Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20

[Princess Mae Saavedra's POV]

 

Who am I? To be honest, isa lang ako sa mga masugid na fan ni Lance Alexander Zamora. I don’t want any trouble from the very start but that doesn’t mean that I won’t do this for her.

Naaalala ko pa nung Senior yaer nina Lance at Marcus, ahead sila ng isang taon samin. Kahit noong highschool palang kami, sikat na sila. Pinapantasya ng mga kababaihang tulad ko. That time, they are our present Prince Charmings. Kaya big news and heart breaker talaga noong nalaman naming pumasok sina Lance at Marcus sa isang Corporation kung saan babayaran sila para maging boy friend for three months.

Every morning, since nakilala namin ang dalawa, naging commitment na naming na abangan silang dumaan sa tapat ng classrooms naming. Every lunch break, as much as possible, we want to seat close to them o basta mapanuod lang namin silang kumain. Kahit uwian, gusto naming makanakaw ng tingin. Ganyan ang lakas ng tama samin kay Lance Alexander Zamora at Marcus Lau. Pero lahat nasira yun dahil nga sa Boyfriend Corp.

Lahat sinubukang kunin sila. Lahat gumawa ng paraan, mga katulad ko, nagprotesta na para bang may magagawa pa kami. Worse, nakakuha sila ng client. Mas nakakainis kasi kaaway naming ang mga una nilang ‘girl friends’. Si Nikki Rivera for Lance at Mica Takashima for Marcus Lau. Syempre, sampal samin yun. 

"L.A! Marcus!"

Napatalon kaming lahat sa narinig naming ang mga panglaan nila. Agad kaming lumabas ng room namin para makasilip. Pero imbes na matuwa dahil makikita na namin si L.A at Marcus, andun na ang mga patunay na nagtatrabaho na sila sa BFC.

Nakasabit sa mga braso nila ang mga kauna-unahan nilang girl friends. Rivera at Takashima, ang dalawang surnames na kilala sa school namin. Dahil sila ang isa sa pinakamayaman dito sa town. Isa sila sa mga humahanga sa charms nina Zamora at Lau.

At oo, sobrang nasaktan ako nung nalaman kong totoo na ang lahat. Much more, naapektuhan din ang kapatid ko dito. 

*

"Wag ka ng umangal kasi!"

"Bakit mo ba kasi ako pinamimigay!"

"Hindi kita pinamimigay! Bakit mo ba sinasabi yan? I’m just doing her a favor. Bakit ba hindi mo maintindihan na gusto ka niya?"

" Wala akong pakielam! Hindi ikaw ang nagdedesisyon nito, Alexa. Ako!"

"I still have the right na magdesisyon para sayo. I own you!"

Naglaban silang dalawa ng tingin. I gulped. Nakakatakot sila pareho! To be honest, hindi ganito ang ineexpect ko! Gusto ko lang naman masolo at makausap ng ayos si Lance, yun lang! Nakakatakot pala talaga ang ginawa ko dito.

"Don’t, Alexa."

Napaurong ako nung sa akin na tumingin si Gatorade. At alam kong natatandaan niya ako at alam ko ang mga tingin na yan.Wag ka naman magalit sakin oh. Kahit mahirap, pinilit kong maging matapang. Just act, Princess Mae Saavedra. You can do it!

"Wag mo nga siyang tingnan ng masama!" biglang humarang sakin si Gab.

Naglaban na naman sila ng tingin, na para bang may kuryenteng dumadaan sa kanila. Napahawak ako sa damit ni Gab at medyo napaurong. Naramdaman kong may tao sa likod ko, si Francis.

Umiling iling siya at rinig ko ang pag ‘tsk’ niya. Gusto kong malungkot pero sinamaan ko lang siya ng tingin at umirap sa kanya. Alam kong nagulat siya pero I should do this. I should maintain my character. Always remember what you learn from Theatres, Princess!

"A. Yo. Ko."

"Bakit ba ayaw mo?"

"Basta ayoko. Ayoko!" With that, naglakad na si Lance at pumasok sa isang kwarto. Napapikit ako nung pabalang niyang sinara ang pinto. At halata dun na sobra ang inis o galit niya.

Pareho kaming napabuntong hininga ni Gab. Nung napansin naming sabay naming ginawa yun, natawa nalang kami pareho. Andun pa rin yung uneasiness pero sa ngiti ni Gab, naging okay na din ako. I like her, actually.

"Sorry ha? Matigas ang ulo nun e."

Pinaupo ako ni Gab sa sofa at katabi ko si Dominique. Naging awkward nung nakita kong nakatingin sakin si Marcus. Alam kong naaalala niya ako dahil bestfriend siya ni Lance at kabatch niya ang kapatid ko.

*

Alam naming kung kelan natapos ang kontrata nina Nikki at Mica with Lance at Marcus. Halos magdasal kami araw araw na may mangyareng maganda para matapos agad ang kontrata nila. Every day noon nagsimula ang contract, pinagtatawanan kami ng barkada nina Nikki dahil nga hanggang desperate hoping nalang kami sa aming mga Prince Charming. Gusto ko sanang ipagsigawang mas mukha silang desperada sa pag-hire nila kay na Lance noon pero oo, hindi ko ding matanggi na I’m desperately hoping na nasa katayuan ako ni Nikki.

Kaya naman sobrang saya naming nung dumating na ang end of their contract. Hindi lang kami ang naghihintay, kahit yung iba. Para ngang may party noon e. At mas natuwa kami noon umagang yun na wala kaming nakitang nakasabit sa mga braso nina Lance at Marcus noong dumaan sila sa tapat ng classroom nila.

Casual at friendly na ulit kaming tinitingnan at nginingitian ni Marcus. At si Lance, mas bagay sa kanya ang mysterious at snobero niyang aura. Nasisira kasi yun pag andun si Nikki. Sobra ba? Para kasi samin isang celebrity sina Lance at Marcus. Isa kaming mga taga-hanga. Hindi naman kasi masama. Lalo na kung ginagawa namin silang inspirasyon.

"Guys, hindi pa sila nagqu-quit."

Pero oo, malungkot pa rin kami kasi andun pa rin ang katotoohanang nasa Boyfriend Corp sila. Nagta-trabaho pa rin sila para maging boyfriend ng iba’t ibang babae. Malungkot kami noon pero sinuportahan namin sila. Ang hindi ko lang gusto, naapektuhan ng sobra ang kapatid ko. Si Ate.

*

 [Francis Madrigal's POV]

Haaay! Bakit ba ako nandito? Sana hindi ako mapagalitan ni Madam pag nalaman niyang wala ako sa opisina. Pasaway naman kasi ni Princess Amazona. Ayaw papigil! Kinausap pa si Alexa kahapon nung pagkatapos ng PE nila. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Gustong gustong makadate si Gatorade baby.

"Magluluto lang ako. Masyado akong nai-stress sa kulay blue na 'yun!"

"Sama ako! Wait lang Love ha?"

"Uhh. Seryoso ka bebs?"

"Eh kasi," tumingin si Dom kay Marcus tapos biglang namula. Ah, not this kind of scene! Kaya ayokong pumunta sa bahay ng mga clients ko kasama ng mga boyfriends nila e. Nakakakita ako ng malaswa! Kawawa ang aking poor handsome innocent eyes!

"Magluluto ka Love para sakin?"

Nakita ko na parang tutol si Gab, yun bang parang ayaw niya. This is interesting!

Umayos na ako ng pagkakaupo since nawala an ang reason ko para bumalik sa opisina. Eh kasi parang interesting ang buhay nina Gab at Dominique. Ang astig pa parehong Delos ang apelido nila!

"Oy Princesa na mga Amazona, tara na sa BFC. Di na nakakatuwa e."

"Di nakakatuwa pero nakangiti ka? Baliw ka ba?"

"Wow!" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang leeg at batok niya, "It’s a miracle! Hindi ka na nasigaw o nagwawala! Improving!"

"Pag hindi ka tumigil dyan, babatukan kita!"

Ay. Bumalik na siya agad sa amazona zone niya. Mas maganda siya pag hindi nasigaw e. Pero okay lang, cute din naman siya pag galit e. Kamukha niya yung pulang ibon na pumapatay ng masasamang baboy. *evil laugh*

"Tara na kasi dun. Galit si Rade my loves. Ako pagbubuntunan ng galit nun e!"

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na gusto ko siyang makadate? What Saavedra wants—"

"Saavedra always gets, alam ko na yan! Wala na bang bagong linya?"

"Then, shut up!" At inirapan pa ako. Nakakatampo na ‘tong Amazona na ‘to! Pasalamat siya at nagagandahan ang isang Francis Madrigal sa kanya. Hindi ba niya alam na privilege yun!

"Ano bang kelangan mo Princess?" Natigilan kaming pareho nung sumali si Marcus sa usapan.

"Marunong ka pala maging seryoso, Marcus boy?"

"Testing lang!"

"Yan tayo e! Apir!"

Nagroll eyes naman si Princess nung nag-apir nga kami ni Marcus. Nag-belat lang ako sa kanya. Sunget sunget ng babaeng 'to.  At naging seryoso na ulit si Marcus. Di ko mapigilang mapatawa. Eh pareho kami nitong lokong 'to. Tanungin niyo kung kelan kami nagseryoso at WALA kaming isasagot.

Hindi sumagot si Princess. Kilala ba nina Marcus at Gatorade si Princess? Nagpatay malisya nalang si Marcus. Di niya kayang maging seryoso. Di namin kaya! Mamamatay ang kagwapuhan namin! Pero ang pinagtataka ko talaga kung bakit pumayag 'tong si Gab na makipagdate si Princess kay Gatorade. Nagusap yang dalawa kahapon e. Ayaw naman akong pasamahin sa usap. Girl to girl talk daw. Ang damot.

Tapos 'yun na nga, andito kami ngayon, Saturday morning, sa apartment nila Gab at Dom. Nasa kwarto si Gatorade dahil tampururut at pinamimigay daw siya ni Gab. Ang arte niya po, ano? Sarap suntukin sa lungs! Tapos kami ni Marcus, gwapo pa din. Nabago ba 'yun? Oo. Mas gumagwapo pa lalo!

"Just please let me Francis. Please."

Napatingin ako kay Princess. Nagulat ako sa lambing ng boses niya pero nawala lahat yun, "Aray! Bakit mo ko sinapok?"

"Eh nakangiti kang nakakaloko e!"

"Ganda mo kasi."

Pero imbes na matuwa siya o marinig ko ulit ang malambing niyang boses, inirapan na naman niya ako.Totoo naman kasi. Kahit nakasimangot, ang ganda. Bakit ba ayaw niyang maniwala?

*

 [Princess Mae Saavedra’s POV]

"Love, masarap ba?" tanong ni Dominique kay Marcus. Kinurot ko ang binti ko para hindi matawa sa expression ng mukha ni Marcus. Kinagat ko ang labi ko at ininom 'yung hiningi kong tea.

"Sure ka bang ayaw mong kumain, Princess?" Tumango naman ako kay Gab. Galing siya sa kwarto niya. At narinig namin lahat ang Round 2 ng sigawan nilang dalawa ni Lance.

Ayaw talaga nilang magpaawat e.

"Ang tigas tigas talaga ng ulo ng lalaking 'yun!" Padabog na umupo si Gab sa upuan niya at tinaas ang isang binti niya bago kumain ng niluto nila. Sumubo siya agad  at nakalimutan na niluto 'yun ni Dom. "Pwe! Nakalimutan ko!"

"You’re so mean, bebs! Bakit mo niluwa?"

"Ang sama kaya ng lasa!" tumakbo si Gab papunta sa sink at mukhang nasusuka.

"I hate you, bebs! It’s not that bad, di ba love?" Tumingin naman siya kay Marcus. Napakagat ako sa labi ko kasi gusto ko na talagang tumawa. Napilitan namang tumango si Marcus. Boyfriend siya e.

I sighed. Napaisip tuloy ako kung paano mo na malalaman ang totoong nararamdaman nina Marcus at Lance. May chances kayang mainlove sila sa magiging client nila? Parang ang hirap naman ata. 

"Try mo kaya! Nang malaman mo kung anong pakiramdam ng kinakain ang niluto mo!"

Mukhang natakot naman si Dom sa sinabi ni Gab.. "Ah ano, I’m on my diet. D—don’t mind me! Kain ka pa, Love!"

Tumungo ako para itago ang pasimpleng ngiti ko.

"Alam mo.." natigilan ako nung biglang bumulong 'tong katabi ko. Sino pa nga ba? Si Francis. "Di masamang tumawa. Maganda ka naman e."

"Shut up, Francis."

"Pikon!" Inirapan ko nalang siya at inubos ang tea. Di naman sa ayaw kong kumain. Wala lang akong apetite at may iniintay ako.

Sumilip ako dun sa kwarto ni Gab. Haay. Sana naman lumabas na siya. Bakit kasi ayaw niya muna akong pagbigyan? Alam ko naman naiintindihan niya ako. At alam ko naman na alam niya ang purpose kung bakit ako nandito.

Natapos na silang kumain. Nagkwento lang ng kung ano ano sa akin sina Gab at Dom. I can say na they have a very special friendship. Kita naman sa kanila e. Though marami silang di napapagkasunduan obviously, nagki-click pa rin sila.

Tumingin ako sa orasan, 4:00 na ng hapon. Haay.

"Gab, uuwi na ako. Thank you."

"Ha? Pero pano si Gato—"

"Okay lang." I gave her a reassuring smile.

"Sigurado ka?" tumango ako at tumayo sa sofa. Buti nalang lumabas sina Francis at Marcus. Walang istorbo sa pagalis ko. Alam ko kasing susundan ako ng asungot na Madrigal na 'yun! Inihatid ako ni Gab hanggang sa pintuan at nagpaalam na ako sa kanila. "Puntahan mo nalang ako kapag kelangan mo ng tulong."

"Of course." I'm sorry, Gab. "Thank you."

Naglakad ako papuntang gate hanggang sa marinig na magsara ang main door nila. Tumigil ako sa paglalakad dahil alam kong alam niyang umalis na ako,

"I don't know what you're up to, Cess. Pero ayoko ng kung anong ginagawa mo."

"I need your help and I'm here to help, L.A"

"Well, I don't need your help and I won’t help you." Tumingin ako sa kanya. Nakaupo siya dun sa bintana ng kwarto kung saan siya nagkukulong. "Leave me alone."

The cold hearted L.A.

That was L.A long time ago. At nakakatuwa dahil kahit papano, di pa rin siya nagbabago.

"I won't L.A. I won't." I smiled at him. Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya. Ang prince charming namin nung high school. "Bye."

*

[Lance Alexander ‘Gatorade’ Zamora’s POV] 

 

Lumabas ako ng banyo matapos kong maligo. Siguro nasa dalawang oras na mula nung umalis si Cess. Tsk. Ano bang kelangan niya sakin? Tangna. Alam mo naman kung ano di ba, Lance? Alam mo. BS lang.

"Buti naman naisipan mo pang lumabas." Di ko siya pinansin. Kinuha ko 'yung maliit na towel sa kama. Di ko alam kung tama ba 'to o hindi. "Bakit ba kasi ayaw mong makipagdate sa kanya?"

"Kasi di naman kelangan."

"She just want to make it up to you! Don't be so mean, Gatorade!" Umupo ako sa kama at pinatuyo ang buhok ko. Ayoko makipagaway kay Alexa ngayon. Di naman kasi kelangan pag-awayan. Kung alam lang niyang hindi yun talaga ang pakay ni Cess sakin. "Gatorade."

"Alexa, please."

"Hindi ko alam kung anong meron sa inyo but please give her—"

"Yun na nga, Alexa. Hindi mo alam. So don't make decisions lalo na kung walang basehan." I sighed. Ginulo ko ang buhok ko. Bakit ba kasi ganito ang mga babae? Ang hilig makielam sa mga bagay bagay kahit wala naman silang kinalaman?

"I'm—I'm sorry."

Napatingin ako kay Alexa. Shoot. Ito ang ayaw ko e.

"Hey, hey. Wala kang.." hinawakan ko ang dalawang kamay niya pero tinabig niya ko. Naman! "Alexa.."

"Sorry." She smiled bitterly. Napatungo ako dahil dun. Ayoko ng mga ganito e.

"Don't be. Wala kang kasalanan, Alexa."

"Pero nakielam ako."

"Okay lang 'yun. Girlfriend kita, you have your right." nakita ko ang pagstiff ng katawan niya. Tumingala ako at nakita ang pagkagulat niya sa sinabi ko pero mabilis na nabura 'yun.

"But still, you'll have your own ways na dapat di ko pakielam, tama?" Ngumiti na siya. A sincere smile. Ngumiti din ako sa kanya. "Sorry."

Nagulat ako nung bigla niya akong pinisil sa ilong. 

"Tara na. Di ka pa kumakain simula kanina." Tumayo na siya mula sa kama pero pinigilan ko siya at hinigit pabalik. "Bakit Gatorade?"

"Baby.."

at hinalikan siya.

Kung ano mang plano ni Cess o ng kapatid niya, ayoko munag isipin ang mga ‘yun. Si Alexa muna ang iisipin ko dahil siya ang girlfriend ko ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro