Chapter 30
Chapter 30
[Marcus Lau's POV]
"Love pagod na ko." She pouted.
"Pahinga ka na, Love." Nag-put din ako tulad niya.
"Gaya gaya. Nagpo-pout din."
"Eh ang cute ni Love pag nakapout. Ako din ba cute pag nakapout?"
Tumango naman si Dovee. Pero wala na ata talaga 'tong energy. PE nila kaninang umaga tapos naghahabol pa sila sa Prelims dahil yung mga profs daw na late nag-orient ayun. Ngayong week lang tinapos ang exams.
Galing kami sa labas kasi dun na kami kumain. Dumiretso agad kami pagkasundo ko sa kanya sa school. Wawa naman ang Love ko. Makapag-pout na nga lang din. Gwapo o cute ba talaga ako pag naka-pout? Hmmm.
Naunang pumasok ng apartment si Love. Ako kasi nagsara nung pinto. Patay ang ilaw sa loob pero bukas yung TV. For sure akong walang nanunuod! Si Love lang naman at ako ang medyo may interest manuod ng TV. Walang hilig si Gab at Gatorade.
"O Love, ba't di ka pa nag—"
"Shh!"
Ha?
Nagsign lang siya na wag akong maingay kaya tumango ako. Pinalapit niya ako. Ano bang meron? Tumabi ako sa kanya at tinuro niya yung nasa harapan niya.
Aba!
"Phone!" sigaw na bulong ni Love.
Lumuhod siya sa may tapat ng side table at tinutok yung camera ng phone niya. Ngumiti si Love nung tapos na niyang kunan ng picture yung dalawa. Napailing nalang ako.
Lagot ka Gatorade dyan.
*
[Alexa Gabrielle Delos Reyes' POV]
I opened my eyes and found myself infront of my laptop, on its sleep mode. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko may nakaipit sakin. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero may nakaharang.
"Grr~"
Napatingin ako sa legs ko at nakita si Laelle na natutulog sa may binti ko.
Si Laelle nsa Binti ko.
Pero teka…Kelan pa naging apat ang legs ko!
Biglang may gumalaw sa likod ko kaya umupo ako ng ayos. Aw! Ang sakit ng leeg ko. Dahan dahan akong lumingon sa likod ko at. Aw! Leche. May stiff neck pa ata! Tumingin ako sa may tiyan ko at nakitang naging apat din ang braso ko.
Weh. Tama na ang ka-cornyhan, Gab. Tsss.
Ginalaw galaw ko ang leeg ko. Medyo nawala naman yung ngalay pero masakit pa din. Nasa may binti ko pa rin si Laelle at tulog. Anong araw na ba ngayon?
"Shit PE!"
"What the!"/ "ARF! ARF!"
Oops.
"Sorry."
Nagising na silang dalawa at nakita kong tumakbo pa si Laelle sa ilalim ng sofa. Ang lakas ng boses ko. Naman e! Pano ba ako hindi magugulat? Friday ngayon! Ano bang oras na!
"Well, good morning sleeping beauties."
Nagulat ako nung biglang magsalita si Marcus sa may kusina. Kanina pa ba siya dun? Di ko siya napansin. Naramdaman kong tumayo na yung tao sa likod ko. Nakita ko nalang 'yung palad niya sa harapan ko.
"Thanks." sabi ko pagkatayo habang inuunat pa din ang leeg ko.
"Masakit?" Dahan dahan akong tumango. Masakit. Tsk. Bigla siyang pumunta sa likod ko at nilagay yung kamay niya sa base ng leeg ko. Medyo hinilot hilot niya. "Sorry. Di ko napansing nakatulog na ko kagabi."
"Di ko din naman alam."
Wala na ako maalala kagabi. Basta ang alam ko pinaglalaruan ko lang ang balahibo ni Laelle habang nagiisip ako ng concept dun sa projects ko.. tapos yun.
Wala na akong maalala.
Nakatulog ata ako agad.
"I'm home!"
Napatingin kami dun sa may pintuan at sinalubong naman siya ni Marcus. Galing sa school si bebs.
"Hala Gatorade! May PE pa tayo!" Bigla ko ulit naalala.
"Relax Gab. Walang PE." Singit ni Marcus.
"Ha? Bakit? May event ba?"
"May mass kanina sa gym kaya yung morning classes ng PE na-excuse. Tsaka anong oras na! Hello mage-eleven na bebs!"
Ang tagal naming nakatulog?
Well that explains everything kung bakit masakit ang leeg ko. Ang panget siguro ng ng pwesto ko kagabi. Nakasandal lang kasi ako kay Gatorade. Tapos si Gatorade nakasandal lang sa sofa.. Nakaupo kaming natulog. Wow.
Malay ko bang makakatulog ako!
"Eh pano 'yung NSTP niyo? Uwi na Gato! Pasok pasok din!" tulak ko kay Gatorade. Psh. Mukhang wala pa sa wisyo 'tong si Gatorade. Nakatulala lang e.
"Wala si sir." sabi ni Marcus. "Inannouce niya nung matapos ang exam. Nagmamadali kasing umalis yan last week."
Tumango tango lang si Gatorade habang nakapoker face. Ah.. So wala kaming pasok ngayon? Jeez. Sayang ang effort ng kaba ko kanina.
"Bebs tara na!" Nagtataka akong tumingin kay bebs.
"Saan?"
"Sa atin! Uwi tayo ngayon, remember?"
Uuwi kami? Inang. Asan ba ang wisyo ko? Sinama ata ng wisyo ni Gatorade kung saan!
Tumingin ako kay bebs at mukhang nabobore and at the same time naiinis sa itsura naming dalawa ni Gatorade na bagong gising. Uhh. Sorry naman! Ang hirap kaya magproccess ng utak pag bagong gising!
"Love, bangag pa."
"Err. Bahala ka dyan. Basta ako, magaayos na ng gamit!" pumasok na si Bebs hila hila si Marcus sa kwarto niya.
"Uuwi daw kami."
Nakita ko lang tumango si Gatorade. Maya maya hinawakan niya ang balikat ko at hinalikan ako sa pisngi, "Good morning, baby."
Oh!
Go..Goodmorning daw.
Okay.
*
["Siguro wait ko nalang sa Monday. Pero kung kaya this evening, send mo nalang, capiche?"]
"Copy. Sorry talaga ha? Si Papa kasi e."
["Relax Gab! Relax! Ano ka ba? It's okay. Don't hassle yourself too much."] Di ko kasi sila nainform about sa paguwi ko this weekend sa home town. Psh! Ewan ko pero syempre pag bago di ba dapat pagood shot? Nakakahiya kasi!
"Sige sige. Thank you ha! Try ko maya. Update nalang kita." Itinigil ko yung sasakyan. "Kuya, 500 lang."
Tumango naman si Kuya gasoline boy. Tumingin ako sa rear mirror at nakitang busyng busy si bebs sa pagaayos ng gamit niya sa likod.
["Okay! Ingat kayo."]
"Thanks!" Binaba ko na 'yung phone ko. "Wala ka bang gamit sa Quezon?"
"Ha?" Napatigil si bebs at tumingin dun sa rear mirror. "Eh! Alam mo naman ako. Di ako marunong mag-impake!"
"Right. Eh hindi mo naman kasi talaga kelangang mag-impake."
"Okay na po ma'am!" binigay ko 'yung 500 pesos kay kuya gasoline boy at pinaandar na ulit ang Minica.
"Ehh! Syempre may pasalubong ako sa kanila."
"Damit mo papasalubong mo sa kanila?"
"Bebs! Leave me alone!"
"Kung ibaba kaya kita dito at talagang iwanan ka?"
"Heh!" Inirapan niya ako kaya napailing nalang ako at natawa. Bebs ko talaga, oo! "Ay! Oo nga pala! Sina Marcus!"
"Ha?"
"Stop the car!"
"Bakit?" Pinark ko naman 'yung Minica sa side.
"Sina Marcus! Sasama sila!"
"Ha? Ano? Bakit?"
"I invited them! Balik! Alam ko ang apartment nila!" Ano daw? Bakit ngayon niya lang sinabi! Hindi na ko nakipagtalo at bumalik. Tinuro sakin ni bebs kung saan ang daan. Psh.
"You forgot na kasama sila? Yung totoo bebs, may alzheimer's ka? Jeez."
"Oo! At kakalimutan na kitang best friend kita pag hindi mo tinigil ang pangaasar sakin." Baliw ng babaeng 'to. "Porket may lovey dovey sleeping with Gatorade sa living room kayong dalawang nalalaman kagabi!"
Sabi ng wag mong aasarin si Bebs e.
"Oh ano, tameme ka?"
"Shut up."
"As always, pikunin bebs!"
"Nagsalita! Parang di ka pikon!"
Napatawa nalang kaming dalawa sa pinaguusapan namin. Pinatigil niya ako sa isang subdivision dito sa Alangilan. Nakita namin sina Marcus at Gatorade sa labas ng isang apartment.
At kung bakit sila kasama?
I have no effin idea. Ask bebs. Siya naginvite e.
"Love, dito!" Binuksan ni bebs yung pintuan at obvious sa kanila na nagulat sila nung makita nila ang dalawang maleta sa likod. "Maglilipat ba kayo?"
"Siya lang." I joked. Hinampas naman ako ni bebs. Ako pa daw ang pikon!
Napatingin nalang ako sa shot gun seat nung pumasok si Gatorade. At obviously, mukha siyang puyat na puyat. Anyare sa lalaking 'to?
"Ayoko ng bumalik ha. At kung may naiwanan kayo, wala na akong pakielam. " sabi ko sa kanila nung ayos na ang lahat. Ini-start ko na ulit yung engine ng Minica nung biglang magsalita si Gatorade.
"Uhm, Si Laelle?"
Si Laelle?
Hala! Si Laelle!
"Sabi ko nga babalik tayo."
"Boo!" pang-aasar ni bebs.
"Ako nagddrive, wag kang magreklamo!"
"Unfair! Pag ako natutong magdrive!"
"You can't. You tried, but you can't." I stuck my tongue out to her.
"Bakit? 3 cars palang naman nababangga ko ah!"
"3 cars?" Marcus said with eyes wide open.
"Exactly bebs. Exactly." I said while chuckling and nodding. That’s exactly the main point!
*
"Princess!"
Here he comes! Here he comes! Let me hide!
"Ack! Papa!"
Napaurong ako. Sinubukan kong itulak si Papa pero wala akong magawa. Hay! Ang lakas niya e! Mas humigpit pa ang yakap niya. Help! Help! Papatayin ba niya ako? Psh! Pero eto, hinug ko na din. Namiss ko e.
"Papa, bitaw na. Mamaya na ulit." I pat his back. Umiling iling pa! "Papa talaga! Andito na nga ako e!"
"Si Tito oh! Tama na yan!"
"Inaaway na naman ako ni Veena, baby Alexa."
Sinamaan ko naman ng tingin si bebs kunware at natawa nalang kaming pareho. Para lang akong nanay ng isang dambuhalang nagsusumbong na bata. Isip bata ang papa ko. (As you all know. Mehe)
"Tito, pa-hug din ako! Namiss ko kayo!" Natuwa naman si Papa at niyakap na din si bebs.
Tumingin ako sa likod ko at nakitang nawiwindang si Marcus at si Gatorade nakasmirk lang. Ngayon pa nga lang pala nakita ni Marcus si Papa. At kung nasa posisyon ka ni Marcus, I give you all the right to judge, feel awkward and weird. I know the feeling at sanay na ako sa mga ganyang expression pag nakikita nila ang papa ko.
"Ma'am, kunin na po namin gamit niyo?"
"Yes, please." Ngumiti ako dun sa maid at nilabas na sa minica ang ,actually ay puro gamit ni bebs. Iisa hand carry bag lang meron ako e.
And yes, Nasa quezon na kami!
"You!" Nagulat ako nung biglang sumigaw si Papa. Nakaduro kay Gatorade. "How dare you call baby my baby!"
Oh! Ayun pa rin pala ang issue. Minsan iniisip ko kung isip bata o may saltik lang talaga ang papa ko.
"Cause she's my baby?" he innocently answered with cool smile on his lips.
"That can’t be! She’s only mine!"
"Arf! Arf!"
Hala! Nagalit na si Laelle.
"Oh!" Nagbago ang expression ni Papa from inis to amusement."Puppy."
"Arf!"
"Wow."
Napahampas nalang ako sa noo ko. Ang papa ko. Ang papa ko! Ang papa ko.
Si Papa na ngayon ang may hawak kay Laelle. Kanina galit si Laelle kay Papa dahil sa pagsigaw sigaw niya kay Gatorade, pero ito sumama din. Animal lover si papa kaya mabilis niyang napaamo si Laelle. Ayun, parang yun na ang baby at hindi ako.
Weird papa? I know right.
"Nagtext na ako kay Mama. Sabi ko dito muna ako, mamayang dinner nalang ako uuwi." sabi ni bebs pagkababa nung phone niya. Pumasok na kami sa loob at pumunta sa living room. Nakakapagod magmaneho.
Malapit lang naman ang bahay nina bebs dito. Tatlong bahay lang ang pagitan namin. Ewan ko ba kung bakit di muna siya dumaan dun. Tinatamad siguro.
"Ba't nga pala kayo andito sa bahay papa? May trabaho kayo ah!"
"Ay! Buti pinaalala mo." Binaba niya si Laelle kaya tumakbo siya papunta kay Gatorade. Nagpapabuhat ata. Psh. "Dumaan lang ako dito kasi may kukunin akong papers. Patay na naman ako nito."
"Yan. Yan kasi. Lagot ka kay mama."
"Oo na! Aalis na nga e!" Tumakbo si Papa papunta dun sa office niya dito sa bahay at maya maya lumabas na may hawak hawak na folders. "I'll be out for a bit tapos uwi na rin agad ako ha? Marcus and Gatorade (may tonong bitterness nung sinabi ang pangalan ni Gato), feel at home."
Magsasalita pa sana ako pero tumakbo na si Papa palabas.
And that leaves the four of us here.
Why do I have to live with these kinds of people? Buti nalang at hindi pa ako nasusugod sa mental! Why? First my papa. Next my bestfriend. Sunod mo pa si Marcus at si Gatorade! Nakakawindang.
"Ayoko." Napatingin kami lahat kay Gatorade. Alam niyo yung ginagawang sounds ng mga aso pag parang naiiyak? Gumaganun si Laelle. Humiga siya sa harap ni Gatorade at nagiiyak ata.
"Ang bad mo, Gatorade." Sita ni Marcus sa kanya. Nagkatinginan lang kami ni bebs, and we have no idea kung anong meron kay Gatorade at Laelle. "Wag mo ngang awayin 'yung aso."
Awayin?
"Kinalimutan na niya ako. Nakakita lang ng bagong amo." Sabi ni Gatorade like he’s really cool with it.
Mas lumakas yung ingay ni Laelle. Parang nagmamakaawa.
"Laelle." Tumayo naman si Laelle at tumingin sakin. "Come here, baby."
Tumakbo si Laelle at binuhat ko siya. Lumapit ako kay Gatorade at hinampas siya, "Aray!"
"Pati ba naman aso aawayin? "
"Yung papa mo inaaway din ako. "
"And that really makes no sense. "
"Psh!"
"Pareho sila ni Tito. Haha!" Sinabi mo pa bebs! Sinabi mo pa! Ewan ko ba dito kay Gatorade pero napapadalas ang pagiging bipolar niya.
*
Kumain muna kami ng lunch. Okay na si Gatorade at Laelle. Siya pa nga nagpapakain e. Grabeng lalaki 'to! Ang hirap sabayan ng trip. I wonder kung bakit siya pinagkakaguluhan ng mga babae—Ay, gwapo nga pala.
"Second time ko lang makapunta ng Quezon. At TGWSG, ang yaman niyo pala!"
"TGWSG?" Napatigil ako sa pagkain sa sinabi ni Marcus.
"Oo. Yung The Girl Who Slapped Gatorade!" Nagkatinginan kami ni Gatorade. "Namiss lang kitang tawaging ganun."
Isa pa 'to.
"Sa'min tayo magdinner mamaya! Dun na din kayo matulog." Oo, bebs. Dun talaga dahil ikaw ang naginvite sa kanila. Hindi ako. "Nagpaalam na din ako kaya okay lang. Hoy, bebs! Bawal hindi okay?"
"Tatapusin ko pa yung—"
"No, young missy. We're here in Quezon and what we have in Batangas should only be in Batangas. Minsan ka na nga lang umuwi!"
As if I have a choice. Jeez.
Matapos kumain, pumunta lang ako sa kwarto ko. Makita man lan kung may pagbabago. At buti naman wala. Pinagbilin ko kasi talaga na walang babaguhin sa kwarto ko. Inilagay ko 'yung gamit ko sa kama at nahiga.
"Home sweet home?" Napatingin ako sa pintuan at nakita si Gatorade. Pumasok siya. Well, sabi ni papa feel at home.
"Ano daw meron? Ba't kayo ininvite ni bebs?"
Nagshrug lang naman si Gatorade. K. Naramdaman kong gumalaw yung kama ko. Nakita kong nakihiga na rin si Gatorade, "Mas maayos 'to kesa dun sa kwarto mo sa Batangas."
I chuckled, "Kung alam mo lang kung anong itsura nito dati."
"Ano bang itsura nito dati?"
Tumayo ako. Tiningnan ko 'yung kwarto ko. Plain white ang color ng dingding at puro made of woods lang ang furnitures. Walang kahit anong kaartehan. Walang posters, mga nakasabit na kung ano. Walang ibang kulay kundi ang white at kulay ng wood.
"Just like what I have in Batangas."
"Ah, so dinala mo yung collections mo?"
I nodded, "Feeling ko kasi di ako makakatulog sa kwarto pag wala ang CDs ko."
"Pano ka mamaya? Walang CDs oh."
"Feeling ko lang naman 'yun." Tsaka nasanay na ako na tuwing uuwi ako ng Quezon, ganito na ang itsura ng kwarto ko. At parang yung apartment na namin sa Batangas ang talagang bahay ko. Gets?
Tumayo si Gatorade at nagpaikot ikot sa kwarto. Actually, (at sabi ni bebs) napakaboring ng kwarto ko. Sobrang plain kasi. Kung tutuusin mas mukha pang guest room ang kwarto ko compare sa mismong guest room. Well, I really don't care. Mas gusto ko na 'to compare dun sa kulay pink and purple room ni bebs.
And speaking of her room, for sure dun ako matutulog mamaya.
Sinundan ng tingin ko si Gatorade. Tumigil siya dun sa bintana at umupo dun.
"Pede bang magtanong ng personal sayo?" I blurted out. Well, I am always curious about this BFC thing.
"Basta pag pede according to rules, why not?"
Rules? BFC rules? Baka. Syempre as employee, they must abide what the rules and regulations are. Ganun naman talaga di ba?
"Why BFC? Bakit ka nagtrabaho sa BFC? Di ba 3rd year college ka lang at sa pagkakaalam kong 4th year ka nagstart.."
"At yan yung mga tipo ng questions na di ko pedeng sagutin." Tipid siyang ngumiti sakin. Lumingon siya sa may bintana. "Sorry, Alexa. Can't give you too much details."
Okay, hindi na ako nagsalita. Gusto kong magtanong pero di na ako nagaattempt. Ayoko din naman makielam dahil may rules sila. Isa lang akong client and I don't think I have any rights para panghimasukan yun.
"Bakit?" Nagkatinginan kaming dalawa. Bakit nga ba? Hindi ko alam? Pure curiosity lang talaga.
"Wala lang."
Tahimik nalang ulit si Gatorade. Tumayo na ko sa kama at inayos yung dala dala kong gamit. Hindi umaalis si Gatorade sa pagkakaupo niya sa bintana. Favorite spot niya talaga yun. Maya maya, ginawa niya yung mannerism niya. Yung pagshake ng buhok niya gamit ang kamay niya.
"Orphan ako." Napatigil ako sa pagaayos ng gamit ko. Tiningnan ko lang siya. "Wala akong trabaho. BFC helped me."
"Akala ko ba bawal..."
Ginawa na naman niya yung mannerism niya.
"Pano mo ginagawa yun?"
"Ha?"
"Wala." Iniwas niya ang tingin niya sakin at ngumiti. "Sa atin lang naman yun di ba?"
"O—Oo naman." Ngumiti siya sakin. Ginawa niya ulit yung mannerism niya at ngumiti habang nakatigin sa bintana. Nagtama ulit yung mata namin.
"Tara, baka hinahanap na tayo nina Marcus."
"O—okay."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro