Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Note: Naparami ata ang cuss words dito. Waah. Basahin ang otor's note kung nakarecover na kayo sa update. :3

Chapter 28

Nagsasagutan na naman sina Aly at Matt. Wala akong choice kundi maging audience nila dahil wala akong sasakyan. Dapat pauwi na kami sa Batangas dahil may meeting bukas si Matt at may pasok ako bukas. Pero noong paalis na kami humabol si Aly para ipapaalala na may little get together pa silang barkada. It was okay. Kaming dalawa ni Matt ang uuwi pero hindi yun nangyare. Aly forced us to tag along.

"Playing old and dirty." nailing na siabi ni Matt pero sa totoo lang, alam ko namang inaasar niya lang si Aly. Pinigilan kong mapatawa nung nakita ko ang irap ni Aly bilang reaksyon sa pangaasar ni Matt.

"Edi wag kang mag-stay."

"Sure ka?"

And here we go again. Kanina pa kasing ganito yung dalawa dun sa party. Umiling ako at inayos ang pagkakaupo ko sa back seat. Sinandal ko yung ulo ko sa bintana habang pinapakinggan ang...pang-ilang rounds of debate na ba nila 'to? Mananawa din sila...but I doubt it.

"Can we stop arguing, Alyanna?"

"Then stop annoying me, Matty."

Kinagat ko ang lower lip ko para hindi ako matawa. Kung iisipin kasi isa lang childish fight ang meron sila pero pag titingnan mo yung expression nila at since pareho na silang mukhang mature, mukhang napaka-problematic o malaki ang away nila. Include mo pa yung pagtawag nila sa isa't isa.

Alyanna at Matty.

Bigla akong kinabahan at naging self-conscious sa sarili ko nang makarating kami sa beach resort. Nandoon din kasi naghihintay ang mga kabarkada ni Aly. Okay, pwede akong magdahilan. Pwede na akong mag-back out—

"Don't you dare, Gab. Wala akong kasama." napatignin ako sa likod ko at nakita si Matt na bagong palit ng plain shirt. Nakapolo siya kanina. "Madalas gawin 'to ni Aly. Yung bigla biglang lakad? Hindi ko na nga alam kung nananandya na o ano e."

"So you're always out? Dating?"

Nakita ko yung panliliit ng mata at pagkasalubong ng kilay ni Matt, "why do you always get it the other way around? Tara na nga!"

Napatawa nalang talaga ako. I never really expect to see Matt being pikon and transparent. Well, neither kay Aly kaya masyadong nakakaamaze knowing that my known-mature friends have this kind of side.

Tinawag na kami ni Aly noong napansin niyang nahuhuli na kami ni Matt. Pagkadating namin sa cottage, ramdam mo ang lamig ng dagat. Buti nalang nakapants ako at matotolerate ko ang lamig ng January. Hindi na rin ako nagulat nang may nakita akong ilang case ng beer sa gilid ng lamesa. Halos mangalhati na ng mga lalaki ang isang case.

Napatingin ako kay Matt nung nakita ko siyang umiling. Mukhang mapapalaban si Matt. At ako? Gusto ko na talagang umuwi pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung nasan akong lupalop ng Batangas.

I'll stay,

"Okay, beers for the new recruits."

o pede naman akong mag-commute di ba? -___-"

Lahat sila nakatingin sa'ming dalawa ni Matt. I wanted to refuse pero tinanggap na rin ni Matt ang bote dahil alam kong nagpapa-good shot siya sa barkada ni Aly. So I followed. Bahala na bukas.

I hope this will be the first and last bottle. Pero nakakapagduda kasi ang dami ng case ng beer.

*****

Matapos ang ilang rounds ng inuman, naghiwalay na ang mga lalaki at babae. Naawa ako kay Matt kasi alam kong gusto nilang i-hot seat si Matt kaya nila naisip na paghatiin ang grupo. As for us girls, nagkwentuhan lang sila sa mga bagay na hindi ko alam. Sabit lang kasi ako dito.

"Have we met before? Sobrang familiar mo kasi." Tanong sa'kin ng nasa harapan ko.

"Oo nga. Feeling ko rin nakita na kita dati." Umagree yung isa sa kabilang side ng table.

"Kayo talaga!" sumingit na si Aly sa usapan. "Ang seryoso niyong magtanong! Mamaya hindi na yan sumama kapag inaya ko ulit!"

Alam naman kasi ni Aly na hindi ako sasama kung may dala akong sasakyan o hindi ako napiitan. Nagreact yung iba naming kasama. They're all saying na familiar ako pero wala e. Hindi ko talaga sila kilala. Yung iba kilala ko kasi napakilala na ni Aly samin dati pero hindi ko rin maalala yung pangalan nila.

"I'll give you a hint." tumingin si Aly sa likod niya. Napainom ako sa boteng hawak ko. My third bottle. See? Imposibleng hindi mapaparami ng inom.

Narinig ko yung biglang ingay mula sa kabilang cottage kung nasan yung ibang lalaki. Malamang it's about Matt. Napansin kong malapit na naman maubos yung beer na hawak ko. Lagi kong nakakalimutan na kelangan kong magdahan dahan. Psh.

"This guy." Napatigil ako sa paginom nung naramdaman kong biglang bumigat yung balikat ko at nung may umupo sa pagitan naming dalawa ni Aly.

"Hey."

"Hoy Russ, dito ka!" tawag sa kanya nung mga lalaki sa kabila.

"Dito muna!" sigaw ni Russ pabalik.

"Du-duty ka lang e!"

Nakita ko lang na inabutan siya ng bagong bukas na bote ng beer kaya natanggal yung pagkakaakbay niya sakin. Nagtaka ako nung inabutan na rin ako nung babaeng katapat ko. Oh, bantay sarado nila ang beer ng bawat isa.

Ahsht, Gab. Magdahan dahan nga kasi.

"Si Russ? No offense, girl ha." Sabi nang isang babaeng katabi ni Aly. "Die hard fan at devotee si Russ noong childhood love niya."

Hindi ko na sila pinansin. Lumingon ako sa dagat. Hindi man lang ako tinetext ni bebs kung nasaan ako.

"Oo nga. And the last time I check, hindi pa rin nakakamove on ang lokong 'to. Baliw na baliw pa rin sa babaeng 'yon!"

"What's her name again?"

Bigla akong siniko ni Russ, "Ano daw pangalan mo?"

"Gab." Sagot ko agad dahil hindi ko alam ang pinaguusapan nila.

"I thought Alexa ang pangalan mo? Ayun tawag sa'yo ni Aly." Turo niya kay Aly. "And why do you have to ask for her name? Nanchi-chix ka lang, Russ e! Nakalimutan mo na ba ang child—No way."

"Nakain na ba ng majors ang utak niyo?" pangaasar ni Aly sa kanila.

Ano bang nangyayare? Napatingin ako kay Russ nung ngumiti ito at ininom yung beer. Gusto ko sana siyang tanungin pero nakakahiya kasi malalaman nilang hindi ako nakikinig at hindi ako interesado sa pinaguusapan nila.

"Seeing you and her together now.. ibig sabihin," nagbilang yung babaeng nasa tapat ko, "Eight years of waitingg? Woah! Russ congrats!!"

Eight years of waiting? Tumingin ako kay Russ and this time, medyo namumula na yung pisngi at tenga niya. Napakurap ako nung nilingon niya din ako at pinisil niya ang ilong ko.

"Lasinggera."

"Pucha Russ, layo! PDA e!" napakunot ang noo ko dun sa sinabi nung isang babae na medyo malayo samin. Wala akong maintindihan pero sure na sure akong nalilito na talaga ako sa pinaguusapan nila. At oo, nahihiya ako.

Nakailang pang-aasar pa sila kay Russ at nakailang agaw rin siya ng bote ng beer ko dahil gusto nila akong painumin pero si Russ ang may ayaw. In the end, hindi na nakahindi si Russ at pinapabayaan na ang mga kabarkada niya.

This is will be my last bottle. I swear.

I swear for the 5th time!

"Why are you here?"

"Why are you here?" he copied emphasizing the word you. Kabarkada nga pala din nila si Russ.

"Aly." Tinuro ko si Aly gamit ang bibig ko. "Siya ang may kasalanan."

Tumingin ulit ako sa dagat. Alam kong may tama na ako. Hindi na rin ako makasabay lalo sa usapan nila kasi wala naman talaga akong maintindihan. Tungkol sa buhay-highschool na naman kasi ang pinaguusapan nila.

"Gusto sana kitang pigilan mag-inom pero may nangyayareng maganda tuwing nalalasing ka."

Sinamaan ko siya ng tingin nang maalala ko yung nangyareng reunion last December at noong naglaro kami nina Alex ng Never Have Ever. Pinisil niya ang pisngi ko pero bigla siyang napatayo nang natabig ko 'yung bote sa lamesa.

Napatayo si Russ at pinagpagan ang shorts niya. Naramdaman ko ang pagtingin nila sa'min at nagsimula na silang tumawa. SAktong sa shorts niya natapon ang laman ng bote.

"Man!" tawag noong nasa kabilang cottage. "Lawak ng dagat! Dyan ka pa inabutan!"

Napailing nalang si Russ at natawa.

"Sorry."

Tinanguan niya lang ako. Pinunasan niya ang shorts niya pero useless din din dahil hindi naman 'yon matutuyo ng ganun ganun nalang.

Pero laking gulat naming lahat nang makita ko nalang na may tao sa likod ni Russ.

"Tutal basa ka na rin naman."

"Tangina!"

Napatayo na rin ako sa kinauupuan ko dahil nabasa na rin ako ng tubig. Katabi niya ako!! Nagsitakbuhan na rin yung iba para makaiwas at yung iba dumiretso na sa dagat. Walang pakielam kung mga naka-dress o pantalon pa. Kahit si Matt napagdiskitahan na rin nila.

Pero wala akong damit!!

"Ah, shit. Basang basa!" naalarma ako at napatingin kay Russ—TINGIN SA TAAS! Sinuklay niya ang basa niyang buhok gamit ang daliri niya. Mas lalo tuloy dumikit sa katawan niya ang putting tshirt niya.

Hindi ako nagkakamali.

Sure ako.

May nakita ako.

A.B.S.

Leche, wag kang tumingin Gab!!!

Alak lang 'to. Alak lang 'to. Wag kang madistract, Gab. Kahit alam kong binilang mo 'yun. At apat ang nakita mo. CONTROL YOURSELF, GAB!! Isipin mo nalang wala kang nakita. Pero hindi e! May nakita talaga ako! Ilang umbok sa flat niyang tiyan!

Tanginaaaaaa.

Kinuha ko yung isang bote ng beer sa lamesa at ininom 'yun.

"Gab, takbo!"

Napatingin ako sa likod ko pero—too late!!

Hindi ako agad nakatakbo kaya napahawak si Russ sa'kin at pareho kaming nabasa ng tubig! Sinigawan niya ang mga kabarkada niya pero tumatawa rin siya. Yakap niya ako. Nakadikit sa'kin ang a-a-ab... Ah!!!

"Okay ka lang ba?"

Tumango ako. Aside from the fact na nabasa ang damit at phone ko, all-in-all I'm okay. But what the hell am I thinking! Clear your freaking thoughts, Gabrielle! For as far as I know, being a pervert isn't on the list of your drunk transformations.

WHAT THE HELL.

Hinila ako ni Russ at nagsimula na ulit kaming tumakbo dahil hinabol na naman kami ng kabarkada niya. Ayos lang kung tubig pero basang buhangin at pulutan na ang ibinabato nila! Nagtago kami sa isang cottage at doon muna nagstay.

"Lasinggera ka ba talaga?" natatawang sabi ni Russ habang tinuturo ang kamay ko. Hawak hawak ko pa rin yung bote kanina.

Ngumiti siya at kinuha ang bote. Ininom niya ang laman noon at hindi ko naiwasang mapatingin sa taas babang Adam's apple niya. Agad akong umiwas dahil hindi mamaya sa iba na naman pumunta ang mga mata ko.

Punyetang tama 'to.

"Gusto mo?" hindi ko nilingon si Russ pero kinuha ko yung bote at ininom yun. Narinig ko yung tawa ni Russ. Bakit? Wala na kasing laman.

"Naman kasi e!"

"Napapaghalata ka kasi e."

Bumalik na kami sa paglalakad ni Russ at dumiretso sa parking lot, kung nasaan ang motor niya. Binuksan niya ang compartment at nilabas ang bag niya.

"May damit ka?" umiling ako. Kumuha siya ng tshirt doon at inabot sa'kin.

"Paano ka?"

"Okay lang ako."

"Pero wala ka ng ibang da—" Just wear it, Russ. I'm begging you.

"Mas importante ka."

Ibinigay niya sa'kin ang tshirt at hinigit na niya ako papuntang CR. Sana naman hindi na ako mabasa nito. Pero mas kelangan 'to ni Russ e. Para panakip! :<

Pero pagkabukas ko ng pinto, napatigil ako.

A clearer view of his—oh ghad.

Nahuli ko siyang pinipiga ang white tshirt niya at shinake ang ulo niya para kahit papano mawala ang pagkabasa ng buhok niya. Madilim naman dapat, di ba? Pero bakit parang... kitang ktia ko siya ngayong gabi? Arrgggh.

"Akin na." kinuha niya sakin ang basa kong damit noong napansin niyang nakapagpalit na ako. Isinama niya sa pinipiga niyang tshirt ang damit ko.

Tangina. Manyakis ka, Gab. Wag na wag mong ipapailam kay Dominique 'to. Magsisisi ka!!

Bumalik kami sa motor niya para ibalik ang mga basing damit. Laking pasalamat ko na may sando pa siya doon dahil hindi na kinakaya ng mga mata ko ang mga view at mga pangyayari! Lord, ano po bang nangyayare sa'kin???

"Babalik na tayo?"

Napatingin ako sa cottage at mukhang nagkakasiyahan pa rin sila. Umiling ako nang mahanap ko si Matt. Naawa ako sa putting tshirt na suot niya. Di na kasi marecognize yung kulay.

Naunang maglakad si Russ pero noong napansin niyang hindi ako sumusunod, bumalik siya at kinuha ang pupulsuhan ko. Dumiretso kami sa isang side ng resort kung saan taliwas kung saan nagkakagulo ang mga kabarkada niya.

"Kamusta yung party?"

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Lean. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa'kin at niyakap ang sarili ko para hindi niya mahalata. Nagi-guilty ako sa kasama ko.

Napagisipan ko na dati na patigilan si Russ at magstat nalang kami biglang magkaibigan o kaya naman tumigil na ako kay Gatorade dahil mas kumplikado para wag na akong umasa. Pwede na akong bumalik sa dati.

Ang selfish ko. Alam kong mali ang ginagawa ko at hindi dapat ganito. Pero natatakot akong maiwan at malungkot. Takot na akong iwan ng tao. Hindi na ako sanay mag-isa.

Ayaw na pumasok sa utak ko kelangan ko ng magdesisyon. Ayaw tanggapin ng sarili ko na kelangan ko ng pumili, kelangan ko ng masaktan at manakit.

"Russ.. Bakit hindi ka sumuko?"

Tumigil ako nang tumigil siya sa paglalakad. Hinarap niya ako at kinuha ang isang kamay ko. Pinagdikit niya ang palad naming dalawa. Ibinuka niya ang mga daliri namin. Itinapat niya sa pagitan ng daliri ko ang mga daliri niya at ni-lock ang mga 'to.

"I've been dying to do this." Ngumiti siya. "Gusto mo na ba akong sumuko?"

Hindi niya binitawan ang kamay ko.

"Kasi sa totoo lang, wala akong nakikitang rason para sumuko." May kung anong tumusok sa dibdib ko. Dahil binibigyan ko pa siya ng dahilan para wag sumuko. "Ah, hindi... May rason."

Lumawak ang ngiti niya. Tinakluban niya ang mga mata niya gamit ang isang kamay niya.

"Maraming rason ang pwede kong ibigay kung bakit pwede akong sumuko." Nilagyan niya ng gap ang mga daliri na nakatakip sa mata niya para tumingin sa'kin. "Pero nangingibabaw ang mga dahilan kung bakit ayaw ko pa ring tumigil."

Inihilamos niya ang kamay niya sa mukha niya at napansin ko ang pamumula ng tenga niya.

"Siguro... masyado lang kitang gusto na dumadating na sa punto na nakakalimutan ko na ang mga dahilan para gumive up."

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

"Sa totoo lang, galit ako sa'yo. Pero hindi ibig sabihin n'on, nawala na ang nararamdaman ko para sa'yo." Nagsimula na ulit kaming maglakad pabalik sa cottage kung nasaan ang iba. "Nakakainit ng ulo noong nalaman kong may boyfriend ka tapos hindi mo pa ako makilala. Pero noong nakita ulit kita..."

Tinakpan niya ang bibig niya.

"Tangina, ang cheesy. Pero nawala e. Nawala ang galit ko at napunta sa kanya lalo na nung nalaman ko na siya ang naging boyfriend mo." Naging seryoso ang mukha niya. "Alam kong complicated, Gab. But if these complications are worth the shot, I don't mind risking them all. Kung kelangan kong gawin at ibigay lahat just to let you know that I'm serious and I'm in love with you, oo ibibigay ko.

Kahit maghintay pa ako ng walong taon ulit, okay lang sa'kin."

Sinabi niyang mahal niya ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang marinig ko 'yon.

Inamin niyang mahal niya ako.

"Ilang confessions nalang ba?"

189 confessions left, Russ.

Anong mangyayare sa 500th confessions? Papaabutin mo ba talaga 'yon, Gab?

Ito ba ang lalaking dapat masaktan?

Kaya mo ba siyang saktan?

Nang makabalik kami sa cottage, kokonti nalang ang nagiinom dahil nasa dagat ang iba. Hinila ako ni Russ papasok ng cottage para hindi kami mabasa noong mga naglalangoy. Medyo nawala na ang pagkatama ko pero mas nahulasan ako nang makita siya sa loob kasama ng iba nilang kabarkada.

Nakita ko si Gatorade. Napatigilsiya sa paginom nang nakita niya kaming pumasok ni Russ. Naramdaman ko ang stiffness ni Russ sa pagkakahawak sa kamay ko nang makita niya rin si Gatorade.

Hindi lang 'yon.

Those dark brown eyes never looked at me like that before.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro