Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Ten

Naging maayos naman ang meeting at biglang nakaramdam ng relief si Martina dahil kay Randell. But still, she can't ignore what happened earlier, when Randell confronted Gwendolyn inside the office building.

"By the way, pag-usapan na natin ang ginawa mo kay Ms. Gwendolyn," seryosong sabi ni Martina na nagpatigil kay Randell sa paglalakad sa loob ng hallway.

"Ano bang ginawa ko sa kanya? Pinaalala ko lang sa kanya na mas masama ang ugali niya," sagot ni Randell habang kinukusot ang mga mata. "Hinahayaan mo lang bang insultuhin ka niya dahil lang nasa teritoryo ka niya? Tulad ng ginawa mo sa akin?"

Napabuntong-hininga si Martina. "Mahalagang kliyente sa amin si Gwendolyn, kung hindi siya naging kliyente namin, malamang matagal nang na-dissolve ang accounting firm namin. Siya rin ang dahilan kung bakit mas marami kaming naging katransaksyon na ibang kompanya. Malaki ang utang na loob namin sa kanya," she explained.

"Pero sa tingin ko, sobra pa sa sapat ang ibinayad mo. Mangyari sana na huwag mong balewalain ang katotohanan na mayroon ka pa ring dignidad. Ang babaeng tulad niya ay hindi dapat kumilos nang hindi propesyonal at dahil nga kapwa babae mo rin siya, hindi ka sana niya pinagsasalitaan nang gano'n," giit pa ni Randell.

"Wala na akong magagawa ro'n. Kailangan kong tanggapin na I'm worthless at kailangan ko lang ng mas maraming oras para mag-adjust. Iyon ang dahilan kung bakit ako kinakabahan kanina. Masyado siyang mahigpit at baka magreklamo siya sa business partner ko at malamang na gagamitin niya ang nakaraan ko bilang dahilan kapag nabigo ako sa mga gawain ko sa kanya," himutok ni Martina.

Bahagya niyang ginulo ang buhok niya nang makarating sila sa parking area. "Anyway, thank you for helping me deal with her but please, itikom mo na lang ang bibig mo kapag walang humiling na magsalita ka."

Napailing si Randell dahil sa biglaang pagkadismaya. "Hindi ako matatahimik nang gano'n lang, alam kong hindi ka komportable habang sinasabi niya ang mga salitang iyon."

"Pero Randell, she's only telling the truth because we used to hop in bars before and I met some guys there na naging boyfriends ko. Kailangan ko na lang tanggapin na ang nakakahiyang nakaraan ko ay palaging susunod sa akin kahit sa propesyon ko," sagot ni Martina na may kasamang pekeng ngiti. Paandarin na sana niya ang makina ng kanyang sasakyan ngunit dahan-dahang hinawakan ni Randell ang kanyang pulso.

"Wait, Ms. Martina, bago tayo umalis sa lugar na ito may gusto lang akong sabihin sa iyo."

Bahagyang naka-arko ang noo ni Martina habang inalis ang mga kamay sa manibela. "Nagmamadali tayo, pero ano ba 'yon?"

"Hindi mahalaga ang iyong nakaraan basta't alam mo na hindi ka nananakit ng ibang tao," buong katapatan na paalala ni Randell.

Hindi alam ni Martina kung ano ang ire-react dahil madalas siyang kinakausap ni Randell pero this time, medyo nakaka-encourage ang mga salita nito. "Sabihin mo kay Nanay Remmy na hindi mo kailangan na bigyan ako ng mga nakaka-inspire na salita dahil parang hindi sinsero at parang sarcasm lang," sabi niya at nakakunot na ang noo.

"Well, hindi niya sinabi sa akin na sabihin iyon sa iyo. Sabihin na nating marami akong napanood na motivational videos dati na hindi ko mabura sa isip ko," pagsisinungaling ni Randell. Sa totoo lang, gusto lang niyang mapagaan ang tensyon ni Martina kanina at kahit hanggang ngayon ay sobrang apektado siya kapag puro nakaraan nito ang pinag-uusapan, to the point na minamaliit na nito ang sarili at halos mawalan na rin ng confidence na gampanan ang trabaho.

"Well, because of that, I think I have to treat you to lunch," napangiti si Martina.

"As you should," sang-ayon naman ni Randell.

"Grabe. Hindi ka man lang tumanggi," pabirong sambit pa ni Martina.

"Syempre. Ikaw lang naman ang may pera sa'tin."

Nagmaneho sila papunta sa pinakamalapit na restaurant. Hinayaan ni Martina si Randell na magpasya sa mga pagkaing menu.

"Sa tingin ko, sapat na sa akin ang chicken wings. Okay ka lang ba?"

Tumango si Martina. Napatayo naman si Randell upang lapitan ang waiter at pansamantalang iniwan si Martina sa kanilang mesa. Habang mag-isang nakaupo si Martina ay may lumapit sa kanya na pamilyar na lalaki na nakasuot ng kulay abong suit.

"Martina, am I right?" confident na tanong ng lalaki.

Ang awkward para kay Martina dahil nakilala niya ang lalaking ito.

"Donny?" Itinagilid ni Martina ang ulo niya at nakaramdam siya ng takot dahil sa lalaking nagtangkang umupo sa tabi niya.

"Ang liit ng mundo, hindi ko inaasahan na makikita kita dito. Matagal-tagal na rin simula nung gumawa tayo ng—"

"Tumigil ka, matagal na yan. Hindi ko na matandaan kung sino ka," nanginginig na boses na wika ni Martina. Sinubukan niyang tumayo pero hinawakan siya ng lalaking nagngangalang Donny.

"Kung hindi mo ako maalala, bakit hindi mo ako matingnan sa mga mata? Natatakot ka ba na baka may makakita sa atin dito? At sa'yo rin nanggaling ang affair natin noon pa pero bakit parang natatakot ka kapag nakikita mo ako?" agresibong tanong ni Donny.

"Dahil ayaw na kitang makita," galit na sagot ni Martina, habang nakataas ang kilay. Sa isip-isip niya, ipinagdadasal niya talaga na tapos na si Randell sa pag-order ng kanilang pagkain para makita nito ang kaguluhan sa pagitan nila ni Donny, na dati niyang nobyo at ang totoong nagmamahal sa kanya hanggang ngayon. Isa si Donny sa mga baliw niyang ex na mahilig magpasaya ng mga babae sa iba't ibang paraan at hindi nagustuhan ni Martina ang pagiging sex addict niya at mahilig din si Donny na mag-manhandle ng kahit sinong babaeng karelasyon niya.

"Bakit hindi na tayo bumalik sa tinigilan natin? Single ako ngayon at dahil kilala na rin kita, pwede tayong mag-date ulit," giit ni Donny.

Kumunot ang noo ni Martina. "Actually, ang makasama ka ulit ay parang panibagong bangungot, Donny. Hindi ko kayang makasama ka pa. Manyak ka na nga, mayabang pa."

"Pero, aminin mo—pinasaya kita sa kama at napasaya mo rin ako. Na-miss ko yung mga panahong tayo—"

"Tumigil ka!" Napatakip si Martina ng bibig matapos gawaran ng dalawang beses na sampal si Donny.

"Patuloy mo pang sabihin ang mga bagay na iyan o isusumbong kita sa pulis at idedemanda kita sa kasong harassment!" sigaw niya sa binata.

"May problema ba, Ms. Martina?" Sumugod si Randell para makialam kina Martina at Donny. Nakuha na nga nila ang atensyon ng lahat.

"Oh? So ito na ba ang bago mong lalaki? Ang iyong bagong laruan upang mapunan ang lungkot mo?" Donny grinned like an evil down the hell.

"Oo ako nga!" sigaw ni Randell. "At ayokong magalit ang nobya ko dahil sa iyong mukhang pritong pusit!"

"Ano ba'ng sinasabi mo?" Halos humagalpak ng tawa si Martina dahil sa paglalarawan ni Randell sa kanyang dating nobyo. But still, she can't imagine na magsisinungaling si Randell kay Donny na fling niya ito. Ang tensyon sa pagitan nila ay mas lalo pang tumataas.

"O, kumusta naman ang experience? Magaling pa ba si Martina sa pagpapasaya sa mga lalaki? Nasiyahan ka ba?" Masungit na tanong ni Donny.

"Alam mo? Umalis ka na dahil kung hindi, isusumbong kita sa pulis!" paghahamon ni Randell kay Donny habang umaakto na susuntukin niya ito sa mukha.

Paatras na naglakad si Donny at umiling. "Okay okay! Aalis na ako. Ngayon, kumbinsido na ako na nakahanap na ng bago si Martina. Hindi ko na siya guguluhin, huwag mo na lang akong isusumbong sa mga awtoridad dahil baka mawalan ako ng trabaho."

"Dapat mong isipin ang posibilidad na ikaw ay posibleng mawalan ng trabaho bago ka mang-harass ng isang babae!" sigaw ni Randell at maingat niyang hinawakan ang mga kamay ni Martina habang papunta na sila sa counter.

"I'm sorry Ms., Take out po sana ang pagkain namin. Pasensya na rin sa nangyari dito," paumanhin ni Randell sa cashier.

Tanging pagyuko lamang ang nagawa ni Martina. She didn't expect Randell to stand up for her. Siguro nga, tama naman talaga si Nanay Remmy sa simula pa lang. Hindi niya lang maamin.

***

Agad namang umiling si Martina nang makabalik na siya sa loob ng sasakyan nila ni Randell. Sinilip niya ang kanilang pagkain at bumuntong-hininga. "So, dito tayo kakain? Magiging magulo at mabaho ang sasakyan ko pagkatapos nito!" Sumigaw na naman siya.

"Hindi na mahalaga iyon. Kaya mo bang kumain sa ganoong lugar? Na may presensiya ng lalaking mukhang pritong pusit?" Tanong ni Randell habang binubuksan ang isang box ng pagkain nila. "Kain muna tayo bago lumamig ito."

"Anyway, salamat sa pagligtas mo ulit sa akin. Huwag mo na sanang sabihin ito kay lola dahil alam kong baka magalit siya sa akin. At yung lalaki kanina, siya yung baliw kong ex boyfriend na si Donny." Tumingin si Martina sa side mirror at sinubukang itago ang kanyang mga luha.

"Siya iyong tipong laging proud sa tuwing nakakakuha siya ng iba't ibang babae. Kumbaga, malaking achievement na sa kanya ang pakikipagtalik sa iba't ibang babae," she whimpered.

Madaling napansin ni Randell na umiiyak si Martina. Napabuntong-hininga na lang siya at marahang tinapik ang balikat niya. "Hindi ako makapaniwala."

"Huh? Hindi ka makapaniwala na proud siya bilang babaero?" tanong ni Martina habang pinipilit na gawing normal ang boses para lang maitago na naluluha na siya.

"Hindi lang ako makapaniwala na napakababa ng standard mo noon, kaya napunta ka sa— isang mapagmataas na babaero pero mukha talagang pritong pusit." Sinubukan ni Randell na huwag tumawa sa sarili niyang biro ngunit nabigo siya dahil narinig niya ang munting tawa ni Martina pagkatapos noon. Gumaan ang pakiramdam niya kahit alam niyang ginawa niyang mas komplikado ang lahat.

"Anyway, hindi ko sasabihin yun kay Nanay Remmy. Hindi kasi ako chismosa," paniniguro ni Randell at ipinagpatuloy niya ang ginagawa sa kanilang pagkain. "Kumain na tayo, Ms. Martina, kung hindi ay mahimatay ka at paggising mo, baka lumabas sa harap mo ang pritong pusit habang sinusubukan niyang makuha muli ang puso mo."

"Randell, itigil mo na lang kaya ang pagiging alalay mo sakin? Maghanap ka na lang ng trabaho sa comedy bar, I think they will surely hire you there," biro pa ni Martina. Sa wakas ay pinunasan niya ang sarili niyang mga luha at saka nagpakita ng pag-asa na uri ng ngiti. "Pero, salamat talaga sa ginawa mo, huh?"

"Hindi ako tumatanggap ng isang simpleng 'salamat' para sa iyong pasasalamat. Dapat mas mataas na suweldo ang ibigay mo na katumbas ng dating pera na suhol para sa pagtulong sa iyong pinakamamahal na lola." Tumawa si Randell.

"Sige. Basta ba kayanin mo ang challenges ko sa mga susunod na araw," natatawang sambit ni Martina. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro