Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28

"So this is your date plan for today?" He cockily smiled at me and sat on his bike. "Okay.."

"Catch." Bigla niyang binato 'yung open-faced helmet at buti nasalo ko. "Hop in."

Tinanggal niya 'yung stand ng motorbike at isinuot ko naman 'yung helmet. And ladies and gentlemen, this is my first time to ride a bike. This is will be not easy. Jeez. Sumakay na si Gatorade at inalalayan niya ako para maging comfortable sa back seat.

"Hold on tight baby.." inabot niya 'yung kamay ko sa likod niya at inikot ang mga braso ko sa bewang niya. "This will be fast."

Oh Lord.

"Gatorade hindi ba dap--" *VROOM! "Sht."

*

[Francis Madrigal's POV]

"Four years. Four years at tinapon nalang 'yun nang ganun ganun lang dahil sa isang hinala?" Mas umiyak si—ano nga ulit pangalan niya? Ininom ko 'yung kape ko, my third cup of coffee. Grabe. I like girls but I can include her to my exception list. "Mahal ko naman siya e. Huhu!"

"I say it again, Ms. Kung ayaw na niya, wag mo ng ipilit. Tingnan mo, last year pa kayong break pero di ka pa nakakamove on." Humalumbaba ako at sumenyas kay Charles na kunin yung list ng Boyfriends.

These rantings about his past love should be put into end. And this is my job.

"So you're telling me that I'm obsessed with him? How could you! You don't know me!"

Uh-oh.

 

"Wait. Wait. That's not what I meant." Nakita ko ang paghawak dun sa purse niya. Oh no missy, masakit yan sa mukha at kakapaderma ko lang kahapon. Kaya there's no way that that purse will ruin my face. "I mean, he's not deserving of your love. Do..don't you think it's about time to look for someone else?"

Nakakunot pa rin ang noo niya. Oh please, don't let her smash my face with her bag. No! No! No!

I breathe in, "This is why you're in here right?" Saktong bumukas ang pinto at kinuha ko 'yung listahan ng BFC at binuksan ang laptop ko. "Here. Here. Why don't you try giving efforts to someone who'll appreciate them right?"

"Someone who'll appreciate me.." she mimicked.

"Yes. Yes. That's why BFC is here! We'll help you get over with your problems and—"

"Tama ka.." Nakita ko ang pagiging tame ng mukha niya. Phew! Good. Good. Sumeyas na ako kay Charles na lumabas na siya ng office. Leche nagpipigil ng tawa. Pasalamat siya at hindi siya nakita nitong kliyente ko kundi baka di ko na makontrol ang kamay niya.

Inayos ko 'yung listahan sa harap niya at binuksan ang website ng BFC para makita niya kung anong physical appearance ng mga boyfriends.

"So who will it be?"

*

"Tough client, huh?" Tumawa lang si Charles habang tinitingnan ang profile niya sa BFC. And like the always, wala pa ring masyadong improvement. "Bakit everyday nadadagdagan ng 1000 ang likes ni Gatorade at Marcus?"

"That's what you call 'kagwapuhan.' " as a matter of fact.

"Hoy gwapo ako no!"

"GGSS."

"Ha? GGSS?"

"Gwapong gwapo sa sarili."

"Nagsalita!" Sinamaan lang ako ng tingin ni Charles.

"Atleast, nagsasabi ako ng totoo. Kasi gwapo talaga ako." Sabi ko ng may pogi pose at tinaas baba ang dalawang kilay ko. That’s what I call, pogi movement. Mas pogi pag may smirk!

"Pede ba!"

Umiling iling nalang ako at ngumiti. Inubos ko 'yung pang-apat kong kape. Grabe di ko akalain na kahit pagpili ng boyfriend mahihirapan ako. Saludo ako dun sa boyfriend niya dahil nakatagal siya dun sa babae. Four years. Well don't get me wrong. Hindi ko pa kasi alam yan kaya matapang ako sa mga sinasabi ko. Hohoho

"Oy nga pala, Ancis."

"Maka-ancis ka parang di mo ko Manager."

"Yaan mo na. Lahat naman kasi dito Ancis tawag sayo." Masakit ang ulo ko para makipagtalo sa kanya. "Anyway, bakit di ko na nakikita yung maingay?"

"Maingay?"

"Oo. Yung dati halos gibain ang BFC dahil sa pambubulabog sayo. Ano ngang pangalan nun? Nakalimutan ko e. Di ko na siya nakikita dito."

"Ahh." Si Princess. "Pabayaan mo na siya. Ayos nga e. Tahimik."

"Kung sabagay."

"Hay. Labas lang ako. Gusto ko ng gummy bears bigla."

"Sama!"

"Wag na. Asikasuhin mo 'yung mga dadating pang kliyente at schedules mo para sa mall events."

"Teka, trabaho mo 'to ah!" sigaw niya nung binuksan ko 'yung pinto.

"I know. And as your manager, I'm giving you my order to do it."

"Pero Anci—" 

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ako nung pinagsarahan ko siya ng pinto. 

Ang boring. Lumabas na ako sa BFC at sumakay sa van. At tulad ng sinabi ko, pupunta ako ng mall at bibili ng gummy bears. Weird. Ngayon lang ulit ako natakam sa gummy bears. Pagkadating ko sa mall, nagtinginan agad 'yung mga tao. Bakit? Kasi gwapo ako. Mwahaha joke. Kasi kilala nila ako dahil ako ang front pag may demo.

Oh yan ha. Ang humble ko na! Dagdag pa ang kagwapuhan ko!

Dumiretso agad ako sa supermarket at hinanap ang gusto ko. Langya. Nag-exert ako ng effort pumunta dito para sa isang balot ng gummy bears. Imbang utak meron ako ah.

"Oo. Oo. Hindi ko nakalimutan. Gummy bears, right. Can you please hung up the phone now?" Napatigil ako sa pagkuha ng gummybears nung marinig ko 'yung boses niya. "You've been calling me for the nth time, ate. How can I forget?"

Aba!

"Just please hung up the phone. Kbye!"

"Lookie lookie. Look who we have here. Hi. Miss mo ako?" Binuksan ko 'yung isang pack ng gummy bears and kinatay na ang mga bears sa loob. Mahilig akong mamutol ng ulo ng gummy bears, don't ask why. Hehe

"Oh. The famous manager from BFC. Yay. Should I be shrieking now and faint because of your kagwapuhan?" She rolled her eyes on me at nung sinabi niya 'yun parang hinigop ko lahat ng energy niya. Oh-kay. "And shouldn't you be paying that first? Jeez."

"Babayaran ko naman ah! At wala namang rule na bawal kainin 'to kahit andito pa ko." I said with full of gummy bears in my mouth.

"You're disgusting."

I swallowed all of the dead gummy bears inside my mouth, "And you're beautiful."

And ping, ang isang gwapo ang ngumi-ngiti. Yung ngiting Marcus!

Umiling iling siya na para bang ayaw niya ng narinig niya. Kahit kelan talaga ang taray ng babaeng 'to. Pinanuod ko lang siya na kumuha ng gummy bears at ilagay yun sa cart niya.

"Nice. You're doing shopping."

"Yeah. Like, obviously?" sarcastic niyang sinabi. Hmp.

Ang taray. Sobrang taray. Pero ayos ah. Hindi siya sumisigaw. Sabihin na nating nasa Princess Amazon Level 2 lang siya. HAHA! Pero ang taray talaga e. Tinulak na niya 'yung cart niya kaya kumuha na ulit ako ng gummy bears at binuksan 'yun.

Grabe. Para akong naglilihi sa gummy bears.

"Can you stop following me? Baka akalain pa nila na may kasama akong shoplifter."

"Ang sakit mo naman magsalita! I can pay for this. May pera akong—" kinapa ko ang bulsa ko. "Shit."

"And right. Nawawala ang wallet mo. Bye and goodluck, manager." iniwanan na ako ni Princess habang ako?

NGA-NGA. Oh my gee.

Ang wallet ko!

BS lang!

Paikot ikot sa mall, wishing na nahulog at makikita ko ang wallet ko sa paligid. Wag naman sana! Sana di ko siya naiwan sa office. But on the second thought, I wish I just left it there. Mas gugustuhin ko na 'yun kesa naman mawala talaga wallet ko. Pero! Pano ako makakalabas ng supermarket? Naman! Naman! Naman!

Kinapa ko ulit ang bulsa ko. Double BS!  Wala din akong phone!

Walanjong buhay 'to ah.

Di ko mapigilang magpout. Una yung kliyente ko. Sunod ang hindi ko maintindihang pagod ngayon. Sunod tinarayan pa ako ni Princess (which is dapat di na ko magulat dahil mataray na talaga siya.) pero tinarayan pa rin niya ako. Tapos ito, wala akong wallet at phone tapos kumain pa ako ng gummy bears. What the heck, Francis.

Bakit ang malas mo!?

"Waaah!" umupo ako sa sahig, yakap yakap ang tuhod ko. Nagsulat ako ng kung ano ano sa sahig. Maghihintay nalang ako ng milagro. Pero pede din naman akong umalis dito na parang wala lang di ba?

[Francis' imagination]

Lalabas ako ng mall at dadaan kung nasan ang mga guards. Pa cool lang Francis. Cool lang para hindi mahalata.

"Hi. Alis na ako dahil di ko makita yung bibilhin ko. Ano ba naman klaseng mall 'to? Anyway! Wala akong kaduda-dudang ginawa at hindi ako kumain ng gummy bears dyan! Pramis! Kahit takam na takam ako sa gummy bears. Believe me!"

Kumaway ako sa guard at nagpatuloy na maglakad.

"Sir, wait lang ho." Ohsht.

"Wah! Hindi talaga ako kumain ng gummy bears. Maniwala naman kayo sakin manong! Wala talaga."

[End of Francis' Imagination]

Ang bobo ko naman ata 'dun. *kamot ulo* Well, that is not a very good idea but it can work right? Nakita ko 'yung balat ng gummy bears sa bulsa ko. All I should do now is throw this away ng walang nakakakita at off I go!

Pero...

Nakokonsensya ako! 

"Useless." Napatungo ako at pinagpatuloy ang pagsusulat ko ng kung ano ano sa sahig. Anong gagawin ko?

Pede akong...

[Francis' Imagination]

"Hoy ano 'yan?!"

"Ha? Ang alin po?" isinuksok ko ang balat ng gummy bears sa bulsa ko. "Hindi po 'to balat ng gummy bears!"

"Balat yan e! Arestado ka!" Nagulat ako nung bigla nila akong nilagyan ng posas.

"Wah! Nagmamakaawa po ako! Pano na ang pamilya ko?" Lumuhod ako sa harap niya. "Ako lang po ang bumubuhay sa kanila. Please po! Wag niyo po akong ikukulong!"

"Sa prisinto ka na magpaliwanag!"

"Hu-wag po!"

*

*Judge gavel sound*

"I hearby declare, Francis Madrigal guilty of stealing gummy bears in We have it mall, we mean all it all, mall! We sentence you to life imprisonment and forbidding you to eat gummy bears from the rest of your life, case closed."

*gavel sound*

[Francis imagination end]

"No-oh-oh-oh!"

Hindi maari! Hindi maari! Hindi ako papayag! Waaa! Anong gagawin ko? Gummy bears ang isa sa bumubuhay sakin! Hindi! Hindi! Hindi!

"Ayokong makulong!!"

"What the hell, Francis?"

Napatigil ako at nakita si Princess na nasa harapan ko. Actually, maraming tao pa sa likod niya...at sa paligid ko. Agad kong pinunasan ang luha ko at tumayo.

"Pi—pi—princess.. Ayokong..makulong."

"Makulong? And what makes you think that you'll be behind bars?"

"Kasi...*sniff* yung gummy bears.."

"You're really a weird guy." sabi niya habang umiiling.

Oo na. Sige na. Ako na ang weird.

*

"2,575.50 po ma'am."

"All in the card." Tumango 'yung babae sa cashier at swinipe na 'yung credit card ni Princess. "Can you please take that goofy smile off your face? It's scary."

Agad naman akong sumimangot. Grabe maging prangka ang babaeng 'to. Tss. Gusto ko lang naman ipakita sa kanya na masaya ako dahil tinulungan niya ako at naisalba niya ang buhay ko mula sa pagkakakulong! Hohoho! malaya ako! Malaya ako!

At! Pede pa rin akong kumain ng gummy bears! Yosh! Mabuhay! Magsabog na ng conffetti!

"You're really creeping me out, Francis. Umayos ka nga!"

"Maayos naman ako ah!"

"Psh.." Inirapan na naman niya ako pero hindi na ako nagtataka. Si Princess Saavedra yan e! Ang katarayan na tinubuan ng tao. Grabe ho. Grabe!

"Ang cute niyo naman tingnan." sabi nung babae sa cashier.

"Ako cute, siya hindi." biro ko. Nahampas naman agad ako ni Princess. Napaka-amazona! "Patapusin mo muna kasi ako! Ibig kong sabihin, ako cute ikaw hindi kasi maganda ka!"

"Pede ba, Francis? Pede ba!" Binunggo niya ako at tinulak na 'yung cart palabas ng supermarket. Di man lang marunong magthank you?

"Ang sweet niyo sir! Girlfriend niyo?"

"Nako miss, imposible."

"Ha? Bakit naman po? Ang cute niyo nga e." Oo, padalawang sabi mo na 'yan. "Bagay kayo!" 

Tao kami. Jeez.

"Ah. K. Fine. Bye."

Naglakad na ako palabas ng supermarket at hinanap si Princess pero hindi ko na siya makita. Ang bilis naman ng babaeng 'yun. Psh. Nagdecide na ako bumalik sa BFC. Nagdrive na ako pabalik na parang walang nangyare at nagulat na makita ng isang familiar na babae na palabas ng building.

"Uy Kitin!"

"Francis!" Niyakap niya ako agad.

"Naks! Bumisita ko. Himala!"

Hinamaps niya ako sa braso, "Sira! Napadaan lang ako kasi nagpapaupdate ako kay Madam! Buti nga nasingit ko. Daming ginagawa sa school."

Tango lang naman ako ng tango.

"So san ka galing? Don't tell me na ngayon ka lang nagising at ngayon ka lang papasok? Hoy Francisco hindi ka binabayaran para maging tamad!!"

"Ikaw talaga napaka-judgemental!!"

"Eh ganun ka kasi! Psh! nakipagdate ka no? Hoy working hours palang!!"

"Pede bang wag kang sumigaw!!"

"Okay." Napangiwi ako nung bigla siyang nag-peace sign.

Isa pa 'tong babaeng 'to. Hay nako! Isa siya sa mga close friend ko dito. Nakilala ko siya dito sa BFC pero hindi siya dito nagta-trabaho. Sabihin na nating bumibisita siya tapos yun, bigla nalang kaming naging close.

"Galing akong mall. Bumili ng gummy bears."

"Oh? Penge penge!"

"Wala ubos na. "

"Ay. "

"Sige na. Pasok na ko. Baka may bagong client na e."

"O sige. Goodluck. Uwi na din ako." Niyakap ulit ako ni Kitin pero bago siya umalis... "Weird Francis."

"Bakit?"

"Kumakain ka lang ng gummy bears pag may namimiss ka e."

"Pag may namimiss?"

"Yep! Osige na. Bye bye na! Baka wala na akong maabutang bus. Bye!"

Pag may na mimiss? Sino namang mamimiss ko? Ah! Baka si Kitin..

Pero bakit parang natakam na naman ako sa gummy bears? Kakikita lang namin ni Kitin e. Weird.

*

[Alexa Gabrielle Delos Reyes' POV]

"Ahh!"

"Wooh!"

Mas pinaharurot pa ni Gatorade ang motor. Inang! Gusto ko pa pong mabuhay! Awa nap o! Sigaw lang ako ng sigaw at rinig ko lang naman ang pagtawa ni Gatorade. Wala ba siyang balak pabagalin ang takbo?

"Huy."

"Tama na Gatorade! Ang bilis! Ang bilis!"

"Kung minumulat mo kaya 'yang mata mo para di ka natatakot."

Mumulat? Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Kanina pa 'tong nakapikit simula nung pinaandar ni Gatorade ang motor. Ni hindi ko nga alam kung saan kami nagpunta.

"See?"

Nagulat ako nung makita kong nasa bridge kami kung saan makikita ang dagat ng Batangas. Papalubog ang araw kaya kulay orange ang tubig. Wow. I've been missing this view all along.

"Kapit ka ng mahigpit." Sinunod ko si Gatorade at hindi ko inaalis ang tingin ko sa dagat. "We'll be faster baby."

Napapikit ulit ako nung mas bumilis ang takbo ng motor. Jeez! This guy! Pero unti unti ko ulit minulat yun at mas naappreciate ang hangin na tumatama sa mukha ko. I feel so fresh. At hindi ko namalayan na ngumingiti na pala ako.

The way how Gatorade makes fun.

Yeah. This kind.

*

"So kelan ka pa natutong mag-motor?"

"Highschool. Tinuruan lang ako ni Marcus."

"Ahhh." Umupo siya sa tabi ko. Tumigil kami sa isang part sa bridge side. Andito kami sa damuhan, pinapanuod ang paglubog ng araw. "Nga pala.. Yung  sinabi mo kaninang umaga. Yung about sa Cinderella. Anong ibig sabihin mong yun lang ang naaalala mong story na kwinento sayo ng Mama mo?"

"Well, I don't think na dapat ako ang maging topic, Alexa." Medyo sumilip ako sa kanya at halos maging kulay orange na ang balat niya dahil sa sinag ng araw.

"At bakit bawal kang maging topic, huh Mr. Blue head guy?"

He smirked, "Because that's not how BFC works, baby."

Oh. Nagtama ang mga mata namin at agad akong umiwas. Yeah. BFC stuff. Halos lagi ko nalang nakakalimutan ang tungkol sa BFC. Hindi ko maintindihan kung bakit.

"Pero ewan ko.." nagulat ako nung bigla ulit siyang magsalita. "Ang alam ko kasi palagi akong kwinekwentuhan ni Mama at ang Cinderella lang ang naaalala ko."

Tumingin ulit ako sa kanya and this time hindi na ako umiwas nung nagtama ulit ang mga mata namin. "You like fairytales?"

"Ha? Fairy tales? No." He shook his head. "Actually, ayaw ko sa fairytales. Puro happily ever after. Binibigyan nila ang mga tao ng false hope kesa mamuhay sa realidad."

Ngumiti siya at tumingin ulit sa sunset.

"Hindi lahat happily ever after."

"Yeah."

"Congrats nga pala."

"Thanks."

"So you like Arts?" tanong niya na parang ginagaya ang pagtatanong ko kanina. Tumango ako at palihim na tumawa. "Yun yung flier na nakita mo sa bulletin board. Kaya pala di maalis ang mata mo nung nakita mong nagha-hire pa rin sila."

"Since I was a kid, pinangarap ko na talaga magkaroon ng mismong art exhibit ko kahit di ko alam kung bakit."

"You're really good at it. Nung ginawa mo 'yung draft ni Dominique, naisip ko dapat ikaw ang naga-architecture."

"Meanie!" Binato ko sa kanya 'yung maliit na batong nakapa ko. "Isusumbong kita kay Dominique."

"Naman! Nagsasabi lang ako ng opinyon. Don't take it the other way around." Nag-chuckle siya nung hinampas ko ang braso niya.

"But thank you. Thank you sa compliment."

"You're welcome."

Tahimik lang kami hanggang sa uunting part nalang ng araw ang makikita sa ibabaw ng tubig. Tinuruan ako ni Gatorade mag motor but in the end, hindi ko rin nagawa. I don't know how to ride a bike so hindi ako marunong magbalanse. It will take time. Just give me time."

"Nga pala, next week baka umuwi muna ako sa amin." sabi ko kay Gatorade. Focus lang ang mata niya sa daan. Hinayaan kong tanggalin ng hangin ang buhok sa mukha ko. "Magcecelebrate daw kami ni Papa about sa Art Stuff."

"Di ba malayo 'yung home town niyo?"

"Yup. 2 hours travel galing dito."

Hindi tulad kanina, mas mabagal ang pagpapatakbo ni Gatorade ngayon. Sinandal ko lang ang ulo ko sa likod niya at pinanuod ang view sa side namin. Kung kanina namangha ako sa paglubog ng araw, ngayon nagagandahan pa rin ako sa dilim ng gabi.

Starry night.

Namiss kong mag-star gazing sa bubong ng apartment.

*

Nakadating na kami sa bahay. Pinark ni Gatorade yung motor sa tabi nung Minica. Inintay ko lang si Gatorade na lumabas ng garahe habang pinapanuod ko pa rin ang mga stars sa langit. Kung yayain ko si bebs mag star gazing ngayon? Wala naman kaming pasok bukas e.

"Alexa.. ano.."

"Hm?"

"I want to tell you something."

"Ano 'yun?" Binaba ko ang tingin niya at nakita ang isang seryosong mukha ni Gatorade. Anong meron? "Tara sa loo—"

"Babalik na ako sa apartment namin ni Marcus."

"Ha?"

"Wala na naman si Nikki e. Matagal tagal na din and I don't think I have enough reason to stay." Bigla niyang ginawa yung mannerism nya. Hindi ko alam ang ire-react ko. Aalis na siya?

Babalik na siya sa... Bakit?

"Kelan ka babalik?"

"Kung pede sana bukas."

Oh.

Aalis na siya sa apartment bukas.

"O...kay."

Sht. Bat ako pumiyok?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro