Chapter 24
I wonder kung anong magiging reaksyon niyo sa update. Excited na ako sa comments! Haha
Chapter 24
Third person's POV
Dumating si Gatorade sa restaurant na pinagusapan nilang dalawa ni Aly. Mabilis niyang nahanap si Aly. Nagaalala siya kung dapat ba talaga niyang kausapin si Aly ngayon. Dahil niya inaasahan na ngayon na dapat nila ito pag-usapan.
Matagal nang nasabi ni Aly sa kanya na dadating ang araw na 'to kung kelangan i-settle na ni Gatorade ang mga naging desisyon niya noon. Naalala niya na lumapit siya kay Aly para itanong ang dapat gawin pero umiling si Aly at sinabing hindi pa ito ang tamang oras para dito.
Pero bakit ngayon na? Hindi siya handa.
Gustong gustong itago ni Gatorade ang pagkabahala. Pero nakahinga siya ng maluwag nang masigla siyang binati ni Aly.
"Mukhang kang highschool student!" sita ni Aly sa buhok niya.
Ito kasi ang hairstyle niya noong highschool sila. Si Lovely ang may gusto nito. Una palang, ayaw ni Lovely na magpakulay si Gatorade ng buhok. Out of this world daw kasi ang kulay. Hindi na daw ito bagay para sa edad ni Gatorade. Kaya ngayong nandito na siya sa Pilipinas, ibinalik na niya ang kulay nito.
"Under the say aka naman!" pangaasar ni Aly kay Gatorade. Totoo naman kasi. Bantag na sa kanya yan ng barkada kapag nandito si Lovely.
"Aly. Please."
Dahan-dahang nawala ang ngiti ni Aly pero hindi ito nagpakita ng kahit anong lungkot. Mas makikita mo ang pagkamangha at pagiging proud niya sa binatana naging dahilan ng pagkalito ni Gatorade.
Diretsong tumingin si Aly sa mga mata ni Gatorade. Isa sa mga tinuro niya sa kanya: titigan mo siya sa mata. Sasabihin niya sa'yo lahat.
Alam na ni Gatorade 'to. Alam niya na ginagawa 'to ni Aly para umamin siya at magsalita. At sa oras na makulong ka sa tingin ni Aly, hindi ka na makakawala. Bawal ka ng magsinungaling.
Pero iniwas ni Aly ang tingin niya dahil nakita niya ang pag-aalala ni Gatorade nang ibalik niya ang tingin sa kanya. Hindi niya inaasahan na magiging ganito kakumplikado ang pinili ni Gatorade na desisyon. Si Gatorade pa naman ang tipo na, kapag napagdesisyonan na... wala na siyang balak magbago pa. Paninindigan niya ang mga bagay na pinili niya.
"I just don't understand, Lance. Bakit mo ginawa 'yon?"
"You know the story. Kasunduan namin 'to ni Lean."
"Pero bakit pumunta ngayon dito? Bakit ka pumayag na magusap tayo?" Alam nila pareho ang sagot pero ayaw niyang umamin. Ayaw ni Gatorade na sa mismong sa bibig niya magmumula ang sagot. "You hated Alexa. Hindi ba dapat madali na 'to para sayo?"
Pero yon ang problema, akala niya magiging madali din ang lahat.
"Galit ka sa kanya dahil nakikita mo si Russ kung gaano siya kadesperada kay Alexa. You hate seeing and even the thought of someone being stupidly in love with someone. Alam mo ang kwento kung paano pinapaasa ni Russ ang sarili niya dahil kay Alexa."
"Aly—"
"Wag kang makipagplastikan sa'kin, Lance. Inayawan ko rin siya dahil kaibigan ko rin si Russ."
Solid ang highschool barkada nila. Kahit malayo sina Russ at Alex, hindi nawala ang pagiging close nila sa isa't isa. Alam nila ang istorya ng bawat isa at kahit unfair mang tingnan, mas bias sila sa kabarkada. Kahit anong mangyare, nasa likod nila ang isa't isa.
"Pero ang tarantado ng tadhana ano?" Napatingin si Gatorade kay Aly. "Nakakakuha siya ng malaking role sa issue na 'to."
Naalala ni Gatorade ang unang pagkikita nila ni Gab. Hindi niya 'to nakilala noong una pero alam niyang pamilyar siya sa dalaga. At nang marealize niya kung sino siya, sinadya na galitin ito.
Sa barkada, pinakamalapit sina Alex, Russ at Gatorade. Madalas siyang isama ng dalawa sa Quezon tuwing bakasyon. Alam ni Gatorade ang storya sa galit ni Alex kay Gab noong bata pa sila. Kung tutuusin, wala siyang pakielam noon. Pero dahil kinasusuklaman niya ang pagiging baliw ng isang tao para sa iba, naiinis siya dito.
Bakit? DAhil marami siyang kilalang taong tulad ni Russ. Sa sobrang pagmamahal, sobra ka ring masasaktan. At isa siyang bunga ng katangahan 'yon. At hindi niya matanggap na mauulit 'yon sa kabarkada niya lalo't nakita niya ang pagpapaasa ni Russ sa sarili.
Pero hindi rin alam ni Gatorade kung paano naunta sa ganitong sitwasyon ang lahat. Noong una, plano niyang saktan si Gab noong naging kliyente niya ito, para iparamdam sa kanya kung anong ipinaramdam niya kay Russ. Pero hindi gan'on ang nangyare.
Bakit nga ba ako nandito? Tumanggi na naman ako kanina hindi ba? Pero bakit ka pumayag noong nabanggit niya si...
"Aly, hindi pwede." Umiling si Gatorade. "Alam mong hindi pwede."
"Bakit niyo ba pinapahirapan ang mga sarili niyo?"
Aminado si Gatorade na isa siyang duwag mag-take risk. Masyado siyang naging aware sa larong ito kaya mas pinipili niya kung saan siya pwedeng makampate at kung saan mas magiging less complicated. Pero biglang dumating 'to. Sa inaakala niyang, ayos na ang lahat.
"Sabihin na nating may magagawa ako. Sabihin na nating pinapahirapan ko ang sarili ko. Pero anong mangyayare, Aly? Nagsakripisyo na sina Lean at Lovely. Lahat kami may ginive up para maayos ang gulo noon. Gusto mo bang sayangin nalang namin lahat 'yon?"
"Sacrifices mo." Pagbibigay diin ni Aly. "Ikaw lang ang nagsakripisyo, Lance. Oo sabihin na nating nakakahinayan. Pero hindi pa ba sapat 'yon? Kulang pa rin ba lahat ng ginawa mo? What about your happiness?"
Lagi 'tong tinatanong ni Aly sa kanila. Masaya ka ba> Anong saysay ng isang desisyon kung makakapagpasaya ka nga ng ibang tao pero hindi mo napapasaya ang sarili mo?
"I can sacrifice my happiness for them."
Napasimangot si Aly sa sagot ni Gatorade. Huminga siya ng malalim at hinintay na tingnan siya ni Gatorade.
"Then what about her happiness?"
Umiling siya. "Kung anong meron o nangyayare sa'min ngayon, mawawala din to. Tama nang nasaktan ko si Alex. Hindi ko na kaya pang makasakit ng kaibigan."
Ayaw na niyang gawing mas komplikado ang lahat. Tama na na nasaktan niya si Alex sa pagpayag na gawing girlfriend si Justine. Nasaktan na niya si Russ nang pumayag din ito kay Alexa.
"Aly, wag na nating ipilit. Hindi man ngayon pero magiging okay din ang lahat."
Oo, masakit ngayon. Lilipas din 'to.
Tulad ng isinakripisyo noon, lilipas at makakapagadjust din ang lahat.
Kelangan lang ng panahon.
"Lance." Naramdaman ni Gatorade ang kaba nang magtama na naman ang mga mata ni Aly. "May nakakalimutan ka ata."
Naramdaman niya ang kaba sa sunod na sasabihin ni Aly. Pero hindi niya 'to pinigilan. Matagal din niyang hinintay na may magsampal sa kanya ng katotohanan na matagal niyang tinalikuran.
"Ikaw dapat ang kasama ni Pops at hindi si Lan. Ikaw dapat ang nag-ibang bansa at hindi siya. Pero dahil mas mahal mo si Tita, mas pinilo mong manatili dito sa Pinas. At bago siya nakaalis, alam mong gumawa kayo ng gulo... alam mong gumawa ng gulo si Lean at akala mo isang pabor ang ginawa niya para sa'yo."
Hindi niya makakalimutan 'yon dahil iyon din ang dahilan kung bakit galit na galit siya sa kakambal.
"Galit ka kay Pops dahil babaero 'to at niloloko niya si Tita. Pero hinayaan mo si Lean na maging tulad ng tatay mo." Bumalik lahat ang alaala at mga galit ni Gatorade, ang mga dahilan kung bakit ito nagrebelde noon. "Dahil mas pabor kay Lovely dahil ikaw talaga ang gusto niya, pumayag siya at binalewala ang lahat. Wala silang ibinalik sa'yo na pabor, Lance. Sa inaakala mong pabor sa'yo, mas naging pabor pa para sa kanila."
Ayaw niya sa tatay niya dahil sa pananakit nito sa nanay niya. Kaya ayaw niya sa mga taong nababaliw sa pagmamahal dahil nakita niya kung paano magmahal ang nanay niya. Aminado siya na mas pipiliin niya ang nanay nila kesa kay Pops. Ginawa niya ang lahat para hindi makasama sa maduming buhay ng tatay niya. Kaya nang dumating si Andrei...
"Aalis na ako. Kelangan kong puntahan ang mag-ina ko." tatayo na sana si Gatorade pero agad nagsalita si Aly na nakapagpatigil sa kanya.
"Andrei is not yours, Lance. Hindi mo siya anak."
Mas naunang tumayo si Aly at tumingin sa labas. May dahilan kung bakit dito niya gustong makausap si Gatorade. Napangiti siya noong saktong dumaan ang hinahanap niya sa harap ng malapit na restaurant sa CKU. Naisip niyang nakikipaglaro ang tadhana nang nakita niyang magkasama silang dalawa.
Si Gab at si Russ.
Tinapik ni Al yang balikat ni Gatoade, "Gusto ko lang maging masaya ka, Lance. Bago pa mahuli ang lahat."
Nilingon ni Gatorade kung saan nakatingin si Aly. Mahigpit na hinawakan ni Al yang balikat niya bago 'to tuluyang umalis. Pinanood niya kung paano maglakad ang dalawa palayo...
Paano ka naman, Lance?
Paano ang dapat na kayo?
Pucha, Lance.
Nagkanda-leche leche na.
*****
Tinawanan ni Gab ang pagiging weirdo ng kasama. Kanina pa kasi silang nagkukulitan tungkol sa test paper ni Russ. Regalo daw kasi ito ni Russ sa kanya dahil siya naman talaga ang dahilan kung bakit siya nakaperfect sa exam at doon din kasi nakasulat ang corny Date: me please? line niya.
"Bakit ba kasi ayaw mong tanggapin?" pansin ni Gab na kanina pang tawa ng tawa si Russ dahil minsan lang 'to mangyare.
Sa totoo lang, hindi niya alam pero natatawa siya dito. Corny pero hindi niya mapigilang hindi mapangiti.
Inihatid siya ni Russ sa apartment nila. Tipid siyang ngumiti at kumaway dito para magpaalam, "Ipa-frame mo, ha?"
"Bakit? Para mainsecure ako na nakakaperfect ka sa exam? Wag na!"
Natawa si Russ, "Pero hindi kasi! Seryoso ako sa sinabi ko." mas lumapad ang ngiti niya. "Seryoso ako... parang sa'yo."
Minsan lang maging ganito si Russ kaya hindi malaman ni Gab kung paano magre-react. Napatungo siya nang biglang guluhin ni Russ ang buhok niya.
"Bye."
Hinintay niya na makaalis si Russ bago pumasok sa loob ng apartment. Instant na nawala ang ngiti niya pagkapasok dito. Matagal niyang pinanood ang tahimik na apartment. Sinilip niya ang phone niya. January 17, 20xx.
Temporary amnesia lang pala 'yon, isip isip niya. Bumalik kasi lahat ng iniiwasan niyang maalala nang marealize niyang nag-iisa nalang ulit siya.
Dumiretso na siya sa kwarto para makapagpalit ng damit nang muntik na siyang mapasigaw ng may ibang tao sa loob ng kwarto niya.
"Hi."
"H-hi." Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Itinago niya ang kamay niya sa likod nang naramdaman niya ang panlalamig at panginginig nito.
Ngumiti siya at iniwas ang tingin kay Gab. Lumingon siya sa labas ng bintana, kung saan siya nakaupo. Parehong madaming tumatakbo sa isip nilang dalawa. Pero mas nangunguna ang tanong na: Bakit siya nandito?
Gusto niyang sabihin sa sarili na hindi si Gatorade ang nasa harapan niya ngayon pero hindi niya kayang linlangin ang sarili. Gusto niyang sabunutan ang sarili o hilingin na mawala siya sa kinatatayuan niya.
Gulong gulo pa ako.
Ang takot kanina ay napalitan ng kaba. May kung anong nagtatalong pakiramdam sa loob ng dalaga. Masaya o malungkot? Pareho pero nangunguna ang lungkot.
Naalarma siya nang biglang gumalaw si Gatorade at umalis sa pagkakaupo sa bintana. May kung anong parang kumain sa loob niya at bigla siyang nanghina. Pakiramdam niya nahili siya nang magtama ang mga mata nila habang lumalapit ang binata sa kanya.
Hindi ba dapat magtanong ako?
Hindi ba dapat mag-isa ako ngayon?
Hindi ba dapat wala siya dito?
Pero bakit ganon?
"Naiinis ako sa'yo."
Naramdaman ni Gab ang panlalambot ng tuhod niya, pag-init ng pisngi nyia at ang malapit ng tumulong mga luha niya. Magkakahalong kaba, galit at hindi mapaliwanag na pakiramdam ang nagkakagulo sa loob niya.
Mali 'to.
Pero...
Hindi niya napigilanng mapaiyak nang higitin siya ni Gatorade at niyakap. Naramdaman niya ang labi nito sa noo niya. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya, pakiramdam niya sasabog ito kahit anong oras. Para siyang sinasakal pero gusto niya ang nararamdaman niya.
"I'm sorry, baby."
Hindi niya alam kung para saan ang sorry 'yon dahil mas narinis niya ang huling salitang sinabi ni Gatorade. Ang salitang hindi nagawang sabihin ni Gatorade noong bagong taon. Pinaulit ulit niya 'yon sa isip niya, tumango at ibinalik ang yakap kay Gatorade.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro