Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

PS. Sorry?

Kitang kita ko kung paano niya pawiin sa ukha niya ang nakita kong expression noong mahagip ko ang mga niya. Umakto siya na parang wala siyang nakita at hindi niya ako kilala. I was rejected.

Naisip ko kung ganito rin ba ang nararamdaman ni Gatorade tuwing itinatago ko ang dapat naman talaga ay nararamdaman ko. Narereject ko rin ba siya?

Napatingin ako sa cottage nung narinig kong nagsalita mula sa mic. Nagkaroon ng videoke. Binaling ko pabalik ang tingin ko sa dagat. Nagpaalam kasi ako kay Russ na mag-gagala muna ako. Gusto niya akong samahan pero tumanggi ako. Gusto kong gawin dito ang isang dahilan kung bakit talaga ako sumama kay na Aly....ang makapagisip isip. Dahil pag nandyan siya, madadagdagan lang ang pressure sa utak ko.

Naglaad pa ako palayo, tama lang para marinig ko pa rin ang ingay nila mula sa cottage. Umupo ako sa buhanginan kung saan ako hindi maaabot ng tubig. Pinanood ko sina Aly at Matt na naglalangoy sa dagat.

Buti pa sila... okay.

Kung noon, iismiran ko lang ang mga taong nakikita kong sweet sa daan o mga taong nagkukwento ng problema nila sa lovelife. Baka ayun pa ang maging dahilan kung bakit ako maiiis sa kanila dahil tinuring kong taboo ang salitang love. Nakakaasiwa.

Pero ngayon... isa na rin ako tulad nila.

Nilapitan at tumabi sa'kin sina Aly matapos nilang maglangoy sa dagat. "Sorry, Alexa. Hindi ko alam na pupunta siya dito. Akala ko kasi hindi siya makakapunta dahil ni Lovely."

"Okay lang." Sabit lang din naman ako dito.

"Ihahatid ka na namin pauwi kung—"

"Okay lang." Ayokong maging dahilan kung bakit mapapauwi ng maaga si Aly. Parang reunion na rin 'to ng barkada nila.

Ilang minuto kaming natahimik. Pinanood ko silng maglaro ng buhangin, pakinggan ang mga nagaagawan sa mic ng videoke at hinahayaang liparin ng hangin ang utak ko at dalhin 'yon kung saan man.

"Hindi ko talaga alam ang storya," naagaw ni Matt ang atensyon ko. "Wala talaga kasi ayaw din sakin ipaalam ni Alyanna."

Tumayo siya at naglakad papunta sa dagat, "Ang alam ko lang nahihirapan ka Gab. Ang sakin lang, wag mong isipin kung anong tama o mali sa iba. Mas importante kasi kung ano yung sa tingin mo ay tama.

"Normal naman kasi talaga sa tao ang maging tanga. Kasi madalas, nagko-contradict yung sinasabi ng utak mo sa binibigay na meaning ng puso mo. Okay lang yun." nakita ko si Matt na nakatingin sa malayong parte ng dagat. "Makakaramdam ka ng sakit. Normal lang yun. Pagdadaanan talaga. Kasi hindi mo maiintindihan ang pagmamahal kung hindi ka masasaktan.."

Nahuli ko ang tingin ni Matt kay Aly. Simple siyang ngumiti sa kanya bago kumuha ng bato at ibinato 'yon sa dagat. Buti pa talaga sila.

Lumingon ulit ako sa cottage. Laking gulat ko nang makita kong nagkakasagutan sina Gatorade at Russ. Kahit malayo kami sa kanila, ramdam ko ang namumuong tension sa pagitan nila.

Napatayo ako noong napatigil ang lahat nang may sumigaw na isa sa kanila. Hindi ko naririnig ang lahat pero mas natakot ako noong pumagitna na ang ilan sa kanila. Parang kinontrol ako ng mga sarili kong paa nung nakita kong pareho silang tumayo.

Nagkakagulo na sila.

Hindi ko na hinintay sina Aly at tumakbo na ako pabalik ng cottage. Naabutan kong pareho nilang pinipigilan nila ang dalawa. Bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ang panlalamig ng kamay ko.

"Ano bang gusto mong mangyare ha?!" napasigaw ako noong nagpumiglas si Russ sa mga nakahawak sa kanya. "Ano, tataluhin mo kaming lahat?! Tapos lahat sa'yo na? Eh gago ka pala!"

"Russ tama na!" napasigaw yung ibang babae pero parang walang narinig si Russ. Napaurong ako nung nakita kong nanlilisik pabalik ang mga ni Gatorade kay Russ.

"Bitawan niyo ako!!"

"Sa tignin mo, ginusto ko 'to?! Idadamay mo yung kay Alex pero alam mo kung bakit ako pumayag sa'ming dalawa ni Justine!" kahit si Gatorade nakikipag-laban na makaalis dun sa humaharang sa kanya. "Alam mo lahat, Russ!"

"Oo! Alam ko lahat pero putangina! Kahit ako ginagago mong hayop ka!"

Napasigaw ako nung nakawala si Russ sa pagkakahawak sa kanya at nakapunta agad kung nasaan si Gatorade. Tila napako ako sa kinakatayuan ko noong nakita ko silang magsuntukan sa harap ko. Kitang kita ng dalawang mata ko kung pano sila magkagulo na parang gusto nilang mawala na ang nasa harap nila.

"Hindi pa ba sapat sayo ng makasakit ka ng isa?!"

Hindi ko alam kung pano natapos yun. Nakita ko nalang ulit silang magkahiwalay at nagpapalitan ng masasakit na salita. Nagsasagutan, nagsisigawan. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. At dun ko lang narealize na umiiyak ako.

"Oo, Russ! Kitang kita ko at alam ko kung gaano katagal ka naghintay." binawi ni Gatorade ang mga braso niya dun sa nakahawak sa kanya. Hindi na siya sumisigaw pero andun pa rin ang lakas ng boses niya para iparating samin na galit siya. "Pero hindi mo alam kung gano kahirap para sakin 'to!"

Napasigaw yung ilan nung sinipa ni Gatorade yung isang case ng bote. "Hindi niyo alam kasi akala niyo kayo lang ang nahihirapan!"

Natahimik kaming lahat nung nagsimulang maglakad si Gatorade palayo. Susundan ko dapat sya pero naramdaman ko ang kamay ni Aly. Gusto ko sanang magdahilan pero umiling si Aly. Naging aware ako sa mga tingin nila sakin. Hindi ko alam ang nangyare pero sa tingin ko, alam na nila kung sino ang puno't dulo nito. Enough na yung mga sinabi ni Gatorade para malaman nila na ako 'yun.

"Sorry, Aly." binawi ko yung kamay ko mula kay Aly at naglakad na palayo.

"Gab!" bigla akong napatigil nung narinig ko yung boses ni Russ. Kinabahan ako. Hindi ito ang unang beses pero this time, aware ako sa gagawin ko. Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko ang ilang basag na tunog at pagsigaw niya sa pangalan ko noong hindi ako lumingon.

I'm sorry, Russ. Sorry.

Sorry kung nasasaktan kita.

I'm sorry kung pipiliin ko si Gatorade ngayon.

Binilisan ko ang pagtakbo ko para maabutan si Gatorade. Nakailang tawag ako sa kanya pero hindi siya tumitigil. Pinunasan ko ang tumutulong luha sa pisngi ko at hindi pa rin tumigil sa pagtakbo.

"Lance naman!" iyak ko.

Tumigil ako at hinayaang pumatak ang luha ko. Hindi ko alam kung ano pang dahilan ng pag-iyak ko. Na sa dinami-dami ng tumatakbo sa utak ko, hindi ko alam kung alin pa din ang sinusukuan ng mga luha ko.

"Tumingin ka naman sakin." pero wala. Oo, tumigil siya pero ayaw niya pa rin akong tingnan. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulong-gulo na ako."

Nagtaka ako nung narinig ko siyang tumawa, pero wala kang maririnig na saya dun. "Bumalik ka na dun, Alexa."

Tinawag ko ulit siya nung naglakad na siya paulit. No, please. Wag kang umalis.. Please. "Lance, wag mo din naman akong pahirapan!"

Ramdam ko ang patuloy na pagpatak ng luha ko.

"Please," pagmamakaawa ko.

"Gulong gulo ka na?" Natigilan ako nung humarap sakin si Gatorade at mapait na tumatawa. "Na parang sasabog ang utak mo kasi hindi mo alam ang gagawin? Ganun ba?

Yung tipong alam mo naman yung gagawin pero hindi mo kaya kasi alam mong makakasakit ka o may madadamay ka? Yung gusto mong magisip ng paraan na wala kang masasaktan? Ito na ba yung hindi mo na matimbang kung sino ang mas dapat pasayahin, sarili mo o sila?"

Pinanuod ko siyang guluhin ang buhok niya at kung paano siya tumingin sa'kin. "Oo, Alexa! Ramdam na ramdam ko yan!"

Bumalik ang panlalamig ng kamay ko at panginginig nito. Napapikit ako nung sumipa si Gatorade sa buhangin at paulit ulit na nagtapon ng mga mura. Mas dumoble ang kabog ng dibdib ko dahil sa takot.

"OO ALEXA!!" Napapikit ako nung nakita kong ilang beses niyang sinuntok ang dibdib niya, "Punyeta! Ramdam na ramdam ko ang hirap na yan!!"

Napapitlag ako sa tuwing sisigaw siya at magmumura. Napakapit ako sa braso ko. Ramdam ko ang galit niya sa mga tingin niya.

"Yung parang gustong sumabog ng utak at dibdib mo ng sabay." Mapait siyang ngumiti sakin, "Alexa, hindi mo alam kung pano mo rin ako pinapahirapan.

Tama na yung kay Alex at Justine. Oh ano, ginago ko ang best friend ko noon! Inagaw ko yung taong mahal niya! Tapos ikaw ngayon," tumawa siya ng mapait habang tinuro ako. "Hindi mo ba alam kung gano kahirap sakin na makita na naman na may masasaktan akong tao? At kaibigan ko na naman!"

Parang may bumara sa lalamunan ko nung nakita ko siyang gumawa ng ilang hakbang papalapit sakin at matalas akong tiningnan. "Gusto kitang ipagtabuyan! Gusto kong magalit sayo!"

Please, tama na.

Ayokong marinig 'to.

"Ipadama sayo ang lahat lahat ng sama ng loob ko! Kung gaano ako kagalit nung nakilala kita! Tahimik na ang buhay ko, ginulo mo pa!"

Masakit na.

Tama na, Gatorade. Nagmamakaawa ako.

"Pero alam mo kung ano yung nakakatawa, ha?! Hindi ko kaya! Iniisip ko palang..." mas nanlamig ang kamay ko nung may nakita akong pumatak sa mata niya, "Gulong gulo na din ako, Alexa. Kasi hindi ko alam... hindi ko alam ang gagawin ko para lang maging masaya at mapatunayan ko sayong mahal kita!"

"La—lance,"

Napatigil ako sa paglapit sa kanya nung umurong siya at umiling. Napahawak ako sa bibig ko nung nakita kong tuluyan ng umiyak si Gatorade sa harap ko. Ang unang pagkakataong nakita ko siyang umiiyak at nasasaktan.

"Sobrang sakit pa," nakailang iling siya, "na may nakakagawa ng mga bagay na gusto kong gawin sayo ng walang pag-aalinlangan. Kaya niyang hawakan ang kamay mo ng walang takot."

Tila naramdaman ko yung nararamdaman ni Gatorade nung tingnan niya ako. Wala na akong nagawa nung tumalikod na siya ulit sakin at naglakad palayo. Naiwan ako dun na umiiyak.

Paulit ulit na sumisigaw sa utak ko ang mga sinasabi niya habang hinhintay ko siyang mawala sa paningin ko.

Hindi ko alam na pati si Gatorade..

Hindi ko alam.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro