Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22

Nahihibang ka na. Isa kang dakilang baliw, Gab. Ang tanga tanga tanga tanga mo, Gab. Anong ginagawa mo dito? Kakausap mo lang kay Aly! At sinabi niyang wala naman siyang sinasabing gumawa ka ng kababalaghan pero ano? Nasaan ka ngayon?

NASA LOOB NG APARTMENT NINA GATORADE.

Ikaw ang nag-offer na ihahatid mo siya. Dapat panindigan 'yon, di ba? Go, Gab. Tadtarin mo na mura ang sarili mo. Go, hindi kita pipigilan. LECHEEEEE!

If you're Alexa Gabrielle Delos Reyes, you're freaking unbelievable!

Sumunod ang mga mata ko kay Gatorade. Kinuha niya ang mga nagkalat na kumot at unan sa sahig. Nilapitan naman ako ni Ice at binati ako.

"Sorry, makalat. Ice, may bisita. Behave."

Sumunod naman si Ice at winagayway ang buntot niya na para bang naiintindihan niya ang sinabi ni Gatorade.

"Asan sila?"

"Sino?"

"Sina Lean." Hindi ko kinalimutan ang salitang sina dahil alam naming hindi lang si Lean ang hinahanap ko.

"Si Lean, kasama ang kaibigan niya. Sina Lovely..."

Hindi na niya tinulyo pa. Pinabayaan ko nalang. Mukhang wala na rin siyang balak sabihin sa'kin ang kasunod.

"Pahinga ka na. Pabayaan mo na ang mga kalat. Ayos lang naman sa'kin."

"Gab."

Ilang beses na niya akong natatawag na Gab pero hindi pa rin ako masanay-sanay. Hinintay ko ang sasabihin niya. Tinitigan ko siya at naninibago ang mata ko dahil sa itsura niya.

"I'm sorry."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan. Agad kong itinago ang kamay ko sa likod ko dahil pakiramdam ko makikita niya ang panginginig ng mga kamay ko.

"Nagsinungaling ako."

"Sumusunod ka lang sa patakaran ng BFC."

"Nagsinungaling pa rin ako." Huminga siya ng malalim, "Nagpunta pa kami sa inyo ng walang paalam."

"Gatorade?" tumingin siya sa'kin. "Bakit mo sinasabi sa'kin 'to?"

Ngumiti siya, "Kelangan mong malaman."

"Naiintindihan ko." Pero hindi ibig sabihin okay sa'kin. Nalaman ko na rin naman ang totoo. "At sa pagpunta niyo sa bahay, kung hindi kayo dumating wala dapat akong kasama. Masayang kasama si Andrei."

"Si Andrei lang ang masayang kasama?"

"Oo. At wag mo ng ipilit."

Bumuntong hininga siya ulit at tumingala. Inihilamos niya ang kumot sa mukha niya saka ngumiti. Tiningnan niya ako bago ginawa ang mannerism niya. Nakailang tango siya bago tumingin at ngumiti ulit sa'kin.

"Tara maglaro ng pusoy."

"Ha? Bakit?"

"Wala ka pa namang balak umuwi, di ba?" Nagdalawang isip ako at sinuntok na naman ang konsensya ko dahil gusto niyang pumayag ako agad agad. "O takot kang malagyan ng lipstick sa mukha?"

Napangiti ako.

Isa kang dakilang baliw, Alexa Gabrielle Delos Reyes.

******

"Stay still!" Sinamaan ko siya ng tingin pero umiling siya kaya nawala ang control ko sa lipstick at mas lalo tuloy kumalat 'yon sa pisngi niya. "Ang kulit kasi!"

"Dinadaya mo kasi ako!"

"Palusot. Manalo ka kasi!"

"Alam mo namang hindi ako magaling dito."

"Sino bang nag-aya?"

Kahit alam kong pinipilit niyang hindi mapangiti, hindi niya magawa. Hindi niya alam kung maaawa o matatawa siya sa itsura niya. I feel bad for Mica dahil nasasayang namin ang lipstick niya. Pakalat-kalat kasi dito. But still, gusto ko siyang pasalamatan dahil kung hindi niya 'to iniwan dito, hindi ko mapapaglaruan ang mukha ni Gatorade.

"Unfair." Inexamine ko ang mukha niya. "Wala ng space."

Sa totoo lang, kanina ko pa siyang pinagpapahinga at dahil matigas ang ulo niya, ayaw niya. Hindi rin daw siya papayag nang hindi nakakaganti sa'kin. Hanggang sa maging ito na ang maging resulta.

"No freaking way."

"Pano ba 'yan!" Napanganga ako nang ibaba ni Gatorade ang huling baraha niya.

"Impossible!"

"Give me that lipstick, Alexa." Tinuro niya ang lipstick sa tabi ko. Itinago ko agad 'yun sa likod ko. "Hoy hoy!"

Napatawa ako sa itsura niya. Gustong gusto niya talaga akong lagyan ng lipstick sa mukha. Pero hindi ako papayag! Tumayo ako sa sahig at lumayo agad sa kanya.

"Ang daya mo talaga!"

"Nandaya ka! May tinago kang baraha!"

"Wag mo akong itulad sa'yo!" napaurong ako nang tumayo na din siya. Nakangiti siyang naglakad papalapit sa'kin. Inilahad niya ang kamay niya at hinihinga ang lipstick sa'kin pero umiling ako. Bigla siyang sumimangot at bumuntong hininga.

Gumagaya na rin siya kay na Dominique!

Napapikit ako ng kunin na niya sa kamay ko ang lipstick. Dahan dahan siyang lumapit sa'kin. Itinaas na niya ang kamay niya papunta sa mukha ko nang hindi inaalis ang paningin niya sa'kin.

Konti nalang...

Konti nalang...

"Gab!" biglang bumukas ang pintuan kaya sabay kaming napatingin sa kanya.

Agad akong gumawa ng distansya nung nakita ko ang mukha ni Lean na para bang nagtataka siya sa itsura naming dalawa ni Gatorade.

"Hi." Ngumiti ako sa kanya. Lumapit siya sa'kin pero natigilan siya nang marealize niya ang itsura ng katabi ko.

"What happened to your face, L.A?" inosenteng tanong kay Gatorade na naging dahilan ng pagtawa ko at pagsama ng tingin sa'kin ni Gatorade..

"It wasn't my fault that you kept losing."

Napaurong ako nang lumapit si Lean kay Gatorade at pinag-lock ang dalawang braso nila, "Yah, let's take a picture. Bilis bilis!!"

"Tumigil ka, Lexis!"

"Wag kang KJ, twin brother. Nagawa mo 'to sa sarili mo pero nahihiya ka?" hinigit niya si Gatorade papalapit sa kanya. Iniwas ko agad ang itnign ko nang biglang kinapa ni Lean ang dalawang bulsa ni Gatorade. "Picturan mo kami!!"

Inabot sa'kin ni Lean ang phone. Pinigilan siya ni Gatorade pero na-unlock ko na ang phone niya. Hindi ko na siya pinansin at ginawa ang inuutos sa'kin ni Lean. Iniwas ni Gatorade ang tingin niya pero ngiting-ngiti si Lean habang nakaturo sa mukha ni Gatorade nang kunin ko sila ng litrato.

"Patingin!" binitawan ni Lean ang kapatid at kinuha ang phone sa kamay ko. "Ang panget mo, L.A! Hahaha! Pero—" napangiti ako nang ilang beses syang tumingin sa phone niya at kay Gatorade. "You dyed your hair!!"

Umupo si Lean sa sofa at naamaze sa picture. Pumunta naman si Gatorade sa lababo para maghilamos.

"Hm, kelangan ko ng umuwi."

"Mamaya na! Kakadating ko lang." pagpipigil sa'kin ni Lean.

Pero umiling ako, "Hinahanap na rin ako ni bebs. Kanina pa akong wala sa bahay."

But I lied.

Gusto ko lang umalis.

"Hatid na kita sa labas." Hindi na naman ako tumanggi nang sabihin 'yong ni Gatorade. Dumiretso na kami sa labas.

Pagkalabas namin sa pintuan, ngumiti ako at sinabihan si Gatorade na magpagaling. Hindi naman siya sumagot kaya tumalikod na ako. Gusto ko sanang bilisan ang paglalakad pero hindi ko magawa dahil alam kong mahahalata niya.

"Nakita mo ba?"

Hindi ko siya nilingon... Hindi ko rin sinagot ang tanong niya. Kumaway ako sa kanya at nagdire-diretso na pasakay sa Minica. Nilingon ko siya sa bintana ng sasakyan. Nahuli ko ang mata niya na nakatingin sa'kin.

Ni hindi ko na magawang ngumiti.

Pinaandar ko na ang sasakyan, umaasa na sana mapabilis ko pa ang takbo ng sasakyan. Sinilip ko siya sa rear mirror para i-check kung nakapasok na siya pero hindi. Andoon pa rin siya hanggang sa makaliko ako sa kanto.

"Nakita mo ba?"

Napakagat ako sa labi. Itinigil ko ang sasakyan. Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan siya.

"Asan ka?"

"Andito ako sa bahay. Bakit?"

"Aly." Nanginginig ang boses ko.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.

Sa home screen ng phone niya, picture nilang tatlo.

Siya, si Lovely at si Andrei.

Family picture nilang tatlo.

******

(NP: Dahan by December Avenue)

Pumikit ako at umiling. Gusto kong tanggalin sa utak ko kung anong nakita ko sa cellphone ni Gatorade kanina pero hindi ko kaya.

"Ganito ba dapat kasakit 'to?"

Sa pangalawang pagkakataon, umiyak ako. Kasi oo. Oo, Gatorade, nakita ko 'yung picture. Ang piture niyong tatlo na masaya.

"Kahit anong level ng sakit 'yan, masakit pa rin 'yan."

"Pero bakit ganon?" Sinubukan ong pigilan ang panginginig ng boses ko. Umupo si Aly sa harapan ko at kinuha ang kamay ko. "Ang sakit sakit, Aly. Na parang may pinupunit sa loob ng dibdib ko nang paulit ulit."

Nakita ko ang pagaalinlangan na tingin sa'kin ni Aly. Nahihiya ako sa itsura ko ngayon pero wala akong magawa kung hindi umiyak.

"Gusto kong sabihin sa utak ko na: Tama na. Tama na 'yan, wag mo nalang pansinin. Gusto kong ipagpilitan sa utak ko na bumalik sa dati, yung walang pakielam sa iba. Pero..."

Hindi ko kaya.

"Hindi ko magawa, Aly."

Na tila may nagtatalo sa loob loob ko.

"Tatanungin ulit kita, Alexa." Nagtama ang mga mata namin ni Aly. "Gusto mo ba si Lance?"

Ayaw kasi ni Lovely.

Si Lovely.

Nakita mo ba?

Sorry.

"Imposibleng hindi ka masasaktan. In any form, masasaktan at masasaktan ka. Parte ng buhay 'yan." Tumayo na si Aly at naglakad palayo sa'kin. "Kahit di mo sagutin ang tanong ko, okay lang. Pero sa tingin ko, alam mo ang dahilan kung bakit ka nasasaktan."

Naalala ko noon nakita ko si Lovely sa labas ng pintuan namin, kung gaano siya kaganda, kamature at kung gaano siya kamukha ni Andrei. Lalo na kung paano niya sabihin na girlfriend siya ni Gatorade.

Napahawak ako sa braso ko. Umiiyak. Hindi ko akalaing ganito ako kababaw maglabas ng emosyon. Nagmumukha akong kawawa at mahina.

"Ayokong makasira ng pamilya. Ayokong ipagpilitan ang nararamdaman ko kasi mali to sa simula palang. Ayokong umasa, Aly. Ayoko."

Napapikit ako nang narinig ko sa isip ko kung paano niya ako tawaging Alexa, kung paano siya tumingin sa'kin na para bang ako lang ang nakikita niya. Na para lang sa'kin ang mga matang 'yon.

'Imagining him dating ther girls. Treating other girls just like the way he treated me. CAring and loving others and knowing the fact that he's been like that to me before. Hindi mo nararamdaman yun bebs.'

'Yung feeling na gusto mo siyang ipagdamot? Yung feeling na ayaw mong iparamdam sa iba yung pakiramdam na binigay nila sayo.'

"Gusto mo ba si Lance?"

Tumingin ako kay Aly at umiling.

"Mahal ko siya, Aly. Mahal ko si Lance."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro