Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

Chapter 41

Gusto kong ipagsisikan sa utak ko ang linyang: "In the end, everything will be okay. If it's not okay, then it's not the end." But it's not use. Kung may sense ang linyang yun, kung in the end magiging okay...bakit kelangan pa ng complications o problema? Why can't it be okay from the very start?

When did I stop observing? When did I start focusing on one person? Bakit puro Gatorade at tungkol nalang sa kanya ang iniisip ko? Kelan ba ako naging ganito? Kelangan ba ganito ako?

Why did I change? Why do I have to change?

Napatingin ako sa main door nung biglang bumukas yun. Nakita ko sina Marcus at Dom. Akay akay ni Marcus si Dom papalapit dito sa sofa. At katulad kanina, hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. And for the record, kanina ko pa ding pinipigilan ang luha ko.

"I...Veena," pinaupo ni Marcus si bebs sa tabi. "You have to know something."

"What? Na galit sakin si mommy at kuya? Alam ko na yun."

"Hindi yun." Lumuhod si Marcus sa harap ni bebs at hinawakan ang kamay niya. "It's about me and Mica."

"Marcus, please wag ngayon."

"Pero kelangan mong malaman." Tahimik ko siyang pinakinggan. I don't know if I should hear this pero hindi ko naman kayang umalis sa pagkakaupo ko. "Viniel broke up with Mica and not the other way around."

"What?"

"Hinayaan namin ni Mica na yun ang isipin mo para lumayo ka."

Nakita ko ang gulat sa mata ni bebs. All this time, na-fed up kami sa paniniwalang kaya nag-break sina Kuya Viniel at Mica ay dahil kay Marcus. Na nung nakita ni Mica si Marcus, hiniwalayan niya si Kuya Viniel para ma-hire ulit si Marcus.

At ibig sabihin...

"I asked Mica to hire me again."

"Marcus..."

"Ako ang lumapit sa kanya. Pero tumanggi siya dahil boyfriend niya ang kapatid mo."

"Marcus ano bang pinagsasabi mo?"

"Pero weeks after nagulat nalang ako nung dumating si Mica sa BFC at pumayag. Viniel broke up with her tapos—"

"Ano?! Gusto mong ipaalam sakin na gusto mo pa rin si Mica?!" Tinanggal ni bebs ang pagkakahawak sa kanya ni Marcus. "Ghad! Aren't you guys aware that I should be having fun because it's my birthday?!"

"Veena," pinilit hawakan ni Marcus ang mga kamay ni bebs pero wala. Ayaw niya. "Listen to me.."

"Ano pa ba, Marcus! Please be considerate! Tama—"

"Aalis na ako sa BFC."

Biglang bumagsak ang balikat ko sa sinabi ni Marcus. Kahit si bebs, biglang tumigil ang pagiyak niya matapos ng sinabi ni Marcus. Iiwan niya ang BFC. Magqu-quit na siya bilang boyfriend.

Medyo tumayo si Marcus at hinawakan ang pisngi ni bebs, "Tatapusin ko lang ang kontrata ko kay Mica. Isang buwan nalang, Veena."

"Bakit mo 'to ginagawa?"

"I want you to know that I'm still worth of your shot. I'm risking it, Veena."

Napangiti ako nung lumingon sakin si bebs na parang hinihintay ang approval ko kahit hindi naman yun kelangan. Huminga ako ng malalim at tumango sa kanya. I don't know the reasons behind why Marcus asked Mica to hire him again at isa pa, mass may karapatan na si bebs malaman yun kesa sa akin.

Tumayo na ako sa sofa at naglakad papunta sa kwarto ko. Iniwanan ko na sila sa living room at sinara ang pinto.

I bit my lower lip, trying to stop it again.

Pero hindi ko kaya.

Umiyak ako.

Ang unfair.

Bakit ako naiinggit? Bakit parang madali lang para sa kanila? Bakit ang komplikado? Ayoko nito. Magkaka-romantic bone ka na nga lang...tapos ganito pa.

Bakit ang unfair?

*****

I feel sleepy pero hindi ko magawang makatulog. I feel tired pero kahit magpahinga ako, pakiramdam ko pagod pa rin ako.

"Bebs?"

Kakatapos ko lang maligo pero ito, nakahiga pa rin ako. Walang pakielam kahit mabasa ko ang bed sheet dahil sa basang buhok ko. I moved my head para tumingin sa pintuan.

"Are you ready?"

Umiling ako. I was never ready in the first place. Dahan dahan akong umupo sa kama kahit ayoko. Lumapit si bebs at umupo sa tabi ko. Sinubukan kong patuyuin ang buhok ko pero wala eh. Walang lakas ang dumadaloy sa ugat ko.

"Ano sa tingin mong mangyayare?"

"Sampal. Kabilang pisngi naman."

"Bebs," she whined.

Alam kong kahit papano okay na siya daahil sa sinabi sa kanya ni Marcus kahapon. That's why I envy her. Pero hindi ibig sabihin nun, I'll throw my tantrums over her. Of course, she deserves what she really deserves. Nauna na siyang mag-pinetensya sa'kin.

She was lost... at ako naman ngayon.

"Madaya ba, bebs?" Hindi ko siya nilingon. "Madaya ba dahil wala man lang caution dito? Hindi ka man lang prepared? Yung tipong bigla ka nalang magkaka'romantic bone' at bigla bigla ka nalang din sasaktan?"

It's always unfair.

"Tinawagan ka na ba ni Gatorade?"

Sinilip ko yung phone ko sa likod ko. Isa pang dahilan kung bakit hindi ako makatulog. I'm always checking my hone. Na kahit hindi naman naka-silent, papailawin ko yun at titingnan ng paulit ulit na baka lang nagloko ang phone ko, baka nawalan ng signal o ano. Just to make sure. Pero in the end, mas lumalala lang sa pakiramdam.

The more I expect, I more I let my self to be disappointed.

"Bebs," nagulat ako nung maramdaman ko yung kamay ni bebs sa kamay ko. "We'll get through this."

Hanggang kelan?

Pupunta kami sa Quezon ngayon. May klase si bebs pero napagdesisyonan namin na pupunta kami dun para makausap ang mga magulang namin. Kasalanan naman talaga namin eh. Hinayaan namin ang lahat na hindi man lang nagsasabi sa kanila. To think that it was their money we spent.

I just hope Papa is okay... even, Gatorade.

Matapos siyang higitin ni Madam palabas ng bahay namin kahapon, wala na talaga akong natanggap na mula kahit ano sa kanya. And there's fear. Gusto ko siyang tawagan pero nagaalinlangan ako dahil baka hindi siya ang may hawak ng phone niya. Possible. Walang text o tawag.

Kahit magulo o kahit hindi pumasok ang maayos na concept na everything will be okay sa utak ko, gusto kong panghawakan yun. Kasi hindi ko na alama kung ano pang dapat panghawakan ko.

*****

"Papa,"

Agad na lumapit sakin si Papa at niyakap ako. I'm not expecting the super bear hug Papa style pero yun ang gusto kong maramdaman. But not today, he's not in the mood to be a bear dahil nga sa nangyayare.

"I missed you, princess."

"I missed you too, Papa."

Pero nung lumayo sakin si Papa, hindi ko mapigilang mapatawa dahil kahit siya, hindi niya kayang hindi itago ang pagiging real-life emoticon niya. I can almost see : T_____T in his face. Mamaya ganito: TT___TT Tapos ganito: TT0TT

"Papa,"

"She's mad, baby. Really mad. Waaaah."

"May kasalanan tayo eh."

He sniffed, "I can't blame her."

Bumuntong hininga si Papa at hinigit ako papuntang dining area. Looks like wala pa si Mama o nasa study room siya para magtrabaho. Umupo si Papa at kinuha yung wine glass kahit halata namang soda yung nandun. Hindi siya fan ng wines.

"Yung pinakilala natin si Lance sa kanya, nung first time siyang pumunta dito... nung debut mo... yung party." Inubos ni Papa yung nasa wine glass at kinuha yung nagtatagong soda can para i-refill yun. "Sabi niya kagabi, nagmukha siyang uto-uto."

Umupo ako sa tabi ni Papa at kinuha yung soda can sa kamay niya. Pinagtama ko yung soda can at wine glass niya at simpleng ngumiti. I mouthed 'Cheers' at ininum yung laman nun.

"I really hate it when she's angry."

"She's always angry, papa."

Napatigil pero bumalik agad ang crying emoticon niya. "Angry Mama Level 5. Waaaah~"

"Papa!" hindi ko mapigilang mapatawa. Alam kong pinipilit magging seryoso ni Papa at alam ko namang totoo ang mga sinasabi niya pero he's too cute at childish to be serious.

"Sinubukan kong mag-explain sa kanya eh.."

"Naiintindihan ko si Mama." Tumingin ako sa hawak kong soda can at pinaikot ikot yun sa palad ko. "It's not about reputation... pero pinaniwala natin siya na finally may boyfriend ang manang niyang anak."

"I really feel guilty, princess." he pouted. "I can still remember her smile when she met Lance."

That day. Nagalit pa siya sakin noon kasi sa kwarto ko nakatulog si Gatorade nun.. Pero Gatorade worked his charm and got her interests easily. Proud si Mama na ganun ang boyfriend ko. Proud siya at ipinamalita pa niya yun sa mga amiga niya. Hindi dahil sa pangalan namin pero dahil may boyfriend na ang anak niya. For 17 years na naniwala ako na pinanganak ako na walang romantic bone. Na dati ay pinagkamalang may secret tomboy relationship sa bestfriend niya.

"Nasampal niya ako, Papa." Huminga ako ng malalim. Hindi yun sa sakit ng sampal. Pinipigilan kong wag maalala kasi masakit...masakit malaman na masyado kong nadisappoint si Mama para masampal niya ako. Alam kong isa yun sa mga bagay na ayaw niyang gawin sakin, ang saktan ako. "But I deserved it."

"I'm really sorry, Alexa." Papa patted my head. "Kung hindi sana ako naging mapilit noon-"

"Papa, I agreed. It was the best birthday present."

It was intentionally my present from Papa para sa debut ko. Yun naman talaga di ba? Noong una ayoko. Pero aaminin ko, gusto ko kahit pinagpilitan lang yun ni Papa noon. Gusto ko. Gusto kong nangyare ang lahat.

Dumiretso sina bebs sa kanila kasama si Marcus. Sana okay lang din sila. Alam kong mas doble ang takot ni bebs dahil dumating din bigla ang daddy niya. She was expecting him to come pero para sa birthday niya at hindi dahil sa ginawa niyang disappointment.

Tumayo na ako at hinawakan ang kamay ni Papa. He gave me a reassuring smile and hope that everything will be okay after this. Lumabas na ako ng dining room para icheck si Mama sa study room pero hindi na ata kelangan. Nakita ko Mama sa may living room at hawak ang car keys niya.

The usual, pagmakikita niya ako monotone siyang magpa-paalam o bebeso sakin ng mabilis pero ngayon... tiningnan lang niya ako at diredretso ng naglakad papunta sa main door.

"Ma," Binilisan ko ang paglalakad para maabutan siya, "Ma, kausapin mo ko."

"I have work, Alexa."

Please not that tone. That tone as if you don't care and you're not mad at me.

"Please, ma."

Pero binuksan niya yung main door at lumabas. Sinundan ko pa rin siya, hoping na kahit papano lilingon siya sakin at magtatanong. Pero wala. Mas kinabahan ako nung pumunta na siya sa tapat ng driver's seat. Weekend pero magta-trabaho pa din siya. No, alam kong work-a-holic din ang mama ko pero... gagawin niya to para wag akong makita.

"Mama.." Napatungo ako.. "I love him."

Akala ko titigil si Mama pero binuksan pa rin niya yung driver's seat at pumasok dun. Akala ko magiging masaya siya kasi umain ako sa nararamdaman ko.. Pero hindi...

And I feel weak.

Kay Aly ko lang naamin ang nararamdaman ko and it was my last resort para pigilan si Mama. Pero useless. Walang epekto.

Nagulat ako nung biglang bumukas yung bintana sa may shotgun seat, "Are you trying my patience, Alexa?"

Napatingin ako sa pintuan at nakitang naka-unlock yun. Sinilip ko si Mama pero iniwas niya ang tingin niya sakin. And yes, it worked. Agad agad akong pumasok sa sasakyan.

"Talk." Pinaandar na niya ang sasakyan, "Everything. Tell me everything, okay?"

"Opo."

*****

Hinayaan ko lang na mag-drive si Mama. Lumampas na kami sa company kaya much aware na ako na hindi ko alam kung saan kaming lupalop ng Quezon pupunta. I'm not even sure kung nasa Quezon pa kami.

Hindi nagsasalita si Mama, hindi rin open ang stereo dahil hindi fan si Mama ng mga kanta, except yung wedding song nila ni Papa. Ayoko rin magsalita dahil hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

Tumigil kami sa isang familiar na lugar. Naalarma nalang ako nung lumabas na si Mama sa sasakyan. Napatingin ako dun sa simbahan at school sa harapan namin. Tumingin ako kay Mama at nag-gesture siya na sundan ko siya.

I remember this place. Ito yung alma mater nila Mama.

"This is where we practically met.." naglakad kami papunta sa main gate ng school. "Kung saan ako gumawa ng storya...with Gabriel."

Vague na ang memory ko sa lugar na 'to. Minsan lang kami pumunta dito pag may alumni event lang sina Mama at Papa o kaya naman may bibisitahin kaming malapit lang dito.

"So you love him?"

I don't know if it's really appropriate for us to talk about this. Ang awkward pero pinasok ko ang sarili ko dito. Yun nalang agad agad ang lumabas sa bibig ko.

"Weird ba, Ma?"

Nagtaka ako nung bigla siyang tumawa. "Tell me, nawiwirdohan ka ba kung sasabihin kong mahal ko ang Papa mo?"

Umiling ako. Kung tutuusin, katulad ko si Mama. Kami yung tipong parang hinding hindi maaiinlove. Yung may sarili lang kaming pinapakielaman pero hindi mo aakalain na mapapasok yung 'love' sa pinagkakaabalahan namin. Tapos, si Mama at Papa. Masyadong opposite.

"Why did you keep it from me, Alexa?"

Napatigil ako sa paglalakad, "Sorry po."

"I'm asking why." Nawala ang lahat ng takot ko nung ngumiti ulit sakin si Mama. Hindi ko alam kung paano niya ako napaniwala na hindi na siya galit...o hindi na talaga siya galit?

"Hindi ka papayag. Perfectionist ka, Ma. Masyado po kaming natakot ni Papa at masyado kaming na-overwhelm nung nakita ka naming masaya nung nakilala mo si L.A."

"I'm happy but after knowing who he is and from where he is..."

Tumango ako, "I know, Mama."

"And that woman..." Napailing si Mama at naglakad papunta sa may simbahan. Anong ibig sabihin niya? Kilala niya si Tita Loreyn? "So this is her business,"

"Bakit po?"

"I know Loreyn Zamora, especially her husband." Pumasok kami sa simbahan. Tahimik at kami lang ang tao dun. "Well, Anthony proposed business merger with us but your Lolo declined. Hindi maganda ang image ng mga Zamora noon at ayaw silang pagkatiwalaan ng Lolo mo." Napangiti si Mama, "Funny, ngayon ko lang napansin na Zamora ang surname ni Lance."

You're so happy to notice.

"Ayaw din ni Loreyn ng merger dahil she's too full of herself. She wanted to succeed pero she wanted to do it alone." Pumunta kami sa may altar at tiningnan ang images at statues sa harap namin. "Sabi niya, she'll form a business kung saan siya lang ang mangingibabaw. And suprisingly, siya nga lang. Who would have thought that she'll let this crazy...I can't even call this a proper business."

"But she did."

"But to let her own son be one of those can be hired as someone's boyfriend?" Mama has a point. Kahit ako nagulat. "At siguro tinatawanan na niya ako ngayon kasi isa ikaw sa mga naging clients nila."

Napatungo ako dahil totoo yun.

"But to be honest, it doesn't really matter." Nakatingin si Mama sa altar. "Mas sumama ang loob ko kasi nagsinungaling kayo sakin ng Papa niyo."

"I'm... really sorry Mama."

Tumango siya at humarap sakin, "Pero totoo na naman di ba? Yung sa inyong dalawa ni Lance?"

Hindi ko alam kung anong itatawag niyo sakin pero alam kong totoo yun. Ngumiti ako, "Opo."

"No more lies and secrets?"

"Promise."

Hinawakan ni Mama ang pisngi ko, "Now, alam kong weird ito pero kwentuhan mo ako."

"Po?"

"Your story, Alexa."

With him...

Tama ang sinabi ni Mama. Weird nga. Wala naman kasi talaga kaming Mother-Daughter bonding at ito yung una. Pero kahit ganun, nakakatuwa dahil nailabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. Kahit si Mama itinuro sakin ang mga lugar na espesyal sa storya nila ni Papa. Kung paano nagsimula at nagtuloy-tuloy.

It was complicated just like every stories. Dahil hindi naman maging matibay yun kung puro kilig o kalandian lang ang papairalin (According to Mama.) Sabi niya, hindi ka magkaka-premyo kung hindi ka magpapakahirap. Hindi mo masasabing masaya ka kung mismong sakit hindi mo alam.

There's always a thin line between pain and happiness.

Gusto kong tandaan ang aaraw na 'to dahil God-knows when kung kelan pa 'to ulit mauulit. We may not have a lot in common pero atleast nagkakaintindihan na kami ni Mama.

No more lies and secrets.

Umuwi na kami ni Mama sa bahay. Hindi ko mapigilang hindi sila bigyan ng space ni Papa lalo na kung isang emoticon na puppy-eyed look from him ang bumungad sa amin pagkapasok namin ng pintuan. Yes, the pout. Yes, the eyes. And yes for Papa's own way of showing childishness and cuteness.

Yung isa pang sinabi ni Mama...

"Without him, siguro monster na ako."

Para daw silang Yin-Yang.

And the monster term. May pinagmanahan talaga ako ng pagka-monster ko at hindi lang dahil kay, also known as Kissing monster, Gatorade.

Hinayaan kong mag-usap muna sina Papa at Mama. Kinuha ko yung phone at chineck ulit yun. But still, no sign of thhe blue head guy. I dialed his phone and worse, hindi ko siya ma-contact. Inulit ko yun ng inulit, hoping na baka pumasok o i-on ang phone niya pero wala.

"Ma'am," napalingon ako sa likod ko nung tinawag ako nung isang maid. "May naghahanap po sa inyo."

Lumabas ako ng bahay at tumingin sa may gate. Naramdaman ko ang pag-react ng puso ko nung nakita ko siya. Agad akong tumakbo sa may gate para buksan yun. Alam kong hindi siya ang hinahanap ko pero yun ang mukhang gusto kong makita.

"Lean,"

"Gab." Napatingin ako sa kotseng nasa likod niya. May lumabas dun na lalaki at hindi ko na kelangan manghula kung sino siya.. "Pops, si Gab."

"No need." Lumapit siya samin. The structure of his face and body, everything except the eyes... "Kilala ko na siya at ang pamilya niya."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro