Chapter 38
Chapter 38
Pagkagising ko palang alam ko na na-Valentines dahil si bebs ang nanggising sakin. Tumingin ako sa orasan. Seven o'clock palang, "Come with me, bebs!"
"Ala siete palang bebs!" umikot ako sa kama para tumalikod sa kanya. Tinakluban ko ang tenga ko gamit nung unan ko.
"Can you not feel it? The love woke me up! Love is in the air!" I can imagine her opening her arms wide at nagtitwinkle ang mata, yung nga lang heart shape with silver dust. Nakangiti pa na pang-pageant.
Nasabi ko na ba sa inyo na naguusap na ulit silang dalawa ni Marcus?
"Oxygen, Argon.." Halos makalimutan ko na hindi nga lang pala kami ni bebs ang tao dito sa kwarto. Halata sa boses niyang inaantok pa siya. "Nitrogen and Carbon Dioxide."
Hindi ko mapagilan mapatawa sa sinabi ni Gatorade. Tinanggal ko yung unan a mukha ko at tumingin sa naguguluhang mukha ni bebs. Yeah, yun ang nasa hangin. Hindi love.
Umupo ako sa kama ko, kapantay ni bebs. Sinuklay ko ang buhok ko paalis ng mukha ko. Nung napansin ni bebs na pinipilit kong magising, lumapad ang ngiti niya. Hindi lang dahil Valentines ngayon kaya siya excited.
"Advance happy birthday. Okay na?"
Mukhang nagulat si bebs at biglang tinakluban ang ilong niya, "Better if magtutooth brush ka muna."
"Ah ganun?" kinapa ko sa likod ko yung unan ko at tinaklob yun sa mukha niya. "Dried at panis na laway.. Worse, right?"
" Bebs!!"
Tumakbo na si bebs palayo sakin. At dahil Valentines nga ngayon at birthday niya bukas, wala siyang oras para magalit o mabadtrip. She playfully stood in front of me tapos namewang. She stuck her tongue out saka bumati ng, "Happy Valentines."
Tumakbo na sya palabas ng kwarto ko. At iniwan akong wala na sa mood para matulog. Wala na ang antok ko. Ito ang ritual niya tuwing Valentines day. Ang bulabugin ako tuwing umaga para i-aware ako na Valentinees ngayon at birhday na nga niya bukas. Siya na ang tatanda by age. Pero still, she looks fourteen to me.
Inayos ko ang pagkakaluhod sa kama ko at nagdecide na mag-ayos na since wala na talaga. Patayo na sana ako noong may naramdaman ako sa bewang ko. Naramdaman ko nalang na umangat ang katawan ko sa kama. Napatingin ako sa likod ko at nakita si Gatorade na nakapikit (obviously inaantok pa) at binubuhat-slash-hinihigit ako papalapit sa kanya.
Natigilan ako nung naramdaman ko ang bibig niya malapit sa tenga ko.
"So it's lovey dovey day today?" Ramdam ko na ngumiti siya at halos kilabutan ako nung marinig ko yung innaantok niyang boses, "Remember the anti-extinction monster plan dati?"
Nanlaki ang mata ko at automatic na full force ko siyang tinulak palayo sakin. "Gatorade!"
"What?" Half open at inaantok na tumingin siya sakin. Ngumuso siya sakin, "Valentines treat ko."
"Anti-extinction? No way!"
He crooked his head to his right, "Ayaw mo ng mga baby monsters?"
Sinubukan kong hanapin ang playfulness sa mukha niya pero ang hirap dahil halatang inaantok pa rin siya. Hindi lang ako makapaniwala na kaya niyang gawin 'to kahit inaantok siya. Ano bang klaseng nilalang ang taong 'to na tinubuan ng asul na buhok?
"Ah!" nagtaka ako nung biglang nanlaki ang mata niya na para bang may isang napaka-genius na ideya syang naisip. "How about unli-lambing-for-free? I could be your baby."
I think I literally dropped my jaw, "What the hell."
Napaurong ako nung nakita kong lumapit si Gatorade at lumuhod na rin sa may kama. Urong sulong. "Pede din vice versa?"
"Gatorade, ano ba!" urong ako ngg urong habang palapit siya ng palapit. And what do you expect? "Ahhh!"
"Alexa!"
Aray!
Dahan dahan akong umupo at humawak sa likod ko. Nakita ko si Gatorade na hindi ko maintindihan ang expression sa mukha niya. Sinamaan ko siya ng tingin nung nakita kong nagla-light up ang mata niya... Pinipilit niyang hindi matawa!! Argh.
Nangiti-ngiti niya akong inalalayan para makaalis sa pwesto ko. Falling off the bed is a sure way para magising talaga ang tao. Pinaupo ako ni Gatorade sa kama. Napatungo ako nung tinuon ni Gatorade ang palad niya sa ulo ko. Parang kinakapa kung may bukol. Hinilot niya yun at maya maya, napalitan ng labi ang kamay niya.
"Bye bye, booboo."
Napangiti ako. Naalala niya..
Pagkatunghay ko, nagulat ako nung bigla niyang tinakluban niya ang lower part ng mukha ko at mukha niya. "I wanna kiss you but toothbrush first."
Lagi niyang ginagawa muna yun. Tumango ako at tinanggal ang kamay niiya sa mukha ko. Tinanggal na din niya yung pagkakataklob sa mukha niiya saka ngumiti sakin.
And yeah, maybe it's Valentines or nagbago lang talaga ako. Regardless, I quickly planted a kiss on his lips. Napangiti ako nung nakita ko ang gulat na expression na mukha niya. Better view, unti unting namula ang ilong niya. Napapikit siya at saka ginulo ang buhok niya.
Nakangiti pa rin, ginesture niya na mag-toothbrush muna kami. Tumango ako at dumiretso sa CR para kunin ang toothbrush.
A nice way to start this lovey dovey day, I guess.
*****
Pagkadating ko sa school, maraming naka-red. I'm really happy that I decided not to join the army of reds kasi feeling ko sasabog kami pag nagdikit-dikit kaming lahat. Pagkadating ko sa room, hindi na nagulat ang mga kaklase ko na isa ako sa mga taong hindi naka-red. Most of them, alam na isa akong non-believer. Well...
Napaurong ulit ako palabas ng room nung biglang nagsilabasan ang mga kaklase ko nung narinig nila yung sigawan mula sa kabilang room. No choice, napatingin na din ako dun at nakitang may lalaking nassa tapa nung pintuan at may hawak na isang boquet ng roses.
And I was and still never a fan of flowers.
Yung ibang kaklase ko, kinilig din lalo na nung lumabas yung babae. Napataas ang kilay ko nung nakilala ko yung babae. Without the glasses and braces, nagawa ko pa din siyang marecognize kahit hindi ko alam kung bakit. Or maybe, nakikita ko pa rin ang neon pink?
Si Pink Nerdy. May suitor.
Maganda si Pink Nerdy, (kahit hindi ko alam kung bakit pink nerdy ang tawag ko sa kanya kahit gramatically wrong yun. Sumisigaw kasi yung pink.), lalo na nung nawala yung salamin at braces niya. Tone down na din ang pink, fortunately but still visible. I just hope, hindi na siya clingy.
"Chismosa ka talaga."
Napatingin ako sa side ko nung biglang bumigat yung balikat ko. "Nastranded ako, actually."
"Excuses. Pede mo namang aminin na isa kang likhang chismosa."
Napailing nalang ako at tinanggal ang braso ni Alex sa balikat ko. Nakipagsisikan ako sa mga kaklase kong mga usi. (Usisero at usisera.) Nakita ko din si Alex na sumunod at hindi na rin ako nagulat nung nakita ko siyang naka-black. At hanggang ngayon, hindi pa rin kayang i-sink ng utak ko ang sunod niyang ginawa after niyang nilagay yung bag niya sa upuang katabi ko.
For three dayys straight na niyang ginagawa 'to pero still, very uncommon. Napangiti ako nung mala-bad boy na sumandal si Alex sa pader, sa tabi ng upuan ni Justine. And the usual, iirapan lang siya ni Justine.
"Go away, hindi makakalapit mga manliligaw ko."
"Kaya nga ako nandito eh. My own man strategy. Bawal ang mga digusting loves moves." I smiled privately. Sinabi niya yun kahit aware siya na kahit siya mismo, ginagawa ang mga disgusting love moves.
"Stalker."
"Ikaw naman ang ini-stalk."
Naalala ko yung sinabi niya sakin kahapon na wag daw akong tutulad sa kanya at itura ang pagiging Human-Gab ko. Don't ever do somethinng na hindi ikaw. Parang transitioning ng isang human para maging bampira. Once na nakagat ka ng love, patay ka na. Magiging love-pire (love plus vampire, that's his term) ka. Wala ng cure. Bibilang ka na daw sa population ng "Hindi mga bingi, bulag o pipi, kung hindi ay tanga".
Ang galing niyang gumawa ng pangalan ng group di ba?
Tapos nung sinabi ko kung anong kinalaman ng bampira sa love, napailing nalang sya at sinabing nakalimutan niyang taong-kweba ako. Kasalanan ko ba na hindi ko alam yung Twilight o The Vampire Diaries? Ugh.
Tumingin ako sa paligid at nag-obeserve. Ito ang mga ilan sa napapansin ko tuwing Valentines: Bunch of flowers, specifically roses, boxes of chocolates and cakes, at fluffy teddy bears. And I really don't find them special dahil naoover use na nga mga tao. Hindi ko na makita ang 'special' sa kanila..
Napatingin ako sa orasan at napansing maaga pa. Lumabas muna ako para pumunta sa CR. Napatigil ako sa may lobby-slash-waiting area dito sa may SH building nung may nakita akong pinagkakaguluhan ng mga tao na isang malaking tapaulin. Maraming nagsusulat dun.
Napatigil ang mata ko sa isang quote: "Love? Parang utot. Kahit anong gawin mo, napakahirap itago."
Well, that was unexpected.
For me, a boy really loves you if he pauses his Dota just to text you back -KLovesC
Ang pagmamahal ay pagbibigay mo ng privilege sa tao para saktan ka. (Augustus Waters: It woulld be a privilege to have my heart broken by you.) -LookingForMyAugustusWaters
Ang love parang grade ko sa accounting, walang pag-asa!! -Mimi
Puso ko ang pinakakinaiinisan ko sa lahat. Paano kasi, akin naman 'to pero tumitibok para sa ibang tao. - A<3M
Napatigil ako sa pagbabasa nung may isang kumpulan ng lalaki ang nagsigawan sa may malapit sa tarpaulin. Nahagip agad ng mata ko ang isa sa mga familiar ako sa kanila. Kakatapos niya lang magsulat at feeling ko yun ang dahilan kung bakit sila nagkantyawan.
"Tangina pare, mahal na mahal eh!" tinapik niya ang balikat ni Russ at ewan ko ba kung anong sumanib sakin, bigla akong tumakbo nung nakita ko siyang haharap sa direksyon ko.
Tumakbo ako papunta sa CR. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at inalala yung sinulat ni Russ sa tarpaulin.
'Love? Ask Gab. She taught me that.'
Simula nung ibigay niya sakin yung shirt, as much as ossible, guso kong magtago. Alam kong dati ako yung pinipilit ang sarili na kausapin siya pero ngayon, gusto kong lumayo. Gustong paulit ulitin sa utak ko na galit siya sakin at siya mismo ang naggsabi sakin na wag muna dahil...masakit pa. Parang ginagawa ko nalang yung excuse para makaiwas.
Andito na naman yung pagtitimbang, ang selfishness...ang takot.
At ang dagdag na takot dahil fifty confessions nalang.
Napaayos ako ng tayo nung may biglang kumatok sa pintuan ng CR, "Alam kong nasa loob ka."
Napatingin sa akin yung ibang nandito sa loob ng CR. Ayoko sanang lumabas pero biglang bumukas yung pintuan dahil may ibang babaeng pumasok at nakita ko si Russ na naghihintay sa labas. Worse, nakita niya ako dito sa loob.
At aware ako na nakakita ako ng hint of smile bago ulit magsara ang pinto.
Hindi ba dapat galit siya sakin?
Hindi ba dapat ako ang nagpupumilit na kumausap sa kanya?
Hindi ba hindi kami okay? Dahil...nung nangyare after..sa beach.
Dahil kay Gatorade ako tumakbo at iniwanan siya.
Dahil pinili ko yung ibang tao kesa sa kanya?
"Miss," napatingin ako sa likod ko.
Tinuro niya yung direksyon sa may pintuan. Nakita kong medyo binuksan yun ni Russ. Tiningnan na naman niya ako. Ang tingin na pag hindi ako lumabas, gagawa siya ng paraan na hindi ko gusto.
Napatakbo ako papunta sa pintuan nung nakita ko siyang hahakbang papasok, "Baliw ka ba?"
Pero imbes na sumagot, kinuha niya ang wrist ko at hinigit ako palabas. Papunta sa lugar na alam ko kung saan. His own private space, na hinati niya para sakin. Sa labas ng bintana sa fourth floor ng SH building.
Napatingin ako sa likod ko nung may tumamang petal sa mukha ko nung paakyat kami ng fourth floor. Yellow petal. Dun ko napansin na may hawak na tatlong sunflowers si Russ.
"Don't worry, alam kong ayaw mo ng bulaklak." naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko. "Hindi ko ibibigay to sayo."
Pumasok kami sa isang vacant classroom. At sa akala ko na lalabas ulit kami sa bintana, sumilip si Russ sa bintana at umupo sa tapat nun. Lumingon siya sakin saka sa bulaklak na hawak niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nung ngumiti siya at isa isang tinanggal ang petals.
"She loves me," isang petal, "She loves me not."
"Russ,"
"Old school," he stopped, "Pero gusto kong malaman...just if ever, kahit dito lang baka pede."
She loves me...
She loves me not...
She loves me...
She loves me not...
Iniabot niya sakin yung unang petal-less na sunflower, "Nabasa mo?"
Yung nasa tarpaulin kanina. Umupo ako sa tapat niya at dahan dahang tumango. I don't exactly know what love means. Kaya kahit tanungin nila ako, hindi ko alam ang isasagot ko. Pero naintindihan ko kung bakit ako ang naggturo sayo. Ako ang naging dahilan kung bakit mo naramdaman yan.
She loves me..
She loves me not..
She loves me..
She loves me not..
"Pano mo ako nahintay ng ganung katagal?"
Tumingin sakin si Russ at tipid na ngumiti, "Paano nga ba?"
She loves me..
She loves me not..
She loves me...
"Hindi ba dapat galit ka sakin?"
"Dapat ba?"
She loves me not..
She loves me..
She loves me not..
"Russ,"
"Nasaktan ako, Gab. Iba yun sa galit." Natahimik ako. Iniabot niya sakin yung pangalawang bulaklak na wala ng petals. "At ilang ulit ko bang sasabihin sayo na kahit ipagpilitan kong magalit sayo...hindi ko kaya?"
Tumungo siya at bumalik sa pagpitas nung mga petals mula sa bulaklak. Guilt hit me and I stopped him. Napatingin siya sakin at tinanggal ang isang petal, "She loves me."
'Let him go. He is not worthy of those pain.'
Sumiisikip ang dibdib ko. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I have to let him go. Ayoko na siyang saktan pa. Ayoko ng masaktan pa si Russs dahil hindi ko na kaya. Ayaw ko ng magpakain sa selfishness ko.
Pero bakit hindi ko masabi?
Pero bakit hindi ko masabing...Tama na.
"Kung pagsasamahin ang sinasabi ko sayo, tinitibok ng puso ko at sinasabi ng utak ko tuwing nakikita kita...matagal ko ng natapos ang 500 confessions." Napapikit ako nung tanggalin niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya at dadhan dahan na hinawakan ang pisngi ko. Hinigit niya ako papalapit sa kanya, "Wag muna, Gab. May 50 confessions pa ako."
Pero mali 'to, Russ. Please, tama na.
"Ito na nga lang pinanghahawakan ko, kukunin mo pa."
I bit my lower lip to stop my tears.
I can't hurt him.
I just can't.
Dahan dahan na lumayo si Russ sakin at iniabot yung bulaklak na hindi niya natapos. Tumayo siya at ngumiti, "Happy Valentines, Gab."
Hindi ako lumingon. Hindi ako bumati pabalik. Hinintay siya na makalabas sa pintuan at maiwan ako dito sa loob.. I just stayed there, still trying to to let my tears fall and thinking the reasons why I can't hurt him.. Still, madaya ako. Hindi ko kaya. Mali na paasahin ko pa si Russ.
Tiningnan ko yung bulaklak at tinuloy yung ginawa niya. Isa isa.
"She loves me..."
"She loves me not."
"She loves me..."
"She loves me not.."
Tinitigan ko ang huling petal na nakadikit sa bulaklak at pinitas yun, "She loves me."
At yung lumipad na petal kanina.
I'm sorry.
I'm sorry, Russ. I'm sorry.
*****
Natapos ang klase ko at dumiretso na ako sa apartment. Wala ako sa mood na pumunta sa Art Stuff dahil wala din naman akong magagawa dun. Nilagpasan ko lang yung mga taong may mga dala-dalang bulaklak, mga taong may ka-holding hands at parang lahat ng tao ngayon ay in love..
Pero may isang tao ang taong nagpabalik sakin sa realidad, "Iba na pala ang mga bulaklak ngayon."
Napatingin ako sa hawak ko na hindi mo marerecognize na sunflowers dahil wala ng petals ngayon. Tiningnan ko yung babaeng nasa loob ng kotse, nakatigil sa tapat ng apartment namin.
Kilala ko siya.
She has the same aura like Mama.
"Madam."
"You must be Alexa Gabrielle." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "And according to some, my son is currently staying with you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro