Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Chapter 45

"That's possible. Anytime pupunta na sila dito."

"Then hide! I can help you, L.A."

Mabigat ang mata ko pero hindi ko matiis na hindi mumulat. Ang kati at ang bigat ng mga mata ko. Ilang segundo at kurap pa ang ginawa ko para lang makapagadjust ako. Madilim na.

"It's not easy, Lean. After hiding then what? Magtatago ulit ako?"

"For the mean time lang naman eh. Then we'll know."

Dahan dahan akong umupo sa kama at napatingin sa bukas na pintuan ng kwarto ko. Nanggaling yung conversation sa may living room. Gusto kong lumabas para makasigurado kung tama ba yung mga boses na naririnig ko pero there's something na ayaw magpalabas sa akin.

"Alam ni Mama na dito ako unang pupunta."

"Where else would you rather be?"

Saan nga ba?

Inayos ko ang kumot sa paanan ko at niyakap ang tuhod ko. So I wasn't dreaming. I can really hear his voice right now. Hindi ko na kelangan saktan o kurutin ang sarili ko dahil alam kong fully awake na ako. Napahawak ako sa pisngi ko at inalala yung nangyare kanina.

She slapped me and I don't think she even gave a damn on hesitating to do that. Maraming tao pero nakontrol na ng emosyon ang lahat. Tapos si Andrei. Kelangan ba talagang mangyare ang mga bagay bagay na 'to? Hindi ko na alam. It's too painful...and tiring.

Nahagip ng mata ko yung isang bagay sa may side table ko. Agad kong kinuha yung phone ko. Pinadaan ko yung daliri ko sa sira na screen. Sinubukan kong buhayin yun pero wala na.

"I did this.." I can feel the dryness of my throat. Must be the side effect of crying and not crying for a long time. Not only that, nakasira pa ako ng phone at hindi man lang ako nanghinayang dun.

Muntik ko ng mabitawan yung phone ko nung may narinig akong nanggaling mula sa pintuan ko. Pero hindi ako makatunghay para tumingin kung sino man ang pumasok sa kwarto ko. Kung sino man...

Inilagay ko yung phone pabalik sa side table at itinaas ang kumot papunta sa dibdib ko saka sumandal sa headboard ng kama ko. I cleared my throat para mabawasan ang dryness ng lalamunan ko. And still, ayokong tumunghay.

Narinig ko yung ingay ng mga plastic bags nung ibinaba niya yun sa sahig, "Binalikan ni Lean sa mall kanina."

Naiwanan ko yung mga pinamili ko kanina... after what happened at kahit ngayon, hindi ko na yun naalala.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang biglang gumalaw ang kama. No.. kinabahan na agad ako nung tumungtong ang paa niya dito sa loob ng kwarto ko. I know it's him. Even without looking, alam ko nang siya yun.

"Alexa," napatungo ako nang tinawag niya ako at lumapit pa siya. Niyakap ko ang mga tuhod ko nung narinig ko siyang bumuntong hininga. Napatingin ako sa kamay niya... "Noong tumawag ka..." Nakita ko yung mabilis na pagtikom ng kamay niya, "Narinig ko lahat. Wrong timing pero..."

Oo nga pala. Nag-ring nga pala ang phone niya nung siya ang inasahan ko nung hindi ko alam ang gagawin ko dahil kay Andrei. Gusto kong mainis dahil nag-ring yun noong si Andrei ang may kelangan. Not even a day within those weeks of waiting na tumunog yun...

"Sinubukan kitang tawagan nung naputol pero hindi mo sinagot. Paulit ulit hanggang sa hindi na kita matawagan..." mahina siyang tumawa, "Sinira mo pala ang phone mo."

I did. And I don't care.

Ang bigat ng mata ko at dumoble yun nung dahan dahang nanlabo ang mga mata ko. Nilulubos lubos ng mata ko ang pagkakataon para umiyak pa ako. They missed crying...but I don't. I'd rather be emotionless than showing off my tears and be weak. Pero hindi ko na makontrol.

"Alexa," tila sumabay yung tibok nung puso ko nung inulit niya ang pangalan ko. "Tingnan mo naman ako oh." Tingnan... "Please."

There was longing and pleading.

Tingnan ka..

I want to, Gatorade.

But...I can't. I don't know why... I just can't.

May takot.

Natatakot ako na baka once na tumingin ako baka mawala na naman yung gusto kong makita.

"Alexa," Umiling ako. "Alexa."

Sinubukan kong umurong nang nakita ko siyang lumapit. Isiniksik ko ang katawan ko sa may head board, wishing na may butas dun at lumusot ako. Lumusot ako papunta sa ibang lugar. I know it's ironic since I've been longing to see and hold him... pero ngayong andito na siya..

"Baby-"

"Ba't mo kasi ako iniwan?" I inhaled sharply to control my tears. "Bakit kelangang maramdaman ko muna yung pagod at sakit para lang dumating ka?"

Humigpit ang yakap ko sa tuhod ko. Isinubsob ko yung mukha ko dun at umiyak. "Nakakainis kasi eh. Ayokong maramdaman yun, Gatorade. Ayokong mapagod at masaktan kung ikaw ang dahilan. Ayoko. I don't even want to doubt myself kung tungkol sa'yo. But you left me hanging at naramdaman ko pa din. And I hate myself for that. I hate feeling those feelings. Kasi dapat..."

"What do you want me to do, Alexa?"

"I..." umiling ako. "I don't know."

Ayokong magalit kay Gatorade at alam kong hindi galit itong nararamdaman ko sa kanya. If there's anger, hindi para sa kanya yun. Hindi ito inis or any other feelings in line with that. Na parang may dalawang nagka-clash sa loob loob ko na hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman.

"I'm...sorry."

Dahan dahan akong napatunghay nung narinig ko yun. Hinanap ng mata ko ang kamay niya pero malayo na yun sa akin. And I felt the pounding of my heart when my eyes slowly reached his face. Doon ko nakita kung gaano siya katahimik na umiyak.

"Sorry kung..." pinunasan niya ang pisngi niya, "nagtagal ako. Sorry, Alexa."

Naalala ko si Andrei nang nakita ko kung paano niya mabilis na pinunasan ni Gatorade ang mata niya. Huminga siya ng malalim at saka lumingon sa akin. Then, I met his eyes. Hindi ko alam kung paano niya nagawa 'yun pero ngumiti siya at kahit ang mga mata niya, napangiti niya.

"Lance,"

"Kainis." Tumingala siya at tumawa. "Nung para kasing sinabi mo na ayaw mo akong tingnan," pinunasan niya ulit ang mata niya, "Ahhh, nakakainis."

Napatawa ako, and at the same time napaiyak, nung paulit ulit niyang sinabi yung "Nakakainis". Hindi ko alam kung ako lang yun pero gusto kong i-sink in sa utak ko na sinasabi niya yun as our magic word.

"Nakakainis ka." Pinunasan ko ang pisngi ko at ngumiti, "Tama na nga. Mukha tayong tanga."

Narinig ko siyang tumawa, "Stupid monsters."

Tumingin ako sa kanya at nahuli siyang nakatingin. Nakangiti siya at dahan dahan na lumapit sa akin. Tumango ako nung nakita kong itinaas niya ang kamay niya para mahawakan ako. Hinintay kong dumikit yun sa pisngi ko at maramdaman ang init ng palad niya.

"I miss you, baby." Hinigit niya ako at ikinulong sa mga braso niya. "I miss you."

Tumango ako at inikot ang mga braso ko sa kanya. Please, don't take him again away from me. Please.

Isiniksik niya yung mukha niya sa pagitan ng balikat at leeg ko. Hinigpitan niya yung yakap niya sakin...pahigpit ng pahigpit... "Hugging you like this isn't enough...pero natatakot ako na baka masaktan kita."

"I want that hug."

A hug that can make you feel that he doesn't want to let you go.

That kind of hug.

*****

"Gusto mo ba talaga akong kumain o ano?" For the nth time, napatigil ako sa pagsubo. Nakita ko din yung palihim na pagtawa nina bebs at Marcus sa may living room. Medyo nakakailang kasi... after that crying and stuff.

"Last fourteen percent."

Napapikit ako sa sinabi niya, "Do you really want to fill that 'empty spaces' kahit ganito ang itsura ko?"

"You're still Alexa." Napaurong ako nung sinubukan niyang hawakan ang mata ko. "With cry-bags at nasa level 2 ng worst version of you."

"Level 2?" napataas ang kilay ko.

"Joke lang." ngumiti siya at bumalik na naman sa pagtitig. "Ten percent nalang."

After that, tinitigan niya ako. Sabi niya merong naging "empty spaces" sa loob niya dahil sa "pagkamiss" niya sa akin. According to him, not seeing me for weeks or even days... parang may umaalis sa katawan niya at kelangan niya akong titigan para mapunan ang mga empty spaces na yun.

Playful Gatorade. Psh.

Wala na si Lean dito sa apartment. Pagkalabas niya kasi bigla na lang niya akong niyakap at nagpaalam. Tinatawagan na daw kasi siya ni Tito Anthony. He didn't even forget to whisper 'I'm sorry' kahit ilang beses ko ng narinig yun mula pa kanina.

Naalala ko nung sinabi niyang: I found a way. Tinulungan niya si Gatorade na makapunta dito. Siya ang kinontact ni Gatorade nung hindi na niya ako matawagan. And he did that dahil gusto niyang maayos ang lahat. Kahit paunti-unti, gusto niyang makabawi.

"Error." Napatigil na naman ako sa pagkain nung nagsalita si Gatorade. "Download failed. Retry?"

"What the hell."

"Okay. 0.1 percent."

Gusto ko sanang mag-comeback pero wala na akong nagawa. Ngumiti ako at bumalik sa pagkain. Yeah, after that crying and stuff...I need ease and comfort. Hindi na ako nahihirapang hanapin pa yun dahil ginagawa na ni Gatorade para sa akin.

Itinaas ni Gatorade ang tuhod niya at tumuon dun. Seryoso na ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Tahimik. At mas naging dahilan yun para hindi ako makakain ng maayos. Tinitigan ko siya pabalik para iparating sa kanya na hindi ako makakain pero mas may napansin ako.

Yung damit niya.

Tapos yung eyebags.

Sumilip ako sa ilalim at nakita yung gamit niyang tsinelas. "Yan ang gamit mo papunta dito?"

"Ha?" sinilip niya din yung paa niya. Naka-pambahay siya. T shirt, shorts at tsinelas... pambahay. Nag-shrug siya na parang wala lang yun, "I freaked out."

"Namayat ka."

Itinaas niya ang braso niya, "Ah.. proof na may empty spaces to fill."

"Gatorade,"

"Alexa," ngumiti siya sa akin. Bumalik siya sa dati niyang pwesto at mas lumapad ang ngiti niya, "Patabain mo nalang ako."

Sinubukan kong ngumiti pabalik pero naramdaman ko yung guilt. Realizing after what I've said to him... Bakit nga kaya ganun ang tao? Pag nakakaramdam ng hirap o sakit, nakakalimutan na possibleng ganun din ang nararamdaman ng mga taong involve? Hindi lang ako ang pwedeng makaramdam ng pagod, sakit o kung ano... kahit si Gatorade. At patunay ang pangangayayat niya at ang suot niya dahil sa taranta para makapunta dito.

Tinitigan ko siya ulit. And I don't know how, parang nagflash back lahat sa akin ng nangyare simula nung mag-start ang kontrata namin hanggang sa bumalik siya dito sa harap ko. Nangyare yun na parang may pinapaintindi sa akin at mabilis kong naiintindihan. Mga hindi ko maintindihang rason pero somehow they seem to answer every questions of why. At lahat yun, ang dahilan ay si Gatorade. Kung bakit nangyare 'to, kung bakit ginagawa ko 'to...kung bakit...

"Bakit ikaw na ang tumititig sa'k—"

"I love you."

Nagulat ako nung biglang sumigaw si bebs mula sa living room. And it hit me. Bigla akong napasandal sa upuan ko, hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tumingin ako kay Gatorade at kita din ang pagkagulat sa mukha niya.

"Ohmydee! Ohmydee!" Napatingin ako sa living room at nakitang nakatayo si bebs at nakaturo sa akin, "You..."

"Ahh," napapikit ako at lumingon sa ibang direksyon.

"Ohmydee!!"

I said...that. Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko na alam ang ginagawa nina bebs pero naririnig ko na inaaya siya ni Marcus palabas ng apartment at ang tanging narinig ko lang ay ang mga ohmydee's ni bebs at ang pagbukas sara ng main door.

Itinabi ko yung plato at umubob dun. Ahhhh! San nanggaling yun?! Tapos si Gatorade... walang reaksyon. Literal na naka-nganga. Kinabahan ako nung narinig kong gumalaw yung upuan sa tapat ko. Ayokong tumunghay kasi...di ko alam kung paano siya titingnan.

Muntik na akong mapasigaw nung bigla kong nakita si Gatorade sa ilalim, sumuot sa pagitan ng mukha at lap ko. Nakangiti, "Uy."

Umayos ako ng upo. Nakita ko siyang nakaluhod sa tabi ng upuan ko, "Ah kasi..."

"Hep hep,"

Naggesture siya na tumigil ako. Tumayo na siya at inilagay yung dalawang kamay niya sa sandalan ng upuan ko, pinamamagitan ako. Napaikit ako nung lumapit siya at naramdaman ko yung labi niya sa noo ko.

Itinuon niya ang noo niya sa noo ko, "I love you, too."

"Nasabi ko ba talaga 'yon?"

Napatayo siya at tumawa, "Oo."

Napahawak ako sa labi ko. Unconsciously, nasabi ko. At kahit wala na akong maiiurong sa upuan ko, sinubukan ko nung nilevel na naman ni Gatorade ang mukha niya sa mukha ko.

"TGWSGLG version 2.0."

"Ano?"

"Yung first version, The Girl Who Slapped Gatorade Likes Gatorade." napakagat siya sa labi niya at, kelan ko ba 'to huling nakita?, ginawa ang mannerism niya, "Ngayon, The Girl Who Slapped Gatorade..."

Nasabi ko nga.

"Paano mo nagagawa yun?" Nagtataka akong tumingin sa kanya. Sumandal na siya sa may gilid ng lamesa at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Kanina pinaiyak mo ako pero ngayon... how can you do that? Parang baliw eh. Hindi ko aakalain na kaya kong maramdaman ang saya at lungkot dahil sa isang tao."

Baka yun ang sign na hinahanap ko na sign kay Alex, pag kaya niyang iparamdam sa'yo ang sobrang sakit at saya...baka yun na ang sign...

Mas kumunot ang noo ko nung binitawan ni Gatorade ang kamay ko at pumalakpak, "Bravo, Alexa. You really bug the shit out of me." At napatawa ako dahil dun, "Bugged, bugging and will bug."

Napatingin kami ni Gatorade sa main door nung magbukas yun. Nakita namin na pinipilit ni bebs na makapasok dito at pinipigilan siya ni Marcus. In the end, nanalo si bebs at tumakbo agad papalapit dito sa amin. Nakasunod agad sa kanya si Marcus. Natigilan kami nung biglang kinurot si Marcus tapos ang sarili niyang pisngi.

"I'm not dreaming." Poof! Twinkling eyes appeared. Napangiti pa lalo si Marcus dahil dun. Ahhh, they're back. Twinkle twinkle. "It's really happening."

Iniwas ko yung mata ko nung tumingin sa akin si bebs. Tumayo ako sa kinaupuan ko at alam kong alam ni Gatorade ang pag-iwas ko kaya siya tumatawa. Psh. Buti siya hindi nahihiya.

"The boobies have their purpose now!" Iiwas na sana ako palayo kay bebs pero nakalapit na agad siya sa akin at niyakap ako. "Ohmydee, you definitely deserve the female gender now!"

"Ack, bebs!" sinubukan kong makawala sa yakap ni bebs pero mas hinigpitan pa niya lalo.

"You're a girl! Ohmydee! I'm calling Tito and Tita! Wah! Kahit sina Mama!"

"What?! No!"

Pinakawalan na ako ni bebs at tumakbo na siya papunta sa kwarto niya. Susundan at hahabulin ko pa sana siya pero pinigilan ako ni Gatorade. Nakita ko si Marcus na all smile na naglalakad para sundan si bebs.

"Marcus, pigilan mo si bebs!"

"Ha?" Lumingon siya sa akin...ng nakangiti. Ugh! "This is fun."

I think I literally dropped my jaw. Nataranta ako nung narinig ko ng umirit si bebs at paulit ulit nang china-chant ang famous line niya na ohmydee. Gusto ko siyang pigilan pero hinawakan ako ni Gatorade at pumunta siya sa likod ko saka ako niyakap.

"Hayaan mo na."

"Pero..." nakakahiya.

Itinuon niya yung baba niya sa balikat ko, "Kakausapin ko si Pops."

Nawala agad sa isip ko yung dapat pipigilan ko sa sinabi ni Gatorade. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at inikot ako para makaharap ako sa kanya. Bumuntong hininga siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Tapos parents mo. Susundin ko ang plano ni Lean. Kakausapin ko si Lorenzo at sana makausap ko din si Lovely." Ginawa na naman niya yung mannerism niya at saka tumungo, "Makikiusap ako kay Mama... kay Pops.."

Tinaas ni Gatorade ang kamay ko papunta sa pisngi niya,

"Kakausapin ko na din sina Alex at Russ." Si Russ.. "Gusto ko ng maayos 'to, Alexa. Gagawin ko ang lahat. Susubukan kong gawin ang lahat."

"Gatorade,"

"Anything, Alexa. Wag ka lang mawala sa akin. Ayoko ng mangyare yun. Enough na ang two weeks para maging warning sa akin kung gaano kahirap." Umiling siya at diniin pa ang palad ko sa pisngi niya, "Just please, be there for me...for us."

Ang daming complications, madaming dapat gawin at hindi namin alam kung ano ano pa ang pwedeng maging consequences after...

"Deal." tumango ako.

"Deal?" Kumunot ang noo niya. Tumango ako. "Kontrata ba 'to?"

"Maybe?"

"So.." hinigit niya ako palapit, "How about sealing the contract, baby?"

"Seal the contract with?" bawi ko.

"Ano bang maganda?" Hindi ko mapigilang mapatawa. Inilagay niya yung mga kamay niya sa pisngi at leeg ko, "I'm warming you, Ms. Delos Reyes. May pagka-monster 'tong ka-deal mo."

"Talaga?" pagpi-pretend ko na nagulat. "I think I belong to that bloodline, too. I was once called Mama Monster.. ah! Katulad mo, his hair is blue."

"Weird." lumapit siya sa akin, "Akala ko ako lang ang blue head monster na nage-exist."

"Extinct na kayo?"

"Bakit? Are you up for the Anti-Extinction Plan now, Alexa?" Nahampas ko siya sa dibdib dahil dun. That plan again. "Now now, paano na yung sealing of contract?"

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Let's seal the contract with something special. Dahan dahang lumapit sa akin si Gatorade at...

"Bebs!! Tito wants to talk to you!!"

Agad kong tinulak si Gatorade palayo at umikot para humarap kay bebs. I heard Gatorade whispering, "Not again."

"Ohmydee." Idinikit ni bebs ang phone sa tenga niya, "Tito!! They're about to k—"

"Bebs!" kinuha ko kaagad yung phone sa kamay niya, "Papa, wag kayong nakikinig kay Dominique!"

"Princess, waaaaah!!"

Oh boy.

Magsasalita pa sana ako nung may kumuha nung phone sa kamay ko. Lumingon ako sa likod ko. Bumelat sa akin si Gatorade at siya na ang kumausap kay Papa.

"Kelan po kami pwedeng bumisita dyan sa Quezon?"


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro