Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Chapter 26

Takot ako. Pinapanood ko ang bawat galaw niya para maging handa dahil pakiramdam ko kaya niya akong saktan sa mga oras na 'to. Kahit iba na ang itsura kumpara noon, naiintimidate pa rin ako sa kanya. She doesn't even look like a psycho.

"I believe you're Delos Santos." Kasama ko si Dominique dito sa labas ng bahay. "Mica't been ranting endlessly about you." Tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa. "Well, at least she's right about you both being plain."

"Sabihin mo na ang dapat mong sabihin."

"Delos Santos, the family of well known architects and engineers. Magaling na engineer ang Papa mo. Actually, we just signed a contract hiring your father as the engineer of Rivera Co's new project. I hope you're proud." Naging uneasy kami nang magsimula si Nikki. Pareho lang kaming tahimik. "You're brother is also taking up engineering, you mom is a housewife but we also plan on taking your mom as our architect. Your father recommended he—"

"Ano bang gusto mo iparating!"

Pero hindi siya pinansin ni Nikki.

"Delos Reyes, businessman and woman ang mga parents mo. I admire your mother, to be honest. She knows how to handle her affiliates. Kilala siya sa pagiging perfectionist kaya naman laging satisfied ang mga customers at partners niyo."

Hindi lang ito ang dapat naming maraming pero sapat na 'to para malaman na alam niya ang background namin ni bebs. Kilala niya ang pamilya namin at may connection siya dito.

"I just wonder... do your parents even know Boyfriend Corp? Lalo na, alam ba nila na binayaran niyo lang ang mga lalaking pinakilala niyong mga boyfriends niyo?"

Maliban kay Papa, hindi nila alam.

"Eh ano kung hindi nila alam? Nandito ka ba para takutin kami na sasabihin mo ang lahat sa mga magulang namin?" Pinilit itago ni bebs ang takot sa boses niya.

"Paano kung sabihin kong oo?" Mas lumawak ang ngiti niya, "Ano kayang mangyayare kung malalaman nila? It's already complicated yet entertaining to begin with. Spicing it up, won't even hurt I believe."

Sa huling pagkakataon, pinagmasdan kami ni Nikki.

"Nakigulo kayo. At gusto kong maramdaman niyo na maling desisyon ang ginawa niyong pagpasok sa gulong 'to."

*****

Tatlong araw na ang nakakalipas at tatlong araw na rin akong naghihintay ng tawag mula kay Mama. Naging aware ako na bawat araw ay ang pwedeng araw na sabihin ni Nikki kay Mama ang lahat. Hindi lang sa'kin magagalit, pero pati kay Papa.

Ayoko namang sabihin kay Papa dahil alam kong mag-aalala siya at baka dahil sa takot niya, baka siya na rin ang magsabi kay Mama. Nadudulas pa naman 'yon pag frustrated.

Kahit si bebs, naalarma tuwing makakatanggap ng text o tawag sa parents o kay Kuya Viniel.

Kung tutuusin, madali naman dapat 'to. Pwede ng kalimutan at mag-move on. Pero gustong gusto ni Mama si Gatorade at current girlfriend naman ng ex ni Dominique ang ex girlfriend ni Kuya Viniel. Ang laking sabit.

"Anong iniisip mo?" Hindi na ako nagulat nang marinig ko ang boses niya. Inayos ko ang pagkakaupo sa kama ko at sinilip siya mula sa bintana. Kumaway siya at ngumiti sa'kin mula doon. "Pwedeng pumasok?"

Tulad ng dati, ginagawa niyang pintuan ang bintana ng kwarto ko. Marami na agad nagsilabasang tanong sa isip ko nang panoorin ko siyang pumasok. Di ba dapat nasa Laguna siya ngayon kasama sina Lovely? Pero nandito siya at naging mushroom na naman sa bintana ng kwarto ko.

Napaurong at napapikit ako nang ituon niya sa nook o ang daliri niya, "Ganyan mo ba talaga ako kagusto?" He's really conceited when he's playful. "Tell me what you're thinking."

"No. It's none of your business, Gatorade."

"Hanggang ngayon ba naman you're still none of my business?"

"Ba't ka nandito?"

"I wanted to see you."

"Ba't ka nga nandito?"

"I was hoping to see you cry again." Kumuha agad ako ng isang nagkalat na Domokun Stufftoy at binato 'yon sa kanya. But as usual, nasalo niya 'yon bago tumama sa mukha niya. "Hindi mo ba ako namimiss?"

"Hindi."

"Alexa, galing pa akong Laguna tapos hindi mo man lang ako namiss?"

"Hindi nga."

Mukhang nadismaya naman siya sa sinabi ko. "Ah, so ako lang pala?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan pero nakakatuwa na marinig 'yon mula sa kanya. Maya maya, pinalo-palo na niya ang stuffstoy sa mukha ko. "Si. Nu. Nga. Ling."

"Gatorade!"

"What?"

"Stop."

"Stop what?"

"Hitting me!" Tumigil siya. Pero may tumama na naman sa tuktok ng ulo ko. "What are you doing?"

"Kissing the top of your head."

"And?"

"I was wondering kung papatigilin mo rin akong gawin 'to." Hinila niya ako papalapit sa kanya at hinalikan ako sa noo. "Alexa, please wag ka ng pumunta sa birthday ni Andrei."

Napasimangot ako sa sinabi niya. Kaya siya nandito para pigilan ako sa pagpunta sa birthday party ni Andrei.

"Pero gusto kong pumunta."

"Ayokong—"

"Isasama ko si bebs o si—"

"Don't even think about it."

Binitawan niya ako. Halatang nainis siya sa idadahilan ko para lang makapunta. Alam kong hindi ito ang pinakamatinong desisyon pero gusto ko silang makita ng buo. Gusto kong makita kung sino ba si Lovely. I want to meet and see every sides of him. Because he concerns me.

"I'll go there as your friend kung natatakot ka para kay Lovely."

"Pero hindi kita kaibigan!"

"Ano ba talaga ako sa'yo?"

Hindi makapaniwala siyang tumingin sa'kin. Nakailang ulit siya nang mannerism niya bago tumawa. "Ano bang madalas tawag ko sayo?"

"Alexa?"

"Mama monster."

"Hindi ako monster." Napailing ako. "At bakit napunta sa monster ang usapan?"

"Dahil kissing monster ka. Itanong mo pa kay Dominique."

Napapikit ako noong naalala ko na halos ipagkalat ni bebs ang nangyayare sa'kin tuwing malalasing ako. "Ikaw ang mahilig dyan. Dinadamay mo pa ako."

"Impossible." Nawala na ang inis sa boses niya. "I can't be papa monster alone. Syempre kelangan ko ng partner. Ano 'yon? Ineexpect mo na hahalikan ko ang sarili ko?"

Natameme ako sa sinabi ni Gatorade. Seryoso niyang sinabi 'yon at ni walang halong biro. But in the end, pareho kaming natawa dahil napakawalang kwenta ng sinabi niya.

"Pero hindi," hinawakan niya ako sa balikat. "You're not a monster... because you're my baby."

Niyakap niya ako. "You're actually more of a hugger than a kisser, Gatorade."

Lumayo siya sa'kin at nakita kong nakataas ang isa niyang kilay. "At anong gusto mong iparating?" Naguguluhan ako sa sinabi niya. "Gusto mo ng kiss?"

I suddenly became conscious of our lips. Why did I even said that?! Agad kong inwas ang mga mata ko nang napansin kong nakatitig na ako sa mga labi niya. Gaano na ba katagal? Hindi ko na maalala ang huling—TEKA!! BAKIT KO INIISIP YON?!

Natigilan ako nang... Kinagat. Niya. Ang. Labi. Niya.

KINAGAT NIYA ANG LABI NIYA.

"Pwede ka namang humingi kung gusto mo. Kahit ilan pa."

"Tumigil ka nga!!"

"Ayaw mo?" Umurong ako nang lumapit siya. "Gusto mo?"

Napalunok ako ng wala sa oras. Napatingin ako sa mga mata ni Gatorade. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Tumingin ako sa kanya papunta pababa sa labi niya. LECHE GAB! SA TAAS! SA MATA ANG TINGIN! SA MATA!!

"I'll take that as a yes. Ilan, baby?"

Sht.

"Ano? Hindi ko marinig ng maayos?" lumapit na naman siya at nagkunwari na may naririnig. "As many as I want?"

Lumabas ang pa-cool boy smile niya na minsan ko lang makita.

KELAN PA NYA TO KAYANG GAWIN?!

HINDI KO ALAM!!

"Baby?"

Gusto kong magsalita. Gusto kong tumanggi pero hindi ko magawa! Para bang nacontrol na niya ako at ipinapakita lang n'on na may kulang at namimiss siya. Nakita ko ang papalapit na papalapit na si Gatorade. Gusto kong pumikit pero gusto ko ring titigan ang mga mata niya.

Tinitigan ko ang paglapit ng mukha niya sa'kin.

Kung paano niya dahan dahang ipinikit ang mga mata niya.

Oo, naghihintay ako.

'Yung halik...

"Bebs, andito na ako! May dinner na?"

Si Dominique!!! Tinulak ko agad si Gatorade sa mukha palayo sa'kin.

"Ah—eh! Teka, bebs!"

Lumapit agad ako sa pintuan at ni-lock 'yon. Nilingon ko si Gatorade sa may kama at nakita siyang hawak hawak ang parte kung saan ko siya natulak.

"Madalas talaga, nakakainis si Dominique." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Nakakainis si Dom? "Wag kang magisip na kung ano ano, Alexa. Literal na nakakainis siya. Hindi tulad ng inis na nararamdaman ko sa'yo."

Pinigilan kong tumawa dahil sa expression ng mukha niya. Halatang hindi siya aware sa sinabi niya. Nakailang hilamos siya sa mukha niya bago ako minustrahan na lumapit ulit sa kanya. Sumunod naman ako.

At walang ano ano ay hinawakan niya ako sa batok at hinalikan.

"Ayan." Ngumiti siya pero nawala agad 'yon. "Badtrip. Nasa momentum na kanina, e."

Hindi ako makapagsalita.

Wala akong maintindihan.

Pero alam kong nagwawala ang tibok ng puso ko.

"Ahhhh," tumango-tango si Gatorade sa harapan. "Hindi mo pala ako miss ha?"

Gustong sumabog ng dibdib ko.

"Isa pa?"

I take back what I said that he's more of a hugger than a kiss.

I take it back!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro