Chapter 15
Chapter 15
December 28, 20xx
Friday
[Francis' POV]
GOOD MORNING PILIPINAAAAS! ^0^)/
Bumangon ako sa napaka-lambot kong kama na customized para sa pinakagwapong lalaki sa buong universe at binuksan ang bintana. Waaaaw. Pogi lang ba talaga ako o sadyang maganda ngayon ang sikat ng araw? Tinatanong ba 'yon? Pogi lang talaga ako. Mas HOT pa nga ako sa araw! Mwahahaha!
Kinuha ko ang cellphone ko at lalo akong napangiti sa nakita kong text. Mehehe. Nagtext kasi ang crush ko. Shhhh. Wag kayong maingay ha. Magkakagulo ang fans club ko. Anywaaaay...
"Go away."
"Good morning din!"
"Bye bye." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Wow. Di bad breath."
"Like you can really smell me. Psh."
"Tsk tsk tsk." Umiling ako na parang kita niya. "Uy. Poging pogi ng araw ngayon, badtrip ka kaagad. Uso smile! Yung labas ngipin! "
Pogi ang araw? Syempre nahawaan ko. Sa gwapo ko ba namang to!
Narinig ko ang paghikab niya, "Ibababa ko na. Good morning din."
"Ehhh? Ayaw mo ko makausap?"
"Pssh. Ibababa ko na, Francis. Iche-check ko pa si Ate." Nakarinig ako ng ilang ingay sa kabilang linya, "Thanks for waking me up."
"Utos kasi ng prinsesa ko." Pumasok ako sa banyo at nagulat ng makakita ng isang gwapong nilalang sa harap ko. Ay! Ako lang pala. Bwahahaha! "Ang utos ang prinsesa ay di mababali!"
"Ang dami mo talagang alam. Bye."
"Ba—"
Ayyy. Binabaan ako?
Kalma, Francis. Makakabawas sa kagwapuhan mo kung hahayaan mong maapektuhan ka ng stress. Hooo! Masaya ang nangyare kahapon. Tama! Masaya ang nangyare kahapon! Bakit? Abaaa! Nag-date kami ng crush ko! Hihi
Argh. Bigla kong hinampas ang magkabilang pisngi ko. Pero para akong shungang nakangiti sa harap ng salamin kahit ang pula pula na ng pisngi ko. (#^_____^#)
Tangina. Ang gwapo ko talaga.
May pag-asa pa kayang maging panget ang isang katulad ko? Oh c'mon Francis! Ikaw? Papanget? A-S-A ka!
"Conceited."
Napangiti ako nung bukang bibig na niya yung kahapon. Lagi niya kasing sinasabi yun sakin.
*Pak! Pak! Pak!*
(^_^# )( #^_^)(^_^# )( #^_^)
Tama na nga! Nahahawaan na ako ni Marcus ng talent niya e! Yun nga lang, mas gwapo ako sa kanya.
*Ting ting!*
Eh?
From: Honey Madam So Sweet
Be here @ office. Asap.
Holiday may trabaho ako?
******
@BFC
"Francis!!!"
"Yes?" ^____^
Nagtaka ako kung bakit biglang mapatigil sa paglapit sakin si Charles. Aba, anong ginagawa niya dito sa office? Wala naman silang demo di ba? ^____^)?
"Anong.." napalayo ako nung bigla niyang hinawakan ang buong mukha ko. Dirty! Dirty! "...langya. May sakit ka ba?"
"Ha?" ^___^)? "Anong sakit? Imposibleng magkasakit ang mga gwapo!"
"Hmm—Ah bale! Kelangan ko ng raket! Konti nalang pede na akong makipagdate!"
"Merits?"
"Nadali mo, manager!"
"Okay! ^____^"
"Ehh? Ganun nalang yun?"
"Oo." ^___^)+ "Ayaw mo?"
"Syempre gusto!"
Nagsimula na ulit akong maglakad, "Now shoo. Padaanin mo ang gwapo."
Napakamot nalang sa ulo ni Charles pero pinadaan ako. Aba. Anong problema nun? Ayaw niya at good mood ako? Haaaay. Ang sarap maglakad sa opisina. Kahit holiday!
Kokonti lang ngayon ang tao sa office dahil nga pagholiday, wala kaming pasok. Pinagpapahinga rin namin ang mga boyfriends except dun sa may mga clients. Di naman kasi kami ganung kabrutal! Edi yun, rest rest.
Kaya nakakapagtaka kung bakit ako pinapunta ni Madam dito sa office. Ang alam ko nasa ibang bansa siya ngayon. Well, madalas naman siyang nasa ibang bansa e.
"Ancis."
"Uy." Nagulat ako nung biglang pumasok si Marcus sa loob ng opisina ko. Akala ko secretary na ni Madam. "Bakit? Anong ginagawa mo dito?"
"Kelangan ko kasi ng tulong e."
"Tulong?" Kinuha ko yung telephone para tawagan ang secretary ni Madam. "Bilis. Pinapatawag ako ni Madam e."
"Ako ang nagpatawag sayo kay Madam. Kasi.." uneasy na umupo si Marcus sa tapat ng table ko. Aba. Aba. Nakakahalata na ako sa alagang 'to ah!
"Oy Marcus. May problema ka ba?"
Nagtaka ako nung kumunot ang noo niya, "Tinatanong mo ako pero nakangiti ka?"
"Eh?" Bigla akong napahawak sa mukha ko. <(^___^)> "Nakangiti ako?"
"Yep. Nakakatakot na nga e."
"So naramdaman mo na nung ikaw yung nakikita naming ganito?"
Biglang natawa si Marcus pero mabilis ding nawala yun. Tamo 'tong taong to. Ang KJ! Hinawaan na masyado ni Gatorade sa pagiging masungit at snobero. Hooo! Di ba nila alam na isa sa mga sekreto ng mga gwapong katulad ko ang ngiti?
"Hoy! Wag mong ibahin ang usapan." Tinakluban ko ang bibig ko. Sama ng tingin sakin e. ^__^)" <-- Di ko naman mabura.
"Yung kelangan ko.. kasi.."
Ito yung dahilan kung bakit pumayag siyang maging kliyente ulit si Mica. Napaupo ako sa swivel chair ko at nagpaikot ikot hanggang sa mahilo. Hindi ko din kasi alam ang itutulong sa taong 'to.
Unang una, wala akong pera.
"Ano bang sabi ni Madam?" Umiling siya. Tsk tsk. Di pumayag. "Nasabi mo na kay Gatorade?"
"Ayoko siyang mamroblema." umiling ulit siya. "Tsaka, may Andrei pa."
Kung sabagay. Hmmm. No choice talaga e. Kelangan niyang kumapit kay Mica. Kaso sobrang tagal pa. Pero sa tagal na yun, may assurance. "Wag kang mag-alala. Subukan kong kausapin si Madam."
"Thanks."
"Pero sabihan mo si Gatorade." Tumayo siya at alinlangan na tumingin sakin, "Aba. Bestfriend mo yun."
"Bahala na."
Lumabas na si Marcus sa office ko. Sumandal ako sa swivel chair at pailang ulit na umikot ikot. Tapos na agad ang trabaho ko? Meeeh. Nakakatamad!!
Nakakatamad...
Nakakatamad..
Nakakatamad..
*Ting!*
Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan siya.. "Ano na na-"
"Tara, date ulit tayo?"
*****
Lean's POV
"Tok tok! Tok tok! Tok tok poooo!"
BAKEEET? Waaaaah! Araw araw nalang?! Ba't araw araw nalang may mambubulabog sa pamamahay na'to? Hindi ba uso sa kanila ang pintuan at laging pintuan namin ang kinakatok nila?!
"Tok tok po!! Tok tok!! Tok tok!!"
Dumapa ako sa kama at tinakluban ang magkabilang tenga ko.
"Tok tok nga po kasi, e!!!!"
LITERAL NA SINASABI NA NYA ANG TOKTOK. HUHUHUH
Pumwesto ako ng parang nakapush up para makabangon sa kama pero laking gulat ko ng makitang may kung anong nakadikit sa unan ko.. Ano 'to— Ah sht! My precious facial mud mask!
Patay ako kay L.A nito!
"TOK TOK PO!!—DADDY!!"
Padabog na akong tumayo ako sa kama ko. Kung sino man siyang kumakatok sa pintuan at sumira ng masarap kong pagkakatulog, humanda ka! Sinira mo ang mud mask ko at paniguradong magagalit sakin si L.A dahil sa ginawa ko sa unan niya.
Mabilis akong naghilamos para matanggal ang facial mask sa mukha ko. Masamang nakatingin na binuksan ko ang pintuan—at boom!
MAY TIYANAK!
De, joke lang.
Nagtaka ako nung bigla niya akong tinuro, "Daddy?"
"Pinagsasabi" Daddy daw. "mo?"
Napaurong ako noong bigla akong tinulak nung bata. Aba!! Tiyanak ka nga! Nagtatakbo siya at tumigil sa gitna ng living room. There I noticed na wala si Gatorade sa sofa. Magulong naiwan yung unan at kumot.
"Hoy bata, trespassing ka! Uy!"
Nilapitan ko siya. Hahawakan ko dapat siya sa braso para palabasin nung bigla siyang humarap sakin at tinitigan ako. Ehhh. Ilang segundo niya akong tinitigan. Halatang nagiisip kung sino ako. Bakit niya ako tinititigan?
"Daddy?"
"Ano bang daddy ang sinasabi mo?"
"No. Hindi ka si daddy!" Nagpamewang siya at masamang tumingin sakin.
Lintek na tiyanak. Mataray! Kaya ayaw ko ng bata, e!
"Oo. Kasi wala akong anak na tulad mo."
"Bleh!!"
Aba! Gantihan kita dyan! "Bleh!!"
Ginaya ko siya at nagpamewang din ako. Lean won't lose to a kid. NEVER! Pinalobo niya ang dalawa niyang pisngi at mas sumama ang tingin sakin. Grrr. Nakakapikon ang batang 'to!!
"Andrei! Wala pa daw ang daddy mo. Nasa—oh bakit bukas ang pinto?" Napatingin ako sa likod ko. At sino naman 'to? "Oh! Sabi mo wala ka dito sa bahay?"
"At sino ka naman?" tanong ko sa bagong dating na binili na ata ang buong convenient store.
"Eh?" Halos magpatak na lahat ang mga hawak hawak niyang pagkain sa braso niya. Wow. He's eating all those? Napaurong ako nung malapitan siyang tumingin sakin.. "Sino ka?"
"Excuse me?" Umurong ako at inayos ang tayo ko. "Sino KAYO?"
"Wenzo! Wenzo!!" tumakbo yung bata dun sa lalaki. Binitawan niya lahat nung dala niyang pagkain at binuhat yung bata. "Daddy! Daddy!"
Lumingon yung Wenzo sa paligid. Teka nga lang. Trespassing talaga to! Patay ako kay L.A pag nalaman na naman niyang nagpapasok ako ng tao dito sa bahay!
Baka makabalik na si L.A. Must force them to leave! ASAP!! "Uy! Labas na kayo. Trespassi—"
"Lean."
Oh noooo! Napatingin kaming lahat sa may pintuan at nakita si L.A na hawak hawak yung helmet at jacket niya. Shoot. Shoot. Masama ang tingin niya. Laser beams?! Waaa. No pizza for tonight!! Nooooo! Yun nalang ang nagpapabuhay sa'kin sa araw araw!!
"Daddy!" Ano—daw? Nagpapadyak yung bata sa kamay nung lalaki kaya binaba na niya yun. "Daddy! Daddy! Daddy!"
"Kakadating niyo lang?" binuhat ni L.A yung bata at mahigpit siyang niyakap nito. Anong nangyayare?
"Oo. Dapat dadaan pa kami sa mall kaso mapilit si Andrei. Gusto ka na niya agad makita."
Andrei?
Daddy?
WAIT A MINUTE!!
"Hep hep hep!" Pumunta ako sa gitna ni L.A at ni Mr. Unknown guy. "Sino ba kayo?"
Umalis si L.A at dumiretso sa couch, buhat buhat pa din yung bata. "Si Lorenzo tapos...si Andrei."
"Andrei?"
Tumingin ako dun kay Lorenzo, kumaway siya sakin at ngumiti. Kinuha na niya lahat yung pagkain na nahulog sa kamay niya kanina. Tumingin ulit ako kay L.A na nilalaro si Andrei sa lap niya.
Siya ba 'yung...
Ibig sabihin?
"Ivan!!" Tumakbo ako sa pwesto ni L.A at tinulak siya. Kinuha ko yung phone niya sa bulsa niya at agad na dinial ang phone ni Ivan.
"Lean naman! May hawak akong bata!"
Whatever. I need to talk to Ivan, noooow!
"Sir."
"Come. ASAP."
"Okay, sir."
I hung up the phone and pushed it back to L.A. Ni hindi ako tumingin sa kanila, dumiretso ako sa kwarto. Sinara ang pinto at ni-lock yun. Kinuha yung maleta ko para makuha ang secret box sa loob. I immediately entered the password.
"Open.. open.."
Pagkabukas nung box, I grabbed the phone and turned it on. Nung nakita ko na yung screen, agad kong dinial ang number niya. After ng ilang ring..
"Pops!"
"Who's this?"
Eh? Boses babae?
"Can you give the phone to my father? Tss."
"Your father?—Who's that?—You have a son?—What?" Uh-oh. Nagkaroon ng ilang ingay sa kabilang linya. "Lexis!"
Oh boy. He's mad. Sorry, pops! Didn't mean to call you father! Abaaa. Di ko naman alam na may bago kang babae dyan!
"Sorry."
"Just get to the point."
Sabi ko nga!
"I found him."
"Who's him?"
"Your grandson."
"Inform Ivan." gumaan ang pakiramdam ko nung nagbago na ang tono ng pananalita niya. That grandson word tamed him! Ha! "I want him to report to me, immediately."
"Roger, pops!"
"Stop calling me that!—So really have a son?!—Argh. You Lexis!"
I smiled privately. Well, Karma is really helpful sometimes. Binaba ko na yung phone at baka mabweltahan pa ako ni Pops. Siguro nagsinungaling na naman sa bagong girlfriend niya na wala siyang anak. Ayyy. Tanda na ng tatay ko pero nambababae pa din.
So proud that I'm not like him.
Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Si L.A."Andito si Ivan!"
Si Ivan!
Pinatay ko na yung phone at binalik sa secret box. Inayos ko na yung gamit ko atsaka binuksan ang pinto. Naabutan kong nakatitig si Ivan sa batang hawak hawak ni L.A.
"Ivan."
Tumingin siya sakin at tumango ako. Alam kong naintindihan na ni Ivan ang ibig kong sabihin.
"Magluto ka naman, Lance! Gutom na ko!" reklamo ni lalaking bumili ng portable 7/11.
"Ang dami mo ng pagkain dyan oh."
"Daddy, mas matakaw na si Wenzo ngayon!" Pumunta si Andrei sa mismong harap ni L.A. "Tapos tapos! Dami na namang pink panties sa bahay!"
"Andrei!!"
"Lorenzo!!"
"Hey! I'm a good babysitter but still—I have needs!"
"Pink panties, daddy!"
Napaupo ako sa upuan sa may dining table at tumingin sa kanila. Kamukhang kamukha ni L.A si Andrei at ngayon ko lang napansin na kamukha ni Lorenzo si Lovely. Lorenzo and Lovely Alicaway.
"Did you find her, Ivan." I whispered to Ivan.
"Yes."
"Don't ever lose her."
Cause I won't. Hindi na ulit. Lalo na't malapit na ako.
*****
Pinabalik ko na si Ivan sa trabaho niya. Andito ako ngayon sa dining area, pinapanuod na makipag-mingle sina Marcus at L.A sa mga bisita. Di ako close e. Sorry naman.
"Daddy. Kamukha mo." Napalingon naman ako kay Andrei at ngumiti sa kanya. "Pero mas pogi tayo!"
Aba! Ang tiyanak na 'to!
Umupo si Marcus sa tapat na upuan ko. Mabilis niya akong tiningnan kaya napataas ang kilay ko. "Umalis ka kasi."
4 years ago.
"Oh. Baka makalimutan ko!" May nilagay si Lorenzo sa ibabaw ng lamesa habang may tinapay na nakasubo sa bibig niya. "Pinapabigay ni Lovely."
"Aba, birthday mo na ulit Andrei!" Napangiti naman sa kanya ang bata. "Apat na taon ka na. Ang laki laki mo na. Pwede ka ng magdala ng pink panties sa bahay!"
"Tumigil ka nga!" sinuntok ni L.A si Marcus sa braso.
"Daddy, sabi ni Mommy punta ka daw."
"Subukan ko ha?"
"Punta ka daddy!"
Tiningnan ko lang si Eley kung pano siya tingnan si Andrei. I can tell that my twin brother missed him so much. I felt something strange kaya napatingin ako kay Marcus at kay Lorenzo na kumakain. Simula nung dumating siya dito, never ko pa siyang nakikitang walang hawak na pagkain.
"Pamangkin mo."
Nagkatinginan kami ni Lorenzo ng ilang segundo na parang ininspect niya ako. Hanggang sa inofferan niya ako ng pagkain. Umilig ako. I want pizza. And I can't ask L.A for money. Yung Andrei kasi.
"You and Andrei.."nagsalita ulit siya, "...pareho kayo ng mata at ilong."
"Duh. Kambal kami di ba?" tinuro ko si L.A
Umiling si Lorenzo, "Hindi e."
"Enzo, identical twins sila." Sumingit na si Marcus sa usapan.
"Kung sabagay."
Tumayo na si Lorenzo sa upuan at kumuha ng isang invitation na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. And there I realize na napatigil pala ako sa paghinga. Nanlamig bigla ang mga kamay ko.
"Uy. Lance, samahan mo ako kay na Gab!" sabi ni Lorenzo. Napatayo ako nung banggitin nila ang pangalan ni Gab. Yung girl na hinahabol yung aso niya, na hinahabol ako nung aso niya habang hinahabol ko ang aso ko! "Invited siya sa birthday ni Andrei."
"Wala siya dito sa Batangas." singit ni Marcus na weird na nakatingin sakin. Nagtataka siguro kasi bigla akong tumayo. "Nasa Quezon sila."
"Bakit mo alam?" tanong ni L.A kay Marcus pero nagkibit balikat lang siya.
Bigla akong napatingin kay Lorenzo nang bigla siyang ngumiti nang abot hanggang tenga. "Que—quezon?"
"Sht Marcus! Bakit mo sinabi yun!!"
"Bakit? Anong pro—"
"World... of... coconuts and yema cake!" Halaaa! Mukhang may kung anong sumapi sa katawan ni Lorenzo nung sinasabi niya ang coconuts at yema cake. "Lance!!!"
Takot na tumingin si Eley kay Lorenzo. Food lover beast. I can see a monster!! O____O
"...pupunta tayong Quezon!!!!"
"No, Lorenzo. Hindi pwede—"
"Hell.. YES." Kinuha niya bigla si Andrei kay L.A. Isinakbit na niya sa balikat niya ang mga bags niya. "We're going to Quezon, Andrei!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro