Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24


[Alexa Gabrielle Delos Reyes' POV]

Ang sakit. Ang sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa noo ko at dahan dahang minulat ang mata ko. What happened? Jeez. Pakiramdam ko nakainom ako ng isang case ng beer. Aw! My head stings.

"Good morning!"

I covered my two ears,"Agh! Don't shout!"

"Ay. I'm sorry." Umupo ako at nakita kong papalapit sakin si bebs. What now? Nagssparkle na naman ang mata niya. What's with her? She seems so happy and I'm like groggy. Yeah, I feel like one.

"Well, I'm happy that you're a sober now but…uh, I just don't like your face." What?! Nilapit niya ang mukha niya sakin na parang ine-examine ang mukha ko. "Yuck! You're so ugly!"

"What the heck!" Mas sumakit ang ulo ko. "Bebs, can you just not shout? Please!"

"Fine. Fine. I'm sorry, okay?" Naglakad siya paikot ikot sa kwarto ko. Nahihilo ako sa ginagawa niya. Psh. Ano bang meron sa babaeng 'to? Hinilot hilot ko ang temples ko. Wait! Did she just said that I'm sober now?

"Hey! I wasn't drunk last night. Pano mo nasabing hindi na ako lasing?"

Napatigil siya sa pagikot ikot sa kwarto ko. Good. Dahil talagang nakakahilo ang ginagawa niya. "You don't remember?"

"Duh? Like I'll ask you if I now right? Jeez. And what's with this english convo, nakakahawa ka!"

"Hehe. Sorry! Feel ko lang ang English ko e. Ba't ba." Tumabi siya sakin at tinitigan na naman ako sa mukha. Seconds later tinabig niya ang mukha ko. Bwiset! "Ang pangit mo talaga bebs! *insert pang-asar na tawa here*"

"Sasamain ka na talaga sakin!"

"Okay, okay! Calm down, Gab." Huminga siya ng malalim. "That pill really knocked you down, huh?"

"Pill?" Processing.. Processing.. "Si Francis!"

Napapalakpak si bebs sa sagot ko, "Bingo! Naalala mo na!"

"How can I now forget? He's the one who gave Gatorade that pill!" Tumayo ako sa kama at medyo nahilo pa ako nun. Hang over. Damn. Umiling iling ako saka dumiretso sa banyo and yeah. I look awful.

Naghilamos ako at buti naman kahit papano I look better. Lalo tuloy akong naiinis. Ewan ko ba kung kanino ako magagalit, kung kay Francis or kay Gatorade. But.. Parang nakakatamad naman kung magagalit pa ako sa kanila. What's done is done. Yeah. Should just forget about it. Jeez.

"Asan sila?" tanong ko kay bebs habang tinitingnan ang mga CDs ko sa kwarto. Alam niyo ba yung kwarto ni Jang Geun Suk sa movie na Do Re Mi Fa So La Ti Do Movie? I'm very inspired with his room kaya tinulad ko 'yung akin sa kanya. I filled my room with lots of CDs.

"Hey. This section," tinuro niya yung isang shelf ng CDs. "Puro bago pa 'yung CDs. You don't want to open them? Sayang naman!"

"Narinig ko na din naman 'yung mga kanta kahit di ko pa sila nabubuksan." Mukhang nagtaka naman siya kung pano nangyari yun. "Jeez bebs, haven't heard of iTunes?"

"What ever." Inirapan niya lang ako saka tumingin ulit sa mga CDs. "Nasa BFC sila. May meeting ata."

Ah. Ano bang araw na ngayon? Kinuha ko yung phone ko sa side table. Saturday, July 13, 20xx. 2:04PM. Wow. Ilang oras ba akong tulog?

"Buti di ka nastroke." She chuckled. Sinamaan ko lang ng tingin si Dominique at tinawanan niya lang ako. Oh sige na, ikaw na po ang blooming at masaya ngayon kahit di ko alam kung bakit. Naiisip ko lang na para kang baliw bebs. Ay hindi pala! Lumala pala.

*

Andito ako ngyaon sa mall. Wala lang. Nakakatamad kasi sa bahay tsaka para makapag-unwind. Ang daming nangyare nung thursday at friday. At oo, fresh na fresh pa rin sa'kin yung nangyare samin between Nikki. I really never thought that she could do that dahil lang sa pagkakaobssess kay Gatorade.

Believe me, I still feel creepy whenever she crosses my mind. I'm just thankful at hawak na siya ng Boyfriend Corp. ngayon. Anyway, ano bang ginagawa ko sa mall? Naglakad ako ng naglakad habang makapunta dun sa destination ko.

"Guitar String po, zero." tumango naman sakin 'yung lalaki.

Pumili din ako ng guitar pick. Wala lang. Just doing what I usually do before. Namiss ko lang kasi ang pagtugtog. At yun nga habang nagrereminisce kanina, naputol ko 'yung string ng gitara. Buti di ako nataga. Umalis na agad ako dun nung nakuha ko na ang gusto ko.

So ano pa bang pedeng gawin dito sa mall?

Tumayo ako dun sa gitna at pinanuod ang mga tao. PDA, loner, Senior Citizen, batang natapunan ng ice cream, PDA, loner, PDA. Obviously, ang daming nagp-PDA.

"Gab!"

Uh? Tumingin ako sa likod ko at nakita si Alex. "Uy!"

"Di na kita nakita kahapon. San kayo nagpunta nung boyfriend mo?"

"Ha?" Medyo sumakit ang ulo ko nung sinubukan kong alalahanin ang nangyare kahapon. Naasar na naman ako kay Francis. "Wala. Sumama kasi ang pakiramdam ko kaya umuwi na ako. Congrats nga pala! Nakwento sakin ni bebs na first runner up ka daw. Yabang nito! Kaw na gwapo."

"Baliw. Nakatsamba lang."

"Sus. Pahumble! Di bagay, Alex! Di bagay!"

Nagpunta kaming Starbucks. Nagpalibre ako sa kanya. Dahilan ko? Nanalo siya. Pagbigyan niyo na ako, minsan lang naman e. Besides, ngayon lang ulit ako makakapag-frap! Nilibre niya ako ng ensaymada at Dark Mocha Frap.

"PG!" (Patay Gutom)

Inirapan ko lang siya. Wag niya akong asarin ngayon at baka matarayan ko siya. Feeling ko may side effect pa yung pill e. "Nga pala. Thank you ha? Nung kay Nikki.."

"Ah. Wala 'yun."

"Anong wala 'yun! Grabe ka. Matter of my life and death!"

"To naman napakahighblood!" Natawa kami pareho. Pinagtitinginan tuloy kaming dalawa. Andito kasi kami sa labas ng SB. May tables dito sa labas. Tsaka mas feel ko dito kesa dun sa loob. "Grabe ang intense nung Nikki na 'yun."

"I know right." I said while drinking my frap. Ahh~ Powers of coffee.

"Gab." Napatingin naman ako sa kanya. "Kinabahan ako dun."

Nagulat ako sa pagiging seryoso ni Alex all of a sudden. Nagkatinginan kami for 5 seconds at una siyang umiwas. Di ko magets kung para san ang tingin na 'yun. Bumuntong hininga siya saka ininom yung Frap niya.

"Ako din. I thought I’ll lose everything."

"Yeah. Pero wala na."

"Yeah." I said while nodding. "You saved me again."

"Grabe. Parang ako ang Knight in shining armor mo. Kadiri, Gab! Di bagay sayo ang role na damsel in distress."

"Lakas mong magsalita ah! Ako dapat mandiri sayo!" Halos matapon ko 'yung tinapay ko sa kanya. Pasalamat siya at masarap 'yung ensaymada kundi baka nasa mukha na niya 'to. Lakas talaga ng apog!

"Uyy! Kinikilig! Obvious Gab. Di naman ako magiging ilang o iwas sa-"

"Isa pa Alex! Di na talaga ako magdadalawang isip na ibato sayo ang ensaymada na 'to. Yan ka na naman e!"

"Pikunin mo kasi e."

Inirapan ko lang siya at kinain 'yung ensaymada ko. Napatingin ako dun sa loob ng SB at may nakitang familiar na babae. Oy! Si Princess 'yun ah! May kasama siyang girl. Kamukha niya.. Maybe sister niya.

"Ano naman tinitingnan mo dyan?"

"Si Princess." turo ko. Napatingin din si Alex dun.

Tatayo na sana ako para pumasok sa loob. Gusto ko lang siyang batiin pero umalis na siya kasama nung babae. Ay. Sayang naman. Inayos ko na ulit 'yung upo ko. Dun ko lang napansin na nakatingin pa rin si Alex dun sa loob.

"Huy! Ayos ka lang ba?"

Mukhang natauhan naman si Alex. Umiling iling siya saka ngumiti. Sabaw lang?

Kwinento lang sakin ni Alex yung nangyare sa acquaintance party. Nagulat nga ako nung pati yung pagsulpot ni bebs sa venue alam niya. Nakita niya siguro nun si bebs. Galing ng bebs ko ano? May powers talaga yan ng pagiging ninja.  Nakakainis tuloy. Kung hindi ako nakainom ng pill nun.. Edi sana napanuod ko di ba?

Naggala muna kami ni Alex bago kami nagdecide umuwi. 6 PM na din kasi at kanina pa akong wala sa bahay. Ngayon ngayon ko lang din nalaman na wala pala akong dalang phone. Mamaya hinahanap pa ako ni bebs. Si Gatorade kaya hinahanap ako? Ewan ko lang.

"Uy bye! Thanks sa libre!"

"Anong libre? May bayad 'yun!"

Tinawanan ko lang siya saka pumara. Bumaba ako ng jeep at kumaway ulit kay Alex. Kahit papano nagkaroon ako ng stress reliever. Hooo! Napatingin ako sa CK University, marami pa rin naglalabasan since hanggang 8:30 PM naman ang last class dito.

Nakasabay ko pa ang mga varsity na nagjo-jogging papuntang likod ng school. Oras nga pala 'to ng training nila. Yung ibang familiar faces, nginitian ko ng tipid. Di naman kasi ako friendly e. Paki ba nila.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa masiksik ako nung mga varsity sa gilid yung parang fence na mataas. Ako tuloy napag-abutan ng trip nila! Sige na! Sa kanila na ang daan. Psh! Sinubukan kong makadaan ng ayos pero yung mga malalakas ng trip ayun naniksik pa! Feel ko kakilala ko sila na hindi ko maalala ang pangalan.

Ayos na sana yung daan kasi tapos na sila sap anti-trip nila nung may nabangga ko yung kasalubong ko, "Sorry!"

" Bad trip." Napatingin ako dun sa lalaking nasa harapan ko at halos gusto kong tumakbo nung nakita ko ang mata niya. Nakakatakot siyang tumingin!

"I'm sorry." Utal kong sabi. Parang mapuputulan ako ng dila!

Pero mas sinamaan niya lang ako ng tingin at pinulot 'yung mga papel sa sahig. Bumaba na rin ako para tulungan siya.. "Lumayo ka nga!"

"What?"

"I don't need your help, so move!"

apatayo na agad ako instant at naglakad palayo. Inang! Mas nakakatakot na 'yung mata niya! Ohmydee!  Ako na nga 'yung natulong e. Hmft! Pero hindi yun e. Nakakatakot talaga.

Binilisan ko ang lakad ko at pasimpleng tumitingin sa likod ko. Andun pa rin siya, pinupulot yung mga papel. Bwiset na mga varsity na 'yun. Ayan! Dahil sa kanila natakot ako. Gusto ko ng umuwi!

Pumasok agad ako sa bahay. Nakita ko si bebs pero di ko siya pinansin, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Andun si Gatorade, nakaupo at nakasandal sa kama. Ewan ko pero tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya.

"Baby, anong problema?"

"Yu—yung lalaki!"

"Ha?" Di ko na pinansin si Gatorade. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya na para akong batang nakayakap sa magulang niya. Natatakot ako. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. "Alexa.."

Umiling ako. Wala akong pakielam kung nasasakal ko na si Gatorade pero natatakot kasi talaga ako. Naramdaman ko ang pagyakap na din sakin ni Gatorade. Dun na ko nakahinga ng maluwag. Pinilit kong burahin sa isip ko 'yung mga nakakatakot na mata nung lalaki kanina.

Those eyes..

Kung paborito kong mata ang Gatorade, sa kanya ang pinakaayaw ko!

*

Monday

"Tarang kumain!" inaya ako ni Alex. Pero hindi ko siya pinansin at tinitigan ko 'yung reviewer ko sa computer. Tsk. Nakalimutan ko kasing prelims namin ngayon. Nga-nga ako!! "Gab naman. Di bagay sayong maging seryoso."

"Pede ba Alex. Buti ikaw nakapagaral na. Eh ako? Di mo man lang ako sinabihan nung sabado na prelims pala natin dito!"

"Malay ko bang di mo alam?"

"Ewan ko sayo! Wag mo kong kausapin! Kumain ka magisa mo!" Inirapan ko lang siya at bumalik na sa pagbabasa. Sinamaan ko lang siya ulit nang tingin nung sinubukan niyang pisilin ang pisngi ko. Grabe ang lalaking 'yun. Alam ng busy e!

"Suit yourself." Nag-shrug lang siya at naglakad na palayo. At last!

Oo, gutom na ako pero mas importante 'to. Pero kung tutuusin, hindi. Hindi ko naman 'to major pero naiinis lang ako dun sa prof namin. Can someone relate to my problem? Feel me college people! Bakit kaya yung mga yun nauso? Alam ng Accounting ang Major namin tapos dadagdagan pa nila! Kelan pa naging major ng accounting ang computer? Kelan pa!

Kung tatanungin niyo ako nung nangyare nung sabado, please lang. Nahihiya po ako! Hay. Naging awkward kasi after nung hug. Why? Syempre! Hindi naman kasi ako ganun pero ayun.. hi-nug ko siya ng bonggang bongga na para akong batang nagsusumbong sa Papa niya.

Inasar pa ako ni bebs! Pumasok kasi siya sa kwarto at nakita niya kaming dalawa na nakaganun. Oh di ba? A-W-K-W-A-R-D! Buti nalang napakaprofessional ni Gatorade at yun nakaovercome siya agad. Pero ako? Medyo medyo lang. Psh.

Sinubukan kong i-erase yung thought na yun dahil di na naman ako makakapagconcentrate sa pagaaral ko. Ayoko din maalala 'yung lalaking 'yun dahil natatakot na naman ako.

"Agh! Ang sakit sa ulo!" Halos itapon ko 'yung libro ko sa computer. Wala akong maintindihan! Puro codes! Leche naman oh!

Napatingin ako sa paligid ko, napansin na nakatingin sila. Binigyan ko sila ng isang bored look saka sila umiwas. WHAT? Masama na bang sumigaw ngayon? Ngayon lang ba sila nakarinig ng sumigaw?

Sinubukan ko ulit magbasa pero wala na talagang pumapasok sa ulo ko. Bakit ba kasi nauso to? Maya-maya nakaramdam ako ng malamig sa pisngi ko. "Ay nako Alex! Tigil tigilan mo ko!"

"Aw."

Natigilan ako nung ibang boses ang narinig ko. Napalingon agad ako at nakita siya na parang nadismaya. Ay! Si Gatorade pala! Pero nagulat ako hindi dahil sa siya pala 'yun pero dahil nakauniform siya.

Hindi siya naka-uniform nung pumasok kami kanina.

"Oh. High blood." Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Eh kasi, "Huy! Wag mo nga akong tingnan ng ganyan! Nakakailang."

Ginawa na naman niya 'yung mannerism niya. Napangiti ako.

Ang gwapo ng boyfriend ko.

"Kukunin mo ba o hindi?"

"Taray!" ngumiti ulit ako at kinuha yung juice.

"Pano kasi ibang lalaki yang nasa isip mo. Tsk." Napansin kong biglang dumami yung tao dito sa loob ng classroom namin. Ohwell. Di na ko magtataka kung bakit. Andito yung sikat na Gatorade e. Anyway, kelangan kong kausapin 'tong nagtatampong kunong bluehead.

"Seloso. Pede ba, Gatorade? Karumi ho."

"Nakakainis. Isosorpresa pa naman kasi kita tapos ganun ganun lang? Nakakawalang gana."

"Ay nako Gatorade. Seryoso. Wag kang maarte. Hampas ko 'to sayo e."

Di na napigilan ni Gatorade at napangiti na siya. Ayan pa! Medyo alam ko na kasi na kung minsan nagda-dramahan lang yan.

"Thank you." I said, pertaining to the juice.

"Yun lang?"

"Bakit meron pa bang surprise?"

Sumimangot lang siya at iniwas ang tingin sakin. Nagdrama na naman!

"Ay oo na! Oo na! Ikaw ng gwapo! Happy?" Nakita ko yung pagpipigil niya ng ngiti. Nako! Nakakainis. Ihahampas ko na talaga sa kanya 'to! "Ang babaw po."

"Panira trip ka talaga."

"Eh ang panget mong magdrama e. "

"Psh. Atleast gwapo."

Medyo nagkakasundo na kami ni Gatorade. At yung medyo na 'yun? Aasahan mo pa yun sa sobrang dalang. Pano ba naman kami di magkakasundo e tingnan niyo nga? Ang drama di ba? Pasalamat siya nasa mood ako kung hindi baka magkaaway na naman kami.

Ewan ko ba. Ang dami kong nalalaman dito kay Gatorade. Minsan ang snabero tapos ang taray. Minsan naman ganito, playful. See? Gusto lang sabihan ko siya ng gwapo sa suot niyang uniform. Pero totoo naman e. Gwapo siya. Bagay sa kanya. May uniform na siya!

Nagpatulong ako kay Gatorade dito sa computer dahil kakatapos lang daw nilang magexam. Tinuro niya lang sakin yung mga posibleng lumabas sa exam since magkaiba kami ng professor sa Computer. Buti nalang medyo nagets ko. 

*

 "Ano, ayos ba?" Nagulat ako nung makita si Gatorade sa labas ng room namin. Pansin kong ang daming tumambay bigla sa hall. Ano bang meron kay Gatorade at biglang dumadami ang tao pag nandun siya? Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Ba't ka andito? Wala ka bang klase?" Kinuha niya sa balikat ko 'yung bag ko at siya na ang nagbuhat.

"Exam lang din naman." Dito kasi pagtapos ka na ng exam, pede ka ng umuwi kung hindi magpapacheck ang professor ng test paper or wala ka ng kasunod pang klase. Tapos wala rin specific dates kung kelan ang exam. Nakadepende sa professor mo ang magiging scedule. "May exam ka pa ba?"

"Wala na. Bukas na ulit, Accounting 101."

"Ako din. Gusto mo mag-lib?"

Di ako nagla-library pero sige. Wala naman akong gagawin since maaga pa. Tsaka malay mo makapagaral pa ako! Bumaba lang kami ng stairs since sa third floor lang naman ang library at nasa fourth floor kami. Grabeng katamaran pag nagelevator pa!

"Patingin nga ng notes mo." Inagaw ko 'yung notebook sa kamay niya. Di naman siya nagreklamo. At wow. Ang ganda niyang magsulat! Siya na!

Inexplain lang sakin ni Gatorade ang mga bagay na hindi ko maintindihan. Dapat pala ng Accountancy siya! Ang galing niya e. Mas magaling pa siya sa professor kong magturo. Ewan ko ba kung bakit Marketing ang kinuha niya e papasa naman siya panigurado kung maga-Accountancy siya.

At akalain niyo, ang talino niya?

"Hindi nga kasi. Pag assets, debit tapos credit ang liabilities."

"Eh malay ko ba! Expense kasi ang nakalagay e." Argh. Di ko talaga magets. Psh.

Nandito kami sa Accountancy section since andito naman yung mga kelangan naming libro. Nakaupo kami sa sahig dahil la din naman tao tsaka medyo papasok sa lib ang section na 'to.  Nagulat ako nung biglang tinanggal ni Gatorade yung libro sa lap ko at inihiga 'yun ulo niya dun.

"Uy. Baka masita tayo dito."

"Wala 'yan." Nakapikit 'yung mga mata niya. "Pahinga muna tayo. Kanina pa tayong nagaaral."

Oh! Okay. Kung sabagay halos 2 hours na kami dito sa library. Ngayon ko lang napansin. Tinitigan ko ang buhok ni Gatorade. Makikita mo na talaga 'yung black hair niya. Kahit ganun, di siya panget tingnan. Para ngang ombre.

"Sorry." Nagitla ako nung bigla siyang magsalita. Nakatingin siya sakin. "Kung hindi dahil sakin.. hindi ka.. "

Bigla siyang bumuntong hininga.

"I'm sorry. Sana mas binantayan pa kita."

Tinitigan ko lang siya. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko e.

"Tapos yung pill. Tsk. " Napangiti ako nung ginawa niya yung mannerism niya. "Ang tanga ko naman kasi pinainom ko 'yun sayo. Tapos, basta sorry, Alexa."

Tumango ako. Dahan dahan siyang umupo at tinitigan ako sa mukha, "Promise, I'll be a better boyfriend. I'm sorry."

Better boyfriend? Is there such thing?

At dun lang ulit pumasok sa isip ko na hinire siya ni Papa para maging boyfriend ko. Right. This was never real from the very start. I wonder if there is something real between us. Oh! Yes, I know na magkaibigan na kami in our special ways at kaming dalawa nalang ang may nakakaalam nun.

"Ano ka ba? You're doing great. Ano bang sinasabi mong better better na 'yan?" Umiwas ako sa mga matang 'yun. Ewan ko, nakakailang kasi. "And besides, it's not your fault. No one should be blamed."

"Alexa.."

"It's okay." Sinubukan kong tingnan siya sa mukha. Good thing nagawa ko. Ngumiti ako sa kanya. "Smile na. Pumapanget ka e!"

"Ako panget?" He arched his brow. Kinagat ko ang labi ko at dahan dahan tumango. Pinipigilan ang tawa. Nagulat kasi siya sa sinabi ko, "Psh. Bahala ka nga dyan."

Aakmang tatayo na si Gatorade pero agad kong kinuha ang kamay niya at hinigit siya pabalik. Okaaay. Sa kanya na talaga ang trono ng pagiging best bipolar of the year! Ngumiti naman siya at bumalik sa dating pwesto niya. Inihiga niya yung ulo niya sa lap ko.

"Oo na. Ikaw na ang gwapo." Mas lumapad ang ngiti niya saka pinikit ang mga mata. 

"Marunong kang kumanta?"

"Ha? Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang.. Narinig kasi kitang kumakanta kahapon sa banyo. NaLSS ka ata nun." Oh! Ewan ko pero bigla akong nahiya. Nakalimutan kong may Gatorade na nga pala sa bahay. Tsss. "Ano ngang kanta 'yun.."

"Jording Sparks' Next to you."

"Ah basta 'yun." Nagchuckle naman siya at pinikit ulit ang mata niya. Kinagat ko ang labi ko at naramdaman ang pag-init ng tenga ko. Nakaramdam ako bigla ng hiya.

"Two o'clock and I wishi that I was sleeping. You're in my head like a song on the radio, all I know is that I got to get next to you.." Nakita ko ulit ang pag-curve ng labi niya. My cheeks heating up. Tumingin ako sa side ko dahil sa ilang. Kahit di siya nakatingin, naiilang ako. "Sitting here turning minutes into hours to find the nerve just to call you on the telephone. You don't know that I got to get next to you.."

Inilagay ko ang palad ko sa buhok niya. I ran my fingers through his hair. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Sleeping Gatorade on my lap. This guy. Kung wala kayang BFC, is there any chances na magkakakilala kami? I wonder. Para kasing impossible.

"Maybe we're friends, maybe we're more. Maybe it's just my imagination. But I see you stare just a little too long and it makes me start to wonder. So baby call me crazy but I think you feel it too.. Maybe I, maybe I just got to get next to y—"

"Can't you just get a room?"

Napatigil ako at nakita ko ang gulat na mata ni Gatorade nung narinig namin 'yun. Agad namang tumayo si Gatorade at inalalayan akong makatayo.

"Tsk!" Napaurong ako nung marecognize ko 'yung lalaki. Nagtago ako sa likod ni Gatorade, unconsciously.

"Sorry."

"Bahala na kayo."

Naramdaman ko ang stiffness ni Gatorade nung sinagot siya nung lalaki. Umalis na  din siya. Kinuha na namin 'yung bags namin at lumabas sa library. Napapailing ako sa tuwing maaalala ko 'yung mga nakakatakot na mata nung lalaki.

Pumasok kami sa elevator. Walang ibang nakasakay. Kami lang. Hinigpitan ni Gatorade ang pagkakahawak sa kamay ko kaya natauhan ako. Napatingin ako sa kanya and to my surprise bigla niya akong hinalikan.

 

"Bayad sa kanta."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro