Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21

 [Alexa Gabrielle Delos Reyes’ POV]

"Be a supportive girlfriend naman!" Tumingin ako dun sa katabi ko tapos bumalik sa kanya. "Don't be such a party pooper bebs! Tsk!"

Nagkibit balikat nalang ako. Eh kung 'yung katabi ko nga walang interest dyan sa ginagawa nila bebs, ako pa kaya? Come on! Sino ba ang may interest dyan? Obviously si bebs. I bet kahit si Marcus parang wala lang din yan.

"Love, nakapili na ko." biglang lumapit samin si Marcus na may hawak hawak na long sleeve na parang maong ang design. Oh wrong, interesado na din si Marcus. Pero wala pa din akong pakielam.

"Yay! Fit mo love!" Nagtwinkle twinkle naman ang mata ni bebs. Naimagine na niyang kung anong itsura ni Marcus suot 'yun. Yan pa! Dinaig pa ang batang naexcite sa pagkain ng ice cream.  Nung nakapasok na si Marcus sa fitting room, bumalik ang tingin niya samin. Na para bang may dalawang pagkatao na sumanib sa kanya. At 'yun na... "Gabrielle! Gatorade!"

"A. Yo. Ko." sabi ko atsaka nilagay ang earphones sa magkabilang tenga ko.

Nakita ko ang pagbuka at sara ng bibig ni Bebs dahil wala na siyang masabi. Di siya siguro makapaniwalang di ko siya sinunod. Kelan ko ba siya sinunod? Sumandal ako sa balikat ni Gatorade, wala naman siyang pakielam. Isa pa 'tong tamad sa mga ganitong bagay. Bored na bored nga mata niya e.

Nung makarecover na si bebs, nagreklamo na siya ng nagreklamo. Di naman kasi ako nakikinig sa music. Trip ko lang maglagay ng earphones. Well, ano nga bang ikinagagalit ni bebs? Hay. Yun kasing acquaintance party sa Friday na. At Wednesday na ngayon, wala pa rin kaming nabibili para sa New Faces of CBA na sinalihan nina Gatorade at Marcus. 

Medyo gumalaw si Gatorade kaya inangat ko ang ulo ko. Ipinatong niya 'yung braso niya sa balikat ko kaya sinandal ko ulit yung ulo ko balikat niya. Maya maya kinuha niya 'yung isang earphone at nilagay sa tenga niya. At dun na ko nagpatugtog.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mellow senti song"

"Yun lumabas sa shuffle e."

Ano bang kanta? If you're not the one by Daniel Bedingfield. Ewan ko nga ba kung bakit meron akong ganang kanta e. Siguro dahil nung nagaaral ako ng gitara. Acoustic version kasi 'to.  Hindi na kami nagsalita. Nakinig nalang kaming dalawa. Wala din naman siyang sinabing palitan ko. Tsaka wala akong pakielam kung anong natunog sa tenga ko. 

"..and I hope you are the one I share my life with~"

Na-alarm ako bigla sa lyrics ng kanta. Bakit ba meron akong ganito?

Papalitan ko na sana nung biglang tumayo si Gatorade kaya napatayo na din ako. Ba't kaya? Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papuputa sa isang rack ng puro longsleeves na itim. Mukhang may interest na siya sa pageant.

Kumuha siya ng isa at pinakita sakin. Maganda 'yung damit kaya tumango ako. Lumipat kami dun sa jacket na maong. Paikot ikot lang kami sa dun hanggang sa dumami na ang dalang damit ni Gatorade.

"Fit mo na! Dami na niyan." tinulak ko siya sa loob ng fitting room.

Umupo ako dun sa labas at itinago na ang phone ko. Kanina naman ayaw naming mamili e. After some minutes, lumabas si Gatorade. Suot ang isang gray na printed shirt at maong na jacket. Tiningnan niya lang ako at parang iniintay niya kung anong sasabihin ko. Tumango ako at nag-okay sign. Tumango naman siya at bumalik sa loob ng fitting room.

Nagkaintindihan kami nang puro tango?

Lumabas ulit si Gatorade nang naka black na longsleeves, okay naman. Tapos nakawhite polo na may blue something design sa chest part. Nagtry din siya ng brown stripes na long sleeves. Actually, lahat ng isuot niya bagay sa kanya. Pinapanuod na nga kami nung mga sales ladies! Siguro napansin nila yung modeling powers ni Gatorade.

I can even hear them giving compliment tuwing lalabas si Gatorade ng fitting room.  Sala ng pagkabagot at pagkagutom lumapit na ako dun sa pintuan nang cubicle kung asan si Gatorade at kumatok. 

"Gato! Labas na. Pili ka nalang dyan! Kahit ano naman oka—"

"Last na 'to." Napatigil ako sa pagsasalita nung binuksan niya 'yung pintuan. I believe I stared then blinked for some time. Nakasuot siya ng isang plain na grayish at navy blue polo na may red buttons. "Ano?"

"Sir, yan na po ang bilhin niyo. Bagay na bagay!" sumingit samin yung isang sale lady.

Napailing nalang ako dahil nasabi niya ang gustong kong sabihin. Pero joke lang 'yun. Asa pang yun nga ang sabihin ko. Joke. Pero oo, ito ang pinakabagay sa kanya. Nakita kong ngumiti si Gatorade sakin at pumasok ulit sa loob. Walang pakielam dun sa sinabi sa kanya kanina.

Nakarinig pa ako ng kung anong papuri sa kanya kahit naging snob ‘to sa mga sales ladies. Talk about his charms. Ang galling lang talaga. 

*

THE NEXT DAY

"Nakakainis lang e. Para talagang formal pageant! Hassle!" tawa ako ng tawa habang nakikinig kay Alex. Ayaw niya kasing sumali dun sa pageant. Kung hindi naman isinigaw nung isa naming kaklase ang pangalan niya, hindi talaga siya sasali. He’s just lucky, no?

"Just go with it nalang, pre!"

"Enjoy na enjoy ka na naman sakin. Ano ba talaga akala mo sakin, isang dakilang joker mo? Nakakainis na ha."

"Pwede ba Alex, hindi bagay!" Ang panget niyang magpokerface! Pramis!

"Happyng happy na naman si Alexa Gabrielle Delos Reyes!" seryoso niyang sabi pero maya maya nakikitawa na din. Baliw yan e.

Tapos na ang klase. Half day lang kami ngayon dahil may meeting ang CBA professors. Eh si Gatorade naman may Filipino pa at hindi yun hawak ng CBA. Tumambay na muna ako kasama si Alex. Nagtext nalang ako sa kanya na nasa lobby ako.

Oo iniintay ko siya. Mamaya kasi magaway na naman kami na di ako nagsasabi sa kanya. Nakakasawa din namanag araw araw ng makipag-away sa kanya.

Reklamo lang ng reklamo si Alex. May question and answer portion daw tapos may mga uniform and casual attire ang magaganap na New Faces of CBA. Di niya daw kasi talaga hilig ang mga ganitong bagay. Naimagine ko tuloy silang rumampa. For sure, sanay na si Marcus at Gatorade dito.

"Oy CR lang ako." Paalam sakin ni Alex.

Iniwan ni Alex ang gamit niya. Kinuha ko ang phone para kahit papano mawala ang boredom ko. Naalala ko lang yung bagong kanta na sinasabi sakin ni bebs na maganda daw. Hinanap ko yun sa google at youtube para mapakinggan ko. I was in the middle of the song when I panicked,

"Hindi ka masasaktan kung sasama ka."

"Ni—Nikki." napatingin ako sa may bewang ko at nakita dun ang isang nakatutok na kutsilyo. Dahan dahan akong lumingon sa tabi ko. Hindi ito ang oras para isipin kung pano siya nakapasok sa school namin, kung pano niya nalaman na nandito ako at kung pano niya napasok dito ang kutsilyong hawak niya.

"Long time no see, number 5."

*


[Third Person's POV]

Lumabas si Alex ng CR at bumalik sa part kung saan niya iniwan si Gab. Pero sa pagkagulat niya, isang lalaking may kulay asul na buhok ang nakaupo na dun kung saan nakaupo si Gab kanina. Nakita siya ni Gatorade pero pinadaan lang siya ng tingin nito.

Di napigilan ni Alex na magmura sa isip isip niya. 'Kalma ka lang. Kalma lang' sabi sa sarili.

"Asan si Gab?"

"Di ba dapat ako ang magtanong niyan?"

'Nyeta. Angas talaga.' bulong ni Alex sa sarili.

"Nag-CR ako." lumapit siya sa table at kinuha ang bag niya. Inisip niya nalang na nag-CR din si Gab. Kaso bakit iniwan niya ang bag nilang dalawa dito kung kakadating lang ng asul na 'to? Nagkibit balikat nalang siya at naglakad palayo.

Di na naman siya kelangan dun.

*

Kalmado lang na nakaupo si Gatorade sa may lobby, iniintay si Gab. Nagtext kasi ito sa kanya na dito nalang sila magintayan dahil maaga pinalabas ang section nina Gab. Tiningnan niya lang si Alex na mawala sa paningin niya.

Iniisip niya ang mangyayare bukas. Pero asa. Hindi nalang siya mageeffort dito. Wala naman kasi siyang pakielam kung manalo siya o hindi. Tutal wala naman talaga siyang interes dito simula palang.

Inayos niya ang mga gamit ni Gab na magulong naiwan sa mesa. Napaisip siya kung talagang ganito magiwan ng gamit si Gab e nasa pampublikong lugar 'to. Iniwan pa nga ang phone sa lamesa, di man lang pinasok sa bag.

Nang matapos niyang ayusin to.. Laking gulat niya na may sumigaw sa labas ng SH building. Di niya alam kung bakit pero kinuha niya pareho ang bag nila at tumakbo papasok ng elevator.

"Shit. Shit. Shit!"

 

 

Nanlamig si Gatorade. Hindi naman siya sigurado kung andun si Gab pero malakas ang kutob niya. Nababagot at kinakabahan niyang tinitigan ang pagbago ng numero sa bandang taas ng elevator.

Ano bang narinig ni Gatorade?

"May magpapakamatay!"

*

Isang malakas ang na sigawan ang narinig ni Alex. Hindi niya alam kung bakit siya napatigil nun pero alam niyang kinakabahan niya. "Anong drama naman 'to, Alex?"  tanong niya sa sarili. Pero ewan, tumingin siya sa likod niya, specifically sa taas ng SH building.

Agad ‘tong napamura sa sinabi niya, "Putcha, Gab!!"

*

Kinakabahan si Gab. Hindi! Hindi lang siya kinakabahan. May halong takot ang emosyon niya ngayon. Pinaggitnaan siya ng mga delikadong sitwasyon na pedeng magpawalang buhay sa kanya.

"Ano bang kelangan mo sakin?!" naglakas loob siyang itanong sa dalagang nakangiti sa kanya. Pero isang ngiting nagpapakilabot sa kanya.

"I want you dead."

"Baliw ka na ba?! Wala kang—"

"Shut up." Paikot ikot siyang naglakad sa harap ni Gab, hawak pa rin ang kutsilyo. Hanggang ngayon nagtataka pa rin si Gab kung pano nakapasok si Nikki sa loob ng school nila. Pano? Napaka-walang kwenta naman ng guard kung ganun! Di ba nila alam na isang baliw ang pinapasok nila?

Napaurong si Gab nung humakbang palapit sa kanya si Nikki. ‘Shit. Wrong move’. Alinlangan siyang tumingin sa likod niya. Napahinga ito ng malalim nang makita kung gano kataas ang maari niyang patakan. Madami pang taong makakapanuod ng pagbagsak niya.

Hindi! Hindi pedeng mangyare ‘to! 

"Dapat di mo nalang pinili si Gatorade." seryosong nakatingin si Nikki sa kanya. Itinutok ni Nikki ang kutsilyo sa tiyan ni Gab. Nanuyo ang labi nito dahil sa takot. Di niya alam kung pano makakatakas.

Pag umurong siya, mahuhulog siya. Pero pag umabante siya, sasaksakin siya ni Nikki. Anong gagawin niya?

Gusto niya sisihin ang Papa niya dahil sa ginawa nitong kontrata sa BFC at sa pagpili kay Gatorade. Pero sino nga bang niloko niya? Lahat sila walang alam na may psycho ex si Nikki. At di naman niyang magawang sisihin si Gatorade dahil paniguradong hindi niya gustong magkaroon ng isang psycho na naghahabol sa kanya.

"Tangina. Kamatayan ko na ba talaga 'to?' bulong niya sa sarili.

Nawala lahat ng iniisip niya nung mas lumapad ang ngiti ni Nikki. Ikinabilis 'to ng pintig ng puso ni Gab. Dahan dahang inurong ni Nikki ang kutsilyo, ito na nga ba? Pumikit si Gab. Humihingi ng tulong sa Kanya.

Sana hindi.. SAN-

"NIKKI! WAG!"

*

Sigawan. Mga sigawan. Ang ingay. Masakit ang kamay at wrist niya na para bang may umiipit sa balat niya. Dahan daha niyang iminulat ang mata niya. Nagulat ng makita ang lalaking may kung anong expression sa mukha.

"Just hold on, Gab. Wag kang bibitaw!!"

Dun nalang pumasok sa isip niya kung anong nangyayare. SHT! MAHUHULOG AKO!! Naramdaman niya ang pagkabasa ng pisngi niya. Umiiyak siya. Natatakot. Please. "Please.. please wag—wag mo kong bibitawan, Alex. Please."

Malakas ang sigawan. Nakarinig din si Gab ng mga pamilyar na boses sa likod ni Alex. Pero wala siyang pakielam dito dahil maari pa siyang mahulog kung mabibitawan siya ni Alex. Wag.. 'Wag mo kong bibitawan Alex. Nagmamakaawa ako.'

"Gab!" sumulpot si Marcus at kinuha ang isang kamay nito. 

*

"Bebs.." pinunasan ni Dominique ang luha niya bago lumapit kay Gab. Gusto niyang pilitin na wag umiyak pero ramdam niya ang awa pagkakitang pagkakita sa bestfriend niya. Agad niya ‘tong binigyan ng yakap,"Bebs!"

"Love." tinapik ni Marcus ang balikat ng dalaga. Umiling ‘to para iparating na wag masyadong mataranta at okay na ang lahat.

Malungkot na tumango si Dominique sa boyfriend niya. Binatawan niya si Gab at ngumiti sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila normal na makausap si Gab. Tuliro ito at madalas nakatulala.

Iniwan nila si Gab sa loob ng kwarto niya. Kagagaling lang nila sa ospital para malaman kung may sugat o ano. Traumatized pa daw siguro si Gab sa nangyare kaya di 'to nagsasalita. Kanina na nung nagising siya si Gab mula sa pagkakahimatay, nagagalit to at nagsisisigaw.

"Alex, thank you." Tumango si Alex at tumayo sa sofa.

"Kamusta siya?" nag-aalalang tanong ni Alex kay Dominique. Tipid na umiling ito. Walang nagawa ang binata kung hindi bumuntong hininga. Kahit bago palang ang nabubuong friendship nila ni Gab, hindi maikakaila na napalapit na agad si Alex sa kanya. "Uuwi na ko. Gabi na din."

"Hatid kita sa gate."

"Wag na. Bantayan niyo nalang siya."

Pinabayaan na nilang umalis si Alex. Walang ganang kumain sina Dominique at Marcus dahil kahit sila may nararamdaman pa ding takot dahil sa nangyare kanina. Medyo lumuwag ang pakiramdam nila noong dumating na sa bahay si Gatorade. Galing din siyang hospital at BFC kaya ngayon lang siya nakauwi.

Gusto sanang tawagin ni Dominique si Gatorade pero tila wala na tong ibang naririnig at dumiretso siyang pumasok sa kwarto kung nasaan si Gab. 

*

[Alexa Gabrielle Delos Reyes' POV]

Si Nikki. Papatayin niya ko. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Naiiyak na ako. Tumingin ako sa likod ko at nakita ang mga taong nagsisigawan sa baba. Mahuhulog ako. Please. Wag. Ayokong mamatay. Nagmamakaawa ako. Ilayo niyo siya sakin. Huwag!

"Wag!"

"Alexa! Alexa!" iminulat ko ang mata ko at nakita siya"Shh. Tahan na. Andito ako. Andito ako."

"Papatayin niya ako.. Papa—"

"Hindi. Wala na. Nahuli na namin siya. Shh." niyakap ako ni Gatorade. Iyak lang ako ng iyak sa dibdib niya. Hindi ko aakalaing babalik pa si Nikki. Hindi ko akalain na kaya niyang gawin yun sakin. Bakit? Pano niya nagawa yun?

"Wala ka nung—" Oo, masama ang loob ko dahil di ko siya nakita nung muntik na akong patayin ni Nikki. Wala siya.

"A-Andun ako. Di mo lang ako nakita pero andun ako."

"Wala! Si Alex ang nandun para—" tinulak ko siya palayo at nakitang napapikit siya na para bang may masakit. "Lance, bakit? Anong masakit?"

"Wala 'to." Lumapit ulit siya sakin at hinalikan ang noo ko. "Andun ako at andito pa rin ako. Tulog ka na, baby. I'll watch you sleep."

Tumingin ako sa kanya.. "P—Pede bang tabihan mo ko?"

Natatakot pa din ako. Ayoko munang magisip ng kung ano. Alam kong magiging kampante lang ako pag alam kong nasa tabi ko si Gatorade. Ngumiti naman siya at tumango.

"Thank you."

Pinanuod ko lang si Gatorade na humiga sa tabi ko at laking gulat ng makita ang benda sa braso niya. Naiiyak ako. Alam ko na kung saan galing ang sugat na 'yun.. Natamaan siya ni Nikki. Andun nga siya kanina. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro