Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Chapter 17

December 30, 20xx

Sunday | 2:03 am

[Alexa Gabrielle's POV]

Chapter 17

December 30, 20xx

Sunday | 2:03 am

Alexa Gabrielle's POV

"Are you sure you're okay bebs?" Tumango ako. Nakakatamad at nakakapagod magsalita. "Russ, ang pula ni bebs."

"Lakas kasing uminom." sabi nung nagmamaneho, si Alex.

"Sabin g lalaking nalasing na kahit hindi pa lumulubog ang araw." Inirapan ko siya dahil alam kong kita niya ako sa rear mirror.

Gusto ko sanang sumandal sa bintana, but unfortunately, pinaggitnaan ako ni bebs at Russ. Ayaw nila akong pagkatiwalaan, kasi nagtatransform daw ako pagnaka-inom. And thanks to bebs, alam na nila lahat yun.

"Gabby," tumingin sa'min si Rinrin, nakapout at nakakunot ang noo. "You look like an apple."

Meh.

"Andito na tayo." Alex pulled over. I looked outside, bahay nina Russ.

"Hatid natin sina Gab."

"Pare, hindi ko na kaya." sumandal si Alex sa manibela at... *BEEEEP!!!!* "Fuck!"

"Hatid natin sina Gab." ulit niya, parang hindi man lang siya nagulat sa busina kanina.

"Di ko na kayang magmaneho. Pagod na ko, pare. Let them stay over. Please?"

"I'll drive." Nagpresenta ako. At bakit hindi? Kami lang ni Alex ang marunong magmaneho sa'ming lahat. Motor lang kaya ni Russ at hindi naman ako naniniwala sa driving skills ng bestfriend ko—at si Rinrin? I doubt it.

"Are you stupid or just plain stupid, bebs?"

"May masama ba? Si Alex—"

"Sabihin mo yan kung hindi mo halos inubos yung fruit punch kanina."

That freaking fruit punch! I swear, tubig nalang talaga ang iinumin ko sa mga party na yan. I was innocent when I drank the juice. Malay ko bang hinaluan nila ng alcohol yun

"Tara." Nagulat ako nung buksan ni Russ ang pintuan. Napalabas na rin ang iba sa kotse. Kinuha ni Russ ang kamay ko. Ang lamig. Wala yan, Gab. Malamig lang.

Stop brain. Tumigil kang mag-function, please.

Don't think about the ki—ah, leche.

Pumasok kami sa gate at pumunta kung saan nakaparada ang motor niya. Napatalon ako nang hampasin niya yung upuan at nang bigla siyang tumalikod at tumingin sakin, "Kaya mo pa bang maglakad?"

"Ghad man. Just let them stay over."

Nakita ko sina Alex at Rinrin papasok ng bahay nina Russ. Si bebs hindi alam kung susunod kay na Alex or titigil para sa'min.

"Hindi pwede. I respect her that much." He murmured na parang hindi niya sinasabi kay Alex kundi sa sarili niya. Humigpit ang hawak niya sa wrist ko. Mabagal kaming naglakad palabas, "Tara, ihahatid ko kaya."

Hindi naman ganun kalayo ang bahay namin sa bahay nina Russ. Ilang kanto lang pero dahil sa bagal ng paglalakad namin, pakiramdam ko ang layo. Nakakailang pa. Tuwing titingin ako sa kaliwa ko, lalabas ang nakakaasar na mukha ni bebs. Bakit? Hindi pa rin binibitawan ni Russ ang wrist ko. At asa pa akong makakatingin ako ng ayos sa kanan ko.

Isang kanto nalang naman, di ba?

Feeling ko isang oras na lakad pa ang gagawin namin.

Nagtaka ako nung tumakbo si bebs at tumigil siya sa tapat ng isang gate, "Take your time! Goodnight!"

"Bebs!!"

Too late. Pumasok na siya sa loob. At doon ko lang narealize na bahay na nila yun. Mas mauuna nga pala naming madaanan ang bahay nina bebs. At yung bahay namin? Tatlong bahay pa ang dadaanan.

Hindi nagsalita si Russ noong maglakad ulit siya. Hawak pa rin niya ang wrist ko. Hindi ko naman magawang umimik. At yung kaninang matagal na paglalakad? Pakiramdam ko nadoble ngayon.

It was just a kis—just freaking stop thinking Gab. Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko. Just. Stop. Thinking. Please.

"Okay ka lang?" Sinubukan kong hindi tumingin sa mga mata niya. "Ang pula ng mukha mo."

"A-ah. Wala 'to."

"Sigurado ka?" Pumunta siya sa unahan ko. Sht. Not now. Napatungo ako ng wala sa oras. "Gab.."

"O-okay lang ako."

"Hindi. Sorry."

Dahil doon, napatingin ako sa kanya. Good thing sa iba siya nakatingin. At tulad ng ginagawa niya pagnalilito o kinakabahan siya, ilalagay niya sa pocket niya ang isa niyang kamay, titingin sa taas at papadaanan ako ng tingin saka titingin ulit sa taas.

"Hi-hindi ko dapat ginawa yun. Hindi dapat kita hinalikan." Tumungo siya, "Sorry."

Bigla siyang tumalikod, ginulo ang buhok niya saka dumiretso sa paglalakad. Hindi ko mapigilang mapangiti. Para siyang batang nahihiya. Plus yung pamumula ng tenga niya.

Tumigil siya sa tapat ng gate namin. Hindi pa rin niya ako nililingon. Pero noong maglalakad na ako para makapasok ng gate, hinawakan na naman niya ako sa pupulsuhan ko.

"Pero alam mo..." ngumiti siya. "I'm not really sorry for doing it. I don't regret kissing you." Napakagat siya sa labi niya, pinipigilan ang tawa niya. Huminga siya ng malalim, "Goodnight, Gab. Thank you."

Itinaas at itinapat niya ang kamay ko sa labi niya. Hinalikan niya ang knuckles ng kamay ko bago niya ako bitawan, "Pasok ka na."

That weird feeling, it's here again.

Wala akong imik na pumasok sa gate. Lumingon ako kay Russ. Ngumiti siya at kumaway sa'kin bago siya maglakad pabalik sa kanila. Napatingin ako sa likod ng kamay ko.

How can I stop thinking now?

Feeling ko sasabog ang utak ko. At.. "Ahh!"

Napaupo ako sa daan, sa tapat ng pintuan. Sumandal ako sa pintuan habang ginugulo ang buhok ko at tinitigan ang labas. Ano bang iniisip ko? Nalilito ako. Ni hindi ko alam kung anong dapat ang isipin ko. Ano bang pakiramdam 'to? I don't like it pero... naiinis ako kasi di ko ma-pinpoint kung ano 'to.

I brushed my hair away from my face. Gaah, this is really frustrating.

Ngayon ko lang ulit 'to naramdaman. Kay Russ at kay—

"Ay!!"

Muntik na akong matumba nang biglang magbukas yung pinto, "Malamig dyan."

"Anong...anong..."

"Tumayo ka dyan."

Si Gatorade.

Anong ginagawa niya dito?

Hindi!

Anong ginagawa niya sa loob ng bahay ko?!

*****

Ang daming boses. Ang ingay. Nagising na ang diwa ko. Ayoko pa! Nagmamakaawa ako. Ayoko pang gumising. Please, tumigil kayo.. Please—

"Daddy, gisingin na natin si Gab."

Wait. Instant na bumukas ang mga mata ko. Kita ko ang sabay sabay nilang paglingon sakin. Wait! Wait! Wait! Pakiramdam ko nahilo ako sa daming magkakamukhang tao ang nakikita ko ngayon.

Pareho pareho ng mukha pero magkaiba ng buhok at may isang miniature nila!

"Gab?" The miniature crooked his head as if he's asking me something. Lumingon siya dun sa likod niya at tinuro ako, "Daddy, weirdo oh."

Wow. Thank you for that, Andrei.

Bigla akong nakaramdam ng hiya nung narealize ko ang itsura ko dito sa sofa. Agad akong tumayo. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko pero pakiramdam ko wala naman nagbago. Ano bang nangyare kagabi?!

"Hi Gab! Good Morning!" Napaurong ako nung tumalon sa harap ko ang isa pang kamukha ni Gatorade. "Ang laki pala ng bahay niyo!! Mayamaaaaan!!"

I was about to greet him too nang maalala kong kagigising ko lang. Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango.

"Gising na si Gab? Si Gab!" Lilingon na dapat ako sa likod nung makaramdam ako bigla ng may mabigat na tumalon sa likod ko. Muntik na akong sumubsob at matumba sa sofa! Sino ka!"Gab! Gab! Gutom na ako! Yema cake! Coconuts!"

"Takaw mo talaga, Lorenzo." Napatingin ako kay Lean. Napakunot ang noo ko noong sabay silang umiling ni Andrei, na parang nag-aagree yung bata sa sinabi nya.

Teka. Lorenzo? Tinakluban ko ang bibig ko, to remind myself na di pa ako nagtu-toothbrush. Tumaba si Lorenzo. Hindi na naman nakakapagtaka. Matakaw siya di ba?

But that's not the case! I need to get away from them at magawa ko naman ang dapat gawin! Di ako makapagsalita!

"Yuhuuu. Gab, are you okay?"

Mabilis akong tumango nung aakmang hahawakan ni Lean ang noo ko. Tumayo ako at tumakbo papunta sa taas. Hindi ko alam kung bakit doon na ako nakatulog sa sofa, sa salas. I hope I look nice while sleeping. But I really doubt it. Ugh.

Madali akong pumasok sa CR. I look like a mess! Aish. 4 guys saw me on this state. Wow. I am blessed. Take note the sarcasm. Naghilamos na ako, nagtoothbrush at tinitigan ang sarili sa salamin.

First thing first!

"Anong ginagawa nila dito sa bahay ko?!"

*****

"Yes pa. I got it."

"Don't worry princess. I told everyone that they should keep their eyes on you. Parang iniwanan ko tuloy ang anak ko sa mga buwaya. Waaaaaa!!—Oh c'mon Gabriel, kilala naman natin sila—But I don't trust him!!"

Napabuntong hininga nalang ako sa usapan nila Mama at Papa. Pero kung tutuusin, si Papa ang may gustong iwan ako dito sa Quezon at magkaroon sila ng honeymoon ni Mama. At mukhang gusto na rin ni Mama ng vacation.

Ang weird lang dahil pumayag si Mama sa mga bisita ko at siya na ang may gusto ng honeymoon tapos si PapaAnd what really ironic is Mama agrees to my visitors at siya na ang may gusto ng honeymoon tapos si Papa naman ngayon ang parang gusto nang bumalik dito para sunduin ako.

"Laelle!" Napatingin ako sa may garden. "Habol! Waa! Wenzo! Si Laelle! Si Laelle!"

Napangiti ako nung marinig ko ang tawa ni Andrei. Wow, I missed that kid. Sinong mag-aakala? Dumiretso na ako sa kusina para hanapin sina Manang.

"Ayos lang ako, Papa. Kay na Dominique nalang ako magsstay mamaya."

"Are you mad, princess? I will go ho—And leave me here?—No, I'm just kidding honey!"

Napailing nalang ako.

"Manang, breakfast. Thank you."

"I'm torn between two lovers! Just make sure you're whole when I get back!"

"Yes, Papa."

"I love you princess! I kill him, I promise!—Take care, Alexa. I love you. Tell Lance to make himself feel at home—Zandra!"

Ibinaba na nina Papa ang telepono. Inihanda na ni Manang ang pagkain kaya umupo na ako sa may dining table. Hindi ko mapigilang mapangiti nang marinig ko ulit ang mga tawa ni Andrei. It's nice to have kids around.

'Alejandro Gabe'

"Hindi na rin masama." Ayos na rin sigurong magkaroon ng nakakabatang kapatid. Siguro naman magiging okay akong ate, di ba? "That will be cool."

"Ang alin?"

Napatigil ako sa pagnguya ko at napatingin sa kanan ko. He lazily fixed his blue bed hair and rubbed his just woke up eyes. Walang ano ano ay umupo siya sa tabi ko at kinuha yung tinidor ko para makakain din siya ng breakfast.

"Wow. Feel at home nga."

"Hm." He nodded, "Tita told me to feel at home."

"At career na career mo naman."

"At least I should enjoy what I can have now, right?"

Kelangan weird 'to. Dapat nagkakailangan kami pero hindi e. Wala kaming nararamdaman na ganun—o ako lang? Di ba dapat ganun naman talaga? It's been days since the last time I had a conversation with him at kung tutuusin, kahit kaunting pagkailang wala akong naramdaman.

Is this normal?

Napatigil siya sa pagkain, "Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit mo ako tinititigan, Alexa?" Napatawa ako nung balewala niyang kinain yung hotdog habang tamad na nakatingin sakin. Halatang inaantok pa siya.

"Wala." Kumain na din ako. Naghati kami kung anong nasa plato ko. Wala e. Remember his mayabang and aroganteng aura when I met him the first time? He still has it at pinaninindigan niya.

Napatingin ako kay Gatorade nung bigla siyang nagchuckle, "Nakakamiss nga."

"Ang ano?"

Tumayo na siya at kinuha yung pinagkainan namin. Nakakamiss ang ano? Dumiretso si Gatorade sa kusina at iniwan dun yung plato. Pagkabalik niya, lumapit siya sakin at biglang ginulo ang buhok ko. Pumunta siya sa side ng table kung saan akong tapat nakaupo at sumandal dun.

"May sipon ka?"

"Wala. Bakit?" Ang random ng lalaking 'to.

"Kasi madaling araw ka ng umuwi?"

"Wala. Okay lang ako."

Inayos niya ang tayo niya at pinatong ulit ang palad niya sa ulo ko, "Wag kang mag-alala. Next time, tuturuan ko siyang magbigay ng jacket sa babae."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakita niya kami! Magsasalita pa sana ako pero naglakad na siya palabas na siya ng dining area.

"Si Lorenzo," nagtaka ako nung magsalita siya ulit. "Gusto niya kasi nung yema cake e. Pwede mo ba akong samahang bumili?"

*****

Sinubukan kong hindi tumamama ang kamay ko sa balat niya. Hangga't maari ay gusto ko sa damit niya lang ako nakahawak. Mukhang wala rin naman siyang pakielam e. Napapikit ako nang pabilisin pa niya lalo ang takbo ng motor. Dala niya ang motor papunta dito sa Quezon habang nasa sasakyan sina Lean.

Muntik na akong mapasubsb sa kanya nung bigla niyang pahintuin yung motor.

"Saan ang daan?"

"Ah! Sa kanan." Napahigpit ang hawak ko sa dulo ng damit niya at muling napapikit nang paandarin na naman niya yung motor.

Binabawi ko na yung sinasabi kong walang awkwardness akong nararamdaman ngayon sa aming dalawa. Akala ko, tulad nung nagusap kami noong nag-inom siya aymagiging ganun pa rin kami. But this time, it's really different.

"Doon sa kanto." turo ko dun sa bilihan ng yema cake.

Dahan dahan niyang itinigil yung motor. Lumingon siya sa'kin kaya naman naging conscious ako na kelangan ko ng bumaba. Ginawa ko yun at sinubukang tanggalin yung helmet.

But... stuck!

"Sorry, nagloloko na yung lock."

Natigilan ako at pakiramdam ko nanlamig ako nang halos mahawakan niya ang baba ko. Tinanggal niya yung lock at ang helmet sa ibabaw ng ulo ko. Walang imik siyang bumaba sa motor at dumiretso sa tindahan.

Gusto kong magmura, I said to myself. But I can't find a right cuss to explain it all this weirdness running it my head or whatever weirdness I'm feeling right now.

Sinusubukan ko talagang magisip ng pedeng i-cuss though hindi ko naman talaga kelangan. Bago pa magsink in sa'kin na kelangan kong alisin lahat ng iniisip ko, napansin ko nalang si Gatorade sa tabi ko hawak ang apat na box ng yema cake.

"Tara."

Sumakay na kami sa motor niya. Ganoon pa rin kaming dalawa. Pinabayaan ko lang hipan ng hangin ang mga buhok ko paalis sa mukha ko. Tahimik lang kami pabalik. Walang umiimik.

Pansin ko lang ang mga ilang napapatingin tuwing dadaan kami sa harapan ng ibang tao. Kitang kita kasi ang kulay ng buhok ni Gatorade. ako lang kasi samin ang naka-helmet. That icy blue hair. I smiled privately. Ngayon ko nalang ulit natitigan ang buhok niya. Unlike before, wala ng itim ng roots. Pinakulayan na niya ulit siguro. Kung sabagay, mas magadang tin—

"Sorry."

Pinilit kong tumango. Ang sakit ng ilong ko. Gusto ko sanang hawakan ang ilong ko pero parehong hindi libre ang dalawa kong kamay. Bigla kasing tumigil si Gatorade kaya di ko nakontrol ang pagbunggo ng ilong ko sa likod niya.

Sinubukan niyang silipin ako, "Ayos ka lang ba?"

Tango ko kahit medyo masakit talaga. Pirat na ang pirat kong ilong.

Napansin kong pinatay niya ang engine ng motor at kinuha niya ang dalawang box ng yema cake sa kamay ko. Hinilot hilot ko ang ilong ko para makasigurado na hindi yun made-deform. Joke.

Napatingin ako sa paligid, napatigil kami sa malapit na park sa'min. Madaming batang naglalaro sa kalagitnaan ng araw since Christmas break at masarap ang lamig ng panahon.

Napaharap ako kay Gatorade nang itinutulak niya sa kamay ko yung apat na box ng cake. Agad ko namang kinuha yun at pinanuod siya na bumaba ng motorbike. I thought na kukunin niya sakin yun pagkababa niya pero mali ako.

Tumayo lang siya sa harapan ko.

One word: Mabigat.

Anong problema ng lalaking 'to?

"Uh.. Gatorade ano—" nanlaki ang mata ko nung bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ilang inches lang ang layo. "Ah...eh.."

*Bathump*Bathump*

Seryoso lang siyang nakatingin sakin... At hindi lang seryoso ang tingin niya.. Parang may gusto siyang halungkatin sa utak ko o may gusto siyang iparating sa'kin pero hindi ko naman maintindihan.

*Bathump*Bathump*

Nagulat ako nung umupo siya sa harapan ko. Nakapatong yung noo niya sa may tuhod niya habang ginagawa niya ang mannerism niya. Yung shake shake but never ruin my hair shake. Ah basta yun!

But one thing is for sure...

Kinakabahan ako.

"Sorry."

Gusto ko sanang magtanong pa sana pero hirap na hirap na ako sa hawak kong mga cake at halos takpan na nila ang mukha ko.

Napaurong ako nung tumayo siya at seryoso na naman tumingin sakin. Nakailang kurap ako para subukang intindihin ang gustong sabihin ni Gatorade.

"Ah.." *serious look* "Ale..xa.."

Pumikit siya at huminga ng malalim. Sumakay na ulit siya sa motor at kinuha yung hawak kong boxes. Iniwas niya ang tingin niya sakin kaya naman sumakay na din ako sa motor.

Ladies and gentlemen, bipolar blue head is here again.

*****

"Yema cake!" o(^0^)o q(^0^)p "Yema cake! Yema cake!"

Kinagat ko ang labi ko nung nakita kong nakaupo sa may dining table sina Andrei at Lorenzo. Nagiging kamukha na ni Lorenzo si Andrei. Pareho silang may hawak ng tinidor at kutsara at tinataas baba nila yun nung nakita nila kaming pumasok ng dining area.

"My precious!" Di ko na mapigilang matawa nung magsalita si Lorenzo. Kulang nalang tutulo ang laway niya nung pinatong ni Gatorade yung boxes sa lamesa.

"Daddy! Daddy! Gusto ko!!"

"Uy!" Lumapit ako kay Andrei nang biglang siyang tumayo at sinubukan niyang umakyat sa ibabaw ng lamesa. "Andrei, upo ka na."

"Gusto ko na! Ubusan ako ni Wenzo!"

"Matakaw ka ba talaga?" Umupo si Lean sa tabi ni Lorenzo. He crooked his head just like Andrei's at nagtatakang tumingin kay Lorenzo. "Well, obviously. MA.TA.BA."

"Yema..." tila nahi-hypnotize na sabi ni Lorenzo. "...cake."

Tumayo na si Lorenzo at kinuha yung isang box ng yema cake sa harap ni Gatorade at dirediretso na lumabas. Wala akong nagawa kundi tumawa.

"Daddy! Ako din!!"

"Upo ka na, Andrei. Baka mahulog ka." Tumigil siya sa pagtalon sa upuan. Tinitigan niya ako habang nakapout ang labi niya. Nako hindi. Wag ang tingin na 'yan!

"Ah no. No don't cry."

Wrong move. Wrong move!

"Bakla lang umiiyak." Sabay kaming tumitingin ni Andrei kay Lean, na kumukuha na nang cake niya. Inabot niya kay Andrei yung hawak niyang platito, "Bakla ka ba?"

"No! Di ako nagsusuot ng Pink panties!"

"Good." Lumipat si Andrei dun sa upuan kanina ni Lorenzo, "Kamukha pa naman kita. Word gay is no no no! Okay?"

Lumipat ang mata ko kay Gatorade at bumalik yun kay Lean.

"Black hair looks good on you, blue head."

And yes, that's so random.

"Ahh! No, Gab! Please wag mong sabihin kay L.A yan! Ayokong maging kamukha yaaan!"

"Pero kambal kayo di ba?"

"Pero mas pangit siya!" turo ni Lean kay Gatorade. "He doesn't even use face mask!!"

"Vain."

"No, L.A. That's just being healthy and good to your face and self!"

"Still vain."

Nakakatuwa silang panuorin. Seryoso lang ang expression ni Gatorade habang si Lean mukhang inis na inis na. At may isang batang inosenteng kumakain at nanunuod lang sa kanila.

Hinawakan ko ang buhok ni Andrei at ngumiti nung napatingin siya sakin. Mas ngumiti ako nung ngumiti siya pabalik sakin, "Gab, birthday ko."

"Talaga? Kelan?"

Binitawan niya yung hawak niyang tinidor at bumaba sa upuan. Tumakbo siya dun sa isang maliit na lamesa pa dito sa dining area kung nasan ang maliit niyang bagpack. May kinuha siya dun saka bumalik sa upuan niya. Iniabot niya sakin ang isang invitation na may picture niya at pangalan niya, in bold red colors.

"Lapit na!" Itinaas niya ang apat niyang daliri—four years old na siya. Sa January 26. Sa Laguna yung address, siguro sa residence to nina Lorenzo. "Punta ka."

"Sure, Andrei."

Natatawa ako kasi casual niya lang ako laging tinatawag na Gab. Okay lang naman sa'kin. Wala naman kaming formal relationship ni Andrei and besides, bata pa siya.

"Pupunta din si Mommy! Di ba, Daddy?"

Di ko alam pero naramdaman kong bumagsak yung labi ko. Tumingin ako kung kanino nakatingin si Andrei. Nakita kong marahahan na tumango si Gatorade kay Andrei. Doon ko lang ulit naalala na ang mommy ni Andrei ang third client ni Gatorade.

Tumama ang tingin sa'kin ni Gatorade pero mabilis niya lang ding binawi yun. Sa tingin ko alam na niya na alam ko kung sino ang mommy ni Andrei.

"Patay!" biglang tumakbo pabalik si Lorenzo sa dining area hawak hawak ang box ng yema cake. "Nakalimutan ko!! Pataaay!!! Papatayin niya ako!"

*

Same day.

11:43 | Night | Airport

"Welcome back, ma'am."

"Thank you."

I grabbed my luggages and put it on my cart. Hoo. I can't believe that I'm finally here... well, again. I looked outside the window and at my watch. Hope that my big brother remembers that he have to pick me up today... or else I'm so going to punish him!

It's very hard to get booked, lalo na Christmas season pa naman and like me, maraming gustong umuwi ng Pinas. I turned my phone on to call Kuya at dumiretso na ako sa labas.

"Pick up, you idiot." I roamed my eyes around to check if he's here. Oh no, don't he dare not to show up today. "I'm so gonna kill you, Kuya."

Where is he?!

"Excuse me, Miss?"

"Hm?" Ibinaba ko na yung phone ko at tumingin sa likod ko. "Yes?"

"Ms. Lovely Alicaway?"

I can feel the lines on my forehead. Tiningnan ko siya head to toe and checked the placard he's holding. I read my name printed on it. "Who are you?"

"I'm Ivan, ma'am. I'm here to pick you up."

"Ivan? Are you my brother's friend?"

He simply nodded...ah no, actually he's too formal and to think that he's younger than me.. Or he just looked too young for his age? I really can't tell.

"Where's my brother?"

"Quezon Province, ma'am."

Quezon province?! Why is he there and why didn't he pick me up? Great. I have enough reasons to kill him. He is so dead. I looked around. Well, it's too early to be mad at him. I still need sleep. Thanks to my jetlag.

"Then where are you taking me?"

He formally gestured, "This way ma'am."

The way he calls me ma'am is really creepy. Sinundan ko lang siya at dun ko naalala na may mas dapat akong intindihin, "Is my son with him?"

"Yes ma'am."

"I want to see them."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro