Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3 : Weird Day

Chapter 3 : Weird Day



Binilisan ako pa ang paglalakad ko. Tuwing naririnig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko, automatic na umiirap ang mga mata ko kahit hindi naman niya nakikita. Wag mo siyang pansinin. Wag mo siyang pansinin—


"Bebs!" pagmamakaawa ni Dominique.


Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao. This is useless, to be honest. Wala na rin namang point kung magagalit ako sa kanya. Andiyan na, e. Alangan namang pabalikin ko 'yong boyfriend-kuno niya kung saang palenta ng mga gwapo man siya nanggaling.


Yes, I admit Marcus is very attractive. I never seen him frown ever since I opened the door for him. It's weird seeing him smiling all the time but you'll be more than pleased kasi para siyang breath of fresh air.


"What?" Tinanggal ko ang earphones ko kahit rinig na rinig ko naman ang pagtawag niya sa 'kin kanina kahit nakafull volume 'yon.


Napatuon siya sa tuhod niya. Hinihingal, malamang. Napatingin naman ako dun sa lalaking tumigil sa likod niya. Parang hindi man lang siya pinagpawisan.


"Sorry na." Pinahaba niya ang mga labi niya. I can almost hear 'awwwww' seeing her face.


Not that face, please!


"May magagawa pa ba ako?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Napatungo siya pero pinapanood pa rin niya ang reaksyon ko. Ganiyan siya kapag guilty.


"Sorry bebs. Kasi naman..." tumingin siya sa katabi na para bang enough na reason na ang existence ni Marcus para maintindihan ko ang ginawa niya. He's really weird. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang nakakasilaw na ngiti sa mukha niya. And that's obviously working on Dominique dahil parang kinikilig pa 'to!


"I totally understand your situation." I said in sarcasm.


Hindi talaga ako makapaniwala sa—sa kung ano mang sitwasyon na 'to. Idagdag mo pa si Marcus. Para siyang lalaban ng pageant. Wala atang balak ibaba ang labi niya kahit saglit lang. Hindi ba siya nangangawit?


Tumingin sa 'kin si Dominique nang marinig niya akong bumuntong hininga. She knows how to differentiate my sighs. She already knows that I gave up. "Pera mo naman 'yan. It's your life. So bakit pa ako magagalit?"


Tila lumipat ang light bulbs na nalunok ni Marcus sa mga mata ni Dominique nung narinig niya ang sinabi ko. Oh, shoot. Bagay sila. Parang parehong pinaglihi sa bumbilya.


"Thank you, bebs!" Jumpy Dominique is back—and here comes her bear hug! "I love you! I love you!"


"I'm telling Tita."


"Bebs!" bigla niya akong binitawan.


Sigurado ako na hindi alam ng parents ni Dominique na gumastos na naman siya. I'm already annoyed whenever she bought useless things, ano pa kaya ngayon—lalo nan a nagbayad siya para makapagrenta ng boyfriend.


Hindi ko pa rin talaga maintindihan. Maganda ang best friend ko. I know some people who confessed their attractions for her. I know she could easily snatch a guy to be her boyfriend. For free pa.


Careful, Dominique. You're really crazy.


"Sige na, papasok na ko. See you later."


She waved at me. Tumingin naman ako dun sa Marcus at tinanguan niya ako kahit hindi naman ako nagpapaalam sa kanya.. Pailang beses ko bang sasabihin na gwapo siya? Maraming maiinsecure dahil sa kanya.


"Bye bye TGWSG!" Marcus said, still smiling.


Block section, kaya familiar ako sa mga tao noong makapasok ako ng classroom. I'm not really friends with anyone so I wasn't really expecting a friendly face. Well, I'm not really that friendly either. I'd rather be alone. I'm fine with Dominique as my only friend.


The usual, since I barely talk to people, I grabbed my phone and earphones. Date with phone. Kaya naman sobrang sira ang araw ko once na nalow-batt ang baby ko.


I tapped my fingers, following the beat of the music. I can listen to a full song since we still have five minutes to spare. But it wasn't going to my plan when someone stopped and stood in front of my seat. Uso na bang tambayan ang unahan ng upuan? Na may nakaupo?


Tumingala ako at mas kumunot ang noo ko nang sinubukan kong basahin ang mga pagbuka ng mga labi niya. Ano daw?


"Ano?"


I may not understand what he just said but I do recognize annoyance when I see one. Nanlaki ang mga mata ko nang hinigit niya ang earphones ko. How rude!


"What?" My tone is much different and less welcoming.


"Is this seat taken?" tnuro niya ang upuan sa tabi ko.


"You can actually see that no one is sitting, right? Wala ring bag na nakalagay. Take the hints." Kinuha ko sa kamay niya ang earphones ko.


"I won't really bother asking you if I know. Malay ko kung reserved? Gamit naman." Tinuro niya ang kaliwang temple ng noo niya.


Natigilan ako sa sinabi niya. Agad kong binawa ang pagkakabuka ng bibig ko. Boy version ni Dominique. Hindi ako nagulat dahil sa sinabi niya pero dahil nagawa niya akong sagutin. To be honest, si Dominique lang ang nakakagawa noon sa akin.


Pinanood ko siyang umupo sa tabi ko. Kahit ganoon ang nangyare sa conversation naming dalawa, pinili pa rin niyang umupo sa tabi ko. I was unaware that I was staring until he pointed it out, "Well?"


I shook my head while holding back my smile. That's odd. I'm interested in him, to a guy who talked back to me. "I just can't believe you did that."


"May special treatment ba dapat sayo? Sorry, miss. I don't give do any of that."


Napairap ako. I always do that whenever I'm lost for words. Tumingin na ako sa harapan. Oo, interested ako pero hindi yung tipong this might be something romantic interest. Tulad ng sinabi ni Dominique, nawawala ang romantic bone ko sa katawan kahit na hindi naman talaga ako pinanganak na meron noon.


"I'm Alex."


Sinilip ko siya. Did he really just tell me his name? Nagkamali ba ako ng dinig? Why do I find this funny?


"Right. You, girls, are really impossible."


"What was that for?" Naguguluhan ako sa kanya.


"Nagpapakilala ako sa'yo."


"So?"


"Ano? Anong so? You're obviously interested in me." Napanganga ako sa sinabi niya. Bakit ba ako nganga nang nganga ngayong umaga?


"I was not." Fine, I lied. Interesado naman talaga ako, but not in the way na sinasabi niyang interested ako sa kanya. I'm interested because of the way he talks to me. Wala ng iba.


"Talaga lang, ha? You stared at me, smiled then said you just can't believe what happened. Now you're telling that you're not interested. "


Life is getting weirder than I thought.


"I'm Gab." I said, surrendering. Napatawa naman siya, maybe finding the situation weird as well. We shook hands.


Dumaan lang ang orientation day nang mabilis. Wala namang masyadong expectation since first day palang ng klase. Hindi naman uso ang introduction since block section kami. At kahit may irregular students, hindi requirement ang magpakilala. What unusual was I made a new friend. I met Alex.


Transferee si Alex. Halos same ng subjects ng freshmen yung nacredit sa kanya kaya naman nakakasabay siya sa amin. May ilang beses siyang lumipat ng classrooms pero most of the subjects, nasa tabi ko siya. Yes, this time, I'm reserving the seat next to mine.


Though, hindi pa rin ako sigurado kung tama bang kaibigan ang tawag ko sa kanya. We're not acquaintances, dahil parang sobrang daldal naming dalawa kanina. Pinagtitinginan na nga kaming dalawa kanina ng mga kaklase namin. May mga pointless topic na rin kaming pinaguusapan. I only gossip with Dominique but I did not find it strange when I did it with him.


Yesterday and today were full of surprises. My routine was suddenly gone. And just when I thought it's over, may nakita akong isang lalaking naka-bonnet na nakaupo sa sofa namin pagkapasok ko ng apartment.


Did Dominique give Marcus a spare key? Already???


"Si Dominique?" Inilagay ko ang mga sapatos ko sa lagayan saka nagunat-unat. Nakakapagod ang araw na 'to. Napagod ang bibig ko. Napagod kakasalita.


Napansin kong hindi sumagot si Marcus. Hindi ko na rin naman inulit ang tanong ko. I'll find Dominique later. Dumiretso ako sa kwarto at humiga sa kama. I forgot to change my clothes and head straight to dreamland.



"RAWR!" Ah, I can almost feel my animated eyes when I saw a life-sized Domo-kun in front of me. Ang cuuuute!


Matagal ko nang hinihiling na magkaroon ng malaking Domo-kun. Gumagalaw pa! May buhay siya! I jumped and hugged the furry brown monster.


"You're all mine, Domo-kun!"


"RAWR!"


"I know that. I love you too!" Funny how I understood that.


I hugged it tighter. I really have my own real Domo-kun! Ohmydee! This is the best gift ever! Ohmydee! Isa 'to sa mga pangarap ko! Ang magkaroon ng isang malaking domokun na kasing laki ko! Ohmydee!


What the?


Dominique?


Ohmyydee!!


Ayan na naman!


"Bebs! Gab!"


Iminulat ko agad ang mga mata ko. I found myself hugging my pillow. Panaginip lang pala. Ang life-sized Domo-kun ko? Nag-vanish at naging isang pillow. Hay! "Ohmydee, bebs!"


Bakit? Bakit? Bakit?


Bakit kelangan ngayon pa nanggising si Dominique kung kelang sobrang ganda na ng panaginip ko?


Padabog akong tumayo sa kama at binuksan ang pintuan ng kwarto, "Bebs, I was sleeping!"


Hindi siya humarap sa 'kin. Paulit-ulit lang niyang sinasabi ang "Ohmydee."


Naglakad na ako palapit sa kanya. Asan ba si Marcus? Patahimikin niya girlfriend niya. Ang sakit sa tenga e. "Huy, bebs!"


"Bebs, can you please explain?" dahan-dahang niyang inangat ang kamay niya.


"Ano ba 'yang tinuturo mo? Ang ingay e—" ipinaling ko ang mukha ko kung saan siya nakaturo. My jaw is tired from all these surprises. This is a really, really weird day.


OHMYDEE.


A tall guy, hiding his hair in a beanie. Ang inakala ko na si Marcus kanina.




"GATORADE?"




Anong ginagawa niya dito sa apartment namin?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro