Chapter 29
Chapter 29
"It's not for what you got
I know you got a lot
No matter what you do
You always gettin hot
It's You, It's You
Baby all I want is You (Yeah~)"
Pumasok na ako ng room namin at nakita agad si Alex. Umupo ako sa tabi nya. Naggagawa siya ng assignment sa English. Tapos na ko kaya di ko nalang siya inistorbo. Kinuha ko 'yung draft ko para dun sa third project ko sa Art Stuff and if you're interested, it's a book cover. Isa sa bagong department sa Art Stuff at dun ako na-assign. We offer services like tarpaulins, posters, banners and likes sa department ko.
"That's cool but I'm lookin for more
Its your love that my heart beats for
Cause thats me. Don't have to spend a dime
Baby, I just want your time."
Nagstart ako nung Monday and I'm doing pretty well. Natapos ko yung first two tasks ko yesterday at mukhang satisfied naman yung client. And hell yeah, I'm really loving my job.
"You ain't got to buy nothing
It's not what I want
Baby it's You
We don't have to go nowhere
Its not what I want
Baby it's you~"
Napatigil ako nung may naramdaman akong kumalabit sakin. Napatingin ako kay Alex at tinanggal 'yung earphones ko, "Whut?"
Pero imbes na sumagot ngumiti siya ng nakakaloko at biglang napailing. Di ko magets. isa lang ang gets ko, nakakainis ang ngiti niya. Yung para bang nang-aasar…
BS.
"I was singing loud?"
Tumango si Alex at napakagat sa labi. Tumingin ako sa likod niya at nakita ding nakatingin ang mga kaklase ko. Double sht. Hindi ko alam kung namumula na ba ako pero ramdam ko ang init ng tenga ko.
"Hey hey!" hinila ako pabalik ni Alex nung umakma akong tatayo. "Ano ka ba! Maganda boses mo."
"Whatever."
Wala na akong nagawa. Leche. Why did I effin got carried away with this song? Badtrip. Nung bigla ko 'tong narinig kanina nung inopen ko ang iTouch ko, na-LSS na ko.
"Ba't ba namumula tenga mo e halos nakuha mo nga atensyon ng lahat e?" bulong niya sakin at hindi ko mapigilan ang hiya.
"Tigilan mo nga ako! Layo!" tulak ko sa kanya. Tumawa pa. Leche.
"What? Totoo naman e! Tanong mo pa!" Tsk! Di ko nalang siya pinansin. Tinago ko 'yung draft ko at iniba ang kanta sa iTouch. Bwiset. "So nahihiya pala si Gab."
Nagpanggap nalang akong di siya narinig. Lalong hahaba ang usapan e. Tsk. Fine. I don't really sing.. Not that I don't really really sing, pero... oo, nahihiya talaga ako. Kilala niyo naman ako, hindi ako ganung ka-vocal unless close tayo. I'm not even close to my classmates, remember?
Swerte na nga lang 'tong si Alex at hindi ko talaga malaman kung bakit kinakausap ko ang lokong 'to.
Dumating 'yung prof namin sa English. Siya yung kwela naming prof na di ko malaman kung gay ba or straight. Well, I really can't tell kasi may times na you can tell that he's gay pero may times na parang mapapaisip kang hindi e. Weird.
And yeah, I'm trying my best to forget that singing scenario. Please! Let me not remember that!
May phobia ata ako. Tsk!
And to my luck, nawala ang tingin ng mga classmates ko sakin kasi may kasama si sir na hindi familiar samin. Nahh, everyone is not familiar to me. Wala kasi akong pakielam sa kanila. Tinago ko na 'yung iTouch ko at itong si Alex dali daling tinatapos ang assignment niya.
Tamad kasi.
"You can occupy any vacant seat. Arrangement doesn't really matter to me."
"Okay po." Lahat ng kaklase ko nakatingin sa kanya except for Alex. Di na nahiya sa professor.
"Siya yung transferee!" bulong nung nasa likod ko.
Ahhh. Yung transferee? Hell I care.
"Oh? Yung nag-out of the country?"
"Yup! Late na late na ang pasok niya. Nakapagprelims kaya siya?"
"Grabe. Tumatanggap pa rin ng late enrollees."
Napailing nalang ako at di sila pinansin. Nasita na nung prof namin si Alex, pinagtawanan lang siya nung iba naming kaklase kasi parang wala lang talaga kay Alex e. Tibay talaga nitong lalaking 'to.
"All right, I want you to get your assignments and face your seatmates." At talagang inintay pa ng prof namin na matapos si Alex? Jeez. Favoritism! I can’t help it by rolled my eyes
Yan. Yan ang times na napapagkamalan ko siyang gay. Sorry naman. Pag minsan talaga di ko maiwasan maging judgmental. Tao ako e. Tao ako.
"Now, you have to exchange your assignments with your partners and that will serve as your basis. You have to make an essay with those informations that your partners jotted down. But, you still need to interview them."
"Sir likes you." I whispered.
"Gwapo e."
"Hindi ka ba nahihiya? Kapal e."
"Hindi kelangan ikahiya ang kagwapuhan." sabi niya habang tinataas baba ang mga kilay niya. Pang-asar. Psh. I just rolled my eyes on him at kinuha yung assignment nya. "Baby it's you~"
"Shut up!"
"Haha. Pikon!"
"Jeez! Let's just finish this, ano ba!"
Mas tumawa lang si Alex. Bwiset. Pasalamat nalang din ako at walang pakielam yung prof namin kahit maingay kami. Binasa ko lang yung basic infos about kay Alex kahit paulit ulit siyang kumakanta ng Baby It's you. Wag mo nalang pansinin Gab. Wag mo nalang pansinin.
"Alexa Gabriel Delos Reyes, 17 years ol—Mag 18 ka lang? "
"Hindi. Mag-skip ako. 19 na agad. "
"Weh. Corny!"
"Nilipad na kasi 'yang common sense mo. Malamang 18 kasunod sa 17!"
"Oo na Baby it's you~~"
"Sisiraan kita sa essay ko."
"Atleast gwapo pa rin ako."
"Kapal talaga. Conceited Alex as ever!" Tumawa lang ng tumawa si Alex.
Binasa ko lang ang assignment niya. Alex Xander Marilao, 19 years old. Taga-dito talaga siya sa town. Sa Manila siya galing dati at Mass Communication siya dun. At bakit naman kaya ng Business Ad 'to? Whatev. I don't care.
Hindi ko na ininterview si Alex since medyo alam ko na ang ugali niya. Nagtatanong lang siya about sa mga nababasa niya saking infos at ako? Wala. Nagimbento nalang ako. I-correct nalang niya pagkatapos.
"So malapit na debut mo. Sa September na."
"Ano naman sayo?"
"Ba't ba taray mo? Nag-baby it's you ka lang e." I hit him. "Aw! Amazona!"
"Di lang 'yan ang matatanggap mo pag di ka pa tumigil. "
"Pasalamat ka di ako gumaganti sa'yo. "
"You won't hurt me coz you're gay."
"Sus! Gay your face. Halikan kita dyan e!"
"Whatever. Vice Ganda can kiss Karylle and Anne Curtis so kissing a girl won't prove your true sexuality. And really Alex? The oldest and lamest excuse. "
"O sige na. Ikaw na ang magaling. Dinaig mo pa si Kuya Kim. Samba na talaga ako sa'yo! Hiyang hiya ako sayo. Buti ka pa alam mo ang sexuality ko. "
Magsasalita pa sana ako nung napansin kong nakatingin yung mga kaklase namin samin. Wow. Ang lakas ng boses namin. Nahalata din yun ni Alex kaya napatingin siya sa likod namin.
"Never thought that you're this vocal, Ms. Delos Reyes. You'd never spoke a word last sem." biro nung prof namin. English prof din pala namin siya last sem. Eh ano naman sa kanya? "And besides, why don't you join the upcoming JEP events? You have a very good diction."
[JEP= Just English Please]
"Sorry sir, but I'm not interested." plain kong sagot sa kanya at tinuloy ang paggawa ng essay.
Oo nga pala. Sobrang tahimik ng Gab dati. Lakas maka-impluwensya ni Alex.
*
Natapos na ang klase, meaning diretso na ako sa ArtStuff mamaya. Iniintay ko lang matapos si Alex kumopya nung notes. Ang tagal! Daldal kasi ng daldal kaninang Finance tapos notebook ko pa ang nahiram. Psh.
"Ang bagal Alex. May trabaho pa ko."
"Oo na. Last page na! Tss!"
Napatingin ako sa labas, ang init. Nagpatugtog nalang ulit ako. Kung sabagay maaga pa pero wala akong pakielam. Ang bagal kumopya ni Alex!
"Alex Zander?"
Napatingin ako dun sa unahan namin. Ohkay?
Mukhang ayaw naman magpaistorbo nitong si Alex dahil diretso pa rin sa pagsusulat. Siniko ko nga, "Tawag ka kaya."
"Busy kaya ako!"
Tumingin ako dun sa nasa unahan namin. Ano ngang pangalan nito? Hindi ako nakikinig kanina e. Nagkatinginan kaming dalawa. Walang expression. Staring.
Ohkay. Nakikipagtitigan sya sakin.
Hindi ko parin inaalis tingin sa kanya. Ayaw niya din kasing ialis ang tingin niya sakin. Jeez. Maputi siya. Medyo singkit. Maliit ang ilong at manipis ang labi. Actually, she's pretty. Uncomfortable lang kasi ang cold niyang tumingin.
"Yosh! Tapos na din sa wakas!" Nawala ang tingin ko sa kanya nung itinulak ni Alex yung notebook ko sa braso ko. Agad ko yung nilagay sa bag ko at tumayo.
"Alex?"
"Ye—Oh! The number you have dialed is not yet in service. Please don't try again later. Tototoot. Tototoot!"
What did he just say?
Napatingin ako sa gilid ko pero biglang tumakbo palabas si Alex. Anong nangyare dun? Sumilip ako dun sa tumatawag sa kanya. Nakipagtitigan na naman siya. Ang…weird niya.
*
"Sige. Okay to. I-follow up ko nalang yung client mo." sabi sakin ni Matt pagkakita nung gawa ko. "Doing a good start, Gab. Pagpatuloy mo lang. "
Tumango ako sa kanya at nagpaalam na. Tapos na ang shift ko. Actually, wala naman talagang shift ang mga tulad ko dito sa Art Stuff. Sabihin na nating trainee ako dito at bibigyan lang ako ng "easy jobs" na hindi magawa ng mga mas ahead samin.
Nakita ko 'yung mga kasabayan kong newbies sa Art Stuff. Halos lahat kami pare-pareho ng department. Bago lang kasi yung department dito at uunti pa ang clients kaya di masyadong hassle.
Maraming departments ang Art Stuff. Parang organization na nga 'to ng mga mahihilig sa arts tulad ko. May photographers, painters, artists at kung ano ano pa. Kaya maraming departments at talagang malawak ang sakop ng Art Stuff.
"Yes, ako 'yung client the other day. Tingnan ko lang kung may updates." Napatingin ako dun sa counter. May babaeng medyo maliit na singkit at mukhang koreana sa hairstyle niya. Binawi ko 'yung tingin ko nung napansin niya akong nakatingin.
"Ah! Yung sa book cover?" sabi ni Dea. Siya yung assign sa counter ngayon.
"Yup. Sabi kasi within 1-2 days daw e. Just wanna see."
Tumango naman si Dea at pumunta sa office ni Matt. Nagkatinginan kami nung client. Book covers? Di kaya sa kanya yung...ginawa ko? Maya maya lumabas na si Matt. Umupo ako dun sa mga kasamahan kong trainees na nagpapalipas nalang din ng oras.
"Ah Ms. Kitin, right?" sumulpot bigla si Boss Matt.
"Yes!" sagot nung client.
Ang kulit ng name. Kitin. Parang pusa. Pinapasok siya ni Matt, sumenyas si Matt sakin nung nagkatinginan kami. Oh! Siya nga! Siya nga yung ginawan ko ng book cover!
"Tapos na siya. Actually, gagawan nalang namin ng soft copy. Okay lang po ba na maghintay kayo? Some touch ups lang naman tapos all set na."
"Sure sure! Di naman ako nagmamadali."
Pumasok na ulit si Matt sa office niya. Hala! Bigla akong kinabahan at naconscious sa gawa ko. Ma..Magustuhan kaya niya? Nagulat ako nung bigla saking ngumiti si Ms. Kitin. Kinakabahan ako, malamang!
Iniwas na niya yung tingin niya nung biglang umilaw yung tab na hawak niya. Mukhang naglalaro siya. Kulit lang. Kasing edad ko lang siguro siya pero ito nagpapagawa na ng book cover. Nice, young author.
Ewan ko, aalis na dapat ako pero eto ako nakikipagsabayan sa paghihintay ni Ms. Kitin kay Matt. Gusto ko kasing...gusto ko kasing malaman kung anong magiging reaksyon niya.
Sht. I am really a frustrated artist.
*
Napangiti ako nung nakita kong ngumiti si Miss Kitin nung nakita niya ang gawa ko. Ohmydee!
"I'm really glad you like it." ngumiti si Matt sa kanya pero mukhang di niya nakita kasi nakatingin siya dun sa book sample.
"Oo naman! Ang ganda kaya.Thumbs up!" Nagustuhan niya talaga. "Thank you ha? Inform ko nalang kayo about sa iba pang plans."
"Sure! Kayo pa. Suking suki kayo e."
" Dami kasing freebies. Anyway, salamat ha! Alis na ako."
"Okay. Call for updates nalang."
"Bye bye!"
Napaayos ako ng tayo nung napatingin siya sakin at ngumiti. Pinanuod ko lang siyang lumabas ng glass door. Nakatunganga lang ako dun. Di ineexpect na magiging ayos ang kakalabasan nung book cover. Nagustuhan niya!
"She likes it." sabi ni Matt nung tumabi siya sakin.
I nodded.
"See? You're really doing a great job. You need some pat in the back, Gab." And he really did pat my back. I can’t do anything but nod. "Haha! Ganyan din ako nung first time ko sa ArtStuff. Galing no? Sarap maappreciate ng tao ang gawa mo."
I nodded again.
"Sige na. Uwi ka na. Medyo gabi na. Mamaya mastroke ka pa." I shook my head. "Haha! Sige na, Gab. Isesend ko nalang sa email mo ang new projects mo."
K. Di pa rin ako makagetover.
Nakatayo lang ako dun after some minutes saka nakabalik sa reality. Chos. Sini-sink ko pa rin sa utak ko ang nangyayare. Oo, ganun ako ka-OA. Haha. Inayos ko na yung gamit ko, including gamit ko school dahil dumiretso nga ako dito.
Saktong paglabas ko ng Art Stuff, nakita ko siyang may kausap na babae. Nakasandal siya dun sa motorbike niya at masasabi ko talagang close sila. Nakangiti si Gatorade at mukhang nakikipaglokohan sa kausap niya.
"Haha! Baliw baliw! Haha!"
"Ano? Nagsasabi lang ako ng totoo!"
"Ehhh. Wag ka ngang magpacute." sabi niya habang hinahampas ang braso ni Gatorade. Siya yung babae kanina.
"Di ako nagpapa-cute. Adik ka lang talaga sakin." He chuckled.
"Gusto ko sanang tumanggi pero I'll be a liar. Sige na nga!"
"Haha! See? Umuwi ka na nga. Kainin ka pa ng mga naliligaw na lobo sa daan."
"You're so mean, Gatorade! Ba't kasi ayaw mo nalang aminin na namimiss mo ko?"
"Kasi-" napatigil si Gatorade. Mukhang napansin din nung kausap niya yun.
"Hi."
"Hi." bati sakin ni Gatorade. Tumingin sakin yung kausap niya at dun ko siya nakilala.
"Hi! Ikaw pala 'tong hinihintay ni Gatorade. Ayiiiie!" nangingiti niyang hinampas sa braso si Gatorade.
"Kahit kelan talaga ang kulit mo."
"Ma-cute-lit."
"Teka, kelan pa naging word yun?"
"Meanie!"
"Umuwi ka na. Antok lang 'yan."
"Ewan ko sa'yo! Bye bye na nga!" Ngumiti siya kay Gatorade at nagulat nalang ako nung bigla niyang niyakap si Gatorade. "Bye! Uy, Gab. Bye!"
Oh!
"B—bye."
Sumakay na siya sa jeep at ngumiti ulit samin nung sumilip siya sa bintana. Pano... Pano niya nalaman ang pangalan ko?
"Tara?"
"Ah!" Napatango agad ako. Kinuha niya yung gamit ko at umangkas na ako sa motor. Hindii na nagsalita.
Ewan ko ba. Wala naman ako masyadong ginawa pero... bigla akong nakaramdam ng pagod.
*
It's been five days simula nung umalis si Lance sa apartment. Minsan nalang kami magkita. Susunduin niya ko sa bahay pero minsan nale-late siya kasi according kay Marcus, namamahay na naman daw si Gatorade. Mabilis lang daw siyang manibago sa mga bagay bagay. Tapos 'yun ihahatid niya ako papunta sa ArtStuff tapos sundo at hatid pauwi.
That's been our routine since Monday.
"Sit."
"Arf!"
"Good dog. Jump."
"Arf!"
Napatingin ako kay Gatorade na kasalukuyang nakikipaglaro kay Laelle. I just can't help it pero napangiti ako. Ang cute kasi nilang tingnan. Kinuha ko yung phone ko and secretly took a picture of them.
"Tapos na?"
Agad kong tinago ang phone ko at tumango. After niyang bigyan ng treat si Laelle, tumayo siya sa sahig at umupo ulit sa likod ko. Ni-rest niya yung baba niya sa balikat ko kaya napa-side ang ulo ko.
"Patingin." Tumango lang ako. "Ang dami naman."
"Madali lang naman."
"Dami pa rin."
I chuckled, "Di naman ikaw ang gagawa."
"Ayoko talaga ng arts." Tumawa lang ako hanggang sa maramdaman ko yung braso niya sa tiyan ko. Bigla niya akong inamoy, "Amoy gatas."
"Ah. Yun yung bagong padala ni Papa na pamango." Naramdaman kong tumango siya.
Di ko nalang siya pinansin at binuksan ko yung photoshop sa laptop ko at sinimulan gumawa ng drafts para sa mga bagong book covers. Hindi naman malikot si Gatorade kaya okay lang na gumalaw. Hindi rin naman siya nagsasalita kaya diretso lang ako sa paggawa.
Maya maya naramdaman ko sa binti ko si Laelle. Sinisiksik ang sarili niya. Pinaglaruan ko lang ang balahibo niya at bumalik sa paggagawa ng drafts.
"You're so busy."
Nagitla ako nung biglang magsalita si Gatorade.
"Ha? Hindi naman."
"You are." Biglang bumigat ang ulo niya sa balikat ko. "Simula nung Monday.."
"Kasi may trabaho po ako."
"Busy Alexa." Ngumiti nalang ako since di ko alam kung anong sasabihin sa kanya. "Boring days."
"Ha?"
Napabitaw ako sa mouse pad nung inikot ni Gatorade ang braso niya sa bewang ko "Namimiss ko lang, baby."
Tumingin ako sa balikat ko kung saan nakatuon ang ulo ni Gatorade. Nakapikit ang mga mata niya. Namimiss niya ako?
Bakit biglang uminit?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro