Chapter 40
Chapter 40
Tiningnan ko yung limang envelopes sa kamay ko. Umupo si Gatorade sa sofa at kita ko sa mata niya na may pag-aalinlangan niya nang ibinigay niya sakin 'tong envelopes. Sumunod ako sa kanya sa sofa at umupo sa tabi niya.
Nandito kami ngayon sa building ng BFC. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at tinanong ko sa kanya ang tungkol sa paggpasok niya sa BFC, mga bakit na hindi ko maintindihan tungkol sa kanya at mga gusto ko pang malaman.
"Kay Nikki Rivera," kinuha niya yung isang envelope sa kamay ko. Ibinaba ko yung apat na envelopes sa lamesa sa harapan namin at kinuha yung envelope para sa contract nila ni Nikki.
First client ni Gatorade. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko nung binuksan ko yun. Kukunin ko na sana yuung nasa loob nung biglang hinigit ako ni Gatorade papalapit sa kanya. Isiniksik niya yung katawan niya sa likod ko para yakapin ko.
And there I realized and felt na hindi ang ako ang kinakabahan. I don't know if it's possible pero I can feel his heartbeat nang niyakap niya ako. Medyo namamawis din ang kamay niya. Sinilip ko siya mula sa balikat ko at binaon pa niya ang lower part ng mukha niya sa likod ng balikat ko. Iniintay akong kunin yung contract sa loob.
"Don't worry, Alexa. I trust you." Humigpit ang yakap niya sakin.
I trust you.
Kinuha ko yung kontrata sa loob ng envelope. Andun yung pinirmahan na copy ng contract ng BFC. May picture ni Nikki at ibang picture nilang dalawa ni Gatorade na parang kelangan documented lahat.
"Latter year ng Senior." Sinilip ko ulit si Gatorade pero dun na siya sa kontrata nakatingin. "Kasabay ko si Marcus kay Mica."
"The bestfriends." Tumango siya.
Andun yung iba pang records about kay Nikki at yung pangalan ng napiling boyfriend, Lance Alexander Zamora. Katulad na katulad nung ipinakita na kontrata sakin ni bebs noon. Yung contract nila ni Marcus. Andun lahat ng gusto ni Nikki para kay Gatorade, lahat ng ayaw, additions o mga iba iba pang agreements.
May post script pa dun na: "Stay hot."
Very unexpected na magmula sa isang mean girl.
Tiningnan ko yung ibang pictures na kasama sa envelopes. Ang itsura ni Gatorade noong highschool. Clean cut and black hair. ero iba ang nakikita ko sa picture. Malamig ang expresssion ng mata ni Gatorade noon.
"Ano ka nung highschool ka?"
"Boring."
"Mukha nga."
"Wala akong kinakausap kundi sina Aly lang." Kaklase nga pala niya sina Aly noon. "I'm not really approachable."
"But you are now."
Nagkibit-balikat siya at inayos ang upo. Kinuha niya yung mga pictures sa kamay ko at tiningnan yun. Wala siyang sinabi after nun. Ibinalik niya yun sa envelopes at kinuha yung panibagong envelope, "Justine Saavedra."
Kinuha ko yung kontrata at ibang pictures sa loob. Walang special sa kontrata nila ni Justine dahil parents ni Justine ang nag-fill up ng form. May mga pictures pero konti yun compare sa pictures nila ni Nikki. I want to blame Justine's parents dahil sila ang dahilan kung bakit nawala ang friendship nilang dalawa ni Alex dahil sa pangba-black mail nila noon. Pero after seeing how Justine looked like... I changed my mind.
"Wala ng kasunod after Nikki, that was the actual plan."
She really looked like fragile and very sick. Pero kahit ganun, I'm pretty sure she looked happy on these photos. "She likes you."
Hindi sumagot si Gatorade. Ibinalik ko na yung kontrata at may kinuha si Gatorade na panibago. Hindi na ako nagulat nung nakita kong kay Aly yung sunod na envelope kahit alam kong mas naunang client niya si Lovely. Mas nagtaka ako nung napansin ko na familiar yung hand writting sa form.
"You wrote this."
Sulat kamay 'to ni Gatorade.
"Aly and I..." Umalis na si Gatorade sa pagkakayakap sakin. "Pinilit ko lang siya."
Gusto kong itanong kung bakit pero hindi ko magawa. Wala ding pictures sa loob ng envelopes. Yung contract lang. I tried to recall everything, na-mention sakin ni Aly noon na she was just doing a favor. Binalik ko na agad yung kontrata ni Aly at yung envelope kasama nung kay Nikki at Justine. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya.
"Titigil ako kung gusto mo."
Aaminin ko, hindi dahil gusto kong makilala ang lahat ng naging clients ni Gatorade kaya ako nagtatanong. It's specifically all about Lovely. Alam kong nagkaproblema na ako kay Nikki at Justine pero I couldn't care less about his relationship with Lovely.
Yes, he had a psycho and very dangerous ex girlfriend, been black mailed by a sick person's parents at muntik na ulit ma-hire gamit ang pangalan ng sister niya.. Pero hindi matalo noon ang reason kung bakit kelangan si Lovely. Kung bakit may pagsisinungaling about sa totoong tatay ni Andrei, sa pagsasacrifice, sa pagle-let go, sa pagpapanggap, sa lahat ng 'to.
"Kilala ko na si Lovely noon pero hindi kami close. School mates." Iniwas ni Gatorade ang tingin niya sakin, "Bago mag thid year highschool, umalis si Lexis papuntang Korea. Months after, dumating si Lovely...kasama si Andrei."
Inabot ko yung envelope at binuksan yun. Katulad ng kay Aly, walang nakalagay dun kundi kontrata lang.
"I have a work-a-holic mother and a good for nothing father." Ngumiti sya ng mapait. "Hindi ako tagahanga ng tatay ko. Hindi ako tumingala sa kanya. Kaya noong lumapit sakin si Lovely at nakita ko si Andrei..."
"Gatorade,"
"Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako tutulad kay Pops at Lean na madaling nagagawang tumalikod sa anak niya." Hinawakan ko ang kamay ni Gatorade. Malamig at nanginginig. "Walang kasalanan si Andrei. Ano bang alam niya?"
He bit his lower lip. Ang kaninang playful Gatorade ay nawala. Napatungo ako nung naalala ko ang sinabi sakin ni Lovely kanina. Kung paano araw araw umiiyak si Andrei dahil namimiss niya si Gatorade, namimiss niya yung kinikilala niyang Daddy.
What have I done? I know that he's not his biological father pero hindi naman yun yung basehan para mahalin niya yung bata. Kung tutuusin, wala naman yan sa pagiging totoo o hindi, nagpanggap o ano...basta mahal niya yun. Was I really a fool? Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na okay ang lahat basta may romantic bone?
I was not close minded. In fact, I'm sure I am aware that there are complications pero hindi ako nag-isip. Wala akong ginawa. Kung hindi naman pumunta si Gatorade noon sa apartment, wala naman nito di ba? And because that, I became a fool believer that everything will be okay.
"Do you want him back?"
Nagulat na lumingon sakin si Gatorade. At kahit pinipilit itago ng mata niya yun, nakita ko pa rin. Nakita ko pa rin na he's hoping na makikita niya ulit si Andrei. Napapikit ako nung hinigit ako ni Gatorade palapit sa kanya at niyakap ako.
"Yes, I want him back pero I don't want to lose you."
"Pero hindi mo siya makukuha kung nasakin ka."
Hindi na ito tungkol kay Lovely at sa iniisip niyang perfect family pero tungkol lang kay Gatorade at Andrei, it's about his love for Andrei.
"Do you want me to go back for Andrei?"
Kung pede akong maging selfish, iiling ako. Pero kelangan ko bang makipagkumpitensya kay Andrei? Tulad nga ng sabi ni Gatorade, bata lang siya at ano nga bang alam niya? Pero anong magagawa namin kung hindi niya kami parehong pedeng makuha? There will be no us kung si Andrei ang pinili niya at hindi niya makakasama si Andrei kung ako ang pipiliin niya.
And I'll be a terrible liar kung sasabihin kong oo. Dahil deep down inside me, mas pinipilit nito na maging selfish.
"We'll find a way, Alexa."
"We?"
"Nagusap na kami ni Lean, kukunin namin si Andrei."
Bigla kong natulak si Gatorade sa narinig ko. "Paano?"
"Hindi ko alam pero gagawa kami ng paraan."
Naalala ko yung nagusap kami ni Lean noong birthday ni Andrei. Yung pagsosorry niya sakin at pagtatama ng maling ginawa niya. Ito yun, ito yung pagkakamali niya. Ang pagtalikod kay Andrei at pagpapaubaya kay Gatorade ng lahat. Hinayaan niyang mag-sacrifice si Gatorade.
"Nasaan si Lean?"
"Korea. Aamin na kami kay Pops."
Why do I have this feeling na dapat akong matakot sa Pops nila?
********
Umuwi na kami ni Gatorade sa apartment. Pero bago yun, nakitaa ko si Francis at Princess na magkasama at papasok ng building ng BFC. Tumakbo agad sakin si Princess para yakapin ako at mag-sorry.
At nung pauwi na kami, late ko ng narealize na hindi ko nabuksan yung envelope ng documentary plus the contract about sa'min ni Gatorade. I was to full sa mga informations na nakuha ko mula kanina at hindi ko na masyadong maisip kung anong dapat gawin dahil sa plano nilang dalawang magkapatid.
Tinigil ko yung Minica sa labas ng gate ng apartment nung may nakita akong tatlong familiar ng kotse sa labas. Kita ko din sa itsura ni Gatorade nung nakita niya yun. Pagkalabas namin ni Gatorade sa sasakyan, nakita ko si Kuya Viniel na papasok ng apartment.
Naalala ko na may family date nga pala sina bebs. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit nandito rin ang kotse ni Mama at isang kotsee na parang nakita ko na dati.
Mabilis kaming dumiretso sa apartment. Pagkapasok ko, kahit alam kong andito si Mama, nagulat at nagtataka pa rin ako kung bakit siya nandito. Nakakapagtaka din kasi biglang tumigil sa pagsasalita ang mama ni bebs nung pumasok kami.
"Ma?" tuloy akong pumasok sa apartment at para makapasok sa living room nung lumapit sakin si Mama at...
"Anong ginawa mo!"
Naramdaman ko yung kamay ni Gatorade sa balikat ko pero mas ramdam ko ang sakit ng sampal sakin ni Mama. Mabilis na namuo yung luha ko at pumatak yun sa mula sa mata ko. Napasigaw ako nung hinila ako ni Mama palayo kay Gatorade.
"Ma!"
"Stay away from Alexa!"
Lumingon ako sa may living room at nakitang umiiyak na din si bebs at...nandito rin si Marcus. Mukhang galit si Kuya Viniel at hindi niya kayang tumingin samin. Gusto kong i-sink in lahat ng possibleng dahilan kung bakit umiiyak si bebs at kung bakit ako sinampal ni Mama.
"How much?" Naguguluhan ako sa sinabi ni Mama. "How much did you pay him, Alexa?"
A..alam na ni Mama.
"Ma, it's not what it looks li-"
"Then what is!"
"Tita, hindi na po ako-"
"Don't you dare talk to me, Mr. Zamora."
Nilingon ko si Gatorade pero hinigit agad ako ni Mama papuntang living room at pinaupo sa tabi ni bebs. Laking gulat ko nung nakakita pa ako ng dalawa pang bisita dito. Sa kanya yung isang kotse dun sa labas.
"Nikki.." lumingon ako sa katabi niya, "Tita Loreyn."
Napatingin ako kay Mama nung biglang tumunog ang phone niya at sinagot niya yun. Si Papa ang tumawag sa kanya. Pumasok si Mama sa loob ng kwarto ko. Tumayo na din ang mama ni bebs kasama si Kuya Viniel at naglakad papuntang main door.
"Mommy, please let me explain. Please." tumakbo si bebs para pigilan sila pero ayaw siyang tingnan ni Tita. Enough reason para mas umiyak siya. Kahit si Marcus walang nagawa kundi umupo sa sofa at i-take in lahat ng nangyayare ngayon.
"I'm very disappointed, Veena."
"Pero mommy, mag-eexplain ako. Please hayaan mo akong magpaliwanag mommy."
"Tama na, Veena." Tinanggal ni Kuya Viniel ang pagkakahawak ni bebs sa kanila. Lumabas na sina Tita pero hinabol pa rin sila ni bebs. Alam kong mahirap pero tumakbo si Marcus para sundan sila.
It's really disappointing for them pero sila ang kelangan namin ngayon..
Pinunasan ko ang luha ko at lumingon kay Tita Loreyn at Nikki. Gusto kong isipin kung anong ginawa kong mali kanina nung kausap ko si Tita Loreyn. Kung bakit may ganitong nangyayare.
"Ma, anong ibig sabihin nito?" pumasok na si Gatorade sa living room.
"Hello, son."
"Ma!"
Pero ngumiti lang sa kanya si Madam. Inalala ko ang lahat. Nagtanong ako kungg lalayo ba ako kay Gatorade, kung anong dapat kong gawin at kung anong kelagan niya sakin dahil pinatawag niya ako. Gusto kong malaman kung bakit nandito si Nikki, kung anong kinalaman niya dito.
"I'm in the right path towards impressing you?"
Akala ko may approval na. Akala ko...
"Impressive but not enough."
"Ma, napagusapan na natin 'to!" Lumapit pa samin si Gatorade. "Ano na naman ba 'to?"
"I'm just taking good care of my boyfriends, Lance." Tumayo na si Tita Loreyn sa sofa. The way she calls Lance as one of BFC's boyfriends... Katulad ng ginawa niya kanina kay Lovely, hindi siya nakatingin sakin pero alam kong ako ang pinapatamaan niya. "I'm sure that I mentioned to you that I won't give you my son."
Pinanuod ko lang siyang maglakad at makalampas sa harapan ko. Kahit si Gatorade walang nagawa kahit nung dumaan na din 'to sa harapan niya. You can clearly see his anger pero hanggang dun nalang yun. Wala siyang magawa.
"And like you, I'll be selfish." Hinawakan niya ang wrist ni Gatorade. Napatayo ako sa sofa pero biglang lumabas si Mama sa kwarto ko. "Mrs. Delos Reyes."
"Please leave." dumiretso si Mama sa pwesto ko pero hindi para pansinin ako. Kinuha niya yung bag niya, without even botheering to look at me.
"Till next time."
Gusto kong higitin si Gatorade at tulungan siyang makaalis sa pagkakahawak ni Tita Loreyn sa kanya pero napako ako nung tiningnan ako ni Mama. Sa takot, hinayaan kong makalabas sila dito at iwan kami nina Mama. For a moment, I want to bury myself alive. Matagal ko ng hindi nakikita ang striktong side ni Mama at nung una kong nakita yun, alam kong namuo na ang takot sa utak ko.
"Mama," sinubukan kong lumapit kay Mama pero iniwas niya ang tingin niya sakin, para iparating sakin na lumayo ako...na tumigil ako sa gagawin ko. "Ma, I'm sorry."
Pero wala.
Sumunod si Mama sa paglabas nina Tita Loreyn. Hindi na siya lumingon sakin.
Naging aware ako na hindi lang ako ang naiwan dito sa loob. May naiwang kasama si Tita Loreyn. Tumutulo pa in ang uha ko pero malinaw na malinaw siya sa paningin ko. Malinaw na malinaw ang ngiti niya at pagpaparating na nagawa niya ang gusto niya.
"Ang sarap niyo talagang panoorin."
"Ano bang gusto mong mangyare?"
Tumayo si Nikki at lumapit sakin, "Do you really think that I'll just let you go that easy after putting me in rehab?"
"You're a psycho."
"Edi pangangatawan ko na" Napaurong ako sa sofa nung tinuon niya yung daliri niya sa balikat ko. "At idagdag mo pa na bored ako...at gustong gusto kong hobby ang paglaruan ang mga tao sa kamay ko."
Inayos niya yung pagkakatayo niya at naglakad na palayo sakin, "Aly is boring, Justine is dying, Lovely is almost out off the scene...then you..."
She's still here...
"Gaano ka kaya tatagal?"
The psycho ex is still here.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro