Chapter 25
Chapter 25
"Alam mo kita na yung black na buhok mo." Napatingagala naman si Gatorade para makatingin sakin. Sa sahig kasi siya nakaupo habang nakasandal sa kama tapos ako nasa mimong kama talaga. "Ito oh."
Gumapang ako papunta dun sa likudan ng ulo niya at itinuro 'yung part na may black. Nakita ko lang nagsmirk si Gatorade at tinanggal sa bibig niya 'yung ballpen.
"Gusto mong magpakulay na ako?"
"Ha? Hindi! Napansin ko lang." Pinaglaruan ko lang yung buhok niya, hindi naman sya nagrereklamo.
"Okay." Binalik na niya ulit yung tingin niya dun sa reviewer niya sa Accounting.
I sighed. Ang sipag namang mag-aral ng lalaking 'to. Daig pa ako. Kung sabagay sabi nung prof namin mas matiyaga talaga daw magaral ang mga lalaki. Puyatan kung puyatan! Dumapa ako sa kama at sumilip ako dun sa balikat niya, "Mangangalay ka niyan."
"Hindi." Humalumbaba ako at nakibasa na sa notes niya. Ang ganda talaga ng sulat niya. Envy me!
Ayos pa nung una pero di nagtagal, nangalay na nga ako. Tss. Tinawanan pa ako ni Gatorade at kulang nalang sabihin niya ang katagang "I told you so." Psh. Lumuhod ako sa kama at naginat inat. Ang sakit ng siko ko.
"Ayoko na mag-aral!" Nagchuckle lang naman si Gatorade at dumapa na din sa kama. Bigla niyang kinuha ang dalawang braso ko saka hinilot. Oh. "Thanks."
"Business Ad ba talaga ang gusto mong course?"
"Hindi."
"Oh? Family business?" Tumango ako. "Right. Mayaman nga pala kayo."
"Sila lang mayaman." I rolled my eyes heavenward when I heard him chuckle.Totoo naman kasi e. Binitawan na ni Gatorade ang braso ko kaya naman umayos na ako ng upo. Inayos na din ni Gatorade yung mga notes niya sa sahig. "Pero sa totoo lang, di ko naman talaga alam kung anong gusto kong course kaya pumayag na din ako sa course na 'to."
Pinanuod ko lang si Gatorade. Ito naman 'yung tahimik at serious type na Lance. Ang bilis niya talaga magbago ng mood pero kahit papano nagegets ko ugali niya. Nakakapaisip talaga 'yung nilagay ni Papa dun sa form nung inorder niya 'tong si Gatorade. Baka kasi dahil dun kaya 'to bipolar e.
"Ikaw, ba't Marketing?"
"Wala lang." Tipid niyang sagot. Bored. Nagsasabi yan ng totoo! "Tulog ka na?"
Napatingin ako sa orasan. 11:00 PM na pala. Kanina pa ako nagaaral at mukhang tapos na 'tong kasabay ko. Umiling ako. May isang chapter pa ako dapat basahin. Tumango naman siya at inayos 'yung slumber bed niya.
*
Next day
Minulat ko ang mga mata ko. Agad akong napatingin sa gilid ng kama at nakita ang kamay ko. Kamay ko? Dahan dahan akong gumalaw para makapunta sa gilid ng kama. Sinilip ko siya sa baba. I slept while holding his hand.
Sinubukan kong alisin yun pero biglang humigpt ang pagkakahawak niya. How the eff did we sleep like this? Di naman ako nangalay kahit mababa ang level nung slumber bed compare to my bed. Wow. Napatingin ako sa likod ko at nakitang nakakalat ang notes at books ko.
Nakatulog ako kakaaral?
Naagaw ang atensyon ko nung gumalaw si Gatorade at medyo nahigit yung kamay ko pababa. Ah! Umayos ako ng pagkakahiga at sinilip ulit siya. Hawak na nya ng dalawang kamay niya ang kamay ko. We slept like this.
Oh-kay. Ipinaypay ko 'yung free hand ko. Bakit biglang uminit?
*
"Bebs! Thank God you're done! You gotta help me!" Ha? Kakalabas ko lang room dahil ngayon lang ako natapos sa exam ko sa Accounting 101. Lugaw ang utak ko! Lechugas na debit credit na 'yan! Pero buti nalang medyo nakapagreview ako kagabi..
But who am I kidding? Hindi lang medyo yun! Anyway, sa ibang parts lang naman ako talagang nahirapan. Kahit naman ata mag-aral ka sa Accounting talagang mahihirapan ka pa din.
Nagpahigit lang ako kay bebs. Hindi ko alam kung bakit nasa labas siya ng room namin. Nakakagulat nga e. First time. Buti nalang na kaming class dahil yun lang exam namin tapos nagkasundo ang lahat na wag ng pumasok sa ibang subject. YAN! Yan ang tinatawag na UNITY at COOPERATION.
Napatingin ako sa likod ko at nakita 'yung dalawang matangkad na sumusunod samin. Parang ginawa nilang "fashion runway" ang hall namin. Pero in fairness, ang gwapo nila sa school uniforms namin. Ohkay. Sila na talaga
Pumunta kami dun sa tables malapit sa stairs. Buti nalang wala masyadong tao. Sinimulan ng ayusin ni bebs yung mga papel, drafts, pencils at rulers niya sa table. Ang daming echos ng Architecture. Buti nalang sa Business Ad, calculator lang.
"Please help me! Kahapon ko pa 'tong inaayos pero di ko magawa 'yung drawing with the right measurements e. Ang hirap. " Lumapit ako kay bebs at tiningnan 'yung pattern. Bahay. Iba't ibang pictures ng bahay.
"Oo na. Makakatanggi ba ako?"
"Yay! Thank you bebs!"
*
[Marcus Lau's POV]
Pinanuod lang namin si Gab na magdrawing. Wala na kaming klase, sa thursday pa kasi 'yung exams namin na iba. Accounting lang ngayon. Si Love naman may 1 and a half hour vacant pa tapos magpapasa lang daw nitong di ko alam ang tawag. Basta sa subject daw niyang Drawing.
"Pano mo nagawa 'to?" sigaw ni Love nung natapos ni Gab 'yung pinapadrawing niya. Nagtu-twinkle pa ang mata at namumula ang pisngi. Ang cute talaga ng Love ko!
Kinuha ni Gatorade 'yung drawing ni Gab at draft ni Love. Wala namang pinagkaiba ah? Mas malinis lang siguro 'yung kay Gab. Daming bura nung kay Love e. Hehe. Nagtatalon na naman si Love at biglang niyakap si Gab. Ano bang meron sa babae at ganito ang nangyayare pag kinikilig or natutuwa?
Pano pa kaya mamaya di ba? Hehe.
"Anong oras mamaya?" agad na tumingin sakin si Gatorade tapos kumunot ang noo niya. Hala. Don't tell me na nakalimutan niya?
"May meeting ba tayo?"
Hala. Nakalimutan nga.
"Nako Gatorade. Imposible. Never mong nakakalimutan 'yun!" Mas kumunot pa 'yung noo niya. Patay na. Seryoso. Hindi siya nagbibiro. Nakalimutan nga niya. Di ba niya alam kung anong date ngayon?
First time.
"Anong meron?" Naalarma ako nung biglang magtanong si Gab.
Umiling ako, "Wala."
"Ang galing mo talagang magdrawing bebs! Sabi ko sayo dapat Archi kinuha mo!" sabi ni Love na may paghampas pa sa braso ni Gab. Nag-shrug lang naman si Gab pero pansin ko 'yung tipid na ngiti niya. Aba! Kinikilig yan! Alam ko! Lagi yang ganyan pagkasama niya si Gatorade e.
At si Gatorade, nakalimutan ba talaga niya? Ang imposible naman kasi.
"Wait lang ah. Dito muna kayo ha? Magpapasa lang ako nito." Nagkatinginan at nagkangitian lang kami ni Love bago siya sumakay ng elevator.
Akala ko pa naman pareho kami ni Gatorade na suprise para sa kanila.
*
[Alexa Gabrielle Delos Reyes' POV]
Hindi ko alam kung anong meron pero nakakasilaw! Nakakasilaw silang dalawa. Umiling iling nalang ako at nagfocus sa pagdadrive. Baka mabangga pa ako dahil sa nagttwinkle na mata ni bebs at ngipin ni Marcus. Para silang light bulbs.
"San tayo pupunta?"
"MOA!" Nakita ko sa rear mirror na mas lumapad ang ngiti ni Marcus nung sinagot niya yung tanong ni Gatorade. Di ko mapigilang di mapangiti. Habang lumalapad ang ngiti niya, lalo siya nagiging cute. Sarap pisilin sa pisngi.
MoA? Buti nalang wala kaming exams bukas.
"Anong gagawin natin dun?" tanong ni bebs na may malapad na ngiti din. Mas nagtwinkle ang mata tas namumula na ang pisngi niya ngayon.
"Basta!"
Nagkatinginan kami ni Gatorade at sa di malamang dahilan, pareho kaming natawa. Pareho siguro kami ng iniisip. Oo, bagay sina bebs at Marcus. Umiling iling nalang si Gatorade at inayos ang upo niya sa passenger seat. Napatingin ulit ako sa rear at nakitang nakanguso si Marcus habang nakatingin sa likod ng upuan ni Gatorade.
Kanina pa yang ganyan. Ang gara nga e. Kanina pang bulong ng bulong ng.. "Imposibleng makalimutan."
Weird.
*
"ICE SKATING!" Biglang naisigaw ni bebs ang dapat sasabihin ko. I smiled privately. It's been a long time. "Bebs! Ice skates!"
I know bebs. I know.. Napatingin ako sa dalawang lalaki namin kasama at mukhang natuwa naman sila sa reaction namin. So this is Marcus' plan? How did he know about this?
Nagtatalon na ulit si bebs habang hawak hawak ang kamay ko. Sobrang lawak ng ngiti niya at di ko na rin maitago ang excitement ko. Biglang binitawan ni bebs ang kamay ko at tumakbo papalapit kay Marcus. And to my surprise, bigla niyang niyakap at hinalikan 'to.
PDA!
"Thank you, Love! Thank you! Thank you!" Napakamot nalang si Marcus sa ilong niya at pasimpleng ngumiti. Sus!
"Marunong ka?" Nagulat ako nung lumapit sakin si Gatorade. I raised my brow nung napansin kong parag naghahamon siya.
"Wanna bet?" Tumawa si Gatorade at umiling. Duwag.
Hinigit ulit ako ni bebs papunta dun sa nagrerent ng ice skates. No choice, we don't have our own skates kaya ito nalang kahit ayaw namin. I looked at bebs at mukha talaga siyang bata. Feeling ko naikwento niya kay Marcus ang tungkol sa ice skates.
"Tara na!" and off she goes..
"Si bebs talaga."
"Game?" Napatabi ako nung biglang dumaan sa gilid ko si Gatorade at nagskates na siya palayo sakin.
"Yabang!" Sinubukan ko siyang habulin. Ang bilis niya!
Nag-skates siya patalikod at bumelat lang sakin habang pinapanuod akong humahabol sa kanya. Pasalamat ko nalang at uunti kaming nagsskates dito, hindi masikip at.. mahahabol ko 'tong Gatorade na 'to!! Grrr
"Ano ba 'yan? Sa skateboard slowpoke ka na nga, hanggang dito ganun pa din?" at ayun na naman ang mayabang na smirk na 'yun! Nakakainis!
*
[Marcus Lau's POV]
Pinanuod ko lang si Love na gumawa ng spins or routines. Ang galing niya! Naikwento niya kasi sakin na namiss niyang mag-ice skates nung napanuod namin sa Youtube si Kim Yuna (popular Korean figure skater) And there, this is my surprise for her.
"Love, ba't andyan ka lang sa gilid? Tara dun oh!" Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, at yun ang ikinatakot ko.
"Love, ano.. Dun nalang ako sa gilid."
"Ha? No fun! Di ka naman makakapagice skates dun e!"
"Pe—Pero.." I smiled awkwardly.
"Don't tell me—" Tumango ako sa kanya. Naramdaman na niya siguro kung bakit. Fine! Di ako marunong magice skates! There! Inamin ko na. Psh.
"Pede ka ng tumawa." I pouted.
"Stupid, ba't naman ako tatawa?" Huh? Tumingin ako kay Love. Hindi siya natawa pero may reassuring smile sa labi niya.
"Kasi.." Nung bata pa ako at nakatira pa ako sa Korea, pinagtatawanan ako nung mga kaklase ko tuwing maga-iceskates kami. Coz I never learned how to. Isang joke na para sa kanila ang pinagsamang Marcus Lau at Ice Skating (o kahit ano pang skates yan).
"Halika na nga. Hindi naman lahat dito marunong magice skates e. Wag ka nga!"
Hinigit na ulit ni Love ang kamay ko. Nagsimula na siyang magskates patalikod. Inaalalayan ako sa bawat pagslide ng skates. I just stare at her, si Dominique Veena Delos Santos. At oo, may aaminin pa ako.
Crush ko siya.
"May dumi ba ako sa mukha?"
Umiling ako, "Wala."
Tumango siya at nagpatuloy pa rin kami sa pagsskates. Nadaanan namin sina Gatorade at Gab na nagpapayabangan sa gitna. Ang labo talaga ng dalawang 'yun. Si Gatorade tawa ng tawa habang si Gab halatang pikon na pikon na. Oh sige na.. Sila na ang palaging ganyan.
"Love."
Sumilip muna siya sa likod niya para makaliko kami bago tumingin ulit sakin, "Po?"
"Happy Monthsary."
Alam ko naman na alam niyang monthsary namin ngayon. Ngumiti siya at tumigil sa pagsskates kaya napatigil din ako. "Happy Monthsary, Love."
*
Nagpahinga kami ni Gatorade dun sa gilid. Alam din naman kasi niyang di ako maalam. Pinabayaan na muna namin yung dalawa na magenjoy sa rink. At habang naaalala ko 'yung nangyare kanina, di ko mapigilang mapangiti.
"Group date was your plan, huh?" tanong niya nung makaupo kami.
"Hindi no. Surprise ko lang 'to kay bebs."
"Ha?"
"Atsaka di kami mageenjoy kung kami lang dalawa." Tumango tango naman si Gatorade. "Sabihin mo nga, di mo ba alam kung anong date ngayon?"
"Date?" Kinuha niya yung phone niya sa bulsa at...
[~Ddok barohae neon joengmal bad boy
Sarangbodan hogishimbbun
Geu dongan nan neo ddaeme ggambbak
Sogaseo neomeogangeoya~]
Napatingin ako sa rink at nagulat na biglang nagsasayaw si Love. Sila nalang ni Gab sa gitna ng rink. Nagsasayaw lang si Love pero si Gab nakatungo habang umiiling, nahihiya ata. Anong meron?
[~Neon jaemi eobseo maeneo eobseo. Neon devil devil neon neon~]
Lumapit si Love kay Gab at parang pinipilit 'to. Yung ibang naga-iceskates nasa gilid lang at mukhang nanunuod. May show ata?
[~Ne haendeupon sumanheun namja
Han geuljaman bakkun yeoja
Nae kkoggaji yeokgyeoun perfume
Nugu geonji seolmyeong haebwa~]
Nakailang pilit at hawak pa si Love kay Gab habang sumasayaw. Namumula na ang mukha ni Gab.. Baka mag-away pa 'tong dalawa.
[~Neon na mollae nugul mannaneun
Ggeumjjikhan geu beoreut mot gochyeotni
Ddwieo bwado sonbadak aningeol~]
"Huy Gatorade, tingnan mo!" Mukhang nakuha ko naman ang atensyon ni Gatorade..
[~You better run run run run run
Deoneun mot bwa geodeocha jullae
You better run run run run run
Nal butjabado gwanshim ggeodullae hey
De meotjin naega dweneun nal
Gapajugesseo itjima
You better run run run run run
Ddak geollyeoseo yagollyeoseo
Run devil devil run run~]
Nagsasayaw na silang dalawa!
Kita sa mukha ni Gab na nahihiya na siya pero ginagawa pa rin niya yung steps at routine. Si Love naman ang cute cute magsayaw. Pareho silang magaling sumayaw. Obvious naman e. Napapasayaw na nga rin 'yung ibang nasa gilid ng rink..hanggang nakisali na rin sila sa gitna. Hala!
Lumingon ako sa gilid ko. Nakatakip sa mukha niya 'yung right hand niya at palahim na ngumingiti. Ang pula pa ng mukha! Para siya yung nagsasayaw ah! Benta! LOL! Pero nakakainis dahil first time niya talagang makalimutang Monthsary ng kliyente niya.
Gara ng lalaking 'to.
*
[Alexa Gabrielle Delos Reyes' POV]
[~E neolbeun sesang baneun namja
Neo hana bbajyeobwattja
Ggok naman bwajul meotjin namja
Nan gidarillae honja~]
And last step. Agad akong napatungo at gusto ko ng umuwi sa ginawa naming kahihiyan ni bebs. Napilit pa. Hay! Narinig kong nagpalakpakan 'yung mga tao sa paligid namin kahit yung mga taong nanunuod sa labas ng rink. Mas lalo lang akong nahiya!
"Galing ng Love ko! Hoo!!" sigaw ni Marcus na todo effort ang pagcheer. Tumingin ako sa tabi niya at nakita ko si Gatorade na tinatakpan ang mukha niya at pulang pula. Halatang halatang nagpipigil ng tawa!
Napakatalaga ng blue head na yun!
Bumaba na rin sila dito sa rink at lumapit sakin. Alam ko na kung saan mapupunta ‘to! Makontrol ko sana ang sarili ko na hindi siya batukan!
"~You better run..run..run..run~"
But I can’t! "No, Gatorade. You better run!"
At ayun nga tumakbo na siya. Wag na wag siyang magpapahuli sakin dahil susumbiin ko siya!
"Slowpoke!"
"Gatorade!"
He just stuck his tongue out.
Katulad kanina, habulan kami ng habulan, paikot ikot sa rink. Hindi ko siya mahabol! Bakit kasi ang bilis bilis niya! Yung mga madadaanan namin, instant na lalayo at tatawa. Sige lang, pagtawanan niyo lang kami.
"~You better ruun~" sabi niya habang ginagawa yung steps namin kanina.
"Hoy tumigil nga kayong dalawa dyan!" Pagsasaway sa amin ni bebs. Tumigil na ako sa pagsskates at lumapit kay Bebs. Wala na. Talo na naman ako. Pikon na naman ako. Nakakainis.
"Aw. Galit na baby ko." inirapan ko lang siya nung nakalapit na din siya sakin. "Hala! Joke lang naman, Alexa e. Uy!"
"Bahala ka dyan." Nagskates na ulit ako palayo.
"Alexa. uy." Skates lang ako ng skates. Nakakapagod na din ah. Napatigil ako nung bigla siyang dumaan sa harap ko at nagskates paikot sakin. Oo na. Ikaw na magaling magskates. Sporty blue head guy. "Di ako pinapansin ng baby ko."
"Babyhin mo mukha mo!" Lumiko ako para makaalis na sa pagcircle niya sakin.
"Uy! LQ!"
What the?
Napatigil ako nung biglang sumigaw yung mga taong nakapaligid sa amin. Ano daw? Nakita ko din si Bebs at Marcus na tumatawa.Pakana nila yun! Lalapit na sana ako dun sa booth para ibalik ang skates nung naramdaman ko 'yung kamay ni Gatorade sa kamay ko.
"Oh?"
"Sorry na."
"Psh."
"Eh! Bati na kasi. Drama pa bebs!" Napairap ako nung narinig ko si bebs. Parang di siya madrama nung isang araw. "Kiss and make up na! Wag ng masyadong scene stealer oh!"
Anong scene stealer at kiss and make up! No way!
"Madali akong kausap." Hinigit ako ni Gatorade papalapit sa kanya at hinalikan ako. "Sorry na."
I sighed, "Fine."
"Oh siya, isa pang kiss."
"Sapak?"
Mas nagiging weird na ata kaming dalawa.
*
Halos gabi na din kami nakauwi. Sa MoA na rin kasi kami kumain dahil baka gutumin kami sa byahe. Tapos ewan ko kung anong meron dun sa dalawa, may surprise si Marcus kay Bebs, tapos 'tong si bebs may binigay na beanie. Couple beanie. Suot nga nila pareho e. Jeeez.
Mga 10 na siguro nang makadating kami sa Batangas. Medyo traffic kasi. At oo, napakahirap pala talagang maging driver. Buti sila pedeng matulog habang nasa byahe, eh ako? Kulang na nga lang ibunggo ko yung Minica nung nagpaalam sakin si Gatorade na matutulog siya. ABA! Hindi pede.
"Oy. May daan ba kayo dun sa rooftop?" tanong ni Gatorade habang nakatingin sa langit.
"Ha? Meron. Bakit?" Lumabas ako ng garahe at tumingala. Ang daming stars.
"Tara?"
"Pagod na ko Gatorade. Ba't naman ngayon mo pa naisipang mag-star gazing?"
"KJ naman."
Bumuntong hininga lang ako at sumuko. Wala e. Pagbigyan na. Ngayon lang ulit ako makakataas dun sa bubong. Dati ginawa namin 'yun ni bebs nung naho-home sick kami. Nung nagtagal, nakalimutan na din namin.
Pumasok na ako sa loob at nagpalit. Si Marcus at bebs, naglalampungan pa dun sa living room. Grabe naman ang dalawang 'to. Tinuro ko nalang 'yung daan nung nakapasok na ng apartment si Gatorade.
"Una ka na. Magpapalit lang ako." sabi niya. Dahil sa katamaran, sumunod na din ako.
Nilatag ko 'yung kumot sa bubong at dahandahang humiga dun para di mahuli nung landlady. Bawal kasi. Alam niyo naman, masaya ang bawal. Ang tagal naman ni Gatorade. Huminga ako ng malalim at pinanuod ang mga stars.
Pinagconnect connect ko 'yung mga stars gamit ang daliri ko. At di sa malamang dahilan, napansin kong "L.A" ang nagawa ko. Weird.
"Bebs, anong ginagawa mo dyan?" Agad akong napatayo at tumingin kay bebs na paakyat ng bubong.
"Star gazing.." Tumingala siya at napangiti.
"Nung first year, ito madalas nating gawin e!" tumango ako.
Tahimik lang kami habang pinapanuod ang langit.
"Bebs, masaya ako. Di ako nagsisisi nung nagkaroon ako ng contract sa BFC." Tumingin lang ako sa kanya. "Kahit nakakalungkot isipin na parang pretend or made up lang ang lahat, okay lang. Masaya ako."
"Bakit ka nga ba nagcontract sa BFC?"
"Di ko din alam e."
"Sus. Mamaya gusto mo lang makalimot dun sa ex mo. Ano ngang pangalan nun?"
"Zoren. Ano ka ba bebs! Ano ako bitter bitter? Ew lang." Napatawa ako. Naalala ko lang dati yung pagkaobssess niya dun kay Zoren. At oo, alam ko naming affected pa rin siya sa previous relationships niya dati na walang nangyare kung hind imaging fail lang lagi.
"Ew? Seryoso ka. Eh halos magkandarapa ka dun sa panget na 'yun! At wag ka! Siya pa ang may ganang mangtwo time sayo!"
"Bebs naman!" Ngumuso siya. At maya maya, pareho na rin kaming tumatawa. Lechugas na Zoren 'yun. "Haha! Yung nerd na 'yun, niloko ako? Nakakahiya naman sa kanya!"
"Yun! Di daw bitter!"
Tawa lang kami ng tawa. Nakakawindang ang mga ex ni bebs. Ang alam ko nakapatatlo siyang boyfriends nung highschool kami. Maganda naman ang bebs ko ah! At very open yan sa lahat, hindi ko katulad. I never allowed anyone to court me. And besides, sobrang taray ko daw. Wala akong pakielam.
"But I am. I'm really happy at di ko pinagsisisihan ang lahat."
"Ang alin?"
"Ay!" Nagulat kami pareho ni bebs nung biglang sumulpot yung ulo ni Marcus dun sa may gilid. Kinabahan ako dun ah! "Love!"
"Sorry love."
Magsasalita pa sana ako nung marinig ko ang tahol ni Laelle sa baba. Anong meron? Tahol ng tahol si Laelle, pano siya nakalabas ng bahay? Dahan dahan akong tumayo at sinubukang sumilip nung biglang may lumipad na lobo. Mas nagtaka ako nun kaya mas binilisan ko ang pagsilip.
"Hi."
Dun ko nakita si Gatorade may hawak na placard at nakatayo sa gitna ng mga candles nakaform sa isang heart shape. Nadistract ako nung biglang tumakbo paikotikot ng garden si Laelle habang hinahabol yung mga lobong nakatali sa buntot niya.
Napatingin ulit ako dun sa placard na hawak ni Gatorade. 'Happy Monthsary, baby'
"Ohmydee! Oo nga pala, same tayo ng monthsary!" Naramdaman ko ang pagyugyog ni bebs sa balikat ko pero hindi ko maalis ang tingin kay Gatorade.
"Sabi na nga ba e. Di niya nakalimutan. Mr. Man of Surprises!" comment ni Marcus.
Kaya pala niya ako pinaakyat dito.
"Happy first monthsary from your first boyfriend, baby."
Yeah. He is and this is my first.
Bigla siyang tumalikod at dun ko napansing may nakasulat sa likod ng tshirt niya. At bigla siyang sumigaw, "Hoy I'm not ruining the meaning of it!"
Napangiti ako nung naalala niya pa yung sinabi ko sa kanya na wag siyang mag-ailoveyou sakin..
Nakasulat sa likod ng shirt niya? "I like you, Alexa."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro