Chapter 16
Chapter 16
December 29, 20xx
Saturday
[Alexa Gabrielle's POV]
Janina Velazco posted
Guys! I hope you're in Quezon right now. Tara kita tayo? My place! Kind of "reunion" na din. It's been two years at hindi naman siguro masama kung magkaroon tayo ng little get together and mag-catch up, right? Well, hope to see you all this Saturday!
Like · Comment · Follow Post · December 20 at 5:54pm
Seen by 25
View 40 comments
"And what do you want me to do?" Nacurious akong napatingin kay Bebs. It's very unusual of her to come here, take note maaga pa. Wala pang lunch. Well, it's not really unusual.. pero since may "awkwardness" na naman dahil dun sa nangyare sa bar.
"C'mon bebs. At least accompany me!" She pouted her lips. Uh-oh. Not that again. "Might as well enjoy our stay here, di ba? Like Janina posted, two years na!"
Janina is our class president since we entered high school as far as I can remember. Matagal na siyang nagpopost sa group namin pero hindi ko naman binabasa or sobrang tagal na bago ko mabasa—yung tipong nangyare na yung get-to-together tapos saka lang ako maiinform. Well, kahit naman advance kong mabasa hindi rin naman ako sasama.
"Dominique," napatingin ako sa likod ko. Nakita kong nagaasikaso yung mga maid para sa out of the town trip namin for New Year's. "Nakalimutan mo na ba?"
"Forgot what?" Sumilip siya sa likod ko. Umalis ako sa gitna ng upuan at pinakita sa kanya ang mga maleta. "Uh-oh. Out of town trip."
Every year, it's either nasa Manila kami with my grandparents sa side ni Mama or sa isang rest house namin sa Laguna. We don't really celebrate New Year's dito sa bahay. Ewan ko ba. Hindi ko naman din kasi tinatanong kung bakit.
"Ehhhh. Ngayon na kayo aalis?" Medyo nagiging komportable na ako sa actions ni bebs ngayon. Wasn't expecting her to act like this. Goodbye love problem na ata? "Akala ko bukas pa!"
"It's always on 29th bebs." Traffic kasi.
"Don't go bebs! Pleaaase?"
I shook my head. "Bebs, do you want me to celebrate alone?"
"Hello bebs?" Bigla niya akong sinamaan ng tingin, "Anong tingin mo sa'kin?"
"Bebs.."
Napatingin ako sa baba nung may naramdaman akong lumapit sakin. Di ko mapigilang mapangiti nung dala-dala niya yung suklay niya habang winewave ang buntot niya. He wants me to brush his fur.
"Di naman sa ayaw kitang samahan bebs," bumaba ako para kunin yung brush sa bibig ni Laelle. Dumapa siya, ready for brushing. Clever dog. "Hindi lang kasi ako pe—"
"Tito!!"
Sabay kaming napatingin ni Laelle sa likod namin. Pumasok na si bebs sa loob, nakakapagtaka kung bakit hindi siya pumasok kanina o bakit hindi ko siya pinapasok sa bahay. Ohwell.
"Oh! Veena!" The usual, papa is on his hype mode. "How are you? Merry Christmas! Did you get a present last Christmas Eve? I've been a good man! Santa gave me a good present. How about you? By the way, gusto mo bang sumama samin sa Laguna? Tara! Ay! Alexa, go pack up!! Andito na—"
"Papa!" / "Tito!"
"Bakit??"
Napailing nalang ako sa bilis ng bibig ni Papa. Hindi halata pero naexcite yan at nakita si bebs today. Since Christmas break, hindi kasi pumupunta si bebs dito sa bahay. Ganyan din si Papa nung umuwi ako dito plus the bear hug!
Binuhat ko si Laelle para madala ko siya papunta sa kwarto. Pack up na daw kasi.
"Merry Christmas din tito!" Mabilis na yumakap si bebs kay Papa. Awkward hug since seryoso mukha ni bebs. Uhhhh. "Please don't let bebs come with you! Pleaaaaaseee!!"
"But..." napasimangot agad si Papa. "Why?"
"Bebs, importate kay Papa ang family gatherings. Ayaw niyang maiiwan ang unica hija niya."
Tiningnan lang ako ni bebs pero bumalik agad siya kay Papa. "Please tito? This year lang naman. Let her skip. Please? Please? Please?"
"But Veena, it's a tradition to us to see the whole family or at least have a vacation during holidays."
"I know tito.. Pero kasi we have this reunion kasi tonight. It's not bad naman to see our high school classmates di ba?"
Nahuli ko ang tingin ni Papa and based on his expression hindi niya alam ang sasabihin niya. Nashock yan sa tanong. It's very unexpected.
"Sige na tito. I'll take care of Gab naman. She can spend New year with us!"
"But we already made plans and her mom won't agree." Papa sighed, "You know your Tita, Veena. She's very strict."
Napasimangot naman si bebs sa sinabi ni Papa. Kaya di rin ako nageeffort na magtanong. Alam ko na kay papa may chances na payagan ako pero kay Mama? Meeh. Ikaw na mismong a-agree sa desisyon niya kahit hindi pa niya naiilatag sa harapan mo ang kumpletong listahan ng rason kung bakit kelangan kang umagree sa kanya.
"Ah!" Nagulat kami pareho ni Papa nung biglang magtatalon si bebs at all smiles. Wth? "Honeymoon! Honeymoon! Honeymoon! Ohmydee!!"
WHAT THE—
Ha--Honeymoon? O__O
Papa's reaction: O___O - > O////O -> >/////<
Ghad, papa! Noooo!
"Di ba Tito? Di ba? You've been busy at holiday lang talaga ang chance niyo to be with Tita! Another honeymoon tito!" Nagtatalon na naman si bebs, while chanting her famous line 'ohmydee.' Uhhh. "Istorbo lang naman si Gab e!"
Tinabig ko yung daliri niya nung tinuro niya ako, "Cut it out bebs. Mapapayag mo si Papa pero A-S-A ka kay Mama."
Humarap siya kay Papa na parang wala akong sinabi. Ugh. Nice talking.
"Malay niyo tito! Hmmm.. Ah! You can have Alejandro Gabe! Ohmydee. He'll be cute for sure." Napaurong ako nung biglang lumapit sakin si bebs at pinisil ang pisngi ko, "Just like Gab, right tito?"
Wth. Did he just nod? Namumula pa ang pisngi!!!
At teka nga lang!!
"Anong Alejandro Gabe ka dyan!"
"A name for you future baby brother! I'm so good at making names you know!" She said with a tone of 'as a matter of fact'. Wow, ang bilis niyang makapagisip ng pangalan. But!! That's not the case. Anong meron sa future baby brothe—Oh.
"Gusto mong makuha ang buong oo ni Papa para hindi ako mapasama." bulong ko sa kanya.
"Yep! You're too slow, bebs!" Ngumiti siya at nagtwinkle na ang mata niya, those eyes that I haven't seen for months! Naglakad siya paikot ikot sa'kin saka dumiretso kay Papa at nilink ang dalawang braso nila. "What do you think, Tito? It's not bad celebrating Holiday with Tita... alone."
It gave me shiver when I heard her saying alone.
"Alone?"
"Yes Tito! And baby Alejandro Gabe!"
"Junior!"
"Yes tito! Junior!!"
What the hell! PAPA!
Napatigil kaming pareho nung biglang humarap si Papa kay Bebs at hinawakan ang magkabilang balikat nito. Ah.....anong nangyayare kay Papa? Napatingin sakin si bebs, I think she's asking for why and help. Pero kahit ako nagulat.
"Ti....to?"
"Alejandro Gabe.." Napansin ko lang na nagpipigil ako ng paghinga nung bitawan na ni Papa si bebs at pareho kaming napabuntong hininga ni bebs. "Yes. Alejandro Gabe."
"Papa?"
"Shh!! Quiet, princess! Alejandro Gabe is coming!"
No.
Napanganga ako sa sinabi ni Papa. Nagawa ni bebs. Nahypnotize niya ang Papa ko!
"Yes!" sigaw ni bebs nung pumasok na ulit si Papa sa office niya. "You owe me, bebs!"
"What? Anong I owe you? I didn't ask you to do that!" Napailing ako nung maalala ko ang sinabi niya kay Papa. "And wth bebs! Alejandro Gabe?"
"It's a good plan, right?" pinataas baba niya yung dalawa niyang kilay. Gaaah. Nagtatalon siya at nagpapalakpak. "Party later!"
Tinawag ko siya nung papalabas na siya ng pintuan, "Yes, you got Papa pero it's impossible na mapapayag mo din si Mama."
"Oh really?"
Nagtaka ako nung ngumiti siya sakin at sa tono ng pananalita niya parang hindi man lang siya natakot o nagdalawang isip sa mangyayari. I know, I kind of missed my best friend's hype mode pero.. sudden change? It's creepy.
******
Tumingin ako sa maleta nasa ibabaw ng kama ko. Matapos ng napakahabang stressful days dahil sa mga complaints ng kliyente ko—kelangan ko ng pahinga! Malapit na ulit ang pasukan at hindi na dapat sayangin ang mga araw na 'to.
Napatingin ako kay Laelle nang bigla siyang tumahol. Napangiti ako nung winagayway na naman niya ang buntot niya. Kahit siya may sarili niyang bag para sa mga gamit niya. Masyadong spoiled kay Papa simula nung dumating kami dito sa Quezon.
Papa! Alejandro Gabe! Ano bang iniisip ni Dom at kelangan niyang gamitin yun? But I should be proud. She brainwashed my father. Agree naman ako na kahit wala ako dito sa bahay, busy si Mama at Papa dahil sa business namin.
But that doesn't mean kelangan nila ng bagong baby.
Argh. Pati ata ako nabrainwash.
Napatingin ako sa bintana nang marinig ko ang busina ng sasakyan. Andyan na si Mama. Sinarado ko na yung maleta ko at ibinaba yun sa kama. Bumaba na din si Laelle at kinuha ko yung bag niya. Nauna pa siyang lumabas sakin sa kwarto. Bumaba na ako at isinama ang maleta ko sa mga gamit ni Mama.
"Alright, remind everyone that I'll be gone until 3rd day of January. But if anything happens, just let me know." I smiled at her when our eyes met. "Okay. Bye."
"Hi Ma."
"Where's Gabriel?"
"Office." Like you, ayaw niyang magsayang nang oras. Kahit last minute. Business! Pero naiintindihan ko naman sila kasi wala na rin naman silang mapagkaabalahan. At kahit ganon, hindi naman sila nawawalan ng oras para sa'kin.
"Are you ready?"
"Yes."
Nagpunta siya sa tapat ng pintuan ni Papa. Noong kakatok na dapat siya, nagulat kami pareho nung buksan ni Papa yung pintuan at agad na hinawakan ang wrist ni Mama.
"Alejandro Gabe!"
"What? What are you talking about, Gabriel? Who's Alejandro Gabe?"
"My baby boy!"
"Gabriel! Stop! What are you talking about!?"
"Papa!"
Lahat kami hinabol si Papa. Inisa isang kunin ng mga maid ang mga maleta at sumunod sa labas. Wala naman akong nagawa kundi sumunod din at ineexpect na pati yung gamit ko dadalhin nila. But heck no! They didn't!
I saw bebs smirking beside our car. She's with Alex! He's innocently waving and smiling at me.
"Gabriel, what's the meaning of this? Calm down!"
"Honey, Gab asked me if she could stay."
"Papa, I didn't!" Napatigil ako noong biglang humarap sakin si Papa at nagpout. I'm begging you! Not that!! Noong humarap na si Papa ulit kay Mama, automatic na tumingin ako kay bebs.
"I agreed. She's staying with Veena!"
Napatingin si Mama kay Dom. She sweetly smiled at Mama na parang wala siyang kinalaman kung bakit ganito si Papa! "Why sudden changed of plans, Gabriel? You know—"
"Alejandro Gabe!"
"Who is Alejandro Gabe?"
"Our bunso!!"
"What?—Gabriel!" Pinapasok ni Papa si Mama sa loob ng sasakyan at nagsignal kay Manong na pumasok na sa driver's seat. Mabilis na gumalaw lahat ng maid at nilagay ang lahat ng maleta sa sasakyan.
And all I did was stare.
"I love you so much, Princess!" sigaw ni papa noong nagsimula ng umandar ang sasakyan.
"Mission success!!"
Lumapit sa'kin si Alex at kita kong iginagalaw niya yung kamay niya sa harap ko pero wala akong ginagawa. Hindi ako makapaniwala na kayang gawin ni bebs yun kay Papa at a whole new level! Talk about her persuasiveness! At ang resulta, kahit si Mama hindi nakapagreact ng ayos! Remind yourself, Gab: Never. Never underestimate Dominique Veena's power.
"Stop." Kinuha ko ang kamay ni Alex para patigilin siya. Hindi naman ako nakatulala e. "Anong meron?"
"Dom asked me to pick you up. Sasama ka daw sa reunion."
Umiling ako at tiningnan siya from head to toe ng dalawang beses para lang makasigurado. "That's not what I meant. What's with the nerdy get up?" Nakapolo siya ngayon at nakabutones yun hanggang sa top button. Hindi nakawax ang buhok niya. At! His thick glasses are back. "Nerdy Fajardo."
"Psh. Gusto niya lang kasing irevive ang highschool spirit niya." singit ni bebs. At di na ako nagtataka na hila hila niya ang maleta ko.
"Hindi naman sag anon, Dom. Ayoko lang na masyadong ma-shock ang mga kaklase natin. Alam mo naman ang mga gwapo nga-Aw! Lahi ba kayo ng mabibigay ang kamay!"
Natawa nalang kami ni bebs dahil pareho naming hinampas si Alex sa braso. Yabang lang di ba? Pero sinamaan ko ng tingin si bebs nang marealize ko na may kasalanan pa siya sakin.
"Namiss ko lang yung dati kong itsura! Walang sakitan. Pinapalaganap ang world peace!" Kinuha na ni Alex yung maleta sa kamay ni bebs, "Sige na. Ihahatid ko pa kayo kay na Russ."
"Russ? Bakit kay na Russ?" tanong ko.
"Basta. Mauuna kasi ako sa inyo!"
Tinawag ko yung isang maid para kunin si Laelle at ang maleta ko. Mukhang hindi ko makakasama si Laelle ngayong gabi. Hindi ko rin naman siya madadala sa pupuntahan namin dahil for sure, mahihirapan lang kami pareho. Nagpaalam na ako sa maid at pinaalalahanan na bantayan si Laelle.
Sumunod na ako kay bebs at kay Alex, risking my night to them. Humihiling ako ng pahinga pero mukhang kelangan ko ng magpaalam doon. I doubt that it will be just a "reunion". Kung reunion yun ng high school barkada, literal na party ang sinasabi nila.
Dumiretso na kami sa bahay nina Russ. Pinababa na kami agad ni Alex dahil nga mauuna siya sa venue. Ano na naman kayang pakulo ng lalaking 'to? May sinabi pa siyang: Andyan nga pala siya. Pero hindi na kami nakapagtanong dahil nagdirediretso na siya.
"I think we should go back."
"Gusto mong masaktan?" Sinimangutan niya ako. Hindi yan ieepekto!
"Beeebs! Uwi na tayo. Ihahatid kita sa Laguna!" Ano bang meron? At kanino bang plano 'to?! "Ohmydee. I'm sorry!"
Kumatok ako sa pintuan at tuluyan ng hindi pinansin si Dominique. Tumalikod ako para lingunin si bebs at mukhang natataranta siya. Nagkakaroon na din ako ng conclusion kung sino yung sinasabi ni Alex. Let's say karma na din niya 'to dahil sa ginawa niya kay Papa at they need to talk.
"Sino po sila?"
Napangiti ako nang narecognize ko yung boses sa likod ko. Humarap na ako sa pintuan. "Hi Rinrin."
"Gabby!" yayakapin dapat ako ni Rinrin tulad ng ginagawa niya pag nakikita ko pero napatigil siya nung nakita niya yung tao sa likod ko.
"Si Russ?"
*****
Malapit lang bahay nina Janina dito kay na Russ kaya hindi na namin kelangan magsasakyan. Maarte lang talaga si Alex. Kasama namin si Rinrin dito sa reunion. Wala rin kasi siyang kasama sa bahay nina Russ. At yung kaninang hype na bestfriend ko? Ito, tahimik sa tabi ko at gusto atang malasing sa juice.
"I thought you're excited about this." I teased her. She pouted her lips in return. "Alam mo, you still have to talk to him sooner or later kaya there's nothing wrong to see him now."
She sighed, "It's a different scenario, bebs. It's Rinrin. Pakiramdam ko kasi, I just molested a kid."
"Dominique!"
"I know it sounded wrong but I know you get me."
May point siya. Hindi dun sa part na she molested a kid but dun sa kid part. Alam kong kasing edad lang namin si Rinrin pero iba kasi ang personality ni Rinrin from the rest. Kung tutuusin, para kasing nakakabatang kapatid namin si Rinrin.
"Pero hindi naman dahil ganun siya, hindi siya mature o kelangan nating mag-expect ng mas mababa sa kanya."
"Alam ko naman yun bebs." Napatingin ako sa likod ko, andoon si Russ at Rinrin. "Hindi ko kasi alam kung pano siya iaapproach. At sa pag tingin palang niya sakin, pakiramdam ko ayaw pa niya akong makausap."
Masaya ako na kahit papano bumabalik na si bebs sa dati pero nag-aalala ako na para bang iniisip niya na mali ang mga desisyon na ginagawa niya kaya akala niya kumplikado ang lahat.
"Nakausap mo na si Marie?"
Umiling siya, "She's denying my calls. Kahit sa chat, wala."
"Si Cymone at Leah?"
"Okay kami. Intindihin ko nalang daw si Marie. Nasa sulking and bitter stage daw kasi nga quote-precious crush-unquote ni Marie si Rinrin."
Napangiti ako nung naimagine ko kung pano magexplain si Cymone at Leah kay Dom. Just like Rinrin, para silang mga inosenteng bata.
"Dominique! Gab!" Napatayo kami ni bebs sa sofa nung lumapit samin si Janina. "Wow! The 'Delos' are here."
"We were called like that before. Delos twins!" Delos Reyes and Delos Santos. Tinawag kaming ganun dahil napapagpalit nila ang surnames namin ni bebs so they stuck with Delos nalang.
"How are you guys? Buti nalang pumunta kayo!"
"Well, hindi ba namin mapapagbigyan si Ms. Pres?"
"Loka!" Napangiti ako. Naaalala ko na ganito nga din pala kakulit ang batch pres namin. "Anyway, just call me if you need anything?"
"Ms Pres.. mother-like as ever. Right bebs?"
"Ikaw Dom ha. You never change! Pati ikaw Gab. Para parin kayong Yin Yang."
Yin Yang? I'll do the quiet part and bebs will do the maingay part. Init lamig. That's us since highschool until now. I smiled at Janina. Pati siya, hindi pa rin nagbabago.
Napatingin kami sa palagid nung may tumunog na kanta, loud enough para marinig sa buong bahay nina Janina. I looked outside to check kung madilim na ba.
"You enjoy, okay?"
I was about to nod pero nagtaka kaming pareho ni Janina nang pigilan siya ni Dom, "Can I talk to you?"
*****
[Third person's POV]
"I was really expecting this." Malumanay na ngumiti si Janina kay Dominique. Alam niyang pupunta dito si Dominique hindi dahil sa reunion pero dahil sa isang bagay na gusto niyang pagusapan. "You need help."
Dumiretso ang dalawa sa veranda. Kita dito ang swimming pool na nasa likod ng bahay nina Janina. Andoon ang mga kaklase nila. Tulad nang nakaraan farewell party, ganito pa rin kasaya ang batch nila. Hindi mo aakalain na nagkahiwa-hiwalay sila ng dalawang taon.
"Alam mo?"
"Oo naman." Sumandal si Janina sa railings at pinanuod ang mga kaklase nilang nagkakasiyahan sa baba. Ngumiti siya. Miss na miss na niya talaga ang buong batch. "Kilala ko siya noong highschool palang tayo. They're friends with Alex and Russel. I was the Class President. Bumisita sila sa school dati. And I am no Class President kung hindi ko alam ang nangyayare sa paligid."
Si Marcus. Hindi naman itatanggi ni Dom na siya ang dahilan kung bakit pumunta dito. Hindi niya ikakaila na kahit ngayon, gusto pa rin niyang malaman kung anong nangyayare kay Marcus ngayon. Masyado siyang naattach kay Marcus na hindi na niya alam kung pano humiwalay.
"You're his former client, di ba?" Hindi alam ni Dom kung paano sasagot. Nahihiya na totoo ang sinasabi ni Janina.. "Ano ka ba, naging girlfriend niya rin ako."
That answered everything. Laging tinitingnan ni Dom ang profile ni Marcus sa BFC. Nakikita niya ang mga fans ni Marcus at dahil dun nakilala niya ang isa sa mga naging client ni Marcus noon. Ang president nila, si Janina.
"I was his third client." Lumapit si Janina kay Dominique, "Go, Dominique. I can help you."
Nakailang tungo at tunghay si Dom. Ni hindi niya matama ang mga mata sa President nila. "Ohmydee! This is very frustrating!"
"Kelan ba kayo nagbreak?"
"Last September." Dominique sighed, but a sign of relief. Hinahanap pa rin niya ang comfort niya sa usapan na 'to.
"Itanong mo sa'kin." Natatawang sabi ni Janina, "Kung gano katagal ako nakamove on sa lalaking yun."
Tiningnan lang ni Dom si Janina. Nakangiti 'to na parang nahihiya siyang maalala ang nangyare noon o iniisip nalang niya na it's worth the shot anyway.
"We broke up April last year at narealize ko nalang na nakawala na ako sa kanya nong nagusap kami noong birthday niya. February this year."
'Ganun katagal?' Dom wanted to ask that pero wala siyang lakas ng loob para sabihin yun. She's still wondering kung bakit ganun ang ngiti ni Janina at kung bakit alam niyang naging client din siya ni Marcus.
"Normal lang 'yun, Dominique. Pupunta talaga tayo sa ganyang stage. And you should know that since you had relationships before." But the problem is, kahit alam na ni Domique 'yun hindi pa rin madali para sa kanya. "Pero naiintindihan kita, alam kong iba si Marcus. He won't be the Marcus Lau for nothing."
Napangiti si Dom sa sinabi ni Janina.
"Pero hindi rin ibig sabihin noon na dahil naiiba ang relationship mo with Marcus dahil failures 'yung iba, ibang routa ang dadaanan mo."
Nararamdaman na ni Dom ang lungkot. Ayaw na niyang magsalita si Janina. Naiisip niya na hindi nalang dapat siya pumunta dito. Pakiramdam niyang pinahiya siya. Ramdam niya ang sakit kasi totoo. Tama ang sinabi ni Janina.
"Paano mo nasasabi 'yan? First boyfriend mo naman si Marcus, di ba? Hindi ka nagka-boyfriend nung highschool ta-" napatigil si Dom nung mapansin niyang tumaas na ang boses niya. "Sorry."
"Requirement ba sa moving on ang bilang ng napasukan mong relationships?"
Matalino si Janina. Hindi niya kayang pinagdudahan ang kakayahan ng President nila. Sabi nga nila noon, +5 years ang maturity level ni Pres compare sa ibang Seniors.
"Kahit simple infatuation yan, crush mo lang siya o kahit umabot kayo sa pagiging MU o friends lang kayo.. dadaan yan lahat sa proccess ng moving on. Kasi naging parte siya ng buhay mo. You can't just easily let go of someone you've considered special."
Gusto sanang pigilan ni Dom pero wala na. Hindi na siya nakapagipon ng tamang lakas ng loob para dito. Umiyak siya. Umiyak siya sa harap ng taong hindi niya kaclose, sa isang taong hindi niya ineexpect na makakausap niya ng ganito.
And guilt hit her. Naalala niya ang bestfriend niya na pinilit niyang sumama sa kanya. She sacrificed her bestfriend's time with her parents para lang samahan siya dito sa reunion. There was a hidden agenda: Gusto niya lang kausapin ang naging dating client ni Marcus. At ito siya ngayon, umiiyak.
"Bakit ang hirap?"
Janina shook her head, "It's not hard.. Tayo lang ang gumagawa ng reasons and doubts kung bakit nagiging mahirap."
"Anong ginawa mo?"
She admits it now to herself. Nahihirapan siyang pakawalan si Marcus. Takot siya dahil naging basis na niya ang previous relationships nila. Yung una niyang boyfriend, isang laro dahil "uso". Second boyfriend niya? Playboy. Third boyfriend niya? Nerd na nagtwo time.
What's wrong with me? She asked herself. Am I not worthy enough? Dun niya naaalala ang sinabi ni Gab sa kanya dati na ang mga katulad niya lang ang maniniwala sa BFC. Bull's eye! Nandoon na ang word na desperada.
"Ano nga bang ginawa ko?" Napatungo si Dom nung lumapit si Janina sa kanya. Nagulat siya nung punasan nito ang luha niya, "Ang alam ko lang, you have to be strong and learn how to accept the fact that it's worth the shot."
It's worth the shot.
"It's worth it, right?"
Tumango si Dom, trying to sink everything in kahit masakit at mahirap, she'll do her best. This is her first step. She wants her old self back, "Yah, it is—he is."
"Atta girl! And besides, some people deserve to take that shot, too."
"What do you mean?"
Tumingin si Janina sa likod ni Dominique. Hindi napigilan ni Dom at tiningnan kung sino yun. "He's waiting. Why won't let him?"
Naalala nya ang sinabi sa bestfriend niya kanina, I think I just molested a kid.
*****
Alexa Gabrielle's POV
Katulad ng dati, hindi ko talaga forte ang magcatch up. Hindi naman ako close sa classmates ko noon. And I don't really care if they can't recognize me already. What's the term for it? Ah. Noncomformist.
Second reason is--hindi ko na rin sila lahat makilala.
Pumunta ako sa likod para tumingin sa pool. Nakasalubong ko sina Ryan at Josef—ilan sa mga mabibilang sa kamay na natatandaan ko kung sino.
"Uy! Gab!" Si Ryan. Ang tanda ko, since elementary, sila na lagi ang magkasama.
"May naalala ako, Ryan." Biglang sinuntok ni Ryan ang braso ni Josef. Dahilan? Di ko alam. Tulad ng dati, hindi ko talaga maintindihan ang trip nila. Pero nagulat ako nung bigla akong inakbayan ni Josef. "Remember, Gab? Sinutok mo lang naman si Ryan dati. Black eye!"
"Gago ka talaga, Josef."
Sinuntok ko siya dati? Pero mas nagtaka ako nung bakit gumaan ang braso ni Josef sa balikat ko. Sabay kaming napatingin sa likod namin. Walang expression niyang tinanggal ang nakasabit na braso ni Josef sa balikat ko.
"Grabe naman, tropa! Hanggang ngayon ba naman?"
Hinila ako ni Russ palapit sa kanya.
"Ayos, Russel!" Pabirong ginulo ni Ryan ang buhok ni Russ. "Totoo palang kayo!"
"Akala namin forever friendzone nalang ang buhay mo, e!"
Napatingin ako kay Russ at halatang ayaw niya akong tingnan. Tinakluban niya ang dalawang tenga ko, ibig sabihin ayaw niyang marinig ko ang mga sinasabi ni Ryan at Josef. Akala naman niya di ko talaga maririnig kahit takpan niya.
"Naman, pare, ang possessive!" biro ni Ryan pero sila lang naman ni Josef ang natatawa.
"Yan ang boyfriend!"
They're getting it all wrong. Pero wala kahit isa samin ang sumita sa kanila. It's because we're not that interested at iniisip namin na it's just a waste of time and energy. Meh. To sum it all up, we're just boring.
May tumawag kay na Josef at Ryan kaya iniwan na nila kami ni Russ. Walang imik akong hinila ni Russ papunta sa side ng pool. Umupo siya dun at mahinang tinapik ang tabi niya.
"Without a word, my 106th confession got rejected."
Hindi ko mapigilang matawa dahil faithful siya sa pagbibilang niya. Ni hindi nga namin alam kung aabot siya sa 500th confessions niya. Umupo ako sa tabi niya at ibinabad ang paa ko sa pool.
Inoffer niya sakin yung hawak niyang bote ng beer pero tumanggi ako. Natahimik ang paligid namin nung magbago ang music. Rainbow by Southborder. Maraming nag-react na ang corny raw pero maya maya may mga nag-offer na na makipagsayaw at dumami na rin ang nakigaya. Kahit yung mga nasa tabi ng pool at mga nasa pool. Para kaming nasa isang informal prom.
"..so baby, just smile. Coz I'm always around you—"
"Bakit ka tumigil?" Iniwas niya ang tingin niya sakin. Hindi ko mapigilang mapangiti. "Uy! Ba't ka tumigil sa pagkanta?"
Pinadaanan nya lang ako ng tingin saka siya tumungo. Tatayo siya dapat nang hawakan ko siya sa braso. At doon na ako napatawa. Bakit? Nahihiya pala ang isang Russ Hyuuga! And he's actually turning red!
Mabilis niyang kinuha yung beer at ininom yun. Nabigla ako sa ginawa niya. So ganito pala mahiya si Russ? Mas namula pa lalo ang dalawang tenga niya. "Wag kang tumingin."
"There's a rainbow always after the rain~"
"Stop it, Gab." Iniwas niya ang tingin niya sa'kin kaya napatingin ako sa mga taong nagsasayaw sa paligid namin.
Gusto kong alalahanin ang mga nangyare noong highschool kami. Maybe tama rin at sumama ako kay bebs dito. It's nice seeing your highschool classmates once in a while.
"Pare, pengeng isa."
Lumapit yung isang familiar na lalaki samin at inabutan ng isang bote ng beer si Russ. Wala naman akong nagawa kundi ngumiti. I can't remeber his name. Pinagalaw ko lang ang paa ko na nakababad sa tubig. Nakikinig sa kanta.
"Never have I ever kiss Gab!"
Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong juice nang sumigaw si Alex sa likod namin. Kelan pa siya dumating? Pareho kaming napatingin ni Russ kay Alex na umiinom sa beer niya.
"You kissed.." Tumingin si Russ sakin tapos kay Alex.
"Oo, sa Korea. Di ba, babes?" Automatic kong tinulak si Alex nung naramdaman kong aakbayan niya ako. "Sama ng ugali nito!"
"Lasing ka na."
Mabilis siyang nag-Indian sit sa likod namin at pinalaki ang dalawang mata niya, "No, I'm not."
Biglang tumahimik—no, mas tumahimik pa lalo ang isa naming kasama.
"Haha! Patawarin mo ako, mahal kong kaibigan. Napagtripan ko—" Sinamaan ko ng tingin si Alex nung sinabi niya yung word na napagtripan. Anong natripan? "Wrong word! Wrong word!"
Tanggal na ang top button ng polo shirt ni Alex at hubad na niya yung salamin niya. Ilan na kaya ang nainom niya? Ito ang unang beses na nakita ko siyang ka-pula...at makulit.
"Your turn, Gab! We're playing." He gave me a lazy look while pouting his lips.
"Never have I ever had been busted before."
"Wth! Lecheng comeback 'yan!" Halos maubos ni Alex ang beer na hawak niya. I only intended to have revenge on him pero doon ko lang narealize na maling statement ang nagamit ko.
Pati si Russ, uminom.
"Pang-ilan na ba pare?" Inalis ni Russ ang braso ni Alex. "Meh. Wag ka ng magtampo kung nahalikan ko si Gab noon. Like dude, you can kiss her din naman!"
"Ayy!" Napatuon ako kay Russ nung tinulak ako ni Alex. Ghad. He's really drunk.
Tumingala ako kay Russ pero iniwas niya ang tingin niya sakin, "Never have I ever been mad at Gab."
"You guys are doing it on purpose!!"
Inayos ko na ang upo ko habang inubos ni Alex ang laman ng boteng hawak niya. He really did it on purpose. Sa tingin ko, inis si Russ ngayon kay Alex pero wala din naman siyang magawa since may tama na din si Alex.
"Ah! My turn!" Ibinaba niya ang bote at tinuro ako, "Never have I ever loved her."
And as if on cue, itinaas ni Russ ang bote at inubos ang laman nun. Tinapon niya palayo sa kanya yung bote at humarap sa side taliwas kung nasaan ako.
"That's my man!" sigaw ni Alex bago tumumba sa side ng pool.
Wala. Taob na ang lolo niyo.
Naagaw ni Russ ang atensyon ko nang frustrated niyang ginulo ang buhok niya at humarap sa pool.
"Hinalikan ka niya talaga?"
*Bathump bathump*
"Ah kasi.." Di ko alam na siya yun! Sht. Paano ko ba ieexplain?! Biglang nanlamig ang mga kamay ko nung tingnan niya ako. Tampo ba siya? Hindi. Naiinis ba siya? "Hindi ko alam na..."
"Gago ka pare." pabirong sinuntok ni Russ ang tuhod ni Alex.
"Ha-ha. I know. Peace!"
*Bathump bathump*
Kinakabahan ako. Ngayon ko lang kasing nakitang ganito si Russ. Ngayon ko lang nakitang ganitong katransparent si Russ. Namumula ang buong mukha niya plus epekto ng beer sa kanya.
"Honestly Gab, Russ was the reason why I was mad at you." Dahan dahang inayos ni Alex ang pwesto niya at saka tumayo. "Ahh. I need more beers."
Naiwan na naman kaming dalawa ni Russ. Hindi pa rin kumakalma ang pakiramdam ko. Kinakabahan pa rin ako sa tingin niya. Pakiramdam ko napuputol ang paghinga ko tuwing magtatama ang mga mata namin.
May kinuha siya na kung ano sa bulsa niya at bigla niya akong hinigit papalapit sa kanya. "Hmm!!"
"I know it's too late." Pinunasan niya ang labi ko. Masakit! Gusto ko siyang itulak palayo pero hindi ako makawala.
"Hmm!" Make him stop!!
Inipon ko lahat ng lakas ko para pigilan siya pero fail.
At may isang bagay na nagpawala ng lahat ng yun sa isang iglap...
Hinalikan niya ako.
Bumuntong hininga siya at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. Making me more unable to react. "Lance.. Tapos si Alex."
May kung anong gumugulo sa loob ko.
Paru-paru.
And that bathump bathump feeling.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro