Chapter 23
Chapter 23
I've been ignoring people for three days. Alam kong hindi na sanay sina bebs na ganon ako pero I'm thankful that she didn't bother to ask me. Lalo na noong umuwi ako ng gabing 'yon na pugtong pugto ang mata.
Aly asked me to stay that night but I refused. Nakakaguilty kasi. Nagiguilty ako dahil hindi si Dominique ang una kong pinunahan. Ilang months palang mula ng makilala ko si Aly at sobrang gaan na agad ng pakiramdam ko sa kanya.
"Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin sa'yo. Ayaw kitang icomfort dahil temporary relief lang ang mararamdaman mo. At obviously hindi isang simpleng: Okay lang 'yan ang kelangan mo. You need better words. Mga salita na alam mong kapag narinig mo, kahit hindi 'yon magdadala ng comfort, gagaan ang pakiramdam mo. Alexa, oo masakit 'yan. At baka may masakit pa na narating pero gusto kong malaman mo na proud ako sa'yo."
"Sabi mo sa'kin, alam mo sa sarili mo na ikaw ang tipong hindi magmamahal at ang tipong hindi minamahal. Pero napatunayan mong mali ang sarili mo. Alam kong alam mo na kahit hindi mo na-aappreciate ang mga ganyang feelings noon, gusto mong maramdaman 'yan kahit umiiyak ka ngayon. Dahil gustong tumibok niyan."
Napahawak ako sa dibdib ko habang inaalala ang mga sinabi sa'kin ni Aly ng gabing 'yon.
"Mahal ko si Lance."
Hindi pa rin ako makapaniwala na inamin ko 'yon.
Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin matapos akong bulabugin ni Alex dito sa bahay dahil may convention kami. And obviously, nakalimutan ko. Nawala sa isip ko na kami nga pala ang host school kaya required ang attendance ng lahat.
Pagkatapos kong magbihis ng corporate attire at mag-ayos sa inaakala kong maayos na akong tingnan ay lumabas na ako ng kwarto. Nakakunot ang noo ni Alex ng sinalubong ko siya.
"Hindi ko akalaing may ipapanget ka pala." Tiningnan ko lang siya. Pero natigilan ako nang may sunod siyang sabihin. "Kung sino ka man ngayon, ayoko sa'yo."
Tumalikod na si Alex at dumiretso palabas ng apartment.
Sa totoo lang, Alex... hindi ka nagiisa. Ayoko rin sa sarili ko ngayon.
Dumating na kami sa Freedom Hall kung saan ang venue ng convention. Interesado si Alex sa seminars kaya naman pumwesto kami sa bandang unahan. Nagsimula na ang event proper at diretso sa seminars.
As expected, nabore lang ako. Nagmalfunction ang utak ko. Hinampas pa ako ni Alex para gumalaw dahil kelangan naming isulat yung sinasabi ng isang speaker. Hanggang sa ma-realize ko nalang na ibang tao na naman ang nasa stage. Isang group ng mga pamilyar na tao.
Biglang tumunog ang isang dance number at doon nagsink in sa'kin na CKnights pala ang sasayaw. Intermission number.
(Treasure – Bruno Mars)
Nahagip agad niya ang mga mata ko. Nakapwesto siya sa pinakauna, sa mismong gitna. Pinanood ko silang magsayaw at napansin ko ang ngiti ni Russ.
"Sus. Si Russ lang pala ang gamot." Napakurap ako nang pinisil ni Alex ang pisngi ko. "Mukha kang aso."
Hindi ko alam na nakangiti ako. Pero gusto kong pagdudahan ang sarili ko dahil hindi ko naramdaman ang mga mata ko.
Nagkaroon ng steps ang CKnights na titigil sila at tuturo sa crowd kapag dumating na sa last part ng chorus ng kanta. Instant na naglingunan ang mga kaklase ko sa'kin nang tumigil ang turo sa'kin ni Russ at kumindat.
"Pucha! Ang corny mo, pare!" sigaw ni Alex, halatang nandidiri sa ginawa ni Russ.
Tuwing yun ang step, imbes na ituturo niya ang buong crowd, ako lang ang ituturo niya. Minsan parang binabaril niya ako at may pa-cool na ngingiti. Napailing nalang ako at ngumiti ng palihim. Hindi ko 'to inaasahan dahil nasa listahan rin siya ng mga taong hindi ko pinansin sa loob ng tatlong araw.
"Gago, pare! Layo!" Napakamot nalang sa batok si Russ nang itulak siya ni Alex. Dito kasi siya dumiretso pagkatapos nilang magsayaw sa stage. "Dali na! Nakakabawas ka ng gwapo, e!"
Pasimpleng ngumiti si Russ sa biro ni Alex. Pinisil niya ang pisngi ko bago magpaalam at bumalik sa back stage. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko nang inasar ako ng mga kaklase ko. Pero nawala agad agad 'yon nang may narinig ako mula sa likod ko.
"Di ba, boyfriend niya 'yung may blue na buhok?"
******
"Ayaw mo ba?" natauhan ako bigla nang kunin ni Alex ang ulam ko sa plato. Hindi man lang hinintay ang sagot ko dahil sinubo na niya agad 'yon. Inosente siyang tumingin sa'kin habang ngumunguya. "Bagal mo, e."
"PG." Patay gutom.
"Iluwa ko?" ngumanga siya at tumungo sa plato ko.
"Yuck! Alex!"
Bumalik naman siya sa pwesto niya. "Jusko po, Lord! Kung andyan po si Gab sa tabi Niyo, ayaw ko naman po siyang pabalikin pero kung ito ang ipapalit Niyo, please! Ibalik Niyo na siya!"
"Stupid!" I hit him. "Tigilan mo nga ako, Alex!"
"Hoy babaeng na-abduct ng alien, kung hindi mo lang kamukha si Gab ay kanina pa kitang iniwan."
"Corny mo, Alex."
"No. You're boring."
"Miss mo lang ako masyado." Hindi siya tumanggi. Tinuloy niya lang ang pagkain niya. "Boring ba? Kwentuhan mo nalang ako tungkol sa inyong dalawa ni Justine. Bakit hindi naging kayo?"
"Alam mo na 'yon."
"Hindi nga, e. Kaya nga ako nagtatanong."
"Gab, hindi ka bobo. Alam kong alam mo na." Iniwas niya ang tingin niya sa'kin. "Kung tinatanong mo kung okay kami, obviously hindi. Tanga lang ang hindi makakaramdam na hindi kami okay."
"Pero love mo pa?" sinamaan niya ako ng tingin. "What? Nagtatanong lang ako."
"Sige. Sabihin mo sa'kin ang nararamdaman mo kay Russ, sasagutin ko ang tanong mo." Napaayos ako ng upo. "Tamo, kahit ikaw ayaw mong sabihin! Private muna. Hindi tayo close, paalala ko lang sa'yo."
Inirapan niya lang ako at automatic na humampas ang kamay ko sa braso niya. Hindi daw close? Ang plastic niya ano?
Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa Freedom Hall dahil may school competions pagkatapos ng mga seminars. Pero nakasalubong namin ang Power Puff Girls sa daan. Tumakbo agad si Marie sa'kin.
"Gab!!"
Napatingin ako sa likod ko at nakitang na-culture shock si Alex ng makakita ng living emoticons sa harapan niya. Para silang triplets pero magkakaiba ang mukha. Sabay sabay o gaya gaya pa sila ng ginagawa ng isa't isa.
"Si Dominique." Nagaalala na sinabi ni Cymone.
"May sumugod sa kanya sa room! Inaaway si Dom!" bigla akong kinabahan sa sinabi ni Leah. "Tara na!"
Hinigit na ako ng tatlo kahit hindi pa masyadong pumapasok sa isip ko ang sinabi niya. Hindi na rin ako nakapagpaalam kay Alex. Gusto ko sana silang patigilin dahil nakaheels ako at pencil cut na skirt. Nahihirapan akong tumakbo! Pero noong sinabi nila yung tungkol kay bebs, hinayaan ko nalang sila.
"Waah! Sana hindi sila nagra-rumble!!"
"Marie!" sita ni Leah at Cymone. "Wag kang magalala. Malakas ang manok natin! Mananalo si Dominique!"
Nagaalala ako kay Dominique pero ang kulit nilang tatlo!
Naramdaman ko ang pagod nang tumigil kami. Walang ano ano ay pumasok ako sa room. Sila lang ang tao dito. Nakita ko si bebs at isang pamilyar na babae. Si Mica.
"Wow. It's a girl in shining armor. Ew." Bati sa'kin ni Mica. Dahan dahan akong lumapit kay bebs pero hindi nawala ang tingin ko sa kanya. "Should I call Nikki too para laban ng mga bestfriends 'to? Ah mali! Battle of the exes?"
Sila ni Nikki ang pinakaunang naging girlfriends nina Gatorade at Marcus sa Boyfriend Corp.
"I'm warning you, Delos Santos. Layuan mo ang boyfriend ko."
Sumabat ako, "Tumigil ka na, Mica. Nasa school grounds tayo kaya kung pwede ba—"
"Shut up! Akala mo kung sino!" Ibang iba si Mica sa huli kong pagkakakita sa kanya. "Akin si Marcus. Alamin mo kung anong sa'yo."
"Hindi ko kasalanan kung si Marcus pa rin ang lapit ng lapit. Ask him! Siya ang dumating sa bahay noon!"
"Wala akong pakielam! Nilandi mo kasi siya kaya siya pumunta 'don!"
"Tumigil ka na." lalapitan ko sana si Mica pero pinigilan ako ni Dominique. "Don't you ever bad mouth Dominique."
"I just did, stupid."
"You had Kuya at si Marcus na ang boyfriend mo. Umalis ka nalang."
Natatawang umiling si Mica. "I just don't get it. You're not special and don't even look like one. Ang pathetic."
"Oo, kaya nagsasayang ka lang ng panahon. Umalis ka na." nagtataka ako kung bakit ganito si bebs. Hindi siya lumalaban!
"You don't have to tell me. As if I'll take orders from someone like you." Inayos niya ang shoulder bag niya. "I'm warning you, Viniel's little sister. Leave Marcus alone!"
Tahimik kaming lahat nang makalabas si Mica. Lumapit naman agad sa'min sina Marie. Nilingon ko si bebs nang maramdaman kong dahan dahan niyang binitawan ang braso ko. Lahat kami, nagaalalang tumingin sa kanya. Ngumiti lang siya at umiling.
"Asan ba kasi si Rinrin? Dapat nandito siya!" nagulat ako kay Marie. "Hahanapin ko lang siya, Dom. Saglit lang!"
"W-wag na." pinigilan niya si Marie. "I'm not okay pero please isipin niyo nalang na okay ako." Nagaalalang hinawakan ko ang braso niya nang nagtangka siyang umalis. Niyakap niya ako. "Alone time lang, bebs."
"Wag sa bar."
"Promise."
Nakita ko ang pagaalala nina Cymone pero hindi na namin pinilit pa dahil alam naming ito ang kelangan niya.
Lecheng, lovelife 'to.
Kaya ayokong magka-romantic bone.
Ang drama.
*****
Nagdadalawang isip na tinanggal ko ang heels ko at lumabas sa bintana. Pasalamat nalang ako at walang masyadong tao dito sa fourth floor ng SH building kaya libre akong tumambay. Sa totoo lang, may trauma pa rin ako sa matataas na lugar pero pakiramdam ko dito lang ako matatahimik. Kung saan walang masyadong taong nakakaalam kung nasan ako.
Pinanood ko ang mga taong nagsisiuwian sa baba. Asan kaya si bebs? Hanggang ngayon wala pa rin akong naririnig mula sa kanya. Nakakaloko lang dahil pareho pa kaming may problema ngayon. Nagsabay pa talaga kaming dalawa.
Gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit ngayon ko lang nararamdaman ang mga bagay na 'to. But I don't want it to be an excuse. Dahil lahat naman ng tao dumaan at dadaan sa ganitong stage ng buhay. Late bloomer lang siguro talaga ako.
"Ohsht!" Muntik na akong mawalan ng balanse nang biglang may bumukas ng bintana!
"Sorry." Natatawa siyang lumabas sa bintana. "Anong ginagawa mo dito? Hindi pa tapos convention niyo, di ba?"
"They won't notice."
"Alex will." Umupo na siya sa tabi ko. Ipinakita niya bigla ang kamay niya sa'kin. "Pwede?" Pero kinuha na niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan 'yon. "Namiss ko lang."
"Russ." Aaminin ko, ang unfair ko kay Russ. Mali ang ginagawa ko sa kanya. "May naisip lang ako. Love nalang ba ang dahilan kung bakit nabubuhay ang tao? Napansin ko lang."
Lumawag ang pagkakahawak ni Russ sa kamay ko.
"Sa TV, puro love stories. Mga libro sa shelves, puro love stories. Ang generation ngayon, kahit grade school may love stories na nauumpisahan. Ayon nalang ba talaga?"
Matagal ko bago narealize na may nakatago pala talagang romantic bone sa katawan ko. I was even proud that I was born without it. Sapat na sa'kin ang pagmamahal ko at pagmamahal na natatanggap ko sa parents ko, kay bebs at sa ibang taong pinapahalagahan ko.
"Masama mang pakinggan at alam kong maraming tataliwas sa sasabihin ko pero hindi ko masisisi ang mga batang may love interest ngayon. Grade 4 kasi tayo noon noong alam kong na-in love ako sa'yo."
Bigla siyang tumawa.
"Sinuntok mo noon si Ryan. Tapos..." tinuro niya ang dibdib niya. "May kumabog dito e. Parang ako ang sinuntok at dito tumama."
Nakita ko ang pamumula ng tenga ni Russ habang sinasabi 'yon pero tinitigan niya ako na parang gusto niyang makasigurado na naniniwala ako sa sinabi niya.
"May ipagmamayabang ako sa'yo." Binitawan ni Russ ang kamay ko at may kinuha sa bag niya. Pinakita niya sa'kin ang isang perfect exam. "I know you like smart guys."
"Pero bakit walang pangalan?"
"Nakalimutan ko, e. Masyado akong na-excite iperfect ang exam at ipakita sa'yo."
"Baka naman hindi sa'yo 'yan? Niloloko mo lang ata ako, e."
Inagaw niya sa'kin ang papel at inilipat 'yon sa pinakalast page kung saan tadtad ng puro sulat ng kung ano ano. Pinakita pa niya sa'kin ang pangalan ko at pangalan niya don. Oo na, sayo na nga yang papel na 'yan.
Kumuha siya ng ballpen sa bag niya at sinulatan niya ang line para sa pangalan. Nagtaka ako noong tumingin muna siya sa'kin nang matapos siya. Tinakluban niya ang papel niya at nagsulat na naman doon. Iniabot niya sa'kin ang papel pagkatapos. Nakasulat na ang pangalan niya pero lumipat ang tingin ko sa kabilang side ng papel.
Nilingon ko siya. Expected, mas namula ang mga tenga niya.
Sa date line..
Date: me please?____
*****
Third person's POV
Kinakabahan si Gatorade nang papasukin siya sa loob ng opisina ng may ari ng Boyfriend Corp. Pinaupo siya nito pero umiling siya at nagpaliwanag na aalis din naman siya agad. Inilagay niya ang isang birthday invitation sa lamesa.
"Sana makapunta kayo."
"And?" alam ni Gatorade na alam ni Madam na hindi lang ito ang ipinunta niya dito. "I would like to remind you that if this is about her getting you out of this corporation again... I'm agains't it. I'm not letting you go."
"Pero madam, nagkasundo na tayo dati—"
"We won't let you go!" madiin na sinabi 'yon ni Madam sa binata. "You had your chance pero ikaw ang nagmakaawa sa'kin na ibalik kita. Bakit?" tinuro niya ang picture ng bata na nasa invitation. "Alam mong mali ang naging desisyon mo nang panagutan ang batang 'yan."
Hindi na siya nakaimik at wala na siyang gumawa kung hindi umasa na baka pumayag na si Madam sa susunod. Ilang beses na ulit nagmakaawa si Lovely sa kanya na umalis sa Boyfriend Corp at ito, sinusubukan niya ulit. Pero wala na naman. Ubos na siya sa mga dahilan kung paano ipapaliwanag 'to kay Lovely.
Palabas na siya ng building nang tumunog ang phone niya.
"Busy ka ba?"
"Pauwi na ako sa apartment." Dumiretso na siya kung saan nakaparada ang motor niya.
"Kita tayo ngayon, please?"
"Mag-aayos ako ng gamit, Aly. Pupunta kasi ako ng Laguna mamaya."
"Nabalitaan ko nga na nandito na siya ulit sa Pilipinas. Pero ayun ang dahilan kung bakit ako tumawag. We need to talk, Lance. It's about time!"
"Hindi pwede, Aly. Busy ako."
"Paano kung sabihin ko kung involve na si Alexa sa usapan?"
Ayon ang nagpatahimik sa kanya. Alam naman niyang dadating talaga ang panahong 'to na kelangan na niyang i-settle lahat ng naging desisyon niya. Sinilip ni Lance ang date at oras sa phone niya.
January 17, 20xx.
Anim na buwan na rin ang nakakalipas.
Bahala na.
"Nasaan ka?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro