Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22

Nagising ako sa tahol ni Laelle at nararamdaman kong nasa dibdib ko lang siya. Ahhhh. Get him off me. Sinubukan kong ilayo ang mukha ko sa kanya pero hindi, ayaw niyang magpapigil. 

"Laelle!" Napangiti ako nung naramdaman ko na naman ang dila niya sa pisngi ko. I have no choice but to wake up. I opened my eyes and saw my cute baby pom. I smiled at him. Kinuha ko siya pagkaupo ko at tumingin sa orasan. "Oh shit!"

9:45 na! May PE class pa ako!

Nabitawan ko agad si Laelle at tumayo sa kama. Bakit hindi nag-alarm? Tumingin ako sa slumber bed at wala dun si Gatorade. Bakit di niya ako ginising? Tumakbo ako papunta sa closet at hinablot ang towel saka kinuha ang nakasampay kong PE uniform.

"Ah! Nakakainis!" Kumuha ako ng underwear at tumakbo papunta CR. "Whoops!"

Sht!! Muntik ng madulas. Le-she. Kinabahan ako dun ah!

Binilisan ko ang pagligo. The usual 45 minutes down to 10 minutes. Hell! 5 minutes to go! Pinulupot ko ang towel sa buhok ko at humarap sa salamin. Nagme-make up din naman ako kahit papano, pero mascara at lipgloss lang. And there, I'm all set!

Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri ko. Jeez! Asan ba ang pamuyod ko?! Lumabas ako sa kwarto at tapos ito lang ang makikita ko?

"Hi Alexa!" bati sakin ni Francis na nakaupo sa sofa. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa unahan ng TV, si Gatorade at hindi pa siya naliligo!

"Don’t call her Alexa. Tsk."

"Hoy! Bakit hindi ka pa naliligo? Late na tayo!" Mukhang nagulat naman si Gatorade sa sinabi ko kaya naman napatigil ako kakasigaw. Bigla siyang tumingin kay Francis.

"Wow! Sabi ko sa'yo effective 'yun eh!" sabi ni Francis habang naka two thumbs up. Sinamaan naman siya ng tingin ni Gatorade. Okay? What are they talking about?

"Ancis!" Napaayos ako ng upo nung sumigaw si Gatorade.

"Hey hey! I told you it's something for her. Just to calm her about what happened and yah know~ Hehe"

"Ancis!"

"A'right! It's a happy pill. Happy?" Nagcross arms naman si Francis plus pout. Wow. He's cute. Jeez. Pero naguguluhan ako. Did he say happy pill? Di ba pang may –alam niyo na— yung may saltik, kalog o tama sa ulo or for easier term, baliw?

"Anong sabi mo?!"

"Di ka ba nanunuod ng Korean movies? Uso kaya 'yun! Yung pill na may letter sa loob? I don't know if they really call it happy pill. Wait, I think they call it love pill? Ah no, may be message capsule? Uhhh.."

"A letter?" Nagulat ako nung mas lumakas ang sigaw ni Gatorade. Sht! Late na nga pala kame! Pero imbes na makisabay sa sigaw niya napaurong ako nung bigla siyang lumapit sakin. "AH!"

"Ano?"

"Say ah!"

"Ah? Ha-ah!" GATORADE!

Tinulak tulak ko siya nung hinawakan niya ang magkabilang side ng labi ko na para bang mas pinapalaki niya ang pagbuka ko ng labi ko. At masakit! Napalo ko tuloy siya sa braso. Hinulot hilot ko ang pisngi ko at mukhang di man lang nasaktan si Gatorade sa hampas ko sa kanya. Edi siya na! Psh.

"Don’t tell me that you made her took it! Hala ka!"

"You made me do it, you a-hole!" Binato niya si Francis ng stuff domo ko na nakalat sa sahig. Naiwasan naman ni Francis yun. At yun si Francis may amaze na expression sa mukha niya. Ang gwapo lang.

Actually, ang gwapo ng nilalang na nasa harapan ko. Kahit mukhang galit na galit pa 'tong si Blue Head. Problema ba nito? Hindi ba siya aware na late na kami at fifteen minutes lang ang allotted time for grace period? And speaking of, 10:15 na! Wala na ang grade period! 

 "May side effects kaya?"

"I'll realy kick your ass if there will be."

"Jeez. You're scary whenever you're serious, Gatorade.. Oh! I forgot, you're always serious."

"Glad you knew."

"Gatorade naman! Wag kang seryoso. Nakakatanda."" Hala. Natakot na ata. "Wah! Di ko naman kasi kasalanan e! Ikaw nagpainom sa kanya, hindi ako!"

"You! Sinabi mo sakin gamot 'yung pill na 'yun! What do you want me to do with a capsule! Di ko naman alam na isang message capsule yun na kelangan mong buksan at lagyan ng letter sa loob!"

"Eh di mo naman kasi tinatanong na Message pills 'yun eh!"

"Eh pede mo naman sabihin na agad di ba!"

"Manager mo ako!"

"Hell I care!"

Wow. Isn't that suppose to be my line? Hey! That's my line you dumbass! Jeez. Pero walang oras ngayon para kasuhan ng plagiarism si Gatorade. Nakakagulat siya. Ano ba kasing nangyayare? Wala naman ho kasi akong maintindihan di ba?

Naramdaman ko sa paa ko si Laelle kaya binuhat ko siya. Teka nga lang. Makakapasok pa kaya ako? Tss. Mukhang hindi na. Ang laking bawas pa naman pag nakakaabsent sa PE. Minus 6 agad sa attendance.

"Di naman siguro nakakaside effect yun di ba? Papel lang naman laman nun e."

"Siguro? Hindi din natin alam!"

"Chill ka naman kasi Lance! Natatakot ako sayo e."

"Don't call me, Lance. Ts."

"Oo na po sungit! Nakakainis. Bakit parang walang essence sa'yo ang pagiging manager ko e!"

"Wala talaga." Napatingin lang ulit ako kay Gatorade. Kumalma na ang mga mata niya. Poker face na ulit e. Tapos parang mayabang na ang tono ang boses niya. Di na yan galit or naiinis. Siguro sa defense mechanism ni Francis. Ginagamit ang easy-go-lucky charms niya. Galing ng lalaking 'to.

Haaay. Di na nga lang ako papasok! Dumaan kaming dalawa ni Laelle sa gitna nung dalawa at umupo ako sa tabi ni Francis sa sofa. Napangiti ako, kinikiliti ako ni Laelle e.

"Are you feeling something weird, Alexa?"

I looked at Francis.

"Don't call her Alexa." Napatingin naman ako bigla kay Gatorade. Oo nga pala. Others usually call me Gab.

"Oo na, Gatorade! So.. REWIND!" Bumalik sa kaninang pwesto si Francis at saka humarap ulit sakin na para ngang nag-rewind ang lahat. "Do you feel something weird, Gab?"

"Why? Should I feel something weird?" Tanong ko. Ano bang trip ng dalawang 'to? "Wait nga, naguguluhan ako sa inyong dalawa e. Ano ba kasing pinaguusapan niyo?"

Tumingin si Francis kay Gatorade tapos sakin.. "Kasi.."

"Pumunta siya dito, offering me a medicine for you. Sabi niya effective daw yung pill for your condition from what happened yesterday. Naniwala ako at ginising kita kaninang 7 am. Hindi mo na siguro maalala kasi masyado kang puyat."  He sighed, "At first, I really thought na effective yun since you reacted normal when you came out of that door. Pero, you were just really being your normal self at peke yung pinainom ko sa'yo."

"Hindi ko naman kasi sinabing painumin mo e!"

"Dapat sinabi mo agad. Ts."

Nag-pout lang si Francis. Kahapon? Ano bang nangyare kaha—Oh. Yung kahapon. Biglang nagsink in sa utak ko 'yung nangyare kahapon with Nikki. Kahapon nga lang pala 'yun. Oh my. Napansin siguro ni Gatorade na bigla kong naisip yun kasi bigla siya lumapit sakin at lumuhod sa harap ko.

"Hey.. I'm sorry. Di ko na dapat pinaalala sayo." napatigil si Gatorade. Kinuha ko 'yung braso niya at tinaas yung sleeve ng damit niya. There. Andun 'yung sugat niya. Totoo. Hindi nga panaginip 'yun. "I'm okay, Alexa."

"Anong oka—"

"Sugat lang 'yan." Tinanggal ni Gatorade ang kamay ko sa sleeve niya at ibinaba 'yun. "I should be more worried about you, since dapat ikaw tong nato-trauma at nakainom ng pill na may papel sa loob!"

Sinamaan niya ng tingin si Francis pagkasabi niya noon.

"Gatorade naman!"

I feel somehow happy seeing and knowing that he’s worried.

 *

"So we're not going?" tanong ko kay Gatorade pagkalabas niya ng CR. Nakaupo ako ngayon sa kama ko. Nakapagpalit na din ako ng damit.

"Gusto mo bang pumunta?"

"Eh.."

"Tara pumunta kung gusto mo. At saka kung okay ka na naman talaga eh." Tumabi siya sakin at pinatuyo ang blue niyang buhok gamit ang maliit ng towel. Dun ko lang napansin na itim na yung kulay ng roots ng buhok niya.

"Yeah. I'm okay. Good thing na isang comfort pill talaga 'yung naibigay ni Francis."

Isang comfort pill talaga yun. Buti na nga lang at hinalukay niya 'yung bag niya at nakita kung saan niyang bote nakuha 'yung pill. Looks like maling bote ang nakuha niya. Dun namin nakita 'yung word na ‘Stressed out’ kaya nakahinga siya ng maluwag. Mukhang maiinis na kasi dapat ulit si Gatorade kanina e.

Feeling ko nga andropause na ang lalaking 'to. Daig pa akong mag PMS.

And thanks to that comfort pill, medyo wala ng epekto sakin 'yung nangyare kahapon. Yeah, it's really effective.

"You sure?" napatigil si Gatorade sa pagpapatuyo ng buhok niya. Napaiwas agad ako ng tingin. Nakatitig kasi ako dun sa basa niyang blueng buhok.

"May pageant ka pa kasi."

"Ayoko naman talagang sumali dun e."

"Eh ba't ka pumayag dun kay Pink Nerdy?" Naalala ko na naman 'yung nerd na mahilig sa neon pink! I wonder kung issue pa din siya kay Bebs. Ohwell.

"Pink Nerdy?" tumango ako sa kanya. "Tss. Ang ingay niya kasi tapos hinahawakan pa niya si Marcus."

"Ohmydee! Don't tell me na kayo ni Marcus?" tinuktok niya sa ang ulo ko."Aray! Ba't mo yun ginawa?"

"Kami ni Marcus? Tanong talaga 'yan, Alexa?"

"Hehe! To naman di mabiro!"

"Mukhang effective talaga yung comfort pill ah. Walang bahis ng nakaraan..este ng kahapon." Tumango ako. Effective talaga! "Hindi kami ni Marcus. Baliw. Alam ko lang talaga na di siya comfortable dun sa babae. Lalo na sa mga tipo nung sinasabi mong Pink Nerdy."

Ohh. Magbest friend nga pala sila.

"Pupunta kaya yung si Pink Nerdy?"

"Siguro. Acquaintance eh."

"Yeah. And she'll be wearing a neon pink dress. Ew." Natawa nalang si Gatorade habang umiiling. "And yeah, that comfort pill is really effective. Really."

Mas lumakas pa ang tawa ng loko. Gah, ang high ko ata!

*

Mga 1 PM na kami nakadating ni Gatorade sa venue. Kakatapos lang ng lunch kaya okay lang. Scene stealer lang 'to si Gatorade masyado, as usual. Suot niya 'yung polo na binili namin nung Wednesday habang ako isang stripe top at skirt na kakulay ng damit niya. Now, we do really look like couple.

Nakita ko si Marcus sa isang table kasama ni Alex, which is very new to me. This is my first time seeing them together. Pareho nga pala silang candidate so paki ko pa di ba?

"Gab! Buti nakaabot kayo!" Marcus greeted us, exposing his white teeth.

Ngumiti lang ako sa kanya at kumaway ako kay Alex na busyng busy sa pagkain. PG ng lalaking 'to. Hmp! Basta pagkain, snobero na! Umupo ako sa tabi ni Marcus tapos kukuha daw ng pagkain si Gatorade.

"You okay?" Tumango naman ako kay Marcus. Actually, feeling ko nga kelangan kong tumakbo e. Ewan ko ba pero kelangan kong ubusin ang energy na 'to. Di ako mapakale! May side effects nga yung pinainom sakin ni Gatorade.

The party went on. Nakita ko na 'yung sinasabi nilang rituals for Transferees and Freshmen. Parang initiation something lang for them. May malaking box sa gitna containing 3 different options. Dun malalaman in what form of initiation ang matatanggap mo.

Option 1: Dirty. Kelangan mong magpop ng balloon with whipped cream inside using your butt at kelangan hanapin ang CBA badge.

Option 2: Trust us. Kelangan mong tumayo sa stage, 6ft from the ground. Yung babagsak ka ng nakatalikod per sasambutin ka naman ng mga CBA officers sa baba. The thrill is hiwa-hiwalay ang mga officers pag nakaharap ka sa kanila. Yung tipong tinatakot ka pa habang hindi ka pa nakatalikod sa kanila.

Option 3: Roleta! May roleta with different dares. Kelangan mong gawin yun wheter you like it r you like it. And believe me, napakahirap at nakakahiya ng dares!

How lucky I am at hindi ko na kelangan ng initiation. Buti nalang di ako umattend ng acquaintance last year. Pero pinakuha nila ako ng isang exam para lang makuha ko 'yung CBA Badge ko. Walang ligtas sa kanila e. Exempted sina Marcus sa initiation kasi yung pageant na ang magiging initiation nila at di sila kelangan magdumi incase na mabunot nila ang option 1.

Kawawa yun mga malalagyan ng whipped cream sa butt.

"Anong nabunot mo?" Tanong ko kay Gatorade. Di na siya pinasali sa pageant dahil nalate siya kanina at pinakita din niya yung sugat niya sa braso. Exempted na din siya sa Option 2. Sana option 1.

"Option 3." Ay. Sayang naman.

Naging masaya ang Initiation 101 lalo na yung mga halos mangiyak ng freshmen sa pagputok ng lobo. Ang gaganda ng damit at masisira lang yun dahil ng whipped cream! Di pa ata sila informed na magdala ng extrang damit. Nakakatakot ang Initiation 102. Puro sigaw yung mga babae. Syempre. Tapos pag lalaki, maglalagay pa ng upuan para daw mas mataas, ayun sumigaw din.

Bago mag initiation 103, nagstart na muna ang pageant. Lumabas sina Marcus na suot ang uniforms nila. First time kong makita si Marcus na nakauniform! Nakacasual pa rin kasi lagi sila dahil wala pa daw yung order nilang uniform.

And what do you expect?

"Hi! I'm Marcus Lau, BSBA II-C."

"KYAAAH!"

"AKIN KA NALANG NUMBER 7!"

"MARCUS LAU!"

"I LOVE YOU, PARE!"

A loud scream from his fangirls and fangays.

Nahuli kong ngumiti si Gatorade nung narinig niyang sumigaw yung bakla with his macho voice. Haha!

"Alex Zander Marilao, BSBA II-A!"

Marami ding fangirls si Alex. Di na ako nagulat dahil maappeal talaga siya kahit di ganun kagwapo. Naalala ko tuloy yung nangyare kahapon. I should thank him dahil kung hindi sa kanya baka—Comfort pill effect—I suddenly felt so happy! I should really thank him. Right!

Rumampa silang lahat at ganun din sa babae. Nagsimula na din ang Initiation 103 habang nagpeprepare ang mga contestants.

"Lance Alexander Zamora." tawag sa kanya nung emcee.

At boom! Feeling pageant ang peg, ang daming sumigaw nung tinawag siya. Tumingin lang ako sa kanya nung tumayo na siya at lumapit sa roleta. Wala pang go signal nung emcee ay pinaikot na niya agad yun. Talaga naman ang lalaking 'to. Tsk.

Nagsisigawan pa rin 'yung mga babae na parang isang artista si Gatorade. Para lang siyang manikin dun e. Wala. Laging parang nagmomodel. Kahit siguro pambahay lang suot nito, di mahahalatang pambahay. Kung sabagay, ganun siya lagi sa bahay.

"Oh my gosh!" nagulat ako nung biglang sumigaw yung emcee. "Let's seal this with a kiss! You should kiss a CBA girl, pogi! Pede bang ako?"

Ewan ko ba pero instant na tumaas ang kilay ko tapos roll eyes. Let's seal this with a kiss? Oh come on, we already did that. Wala bang bago? Wait, bakit ang taray ko?

"Chos lang 'yun! Anyway, ito ang 1x1 picture ng lahat ng CBA girls na nandito sa acquiantance party. Kung sinong mabubunot mo pogi, gorang gora na! Oh my! How I wish puro pictures ko ang nalagay ko sa box na 'to!"

Lumakas ang sigawan sa venue nung nilagay na ni Gatorade ang kamay niya sa loob ng box. Nakaramdam ako bigla ng kaba nung inangat na niya yun na may kasamang picture. He'll kiss another girl, like he professionally does. Oo, professional siya dito kaya sanay na siya.

Pero hindi naman yun ang ikinababahala ko e. Pero ano nga ba? Hindi ko alam.

Mas kinabahan ako nung naglakad na si Gatorade sa side ng table namin. Weh? Hindi nga? Kaya pa! Ang dami daming CBA girls dito e! Pero bakit ako biglang kinabahan? We kissed already. Tatlong beses na nga e!

Pero laking disappoinment ko nung bigla siyang lumiko. Narinig ko na ulit ang sigawan at pagwawala ng mga babae. It sucks. Great. At bigla akong nainis nung nilapitan ni Gatorade si Pink Nerdy, and I’m not really surprised seeing her in her pink dress, at hinalikan ito sa noo.

Not the lip kiss, a forehead kiss, which I consider a very important kiss.

Okay, bakit ayaw gumana nung comfort pill?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro