Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

Chapter 42

Feb 19, 20xx

Tuesday

It's been four days. Naging ritual ko na ang mag-abang sa harap ng phone ko, wishing that maybe—just maybe—may makalusot na isang missed call o message. Pero dun sa apat na araw na yun, wala. Ganito pala ang pakiramdam pag parang ewan kang nag-abang sa taong magparamdam sayo kahit alam mong napakaliit ng chances na makakapagparamdam siya.

"Hey, TGWSG!" halos mabitawan ko yung phone ko nung bigla kong nakita si Marcus pagkabukas ko ng main door. Ohkaaay, anong ginagawa niya dito? Inayos ko na yung bag ko at inilagay dun yung phone ko.

"Hey, Smiley face."

"Si Veena?"

"Hindi ko alam eh. Hapon pa pasok nun."

Kumunot ang noo niya...pero hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. Weird guy. "Sabi ko sa kanya maaga kami ngayon eh."

"Maaga? Ano bang meron?" Napabuka yung bibig ni Marcus pero nag-sara na din agad yun. Siguro iniisip kung paano sasabihin sa akin. Napangiti ako at ti-nap ang balikat niya, "Joke lang. Happy Birthday."

Lumapad ang ngiti ni Marcus at pina-expose niya yung ng tu-twinkle niyang mga ngipin. Ngumiti ulit ako at nalagpasan na siya. Papasok pa ako eh. Pero ramdam na ramdam kong biglaang bumagsak ang labi ko nung nakatalikod na ako kay Marcus.

Huminga ako ng malalim at naglakad na papasok. Pero bigla akong napatigil nung biglang naramdaman kong may nagvi-vibrate sa bag ko. Agad kong binuksan yun at kinuha ang phone ko. Bumagsak ang balikat ko at tumalikod para samaan ng tingin yung tumatawag sa akin.

"Mali ata na-dial ko." Bumelat sa akin si Marcus at binaba ang phone niya. Gusto kong mainis sa ginawa ni Marcus pero alam ko namang iba ang gusto niyiang mangyare. "Magpaparamdam din yun."

Tumango ako kahit wala kaming kasiguraduhan dun. Sana.

"When we least expect it. Man of surprises, remember?"

He's that kind of man. Pero sinamaan ko ulit ng tingin si Marcus at tinuro siya, "Don't ever do that again, Smiley face. Baka makalimutan kong birthday mo."

Tumawa siya nung saktong nakita ko si bebs na sumulpot sa likod niya na parang naguguluhan kung bakit tumatawa si Marcus. Umiling ako at kumaway sa kanila. Tumalikod na ako nung napansin na ni Marcus si bebs sa likod niya...

Hell week na next week at hindi ko kaya pag-isipan ang mga ganitong bagay. Sinubukan kong maging mabait at huwarang estudyante. Pinilit na ipasok sa utak ko ang mga dapat i-debit o i-credit at pagpasensyahan ang mga nagmamala-major na minor subjects. College... College...

For four days, I'm trying my best to occupy myself. Katuad nung ginawa ko dati nung natapos ang kontrata ko kay Gatorade, sinubukan kong maging busy. Pero this time, I always make sure na nakakasilip ako sa phone ko..just in case.

At hindi lang yun ang ginawa ko. Pumunta ako sa BFC para kausapin si Francis. Nagpasama din ako kay Princess para siya ang maging shield ko dahil wala na akong tiwala sa mga galamay ni Tita Loreyn a.k.a Madam. It didn't work out pero nakausap ko pa din si Francis. Buti nalang talaga sinama ko si Princess.

"Sorry, Gab. Wala si asul sa BFC. Nakita ko siya kahapon pero lagi siyang nasa top floor."

"Nag-usap na ba kayo?"

"Oo pero..."

"Pero?"

"Gab," kinabahan ako nung hinawakan ni Francis ang kamay ko, "Kinausap nila ako para tanggalin na si Gatorade sa line up ko. Hindi ko na siya handle."

Hindi ko tanda kung anong term ni Francis dun pero ang pagkakaalam ko lang, hindi na niya manager si Francis. Hindi na daw siya kasama sa "Gwapong pamamalakad ng gwapong manager" at malilipat na siya sa ibang managers na pwwede na siyang makakuha ng clients. This time, bawal na siyang humindi dahil si Madam na ang masusunod.

Nakakainis dahil gina-ganito lang ni Madam si Gatorade, tinatrato bilang isa sa mga boyfriend, to think na anak niya ito. Pero nakakagulo kung bakit si Gatorade at hinahayaan niya lang si Lean. Free si Lean na gawin ang gusto niya habang si Gatorade...

"Gab?" napailing ako nung may nakita akong kamay sa harap ko. Ka-trainee ko dito sa Art Stuff. "Okay ka lang ba?"

"Ah, yeah. Sorry." dumiretso agad ako dito pagkagaling sa school.

"Telephone." Telephone? Napaka-rare na may tatawag sa trainee via phone call. Tumango ako at pumunta sa kabilang cubicle kung nasaan yung telepono.

"Gab speakin--"

"Punta ka dito sa office ko."

"Matt?"

"We have 30 minutes. Go!"

Binaba na niya ang sa kabilang linya at wala na akong nagawa kundi kuhanin ang bag ko aat dumiretso kung saan ang office niyia. Matagal ko ng hindi boss si Matt, nagkakausap pa rin kami pero napakadalang nalang nun. Nagkakangitian nalang kami kung magkikita kami sa lobby pero wala siyang time para sa small chitchat dahil sa tambak na trabaho at kung ano ano pang school requirements na kelangan niyang intindihin since ga-graduate siya this April.

Mabilis akong nakadating sa office niya at inabutan siyang nakakunot ang noo habang pabalik-balik ang tingin sa mga paperworks sa lamesa at sa screen ng laptop niya.

"Upo." tinuro niya yung upuan sa harapan ng table niya. Binagsak niya yung papel na hawak niya at binaba yung screen ng laptop.

Huminga ng malalim si Matt at inabot yung phone niya sa side ng table. May pinindot pindot siya at kumunot ang noo ko nung itinapat niya yung screen sa akin.

From: Alyanna

SOS Alexa

"SOS?"

Kinuha na ni Matt yung phone nung natapos kong basahin yung dalawang words dun. Sumandal si Matt sa swivel chair nya at pinaikot ikot yun na parang ride yun sa isang amusement park. Hindi ko mapigilang mapangiti. Kelan ba siya nagka-break dito?

"25 minutes,"

"Ano bang meron, Matt?"

"Ano nga bang meron, Gab?"

Inalala ko yung text ni Aly. "Para san yung SOS?"

"I..." tumuon siya sa table niya parra makaharap sa akin ng ayos, "...don't really know. Natanggap ko lang yan kaninang umaga."

Napasandal ako sa upuan. Si Aly talaga. Umiling ako at ngumiti kay Matt. Alam na siguro ni Aly ang nangyayare. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero nakakatuwa kasi kahit hindi niya kayang makatulong, nandito si Matt.

"Ito ba yung nangyare nung swimming?" Nagkibit-balikat ako pero alam kong alam na ni Matt ang ibig kong sabihin dun. "Boy issue?" Hindi kami maguusap about dun unless nasa paligid lang namin si Aly. "Look, lalaki ako. Maybe I can understand."

"Hindi naman kasi talaga about dun yun, Matt eh."

"Eh ano?"

Huminga ako ng malalim and left with no choice. I've been keeping this feeling and rants for days at hindi ko na alam kung paano mawawala sa dibdib ko. May problema din si bebs at Marcus, hindi ko makausap si Alex kasi hindi nga siya yung tipo ng taong kinakausap tungkol dito, Princess and I are not that close for this matter, si Rinrin—meh at si Russ.

"Maniniwala ka ba na hindi ko totoong boyfriend si Gatorade?"

"Gatorade.." He tapped his fingeers over his table. "The guy with the blue hair, right?"

Tumango ako. "He's my boyfriend pero not the real real one."

"How's that possible?"

"Basta it's possibe."

"It can only be possible if you're pretending right? O parang kayo kami." Medyo na-gets ko na ang pine-pertain niyang kayo ay silang dalawa ni Aly. "Pseudo."

"Alam ba ni Aly na sinasabi mo yan?"

Tumango siya, "I'm very honest with her, Gab."

Napatungo ako. Obviously, isa si Matt sa mga taong hindi alam na nage-exist ang isang korporasyon na hinahayaan kang magkaroon ng boyfriend bsta magbabayad ka. Na pwede mong maexperience ang inaasam mong perfect relationship. But screw that, Gatorade and everything have flaws. Naniniwala nga lang tayo na perfect yun.

"So nagkaproblema about dun sa hindi nating maintindihan na real not really real relationship niyo?" Tumango ako. "Tao, bagay, or it's not you it's me problem?"

Napangiti ako at napailing sa pagiging good mood ni Matt kahit alam kong marami siyang dapat ika-stress. "Tao. Nanay niya."

"Alam mo ba yung reason kung bakit?"

Yun ang isa sa problema, hindi ko alam. Ang alam ko lang ayaw niyang bitawan si Gatorade bilang boyfriend ng BFC. Idagdag pa si Nikki na parang nakikipag-alliance sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit kelangan ganito, kung bakit kelangan niya akong paniwalain na may chance na ayos kami sa kanya ni Gatorade. Pero hindi, hindi ko talaga maintindihan.

"May reason ang mga tao kung bakit nagagawa nila o may perspective sila sa mga iba't ibang bagay. Kung bakit gusto nila ganito, kung bakit ayaw nila nito. Katulad natin, bakit ba tayo nagkakaganito? Di ba dahil may nararamdaman tayo para sa kanila."

Para kay Aly at kay Gatorade.

"Nanay siya at sa tingin ko, hindi lang siya basta basta magkakaganun na walang sapat na dahilan." Alam ko yun pero gusto kong malaman sa hindi ko alam kung paanong paraan. "Or may in born lang talaga na over protective pagdating sa mga anak. Believe me, bago ko napaniwala ang nanay kong matanda na ako...grabe."

Natawa ako at naalala si Mama. Pero nawala agad yun, "Gusto ko lang malaman if there's anything I can do."

"Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon, ang dapat tumulong ay yung gusto lang tumulong. Most of the time, mas kelangang gumawa nung taong naging dahilan kung bakit nangyari yun."

Kung sino ang reason behind sa mga nagawa ni Madam. Andun ang kambal at si Tito Anthony.

"Pops nina Gatorade at Lean."

Naalala ko yung sinabi sa akin ni Madam nung nagusap kami. Yung sinabi niya na alam niyang asawa niya si Tito Anthony pero label lang yun at sa papel lang. At nasa Korea si Tito Anthony kasama si Lean noon at naiwan silang dalawa ni Gatorade dito sa Pilipinas. At yung dumating sa bahay namin si Lean at Tito Anthony... may kasama siyang babae.

There's a possibility.

"Gab?"

"Thank you, Matt." I smiled. I don't know why but after sorting things out, maybe he can help me.

Nagulat ako nung inangat ni Matt yung phone niya at dinikit yun sa tenga niya, "You heard her. You owe me, Alyanna."

Si Aly?

Nagpaikot ikot na ulit si Matt sa swivel chair niya at parang nawala sa realidad nung nagusap na sila ni Aly. Nakahinga ako ng maluwag at tumayo na sa kinauupuan ko. Hindi na ako nagpaalam kay Matt. Sa kanya na yung natitirang free time niya para makausap si Aly.

Kinuha ko yung phone ko sa bag ko at di-nial ang number niya.

"Gab?"

"Nasa apartment ka?"

"Hotel with Pops. Why?"

*****

Tinext ko si Lean na nasa tapat na ako ng pintuan ng hotel room nila. Mga ilang minuto, bumakas yun at nakita ko yung madalas na kasama ni Lean..

Napatingin ako sa loob nung parang may narinig akong nage-alien sa loob. Bumalik ang tingin ko dun sa nagbukas ng pinto sa akin at parang okay lang ang nangyayare sa loob. Medyo umalis siya sa harap ng threshold para makadaan ako.

Pagkapasok ko, nakita ko na nasa may dining area si Tito Anthony at Lean. May hawak na plato si Lean at mukhang nagaaway sila. Natapos lang yung pag-aaway nila nung 'uumubo' yung tao sa likod ko para iparating na nandito na ako.

"Uh.."

"Oh! The Delos Reyes heir." Tumayo si Tito Anthony at lumapit sa akin. Napaurong ako nung hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at bineso ako. "Come in."

Nakita kong napailing si Lean at inalis yung mga pagkain sa may table. Pagkahiwalay sa akin ni Tito Anthony, agad na may lumapit sa kanyang babae at pinulupot ang braso niya sa braso nito. Sinamaan niya ako ng tingin saka inirapan. As far as I remember, hindi siya yung kasama ni Tito Anthony nung pumunta siya ng Quezon.

"Ivan, can you grab me some food? I think my son is trying to poison me."

"Then don't eat!" Lumabas na si Lean ng naka-pout.

Mukhang hindi siya narinig ni Tito Anthony dahil dumiretso 'to sa living room ng hotel room. Napailing nalang ulit si Lean at lumapit sa akin. Inalok niya akong umupo sa may dining table since occupied na ang living room. Napansin ata ni Lean na kanina pa akong nakatingin dun sa babaeng akbay akbay ni Tito.

"February Week #3. Tasty Three is her Pops' name." poker face na sinabi ni Lean. "February Week #2, the girl you met sa Quezon, is Yummy Maria."

Is that even appropriate for a name? Humalumbaba si Lean gamit ang dalawang braso niya at nag-pout gamit ang lower lip niya. Hindi pa clarified o hindi ko pa naririnig na sinabi sa akin ni Lean yun pero alam kong siiyia ang tatay ni Andrei. Gusto ko ding malaman kung ayos na ba sila o bakit hindi siya nakikipag-ayos kay Lovely.

"Lean, bakit mo ginagawa 'to?"

Lumingon siya sa akin, "Believe it or not, and even I don't really look like, I want to be a big brother for L.A. Just for once."

"Bakit ngayon lang?"

"I never realized that the freedom I was enjoying was his and not mine. Iwant to help. I-take advantage mo na before I change my mind."

"Pero hindi naman puro dahil lang sa akin o dahil lang kay Gatorade—"

"I know.." Inayos ni Lean ang pagkakaupo niya sa upuan, "That's why I'm also taking this opportunity to let them know that I can also be a father-material."

Nakita ko kay Lean na seryoso siya sa sinasabi niya. Alam kong wala akong masyadong alam kung paano sila napunta sa ganitong sitwasyon pero tulad nga ng sinabi niya, i-take advanage nalang. I don't know their plans but there's something or some reason why we're betting the last hint of chance.

"I'm really sorry, Gab." Humarap siya sa akin, "I want to fix everything."

"Pero si Tita Loreyn,"

"My ever-so boring wife." Nagulat kami nung bigla nalang sumulpot si Tito Anthony sa kabilang side ng table. "I never thought that my wife will be such a pain in the ass—Oh, I forgot. She was and still a pain in the ass."

"Pops, don't say that."

"It's true." Napatingin ako sa likod ni Tito Anthony, binibigyan pa rin ako ng death glares ni Tasty Three. Alam ko ang tingin na yun. "Look Delos Reyes heir, my wife is really hard to please. I don't even understand why she easily said yes to marry me."

Nakakabother kung paano niya ako tawaging Delos Reyes heir at si Tita Loreyn na 'my wife'. Na para bang kelangan kong mabastusan. Hindi na ako nakakapagtaka kung paano niya nabubuo yung pet names na Tasty Three at Yummy Maria.

Sinilip ko si Lean at pakiramdam ko, sanay na siya na ganito magsalita ang Pops niya tungkol sa asawa niya. Remembering, kahit si Madam parang wala na ding pakielam.

"Sabi niya, hindi niya ibibigay sa akin si Lance."

Napatango nalang si Tito Anthony, "She's really possessive. Lance and BFC are all she has left."

Naguguluhan akong tumingin sa kanilang dalawa ni Lean. Mukhang naintindihan naman ako ni Lean, "My first mistake, hinayaan ko siyang maiwan kay Mama using Lovely and Andrei as an excuse."

"She doesn't want any divorce." Napangiwi si Tito Anthony na parang sensitive topic ang divorce, "Lean is with me and that other son of mine is so kind that he insisted to stay with my wife."

"But that was supposed to be me at yun nga, Lovely came with Andrei.."

"Ahh! That clever girl."

"Pinaniwala namin sila na si L.A ang ama ni Andrei."

Tumingin ako kay Tito Anthony nung bigla siyang tumawa. Unlike kay Tita Loreyn, parang wala man lang siyang tinatagong inis kay Lovely.

"She's an Alicaway. A good investment." A good investment? "But who cares, you're a better investment, Delos Reyes heir."

"Please stop calling me heir."

"But you're the heir of the Delos Reyes Clan." Lumapad ang ngiti niya. Sinabi ni Mama na may plan si Tito Anthony na magkaroon ng business merger ang company namin sa company nila pero hindi pumayag si lolo dahil sa reputation at masamang image ni Tito Anthony dati.

"Pops, why are you treating everyone as an investment? Stop it!"

"It's either an investment or my girl of the week, Lean." Walang pakielam na kinorect niya ang sinabi ni Lean. Napakunot ang noo ko nung kinindatan niya ako, "And you are a very good investment, Delos Reyes heir."

Napapikit nalang si Lean at huminga ng malalim. Wala siyang magawa sa attitude ng Pops nila. At sa tingin ko, isa siya sa mga klase ng taong walang pakielam kahit anong sabihin mo o yung taong hindi marunong makinig.

"If you marry my son, the long wait for the merger of Zamora and Delos Reyes will come into an end."

"Ayaw ni Tita Loreyn." That's true. Pinagdiinan niya sa akin yun.

"You're option A so if that'll fail, there's always an Option B." Ngumiti siya na parang win win siya sa kahit anong option. "I don't find Rivera heir as a bad investment."

Nikki Rivera. Hindi niya aalisin ang term na investment dahil yun talaga ang tingin niya sa amin. Pero kahit ganun, hindi talaga mawwawala ang inis sa akin pag naalala ko si Nikki. Wala siya sigurong pakielam kahit investment ang trato sa kanya ni Tito Anthony dahil gusto at obsess nga siya kay Gatorade.

"I'm so lucky having two handsome sons." He chuckled. "Thanks to my genes."

Nakita kong nag-made face si Lean na parang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng Pops niya. Kahit ako, hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin since okay lang kay Tito kahit anong mangyare.

"But," nakita kong nakatingin sa akin si Tito, "Seeing you here...I think you need my help."

Napatungo ako sa sinabi niya. After having conversation kay Matt, naisip ko na baka matulungan niya ako. Since, kahit alam kong gusto kong makatulong..walang mangyayare dahil si Tito Anthony ang kelangang kumausap kay Tita Loreyn.

"I'll help. Tell your parents to agree to our conditions. Merge with us."

"Hindi papayag si Mama. Ayaw niyang-"

"Then it's a no." Tumayo na si Tito Anthony at pumunta sa living room para ipulupot na naman siya ni Tasty Three sa mga braso nito "Or better yet, I can be your lover instead of my son. I have fetish for young girls."

"Pops!"

Kinilabutan ako sa sinabi niya. What the hell!

"No, thank you!" Madiin kong sinabi. Tinawanan niya lang ako. Lumingon ako kay Lean.

He mouthed: I'm sorry.

Tumango ako at humalumbaba.

Anong gagawin ko?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro