Chapter 14
Chapter 14
[Alexa Gabrielle Delos Reyes' POV]
"Eat up."
"Tsk. Ayaw."
I took a deep breath, "Could you just eat, Gatorade?"
"Ayoko nga e!" Napaurong ako nung biglang tumalikod sakin si Gatorade at nagtalukbong ng kumot. I tried to control my temper. Konting konti nalang talaga! Kumbaga sa BINGO, nasa G na!
Huminga ako ng malalim. Kaya mo yan, Gab! Kaya mo yan! Hoo! Unti pang pasensya. Hooo! *Breathes in* *Breathes out!* Inilapag ko 'yung bowl sa side table at lumabas ng kwarto. Hindi ko kayang magtimpi kung makikita ko ang asul na 'yun. Pasaway! Matigas ang ulo! Yan ba ang ugali niya pag may lagnat?
Di na ako nagtataka. Nung una kami nagkita, yan na talaga ang impression ko sa kanya. Bahala siya! Pake ko ba kung ayaw niyang kumain! Bahala siya. Nakakainis lang kasi dapat hindi na lang ako nag-effort para ipagluto siya!
Kalma lang, Gab. Kalma lang!
Pero jeez, nakakainit talaga ng ulo e!
"Nakaka-argh!" With all my might, sinipa ko 'yung sofa. At... "Ah-aray!"
Kung hindi nga naman ako tanga. Stupid move, Gab. Very.
Bakit ba kami nagaaway? Hay ewan ko ba. Nung nasa school pa naman kami, okay pa kami e. Tapos napagusapan namin yung about sa hindi ko pagsabi na wala akong last subject e alam ko naman daw na sinusundo niya ako at sabay kaming uuwi.
Eh siya naman ang may kasalanan di ba kung bakit ako tumakas! Di ba di ba? May pa-epek epek pa siyang mag-tent sa labas ng apartment namin para lang mabantayan ako. Eh siya na nga mismong may sabing ‘harmless’ si Nikki, the psycho ex!
Tapos oo, naiinis ako sa kanya dahil nagsinungaling siya dun sa Nurse na may pasok pa siya! Alam nang masama ang pakiramdam niya, ako pa rin ang iniisip! Pano nalang kung may masamang mangyare sa kanya? Eh di aawayin lang ako ng malakas kong konsensya!
Agh, this is really frustrating. Nakakainis din ako e. Kahit alam kong may reason naman si Gatorade at valid naman lahat yun. Ewan ko ba kung bakit ako nagpapaka-close minded ngayon!
Agh. Really, I hate this.
"Wow. LQ again?"
"Shut up." Inirapan ko lang si Marcus. Kakadating lang nila mula sa date nila ni Bebs. At oo, kanina pa kaming nagaaway ni Gatorade, actually ilang minutes lang pagkauwi naming dito sa apartment.
To my surprise, imbes na maoffend o ano si Marcus, tinawanan niya ako.
"Balik ka na naman sa pagiging mataray mo!"
"Sisihin mo yung kulay asul na yun!"
At feeling ko isa akong clown kasi pinagtawanan lang ako nina Marcus at Dominique. Sinamaan ko lang sila ng tingin. Pero imbes na matakot, mas natawa pa sila! Pakiramdam ko tuloy pinagtutulungan nila ako. Snob nalang, Gab!
*
[Marcus Lau’s POV]
"Love." Napatingin ako kay Dovee nung tinapik niya ako sa balikat. Ngumuso naman siya sa harap niya. Napangiti ako.
"Kiss? Ganyan ka na ba talaga kaadik sa halik ko?" pangasar ko.
"Sira! Tingin dun!" Pasigaw siyang bumulong sakin. Ay. Na-disappoint naman ako. Akala ko nagpapakiss si Dominique kaya siya nakanguso. Tumingin naman ako dun sa tinuturo niya at nakita ko si Gab. Inaantok na.
"Tapos?"
"Naman e."
"Stop pouting. You’re tempting me." Natawa naman ako nung bigla niya akong hinampas at tinakpan niya yung mga labi niya. Haha! Nangungulit lang e. Masama ba? "Oo na. Oo na. Magseseryoso na."
Lumapit ako kay Gab na kasalukuyang nagewang gewang na ang ulo habang nakaupo sa sofa. Yan! Yan ang nagagawa ng pride. Ewan ko ba dun sa dalawa. Ayaw pang magbigayan. Oo, pareho silang may mali pero pareho din naman silang tama. Yan po ang nagagawa ng word na ‘pride’.
"Uy, Gab."
Medyo nagulat si Gab nung tinawag ko siya. Napailing naman siya agad at humarap sa TV. Muntik na akong matawa. Halata kasing pinipilit niya kaming paniwalain na di pa siya inaantok.
"Tulog ka na kaya."
Narinig ko lang siyang mag-‘tsk’. Ay. Deadma? Hindi na siya sumagot tapos pinalipat lipat niya yung channel. Tumingin ako kay Dovee sa likod ko. Tapos yun, nakapout na naman. Iki-kiss ko na talaga yan! Kanina pa yan eh!
"Sige na Gab. Gigisingin ko na si Gatorade. Uuwi na—"
"Wag na." Napaurong ako nung bigla siyang tumayo at pumasok sa kwarto niya. Mga ilang minuto lumabas na din siya na may dala-dalang kumot at isang stuffed Domokun.
"Bebs?" Lumapit na si Dovee sa amin.
"Night."
Napatunganga nalang kami ni Dovee nung pinatay ni Gab yung TV tapos humiga sa sofa. Hala! "Gab! Dun ka na sa kwarto mo—"
"Huwag na nga kayong makielam. Kita niyong tulog yung tao tapos masama ang pakiramdam. Pabayaan niyo na siyang matulog sa kwarto ko, okay?" Tapos nun, nagtalukbong na ng kumot si Gab. She cares?
Oo. May care naman siya para kay Gatorade. Kaya nga siya naiinis diba nung ayaw kumain ni Rade. Kasi syempre nageffort 'yung tao. Tsaka kahit naman reklamo siya ng reklamo kanina, nahuhuli pa rin namin siyang pasimpleng tumitingin-tingin sa kwarto niya, kung saan natutulog si Gatorade.
Ewan ko ba kung anong problema ng dalawang 'yan.
"Ohmydee." Napatingin ako sa katabi ko at nakita ko ang pagtwinkle twinkle ng mata ni Dovee. Ganyan siya tuwing na-aamaze. "First time. Yiii."
"Aw!"
Bakit niya ako biglang kinurot?
"Sorry Love! Di ko mapigilan. Peace!" Nakita kong namula ang pisngi niya. Mapigilan? "Kinikilig kasi ako!"
"Bebs! Ang ingay mo!" Agad namang tinakpan ni Dovee ang bibig niya nung sumigaw si Gab. Oh. Gets ko na. Haha. Ang Dovee ko talaga, lahat nalang binibigyan ng malisya.
Pinisil ko nalang ang pisngi ni Dovee at sumenyas na wag maingay. Tumango naman siya at pinilit pigilan ang tawa. Ngumiti ako sa kanya. Ang cute cute talaga ng Dovee ko. At aaminin ko, ang magbestfriend na 'to ang pinakainteresting na naging clients namin ni Gatorade.
"Love, uuwi ka pa ba?" Tanong niya nung pumunta kami sa kusina.
"Di ko naman maiiwan si Gatorade e. Pero kelangan, Love. Kelangan kong pumunta sa BFC ngayon. Kelangan ko ding kasing mag-report kay Manager." Umupo kami sa stool at kinain yung natirang dinner kanina.
"Ha? Magte-10 na!"
"Shhh."
"Oops!" Tinakpan naman niya 'yung bibig niya nung narealize niyang lumakas ang boses niya.
"Okay lang 'yun Love. Wala naman sigurong mang-rerapre sakin sa daan." I joked.
"Love..." She begged. Hala. Nagpout na naman siya. Di ko na pinigilan at hinalikan ko siya sa labi. Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko. Hahaha. Epic face e. "Love naman e!"
"Eh kanina ka pa pout ng pout. Bleh!" Sinubukan niyang magtampo pero napatawa na rin siya sa ginagawa niyang acting. Haha! "Yaan mo na Love. Magiingat ako promise. "
"Haay. Fine. Text mo ko pag nasa BFC ka na ha?"
" Yes ma'am!" Nag-salute naman ako sa kanya.
Ngumiti naman sakin si Dovee. Inayos namin 'yung pinagkainan namin at naglakad na kami palabas ng apartment nila. Nakita namin dun 'yung tent na ginamit ni Rafe for 4 days. Wow. Natiis ni Gatorade ang lamig dito sa labas? Nakiki-level sa camping e!
"Love, pasok ka na sa loob. Malamig dito sa labas." sabi ko kay Love nung nasa may gate na kami.
"Basta tetext mo ko ha?"
"Oo naman. Sige na. Bye. Goodnight. "
"Goodnight love. Ingat ka." Tumango ako at niyakap siya. Ganito kami lagi pagmaghihiwalay. Haha! Drama lang e ano? Syempre, dapat sweet ako sa girlfriend ko.
Inintay ko munang makapasok si Dovee sa apartment nila bago ako maglakad papuntang kanto. Sasakay nalang ako dun sa tricycle. Magpapa-reimburse nalang ako kay manager. Kelangan kasi expense nila ‘to. Hehe.
Buti nalang marami pang tao dito sa kanto. Puro estudyante kasi ang halos nakatira dito, likod kasi ng school e. Kaya naman di nakakatakot ang daan.
Pero alam niyo ba yung feeling na parang may sumusunod sa’yo?
Nakailang tingin na ako sa likod ko. Pero wala naman. Puro may kanya kanyang business o ginagawa ang lahat. May nagiinuman pa nga e. Pero ang weird lang talaga sa pakiramdam. Pinagsawalang bahala ko na lang ang lahat at dumiretso sa sakayan.
"Manong, sa may BFC ho."
"BFC?"
Ay. Mukhang di pa alam ni Manong ang daan.
"Ah! Tuturo ko nalang po ang daan." Tumango naman yung driver kaya sumakay na ako. Nung paalis na ang tricycle na sinasakyan ko, may biglang nahagip ang mata.
"Ay punyeta!" Kaya pala pakiramdam kong may sumusunod sakin!
SI NIKKI! Alam niya na kung saan nakatira sina Gab! Hindi to pwede!
*
[Third Person POV]
Mga alas syete na nang umaga ng magising si Dominique. Mamaya pa naman talagang 10:30 ang pasok niya pero kelangan niyang umalis ng maaga kasi may breakfast pa sila ni Marcus. Naging agreement na nila na simula every Thursday sabay silang kakain tuwing umaga. Ngayon lang kasi nagmatch ang schedule nilang dalawa.
Parehong 10:30 ang pasok nila. Kapag tuwing Monday to Wednesday at Friday kasi 7:00 ang pasok ni Marcus.
Hindi alam ni Dominique kung bakit pero sabi ni Marcus gusto daw niyang may iba or something na maaalala si Dominique sa kanya. Yung walang maiko-compare sa iba. Tulad nito, gusto niyang siya lang ang naging boyfriend niya na lagi niyang kasama tuwing Thursday morning para magbreakfast.
Medyo nalungkot ang dalaga nung maisip niyang hanggang three months lang ang itatagal ng relationship nila pero napagdesisyunan niyang maging masaya sa panahong yun. Tutal natuwa lang si Dominique sa nagging boyfriend demo noon. Para sulit na din, syempre!
8 o'clock na natapos si Dominique sa pagaayos. Lumabas ito ng kwarto niya. Malapit ng dumating si Marcus para sunduin siya. Pero nagulat siya nung ibang lalaki ang makita sa living room nila.
"Uy Gatorade, good morning."
Halata kay Gatorade na nagulat ito sa bati ni Dominique. Marahan na ngumiti ito sa babae at ibinaba na si Laelle. Hindi tuloy mapigilan ni Dominique na mapangiti dahil sa nasaksihan niya. Kinikilig na naman 'to. Malamang lamang.
Gustong gusto niya sana asarin si Gatorade sa nakita pero di niya nagawa dahil may kumatok na sa pintuan. Nawala ang mga iniisip niya at agad siyang tumakbo para pagbuksan ng pinto ang iniintay niya.
"Love!" bati niya sa boyfriend niya.
"Let's go?" Tumango naman si Dominique sa kanya.
Nakalimutan na niyang magpaalam sa binatang nakita sa may living room. Lagi nalang nakakalimot ang dalaga tuwing magiging involve na si Marcus. Ibang klase.
Pero ano nga bang nakita ni Dominique at bakit ito kinilig?
Kitang kita niyang nakaupo si Gatorade sa sahig. Hawak hawak ni Gatorade si Laelle na parang anak niya ito at kita ni Dominique kung pano pagmasdan ng binata ang bestfriend niyang natutulog habang nilalaro ang buhok nito.
*
[Alexa Gabrielle Delos Reyes' POV]
May naramdaman akong basa sa kamay ko. To be more specific, basa at nakakakiliti.
"Wag." Tamad kong sita kung ano mang nagyayare sa kamay ko. I so sleepy. Parang may basa sa kamay ko. Ano ba 'yun? Malamig e. Ang gara sa feeling. Hindi ko na mapigilan, "Cut it out!!"
"ARF!"
Agad akong napamulat. Napaupo ako at nakita si Laelle na biglang nagtago sa ilalim ng center table. Oh! Tumingin ako sa kamay ko at basa ‘yun. Dinilaan ni Laelle ang kamay ko. Nakababa siguro ang kamay ko at since mababa lang ang sofa sasayad yun sa sahig .
Tumayo ako at biglang naramdaman ang sakit ng likod ko. Dito nga pala ako natulog sa sofa kagabi. Hay. Pano ba naman kasi mahimbing ang tulog nung asul na yun at nilalagnat pa. Kaya pinabayaan ko na.
Umunat unat ako ng nakaamoy ako ng kakaiba.
"Ano yun?"
Amoy nasusunog!
Agad akong tumakbo papunta sa kusina at nakita si Gatorade na may hawak na pot holder at nakikipaglaban sa apoy ng stove. Hala! Mabilis pa sa alas-quatro ay nagawa kong patayin agad ang stove.
Nanlaki ang mata ko sa naging itsura ng kusina. Anong nangyare dito?
"Uhhh." Napatingin ako sa kanya. Halatang mas nagulat siya sa pagsulpot ko dito sa kusina. "Sorry?"
Napailing nalang ako sa nangyare. Ewan. Tinatamad din akong magsalita. Bumuntong hininga nalang ako at lumapit sa kanya. Pero ang sarap niyang suntukin nung lumayo siya sakin. Problema nito? Pero di ako nagpatalo, lumapit pa rin ako sa kanya at inabot ang leeg niya.
"Upo. Mataas pa ang lagnat mo."
"Pero.."
"Please lang. Maaga pa Gatorade para mag-away tayo."
Kumunot naman ang noo niya dahil sa inis pero mukhang nagets naman niyang fail siya pagdating sa kusina. Sumuko na din siya at umupo sa isang stool. Tumalikod ako at tiningnan ang ginawa niya sa kusina namin.
One word? Disaster.
"Sorry. Plano ko sanang gumawa ng pancakes." Halata nga. Nagkalat ang batter kung saan saan. Tapos sunog at yung iba deform. At kung ano ano pa. Hoo. Sunog din 'yung kawali. Halatang malakas ang apoy kanina. “Gutom na gutom na kasi ako."
Pansin kong sincere siya sa sinasabi niya. "Pinapakain ka kahapon e. Ikaw tumanggi."
Di na siya sumagot. Narinig ko nalang ang pagbuntong hininga niya. Napapikit nalang ako, ayoko ng balikan ang nangyare kahapon. Nakakaramdam na naman kasi ako ng inis e. Tss lang. Inayos ko ang gawa ni Gatorade. Itatapon ko na sana yung mga sunog na pancakes pero bigla akong pinigilan ni Gatorade.
"Kakainin ko nalang yan."
"May lagnat ka. At sa pagkakaalam ko, di naman ata dapat kumakain ng sunog ang mga tulad mo."
Tumahimik nalang ulit si Gatorade. Guilty maybe? I don't care. I just want my kitchen to be okay again. Nagluto ako ng soup, ham and egg tapos fried rice. Hinanda ko yun sa kitchen table. Kumain naman si Gatorade. Kumuha na din ako ng gamot.
"Sorry."
"Nah. Magpagaling ka lang, okay na."
Di ko na pinansin si Gatorade at kumain nalang kaming dalawa. Pinakain ko na din si Laelle. Tahimik lang kami habang kumakaing tatlo. Siguro aware pa din kami sa naging away-kuno namin kanina. Syempre. Sino ba namang di nga magiging aware dun? Di ba di ba? Tss.
"Sorry" / "ARF!" / "Sorry"
Natigilan kaming pareho nung sabay naming sinabi yun, kahit si Laelle nakisabay!
After 5 seconds na tinginan. Di na namin napigilan, pareho na kaming natawa.
"Sorry, Gab."
I smiled, "Sorry din."
*
Di ko pinapasok si Gatorade kasi nga nilalagnat pa yung tao. Pinagsabihan pa nga ako na umuwi ng maaga e, kung hindi susunduin niya ako sa school. Nung una, umaayaw ako pero mukhang gusto niya talaga akong umuwi dito ng maaga. Wala din naman kasi siyang kasama. At sigawan na naman kami for sure pag di ko siya sinunod.
"Gab, tara? Free cut naman oh."
"Tara." Major kasi namin. Three hours kasi yung Financial Accounting kaya naman binibigyan kami ng break nung professor namin. Palabas na sana kami ni Alex ng makaramdam ako ng weird. Tumingin ako sa likod...
At may weirdong tingin ang mga kaklase ko sakin. Uhhh.. Tumingin ako sa likod ko. Wala naman something. Wala naman din ako kaya imposibleng may tagos ako. Tssss. Ang weird.
"Huy Gab! Bilis! Nagwawala na ang bituka ko!"
"Oo na! Oo na!"
*
Naging mabilis lang ang takbo ng araw. Nagkaroon lang kami ng several discussions tapos may ibang prof na tinatamad pa rin magdiscuss. Syempre, wala pa sa mood kasi kakastart pa lang ng semester at school year. Kasabay kong lumabas si Alex, since ayaw daw niyang pumasok ng last subj. Napaka-sipag niyang estudyante, ano?
"San ka ba nakatira?"
"Naks! May secret crush ka talaga sakin, ano Alex?" Siniko ko siya ng mahina at umarte naman siyang nasaktan. Napatawa nalang kaming dalawa sa ginawa namin. Kaya masarap kasama ang lokong 'to e.
"Ulul. Feel na feel mo naman. Wala lang. Random stuff."
"Sus! Padeny pa e." Lumabas na kami ng gate. "Dyan sa likod."
"Oh? Apartment?"
"Yep."
Napadaan na naman kami dun sa parang bulletin something sa harap ng school. Dun kasi nakapost ang mga something announcement na gustong ipa-endorse kuno sa school. Kunyare may mga hiring stuff, dun mo pede ipapost.
At oo, andun pa rin yung announcement about sa Art Stuff, yun yung company gusto kong applyan. At yung pinagawayan namin ni Mama.
"Interested ka dyan?"
Natigilan naman ako sa pagtingin dun nung biglang magsalita si Alex.
"Ha? Hindi no!"
"Weh?"
"Oo nga. Bye bye na!"
"Pero—"
"Bye!"
Medyo binilisan ko ang lakad ko. Wala lang. Ayoko na kasing pagusapan pa ang tungkol dun. Naiinis lang kasi ako. Syempre, isa yun sa mga pangarap ko. Pero di ko makuha dahil ayaw ni Mama. Haaay.
Nakauwi na ako sa bahay. Pagkadating ko nakita ko si Gatorade na hawak hawak si Laelle habang nanunuod ng TV. Ngumiti naman sakin si Gato nung nakita niya ako.
"Hi."
"Hi."
"Okay ka na?" Tumango naman siya. Lumapit ako at hinipo agad ang noo niya. "Gatorade, nilalagnat ka pa. Balik sa kwarto."
Utos ko habang nakaturo sa kwarto ko. Sumimangot naman siya pero hindi yun ii-epekto sakin.
"Nanunuod lang e."
"Don't care. Magpahinga ka."
"Ale—"
"Gatorade." I cut him. Alexa name whining won’t work.
"That's not my name."
"Don't care. Bed." Nagpokerface naman si Gatorade. Wala na siyang nagawa kundi sundin ako. Ibinaba na niya si Laelle at pumunta sa kwarto ko. Good boy.
Sumunod din ako sa kwarto ko para kumuha ng damit. Naabutan kong nakaupo si Gatorade sa kama. Sinamaan ko siya ng tingin. Napabuntong hininga naman siya at saka humiga sa kama. Pinigilan kong matawa. Kahapon pasaway siya at matigas ang ulo, ngayon naman.. wala lang. Ang bipolar siguro ng lalaking 'to. Hehe
Nung nakakuha na ako ng damit, lumapit ako sa kanya at pinasubo sa kanya yung E-thermometer. Pumunta ako sa CR para magpalit. Pagkalabas ko, nakita kong gising pa rin si Gatorade. Lumapit ulit ako sa kanya para icheck ang temperature niya.
"38.2. Tss." Mataas pa rin talaga ang lagnat niya. "Please, matulog ka na muna."
"Wala na nga akong ginawa kundi matulog e."
"Nama—"
"Oo na! Oo na! Matutulog na po ako. Ayokong makipagaway" tinalikuran na naman niya ako at nagtalukbong siya ng kumot. Napangiti ako. Ayaw niya din palang naaunder. Asar siguro para sa kanya.
Tumingin ako sa paligid ko at tumigil yun sa bintana. Kitang kita dun yung tent na ginagamit ni Gatorade nun. Dun siya nag-stay ng ilang araw kaya siya nilagnat. Nagdecide akong ayusin 'yun. Hay. Well, I hope na maintindihan niya kung bakit ko aayusin yun.
Lumabas ako ng apartment kasama si Laelle. Sinara ko muna yung gate para di siya makalabas.
Napangiti ako nung makitang may hinahabol na paru-paru si Laelle. Ang cute lang e.
Inayos ko 'yung tent at mga gamit ni Gatorade dun. May maleta pa nga e a puro damit niya ang laman. May emergency light at sleeping bed. Kung hindi mo alam ang ginagawa niya, iisipin mo na malakas ang trip niyang mag-camping sa labas ng apartment. Pano niya kaya natiis na dito matulog for four nights?
At bakit ko siya pinabayaan sa ganitong kalagayan? I wasn’t even thinking.
Pasapok please.
"Oy!"
Napatigil ako sa pagaayos at tumingin sa likod ko. "Uy."
"Sipag ah. May camping?"
"Sira." Tumawa naman siya. Lumapit ako sa gate at pinapasok siya. "Stalker talaga kita ano?"
"Ang feelingera mo. Alam mo 'yun?"
"Feelingera? Ew. Bakla ka ba?"
"Pinagdududahan mo kasarian ko?"
Napatawa nalang ako sa parang hamon ni Alex. Umiling iling ako. "Di na boss! So ba't ka napadpad dito?"
"Nagdota. Hehe."
"Typical guy."
"There’s no such thing as typical guy. At wag mong tini-typical lang ang gwapong ‘to."
"Sang banda?"
"Gab naman!"
Nginitian ko lang siya at napabalik ang lahat sa ginagawa ko nung narinig kong tumahol si Laelle. Mukhang natuwa naman si Alex nung nakita yung aso kaya nilapitan niya yun at nakipaglaro. Hay. Back to work!
"Need help?"
"Obviously." Inabot niya sakin si Laelle at siya na yung nagbuhat nung ilang gamit. "Thanks."
Pumasok na kami sa loob. At yung isa parang shunga dahil pinapansin ang kung ano ano sa bahay. Napagtripan pa ang mga nagkalat kong Domokun! Tsss. Ininsulto ba naman. Ang panget daw! Ang sarap lang sipain palabas ng bahay.
"So ito pala ang bahay ng isang Delos Reyes."
"Bilib ka na niyan?" pang-aasar ko.
"Magisa ka lang dito?" umupo siya bigla sa sofa. Sitting pretty. Feel na feel at home lang ang koya mo. Tsss. Naalala ko tuloy si Gatorade. Ganyang ganyan din siya nung una e. Speaking of Gatorade, napatingin ako sa kwarto ko. "Huy. Kausap ka. Malag lang, teh?"
"Alam mo, nakakapagduda talaga ang kasarian mo. Pramis."
"Aba—"
"Hindi ako magisa. Kasama ko best friend ko dito."
"Ah? Maganda? Chix? Pakilala mo naman ako!"
"Suntok gusto mo?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"To naman! Possessive best friend!"
"Heh! Tsaka may boyfriend na din 'yung tao. Kaya pwede?"
"Oo na! Oo na!" Tumayo si Alex at naglibot libot kung saan. Ay ewan ko sa kanya. Tinignan niya ang mga bagay na pede niyang makita. Napaka-ewan ng lalaking 'to.
Di ko nalang pinansin. Pumunta nalang ako sa kusina para magluto. Kelangang kumain ni Gatorade. Kelangan niyang uminom ng gamot e. Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nung sumunod si Alex.
"Porridge?"
"Oo."
"Bakit porridge?" Hinango ko na sa stove yung niluto ko.
"Paki mo ba?" Ang dami namang tanong ng lalaking 'to.
"Para sa best friend mo? May lagnat ba siya?"
Ay nako. Kulit. "Hindi. Para kay Gatorade. Siya yung may lagnat."
"Ah! Siya ba 'yung lalaking may kulay blue na buhok na natutulog sa kwarto?" Wait. Nawindang ako sa bilis ng pagsasalita niya!
"Oo. Siya yun! Siya yun. Tss."
"Siya yung boyfriend nung best friend mo? Bakit ikaw nagaalaga? Di ba siya yung lalaki noon sa gym?" Natigilan ako sa tanong ni Alex. Bakit ba ang usisero ng lalaking to?
"Mind your own business."
"Bakit? Di ba yun ang boyfriend niya? So boyfriend mo?"
"Manahimik ka nga dyan, Alex."
"Ayaw pa kasing sasagutin. Yes or no lang naman."
Hay! "Hindi ko siya boyfriend kaya pede ba? Tsss. Daming tanong."
"Oo na. Hindi na po, Ms. Gab!"
I-sinet aside ko muna yung porridge. Papalamigin para kahit papano kayang makain ni Gatorade yun. Pero yung loko di nahiya, kumuha na. Parang sa kanya yung porridge. Binatukan ko ng isa pero parang wala lang. Dapat pakainin ko daw siya kasi bisita. Lakas ng lalaking 'to! Kapal!
Matapos kumain, di na nagtagal si Alex. Magdo-dota pa daw siya ulit. Ganyan daw talaga. Ginawa lang parang canteen ang bahay naming. Padabog kong sinara yung gate nung makaalis na siya. Narinig ko pa yung tawa niya nung narinig niya sigurong nagdabog ako.
Pumasok na ako sa bahay. Gagawa nalang ako ng assignment! Wala namang magawa. Pero bago yun, kelangan ko munang pakainin si Gato—
"San punta? Nilalagnat ka pa." Laking gulat ko nang makita si Gatorade sa salas. Bagong bihis. Lalapit sana ako sa kanya pero bigla siyang naglakad at nilagpasan ako. "L.A..."
"Hindi pala boyfriend ha?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Di ako nakaalis sa kinatatayuan ko at wala akong nagawa kundi panuorin nalang siyang lumabas ng apartment. Ngayon nag-sink sakin ang nasabi ko kanina kay Alex.
Stupid mo, Gab. Bakit ko ba kasi nasabi yun?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro