Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50

Chapter 50

"I like you, Russ."

It just came out. Well, I wanted to say it to him long time ago but I was still unsure, kasi naisip ko na you can never fall in love with two persons or even numbers of people at the same time. But the truth is you can.

Hinintay kong tumama ang mata niya sa'kin. And based on how he looked at me, hindi siya nagulat. It was like, it was the most common phrase you can tell to anyone. And there was hope in his eyes but he's trying his best to hide it.

Napansin nina Lean na hindi kami sumunod sa kanila. Napatingin na din si Alex pero mukhang naintindihan niya ang nangyayare at mukhang may sinabi siya kay Lean at pumasok na sila sa sasakyan.

"I really do." huminga ako ng malalim. "Alam kong maling oras na mag-confess ako sayo pero at the same time, you have to know what I feel before you let go—before we let go—of once we've shared."

Ngumiti siya at sinilid ang kamay niya siya sa bulsa, still waiting for more.

"I can still feel that, even now." Napahawak ako sa dibdib ko. I can still feel it inside my chest. It's still there and never left. "Hindi ka mahirap mahalin, Russ, at masasabi kong isang tanga ang taong hindi magagawang mahalin ka."

"But you're one of them."

Umiling ako, "I really like you pero..."

Natigilan ako nung bigla siyang bumuntong hininga, "Totoo nga pala yun 'no? Yung 'pero'. Mahal kita pero, gusto kita pero..."

Yes, you can love numbers of people ng sabay sabay. I've experienced that. I would never know that if I have not met Gatorade and Russ and if my feelings never came. But I met them. Pero kahit sabay sabay yun, there's always the words "than", "better" and "more."

"But it wasn't enough, right?"

Napatungo ako, "Dati iniisip ko kung bakit nagtitiis ka pa sa'kin, kung bakit nagawa mo pa akong hintayin ng walong taon eh wala naman akong nagawang espesyal sayo. All I did is make you wait for nothing and, worse, hurt you." Tiningnan ko siya. "Pero naintindihan ko."

"Dahil kay Lance."

"Dun ko narealize na kung yung pagmamahal mo sa'kin, pinagtatakahan ko pero seeing myself right now, pareho lang di ba?"

Kung bitter ako, malamang ipagsisigawan ko na wala naman akong napala sa kung anong meron kami ni Gatorade kung hindi complications, a roller coaster ride na puro steady at pababa lang... walang pataas at kung meron man, mabibilang sa kamay. Pero that fact didn't bother me. What I feel for Gatorade is the best concealer to hide those flaws.

"Russ," kinuha ko yung kamay niya, "I don't have the right to let you go but you have it. You have the right to let go."

Huminga siya ng malalim at pumikit. Pag tingin niya ulit sa akin ay ngumiti siya, "Ang sama sama mo talaga. Alam mo ba yun?"

I smiled back.

Hinawakan na din niya pareho ang kamay ko. Tinitigan niya yun ng matagal habang paulit ulit na pinapadaan sa knuckles ko ang daliri niya, "I'm not doing this for you but for me, right?"

Hindi ako umimik.

Kahit alam kong dadating ang panahong 'to... yung oras na kelangan naming bitawan ang isa't isa, masakit pa din. Hinigit niya ako papalapit.. I closed my eyes and tried to record this feeling, the feeling of him kissing the top of my head and how my heart reacted.

Pagkahiwalay niya, tinitigan niya ako sa mata. He gave my hands a last good squeeze at dahan dahang binitawan,

"Gab," I bit my lower lip, "Pakawalan mo na ako."

Tila may kung anong bumara sa lalamunan ko. There he was, asking now. For a second, I felt the pain lalo na nung nawala na talaga sa kamay ko ang kamay niya.

"Let me go."

Tumango ako.

There was no label between us but we know there was something. . . and that's how we ended it.

We broke up.

*****

Hindi ko alam kung nasaang lugar na kami. Ang alam ko lang ay kung saan kami pupunta. To be honest, hindi ko pa alam ang gagawin ko. I know I don't have any with me and I can be considered hopeless but I want to try everything that can still work.

"Lean," sumilip si Lean sa rear mirror, "Pwede bang makausap si Tito Anthony?"

"Si Pops?" Tumango ako. "Well, it's out of the way but..."

Sinilip ulit ako ni Lean sa rear mirror at sa tingin ko, yun ang naging dahilan para tumigil kami at mag-u turn. Ilang minuto din ang nakalipas nung naging familiar na ulit sa akin ang lugar. I've been here before. Lalabas sana sina Lean sa sasakyan pero pinigilan ko sila. I want to talk to him alone. Alam kong it's not really a good idea but still.

Pumasok agad ako sa loob ng condominium at dumiretso sa unit nila. Nakailang doorbell at katok ako sa pintuan bago ako pinagbuksan ng isang babae na ngayon palang naglalagay ng bathrobe. I saw her on her lingerie.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. I wonder what's her pet name. "Si Tito Anthony?"

"Baby!" Napangiwi ako nung narinig ko yung endearment. I really thought baby was a very cute endearment but the way she used it...ugh.

"Ne?" dumating agad si Tito Anthony. Tinuro ako nung babae na para bang nakakadiri ako. Ugh, I hate her. "Delos Reyes heir."

And now I remember on how he calls people based on how he see us as an investment. Kita ko sa kanya na natutuwa na makita ako dahil alam niyang malaki na ang possibility na humingi ako ng tulong sa kanya since kinuha na ulit ni Madam si Gatorade. Walang ano ano ay inalok ako ni Tito Anthony na pumasok pero umiling ako. Dito ko nalang sasabihin.

"I love your son." sabi ko, second time confessing for this day. "And if I can do something to prove it to you, I will. I'll try my best."

Nakita ko yung paglawak ng ngiti niya at pagkislap ng mata niya sa sinabi ko. He was ready to hear me say yes to our agreement pero pinatigil ko agad yun, "But no, hindi po ako pumapayag."

"What?"

"Yung hinihingi niyo sa'kin, parang nilagay niyo ako sa isang sitwasyon kung saan kelangan kong pumili between sa mga magulang ko at kay Lance." umiling ako. "But saying no to you doesn't mean I don't love him. I love him but I want to prove it to you by admitting it to you now. I want to prove it in my own ways and not by what you asked me to do."

"Do you know that rejecting my offer means..."

Tumango ako, ibig sabihin hindi niya kami tutulungan.. "You're my last resource, Tito Anthony. I'm very much aware of that."

"Then why are you here?"

I shrugged, "Maybe you'll see it within me... that you can prove that you love them without asking for anything in return and not doing something because someone expects you to do it. And that I can prove it in my own ways. Kasi hindi mo lang sa kanya pinapatunayan yun... pati rin dapat sa sarili mo."

There was a pause like he was trying to sink it all to his head in a good way pero nung nakita ko siyang ngumisi, mukhang sa ibang paraan.

"You're playing with me," tumawa siya. "You want me to help you by questioning my affection for my family. Is that it?"

Umiling ako, though there was a part of it na totoo. I was hoping that somehow it will trigger but still, "I just love him, that's why I'm here."

Nagpaalam na ako kay Tito Anthony at hindi na siya hinintay. Lumabas na ako ng building at dumiretso kung nasaan ang sasakyan kung saan naghihintay sa akin sina Lean. Pumasok na agad ako dun na hindi nagsasalita at alam kong nanintindihan nila.

Next stop, Madam's.

*****

Tahimik lang kami buong byahe. Kahit si Lean at Alex na alam kong dalawa sa mga taong madalang magsara ng bibig, wala. Tahimik lang din kami ni Russ dito sa likod. Sina bebs at Marcus, nagpaiwan sa apartment. Marcus needs rest at kahit hindi naman malala yun, we don't want them to injure him more...just in case.

It's been a day since nakuha na ulit ni Madam si Gatorade. Wala ng balita after that. I know that confronting her now is not really the best idea and could be considered as worse lalo na kung hindi ko naman talaga kung anong iko-confront ko sa kanya.

"Gab, are you sure about this?" I peeked at Lean. Nag-park kami sa tapat ng isang bahay, isang malaking bahay. Umiling ako. Totoo yun, hindi ako sure. Pero, anong gagawin ko?

"I want to see him."

"Iniisip ko, ano bang meron si Lance at halos lahat ng babae kayang i-take risk para sa kanya." Alex commented bitterly. Of course, there's always the Justine issue. Sumandal siya sa upuan niya at sumilip sa bintana, "Pero nakalimutan ko na halos i-take risk niya din pala lahat para sa'tin."

He risked their friendship at kahit napag-iwanan na siya... para lang sa kanila.

"Let's bring that ex-bestfriend of mine back for my future bestfriend of mine." Tumingin siya sa'kin at kumindat. I rolled my eyes. Nagtaka ako nung mabilis siyang sumilip kay Russ na parang may nakalimutan siya, "Don't worry, Russ. Loyal pa din ako sayo, current bestfriend of mine."

"Gago." Pabirong binatukan ni Russ si Alex.

Tumawa lang si Lean at napailing. Hindi na kami nagtaka nung pinapasok na agad kami sa loob ng gate. Na parang inaasahan na nilang pupunta kami. Tumingin ako sa paligid at makikita dito ang yaman ng isang Madam Loreyn Zamora.

Sumunod na kami kay Lean nung bumaba na siya ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Mukhang sanay dito si Lean kahit mas madalas niyang kasama si Tito Anthony. Papasok pa sana si Lean sa isang path way nung napatigil kaming lahat nung may nagsalita mula sa second floor ng bahay. Napatingin kami dun at nandun si Madam na bumababa ng hagdanan.

"Lean," tawag niya sa anak.

"Nasan si L.A, Ma?"

"Gone." Ngumiti ito at dumiretso kay Lean para halikan ito sa magkabilang pisngi. She did that like there's nothing wrong...at oo, naiinis ako dun. Dahil naalala ko kung paano niya itrato si Lovely nung nagusap kami dati. Kayang kaya niyang iparating sayo na hindi ka niya nag-eexist sa harapan niya. She's doing it now.

"Ma,"

"Why are you here anyway?" naglakad siya sa harapan ko, making me feel like I'm nothing. "And please tell them to leave, especially to the girl."

Not the best way to acknowledge us.

"We're not leaving without Lance."

"Then stay." Ngiti ni Madam kay Lean. "That's better since I'll have my twins, again."

"Mama,"

"You're quite pathetic," napaayos ako ng tayo nung tumama na ang mata niya sa akin. "I gave you my last warning, didn't I? And now, are you expecting me to hand over Lance to you just because you're here?"

Hindi ako makapagsalita. Lumapit siya sa'kin at naramdaman kong lumapit din sina Russ at Alex sa likod ko. Napatingin si Madam sa kanila at mukhang na-amuse siya dun.

"You even have bodyguards now." She chuckled. "Ah! I remember you. You were friends with my sons." She emphasizes the word were. At alam kong naapektuhan sina Russ dun. "Iniwanan niyo siya katulad ng ginawa ng kuya niya. Right, Lean? Because you chose your useless father."

"It's not like that, Mama. You know that!"

"It is." Tumama na naman ang mata niya sa akin. "Lance was left with nothing but me. Without friends, brother and a father, but we survived." I tried to sink everything. "That's why, Lance doesn't need her."

Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin and I did the same. Naalala ko lahat ng ginawang sacrifices ni Gatorade para kay Lean, kay na Alex, kay Lovely at Andrei at para sa kanila. Inalala ko lahat ng sinabi ni Madam..

Iniwan nina Alex at Russ si Gatorade, katulad ng ginawa nina Lean at Tito Anthony... pero kung tutuusin..

He did that because...

"Ikaw," nagtaka si Madam nung tinawag ko siya. "Ikaw at ng Boyfriend Corp." Napatingin sa'kin si Lean at halatang nagulat din sa sinabi ko. "Ikaw ang dahilan kung bakit naiiwanan si Lance."

"Excuse me?!"

Naiintindihan ko lahat. Hindi iiwan ni Lean si Gatorade kung hindi nila kelangan mamili sa parents nila. At hindi nila kelangan mamili kung hindi nagkakagulo ang parents nila. Wala ding masisirang friendship kung hindi dahil sa Boyfriend Corp at hindi mapapapunta si Gatorade dun kung hindi dahil. . . sa kanya.

"You may not see it but Lance needs me to be away from you."

Nakita ko ang gulat at galit sa mata ni Madam. Natigilan nalang ako nung bigla ako nung bigla niya akong sinampal.

"Take that back." Sinampal niya ako ulit, "Take that back!"

"No!"Napaurong ako kay na Russ at Alex nung sinubukan na naman akong sampalin ni Madam. "Sinasabi mong iniwan nila si Lance pero ang totoo ikaw ang naiwanan. Lance was your excuse. Lean never left him! They just made a choice dahil ayaw nilang maiwanang mag-isa ang parents nila. Alex and Russ and neither of their friends wanted to leave him, but Lance chose to be away from them. Dahil naisip niya yun ang makakabuti bilang boyfriend ng kliyente niya. And who made him a boyfriend? It's you!"

"You little—" pinigilan na ni Lean si Madam na makalapit sa akin.

"Ma, tama na!"

"Let me go, Lean!"

"Bine-brainwash ka niya, Lean! Can't you see it? She already did that to Lance!" sinamaan niya ako ng tingin. "And how is it my fault?! I was there for Lance when you and father left us! You left us when we needed you the most!"

"We didn't leave you, Ma! You made us leave you!" napatigil si Madam sa pagalis sa hawak ni Lean. "At totoo yun, you made us choose between you at si Lance lang ang naglakas loob na maiwan sa tabi mo. Dahil sa ilang taon, pinaramdam niyo lang sa amin na wala kami para sa inyo."

Gulat na nakatingin si Madam kay Lean at mabilis siyang lumingon sa akin.

"It's happening." Hinawakan niya si Lean sa magkabilang pisngi, "Look! Nasasabi mo na yan sa akin, Lean? You can never say that. You can't but that girl!"

"No, Ma. Please, tama na!"

Magsasalita pa sana si Madam nung makarinig kami ng ilang ingay mula sa taas. Napatingin kaming lahat dun at nakita naming si Gatorade na nagmamadaling bumaba. Napahawak ako sa dibdib ko. At nung nakita ko siyang nakatingin sa akin... I felt safe for a moment.

Nataranta si Madam na makalapit kay Gatorade and at the same time, nagtataka. Nagtataka kung bakit nandito ngayon si Gatorade. Haharangan niya dapat si Gatorade na makalapit sa amin pero mas nagulat kami nung may bagong taong pumasok sa loob ng bahay. I was about to recognized him pero naramdaman ko bigla ang yakap sa akin ni Gatorade. Hinawakan niya agad ang magkabilang pisngi at tila naging mute ang nasa paligid ko at boses niya lang ang narinig ko,

"Alexa," tumango ako at ngumiti. Napahiwalay sa'kin si Gatorade nung hinila siya ni Madam papalayo sa'kin pero pumiglas si Gatorade at lumapit ulit sa'kin. Umiling siya kay Madam at hinawakan ang kamay ko.

"Lance!"

"I let him out. " si Tito Anthony. "And please, Loreyn, can you stop your madness?" Napahawak siya sa magkabilang side ng temples niya at napapikit. "You're getting in my nerves. Fuck it, you always get in my nerves."

"Get out of my house!" she demanded.

"I'd love to. I hate being in hell, to be honest." Sabi ni Tito Anthony habang pinagmamasdan ang loob ng bahay.

Napatingin ulit ako kay Gatorade nung kinakausap niya sina Alex. Hindi ko masyadong narinig pero ang naiintindihan ko lang ay gusto niyang makalabas ako dito. Umiling agad ako. Ayokong umalis dito lalo na kung hindi ko siya kasama. Inalis ko ang hawak sa akin nina Alex.

"I'm staying." Tumingin sa'kin si Gatorade at base sa tingin niya, pinipilit niya ako. Nagmamakaawa pero umiling ako.

"Don't worry," napatingin ako sa balikat ko nung naramdaman kong bumigat yun. Kamay ni Russ. "I won't let anyone touch her, just in case things get crazy." Bumalik ang tingin ko kay Gatorade at nahuli ko siyang nakatingin sa kamay ni Russ na nasa balikat ko. "Wag kang tumingin ng ganyan kung gusto mong isama kita sa mga taong hindi ko hahayaan na hawakan siya."

Hinila na ako ni Russ papalapit pa sa kanya. Tumango si Gatorade kay Russ at sumunod ang mata ko kung saan siya nakatingin. Sina Tito Anthony at Tita Loreyn.

"Get out of my house!" ulit ni Madam.

"Stop controlling people's lives!" Humigpit ang hawak ni Russ sa balikat ko. "Enough, Loreyn! You did that to me but I won't allow you to do the same thing to our sons!"

"So you're on her side now? Huh?" lumingon sa akin si Madam. "Ano bang meron sa kanya at siya ang kinakampihan niyo!"

"Anong meron sa'yo at gusto mong lahat kami sumunod sayo?!" Lumapit si Tito Anthony kay Lean at hinila 'to papunta sa likod niya. Nataranta si Madam nung nakita niyang papalapit na din si Tito Anthony kay Gatorade. Hahawakan na sana ni Madam si Gatorade pero si Gatorade mismo ang umiwas at pumunta sa likod ni Tito Anthony.

"Lance! Don't go there, Lance!"

"Tama na, Mama." Napatungo si Lance. "Pagod na po ako."

Mukhang hindi makapaniwala si Madam sa nangyayare. Nagulat ako nung nahagip ako ng mata niya at nagmadali siyang lumapit sa akin. With Russ' promise, prinotektahan niya ako.

"Why!" tinuro niya sina Tito Anthony, lalo na si Gatorade. "Iiwan niyo ako?! Fine! Magsama sama kayo!"

"Ma, hindi kita iiwan. Alam mo yan."

"Pero anong ginagawa mo ngayon!" Lumapit na si Gatorade kay Madam, "I thought you love Mama? Bakit mo ako iiwan Lance?"

"I'm not leaving you, Mama. Pero mahal ko din siya."

"I don't want her for you." Hinawakan niya sa magkabilang pisngi si Gatorade. "Wag mong iwan si Mama, Lance. Wag mong iwan. Iniiwan na nila akong lahat. Lance, please."

"Ikaw ang nagtutulak sa'min palayo, Ma." Inalis ni Gatorade ang hawak ni Madam sa kanya. "Please, Ma. Pagod na pagod na kami." Umiling siya. "Tama na."

"Ayoko." Iling din niya. "Ayoko!"

Mahigpit na hinawakan ni Gatorade ang kamay ng Mama niya. Hinalikan niya 'yun at nagmakaawa sa kanya, "Please, Ma. Please."

Nagulat kaming lahat nung hinigit ni Madam ang kamay niya kay Gatorade. Napapikit ako nung malakas na dumampi yun sa pisngi ni Gatorade. Pinagtutulak niya palayo 'to sa kanya.

"Lumayas kayo!" sigaw niya habang tinutulak si Gatorade. "Wala akong anak na tulad mo! Get out!"

Sinalo ni Tito Anthony si Gatorade nung muntik na 'tong matumba. Nakita ko ang panghihinayang at pag-aalala ni Madam sa anak pero pinilit niyang mawala yun bago tumalikod sa amin. Nung nawala na siya, may dumating na body guards at pinalabas kaming lahat.

Lalapitan ko sana agad si Gatorade pero pinigilan ako ni Russ. Nilingon ko siya at inalala ang pinagusapan namin kanina. Nagulat ako nung ngumiti siya at tumango. Ginulo niya ang buhok ko bago mahinang sinabi ang salitang, "Bye."

Pinilit kong huminga ng malalim. Gusto kong sumagot sa sinabi niya pero binitawan na niya ako at lumapit na siya kay Alex. Dumiretso na sila sa sasakyan.

Lumingon ako kung nasan si Gatorade at agad na lumapit sa kanya. Napatigil siya sa pagsunod kay Tito Anthony at humarap sa akin. Bumagsak ang mga balikat ko nung nakita ko ang mata niya. Kita ang lungkot at sakit. Matagal niya akong tinitigan. Matagal bago niya ako hinawakan sa batok at hinigit papalapit sa kanya. Niyakap niya ako.

"Magiging okay ang lahat." Tumango ako at niyakap siya pabalik. "Magiging—"

"Shhh," hinayaan ko siyang ilabas ang sama ng loob niya sa akin. "Nandito lang ako."

Tumango siya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.

I'll always be here for you, Gatorade... for us.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro