Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Chapter 10

December 17, 20xx

Exactly one week left before Christmas. Lahat busy sa kani-kanilang exams maliban sa grupo ng CKU. Mas busy sila sa pagpa-practice ng sayaw nila para sa darating na Christmas party ng buong campus sa isang araw.

"One, two, three pause! Five, six, seven jump!"

Lahat may kanya kanyang pinagkakaabalahan. Lahat halos gusto ng matapos ang exams o mga projects nila para makapagbakasyon na. 

"Russ!" Napatigil ang lahat sa sigaw ng dance instructor ng CKU. Napatingin sila kay Russ na halatang walang pakielam sa paninita sa kanila ng DI. "From the top!"

Pagod na ang lahat ng dancers dahil kanina pa silang paulit ulit sa routine na yun. Hindi sila makaalis dahil sa isa nilang pamali-maling myembro.

"Ano ba Russ!"

"Ayos naman. Ikaw nalang ang panira e!"

Nagsimula na silang magreklamo dahil dito. Pero alam nilang ngayon lang nagkaganito si Russ. Sa totoo niyan, isa siya sa mga magagaling sumayaw sa CKU. Strikto din to sa practice at isa sa mga ayaw maging pabigat sa grupo.

"Russy, ayos ka lang ba?" si Rinrin lang ang mahinahon na nagtanong sa binata.

Pinadaanan lang ni Russ ng tingin si Rinrin at bumalik na sa pwesto niya. Sumigaw na ulit ang DI para makapagsimula ulit. Nakailang ulit uli sala para maayos ang isang routine. May ibang nagagalit na sa inaasal ni Russ pero walang pakielam lang niya itong pinapadaanan ng tingin.

Wala silang magawa.

Kahit ang leader nila, tahimik lang na inoobserbahan ang lahat.

*

Dahan dahang pumasok si Gab sa opisina ng boss niya. Kumpara kay Matt, mas strikto ito kaya hindi niya ito nakakausap gaya ng pakikipagusap niya sa dating boss.

"Ma'am, ito na po yung pinapaedit na guestbook." walang imik na kinuha ito sa kamay niya.

"Di ba sabi sayo nung client ayaw niya ng blue?"

"Yes ma'am pero wala na pong magfit na tamang hues sa gusto niyang ipaedit."

"But still, ayaw niya ng blue.."

Napatungo si Gab sa narinig niya. Gusto niya sanang palitan ito ng touch of blues pero nakikita niyang hindi bagay ang kulay sa ginagawa niya.

"Pailang ulit na 'to, Gab."

"I'm sorry, ma'am."

"Pass it tomorrow. Again. Kung hindi mo kaya, sa iba ko nalang ipapagawa." Nakikita ni Gab ang nanay niya sa bago niyang boss. Tumango ito at kinuha ulit ang usb.

Palpak na naman.

Kinuha niya ang leash ni Laelle dahil sinama niya to dito sa ArtStuff. Kaya lang naman siya pumunta dito para ipasa ang project niya. Walang bisa lang din pala ang pagpunta niya dito. Hindi rin natanggap dahil sa pagiging pasaway nito.

Malamig na hangin ang sumalubong sa kanya pagkalabas nila ng ArtStuff. Pasko na pero mukhang ibang okasyon ang tumatakbo sa isip ng dalaga. Umiling ito para makalimutan yun.

Sinubukan niyang alalahanin ang nangyareng exam sa majors niya. Alanganin siya dito dahil hindi siya masyadong nakapag-aral. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya kinakausap o pinapansin ni Hapon.

'Kasalanan ko naman e.' isip niya. 'I threw the tantrums first.'

Ano nga bang mapapala ko pag nalaman ko ang nakaraan nila? Wala naman di ba? Am I just too nosy? Hindi ako ganito pero hindi ko mapigilan ang sarili kong isipin kung anong meron sa mga taong pumapaligid sakin. Parang lahat sila connected at ako lang ang hindi nagfi-fit in.

Am I really that oblivious?

Pero kung manhid talaga ako, hindi ko malalaman ang nararamdaman sakin ni Russ. Pero kung tutuusin kahit manhid ito, naging vocal at expressive si Russ para maging imposible na hindi ito mapansin.

Stupid, Gab. Very very stupid.

Habang nagaabang ng masasakyan, may nagmamadaling sinuman ang nakabangga kay Gab, causing her to fall. Narinig niya ang pagtahol ng alaga, siguro nagulat din sa nangyare.

"Sorry miss. Hinahabol ko kasi yung alaga ko. Sorry." at nagsimula na ulit itong tumakbo palayo. Okay lang sa kanya na hindi siya natulungan pero...

Hindi magsink in sa utak niya nung nakita niya ang mukha nung nakabunggo sa kanya. Mas nagulat siya nung nagsimula na ding tumakbo si Laelle palayo sa kanya. Napansin niyang naputol ang tali ng aso.

Hinahabol ang taong nakabangga sa kanya.

"Laelle!"

*

Kahit malapit na ang pasko, alam ng lahat na hindi nauubos ang pasyente sa ospital. Lahat ng nagtatrabaho dito, busy sa kanikanilang pasyente o naatasang gawain. Pero alam din ng lahat ng isa to sa mga lugar na ayaw puntahan ng mga tao.

"I can walk." masungit na hinigit ni Justine ang kamay niya sa kapatid.

"Ate."

"Hindi ako baldado, Cess."

Nilagpasan ni Justine ang kapatid at nanguna sa pagpasok sa kwarto kung nasan ang family doctor ng mga Saavedra. Walang magawa si Princess kundi sumunod sa kapatid. Alam niyang masungit talaga ito lalo na pag inaatake ng sakit niya.

'Just let her, Cess. She's fragile.'

Hindi ganun kalala ang sakit ni Justine pero hindi ibig sabihin nun kelangan ng pabayaan lalo na at pasaway at matigas ang ulo ni Justine. May pagkaspoiled brat pa ito. Lahat ng gusto, kelangan makuha. She won't take no for an answer.

Nakinig lang si Cess sa sinasabi ng doktor dahil alam niyang hindi nakikinig ang kapatid niya, knowing na ito pa ang may sakit. Pero nadistract ito nung biglang tumunog ang phone niya.

Isa lang ang pumasok sa isip niya. Alam naman nya kung sino lang ang mahilig mambwisit ng araw niya. That perverted manager. Hindi na niya kinuha ang phone pero mukhang nainis na si Justine nung tiningnan siya at pinagtaasan ng kilay. No choice.

From: PM (Perverted Manager)

Princess Amazona~ :j

That smiley.

Nung una nagtataka siya kung anong ibig sabihin ng 'j'. Matagal na niyang gustong itanong kung bakit ganun ang smiley niya pero nung bwinisit na naman siya ni Francis ay napansin na niya yung maliit na dimple nito sa kaliwang pisngi.

To: PM

GTH.

Inis na inis si Princess kay Francis dahil sa pagiging kenkoy at happy go lucky nito. Hindi naman sa hindi ganun ang ugali niya pero may kung ano pa din kay Francis na bigla nalang nagpapainis sa kanya.

Nung una ayaw niya dito dahil sa pagpigil niya sa kanya nung gusto niyang makadate si Gatorade pero nung tumigil na siya, inis na inis pa rin ito.

Mushroom.

Pasulpot sulpot kung saan saan. Mayabang pa at feeling gwapo, though gwapo naman talaga. Ayaw lang talaga niya kay Francis sa hindi malamang dahilan o dahil sa maraming dahilan.

"Yeah, Cess. Thanks for coming and listening."

Natauhan si Cess. Nakalimutan na niyang makinig sa prescription ng doktor. Alam niyang siya ang papagalitan ng mga magulang dahil dito. Naalala niyang siya rin pala ang dahilan kung bakit kelangan niyang pumunta sa BFC at pilitin na makipagdate si Gatorade noon sa kanya.

P.A.

Yan ang pakiramdam niya tuwing kasama ang kapatid. 

'May sakit siya Cess. Patience.'

Yeah, patience.

*

Nagpack up na lahat para makabalik na. Pagkapasok sa van ay halos magkagulo sa isang pack ng wet wipes ang mga lalaki. Malakas kasi ang paniniwala nila sa nakakatakot na 'smoochies' kahit hindi nila alam kung ano yun. Ang alam lang nila, sakit yun na nakukuha sa sakit.

"Tangna. Wag nga kayong magulo. Daming wet wipes dyan!" sigaw ng manager nila pero tulad ng dati, asa pang may makinig sa kanya.

"Pabayaan mo na." sumakay na din sya sa shot gun seat pero hindi na siya nakipagagawan sa wet wipes since front lang naman siya sa harap ng Boyfriend Demo stall.

"Pati naman ikaw e. Di mo ko sinusunod. T^T" Pinadaanan lang ng tingin ni Gatorade ang manager at pinikit ang mata nito. "See? Am I even a manager to you?! Sa gwapo kong 'to lagi akong snob at alalay sa inyo! >_<"

"Booo!!"

Siya na naman ang napagdiskitahan ng lahat. Pinagtatapon na naman sa kanya ang mga nagamit na wet wipes. Poker face niyang tinaggap ang mga wet wipes. Masyado na siyang nasasanay... hindi, NAUUMAY sa pagtatapon ng wet wipes sa kanya.

'Ang gwapo kong basurahan para gawin niyo sakin 'to!' isip niya. 'Gwapo pa rin ako. Mwahahaha. Mas gwapo ako sa inyo!'

Hindi na niya pinansin ang mga kasama nung biglang magvibrate ang phone niya. 'GTH.' Halos matawa siya sa reply na natanggap niya. Go To Hell. Hindi na siya nagulat dahil halos lagi ito ang reply niya tuwing magtetext 'to kay Princess.

'Ito ang hindi nakakaumay.' sabi niya sa sarili at pinaandar na ang van para makabalik na sa BFC. Kelangan pa din kasi nilang ayusin ang BFC Christmas party. Isa siya sa mga managers sa BFC kaya may trabaho na naman.

To: Amazonaaaaa :3

Angry bird red ka na naman. Wag kang magalit. Hihi

Nakangiting itinago ni Francis ang cellphone niya atsaka nagmaneho, "Walanjo, ang panget mo pag kinikilig ka Ancis."

Nagulat si Francis nung biglang magsalita ang katabi niya. Aba. Akala niya natutulog ito dahil sa puyat at pagod pero hindi. Nagawa pa siyang asarin.

Narinig yun nung mga nakasakay sa van kaya naging chismoso ang lahat at pinagtripan na naman siya. Pero nagdalawang isip sila nung bantaan sila ni Ancis, "Sige lang. Ibubunggo ko 'to at ako pa rin ang gwapo pag namatay tayo!"

Wala na silang nagawa kundi magsalita ng 'mayabang'. Takot nalang din nila sa demerits.

"Langya ka. Para ka rin namang aboy pag kinikilig." Comeback niya kay Gatorade. "Uyyyy. May namimiss!"

"Ulul."

"Inggit ka no? May client na si Marcus?"

"A-S-A."

Sanay na rin sya sa mga ganitong pakikipagusap sa kanya ng mga hawak niyang boyfriends. Wala na naman siyang magawa e. Tsaka ayaw niya ng seryosong kausap. Medyo badboy at sarcastic para kung sinong unang mapikon, talo. >:D

Mabilis na nakabalik sila sa BFC. Malapit lang naman kasi at walang traffic. Dumiretso siya sa office at nakita si Marcus na naghihintay sa kanya, hawak hawak ang bagong kontrata.

"Excited?"

Tipid na ngumiti si Marcus sa kanya. Siya yung tipong ayaw niyang makausap ngayon. Lonely boy e. Wala ng ngipin. Mas alive na si Gatorade compare sa kanya. Hallelujah! Mas mukhang hyper si Gatorade sa kanya! HIMALAAAA!! >0<)7

Ayaw na niyang magtanong kay Marcus kaya pinirmahan na niya ang contract. Pero laking gulat niya nung nabasa niya ang pangalan ng bagong kliyente ni Marcus. Pagdating kasi kay Gatorade at Marcus, pinapabayaan na niyang sila ang mag-asikaso dahil sila naman ang mamimili kung sino ang gusto nilang maging kliyente.

"No questions please."

"Areglado boss." Saludo niya dito. "Desisyon mo yan e."

'Mica Takashima.'

Old client, eh?

*

Tahimik na pinanuod ni Dom ang bagong kabarkada. Pasimple itong ngumingiti kung may nakakatawang ginagawa yung tatlo. Masyado siyang nagiging interested sa mga kakaibang expression or reactions nila sa mga bagay bagay lalo na kung may nakikita silang gwapo.

Favorite word nila ang Mentos. Lalo na kung si Hapon ang makikita nila.

"Nakita kong nagppractice si Rinrin kanina." kilig at proud na sabi ni Marie.

"Hala! Kaya ka pala ng cut!!" sabay na sigaw ni Cymone at Leah.

"Hindi ko kasi mapigilan." >///< "Nasa kabilang room lang kasi sila."

Nagiba ang timpla niya nung narinig ang pangalan ni Rinrin. Ngayon niya lang kasi narealize kung bakit ganun nalang siya makapagreact pag andun ang binata.

'They're almost the same.'

Carefree, isang living smiley at cute.

Tatlo palang yan sa pinagkapareho nila ni Marcus. Hindi mapigilan ni Dom na mapabuntong hininga nang maalala yun. Alam niya kung gano kaisip bata si Marcus pag silang dalawa lang ang kasama. Kung gano 'to ka-touchy o kakulit. Mas public lang ang affection ni Rinrin compare kay Marcus.

Clingy din to. Mahilig mangyapos, umakbay o sumabit sayo na para siyang unggoy. Ganung ganun si Marcus sa kanya pag sila lang ang magkasama.

'Crap. I'm thinking of him again.' Hindi rin maiiwasan. Lalo na at ito ang monthsary date nila. 'It's been fcking 3 months and I don't even know why I am so affected.'

"Girls, alis na ako. Hinahanap na ako ni bebs e." Mukhang nalungkot naman ang tatlo sa sinabi ni Dom pero wala silang magawa kasi si 'bestfriend' na ang naghahanap sa kanya.

Malapit na agad si Dom sa tatlo kahit hindi pa ganung katagal matapos silang mag-meet. Approachable kasi si Dom kahit yung bestfriend niya kaya madali lang sa kanila para magadjust.

Isa isang bumeso ang tatlo kay Dom para magpaalam. Ang hindi nila alam, wala naman talagang naghahanap kay Dom. Palusot niya lang yun para makaalis ang dalaga.

Saan ba siya pupunta?

Saan pa?

Kundi sa lugar na madalas niyang puntahan para makapagpalipas ng gabi. Ang bar. Wala siyang pakielam kung may exams pa siya bukas. Kahit naman umuwi siya ngayon o kaya mag-aral, wala ding papasok sa utak niya since maraming memories ang tumatakbo sa apartment nila.

She even thought of looking for another apartment per masyadong hassle. Sanay na rin siya sa ambiance ng bahay. Atsaka hindi naman yung bahay talaga ang problema. Masyado lang maattach talaga ang apartment nila sa tatlong buwang kontrata.

'Affected na affected e tatlong buwan lang naman naging kami.'

I don't want to deny that. I don't want to deny that all of his ex, si Marcus lang talaga ang nagpahirap sa kanila. Unlike highschool, I can make boys like me or can turn them down easily. Pero ibang usapan talaga si Marcus.

I don't even know why.

Kakabukas palang ng bar nung makadating siya. Marami na ding tao, as expected since kilala 'to. She didn't budge. Dumiretso siya sa counter to order for a drink.

Halos kilala na rin siya ng mga barista dun and it doesn't surprise her nung halos i-hook up siya ng mga 'to. Not bad since they're handsome baristas, the thing is... like Gab, she can't give a damn. She tried to pero ayaw magwork out. Siya lang din ang umaayaw.

'Sorry bebs.' She's guilty of not letting her bestfriend know about her evening escapades. Alam niyang gumagala siya pero hindi alam ni Gab na hindi niya talaga kasama sina Marie, Cymone at Leah lalo na na sa bar siya pumupunta.

"Like the always." tumango sa kanya ang barista at ginawa ang drink niya.

Pinanuod niya na mas dumami ang tao sa loob ng bar. Mga iba't ibang familiar na grupo o tao. It's been a month pero halos kilala na niya ang mga mukhang madalas at hindi dito.

"Hey beatiful."

"Get lost." mabilis niyang tugon sa lalaking lumapit sa kanya. He's new here, that's for sure.

"Cold baby."

"Yeah. Coz you're not interesting." Tumalikod na si Dom sa lalaki para kunin ang inumin niya. Tiwala na siya sa pagmamaldita niya dito dahil alam niyang kakampi niya ang mga barista kahit ang mga ibang taong nakakakilala na sa kanya.

They all know that she's not interested for hook ups.

Well, it's purely true that she's not really interested when someone enters the bar. She's pretty sure na ang mga tipo nila ang hindi pumupunta sa bar but seeing Alex, Rinrin and Russ makes her wonder.

Nag-aalinlangan siyang lumapit dito kasi alam niyang malaki ang possibility na sabihin nila 'to kay Gab. But too late, Rinrin already saw her.

"Dommy!"

Lihim siyang ngumiti habang umiiling. Alam na alam na naman niya kung pano siya tawagin ni Rinrin. Imbes na sya ang lumapit sa tatlo, sila ang lumapit causing the guy in front of her to leave. He really should be out of the picture anyway.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Alex sa kanya.

She raised her drink, "Obviously."

"Bakit ka nagiinom, Dommy?" Well, she really have doubts kung bakit niya nakikita kay Rinrin si Marcus pero hindi niya rin alam kung bakit hindi niya mapigilan.

"Wala lang."

Inikot ni Rinrin ang tingin niya, "Andito din ba si Gabby? Hey Russy, baka magkaayos na kayo ni Gabby pag andito din siya."

'Hindi sila okay ni Gab?' tanong ni Dom sa sarili. Tutal, ano bang ineexpect niya? Wala na naman siyang balita kay Gab dahil minsan nalang sila magusap.

"Gab's not here."

"Solo flight? Well, that's new." Umupo si Alex sa tabi niya. She looked at his face, wondering kung pano siya naging nerdy noon. "Beer lang boss." order niya.

"Alam mo ba..." nagulat si Dom nung biglang lumapit si Rinrin sa kanya, bumubulong, "We saw him outside the hospital. Tas bigla siyang tumakbo at nabangga si Russy nung nakita niyang lumabas sina Princess at Justine."

Cute. Tsk.

Justine and Alex. alam na niya ang issue dito dahil nakwento na ni Gab 'to sa kanya dati at medyo familiar din siya kay Justine. She kind of see her before. Hindi lang niya maalala kung pano at saan.

"Blabbering mouth, Rinrin."

"Wala akong sinabi Alexy!" Tinakpan niya ang bibig niya at swear to God. Napatawa nalang si Dom sa naging reaksyon ni Rinrin at kung pano niya tawagin si Alex. Talagang may 'y'.

"Where's Gab?" Napatingin siya sa kaliwa niya at nakita ang seryosong mukha ni Russ. She's very envious of Russ complexion, ang puti kasi. But that's not the topic here. She just shrugged at inubos ang inumin niya.

"Hindi ko siya tine-"

Biglang nagvibrate ang phone niya. Naramdaman na niyang si Gab yun. Kinuha niya yun at nakitang nafa-flash ang pangalan ni Gab sa screen. She answered it, hindi pa naman ganung kaingay sa loob ng bar.

["Bebs, help me!"]

Nagtaka siya sa hapong boses ng kaibigan, "What? Why?"

["Laelle ran off and he's missing."]

"Ohmydee."

*

Malayo na ang natakbo ni Gab. Pagod na pagod na siya kakahabol kay Laelle hanggang sa mawala na talaga 'to sa paningin niya. Kahit yung lalaking nakabangga sa kanya hindi na rin niya makita.

'Sht. Asan ka ba Laelle?'

Kakatapos niya lang tawagan ang bebs niya at alam niyang matatagalan bago pa 'to makapunta sa park kung nasaan siya. Familiar na siya dito dahil dito sila nagskate board ni Gatorade noon. 'Really Gab? No time for reminiscing. Need to find Laelle!'

Inikot niya lang ang Community park, hoping na makikita si Laelle kung saan. Hawak hawak pa rin niya yung naputol na leash ni Laelle. Naputol to nung bumagsak siya. Kaso nakakapagtaka kung bakit hinabol ni Laelle yung lalaki.

Nakakapagtaka kung bakit yun ang nakita niyang mukha. Yung mukhang yun. At mukhang hindi pa sila magkakilala. 'Hindi ba niya ako nakilala? Imposible. Tiningnan niya ako. Pero bakit?'

Lumapit si Gab sa isang vendo machine nung nakaramdam siya ng pagod. Ewan niya kung bakit pero nakaramdam siya nang nostalgia nung pindutin niya ang button para sa Gatorade.

Pagkabukas na pagkabukas niya ng inumin may tumakbong aso sa paanan niya. Una akala niyang si Laelle yun pero isang pure white na pomeranian ang nagsimulang magpaikot ikot sa paa niya.

"Ice! Stop that."

Napatigil sa pagtakbo yung aso kaya napalingon si Gab kung saan nanggaling ang boses. Halos lumubog na ang araw pero nakakasigurado din siyang ganung ganun kung pano magreflect ang ilaw sa balat niya. Katulad ng kay Gatorade.

Dito rin siya nakakasiguro na hindi siya nagkamali ng tingin kanina. Nakita niya si Laelle sa mga braso nito. "Laelle!"

Tumunghay si Laelle at ibinababa na 'to nung taong may hawak sa kanya. Lumapit si Laelle at tulad ng ginawa ng puting pomeranian sa kanya kanina at patakbo itong umikot ng umikot sa kanya.

"Ice, come here."

"Arf!" lumapit ito sa kanya at kahit si Laelle lumapit dito.

"Aw. Looks like your dog likes me." Tumango si Gab unconsciously. Ni hindi niya alam kung pano magreact ng ayos. "Drink"

Napatingin si Gab sa hawak niya. Dun niya napansing hindi pa siya nakakainom. "Pede?"

"Ha?"

"Painom?"

What?

"Uhaw na uhaw na kasi ako. Pinahabol kasi ako ni Ice. And.." Kinapa kapa niya ang bulsa niya. "I left my wallet. Please? :("

'How many times did I think sht this time?' Hindi mapigilan ni Gab magtanong sa sarili dahil dito. Si Lance. Gusto niyang sabihin si Lance ang nasa harapan niya ngayon pero bakit ganito magreact si Gatorade sa harapan niya?

But what's bugging her more, kelan siya nagpaitim at nagpagupit ng buhok?

No choice at ibinigay na ni Gab ang Gatorade sa kanya. "Oh poof. Gatorade."

"Bakit?"

"Thank you nalang pala. Can't drink that." Sumimangot 'to. "Allergic e."

Allergic sa Gatorade?

"Can you lend me some money? Please? I'll pay you pag nakakuha na ako ng pera. You can even come with me sa apartment to make sure. Promise!" Itinaas niya ang kanang kamay niya.

Pero kung anong sumapi kay Gab at sumunod siya sa sinasabi ng taong kamukha ni Gatorade. Ayaw pa rin mag sink in sa utak niya ang mga nakikita niya.

"Thanks!" sabi nito pagkaabot ni Gab ng mineral water. "I'm Le-An, btw. Tara?"

Le-An.

New L.A. appeared.

*

Update. Sorry for a week long wait! Okay, baka maguluhan kayo. Lahat ng nangyare dito, naganap lang sa isang araw. So yep. Sana di kayo malito sa plot. I made sure to make it less confusing. I won't apologize for typing this update like this kasi ganito po talaga ang way of writing. Just bare with me. T^T hihi. Thank you sa pagbabasa! Hugs and kiss! :>

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro