Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Chapter 47

March 4, 20xx

Monday

Ilang araw pa kaming nag-stay sa Quezon. Dapat bakasyon 'to kahit papano pero, hindi ganon ang nangyare. Matapos noon, hindi agad ako bumalik sa bahay nina Dominique. Hinayaan ko siya na iwan ako sa playground. Sinubukan niya akong tingnan bago umalis pero mas dinagdagan lang noon ang sakit.

Gusto kong pigilan si Russ noon. Pilitin siya na makinig sa akin, magpapaliwanag ako. Pero hindi ko nagawa. Gulong gulo ang utak ko kung paano aayusin ang lahat. Hindi ko alam kung paano aayusin 'to nang walang masasaktan. Pero sino bang niloko ko?

Pinaglaruan ko yung ballpen ko sa kamay at desk ko. Trying, as if, na nakikinig ako. Pero sa tingin ko, sa ginagawa ko mas lalo lang lumilipad palayo ag utak ko.

Napaayos ako ng upo nung naramdaman kong may humipan sa may tenga ko. Hinarangan ko agad yun at masamang tumingin kay Alex, "Makinig ka kasi."

Inirapan ko lang siya. Pero alam kong alam na din ni Alex ang tungkol sa amin ni Russ. Na sinaktan ko na naman ang best friend niya. Gusto kong i-open yun sa kanya, like the always pero andito na naman ako at nahihiya at natatakot.

Natapos ang klase namin nun, yung iba nagpacheck lang ng test papers. Tinext ko agad si Gatorade na pauwi na ako. Naalala ko nung nakita ko siyang nag-aabang sa may pintuan nina Dom nung umalis ako bigla. Nakangiti siya at inasar pa ako na baka nag-transform ako dahil sa alcohol. Hindi niya nalaman na may nasaktan ako ng gabing yun. Hindi niya nalaman na may ginawa ako na sa tingin ko ay dapat kong gawin.

"Just be there for me...for us."

There's us now. Yun ang gusto kong panindigan. Merong 'kami' kaya gusto kong gawin yun. Gatorade deserves sacrifices from others too. Hindi yung puro nalang siya.

Hindi na ako nagpaalam kay Alex na pauwi na ako. Naglakad ako habang hinahayaang lumipad ang isip ko kung saan. At bumalik lang yun nung may nabangga ako at napaurong ako nung palabas na ako ng pintuan. Tiningnan ko yung taong nasa harapan ko pero naabutan ko lang siyang iniiwasan na agad ako ng tingin.

"Wala ako mamaya," sigaw niya.

"Oh? KJ nito!"

Pinanuod ko siyang padaanan ng tingin si Alex kahit alam kong dapat para sa akin yun. Ngayon, parang nagkaroon ng dahilan kung bakit ko siyang tinawag na Scary Eyes. Dahil sa ginawa niya, pinatunayan niya kung anong mangyayare sa mga matang 'yon kapag nasaktan mo siya.

"Russ," sabi ko at alam kong narinig niya ako nung bumuntong hininga siya. "Ano kasi,"

Tumalikod siya at nagsimula ng maglakad palayo. Gusto ko siyang tawagin pero maalala ko palang yung nangyare nung Thursday, para akong pinutulan ng dila at ibinaon ang mga paa ko sa sahig.

It was cold. It was...painful.

Na kahit hindi naman talaga ako ang nakakaramdam ng totoong sakit, naramdaman ko ang sakit niya. Yung naramdaman niya nung gabing yun.

"Don't worry, I was worse." Napatingin ako sa likod ko nung may kamay na pumatong sa balikat ko. "Ano bang ine-expect mo after ng ginawa mo sa kanya, magtatalon sa tuwa at maging tulad pa rin ng dati ang trato niya sayo? Sumosobra ka naman ata."

"I'm just hoping na kahit papano makapagpaliwanag ako."

"Weird pero automatic atang nagsasara ang tenga, mata at utak ng tao pagkatapos magsara ng puso."

"Magbubukas ba ulit yun?"

"Time heals everything, my dear friend. Atat lang?" Napatungo ako nung ginulo ni Alex ang buhok ko. My dear friend. Kaibigan ako ni Alex. "Saka alalahanin mo nalang na lahat ng tao, may katapat na better. Hindi mo man narerealize ngayon pero siya marerealize niya na isa sa mga taong naglalakad sa harapan niya na pinalagpas niya noon ay better pa sa'yo. Someday, Gab."

"Someday..." ulit ko.

"Yup, just like that day na narealize mo na better si Lance sa lahat ng lalaking iniisip mong wala lang."

Ngumiti ako, "Para sa isang nag-failed noon sa larangan ng pag-ibig..."

"Well, failure is one of the sources of new knowledge, Gab." tinapik ulit ni Alex ang balikat ko at tinawag na si Russ. Pinanuod ko silang maglakad at kung paano kulitin ni Alex si Russ at kung paano ipinakita ni Russ na walang epekto yun.

Bumuntong hininga ako at lumabas na ng classroom. Umupo ako sa isa sa mga nagkalat na monoblock bench sa hallway. Gusto kong ibaon sa utak ko na may better nga sa akin at marerealize nga ni Russ yun someday.. pero hindi pa rin maiwasan na kelangan pagdaanan muna lahat ng 'to bago umabot dun.

"Better niyang mukha niya. Hindi nga siya makamove on sa'kin."

Di ko mapigilang mapangiti, "Umalis na siya."

"Iniwan ako." nagtaka ako nung umupo si Justine sa tabi ko. Napansin niya ata ang pagtataka ko, "What? Am I not allowed to sit on a school property?"

"The last time I checked, you hate me."

"Sitting beside you doesn't mean we're truce." Inayos niya yung bag niya sa lap niya at pinanuod ang mga estudyanteng naglalakad sa harapan namin, mga nagmamadaling makapasok sa classroom..

Sinilip ko ulit si Justine. Payat, maputla pero maganda pa din. Kamukha niya si Princess pero mas mataray siyang tingnan. Meron siyang aura na katulad ng kay na Nikki at Mica.

"What?" Umiling ako. Inirapan niya ako at bumuntong hininga siya, "Okay, don't get this the wrong way but..." tumaas ang kilay ko, "How was it?"

"Ang alin?"

"Breaking his heart?" Natigilan ako sa tanong niya. "I just want to know if you feel the same way. Up to now, gusto kong malaman kung tama kasi yung ginawa ko kay Alex noon."

Napatungo ako. Pinaglaruan ko yung daliri ko sa lap ko, iniisip kung ano nga ba. Masakit? Mahirap? Yung tipong gusto mong bawiin lahat ng sinabi mo? Yung gusto mong bumalik sa dati at umisip ng ibang paraan... with lesser pain or better kung walang sakit?

Ang hirap. Akala ko kasi once na nasabi mo na yung totoo, tapos na. Hindi ako prepared sa after shock. Akala ko kahit papano, male-lessen yung pain pero seeing Russ... hindi pala. I don't want to hurt him. Pero ano pa bang magagawa ko?

"He's a good guy." sabi niya. "Kung wala si Lance, baka si Russ ang pinilit ko sa mga magulang ko na maging boyfriend ko."

Natigilan ako nang bigla siyang tumawa.

"He's handsome: cool and hot combined.. and very manly. He may not look approachable but he always puts his self on other's shoes first before deciding or doing anything. If he wants to take good care of you, ipaparamdam niya. Hindi ka niya bibigyan ng dahilan para pagdudahan yun."

Tumango ako. Totoo lahat yun. Napatunayan lahat ni Russ yun at hindi na kelangan ng kahit ano pang dagdag na proweba. Even by just seeing the people around him is enough.

"Dapat siya ang pinili mo," sumandal si Justine sa upuan. Napatungo ako, "People may not really see and know it but Lance is really complicated. Him alone is complicated tapos idadagdag mo pa ang magulo niyang pamilya."

"Alam mo?"

Tumingin niya sa akin, "Our lives are open books. Alam ng buong barkada. And I know you're aware na isa ako sa mga dahilan kung bakit nasira ang barkada na yun."

"You were desperate."

"What else can a sick woman do?" biro niya pero alam kong totoo yun. "I almost forgot your sharp tongue na gusto kong putulin."

"Honest lang ako."

Ngumisi siya. "Duwag naman."

Naintindihan ko siya. Dahil pagdating kay Russ, kahit gusto kong maging totoo ay natakot ako. Pinatagal ko pa.

"But you know what? I understand you." nilingon ko siya, "If I was wise, sana matagal na kami ngayon ni Alex or isa na siya sa mga naging ex ko..." umiling siya at ngumiti, "I don't know pero in short, siya sana ang naging boy friend ko."

Pero hindi nangyare. Si Gatorade pa rin ang naging boyfriend niya.

"Siguro nga dahil kumplikado. That handsome mask on his face ang naging dahilan kung bakit siya ang pinili ko. Nakita ko kasi kung paano maging miserable si Alex nung nasira ang parents niya at naghiwalay. I was there. At kasabay yun nung unti-unti na ding masira ang relationship ng parents nina Lance at Lexis. At nung nakita kung paano tinanggap ni Lance ang lahat..." Nakita ko yug ngiti ni Justine nung naalala niya ang lahat. Yung parang nakakita siya ng source ng hope, "Nakakamangha ang tapang niya.

"It's not like he didn't care... he actually did. Hindi naman siya magsasacrifice kung hindi di ba? Yun ang naging dahilan ko. After knowing I'm damn sick, I seek for Lance' strength. I had this logic na seeing Lance can make me stronger and fearless. Na kahit anong problema, I can do it and even do something just to overcome it."

Yung parents ni Gatorade...

Nung dumating sina Lovely at Andrei...

Ang pagkakamali ng kakambal niya...

Lahat ng yun nalamapasan niya at nakapag-sacrifice pa siya.

"Ayun siguro ang hindi ko nakita kay Alex noon. I was longing for more and I was hoping that he could be stronger para maging siya na ang sandalan ko kapag hindi ko na kaya. But no, he ran away." Napatigil siya at umiling, "It's not that I'm saying that Alex was a scaredy cat, naintindihan ko naman eh.. It's been tough at kokonti lang ang taong tulad ni Lance. If I were on Alex or Lance' shoes, iiyak lang ako siguro. Breakdown. That'll be the cause of my death."

Hinintay ko siyang tumingin sa akin, "Do you still like him?"

"Like is an understatement, Gab." she smiled, "But yes, I still do. Hindi naman nawawala ang nararamdaman mo sa isang tao eh. Nalalamangan lang... tulad ng sabi niya, may better."

Tumayo na si Justine at inayos ang bag niya sa balikat niya, "Please don't think that we're friends now. Please."

Napatawa ako at tumango, "We're not friends."

"Good." Naglakad na siya pero tumigil siya at lumingon ulit sa akin, "At please, wag mong sabihin kay Alex. Keep your sharp tongue tame, okay?"

Hindi na ako nakasagot dahil dumiretso na siya at iniwan ako. Kinuha ko yung bagong phone ko sa bag ko at nabasa ang text ni Gatorade.

I replied, 'Otw, baby.'

*****

Malapit na ako sa apartment nung may nakita akong sasakyan na nasa labas ng apartment namin. Napatigil ako sa paglalakad nung bumaba yung bintana nung sasakyan at nakita ko yung taong nakasakay dun. Kinabahan ako lalo nung bumukas yung pintuan at inakala kong si Madam ang bababa ng sasakyan. Pero hindi, hindi siya ang bumaba.

"Andrei," umiiyak si Andrei na bumaba sa sasakyan. Pinipilit niyang sumakay ulit ng sasakyan pero mukhang may sinabi si Madam kay Andrei kaya napatingin siya sa'kin.

Hinayaan na ni Madam na maiwan si Andrei sa daan. Nakita ko yung tingin niya sa akin bago niya itaas ulit yung bintana at umandar na palayo ang sasakyan nila. Nagmadali akong puntahan si Andrei.

"Andrei!" Lumuhod ako sa harapan niya at pinunasan ang mga luha niya. Kita sa mata niya na nag-aalinlangan siya na makita ako sa harap niya. "Tara sa loob?"

Lumingon siya sa paligid. Ayaw niyang sumama pero dahil hindi siya masyadong familiar sa lugar, pero dahil ako ang nasa harapan niya.

"Andrei, please.."

Pinilit niyang tanggalin yung kamay niya sa pagkakahawak sa akin. Tatakbo sana siya palayo nung napatingin kaming pareho sa main door ng apartment unit namin.

"Alexa?" tawag sa akin ni Gatorade. At nakita ko yung gulat niya nung hindi lang ako ang tao dito sa labas.

"Daddy!" umiiyak na tumakbo si Andrei papasok ng gate at papunta kung nasan si Gatorade. Pag-alala, pagka-miss, pagkagulat...halo halo ang nakita kong emosyon kay Gatorade nung nakita niya si Andrei.

Sinalubong ni Gatorade si Andrei at binuhat 'to. Mas umiyak lalo si Andrei. Halatang miss na miss niya ang kinilala niyang daddy.

Nilingon ko kung saan dumaan yung sasakyan nina Madam kanina. Bakit iniwan niya dito si Andrei? Tinawag na ako ni Gatorade para pumasok sa loob. Napailing nalang ako at sumunod sa kanya sa loob.

*****

"Daddy, umuwi na tayo. Please." hinigit ni Andrei ang kamay ni Gatorade pero knowing that Andrei is not even 1/4 of Gatorade's size, fail siya lagi.

"Andrei," sinubukang takutin ni Gatorade si Andrei pero isa pa 'tong fail. Ngumuso lang si Andrei sa kanya. Palarong pinalo ni Gatorade ang naka-pout na labi ni Andrei kaya napatawa ito.

Napatingin ako dun sa isang side ng sofa kung saan nakaupo at tahimik na nanonood si Lean. Naisipan ko kaagad na tawagan siya at pumayag naman si Gatorade na ipaalam sa kanya na nandito si Andrei. Alam kong gusto rin siyang makita ni Lean lalo na at isa si Lean sa may gustong maayos na ang lahat.

Nandun yung inggit pero mas nangingibabaw yung saya sa mata ni Lean nang makita niya si Andrei.

"Daddy, bakit mo siya kamukha?" inosenteng tanong ni Andrei kay Gatorade. Halatang nagulat si Lean 'dun.

"Kambal ko."

"Kambal?" ulit ni Andrei. Habang hawak hawak pa rin ang isa sa mga daliri ni Gatorade, lumapit si Andrei kay Lean. Umayos at umuna si Lean para maabot ni Andrei ang mukha niya. Nakangiting pinisil ni Andrei ang pisngi ni Lean, "Kamukha mo daddy ko!"

Hindi ko mapigilang hindi malungkot dahil si Lean talaga ang daddy ni Andrei. Dati, nag-aaway silang dalawa noon sa Quezon... yung hindi pa namin alam ang lahat. Itinago sa amin ni Lean ang lahat at ngayong alam na namin, nakikita na namin kung gaano siya kasabik sa anak niya.

Nakita kong dahang dahang binitawan ni Gatorade ang kamay ni Andrei at saka tumango kay Lean. Binuhat ni Lean si Andrei at kinalong sa lap niya, "Edi daddy mo din ako?"

"Eh! Hindi pwede. Isa lang dapat."

"Pwede yun."

"Hindi." pilit ni Andrei.

"Hmm, edi papa nalang?"

"Papa?"

Tumango si Lean, "Daddy mo si L.A tapos ako Papa mo."

"Papa..."

Nawala ang focus ko sa mag-ama nung napansin kong nakatayo si Gatorade sa harapan ko. Kinuha niya yung dalawang kamay ko sa lap ko at hinigit ako patayo. Nagtaka ako nung hinila niya ako papasok ng kwarto.

"Lean needs more time to catch up with Andrei. pwede naman ako ang kasunod."

Umupo si Gatorade sa upuan at hinayaan akong nakatayo sa harap niya. I don't mind. Tumingala siya sa akin. Gusto kong sabihin sa kanya ang naiisip ko dahil kanina kay Madam pero seeing how happy he is now... it can wait.

"Konti pa." sabi niya. Ngumiti ako at tumango. "Konti pa."

Hinigit niya ako palapit at niyakap. Nilapat niya yung side ng mukha niya sa tiyan ko at nagulat ako nung bigla siyang lumayo at idinikit ulit ang mukha niya sa tiyan ko.

"Oh! Narinig mo yun?"

"Ha?" napakunot ang noo ko.

Tumingin siya sa akin at ginawa ulit yun.. nilapat ang side ng mukha niya at lumayo..

"May sumisipa."

Hinampas ko siya sa braso pero hindi siya natinag. Sinundot sundot niya niya yung tiyan ko at ang mas malala, hinalikan niya yun. Kunyare ay bumulong siya pero narinig ko pa din, "Soon baby monster, konting hintay pa. Madami pa kaming inaayos."

Wala akong nagawa kung hindi tumawa. Since na nakabalik siya, naging habit na niya ang mga jokes niya about sa baby monsters. Kung dati niya 'to nagawa, baka nahampas ko na siya ng gitara. But oh well, I like the Playful Gatorade most.

Napatigil ako nung bumulong na naman siya. This time, hindi ko na nga talaga narinig. Sumenyas siya na lumapit ako, "Ha? Bakit ka ba bumubulong?"

Pero sumenyas pa ulit siya na lumapit ako. So I did. Kunot noo akong bumaba para masabi niya ng maayos yung binubulong niya pero nagulat ako nung hinawakan niya ako sa pisngi at hinila palapit sa mukha niya.

"Score." natatawa niyang sabi nung matapos niya akong halikan.

"Kulit." napatakip ako sa bibig ko.

"Kissing monster ninja moves." pinataas baba niya yung dalawang kilay niya at napatawa ako dahil dun.

Kulit kulit kulit!

Pero biglang nawala ako sa mood nung naalala ko yung pinagusapan namin nina Alex at yung kay Justine. Tapos si Russ. Gusto kong malaman niya. Alam kong wrong timing pero nagsisigawan na ang konsensya ko sa loob.

"Gatorade, kinausap ko siya." Huminga ako ng malalim, "Nasaktan ko na naman siya." Kinuha ko yung dalawang kamay ni Gatorade. "Tama naman ang ginawa ko di ba? Pero bakit ganito..."

"It's not your fault, Alexa." hinila ako ni Gatorade para makaupo sa tabi niya, "Dumadating talaga sa point na ang pinakamahirap na gawin ay kung kelan ang tama at dapat mong gawin ay iisa." Niyakap ako ni Gatorade, "Kakausapin ko din siya."

May sasabihin pa sana ako nung narinig namin na tumunog yung phone ko. Agad kong kinuha sa bag ko at nakita ang pangalan ni bebs sa screen.

"Bebs?"

"Ohmydee bebs! We saw Lovely! Papunta siya sa bahay. And all I saw on her face was anger. Ohmydee, what's going on?!"

Naalala ko si Madam nung binaba niya si Andrei sa tapat ng apartment namin. So ito ang plano niya.. Ang papuntahin si Lovely dito.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro