Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

Chapter 33

''I want to be away from everything'

And i'm very sure that I said that to myself after waking up this Monday morning. Gusto kong lumayo sa school, sa apartment, sa mga tao. Sa lahat. Gusto ko lang makapag-unwind. Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pagod. Parang gusto kong mag-break down. Kahit papano makalimot o bigyan ng tuon pa ang mga bagay na nagpapagulo sakin.

I felt myself smiling, thinking it's very ridiculous to smile. Bakit ba ako napapangiti? Dahil nakikita ko ang sarili kong nahihirapan dahil sa isang topic na relate na relate ang iba. That effin Love. Napansin ko, masyado ng nagrerevolve ang mundo ko sa salitang Love, na dapat hindi naman. Imbses na dapat pag-aaral ang inaatupag ko.

I realized these things nung nagpunta kami ng Bicol last weekend, actually on our way. Ilang minuto palang ang nakakalipas nung nakaalis kami ng bahay at kelangan naming tumigil sa isang mall dahil may bibilhin sina Papa. They went to the supermarket at nagpaiwan lang ako at umupo sa bench na nagkalat sa loob ng mall.

It was mid-day kaya maraming tao sa mall and I happened to share a bench with maybe-highschoolers. Though, hindi pa rin ako sure kasi mukha din silang gradeschool. Grade 6 or 7, maybe? Hindi naman talaga importante yun pero nung narinig ko ang pinaguusapan nila, dun ako naalarma.

"Eh kung makikipagbreak ako sa kanya, paano na ako? Hindi naman ako gusto ni JJ." sabi nung isa. As much as possible, sinubukan kong humarap sa kabila, away from them.

"Bakit ba kayo nag-away?"

"Hindi kasi siya nagtext kahapon." Childish. Yan agad ang pumasok sa isip ko. "Pero gusto ko din si JJ. Kaso pag makkipagbreak ako, wala na akong chix."

I'm not really against early love, yung tipong maaga mong nadiscover ang love. Wala akong pakielam pero hindi ako tatangging aminin na nakaka-bother. Naalala ko din nung sinabi sakin ni Russ na hindi siya against dito. But hearing their conversation was really bothering. Maraming pumasok sa utak ko dun, about love, about feelings or kung paano nate-take ng iba't iba ang form ng love seriously at hindi. Kung paano mo nalalaman kung in-love ka.

And then it hit me. Paano mo nga talaga malalaman? How can these kids know already what love is? At paano mo malaman kung siya na talaga? And yes, andito ako sa point na pinagdududahan ko kung tama ba ang naging confession ko kay Aly noon. Dahil after nung narinig kong conversation, I felt unsure.

"Alex," as much as I want to be away from everything, everybody, andito pa rin ako dahil hindi ko kayang umabsent. Tumingin ako kay Alex na busy sa pagkopya ng notes sakin at kumakain ng fried noodles. Magkasama kami na parang hindi siya nagalit ulit sa'kin. "Paano mo nalaman na mahal mo si Justine?"

At tulad ng inaasahan ko, napatigil siya.

"Sorry for asking. Random thought."

"Alam mo, kung nasa normal state tayo ngayon, babarahin kita o kaya naman iisnobin dahil ganun tayo." hindi lumingon sakin si Alex. Bumalik siya sa pagsusulat, "Pero mukhang nahugot mo ang pagiging random mo ngayon sa sobrang lalim na balon sa utak mo..."

Ibinaba ni Alex yung ballpen. I automatically sensed something awkward sa aura na pumapaligid samin dahil nga this is not our aura, from the very start, alam na naming bawal ang seriousness samin. Pero ngayon,

"I just found myself loving her. I don't know how, when or why. It's obvious na ayoko na after nung nangyare nung Senior year, nasaktan na ako. Pero wala eh, I can't stop. And maybe, enough reasons na yun para malaman kong..." he stopped. "...alam mo na."

Hindi iyon ang ineexpect kong sagot ni Alex. Sa totoo lang, mas hinihintay ko ang mga signs o may kabog ka bang na nararamdaman sa dibdib mo o may nangyayare sa paligid mo. O ewan. More specific and concrete hints para malaman mong in love ka. Pero base sa sinabi ni Alex, alam ko ng wala akong makukuhang sagot tulad nun.

"Russ at Lance?" nagulat ako sa sinabi ni Alex.

At hindi ko alam kung bakit gusto kong maging vocal at honest. I found myself smirking and faking it. Na parang para sakin yung mapang-asar na ngiting yun mula sa labi ko, "Late-bloomer eh."

"So gusto mo si Russ?" Napatitig ako sa tanong ni Alex na bumalik na sa pagsusulat. Weird dahil ito rin ang unang pagkakataong narinig ko ang tanong na 'to para sakin.

Gusto ko si Russ? hindi ko kayang ideny na meron sa loob kong nangingiliti at gustong sabihing oo. Napakahirap na hindi magustuhan ang isang tulad ni Russ kaya imposibleng 'hindi' ang maging sagot ko.

"At naguguluhan ka kasi may Lance?"

I was about to say something nung may sumingit sa usapan namin. Sarsastic tone. "Oh please, gusto mo si Russ?"

Sabay kaming napatingin ni Alex sa kabilang table na malapit samin. Ibang boses, babae. I want to ask her kung bakit siya nakikinig sa pinaguusapan namin pero mukhang irrelevant lang yun. Lalo na nung nakita ko ang inis na expression sa mukha niya.

"Wag mo kong patawanin." nahagip ng mata ko ang mata niya. She looks familiar but I doubt it dahil nga sa pagiging clueless ko sa mga taong nasa paligid ko. "You're just afraid na maiwanan ka. Masyado kang nagiging comfortable at nagawa mong gamiting advantage ang pagkakaroon ng helping hand or should I say...knight in shining armor."

I want to questioned her pero I sensed different. Na may galit siya sakin.

"Ayaw mo lang ulit maging mag-isa. Na naisip mo na world is a better place kahit hindi ka maging observant lang. Di ba? You're just taking things for granted and being selfish at its best." Nakita ko yung naasar niyang ngiti nung lumingon siya sa ibang direksyon na parang nandidiri siyang makita niya ako. "Let me make it easier for you. If you really like him, you'll find it so fucking hard to hurt him."

I felt a deep stab on my chest after hearing those last words. With that, tumayo na siya at iniwan kami dun. Hindi ko alam kung ako lang ang pumasok sa shocked state at tinitigan siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. That was very out of the blue but it made sense.

"Meet Luah." narinig kong sabi ni Alex. "At kung anong pumasok sa isip mo kung sino siya at bakit niya sinabi yun sayo, malamang tama ka."

Dalawa lang ang pumapasok sa isip ko: it's either close friend siya ni Russ o may feelings siya dito. Either way, I felt pain for her words at ang pain dahil alam kong tama ang sinabi niya.

Mas nalaman ko kung gaano ako kasama kay Russ.

"Well, it's not like I approve of her or what, pero I hope it helps you to sort things out."

Tumango ako, rewindinig her words inside my head, "She just answered my question, actually."

That's not the actual answers I wanted to hear pero swak yung mga sinabi yan.

Nagulat ako, totoo yun. It's very unexpected na bigla biglang may magko-confront sayo ng ganun lalo na kung alam mong malaki ang part dun na tama sila at wala kang magawa kundi hayaan tumusok yun sa dibdib mo para maramdaman mo.

Hindi ako nakaramdam ng kahit anong inis kahit alam kong mali na bigla bigla siyang sisingit sa usapan. She doesn't have the right pero wala akong makitang mali para i-forbid siya.

A point well taken and she really deserved the credit. Pero oo, masakit pa din. I like Russ, totoo yun. Pero masakit isipin na sinabi niyang dapat mahirapan ako kung alam kong gusto ko siya.

"Gulat ka?"

"Ha?" nalilito kong tanong kay Alex

"Kaya mo pa ng isang surprise?"

"What do you mean?" Magsasalita pa sana ako nung may naramdaman akong mabigat sa balikat ko. Nilingon ko yun at nakitang may isang kamay na nakapatong dun.

"Come with me."

Gusto ko munang i-sink in sa utak ko nung makita ko siya dito.

Bakit siya nandito?

Paano niyang nalaman nandito ako sa cafeteria?

At bakit parang okay lang na makita siya ni Alex?

"Ha? Ano? Bakit?" my mind still processing everything. Pero hindi siya sumagot at hinigit niya lang ako patayo. "What the!"

Walang imik niyang inayos ang mga nagkalat na gamit ko sa lamesa at inilagay yun sa bag ko. Nakita ko pang tinaas ni Alex yung notebook ko at pinakitang ginagamit pa niya kaya hindi yun kasama sa mga ilalagay niya sa libro.

Hindi man lang siya nagpaalam kay Alex o hindi man lang ako nagkaroon ng chance na magkaroon ng formal byebye kay Alex dahil hinigit na niya ako palabas ng cafeteria.

"Gatorade, san ba tayo pupunta!"

Bigla bigla siyang tumigil at humarap sakin. Hindi pa tumatama ang mata niya sakin dahil parang gusto niyang makita kung may taong nanunuod samin kahit may nanunuod talaga. Pero it looks like he's looking for a specifiic audience.

"Will you fight with me?"

"What?"

This time, tumingin siya sakin at inulit ang tanong, "Will you fight with me?"

I want to be innocent, like I always do. Yung tipong kunyare wala akong alam kaya magtatanong ako kahit alam ko ang sagot. But when he locked his dark brown eyes into mine, naintindihan ko na agad.

I want to be mad at myself for doubting. Alam kong wala akong alam pero lahat naman ng tao nagsimula na walang alam dito sa bagay na 'to. Alam kong ito yung bagay na hindi naman talaga dapat pinoproblema pero ito ako, pinoproblema pa din. Still, I want to douobt myself pero seeing him now, hindi ko na magawa. Oo, gusto kong mapaglayo layo pero ngayon..

"Ah!!" Napapikit ako nung naramdaman kong tumaas ang paa ko sa lupa. "What the hel are you doing?!"

"Ayaw mo man o hindi, you're fighting with me." Binuhat na naman niya ako ng parang sako. Nakakatakot pero I felt nostalgia.

I'm fighting with him.

"Put me down, blue head!!"

Narinig ko ang mahina niyang chuckle. Naramdaman ko ang pagkawala ng seriousness niya kanina, "I won't let you go, Alexa. Not this time."

********

[Dominique Veena's POV]

I'm cramming. Ohmydee. I'm cramming. Waah, noooo! Binilissan ko yung pagguhit sa ruler at tinitigan uit yung photocopy. Gusto kong umiyak. Ang hirap hirap nito! >0<

"Dom!" Napatingala ako at nakita yung PowerPuffGirls na may ganitong expressions: (*0*)(*u*)(*3*) "Waaaah."

"Eh? Bakit?" Their eyes... twinkling. At nakikita ko lang yun tuwing may nakikita silang gwapo. Uhhh, tuminigin ako sa kanan..wala, kaliwa...wala, likod? Wala din. Ehhhh? What's with the shiny shimmering twinkling eyes?

Napakurap ako nung biglang sinundot ni Cymone ang pisngi ko. I blinked, "Namumula ka! Parang apple!"

"Tapos green pa ponytail mo." cute na giggle ni Leah.

Awiie. Power Puff Girls, you're so cute!! >3< Kaya gusto gusto ko silang makita at makasama eh. They're so pleasant to my pretty eyes. Para akong may kasamang mga bata, triplets to be exact! Tapos pag andyan din si Rinrin!!

Oh, Rinrin. I stopped. Alam kong dapat mas bilisan ko pa ang paggawa sa pagdrawing nung nasa photocopy na deadline na kanina pero nung naalala ko ang sinabi ko kay bebs nung isang araw. Ohmydee, I really deserve a pat on my shoulder! Hindi pa rin ako makapaniwala that I'll be oh-so-om and I'm so freaking cool!

Feeling ko tuloy ang dalaga ko na at ang ganda ganda ko My inner beautiful goddess is so proud of me!

I smiled at pinagpatuloy yung pagdrawing ko. I shoud be aware that I don't have time to be so mayabang again to myself. Pero I can't stop thinking about it! But this drawing....ugggggh.

Iniwan na ako ng Power Puff Girls dahil may class na sila at kelangan ko na din bumalik sa room para mapasa ang gawa ko. Jeez, I felt bad about my work dahil halatang nagmadali ako. If you think Architecture is easy dahail puro drawing lang, you're so wrong honey. Mahirap!

Pagkapasa ko ng drawing ko, labas na kami. Ganun naman kasi talaga pag-Archi. Kokonti lang ang subjects namin pero madalas puro 6 hours per subject. Tapos madalas, bibigyan lang kami ng photocopy ng kelangan naming i-Drawing at pede na kaming lumabas, umuwi muna o ano sa buong 6 hours para drawing yun.

Inayos ko na yung bag ko at nag-retouch. Now now, saan naman ako pupunta? I can hit the mall or maybe umuwi na? Pero mukhang wala pa si bebs sa bahay! Nakakamiss ng makipag-bonding kay bebs e. Tapos pag magkasama kami sa bahay, laging may iniisip. Haaay, our life had changed a lot.

Lumabas na ako ng LV building at naglakad papuntang gate. Pero napatigil ako nung nagkaroon ng kagulugan. And ting ting ting! Narevive ang ninjamoves ko at humanap ng place para makita yung nagkakagulo na tao. At bam!

"Bebs!"

Ohmydee. O___O

Si Gatorade...at bebs. Buhat-sako! At ohmydee, totoo ngang nagpakulay ng buhok si Gatorade! Waaah O_O

Tulad nung iba, nakatitig lang ako sa kanila habang papalabas sila ng gate. Nobody dares to move pati ako. That's an unexpected scenery for sure. Ohkay, sinking in. Sink it in, Dom. Then react.

"Ohmydee."

Sinked in done.

But wait, may narinig akong tumawa. Eh? Tinawanan ba niya ang oh-so famous line ko? Lumingon ako sa likod ko... "Ohmydee."

"Dovee,"

Ohmydee.

Ohmydee.

Ohmydee.

"Hinihintay mo pa rin ba ako?"

Painful? Check.

Shocked? Check.

Happy? Check.

Ohmydee? Check 100 times.

"Marcus."

"Hi."

He's here... katulad ni Gatorade... At at at... andun din yung labas ngipin niyang ngiti. "Ohmydee."

***

Oh~ I so missed writing Dom's POV. Childish and cute. <333333 What's up, guys? :3 Tingnan niyo yung MM-> Book cover made by Arla Montejo. *_____*


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro