Chapter 41
Chapter 41
Thursday
*BLINGBLINGBLUMBLAMP!*
Napatigil ako sa kinakatayuan ko. Uh-oh. There goes the second signal. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko yung mga iba na halos isiksik ang mga sarili nila kung saan pede sumiksik makapagtago lang. Yung iba naman…uh, yun may weird faces sa mukha nila na parang ready na silang kumain ng tao o makipagpatayan.
Oh I can really feel the school's spirit right now. Isang taon na ako dito pero walang pagbabago and I never thought makakapag-adjust na agad ako sa 'spirit' na 'to. Awtomatiko akong nagkaroon ng goosebumps nung may makasalubong akong may nakakatakot na ngiti sa mukha.
Like Nikki's!
I shook my head to remove Nikki away from my thoughts.
Jeez. Bakit ko naisip ang psycho na yun?
"That creepy girl." I completely ignored the thought at dumiretso na ako sa...saan nga ba? Wala naman akong pupuntahan e. "Curses. I hate you, bebs."
Bakit pa kasi ako pumasok!
Ah. May attendance nga pala. Tsk. Pero bakit sina bebs napakiusapan yung classmate niya na iattendance siya kahit wala siya dito? This is so unfair! Wala nga pala akong friends tulad nun. At kung may ‘Alex’ man, A-S-A pa akong tulungan niya ako sa katamaran ko! Baka yun pa ang manguna para isumbong ako sa prof!
What life I have, right? Psh.
Where's bebs? Umuwi ng Quezon with Marcus. Madaya! Pati si Marcus pinagbigyan nung classmate niya. Si Pink Nerdy kasi yung nag-aattendance sa kanila. Konting hilot lang sa balikat nun, papayag na agad!
Why am I born with vagina?
Oops. Strong word. Ignore please.
But damn. This is really boring.
Kung ano ano ng naiisip ko!
Aliens. Yeah. Aliens will be so okay right now. Yung ia-abduct nila ako at dadalhin nila ako sa Mars. Why Mars? Mainit dun! Hmm. Uranus is a nice planet. Aliens with blue head. Haha! Pwede—
"Ah!" Napapikit ako sa takot, "Aliens!"
"Anong sabi mo?" Napamulat ako nung narinig ko siyang magsalita."I know I have a blue head but I look better with those aliens."
"Gatorade!"
"Miss me?" he cooly said then winked at me.
"Teka, teka! Huy, bagalan mo nga!" Takbo kasi ng takbo. Bakit ba siya natakbo?
"Can't baby." Sumenyas siya sa likod niya kaya lumingon ako at nakita ang mga taong humahabol sa kanya.
"Ohmydee. I forgot." Ewan ko kung anong sumanib sakin pero mas binilisan ko ang takbo ko na halos maunahan ko na si Gatorade. Narinig ko siyang magchuckle dahil dun. Siguro alam na kung anong iniisip ko.
"Possessive girl friend."
"Shut up."
Mas tumawa siya. Bwiset. Sana pala alien nalang talaga siya. Punta kaming Uranus para mawala yung mga humahabol samin.
*
*BLINGBLINGBLUMBLAMP!*
"I think we're safe." He said in between inhales and exhales. We’re tired!
Ibignagsak ko yung katawan ko sa sahig. Walang pakielam kung madumi ang sahig o hindi.I really don’t care! That running stuff. *inhale* *exhale* No more, please. Napatingala ako nung napansin kong may smirk na nakaplaster sa mukha ni Gatorade.
"What?" Ahhh! Ang sakit ng paa ko!
"Possessive." Inirapan ko lang siya at alam kong mas lumapad na yun at naging ngiti na yun. "Manang mana ka talaga sa Papa mo."
"Whatever." huminga pa ako ng malalim to satisy myself. "Treat me. I saved you from those monsters."
"What?" Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Ipinatong ko yun dun at hinigit niya ako patayo. "We're the monsters here, crazy."
"Monsters surrounded by...?"
"Crazy people." Dugtong niya sa sinabi ko.
"Oh. Akala ko ba ako ang crazy?"
"Uhm," Ginawa niya yung mannerism niya at tumingala na para ba talagang nagiisip siya. I don't know pero I think he's unconscious when he placed his arm over my shoulder. "Don't make me think too much, baby."
"Eh ikaw lang naman nagpapakumplikado."
"Basta tayo lang dalawa ang monster!" Oh boy. Playful Gatorade on! "But you know what?"
Nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria. Napatingin ako sa kanya. "What?"
"Mae-extinct tayo."
"Ha?"
"Dadalawa na lang tayong monster!" Nagmake face siya na natataranta. Nagulat ako nung bigla siya tumigil sa isang pintuan ng classroom. Hinihigit niya ako papasok. "Bilis!"
"Bakit ba? Uhaw na ko!"
"Avoiding extinction!"
"What the hell are you talking about?"
"Let's go make baby monsters!" I hit him. "Aw!"
Huminga ako ng malalim. Don't take it seriously Gab. Calm down. Calm down.
Tumingin ako sa baba. Napaupo kasi si Gatorade dun sa pagkakabatok ko sa kanya. That serves him right. That was very shocking? Jeez. Tumingala siya habang hawak hawak pa rin ang batok niya.
"But what about extinction?" he playfully pouted his lips. Sinamaan ko siya ng tingin. Bigla siyang tumayo kaya napatingala ako. Tangkad ng lalaking 'to. "Sabi ko nga ililibre kita. Tara na."
Naglakad na ulit kami at sinusubukan kong kalimutan ang sinabi niya. Baby monsters? Ano na naman bang nahigop ng asul na ulo nito at naa-out of control na naman. Di ko alam kung anong mas gusto ko, serious Gatorade or Playful Gatorade.
Tumaas ang balahibo ko nung naramdaman ko ang init ng hininga ni Gatorade sa may tenga ko, "Please reconsider Plan Anti-Extinction."
I hit him again.
"Ow! Amazona. Monster ka nga talaga."
Ayaw pang titigil kasi e!
Pumunta na kaming cafeteria. Unlike kanina, kalmado ang atmosphere ngayon. Another 2 hours of peaceful aura. At mamaya tutunog na naman yung magic buzz ng Big TRIO na nagbibigay thrill sa Foundation day ng CK University.
Naghanap na ako ng mauupuan since madaming tao kasi nga naka-off ang status ng BIG TRIO. Yung iba lumabas na sa pinagtataguan nila at yung iba nagpapanggap na wala silang masamang balak.
"Hanggang kelan ba yun buzz?" dumating na si Gatorade dala yung tray ng orders niya. Akala ko uupo siya sa harap ko pero pinaisod niya ako kaya magkatabi kami.
First Bidding: 7AM
First buzz: 8AM
OFF: 9AM
Second buzz: 11AM
OFF: 12PM
Second Bidding: 1PM
Third buzz: 2PM
OFF: 3PM
Fourth buzz: 4PM
OFF: 5PM
Closing: 6PM
"Basta alam ko pag hindi ka na nahuli after the fourth buzz, ligtas ka na."
Tumango tango naman si Gatorade. Siguro aware na siya kanina pa sa nangyayare sa paligid ng CKU. Ang three days celebration ng foundation days ng CKU.
Tulad ng iba't ibang foundation days ng isang school, maraming events at echos na tulad ng mga booths din kami. Andyan ang food booths, thingy-booths (accessories or ano pang pedeng ibenta), movie booths, jail booths at iba iba pang booths na pede na ginawa at pinag-isipan ng bawat courses.
Pero may particular booth na talagang nakakaagaw pansin sa CKU. At yun ang booth ng Big TRIO. Ang KDL, Kidnap Date Luxury na hawak ng Criminology, Culinary Arts at HRM Students ng CKU. Why?
Kidnap Date Luxury booth ang pinakamabentang booth sa lahat ng booths dito. Tinawag na Big Trio ang tatlong courses dahil nag-merge sila way back 10 years ago at hanggang ngayon di pa rin natatalo ang booths nila when it comes to popularity, income at iba't iba pang criteria.
Hindi ito basta basta tulad ng blind date booths. ‘Kidnap’ are managed by Criminology students. Sila ang humahabol samin kanina este kay Gatorade lang pala. ‘Date’ are held by HRM students. Sila ang nagpapaganda ng venue ng date. And believe me, nakita ko na yun venue at pang international talaga ang galing nila. ‘Luxury’ ay sa Culinary Arts. Luxury in terms of their foods. Balita ko sobrang sarap talaga ng inihahanda nila.
"Bakit ayaw mong magpahuli? For sure naman na sila ang magbabayad ng date niyo."
"Look who's talking. Halos nga ikaw na ang humigit sakin kanina. Right possessive mama monster?"
Nagtanong pa ako.
Bakit nagtatago ang halos lahat? Bakit halos mabaliw ang iba?
Ito kasi ang time na lumalabas ang mga avid fans or stalkers ng isang popular na student ng CKU, included yung mga hindi estudyante dito at no limit ang age range. Hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming humahabol kay Gatorade kanina. May bidding ang KDL sa umaga at hapon. May one hour bidding, binibigay to sa mga students na gustong makidnap for date. Actually, nagaganap lang ang bidding pag maraming gustong maidate ang isang tao. Kung wala ng nakipaglaban sa bid or isa lang ang nagnominate for Kidnap, automatic na siya ang panalo.
Whoever wins siya ang makakadate nito. Take note, eng bidding halos umaabot ng 1000, e ang increments lang naman 10 pesos. Si Gatorade kaya magkano na ang bid?
"Hinabol ka na ba nung first buzz?" Tumingin siya sakin habang umiinom siya. Commercial mow-del na naman siya. Tumango naman siya. Kawawang alien to.
"Nahawakan na nila ako kanina e. Tapos napatakbo na lang ako nung malapit na kami sa venue. Naalala ko bigla yung sinabi sakin ni Marcus bago sila umalis kanina."
KDL din kasi ang isang dahilan kung bakit ayaw pumasok ni bebs at kung bakit ayaw niya din papasukin si Marcus. See? Mas possessive si bebs—hold! Bakit mas? Siya lang ang possessive!
"You saw your bid? Di ba nakapost yun sa labas ng venue?"
"Ah. Yung nakalagay sa ilalim ng picture ko? Alam ko 2,650 pesos."
I dropped my jaw after hearing his bid. Bigtime.
*BLINGBLINGBLUMBLAMP!* SECOND BIDDING. ATTENTION SECOND BIDDING. *BLINGBLINGBLUMBLAMP!*
Swerte nung nagbid ng 2,650 pesos! Hindi na siya magagastusan. Pag kasi hindi nahuli ng criminology students yung target, ibabalik nila ang pera at macoconsider failed ang operation.
Bakit ko alam ang mga 'to?
Mabenta si bebs sa KDL.
*
Nanlaki ang mata ko nung maposasan si Gatorade at nung nag-cuss siya. Napalibutan nila kami sa labas ng CR ng babae. May bad. Kasalanan ko talaga. Kasi gusto niyang pumasok sa loob pero ayaw ko siyang papasukin.
"Sama ka nalang pare." Tumingin sakin si Gatorade... Oh please not that look.. "Tara."
"Sorry."
Umalis na sila sa harap ko. Pinanuod ko lang silang umalis. Lumingon pa si Gatorade at sumimangot. Aish! Nangongonsensya pa! Ang malas naman! Last buzz na kasi at may 30 minutes nalang bago matapos ang hunting ng criminology.
"Ah. Wait Miss." Biglang bumalik yung isa sa mga humahabol kanina kay Gatorade at kinuha yung notebook sa bulsa niya yun. Nakailang lipat siya ng page saka tumingin sakin, "Ikaw si Alexa Gabrielle Delos Reyes?"
"Ha?" Nagulat ako nung bigla niya akong pinosasan.
"You're under arrest for having a privilege to have a luxurious date."
Date?
"Don't tell me na ikaw ang nagbayad sakin?" pang-aasar na tanong ni Gatorade.
"ASA. I won't ever spend a centavo for you."
"Aw! Nakaka-offend yun!"
"Tara na po." Hinigit ako ni Manong Criminology.. Umurong ako at nanlaban. Ayokong sumama. Ayoko!
"Ahh! Put me down!"
"Pareho lang tayong mahihirapan."
"Hey! This is against human rights!" pagpapalag ko.
"Oy. Ako lang may karapatan bumuhat sako dyan!"
"Bumuhat sako?" Napatawa yung mga kasama ni Manong Criminology sa sinabi ni Gatorade.
*
Nagkagulo ang mga tao sa labas ng venue nung nakita nila si Gatorade. Tumingin ako sa board at nakitang lampas 3,000 na ang bid kay Gatorade. Kaya siguro gustong gusto na nilang mahuli si Gatorade.
"Alexa..." Napatingin ako sa unahan ko. "1,530?"
"Ano?"
"Yung bid sayo."
Napatingin ulit ako sa board at nakita ang picture ko na may bid na 1530. Seriously? Who'll bid for that?
Nagkahiwalay na kami ni Gatorade dahil dun siya sa kabilang pintuan dumaan at ako naman dun sa may right wing. At tulad ng inaasahan, isang magandang venue ang nakita ko sa loob. Nakikita ko yung iba't ibang sikat na students kadate siguro yung isa sa mga avid fans/stalkers nila.
"Enjoy."
Naramdaman ko nalang na nawala yung posas sa wrists ko. Hinilot hilot ko yun pagkaupo ko sa upuan. Iniwan na ako nung criminology student at napalitan yun ng isang HRM. Inayos niya yung table at nilagyan ng panyo ang lap ko. Nginitian niya ako at maya maya may dumating na at nag-indian sit sa upuan na katapat ko. Nag-jolly face siya sakin..
Okay?
"Actually, hindi ako ang kadate mo." Humalumbaba siya at pinagside to side niya yung mukha niya na parang ineexpect ang mukha ko. "Kaya pala."
"Kaya pala?"
"Hay!" Napaurong ako nung umurong din siya at nag-inat. "Gab, right?"
"Oo?" Bakit ang labo niyang kausap?
"I spent 1,530 pesos, so please be good." He childishly point a finger at me and pouted his lips.
"What are you saying? I didn't tell you to spend!"
"Whoa whoa. I'm doing this for my friend. Alam kong ayaw naman niya talaga nito pero sige na! Please?" Nagulat ako nung bigla siyang magpacute sa harap ko. Actually cute talaga siya. Naka-amen pose siya ngayon habang nakapikit.
"Why?"
"Wag ka ng magtanong! Let's just say bigyan natin ng worth ang 1,530 pesos ko."
"Parang sinabi mo na din na isa lang akong 1,530 pesos."
"Wow." Nagtaka ako sa naging reaksyon niya. "You really are different."
Ramdam ko ang pagkunot ng noo ko dahil dun. Tumingin siya sa likod ko. Titingin na din sana ako pero naagaw niya ang atensyon ko nung masigla siyang kumaway at tumayo sa upuan. Bakit kaya di 'to nahuli? Cute siya kaya paniguradong may magbi-bid din sa kanya.
"Uy. 1,530 pesos ko ha!" Nag-belat siya sakin at cute na kumaway, "Bye bye!"
Sinundan ko siya ng tingin hanggang salubungin niya yung ka-date ko ata. Nakita ko yung pagreact niya sa suntok nung kadate ko ata. At halos malaglag ang panga ko nung nakita ko na kung sinong makakadate ko.
Napansin niya atang sinundan siya ng mata ko habang naglalakad siya at umupo sa upuan niya.
"Do you know how you made the situation worse with that look?" I take back my gawking. Iniwas ko agad ang tingin ko. "Don't ask why dahil simula palang ayoko nito. Ayoko kitang makadate. Malakas lang ang topak ni Rinrin."
Si Rinrin siguro yung kanina.
"And please don't think that I like you."
"Excuse me? Hindi nga ako umiimik!" Bumalik ang tingin ko sa kanya. Ano bang ugali meron ang lalaking 'to. "Don't worry, I don't like being like by you."
"Me too. I don't like to think or imagine that I will like you."
"You're so rude."
"Mas maganda na yun kesa magpanggap pa ko."
Hindi ko alam pero ayun ata ang pinaka-manly na irap na nakita ko. Inayos na niya yung sarili niya at sumenyas dun sa 'waiter'. Dumating naman agad ang orders namin. He even said na bilisan na namin para matapos na ang walang kwentang date na 'to. Wag na din daw akong mag-alala dahil siya naman daw ang magbabayad nito.
Mahal ang pagkain dito sa KDL. Pero parang hindi ko kayang bayadan 'to!
As much as possible I don't want to look at his face. Kahit dati ayoko siyang tingnan dahil feeling ko magkaka-trauma ako. Pero alam mo yung nung Monday? Akala ko kasi iba lang ang naramdaman ko nun, mas malalala pala siya.
Scary eyes.
Why is he my date?
I don't have a freaking idea kung pano nangyare 'to. Akala ko nga isa lang nanti-trip na kaklase sakin pero eto. Si Scary eyes ang kadate ko. Wow. Can you possibly call this a date? If this is a date, this is an example of a worst date. And yes, I’m being mean cause he is mean to me.
Pero di ko ikakailang mas nangunguna pa rin ang takot ko compare sa galit or inis ko sa kanya. Those eyes really creeps me out.
"Wala ka na bang ibibilis diyan?" Nakakainis. Ano bang problema niya? Parang gusto ko siyang makadate ah! Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy pagkain ko. Sulitin na din. Masarap naman ang pagkain dito at nakakagutom ang ginawang takbo namin kanina ni Gatorade.
Speaking of Gatorade.. Asan kaya yun?
Baka nalapa na ng buwaya niyang stalker. Charot. Sama ng ugali ko.
Medyo natauhan ako nung mapansing may kakaibang aura sa unahan ko. Dahan dahan kong ipinaling ang mukha ko at nahuli siyang nakatingin. Nung nahalata niyang nakita ko siya agad siyang lumingon sa ibang direksyon.
May sayad ba siya? Err.
"Yan na tapos na. Masaya ka na?" Tumayo ako at pinunasan ang kamay ko. Tumalikod na ako pero nagulat ako nung naramdaman kong may humawak sa braso ko. Pagod ko siyang nilingon at tinanong, "What now?"
Binitawan naman niya ang braso ko. Pinadaanan niya lang ako ng tingin na para bang hangin ang kausap ko. Naglakad na siya na parang walang nakatayo sa harapan niya dahil binunggo niya ang balikat ko. Bastos.
Inintay ko lang siya makalabas ng venue. Tumingin ako sa paligid ko to look for Gatorade. Baka nakalabas na din siya. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang number niya,
["Ba—"] Walang signal kaya naging choppy ang line.
Binaba ko na yung phone at dumiretso na sa labas. Napatigil ako nung makita ko si Rinrin kasama si Scary eyes. Pabiro niyang sinasakal si Rinrin gamit ang braso niya pero wala siyang expression sa mukha tapos si Rinrin mukhang natutuwa pa sa ginagawa sa kanya.
"Gabby!" Napatigil siya sa pagsakal kay Rinrin pero mabilis lang yun at tinuloy na ulit. At feeling ko mas mahigpit na yun. "Thank you ha!"
Should I say 'welcome'? Wala naman kaming ginawa dun e. Walang kwenta nga di ba? Ngumiti lang ako at tumango. Parang inaappropriate e.
"Arte kasi nito. Ayaw pang magcelebrate kasama kami. Aray!"
"Tumahimik ka na nga lang. Tara na!" Tinulak na niya si Rinrin at nagpamulsa bago nagsimulang maglakad.
"Bye Gabby. Thank you for making Russ' birthday spe-hey!" Hinawakan niya sa leeg si Rinrin sa leeg at hinila na siya palayo.
So Russ ang pangalan ni Scary eyes? At.. Birthday niya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro