang itusra niya nang nilipat niya ang tingin niya sa'kin. "What a lucky brat. Ano bang meron sayo at pa-special ka sa mga 'to?"
Hindi ko alam pero dahil doon mas kinabahan ako. Unconsciously, nakita ko nalang ang mga kamay kong hawak hawak ang dulo ng sando ni Russ. Nakaramdam ako ng proteksyon ng hinawakan niya ako sa braso. "Wala na kayong dapat pagusapan Nikki."
"It's not for you to decide, Hyuuga." Ang lamig ng boses ni Nikki. Kahit si Russ, naramdaman kong nagulat siya sa pagkaiba ng boses ni Nikki nung sabihin niya ang apelido ni Russ. "I just want to inform Gab that might help her curiosity. Magaling na nga pala ako, fyi."
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Hindi man lang siya nag-alinlangan sa sinabi niya. Ga—ganon kabilis? Paano?
"Ano bang kelangan mo sa akin? Wala na kami ni Gatorade—"
"Hindi ka man lang curious?" she smirked. "Me, Alex, Andrei, Friend, then you. Nakakalito ba?"
"Hindi mo kelangang mapakinggan 'to." Hinigit na ako ni Russ para makapasok sa gate pero mismong mga paa at kamay ko ang tumigil.
"You are curious."
I am. Aminado ako. Gusto kong malaman ang nakaraan ni Gatorade. Ayoko lang magsettle sa kung anong alam ko lang sa kanya ngayon. Hindi man ito ang pinakamagandang option... pero ito lang ang option na meron ako.
"You are aware that I'm his first and your number five. Aly must have told you that she was number 4." Napatungo ako ng naglakad si Nikki papalapit sa'min. "Now, alam mo na that Alex has something to do with Lance's second girlfriend. Pero si Andrei? Hm... I wonder."
Nakangiti siyang nakatingin sa akin na tila basa niya lahat ng ikikilos at iniisip ko. I don't need her words to confirm my thoughts.
"Precisely, Gab." Tumango siya na parang kausap niya talaga ako. "Number three is Andrei's mom."
The chances were high. Sinubukan kong hindi paniwalaan ang instinct ko na pwedeng isa sa mga previous girlfriends ni Gatorade ang pwedeng maging mommy ni Andrei. Pero ito na...
"I hope you meet her soon." Tila may bumara na kung ano sa lalamunan ko. Kusa ng sumunod ang katawan ko nang higitin ako ni Russ nang nakita niyang papalapit na naman si Nikki. "Wag kang magalala, hindi na muna ako manggulo. I'd rather be a spectator of this show...for now."
Kinuha niya yung phone niya at may dinial na kung ano doon. Maya maya may nagpark na sasakyan sa likod namin. Lumabas ang isang lalaki sa driver's seat at pinagbuksan niya ng pinto si Nikki. Pero bago siya pumasok, tumingin muna siya kay Russ.
"And I believe you'll be part of this game, too." Tinapik niya si Russ sa balikat, "How exciting."
Hindi umimik si Russ. Imbes iniwas niya ang tingin niya na naging dahilan ng pagtawa ni Nikki. Nanatili kami sa labas ng apartment kahit nakaalis na ang sasakyan niya.
"Russ." Nilingon niya ako. His scary eyes are back to normal. "You didn't stop her."
"You didn't have to know that. But still, you won't let me stop her."
"No." Umiling ako. "Gusto mo ring malaman ko."
Napabuntong hininga siya. Kinuha na niya ang susi sa motor niya at hinigit ako papasok ng gate, "I was just hoping." Humigpit ang hawak niya sa braso ko, "Just maybe, you'll stop kapag nalaman mong involve si Andrei."
Pumasok kami sa loob. Pinaupo niya ako sa sofa at ikinuha ako ng tubig na maiinom. Pinanood ko siyang umupo sa may center table, kuhanin ang kamay ko at maghipit na hinawakan 'yon.
"I'm sorry. Naging unfair ako." Pinaglaruan niya ang mga kamay ko. "I should have protect you."
"I can protect myself."
Pero kahit sarili ko, pinagdududahan ko.
Umiling siya.
"I already overcome fear, Gab." Inilagay niya ang palad niya sa likod ng ulo ko at tinulak ako papalapit sa kanya. He planted a soft kiss on top of my head, "And it's about time that I should protect you."
*****
Sinubo ni bebs yung hotdog at nginuya yun na parang ngayon lang nakakain ng hotdog. Ano bang nangyare sa kanya? "Hey! Hapon, umuwi ka na. Baka naman balak mo din magtayo ng tent sa labas o makirenta din dito? Hindi bagay magkaron ng Gatorade the second!"
Sinamaan ko ng tingin si bebs pero mukhang hindi naman niya ako nakikita. Psh. Tumawa yung tatlong babaeng kasama pa namin dito sa dining table. Si Russ, nakaupo sa sahig, nakikipaglaro kay Laelle. Totally, ignoring bebs.
Good news, okay na nga pala sila. Ang Power Puff Girls at si bebs.
"Men..." *0* *u* *Q* "...tos"
Napatungo ako. Sabay sabay na naman sila.
"Uy may tanong ako!" napatingin kaming dalawa kay Cymone, nakataas ang kamay niya. Akala mo sumasagot na naman sa recitation. "Si Gatorade ba yung lalaking may blue hair?"
Napatingin na din sa kanya si Marie at Leah. Kwinento ko kasi sa kanila yung about kay Nikki pagkadating na pagkadating nila dito sa apartment. Alas otso na pero ito, hindi pa nga umuuwi si Russ. Snob lang ako lagi tuwing pinapauwi ko.
"Ay!" Si Leah, nakataas din ang kamay. "Oo! Yung sa boyfriend demo? Tinawag siya ng lalaki sa stand e."
"Yung..." si Marie na biglang kuminang ang mata.
"Free kiss!!!"
Oh boy.
Napatingin ako kay bebs nang pinaglaruan niya yung tinidor sa plato niya. Agad nawala yung mood niya. Naalala ko yung una kong meet up kay na Cymone, 'yon din yung araw na nagkaroon ulit ng demo sa mall.
"Sayang nga e." Sabi ni Leah "Hindi ko nakiss yung kamukha ni Jaejoong!!"
"Oo nga. Kahit 'yong may blue na buhok, di pwede!" dugtong pa ni Marie.
Hindi pwede? Tumingin ako kay bebs pero iniwas niya ang tingin niya sa'kin. May alam siya!! Anong ibig sabihin nila? Anong hindi pwede? Pero nawala kami pareho sa pagiisip nang tumabi sakin si Russ, hawak hawak pa rin si Laelle.
Natigilan ulit yung tatlo at sabay sabay na namang sinabi ang...
"Men..." *0* *u* *Q* "...tos"
Uhhhh. -________-
Mukhang wala namang pakielam tong si Russ kahit anong itawag sa kanya. Snobero. Masungit.
"Parang may alam si Nikki." Pagbalik ni Bebs sa topic namin kanina. "I wonder what she really wants from you."
"Paniguradong obsess pa rin siya kay Lance." Sumali na si Russ sa usapan. Mukhang namangha naman sina Leah. Nagsasalita po siya, girls.
"Ano ba talagang meron sa inyo ha, Hapon?" Hindi sumagot si Russ, obviously ayaw niyang sagutin ang tanong. Napailing nalang si bebs dahil parang alam na niyang hindi siya makakakuha ng sagot dito. Nilipat na niya ang atensyon sa akin, "Sasabihin mo ba sa kanya, bebs?"
"Sino?"
"Hindi na kelangan." singit ni Russ.
"They should know. Sila ang may hawak kay Nikki dati."
"Hindi. Na. Kelangan." Pareho kaming natigilan ni bebs nang tumingin sa amin si Russ. "Hindi na sila kelangan dito. Sabi ni Nikki, magaling na siya at hindi naman siya papaalisin ng rehab kung may problema pa rin sa kanya."
"May problema pa rin sa kanya. Sayo na mismo nanggaling, obsess pa rin siya kay Gatorade!"
"Kilala ko si Nikki. Bumalik na siya sa dati." Iniwas na ulit ni Russ ang mga mata niya at binalik 'yon kay Laelle.
"Pero she's a threat to bebs!"
"At hindi na siya girlfriend ni Lance."
Pakiramdam ko may kung anong mabigat ang bumara sa lalamunan ko nang narinig ko yun. Tama si Russ. Alam kong sinabi ko 'yon kay Nikki kanina pero parang ang panget pakinggan kapag galing sa iba.
"Kaya wala na silang kinalaman dito."
Magsasalita pa sana si bebs pero hinawakan ko ang kamay niya at umiling. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi na siya nagpumilit pa.
"Sabi ni Nikki manunuod nalang siya. Alam kong walang reason para magtiwala sa kanya pero mas mabuting hayaan nalang muna natin. Hindi rin naman natin alam ang mangyayari."
Hindi ko alam kung anong possibleng mangyari after nito pero may tiwala naman din ako kay Russ. He's still my childhood friend. I trust his words. At hindi naman dahil si Gatorade ang tumulong sakin noon, siya naman ulit ngayon.
It's a different story now.
*****
Third person's POV
Tahimik ang gabing 'yon, sinabay pa ang lamig ng papalapit na pasko. Mahimbing na natutulog ang dalaga nang dahan dahang bumukas ang bintana ng kwarto niyo.
"Di mo na kelangang gawin 'yan."
"Akala ko hindi mo na ko papansinin." Sinugurado niyang hindi siya makakagawa ng ingay habang lumalabas sa bintana ng kwarto ng dalaga. "Hindi ka ba natatakot na pagkamalan kang kapre ng mga tao?"
"Ano bang pakielam mo?"
Nakakaloko siyang ngumiti at tumingin sa taong kausap niya na nasa ibabaw ng bubong. "Pwede ding magnanakaw."
"At anong tingin mo sa sarili mo?"
Mahinang tumawa si Gatorade sa kausap. Tila iniisip na ganitong ganito din sila magusap noong highschool pa lang sila. Ang pinagkaiba lang, mahahalata mo ang tono ng pagbibiro sa bawat salita. Pero ngayon...
"Please take care of her."
"Kahit hindi mo na sabihin."
"Bumaba ka nga. Nakakangalay kang kausap." Medyo ginulo niya ang buhok nito. Pero mukhang bingi 'to at hindi siya sinunod. "Tangina, Russ. Baba na!"
Tiningnan lang ulit siya ng kausap pero ngayon sumenyas ito na siya ang umakyat sa bubong. Pero tulad niyang matigas ang ulo, walang emosyon niyang tiningnan ito at umiling. Wala sa kanila ang parehong may gustong sumunod.
Wala na rin silang nagawa kung hindi manatili sa dati nilang pwesto.
"Magagalit si Alex."
"Pareho lang kayong gago."
Ngumiti si Gatorade sa sinabi ni Russ sa kanya. Naalala niyang 'yon lagi ang sinasabi nito sa kanya noong high school pa lang sila. Oo, kilala na niya matagal sina Russ. Alam niyang napakadalang lang nitong magsalita pero nakikinig 'to.
"Bakit mo ba ko pinapunta dito?"
"Alam mo na kung bakit."
"Kaya mo naman si Nikki, di ba?"
Sinabi ni Russ kay Gatorade ang tungkol kay Nikki kahit siya mismo ang nagsabi noong una na huwag ipapaalam sa BFC ang tungkol dito. Pakiramdam man niya na naging isang dakila siyang tanga dahil sa ginawa niya, aminado siyang kelangan niya ng tulong. Hindi naman nagdalawang isip si Gatorade na agad pumunta dito para tingnan kung kamusta si Gab.
"Layuan mo si Gab."
Ngayon siya naman ang tahimik. Iniintay niya ang mga sasabihin ni Russ sa kanya. Alam niyang kulang pa 'yon. Pero kahit ganoon, naiintindihan na niya kung anong ibig sabihin ng mga salitang 'yon. Alam niyang may gusto si Russ sa dating kliyente.
Ngumiti ito at tumalikod, "Too late, Russ."
Inasahan na ni Russ na 'yon ang isasagot sa kanya ni Gatorade kaya hindi na 'to nagulat. Walang imik niyang pinanuod si Gatorade na makaalis. Pinabayaan na niyang makalalayo ito sa apartment nina Gab bago bumaba mula sa bubong.
Sinilip ni Russ si Gab mula sa bintana.
"May the best man win."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro