Chapter 36
Nagupdate din ako kahapon. Be sure na basahin, okay? :3
Guys, magtiwala lang kayo sakiiiiin. :D
Anyway, HAPPY HAPPY BIRTHDAY KAY CHRISTINE JOYCE MATEO ARELLANO!! Happy birthdayy! *hugs and kisses*
Chapter 36
February 9, 20xx
Hindi pa rin umuuwi si Gatorade simula nung Monday, after our unexpected confrontation with Lovely and his harsh confession to Andrei. Hindi ko siya tinanong dahil hindi ko rin naman alam kung pano ko sisimulan. No, umuwi pala siya isang beses. Nung Wednesday pero bumalik din siya na may dalang bag na puno ng damit. At dun pumasok ang pagiisip ko tungkol dito.
"Live-in part 2?" alam kong nagbibiro lang si bebs nun pero till, naguguluhan ako sa set up namin.
No, hindi talaga naguguluhan pero it made me reaize na totoo ng sinabi niya. Parra kaming live in partners and to think that I only passed my minor age, to think that ako yung taong naaasar sa mga ganitong set-up...Frustrated, I sighed.
"Matutuwa ako kung ako yan." Naguguluhan akong tumingin kay Gatorade. Ngumiti siya at bumalik sa pagbabasa sa libro ko, "Kung ako yang iniisip mo."
Partly true. Napaiiling nalang ako dahil sinabi niya yun. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama at lumipa sa tabi ni Gatorade sa sahig. Binabasa niya yung ni-report ng kaklase ko last meeting. Then tI stared at him, at his face.
Matagal ko ng inamin sa sarili ko at sa simula pa lang alam ko na talagang mata niya ang pinakagusto kong parte ng mukha niya. His dark brown eyes. Mapa-dull or bored, playful or serious...those eyes can perfectly pull off every expressions. His brows...just right to frame his eyes and face. Not so pointed nose, but still fits him. And his lips that kissed my forehead, top of my head, my lips and oh, kissed every part of my face... His lips that are not perfect but it's not that I don't want them.
"Enjoying the view?"
"Yeah," and for some second, nagulat ako sa sinabi ko. Nakita kong nilabas niya ang ngipin niya, kumurba ang labi nya sa isang ngiti. Inayos ko ang pagkakaupo ko at iniwas ang tingin sa kanya, "Ahsht."
"What?" hindi pa rin inaalis ang tingin niya sa libro. "Wala namang bayad ang titig ah."
"Shut up."
"O baka naman," napatingin ako sa kanya nung ibinaba niya yung libro at hinawakan ako sa baba, enough na mapatingin pa ako lalo sa kanya... "Ako naman ang gusto mong tumitig?"
Kinakabahan kong tinulak palayo ang kamay niya at naging dahilan yun para tumawa siya. Mas nang-aasar. Psh! Sinaman ko siya ng tingin pero mas tumawa pa siya lalo dahil alam kong basang-basa na niya lahat ng tingin ko sa kanya. Nakikita niya yung mga mabilisang pagtago ko sa totoong expressions ko.
But when I was about to say something, napatigil siya sa pagtawa nung tumunog yung phone niya. Tiningnan niya yung screen, still with the sly smile on his face. "Oh Ancis?"
Si Francis?
"Ngayon na?" Bigla siyang lumingon sa orasan, causing me to follow his gaze. 2:36PM. "30 minutes."
Tumayo si Gatorade at inilahad niya yung kamay niya para makatayo na din ako. I looked at him, asking. Pero ngumiti lang sya at pinisil ang ilong ko, "Okay, bye."
Hindi na niya ako hinintay na magtanong pa dahil sinagot na niya agad ako, "Pinapapunta ako ni Francis sa BFC. Sama ka?"
*****
At oo, nakalimutan ko na may nag-eexist na corporation para sa mga lalaking handang maging boyfriend ka nila for three months. You can hire them and, in return, babayaran mo sila. At oo, nakalimutan kong isa si Gatorade sa mga lalaking yun na pedee mong i-hire para maging boyfriend. Nakalimutan ko. pede siyang i-hire pa ng ibang tao.
Naramdaman ko ang kaba. Ngayon lang ulit nag-sink in sa utak ko na hindi lang ako ang may karapatan, hindi lang ang mga past clients ni Gatorade. Maraming babae ang gusto at may karapatang mag-hire kay Gatorade. I was one of those people.
"Upo ka...yo." yan agad ang bungad samin ni Francis pagkadating namin sa office niya. He wasn't me dahil sa lag ng 'ka' sa 'kayo'. The last time I saw him, hindi siya ganito. I was kind of expecting a hyped or conceited or maybe O.A BFC manager. Pero hindi. Monotone niya kaming pinaupo sa supposedly 'upuan na pagmamay-ari ng gwapo'.
Nakita ko yung pagtataka ni Francis nung nakita niya ako. Right, hindi nga niya talaga ako ineexpect. ano nga bang alam niya sa nangyayare samin? He's nosy pero not that interested enough to know everything about his 'boyfriends' past, present and future clients.' And yes, it's awkward dahil nga sa tingin nya at sa paglalabas ng unexpected down and serious aura ni Francis.
"I don't think she should be here." again, monotone. Pero nakaramdam ako nag-stab sa dibdib ko nung sinabi niya. He said that as if I'm not here.
"May sakit ka ba?" Fail na joke ni Gatorade dahil hndi man lang nagbigay ng little hint ang labi o mata ni Francis para ngumiti.
"This is quite confidential for a boyfriend." May nilabas si Francis sa drawer niya pagkaupo niya sa swivel chair. Ngayon, he sounded a real and strict manager.
Nawala ang playfulness sa mata ni Gatorade. Hinigit niya ako paupo sa tabi niya. Wala din siyang balak na paalisin ako sa opisina. May dalawa ng seryosong lalaki sa harap ko. It's quitee a scenery pero bizzare. Ngayon ko lang silang nakitang ganito.
"She can hear everything."
"Again, confidential."
"Sabihin mo nalang, Anci-"
"May bago kang kliyente!"
And there, I was right. Nakalimutan kong nagtatrabaho si Gatorade sa isang corporation na pede siyang ma-hire bilang boyfriend ng iba para sa tatlong buwan. Nakalimutan ko na hindi lang personal na buhay niya lang ang complicated, pati ang trabaho nya.
"Sino?"
Nakita ko yung pasimpleng tingin sakin ni Francis bago ulit tumingin kay Gatorade, "Gatorade, cofidential 'to."
"Malalaman din naman niya eh."
"Bakit ba ayaw mong irespeto ako bilang manager mo?"
"Akin na," nagulat ako nung biglang hinanggit ni Gatorade yung hawak na envelope ni Francis. Bubuksan na niya dapat yung envelope nung biglang tumunog yung phone ko. Exact timing para pababain ang pressure sa paligid. Pero hindi ko magawang masagot yun. Not long enough nung sinabi na ni Gatorade, "Sagutin mo."
Umakma akong tumayo, "Lalabas muna ako."
"No," hinigit niya ako pabalik. "Stay."
"Pero," and his glare cut me off. Kinuha ko yung phone ko at nakitang tumatawag si Alex. At ngayon, mas nagkaroon ako ng dahilan para lumabas. Pero hindi, Gatorade still insisted. Hindi niya alam na sii Alex yung tumatawag kaya ayokong sagutin. I saw him arched his brow, telling me to answer it. Ugh, this is imposibble. "Hello?"
Humarap na ulit si Gatorade kay Francis at binuksan yung envelope.
"Hey Gab! Nasa apartment ka ba? Kelangan ko kasing humiram ng libro sa Law. Nawawala kasi yung-"
"Kaya pala ganyan ka." Nawala ang atensyon ko sa pakikinig kay Alex sa narinig ko kay Gatorade. "Si Princess Saavedra?"
Si Princess. Si Princess ang bagong client ni Gatorade? I tried not to bothered about it kahit nabother ako. Kahitt yung tibok ng puso ko, bumilis. Kaba? Hindi ko alam. I shook my head to compose myself, "Sorry, Alex. Anong-"
"Wag kang magsasalita.."
"What?"
"Just shut up for a moment will you?" At dun ko nahalata ang inis sa boses niya. Nasaktan ako sa tono ng pananalita niya pero mabilis nawala yun nung narinig ko ulit yung boses ni Gatorade. Princess Saavedra.
"So gusto niya akong maging boyfriend?" That's why he's pissed. Si Princess Saavedra ang gustong maging bagong client ni Gatorade. "Alam mo bang naging client ko din ang kapatid niya?"
"I don't care." Tumingin ako kay Francis pero umikot siya gamit ang swivel chair. Tumalikod sya samin.
"Bastard." At naririnig din 'to ni Alex. Ang BFC ang sumira sa naging friendship nila ni Gatorade. Dahil naging client ni Gatorade si Justine. "Still a bastard."
I want to hung up, but I can't. Magagalit sakin si Alex. Pero ayoko ding marinig niya 'to dahil alam kong masasaktan siya. But I think, I lost my guts. Gusto kong lumabas dito sa opisina ni Francis, but yeah, I really lost my guts and strength.
"Francis," tawag ni Gatorade.
"Please, umalis na kayo. Pirmahan mo nalang yan at umalis na kayo."
"Francis,"
"Agh, Rade. Labas na!"
"Francis!"
"What!" humarap na ulit samin si Francis. This time, kitang kita na ang galit sa mata niya. I think it's weird and unappropriate to say that he still looks good kahit galit. Napapikit si Franics at huminga ng malalim, "Please, Rade. Ayokong pag-usapan 'to. Alam mo kung anong meron samin ni Princess."
Francis likes her.
"He really likes to fck peoples' lives." Alex said from the other line. Enough to let me know na galit pa din siiyia kay Gatorade. "Good thing I called. Nalaman ko kung gano pa rin siya kataranta—"
"Wala ka bang tiwala sakin?" Pareho kami ni Francis na naguguluhang tumingin kay Gatorade. Alam kong ganun din Alex dahil sa sinabi ni Gatorade. Naramdaman ko ang paghigpit niya ng hawak sa kamay ko, "Francis, nakakalimot ka ata."
Francis sighed, "Gatora—"
"Pede akong tumanggi para maging boyfriend niya." Inilapag ni Gatorade yung envelope sa harap ni Francis ng nakangiti. "I've learned my lesson, Francis. Mahirap makabangga ng kaibigan."
Marcus said before na pede silang tumanggi sa mga gustong maging boyfriend sila. At sa sinasabi ni Gatorade, alam kong tumatanggi siya dadil noon...Si Alex at Russ. Hindi ako makapaniwala, at halatang ganun din si Francis, pero ginawa niya yun. Dahil hindi niya lang manager si Francis. Nangyare na 'to sa kanila ni Alex at Russ...
Naging aware ako na binaba na ni Alex ang phone nung malakas kong narinig ang message ringtone ko sa tenga ko. Binaba ko agad yun at tiningnan ang bagong dating na text ni Alex: 'Punta nalang ako maya.'
Alam kong narinig ni Alex lahat ng sinabi ni Gatorade. He wouldn't hung up kung hindi. At alam kong painful yun. They were best of friends. Hindi ko alama kung pano pero nung sinabi sakin ni Alex yun sakin noon, alam kong kahit siya nanghihinayang sa friendship nila.
"Sabihin mong ayaw ko. At pag sinabi niyang kelangan o kung ano pang idadahilan niya para maging boyfriend lang ako, sabihin mong andyan ka para sa kanya." Tumayo na si Gatorade at hinigit ako papalapit sa kanya, "Man up, Francis. You nearly want to hit me. Sapat na dahilan para malamang gusto mo siya."
"Gago."
"Natutunan sa gwapo kong manager?"
"Buti alam mo!"
Natawa si Gatorade, "Joke lang. Naniwala ka namang gwapo ka."
"Gago ka talaga!"
Lumabas na kaming dalawa ni Gatorade. I didn't bother to say goodbye to Francis pero I'm pretty sure na nakita ko yung dating expression ni Francis bago kami lumabas. There was relief for him....and for me. Dahil natakot ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na nga alam kung makakaya ko yung ngayon...pano pa kaya kung madadagdagan pa ng complication?
"Tampo ako sayo."
I blinked nung nakitang kalevel ng mukha ko ang mukha ni Gatorade, "What?"
"Kanina, you still don't trust me." Tumalikod na siya at hinigit ako palabas ng BFC. Medyo sanay na ako na puro lalaki ang mga tao sa loob ng building na 'to. "Hindi ako basta basta tatanggap ng kliyente kung wala akong dahilan, Alexa."
Pang of guilt. Tama sya. I heard his sigh, "Natakot ako."
"Just trust me, okay?"
"I will. I'm sorry." And I saw him smile nung makalabas na kami ng building.
Sinabayan ko na siyang maglakad. Napatingin ako sa isang itim na sasakyan na tumigil sa isang side dito sa tapat ng entrance ng BFC. At dun ko napatunayan na hindi lang talaga puro lalaki ang nandito sa BFC nung lumabas yung babaeng nasa back seat, on her formal attire. 40's maybe?
Naguluhan ako nung binitawan ni Gatorade ang kamay ko at umuna siya sakin, "Madam."
"Lance." ngumiti sya kay Gatorade at ngumiti sakin. Wala akong nagawa kundi tumungo dahil pareho sila ng aura na binibigay ni Mama. Strict and full authority. "So she's your new client, I believe."
"Po?"
"Narinig ko mula kay Francis." alam niya. "Alam ko namang hindi mo ako iiwan."
Anong ibig sabihin niya dun? Hindi na nakasagot si Gatorade dahil nagpaalam na 'to samin, specifically kay Gatorade, saka pumasok sa loob ng building. Nakita ko nalang ang sarili kong higit higit ulit ni Gatorade. Kung sino siya? Hindi ko alam. Pero tinawag siyang Madam ni Gatorade.
*****
"Ayaw mo ba siyang kausapin?"
"Hindi pa oras." Naramdaman ko ang bigat ng ulo ni Gatorade nung sumandal siya sa balikat ko habang pinapakielaman niya yung phone ko. Nahuli kong nakangiti siya nung nakita niya yung kinunan niyang picture nung may puro kiss marks ako sa mukha at yung mukha niya na may red lipstick.
"Pero kakausapin mo siya?"
"Hindi ko alam."
"You were friends."
"Alexa," tawag niya.
"Oh?"
"Bakit natin 'to pinaguusapan?"
Bakit nga ba? Ewan ko. Siguro gusto ko silang magkaayos? Pero sino ba ako para manghimasok sa buhay nila? "Bakit mo nga ba ginawa yun?"
"Alexa," that one again. Inilayo ko ang balikat ko sa kanya para makita ko ang mukha niya. "Agh, yan na naman yang tingin na yan!"
"I'm not your client. I can say that we're friends or not? but we're close.. So spill." Well, ano nga bang apprpriate na tawag samin dalawa? I don't fcking know.
Tinakluban niya gamit ng palad niya ang dalawang mata niya. Frustrated maybe, hinilamos niya ang mukha niya saka umayos ng upo at humarap sakin. "May sakit si Justine. Months after my contract with Nikki, lumapit sakin ang parents niya."
Parents? Iniwas ni Gatorade ang tingin niya sakin na para bang inaalala niya ang lahat. "Begging. Ayaw magpa-opera ni Justine. Nagbigay siya ng kondisyon sa parents niya na papayag lang siya pag pumayag akong magcontract na maging boyfriend niya. There, end of story."
"Alam ni Alex?"
"Na may sakit si Justine? Oo. Na pumayag ako dahil ayaw niyang magpa-opera? Hindi ko alam." Nagulat ako nung hinigit ako ni Gatorade papalapit sa kanya at ipinatong na ulit ang ulo niya sa balikat ko.
"Hindi mo sinabi?"
"He won't listen."
"Pero-"
"Mahal niya si Justine. Kahit spoiled o kahit wala akong makitang dahilan para magustuhan niya si Justine...mahal niya yun. Nakulong siya sa dahilan na ginago ko siya, nagalit at itinapon ang lahat ng pagkakaibigan namin." Idinikit ni Gatorade ang palad niya sa palad ko, "Pede akong tumanggi tulad nung ginawa ko kanina pero hindi. Natakot ako na baka mamatay si Justine dahil sakin. But still, hindi ako tumanggi. Nakalimutan kong mas imprante ang kaibigan ko."
"Pero natakot ka." Tumango siya.
"Takot ang puno't dulo ng lahat kung bakit nagagawa kong isacrifice anng mga importanteng bagay sakin." He sacrificed their friendship for being scared. But no, buhay na 'yun. He deserved to be scared.
"Ayaw mo ba talaga siyang kausapin?"
"Alexa," for the endless time, he whined. "Tama na."
"Psh, fine."
Ayokong sisihin si Alex dahil hanggang ngayon mapapatunayan kong mahal niya si Justine. The way he secretly looks at her kung may chances. The way he annoyingly answers my questions about their past pag nabobored ako. And yes, nagmahal lang siya at deserve niya din magalit.
I can't blame them. They have enough reasons.
Nawala na naman ang pagkakasandal ni Gatorade sakin nung narinig kong may kumatok at may tumawag sa may main door. Si Alex! Alam kong kilala ni Gatorade yung boses na yun kaya hindi na niya itinanong. Tumayo na ako sa sofa at binuksan yung pinto, unaware na pede niyang makita si Gatorade.
"Law book." I'm not really expecting hello's or hi's. That's just us. Nag-wait sign na ako kay Alex at dumiretso sa kwarto ko para kunin yung libro.
Pagkalabas ko ng kwarto, dun ako naging aware na makikita nga alaga ni Alex si Gatorade kung papasok siya sa loob ng apartment. And he did. Pumasok nga siya. Pinanuod ko kung pano nila tingnan ang isa't isa.
I can feel the tension between them.
"Well, I was kind of expecting this." hindi ako nilingon ni Alex pero nakuha nyia yung law book sa kamay ko. Tumalikod na siya at naglakad papunta sa pintuan, "Don't worry. Hindi ako magsasalita kay Russ."
At malakas na sinarahan ang pinto.
Si Russ..
"I really fucked peoples' lives." sabi ni Gatorade. Katulad ng sinabi ni Alex kanina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro