Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Nagpost din ako ng update last thursday. Baka di niyo mabasa. :> Anyway, thank you Nicole Jasmine De Jesus for the cover. *U*

Check niyo MM---> (Mga lalaki sa buhay ko. *////* Malanding otor mode on!)


Chapter 14

December 27, 20xx

Thursday

[Marcus Lau's POV]

*Dingdong! Dingdong! Dingdong!!*

Bakit ang ingaaaaay!!! No choice kaya lumabas ako ng kwarto. Nakita kong gumalaw sa sofa si Gatorade pero halatang walang balak tumayo kahit nagmumura na ang door bell namin. Sabi ko di ba? Ako na!

Nakailang ulit pa ang tunog ng door bell with matching katok na rin sa pintuan.

"Aaaah!!" biglang bumukas yung pintuan ng kabilang kwarto. Nakakunot noong tumingin sa'kin si Lean. "I beg you... Please open the ghaddamn door."

Atsaka sinara ulit ang pintuan. Nakafacial mask ba talaga siya? May ganun bang matulog na lalaki? Padabog na tinakip ni Gatorade ang unan sa mukha niya noong magwala na naman yung tao sa kabila ng main door ng apartment.

"Merry Christmas!!" Napaurong ako pagkabukas ko ng pintuan dahil bigla niya akong niyakap. "Hi! Missed me? Of course, you do!"

Nakailang segundo para mag-sink in sa'kin kung sino ang nasa labas ng bahay namin at nambubulabog. Haay. Pinilit kong umayos at ngumiti sa kanya. I returned the hug and with her response, alam kong gusto niya yun.

"Yes, I missed you." I tried my best not to sound disappointed.

Pinakawalan na ako ni Mica at pinakita yung mga gamit na nasa likod niya, "I brought some pasalubong for my hubby."

Kitang kita sa expression ni Mica na masaya siya at excited na makita ako. Mas ngumiti ako sa kanya at tinulungan siyang buhatin papasok ng apartment ang mga gamit na dala niya. And boy, they're heavy. Pasalubong lang 'to, ha?

"Is that Lance?"

"Ah!" Nakalimutan kong dito nga pala si Gatorade. Pumunta ako sa likod ni Mica at tinulak siya papunta sa kwarto ko. Sorry, Gatorade. :< "Dun nalang tayo sa kwarto ko."

"Why dun siya nagssleep?"

"Hangover, Mics.." Palusot ko. Tumango naman siya dahil alam kong wala talaga syang pakielam. Mema lang yan. "Ah, sabi mo di ba next year pa ang balik niyo dito sa Pinas?"

"Are you telling me that you're not happy to me, Marcus?"

Mabilis akong umiling. "Ang hindi! Hindi!" Nataranta ako kaya naibaba ko agad yung mga dala niyang gamit.

Sa mga nagbabalak na maging boyfriend sa BFC!

Rule #1? Matuto kang maging plastik!

Rule #2? Galingan mong magsinungaling!

Rule #3? Habaan mo ang pasensya mo! Mahaba na kamo?

Kulang pa 'yan, pare. Sinasabi ko sa'yo. Kulang na kulang 'yan.

*****

"Sino yun?" tanong ni Gatorade pagkalabas ko ng kwarto. Naabutan ko siyang kumakain ng natirang pizza ni Lean kagabi.

"Mica."

Mahina niyang tinulak yung karton ng pizza sa mesa para kumuha ako pero umiling ako. May kumuha na ng appetite ko kanina. Bwiset nga, e. "Akala ko ba nasa Hongkong siya dapat?"

Napabuntong hininga ako na ikinatawa ni Gatorade. Alam kong alam niya ang ibig sabihin ko. Why? Mica was my first client at nasa isang circle of friends lang din si Nikki. To be more specific, magbestfriend sila.

Di mo pa rin gets?

Basahin mo yung book 1.

"Asan na siya?"

Tinuro ko ag pintuan ng kwarto, "Jetlag."

"Sweet ng girlfriend mo, pare." pang-aasar ni Gatorade. "Sweet mo rin sa kanya, ha?"

"Gago. Trabaho."

Mukhang maganda ang gising ni Gatorade ngayon ah. Minsan nalang kaming magusap kasi halos pareho pareho kaming busy. Ako dahil ni Mica at siya dahil sinasama na siya lagi ni Francis pag may Boyfriend Demo sa iba't ibang mall bilang front. Panghatak customer kumbaga.

"May schedule kayo ngayon?"

"Wala." pinagpagan niya ang kamay niya, "Next year na ulit ang resume ng demos."

"Badtrip. Kaya ayoko din ng may client ng December e. Walang considered na holiday."

"Sus." Tumayo na si Gatorade at lumapit sa ref, "Ayaw mo nun? Cuddly holiday pare."

"Ayos sana kung gusto ang kayakap—hoy!"

Nagulat ako nang bigla niyang binato sa mukha ko ang tinapay sa pizza. "Laki mong corny!"

Gago, seryoso ako

Napatingin kami pareho sa nagbukas na pinto ng kabilang kwarto. Ganun pa rin ang itsura ni Lean nung nakita ko siya kanina. May facial mask pa rin sa mukha niya habang kusot kusot niya ang mata niya. Nilingon ko si Gatorade at mukhang wala naman siyang pakielam.

Tinanggal na ni Lean yung facial mask niya saka naghilamos. At di ko mapigilang mamangha dahil dalawang Gatorade talaga ang nakikita ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Gatorade nung napansin niyang pabalik balik sa kanya at kay Lean at tingin ko.

Pinaikot ikot ni Lean ang paningin niya sa buong bahay hanggang mapunta yun sa lamesa. Tinitigan niya yung karton at—"L.A!!! Bakit mo kinain ang pizza ko?!"

"Ba. Malay kong kakainin mo pa."

"L.A naman e!! " Napatawa ako nung di ko akalaing makikita kong ganito pala ang itsura ni Gatorade pagnagdadabog at nagtatampo, tho kay Lean na katawan. Ganito pala ang itsura niya kapag nagpapacute. Leche, di bagay! Hahahahaha! "Ang pizza ko!!"

"Psh. Bumili ka nalang! Wag ka ngang maingay."

"Inooffer ko sayo yan kagabi tapos kung kelan namang hindi! Para kang babae! Mahirap spellingin!" Nagcross arms pa si Lean. Napailing nalang ako sa nakikita kong scene ngayong umaga.

"Eh magagawa kong ngayon ako nagutom?!"

"It's still my pizza!"

"Teka lang ha." Nagtaka kami pareho ni Lean nung tumayo si Gatorade at tumapat sa lababo, "Isusuka ko lang yung pizza mo."

"Tumigil ka nga!!"

"Eh ang ingay mo! Nakain ko na e, may magagawa ka pa ba?!"

Napatigil kaming lahat nung bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakapout na tumingin samin si Mica at mukhang nagmamakaawa na patulugin siya. Bumuntong hininga siya bago isara ulit ang pinto.

"Wag daw kayong maingay." Natatawa kong sabi.

Nagkatinginan naman yung dalawa at sabay na inirapan ang isa't isa. Grabe. Akalain mo bang matatanda na ang mga 'to? Kung sabagay di naman nababase sa edad ang sibling war.

"Naturingang mas matanda." pabulong ni Gatorade pero rinig pa din namin. Halatang mas gustong asarin si Lean.

"Hoy. 20 minutes lang ang agwat natin dalawa." Irap ni Lean kay Gatorade. "Kung may reklamo ka edi sana inunahan mo ako sa paglabas sa nanay natin!"

Wala talaga silang balak tumigil.

Pero namiss ko din ang ganitong paguusap ng kambal. Nung bago kasing dating ni Lean dito sa bahay, halatang iwas at ilang pa rin si Gatorade sa kapatid. Andon pa rin ang galit pero ngayon, kahit papano umaayos na rin.

Kung hindi lang kasi nangyare yun..

Blessing naman ang nangyare, e. Pero hindi ko pa rin masisisi si Gatorade.

"Gatorade." Nagtatakang tumingin siya sakin, "Kumakain ba talaga tayo ng pizza sa umagahan?"

Mukhang nagets naman ni Gatorade ang ibig sabihin ko. Umiling 'to at tipid na ngumiti, "Walang magagawa. Di ako maalam magluto tulad niya."

*****

Alexa Gabrielle's POV

Nakakainis. Agh. Badtrip talaga! Madiin kong pinindot ang busina sa manibela. Traffic pa! Argghh! Leche naman kasi yung kliyente na 'yon! Walang patawad! Agang aga pinabalik ako sa Batangas dahil ayaw na naman niya ng ginawa ko? Bwiseeeet!

"Princess, don't frown please. You're ruining the Christmas spirit! Yang guhit ng noo mo, abot na dito! Kasabay ni Dorang maglakbay!"

"Ang waley, Papa."

"Ay.. Fail?"

Napailing nalang ako, "Don't pout. Abot na dito oh. Mababangga ko sa highway."

"...."

"Ay nako! Papa ha!" napailing nalang ako dahil hindi nag-kroo kroo si Papa sa kabilang linya.

"Wag na tayong magjojoke, princess."

Pareho nalang kaming natawa ni Papa sa kabaliwan namin. Kanina ko pa siyang kausap simula nang makaalis ako ng Quezon. Wala kasi akong malabasan ng rant and even though I know na nasa work siya, I know he'll be there to waste some time to cheer me up. I'm really sorry papa. Spoiled brat ko.

"Andito na po ako. Pwede niyo na ibaba, papa."

"You sure, honey?"

"Yes. Thank you Papa. See you tonight."

"Alright, please be careful. I'll go to my meeting na okay?"

He hung up. I smiled kahit alam kong may hint pa ng inis sa loob loob ko. Haaay! Pinatay ko na ang engine at inabot ang laptop sa shotgun seat.

Ano bang ginagawa ko sa Batangas in the middle of Holiday Season? Isa lang. I got a call from Arts tuff about my client complaining about the invitation I made for her son's birthday. I know I don't have the right to complain since it's my freaking job—but heeey! Di ba uso sa kanila ang holiday?

Lumabas na ako ng Minica ko at dumiretso sa loob ng ArtStuff. Calm down, Gab. Everything will be just fine.

******

"You look awful. Haha!"

"Wow. Thank you sa compliment." I lazily sat on the sofa as I took a sip on my frapep. Natawa na naman si Aly sa itsura ko. I'm so stressed about that freakin invitation. To think na invitation lang yun at sinisira niya ang pasko ko. Tsk!

"Ahh. Cheer up, Alexa. Ano ka ba!"

"Masyado lang talaga akong stressed."

"At talagang sinabay mo pa sa pasko?" Tiningnan niya ako na parang gusto niya akong sermunan. "Aba, you already forgot na ata about what I told you before na you should enjoy."

Actually, hindi ko siya nakakalimutan. That's one of the lines I always bear in mind. Yun nga lang, I think the way how to do it is what I forgot.

"Hey, kayo ni Matt?" Then the nosy side of me came out of nowhere.

"Ikaw ha nila-loveteam mo kami!"

"Ayaw mo?"

Natahimik siya bigla pero bumungisngis rin. "Wala, we're friends."

Mahina ko siyang tinapik sa braso niya, causing her to laugh. "Showbiz, Aly!"

"Ganun talaga." She stuck her tongue out. "Nowadays, kahit mabilis na ang takbo na panahon, mas makakasigurado ka if you take things slowly."

Ngumiti ako at tumango sa kanya, "Pero alam mo, pareho kayong dalawa. You're the exact female version of him."

"Ay nako Alexa!" Iniwas niya ang tingin niya sakin. "Don't put my hopes up, will you. Take it slow nga e."

"Sinasabi lang. Ikaw masyado kang nagpapahalata." I teased her at nagsimula ng mamula ang tenga niya.

I missed Aly at siya ang dahilan kung bakit lesser regrets na nagpunta ako ngayon dito sa Batangas. Sa lahat talaga ng kelangan kong kausapin, it will be either Matt or Aly. They just let me feel relieved. Kung si bebs, ninja moves ang powers, sila words of wisdom.

"Aly." Bigla kong naalala si bebs. Hindi ko pa rin siya nakakausap simula noong gabing 'yon. "Nagkakaroon ba talaga ng pagkakataon na you'll find it hard to move on?"

"Bakit? You're still not over Gatorade?"

"Ha?" Mabilis akong umiling. "It's not me!"

"So you're over with Gatorade?"

Why did I even ask her? Napatungo nalang ako and accepted my defeat na hindi ako makakatanggap ng magandang sagot. But to my surprise, tumawa si Aly at nagpeace sign sakin.

"Oo. Madalas naman talaga nangyayare 'yon kasi iniisip ng tao ng mahirap. Lalo na kung sobrang lapit mo sa kanya.

Kung tutuusin naman kasi talaga, parehong pareho sina bebs at Marcus. Pareho ng sense of humor at hilig kaya naman hindi sila mabore sa isa't isa.

"Hindi naman talaga mahirap magmove on e. Iniisip lang natin na mahirap kasi takot tayo at ayaw pa nating i-give up yung pinagsamahan."

"Takot?"

"Takot ka na gawin ang mga bagay na madalas mong gawin kasama siya. Takot kasi pakiramdam mo napagiwanan ka na, na mag-isa ka nalang. Takot na baka hindi na maulit yung mga happy memories." Pinaglaruan niya yung straw ng frappe niya. "Takot kasi pakiramdam niya hindi na niya ulit mararamdaman sa ibang yung pinaramdam ng tao na 'yon sa kanya. Iniisip na hindi magiging ganun ulit—hindi na ganun kasaya. Takot mag-take risk."

Lahat ng naging relationships ni bebs noong highschool kami.. failure. Nakakapagpaisip tuloy na kung hindi base sa kontrata ang naging relationship nilang dalawa ni Marcus—pwede kaya? May possibility kaya na siya na ang huli?

"Madali lang magmove on. Basta nakaset lang ang utak mo na dapat mong mag-let go at magsimula ng panibago." Napatingin ako kay Aly nung tumawa siya, "But who am I kidding? Who wants to take away good memories, right? Kaya nagiging common instict na sa lahat na mahirap mag move on e."

She had so much fun." Kilala ni Aly ang tinutukoy ko."Marcus is my friend too, Alexa. Of course, I know. And I met Dominique before."

Comparing me and bebs, hindi complicated ang naging situation namin ni Gatorade after the break up kasi nakapagusap na kami. Pero sila ni Marcus? I don't know. Mukhang hindi pa sila naguusap. Tapos idagdag mo pa na mukhang nagkabalikan si Mica at Marcus—take note, ex pa ni Kuya ni Dominique si Mica.

Gusto kong tulungan si Dominique pero damay damay na lalo na si Rinrin at si Marie—na inaakala ang namin na simpleng crush lang yun pero hindi pala. Wala naman ako nakausap sa kanila dahil nagsiuwian na kaming lahat after n'on at ni-refuse ni bebs na makipagusap sa'kin kahit nakabalik na kami ng Quezon.

"Just give her time."

"But it's been 3 months."

"Wala namang sinabing tamang haba ng oras para makapagmove on ang isang tao." Aly gave me a reassuring smile. "Let her take her own pace."

"I will, Miss. Know-It-All."

"Sige lang. Mang-asar ka."

We both laughed and shook away what we just talked about. I know my bebs can do it. She's stronger than me.

*****

Princess Saavedra's POV

I can't believe this! I really can't believe that this is really happening! Di ko mapigilang di kumunot ang noo ko at mapakagat sa labi ko. Argh. I should leave. Right. This was really odd in the first place.

I tapped my fingers on my arms for a minute and that's it. No more waiting for Princess Mae Saavedra. No way. Nagsimula na akong maglakad nung biglang napatigil ako nung may humigit ng body bag ko.

"Oh, san ka pupunta?" How did he...? He gave me a bored look and pouted lips, "Di kasi natingin sa likod niya."

"Kanina..."

"Yep!" Inubos niya yung isang pack ng gummy bears at nagunat unat. "Tara?"

This is really unbelievable. I'm actually going with Mr. Mayabang. Ang pinakamayabang at pinakamahanging plus the feeling gwapo kahit gwapo naman talaga siya na manager ng BFC. Who? Kilala niyo na.

Napahawak ako sa strap ng bag ko at sumunod sa kanya. Una siyang naglalakad sakin. Nagulat ako nung nilingon niya ako sa balikat, "Meeeh. Dapat sabay tayong maglakad!"

"Ayoko nga."

"Ehh?! Sa gwapo kong 'to, ayaw mo akong sabayan?!"

Yan na naman siyaaaa! Tumango lang ako. Sinamaan niya ako ng tingin habang nakapout na naman ang labi niya. Grabe 'to. Is he really on his twenties? Plus, he's a guy! He's really pouting and I bet, gusto niya lagi siyang nakapout.

"Argh. Hindi ka nga naka-Amazona mode ngayon. Sungit sungit sungit sungit mo naman." Nagpamewang siya sa harap ko.

"So gay, Francis." I chuckled. "At anong amazona ka dyan?!"

"You." He pointed at me. Aba! "At ako bakla?"

"Oo! Ba—"

"Shhh!! Magagalit sayo ang lipunan ng mga kababaihan!" Inextend niya ang dalawang braso niya. \(* o *)/ Napapikit ako nung bigla na naman niya akong tinuro, "You don't know how important I am. Hoooy. Gwapo-generation giver kaya 'to!"

Francis' conceited self!

"Kaya naman mahal na prinsesa—"

"Uy!" Nabigla ako nung kinuha niya ang isang braso ko at ini-link sa kabila niyang braso.

"...sumabay ka sakin. Privilege, Princess! You're wasting a good opportunity."

Napailing nalang ako at lihim na napangiti. Masyado na akong sanay sa ugali niyang 'to. Though, this will be the first time that I'll be hanging out with him. Text palang at tawag, mananawa ka na sa mukhang bibig niyang kagwapuhan. Grabe..

Someone like him really exists!

Matagal na 'tong usapan na 'to. He invited me a month ago to hang out or pero hindi natutuloy. Reasons? Dahil sa lakas ng apog ng lalaking 'to. Second, dahil ni Ate. Pabalik pabalik na din kasi siya sa hospital and since iwan kami ng parents namin dito sa Pinas, no one is looking after her except me. If luck, andyan si Russ. Can't ask Alex for help since nung past nila ni Ate. Ayaw din akong payagan ni Ate.

Third, I don't get his point of going out with him. Like why? Since I met him dun sa stall at prinoclaim ko sa harap niya na ibe-break ko ang relationship ni Gatorade at Gab noon... he never stops keeping in touch with me.

Noong una, naiintindihan ko na kelangan niya akong bantayan dahil ni Gatorade at Gab pero kahit wala na akong ginagawa... there's still going on between us. I don't even know how he got my number and why we see each other in different places.

"Bakit?"

"Ha?" Inosenteng tumingin si Francis sakin. Habang hawak hawak ako sa braso na parang matandang inaalalayan. Err. We look stupid, actually. Ayaw naman niyang bitawan.

"Why do we have to do this?"

Tumigil kami sa paglalakad, "Bawal ba?"

Agh. Di niya ako magets.

"Hindi.." umiling ako. "Ano lang kasi.. Pano ba 'to.."

"Ahhh!"Binitawan niya ang braso ko at pumunta sa harap ko, "Bakit tayo nagde-date?"

"Date 'to? Akala ko ba..."

"Eh ano pang tawag mo dito?" mapangasar niya akong tiningnan na para bang kalokohan ang pagkwestyon ko sa tanong niya.

"You said, chill lang. Unwind! Dahil wala kang magawa?"

"Hayy." Napatungo si Francis at kinamot ang batok niya. "Grabe."

Ewan ko pero pakiramdam ko may naramdaman akong mabigat sa dibdib ko nung dahan dahan niyang inangat ang ulo niya habang nakatingin sakin.

He playfully stuck his tongue out and winked at me, "Gusto kita e."

"Ah."

"Anong ah?!"

Napapikit ulit ako nung sumigaw siya, "Bakit ka ba sumisigaw?!"

"Wee. Princess Amazona mode on?" Tawa niya pero bigla yun nagshift sa inis niyang mukha. "Eh kasi 'AH' lang sagot mo!"

"At nageexpect ka talaga ha?"

"Oo naman! Duuuuh!"

"Okaaay."

"Yan ka na naman e!!"

"Wag kang sumigaw! Hello! Dalawang ruler lang layo natin!"

Ayan na naman yung mukhang masama makatingin plus pout. Ghad.

Napatingin ako sa paligid namin at dun ko lang narealize na nasa gitna kami ng mall. At medyo nakakakuha na kami ng atensyon. Madami kasing tao ngayon dito sa mall dahil nga Holiday.

"Ah at okay?" He murmured pero rinig ko naman. "Grabe. Mas doble yun sa word na busted."

I arched my brow, "You saying something, Mr. Manager?"

"Wala." Iniwas niya ang tingin niya sakin at nagcross ng arms. Wow. He's really throwing tantrums.

"Kung ayaw mo ng Ah at Okay, ano ba dapat sagot ha?"

"Gusto din kita." He said with a tone of FYI. At di ko mapigilang mapanganga. Conceited. Conceited talaga! Err.

"Lakas din naman ng confidence natin dyan ah." Sinubukan ko siyang biruin. Sinundot ko siya sa tagiliran niya pero binelatan niya lang ako. Meaning? Wala siyang kiliti sa bewang. Siya na!

"Syempre sa gwa--"

"Oo na! Sa gwapo mong yan echos mo!"

"I'm just stating what's obvious Ms. Princess Amazona."

"Don't call me Princess Amazona."

Inirapan naman niya ako, "Iniiba pa topic. Tssk."

This guy... is unbelievable. Swear!

Hindi nalang ako nagsalita. Pinanuod ko lang siyang mas pahabain pa ang nguso niya. Wow. Inborn talent yun. Mas matangos pa sa ilong niya ang labi niya. Hehe. Sinabayan ko siya sa pagko-cross arm niya nung biglang may tumawag saming dalawa.

"Date?"

"Gab!! You're alive!!"

Pareho kaming nagulat nung nawala ang tantrums ni Francis at tumakbo 'to papunta kay Gab. And take note, there's a hug. Napatawa nalang ako kasi mukhang di pa maprocess ni Gab ang hug ni Francis.

"You.. can.. let.. Let go, Francis!!"

Gab brushed her hair away from her face nung makalayo na sa kanya si Francis. Tipid siyang kumaway at ngumiti sakin.

"Gab! Gab!" Pumunta sa likod ni Gab si Francis. "Inaaway ako ng amazonang yan!!"

"What?" Problema ng lalaking 'to?

"Totoo naman e. Tsk!"

"Bakit?" nagtatakang tumingin si Gab samin. "Ano bang nangyayare.. At wait, bakit kayo magkasama?"

Uh-oh.. "Wala—"

"Nagde-date kami!" Proud na sabi ni Francis.

"It's not a date."

"Date! Aba!"

"Hindi nga kasi." Irap ko sa kanya at kita kong ginaya niya ako. Psh.

Napatingin ako kay Gab nung tumawa siya, "You look cute. Kayo talaga."

"Ako cute." Turo ni Francis sa sarili niya. "Siya nakakata-cute!"

*Angry vein popping out* Level 1!

"Wag ka nga Francis. Akala ko ba nagdedate kayo? Eh bakit ikaw pa ata yung nangaaway?"

"Uy di ah!" tumakbo na siya paalis sa likod ni Gab at sa likod ko naman pumunta. Napaurong ako nung iikot niya yung braso niya sa leeg ko, causing me to hold on his arms. "Bakit ko naman aawayin ang babaeng amazonang 'to?"

"Bakit mo naman di aawayin?" Gab teased. Ohkaay. I don't like this stuff.

"Eh crush ko kaya 'to!"

Gab nodded plus the pangaasar na ngiti.

"Wag kang maniwala sa mokong na'to!" despensa ko pero mas niyakap ako ni Francis.

"Meeh. Busted na nga ako kanina, ipapahiya pa ako. Wag ka naman ganyan!"

I rolled my eyes since wala naman akong magawa. Nahihiya akong tumingin kay Gab pero this time nakangiti nalang talaga siya samin. Pero teka anong ginagawa niya dito sa Batangas?

"Di ka umuwi sa Quezon?"

"Umuwi ako." Nagbago yung expression ng mukha nya nung para bang may naalala siya, "May dinaanan lang ako dito dahil sa training ko."

May sasabihin pa sana ako pero biglang sumingit si Francis, "Solo flight, Gab?"

"Oo."

"Sayang! Sad to say, na kahit gusto kitang ayain kaso idedate ko pa 'tong amazonang 'to e—aray!"

I jerked my elbow on his tummy, "Don't call me Amazona!"

"No.. Don't worry." Natatawang sabi ni Gab. "I'm fine. Pauwi na rin naman ako sa Quezon e."

"Talaga? Gusto mo tawagin ko si Gatorade?"

"Baliw!" Si Lance? Oh. Hindi na nga pala sila dahil tapos na ang contract. "Sige na. You go and continue your date."

Tinulak ko si Francis para makawala ako sa kanya at lumapit kay Gab. I hugged her, "Ingat. Merry Christmas."

"Thank you. Merry Christmas."

Nagpaalam na samin si Gab at dun ko lang naalala yung sinabi sakin ni Alex about dun sa incident sa bar about kay Rinrin at Dominique. It's not that I should asked her about it or concerning sa side ni Dominique. Hindi naman ako chismosa.

Napatingin ako kay Francis na hanggang ngayon ay kumakaway pa rin kay Gab kahit di na 'to nakatingin samin. Natigilan ako nung bigla siyang lumingon sakin at ngumiti, "Tara, may date pa tayo e!"

"Di nga 'to date!"

"Ah basta date 'to, future girlfriend!"

"Anong sabi mo?!"

"Future girlfriend. Bakit gusto mo current? Napapagusapan naman yan, e!"

"Tigilan mo nga ako!"


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro