Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8

 

Hindi ko na pinansin 'yung babae dahil iniwan niya rin naman ako. Hindi ko din naman kasi siya magets. Nagiging weird na ang mga tao sa Pilipinas. Ewan ko ba. First time kong magulat ng ganun at makausap ng babaeng may sayad ata?

Well, back to my oh so famous line... Heck I care.

Babalik na sana ako sa basketball court pero nakita ko na si Alex na pabalik. "Alex!"

Tumingin naman siya at tumigil sa paglalakad kaya tumakbo na ako palapit sa kanya. Nagsabay na kaming bumalik sa Badminton court. Wala na ata talagang klase. Masyado akong nadismaya. Walang laro.Gusto ko pa naman talaga maglaro e!

"Gusto mong kumain?" aya sakin ni Alex. Kinuha namin 'yung bag namin.

"Libre!"

"Wag na pala." Umakma siyang maglalakad palayo.

"Ang Cory mo!"

"Ha? Cory?"

"CORY-POT! Hmp. Tara na nga." Napatawa naman siya dun sa waley kong joke. To talagang si Alex, isa pang weirdo.

Dumiretso kami ng cafeteria. Last subject namin pareho kaya naman okay lang samin magubos ng oras dito. Maaga pa nga e. Wala pang 12. Tapos si Bebs mamayang hapon pa ang labas kaya mas okay na 'to kesa nguma-nga sa apartment.

"Oy nga pala, Alex."

"Oh?" Umupo na kami nung nakakuha ng pagkain. Pansin kong marami ding nakukuhang atensyon si Alex. Ma-appeal ang parekoy ah!

"Bakit ka nga pala nag-transfer dito sa school namin?"

"Bakit? Bawal ba gwapo dito? I’m not informed. Sorry."

"Gagi!" Tinapon ko sa kanya 'yung tissue. Pasalamat siya at hindi 'yung baso ang una kong nahawakan. Ang hangin lang pre!

"Haha! To naman. Kahit kelan sobrang sungit mo! Katulad na katulad nung first day!" Bigla ko tuloy naalala 'yung first meet up namin.

"Nagsalita ang hindi masungit!" I rolled my eyes.

"Heh!" Inirapan naman ako ng loko. Grabe. Kelan pa nauso ang irap sa lalaki? So gay! "Wala lang. Ayoko na dun sa dating school."

"Oh? Sa Manila ka dati di ba? What happen? Kwento!"

"So tsismosa rin pala ang isang Alexa Gabrielle Delos Reyes?" I glared at him at tumawa na naman siya. Alam na din kasi niyang ayoko ng tinatawag sa buong pangalan. "Wala lang. Di ko na feel e."

"Sus. Napakaarte mo talaga, Alex. Alam mo 'yun?"

"Nakakahawa kasi ang kaartehan mo." natatawa niyang sabi.

"Nguso mo!"

Tawa lang kami ng tawa ni Alex. Puro asaran nga lang nangyayare tuwing maguusap kami. I'm really happy dahil, for the first time since na pumasok ako dito, nagkaroon ako ng kaibigan. At sa ganitong tao pa, masyado kaming click.

"Sabihin mo may tinataguan ka dun. Di ka nagbayad ng utang mo no?"

"Ulul! Bayaran ko pa buhay mo."

"Kapal. I’m so sorry, Alex. Sobrang mahal ng buhay ko. Ubos lahat ng kayamanan mo!" Ngumiti naman si Alex pero biglang nawala yun na para bang may naalala siya. Hindi ko na tinanong. Hindi pa naman kami ganung kaclose e.

Pero I bet tungkol yun sa pagalis niya sa dati niyang school.

Iniba ko nalang 'yung topic at nagsimula kami ulit ng asaran. Ito na ata talaga ang magiging marka namin ni Alex. Wala, kundi asaran. Mas maganda 'to. Dun naman kami parehong magaling e.

Hindi ko na napansin ang oras. Lunch na pala! Napatagal kami ni Alex sa cafeteria. Kahit siya nagulat nung tumingin kami sa oras. Buti nalang PE lang talaga kami. Nag-yaya na si Alex pauwi kaya naman pumayag na ako. Hay. Matutulog nalang ako.

"Hatid na kita."

"Ikaw talaga, alam ko namang crush mo ko, Alex. Pero thanks nalang. I can manage." Asar ko sa kanya nung nakalabas kami ng gate.

"Hindi talaga mawawala ang kayabangan mo ano, Delos Reyes?" Umiling iling siya saka ginulo ang buhok ko. Napasigaw naman ako dun. Jeez! Ang hilig nilang manggulo ng buhok. Porket mas matangkad sila. Hmp! "Shoo! Layas na. Inaalala ko lang naman baka madapa ka."

"Ay grabe. Ang sweet mo!"

"Ganan talaga pag pogi."

"Ang hangin! Hoo!" Napatawa nalang si Alex at mahina akong tinulak para makapaglakad na ako. Iba kami ng way, ako papunta sa badang likod ng university tapos siya dun sa may sakayan ng jeep.

Napatigil ulit ako dun sa tapat ng bulletin board. Tsk. Wala pa rin silang nahi-hire ngayon. Siguro, para sakin talaga 'tong trabahong 'to! Hehe. Kung hindi lang talaga KJ at over protective si Mama nako! Siguro ang saya ng free time ko ngayon.

*

Nakadating na ako sa bahay. Binuksan ko ang pinto sabay tingin sa cellphone ko. Ala! Ang daming text at puro kay Gatorade yun galing. Problema nun? Binuksan ko isa isa..

From: GAH-TO

Asan ka? La ako NSTP. Sabay tayo.

Uh-oh. Patay.

Pero patay nga ba talaga? Di naman talaga ako obligasyon ni L.A kaya okay lang naman di ba? And besides, nangyayari rin naman ata 'to? Yung hindi nagagawang magtext ng girlfriend niya dun sa boyfriend niya pag busy. Hehe. Busy nga ba ako?

Hm, pero nangyayari nga ba 'yun?

Ano bang nangyayare pag di nakakapagreply ang GF sa BF niya? Hindi ko alam e. Malay ko ba sa mga rela-relationship na 'yan? ASA namang may alam ko. At hindi ko naman talaga boyfriend yang si Asul!

"I'm home." sigaw ko sa loob kahit alam kong wala naman talagang tao. Sanay na kasi ako. Inilagay ko 'yung sapatos ko sa shoe rack at pumunta sa may sala.

"Saan ka galing?"

Napatigil ako sa paglalakad nung biglang may magsalita. Shoot. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Akala ko kung sino!

"School?"

Napatigil ako nung nakita si Gatorade sa may sala. Nakatayo sa gitna, magkasalubong ang kilay at nakacross arm pa! Para siyang si Mama. Yung itsurang manenermon.

Sermon.

Uh-oh! Galit siya?

"School? I've been looking for you for 2 hours!" Napaurong ako nung biglang sumigaw si Gatorade. Hala galit nga siya! Pataaay!

Pero ba't ba ako kinakabahan? Sino ba siya para sermonan ako?

"Hindi ka pa nagrereply sa text ko." Hindi ko makuha ang point kung bakit siya nagagalit. Ganito ba ang nangyayare sa mga relationship na 'yun? Pwes, hindi ko talaga alam!

"Eh kasi nagyayang kumain 'yung classmate ko after PE class."

"Date?!" Sht! Nakakatakot si Gatorade!

"P-please don't look at me like that." Nauutal kong sabi. I can't take his glare anymore! Parang gusto niya akong lamunin. "It's not a date. Nag-brunch lang kami at kaklase ko lang siya! Jeez."

Wow. You're so great Gab. Nakapag-jeez ka pa.

"I'm so—tsk!" Pabiglang umupo si Gatorade sa sofa. Nagulat ako sa reaksyon niya. Masama ang tingin nya sa TV.

Hanggang ngayon nakakapagtaka parin kung pano siya nakakapasok sa bahay namin. Pero thinking of Papa, baka nagbigay siya ng spare key dito. Tss. Papa talaga.

Pero hindi yan talaga dapat ang isipin ko. Galit sakin si Gatorade at hindi ko alam kung anong dapat gawin ko. Wow! Nagiging apektado talaga ang isang Delos Reyes sa ginagawa ng Blue Head na 'to. Jeez. Bakit nga ba ako nagpapaapekto? Nguso niya!

"Hmp!" Padabog akong pumasok ng kwarto ko. Nahawa na ako sa pagiging masungit ni Gatorade.

Nagpalit na ako ng damit at hindi lumabas ng kwarto. Humiga lang ako sa kama ko at pinilit matulog. Bahala siyang magalit dun. I don't care. Remember, the less you care the lesser chance you'll get hurt. Kaya wapakels.

*


"I love you Domokun!" Niyakap ko si Domokun. Ohmydee. This is really is it is it! Ito na talaga ang real life Domokun ko!

"Rawr!" Niyakap din ako ni Domokun! Siguro daig ko pa ang bumbilyang tumubo sa mata ni Dominique at ngipin ni Marcus sa nangyayare ngayon. I so love Domokun! "Rawr!"

"Oh! You want a kiss Domokun?"

"Rawr!"

"Talaga? You'll be a prince if I kiss you?!" Halos mahulog ang panga ko. Hindi ko alam kung pano pero naintindihan ko talaga ang sinabi ni Domo! Oh shocks!

"Rarawr!"

"Ohmydeee! Okay okay!" Hinalikan ko si Domokun sa pisngi. "There!"

Pero laking gulat ko nung hindi siya nagpalit ng form! Domokun pa rin siya! Hmp! Magsasalita pa rin sana ako pero naramdaman ko ang paglaki ng lahat.

"AH!! Anong nangyayare sakin?!"

"RAWR!" Nagiging malaki pa rin ang lahat at napansin kong nagbabago ang itsura ni Domokun. At poof! OHMYDEE!! "The heck, Alexa!"

OHMYDEE!! Isang higanteng Domokun na tinubuan ng kulay ice cream blue na buhok!

"AAAHHH!!" Tumakbo ako ng mabilis pakayo. AAPAKAN NIYA AKO! AAPAKAN NIYA AKO!

"Humanda ka! RAAAWWRR!!"

"AAAHHH!! TULONG!! AAHH!!"

Takbo Gab! Takbo!!!!

Agad kong idinilat ang mata ko at nakita ang isang madilim na kwarto. Bigla akong umupo at hinabol ang hininga ko. Ohmydee! Bangungot with Domokun! Ohjeeez! At blue ang buhok niya!

Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Pinagpapawisan pa rin ako. Damn! That is not a good dream about my love Domo! Tsk. Dumiretso ako sa kusina at napansing wala na dun si L.A. Mukhang nagalit na talaga siya. Jeez.

Kumuha ako ng tubig saka uminom. Grabe. Kahit pala si Domo, babangungutin ako. Inilagay ko na sa lababo ang baso. Gabi na pala. Sobrang dilim ng bahay at mukhang wala o tulog na si bebs. Ayoko na siyang istorbohin.

"Ay!" Napaurong ako ng makita ang isang taong nanlilisik ang mata na may asul na buhok. "Ohjeez Gato! Tinakot mo ako!"

Grabe 'tong lalaking 'to. Pano siya nakapasok sa kwarto ko? Akala ko pa naman nakaalis na siya kasi galit siya. Hindi ko nalang pinansin kaya naman tinabig ko na siya para makapasok ako sa kwarto. Babalik na sana ako sa paghiga nung naramdaman ko ang kamay ni Gato.

"L.A, tutulog pa ako." Haharap pa sana ako sa kanya nung bigla niyang hinawakan ang noo ko. "Ano ba namang kalokohan 'to?"

"I'll eat you."

"What the—" at naramdaman ang pangil niya sa leeg ko. Bampira! "AH!!!"

"Alexa! Alexa!!" AH!! Bangungot! Ah! Bigla akong bumangon at napaupo—

*BLAG!*

AW!

Agad akong napahawak sa noo ko. Sht. Ang sakit. Tumingin ako sa unahan ko at nakita ang asul na buhok ni L.A.

"WAH! Bampira ka! Isa kang masamang Domokun!" Pinagsisipa ko siya. No! Hindi na niya ako maloloko. Isa siyang bampira! Isa siyang masamang domokun! Kakainin niya ako! Hinde hinde!!

"Aw! Alexa! ARAY! Ano ba! Ow!"

Napatigil ako nung bigla niyang hinawakan ang ankles ko. Oh no!! "Rape! Rape! Rape!"

"Baliw ka ba?! Aray! Anong rape ka dyan?! Umayos ka nga, Alexa!"

Huh? Napatigil ako sa pagpupumiglas nung bigla siyang sumigaw. Pumikit ako ng ilang beses saka nagsink in sa utak ko ang nangyayare. Ohmydee. Hinigit ko pabalik ang paa ko at buti nalang binitawan niya. Ohsht.

"Tsk. Ang sakit." Hinawakan niya ang noo niya at tagiliran niya. Aww. Masyado ko siyang nasaktan. "San ka bang pinaglihi kang babae ka? Magkakainjury pa ata ako sayo e. Gangster ka ba? Tsk!"

Napakagat ako sa labi. Not that nahihiya ako pero ginamit niya talaga yung term na ‘gangster’. Really, out of the blue ang term. But, yep. Hindi dapat yun ang iniisip ko.

AH! Bakit ba lagi nalang akong nananaginip ng Domokun tuwing may hinding mangyayaring maganda tungkol dito kay Gatorade? Tsk! Pinagpawisan ako ng sobra. Dalawang bangungot sa isang tulugan! May balak ata talaga 'tong lalaking 'to na patayin ako e! Hayy

"Sorry." Napatungo ako. Well, mali ko naman talaga. Pero anong magagawa ko? Nagpanic ako!

"Sorry? Yea right." Inirapan niya ako.

"Wag ka ngang umirap, mukha kang bakla!"

Napanganga siya sa sinabi ko. Uh-oh. Tsk! Nasungitan ko siya! Napatungo nalang ulit ako. Yan doble doble na ang kasalanan ko. Grabe lang Gab. Grabe lang. Errrr.

"Alis na ko." Tumayo ni si L.A. Bigla akong kinabahan. Nung malapit na siya sa pintuan, walang ano ano ay bigla akong tumayo sa kama at hinigit ang kamay niya.

"Sorry." There I said it, and I mean it.

Kaya siguro ako binangungot dahil dun sa ginawa kong kasalanan sa kanya. Yung hindi pagcheck ng phone ko. Sa pagtataray ko, sa pananakit sa kanya. Uhh. Mukhang tama si Alex, isa nga akong amazona. Errrr.

"Sorry for what?"

Hala. Nasa level 10 ang kasungitan ni Gatorade.

"Dun sa ginawa ko. Sorry na." sinubukan ko ang laging ginagawa ni Dominique tuwing may mali siya sakin. Ang puppy eyed look! Please maging effective ka. Pleaaaass—

"Erase that face. Cut it out!" inihilamos niya ang palad niya sa mukha ko. Wow! Effective nga!

"Eehh! Sorry na kasi! Alam mo naman kasi na... Tsk. Wala akong alam sa mga ganitong bagay, L.A. Please naman oh." Hinigit higit ko yung kamay niya. Tumingin naman siya sakin na parang nandidiri siya sa ginawa ko. Hay nako Gato! Pasalamat ka at may atraso ako sayo kundi nakayod ko na ang lungs mo!

"Oh tapos?"

"L.A naman e!"

"Hay. Oo na! Oo na!"

Ngumiti ako ng bonggang bongga na daig pa si Marcus. Yeys! Nagtatalon talon pa ako nun at bigla kong nakita ang ngiti ni Gatorade. Oh see? Bati na kami! Para nga kaming di nag-away e. Buti nalang! Dahil ayoko ng bangungutin tungkol kay Domokun at sa bampira.

"But, do a thing for me." natigilan ako sa pagtatalon sa sinabi ni L.A. "Magluto ka na. Gutom na gutom na ako. 3 oras kang natulog at hindi pa ako naglulunch simula kanina."

"Ayun lang ba?" Hindi ko alam pero biglang parang nahiya si L.A at iniwas ang tingin sakin. Sus! Gusto lang niyang manuod ulit kung pano ako magluto. "Tara sa kusina!"

*

Pinangaralan ako ni L.A. Ohwell, boyfriend ko daw siya at kelangan kong maging responsible. Ginagawa niya ang trabaho niya kaya daw kelangan gawin ko din daw ang part ko. Sus. Kahit di naman niya gawin ang trabaho niya e, magkakapera din naman siya.

"FYI Alexa, professional ako." sabi niya habang kumakain.

"Can you just please call me, Gab? Nakakailang ang Alexa e."

"Then please call me Gatorade or Rade or L.A. Ang dumi pakinggan ng Ga-to e." Umirap na naman siya. Jeez. So gay just like Alex! Umiling iling nalang ako. Eh sa gusto ko siyang tinatawag na Gato e.

Kumain lang kami ng kumain. Nakailang rice pa 'tong si Gatorade. Gutom na gutom nga at talagang nakakaguilty dahil kasalanan ko 'yun. Nagkwento lang siya about sa pagiging boyfriend – girlfriend. Nakinig lang ako kahit di naman ako interesado. Ang daming echos at kaartehan e.

Matapos naming magligpit pumunta kami sa kwarto. Gusto lang daw niyang makita ang collections ko ng CDs. Pinayagan ko na. Pagood shot ba. Magalit na naman sakin 'to. Tsaka bf-gf thing, give and take daw. Hay ewan.

Pinanuod ko lang si Gatorade na umikot sa kwarto ko. Mukhang naa-amaze siya sa daming nakacompile na CDs sa palibot ng kwarto. Yeah, bebs is right. Parang gawa na sa CDs ang kwarto ko.

"Napakinggan mo na 'to lahat?"

"Nope."

"Ha? Eh bakit mo binibili?"

"Wala lang. Collections nga e. Tsaka ang ganda tingnan." Kinuha niya 'yung isang CD na hinding hindi pa natatanggal sa plastik. "Wala ka bang collections?"

Umiling naman siya. Oh. Kaya pala.

Ibinalik niya 'yung CD at tinabihan ako sa kama. Actually, ako nakaupo tapos siya nakahiga. Napaka-feel at home talaga ng lalaking 'to. Sarap hilahin palabas ng bahay e. Err.

"Patulog ha? Dami kong nakain e."

"Hoy!" Aba't sumusobra na 'tong lalaking 'to! "Hindi pede LA! Dun ka sa guest room. Kwarto ko 'to!"

Pero bigla niyang kinuha 'yung isang unan. Tinaklob sa tenga niya saka tumalikod sakin.

"Aba! L.A!"

Sinubukan kong higitin yung unan at bigla akong natumba nung naagaw ko yun sa kanya. Tsk! Ni hindi man lang nakipag-agawan sakin? Tumayo agad ako at pumunta sa tabi niya. Hahampasin ko sana siya ng unan pero bigla siyang humilik.

WTH. Tulog na siya agad? Kung sabagay nakakaantok naman talaga pagkakatapos kumain.

Tiningnan ko lang ang mukha niya. At ano pa bang ineexpect nating lahat? Wala. Kundi ang nakakaamaze niyang tulog na mukha. Mukha tuloy siyang bata habang natutulog. Medyo nakabuka pa yung bibig niya. Nako! Wag niya lang tutuluan ng laway ang bed sheets!

Pero... siguro okay lang. Exception na. Ang gwapo e.

Hindi ko akalaing magkagalit kami kanina. Malay ko bang ganun talaga. Big deal pala talaga 'yun. Yung dapat alam nila kung sino ang kasama, asan siya and stuff like that. Dun mo pala kasi malalaman na concern siya sayo.

Concern si Gatorade sakin? Oo daw. Kasi boyfriend ko siya.

Eww. Ewan ko pero nandidiri talaga ako sa word na yan. Maarte na kung maarte pero hindi ko kasi aakalaing magkakaboyfriend ako e. Malay ko ba. Hindi pumasok yun sa isip ko kahit kelan. Wala akong balak. Masaya pa kasi ako na ganito ang buhay ko. Yung ako lang, si bebs, si Mama at Papa.

Pero pano nga kaya? 3 months lang naman e.

"ACK!" Nagulat ako nung biglang umikot si Gatorade at ipinatong niya ang braso niya sa leeg ko. Result? Nadagaanan niya ako. "Huy L.A! Nasasakal ako!"

Inadjust niya 'yung kamay niya at inilagay ang braso niya sa bewang ko. Bigla akong kinabahan. Napahiga din kasi ako sa kama. Medyo tumingala ako at nakitang nakapikit pa rin siya. Pinilit kong tumayo pero binaon niya 'yung braso niya sa bewang ko kaya napapabalik ako sa pagkahiga ko.

"L.A! Ano ba!" saway ko sa kanya pero bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

He planted a kiss on my forehead, "Tulog ka na baby. Promise, dito lang ako. No more nightmares."

At sa pagkakaalam ko na hindi ako marunong? Oo, kinilig ako sa gesture na 'yun. Ohjeez.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro