Chapter 13
Chapter 13
Ewan ko ba kung anong meron pero bigla talaga akong kinabahan dun sa sinabi ni Marcus. I really knew that this will happen. Alam kong sa apat na araw na pagbabantay ni Gatorade sa labas ng bahay namin, plus the fact na wala siyang matinong tulog or kung makakatulog man siya, sobrang bilis lang. I-include mo pa ang pressure sa pagpasok sa school. Luck, hindi pa naman ganun ka-tough ang studies dahil kakastart lang ng formal classes nung Monday. Pero kahit na…mali pa din talaga e.
Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o maawa sa ginagawa ni Gatorade e.
Wag niya lang isususmbat sakin yung hindi ko pagpayag na tumira kami magkasama, kung hindi—Ah! Kahit gusto ko siyang sumbiin, I don't have time for that. He's sick!
Hinahabol ko ang hininga ko nung makapasok ako dito sa clinic. Tinakbo ko kasi. And to think na pabalik yun at nasa gate na ako. I don't know what got into me at napatakbo ako ng ganun. Damn. Sana di ako mukhang ewan sa pagtakbo ko.
Huminga ako ng malalim, trying to comfort my fast beating heart. Napagod!
"Excuse me? How may I help you?" Umayos lang ako nung tayo nung tinanong ako nung nurse.
"Andito po ba si *breathes* Gatorade?"
"Huh? Gatorade?"
Ay. Mali. Tss. "Si Lance po?"
"Lance?"
Ay. Nasan na ba napunta ang utak ni Ms. Nurse?
"The blue head guy." bored kong sabi.
Napa-‘Oh’ naman siya dun at mukhang kilala na naman niya. Pero dun sa expression niya, para pa siyang kinilig. Sows! Mukhang alam ko na kung bakit. Tinamaan na siya ng charismatic powers ng asul na yun!
"Nakaalis na siya."
Namilog ang mata ko sa sinabi niya.
"Ano pong sabi niyo?"
"Kakaalis lang niya actually. Papasok nalang daw siya ng klase."
"May lagnat 'yung tao!" I don't know pero bigla akong nakaramdam ng inis at ayun nalang ang nasabi ko. "Why did you let him go with that state? Nurse ka pa naman!"
Mukhang nagulat naman 'yung nurse sa sinabi ko. The heck I care! She's so...ugh! Basta! How can she do that to her patient? Hindi siya isang effective na nurse! Sinamaan ko siya ng tingin. At bago pa siya makapagsalita, nagwalk out na ako.
*
Sinubukan kong tawagan ang phone ni Gatorade pero hindi siya sumasagot. Malamang nasa klase. Ang pasaway naman ng lalaki na 'yun! I gritted my teeth and gave up after the fifth call. Ayaw niya talagang sagutin. Hindi ko pa naman alam sa schedule niya!
Damn Gabrielle. What a very good girlfriend!
I sighed heavily, ignoring the fact that I actually labeled myself as his girlfriend. I don’t have time for that stuff right now. More so, hindi ko nga din alam kung anong course nung kulay asul na yun e. Hindi ko naman kasi tinatanong. At oo, wala din kasi akong pakielam. Malay ko bang kekelanganin ko yun? Nakakainis naman oh.
Hindi ko alam pero napagpasyahan kong libutin ang buong university. At nagpatay malisya nalang ako ng lima ang building dito Ang JP, SH, LV, MB at AN buildings na may tig 5 floors lahat. So yeah, goodluck to you, Gab!
Madali naman sigurong mahanap si Gatorade. To think na siya lang ang may asul na buhok na kakilala ko.
Nagpunta agad ako ng JP Building, yung building sa pinakauna na makikita mo pagkapasok ng gate. I will try check every floors. Di na ako mageelevator kasi nakakahiya dun sa operator. Ayokong maisipan na nantitrip lang ako. Just making it more hassle for me. Hay!
Sinilip ko 'yung bawat schedule na nakapost dun sa mga pintuan ng bawat room. Di ko nga rin pala alam kung anong year na nun! Ang bobo ko nga naman talaga oo!
101? *Silip* wala. 102? *Silip* wala. 103? *Silip* wala. 104? *Silip* wala. 105? *Silip* wala.
OH JUST GREAT! THIS WILL TAKE ME FOREVER!
*
[Francis Madrigal’s POV]
Inayos ko ulit ang bagong schedule ng magiging mala-mall tour ng BFC. Wahaha. Mall tour talaga ang peg! Eh parang ganun nga naman talaga. Try kaya namin minsan na isabay sa mall tour ni Daniel Padilla ang paggawa namin ng Demo? Why not, poknat! Baka bumenta.
Baka matalo pa namin si Daniel Padilla! Laban! Limang gwapong lalaki PLUS AKO! SAN KA PA, DI BA?
Pero syempre next time ko na muna pagiisipan ang gwapo (dapat maganda pero dahil lalaki ako, gwapo ang gagamitin ko. *insert evil laugh*) kong plano. Marami pang problema ang dapat kong ayusin. Napakahirap maging manager ng mga gwapong lalaki lalong lalo na kung gwapo ka.
Manager ako ni Gatorade at Marcus. Kung tutuusin kasi bilang lang sa kamay ang mga nagiging manager dito sa BFC. Maselan si Madam tsaka di yun basta basta kumukuha ng tao para maging manager. At dahil gwapo nga ako, ayun walang ano ano BOOM! Manager ako. Kaya wag na kayong magtaka kung pano ako napapasok sa BFC.
Ohwell, baka matabunan ng kagwapuhan ko pa ang storyang to kaya naman magiging seryoso na ako. Pero ASA. Wala ata sa kalamnan ko ang salitang seryoso. HAHAHA.
"Oist!" pasok ni Charles
"Katok katok naman. Di uso yun? Beystows e."
"Okay wait. " Napataas ang kilay ko nung lumabas siya ng pintuan. Pero naliwanagan ako nung kumatok siya. Right, nice thinking Charles. Talino mo talaga! "Oy Ancis, papasok!"
"Ay gagu."
"Okay na?"
"Shunga ka?"
"Hehe. Peace!"
"Anong kelangan mo?" tanong ko kay Charles. Pero kahit hindi ko na nga itanong mukhang alam ko na ang kelangan nito. Ano pa nga ba? Eh di Merits! "Oh wait. Di pa kami nagbibigay ng Merits kung yun ang kelangan mo."
"Ang daya naman!" Sabi na nga ba e. "Bakit si Gatorade at Marcus halos every month kahit walang client may merits!"
"Gwapo kasi sila."
"Gwapo din naman ako ah!"
"Eh mas gwapo kami sayo."
"Kami? Ba't ka naman nasama sa usapan?"
"Wag kang basag trip. Manager mo ko! Baka gusto mong matanggal sa trabaho?"
"Sorry boss. Di na po!"
Ito talaga ang isa sa gusto sa pagiging manager e. May powers!
Pero ano nga ba ang merits? Well, kung isa kang trainee sa BFC, kinakailangan mong magipon ng merits. Sa Boyfriend Corp. kasi may level level. Yung parang pag Level 1-3 ibig sabihin ‘trainee’ ka palang on how to be a good boyfriend, you'll be trained how to date girls at maraming seminars ang dapat attendan.
Pag nalagpasan mo ang mga yan, edi syempre Level 4 na! HAHAHAHA
Pero ang corny ko. Ew.
Pero ito nga, pag Level 4. Itetrain ka na for Demos, sasama ka na sa FREE DEMOS-slash-Mall tours. Pero hanggang DEMO lang yun. You’re still not allowed to be hired. Saka palang yun sa Level 5. Tapos dun na papasok ang mga professional boy friends of PBF.
Sina Marcus at Gatorade andyan na sa mga level level na yan. At para makataas ka ng level kelangan mo ng Merits. Pede yun ibigay ng Managers tulad ko. Online voting o kaya naman pag napipili ka sa demo.
Kaya malaki na ang chances mo pag nasa LEVEL 4 na! Dun na tiba tiba sa merits. :D
Ang arte ng BFC ano? SISIHIN SI MADAM! Wahaha. Joke lang po, mahal ko po ang trabaho ko!
"Ay nako Charles wag mo nga akong kinukulit ngayon. Sabihin mo na lang sakin pag nakaabot na ng 1,000 likes yung votes mo sa online. Saka kita bibigyan ng merits."
"Eh hindi nga umaasenso! Ang daya nung kay na Gatorade. Minsan lang sumama sa Demos at kahit taken na dagsaan parin ang votes!"
"Eh mas gwapo nga kasi kami sayo. Kaya ganun. Wag ka ng makulit."
"Tsk!" Kumunot lang ang noo ni Charles pero hindi effective. Manager pa rin ako kaya ako ang masusunod. Wag siyang ganan. Idemerit ko siya e. Wahaha. CAT lang ang PEG. At ako ang Batallion Commander!
Lumabas na si Charles sa opisina ko. At napailing nalang ako. Bah, ako pa dadramahan niya. Nguso niya. Imposibleng maawa sayo ang poging Francis Madrigal.
"Okay, back to work!"
Binalikan ko na 'yung ginagawa ko. Serious mode na ulit. Totoo niyan binabantayan ko si Nikki. Stalk there and here. Grabe yung babaeng 'yun. Ang tinik ngayon. Masyado niya ako pinapahirapan. Kung tutuusin, tagal din niya din kasing nanahimik. Ngayon lang kasi ulit nagkacustomer si Gatorade e.
Ang nasasagap ko palang nagrent sya ng apartment dito sa mismong city. Tapos minsanan umuuwi siya sa Manila. Stop siya sa pag-aaral sa di malamang dahilan daw. Pero hula ko dahil kay Gatorade yun.
Sayang yung client na yun e. Tiba tiba kami. Kaso masyadong tinamaan kay Gatorade. Pag minamalas malas ka nga naman.
Sumilip ako sa website ng Boyfriend Corp. Wala lang, naintriga kasi ako dun sa sinabi ni Charles bigla. Hehe. Mukhang mabenta pa nga rin talaga si Gato at Marcus. Kung tutuusin kasi nasa kokonti palang ang PBF dito sa Boyfriend Corp.
"AY P*NYETA!" Napatigil ako sa pagsubo ng donut nung nabuksan ko ang profile ni Gatorade. "Kelan pa to umabot sa 8,000 plus votes?"
Binuksan ko naman 'yung kay Marcus at humahabol din siya kay Gatorade sa dami ng votes. Ang gagwapo talaga ng mga alaga ko! Manang mana talaga sa manager. Mwahaha Nung binuksan ko naman 'yung profile ni Charles nasa 400+ palang ang votes niya.
Ah bala siya. Basta sa kontrata kelangan ng 1000 votes para sa 10 merits.
Nako kung may profile din ako dito malamang lamang nalagpasan ko pa ang votes nina Gatorade! Sa gwapo ko ba namang 'to. Bumalik ako sa profile ni Gatorade. Wala lang trip ko lang. Tiningnan ko din ang comments. At tulad ng inaasahan ko. Andun nga siya.
Princess Mae Saavedra commented: ‘HINDI AKO MAKAKAPAYAG! YOU'RE MINE!’
This girl is really... I don't know.. Crazy?
*
[Dominique Veena Delos Santos' POV]
"Mine! Mine! Mine!" sigaw ko habang hinahabol ang bola. It's mine! Nagspike ako at tumama yun malapit sa line. "YAY! SCORE!"
Ewan ko ba kung bakit volleyball ang nilalaro namin kasi dapat dual games palang ngayong Second year first sem. Weird lang siguro ng professor namin. But hey, I love volleyball!
"Nice game Delos Santos!"
"Thank you sir!"
Natapos na yung Volleyball game. Pumunta ako sa drinking fountain para uminom. Hooo. That was very very refreshing! Di na ulit kasi kami ulit naglalaro ni Bebs ng volleyball simula nung magcollege kami.
"Wow. Never thought na may igaganda pa ang Dovee ko."
Napatayo agad ako mula sa pagkakainom ko sa drinking fountain. Isa lang ang tumatawag sakin ng Dovee. Eh sino pa nga ba?
"Love!"
"Hi Love." Tumuon siya dun sa railings ng gym at kumindat sakin.
Bigla naman akong namula sa ginawa niya. Ayiie. Sweet ng boyfriend ko! Hehe. Though he's not really my boyfriend. Pero so what? I'm enjoying this kind of relationship? Ah basta!
"Wala kang class?"
"Wala e. Napasugod sa clinic kanina. Nandun si Gatorade e. Nilalagnat." Nagulat naman ako sa sinabi ni Marcus. Di malabong mangyare yun. Apat na araw na din kasi siya sa labas ng apartment. Tapos sa tent lang siya nakabantay!
Pano ba naman kasi may psycho ex 'tong si Gatorade! Wawa naman si Papa Gatorade!
Tss. Tapos di pa alam talaga ni Bebs na kung anong meron dun sa Psycho ex kaya ganun nalang ang pagbabantay ni Gatorade. Pano kasi hindi naman talaga harmless yung babaeng 'yun! Inamin sakin ni Marcus na she did some cruel things sa mga past clients ni Gatorade.
Pinalabas lang nilang hindi siya harmless dahil baka matakot daw si Bebs! If they only knew how bebs good at this. Once talaga na maghinala yan, madalas tama. Siguro natatakot lang din si bebs dun sa psycho ex kaya naman in denial yun. Idagdag pa ang factor na sinabi nilang dapat nilang magsama sa bahay.
Wawa naman ang bebs ko…and oh, Gatorade too.
"Alam ba ni bebs?"
"Yup. Hinabol ko nga kanina e. Mukhang pauwi na." Nag-pout naman siya at dun ko napansin na medyo pawisan si Love.
"Aww. Napagod ba ang love ko?" I asked.
"I'm okay love. Nakita na kita e. May energy na ulit." Hindi ko mapigilang hindi rin mapangiti tuwing ngini-ngitian niya ako.
Kilig naman daw ako!
"Date tayo later, love?" Tumango ako sa kanya. "Sige, sunduin kita after ng last subject mo ha?"
I smiled. Oo, kinikilig talaga ako! Eh kasi naman ewan ko ba kung anong meron pero napakaconsistent talaga ni Marcus. Kahit masakit isipin na ‘trained’ na sila sa ganito, di ko pa rin mapigilang kiligin. Go with the flow na nga lang!
Inayos ko na ang gamit ko at dumiretso sa CR. Kelangan ko ng magpalit ng regular uniform since tapos na ang PE. At sobrang pawisan ako. I did my thing and retouch. Ayan! Sobrang ganda ko na ulit.
May 10 minutes pa para sa next class. Medyo malayo yung building para sa Management class ko kaya dumiretso na agad ako. Sa AN building pa ako. Nasa may tapat na ako ng LV building ng laking gulat ko ng makita si Bebs na pababa ng LV. Aba!
"Bebs!" Mukha siyang pagod na pagod. Anong nangyare sa kanya?
"Dominique! Hooo!" Nagulat ako nung bigla siyang yumuko. Hands on her knees. Panting. Ang pula ng pisngi ng bebs ko at base sa pawis niya, kanina pa siyang tumatakbo.
"Uy okay ka lang ba?" agad kong kinuha 'yung tubig ko sa bag. Tumango tango naman siya, still panting. Inabot ko sa kanya ang tubig. Uminom naman siya. "Why are you panting? May humahabol ba sayo?"
Tumingin ako sa likod niya pero wala namang sumusunod sa kanya.
"I'm looking..*breathes* I'm looking for Gatorade."
"Huh? I thought nasa clinic siya? Marcus told me. He should be there." Inalalayan ko ang bebs ko na tumayo ng ayos.
"He left. Ang shunga nung nurse pinabayaan! Tsk!" Biglang naiinis ang mukha ni Bebs. "I should look for him. I don't know his schedule. Neither his year or course!"
"Ohmydee. Ano ka ba bebs! Girlfriend ka!" Shocks! Nakakagulat lang talaga. Pano niya hindi malalaman yung course at section ni bebs? Of course I know kung ano since magkaklase lang sila Marcus at Gatorade.
"Oh no bebs. Don't start. I'm too tired for those upcoming rantings."
Gusto ko sana siyang pagalitan pero naawa ako sa tired state ng bebs ko. Ohmydee! Did she just checked every building para malaman kung nasa si Gatorade? Ohmy. That's very, very sweet!
"Sige na bebs. I still have SH and MB to check."
Hindi ako masyadong makapagreact kasi yung mga ganito for bebs, are so new.
"Bebs!" tinawag ko siya pero tumakbo na siya palayo. "BA din siya! Section C!"
"What?!" Mukhang nawindang ang bebs ko sa sinabi ko. Bakit kaya? Imbes na magsisigaw pa tumakbo na siya palayo.
Kawawa naman talaga ang bebs ko. Oh oh~ Pareho pa naman silang sleepless ni Gatorade. Sinasabayan kasi niyan ang pagbabantay nun! Di daw siya makatulog dahil ang awkward daw ng may nanunuod sa kanya. As if!
*
[Alexa Gabrielle Delos Reyes’ POV]
Nakakainis! Alam mo yung same building lang pala kami, same floors pa! Accreditaion kasi ang Business Administration courses ngayon kaya sama sama ang lahat ng BA sa isang building tapos same floors and same year level. Damn!
Nilibot ko kaya ang JP, LV at AN! Katabing room ko lang pala!
Ang bobo ko naman kasi!
Ay nope, kasalanan to nung Nurse! Pabaya!
But heck, should I really blame her or me right now? Right. Must look for Gatorade first.
Sumakay na ako ng elevator, Fourth floor. Tumingin ako sa orasan. Parang nagkaroon din ako ng klase! One and a half hour ko din siyang hinanap! Tss! Badtrip pa. Ang haggard ko. Nakakahiya tuloy dito sa mga kasabay ko sa elevator. Baka amoy pawis pa ako.
Bakit ba ako nagiisip ng ganito? Wala naman akong pakielam sa kanila.
Agad akong lumabas sa elevator. Napatigil ako sa pagtakbo ng Makita agad si Gatorade na nakatayo sa labas ng room namin. Napansin naman din niya agad akong nakatingin sa kanya.
"Wala ka palang klase. Di ka man lang nagsabi sakin." sabi niya. Hindi ko pinansin. "Alam mo din bang wala kaming klase? Binalikan kita dito kasi kala ko may klase ka para intayin pero—ayun pala nangiwan ka na."
Tumakbo agad ako para makalapit sa kanya. Ewan ko ba kung anong sumanib sakin pero. Niyakap ko siya.
"Baliw ka ba! Nilalagnay ka na nga pero nagawa mo pa akong hintayin! Babatukan na talaga kita!"
"Pano mo..."
"Nakakainis ka. Tapos sesermonan mo pa ko sa di ko pagsasabi na wala akong last subject! Nako. Naiinis pa ako sayo!" Huminga ako ng malalim. Nung okay na ako saka ko siya binitawan. Hinawakan ko ang noo at leeg niya. "Tara na. Uwi na tayo."
"Bakit pagod na pagod ka? Anong nangyare sayo?"
"Don't ask! Sabing naiinis pa ako sayo!"
"Oh."
I’m wanting a good sleep but this blue head guy needs me more.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro