Chapter Sixteen
Isa na namang nakakapagod na araw para kina Martina at Randell kaya napagdesisyunan ni Nanay Remmy na bigyan sila ng oras para makapagpahinga sa pamamagitan lamang ng panonood ng mga horror movie.
"Sinabi sa akin ni Alina na ang pelikulang ito ay pinamagatang 'I Spit On Your Grave '. But I really preferred filipino horror movies just to watch those half human half animal creatures. May mga maganda kayang palabas na may mga creature?" paglalahad ni Nanay Remmy na may kaakibat din na katanungan.
"Nanay Remmy, may alam akong magandang pelikula, subukan mo ang Shake Rattle And Roll films, siguradong tatalon ka sa takot," rekomenda ni Randell at hinanap ang pelikula sa TV screen.
Nagsimula na ang movie at nakatitig lang si Martina sa tv screen with a blank expression.
"This is not even scary to begin with," she uttered while watching and Randell heard that.
"Hindi mo lang ma-appreciate ang mga classic, mas maganda ito kaysa sa mga modernong pelikula kahit pa ba hindi enhanced ang effects at hindi gano'n kalinaw ang kabuuan," sagot naman ni Randell.
"Kahit habang nanonood, nag-aaway pa rin kayong dalawa. Kailan ba titigil ang digmaan sa pagitan ninyo?" Tanong ni Nanay Remmy sa mahinang boses.
"Walang makakapagpabago sa isang masungit na babae ninyong apo, sabihin na lang po natin na isa siyang hopeless case," Randell sighed. Napailing na lang si Martina nang marinig iyon. Gaya ng dati, hindi nagkulang si Randell na inisin siya.
Nasa kalahating bahagi na sila ng pelikula. Parehong inaantok sina Randell at Nanay Remmy at nakaramdam na ng takot si Martina sa mga eksenang pinapanood niya.
"Nakakatawa! Kaya niyang tumakbo pero pinipilit niyang hintayin ang tangang kaibigan niya!" Idiniin ni Martina.
Umiling si Randell at tumawa. "Akala ko hindi ka nanonood. Pero sa pagtingin ko ngayon, mukhang interested ka pala sa palabas na iyan."
"Wala lang akong choice. Lola Remmy, maganda ba ang pelikula?" Napatingin siya sa kanang bahagi kung saan nakaupo si Nanay Remmy at napansin niyang nakatulog na pala si Nanay Remmy sa couch.
"I told you Randell, boring yung movie na ni-recommend mo, tingnan mo na lang yung lola ko na nakatulog na."
Pasimpleng ngumisi si Randell sa kanyang lady boss. "Napaka-killjoy mo naman."
Makalipas ang isa pang tatlumpung minuto, si Martina na lang ang natitirang gising na nanonood ng pelikula. Nakatulog din si Randell. Natapos ang pelikula at nasiyahan siya. Marahan niyang tinapik ang balikat ni Randell para magising ito.
"Anong klaseng tao ka? pusa ka ba? Literal na natutulog ka kahit saan kapag inaantok?" bulong niya.
Napabuga ng hangin si Randell at agad na tumayo sa sofa kung saan siya nakatulog. "Tapos na ba ang pelikula?"
"Yes," maikling sagot niya at tumayo na rin sa kanyang sofa. Pagkatapos ay ginising niya si Nanay Remmy. Napangiti na lang ang lola niya nang makita ang mukha niya.
"Nakatulog pala ako, hindi ko pala masusulit ang pera ko kung sa sine ako manonood."
"Okay lang yan lola, pumunta ka na sa kwarto mo at goodnight na," sabi ni Martina.
"Kayo ni Randell, hindi pa ba kayo matutulog? Manonood ba kayo ng romantic movie?"
Napataas lamang ang kilay ni Martina dahil sa panunudyo ng kanyang lola. "Napakapangit ng taste ni Randell sa pamimili ng pelikula kaya hindi ko matitiis na manood kasama ang lalaking 'yan."
"Eh, di ikaw na ang pumili," suggestion pa ni Nanay Remmy sabay tingin nang makahulugan sa dalawa.
"Matutulog na po ako, goodnight na rin po," Randell excused himself. He awkwardly walked through his room. Napatitig din siya sa kisame at inalala kung paano niya nahuling nakatingin sa kanya si Martina habang nakaidlip siya sa panonood ng movie kanina.
"Parang tiningnan ako ng anghel. Bakit niya ginawa 'yon?"
Nakatulog din siya ngunit hindi naalis sa isip niya ang ginawa ni Martina. Baka nga pati sa panaginip niya ay dalawin pa siya nito.
***
Isasauli na sana ni Randell ang push cart na hiniram niya kinabukasan, napansin niyang may estranghero sa tapat ng gate ng mansion nang palabas na sana siya. Naalala at nakilala niya ang lalaki, ito ang lalaking bumisita kay Martina kahapon.
Lalapitan na sana ni Randell ang lalaki ngunit biglang lumayo iyon nang makita niya ito kaagad. Napakamot na lang siya ng ulo.
"Anong mayro'n sa lalaking iyon? Ni hindi ko nga siya sinusubukang hampasin ng push cart na hawak ko tapos biglang lumayo."
Nagkibit-balikat siya at pinuntahan na lang ang kapitbahay na nagngangalang Mang Damian, ang parehong lalaki na malapit kay Nanay Remmy.
"Hi Sir, pasensya na kung ngayon ko lang ibinalik ang push cart mo," paghingi niya ng paumanhin.
Ngumisi si Mang Damian. "Ayos lang anak, may extra pa akong push cart na magagamit ko sa tindahan ko."
"Thank you, sir." Ngumiti naman si Randell sa kanyang kaharap.
"Anak, alam mo ba na laging may naghihintay at nakatayong estranghero sa mansyon mo? May sasakyan siyang itim na SUV, palaging naka-formal attire, matangkad, tanned ang balat at parang army cut type ang gupit niya," tanong ni Mang Damian habang inilarawan nang mabuti ang mga detalye.
Nagtaas ng kilay si Randell. "Well, I think I saw him once, your description to him was kinda similar to Ms. Martina's client na bumisita sa kanya kahapon sa office."
"Mag-ingat ka sa lalaking 'yan, ayon sa mga tauhan kong babae na pamangkin ko rin, kilabot ang lalaking 'yon. Tila manyak," babala ni Mang Damian.
"Talaga po ba? Mukha naman siyang disente. Paano mo naman po nasabi na may kakaiba sa kanya?" Tanong ni Randell, nagsimula na rin siyang mag-alala kay Martina kung totoo man ang lahat ng sinabi ni Mang Damian.
"Hinawakan niya ang mga kamay ng aking pamangkin at tinitigan siya na parang hina-harass siya," pagtatapat ni Mang Damian. "Isipin mo na lang 'yong pakiramdam na biglang hinawakan ang kamay mo ng isang tao nang walang pahintulot," dagdag niya.
"Oo, malinaw na kakaiba iyon para sa akin. Kakaiba talaga sa akin ang lalaking iyon noong una ko siyang makita, para siyang sexual predator," pagsang-ayon ni Randell.
"Sir, salamat sa pagsasabi sa akin tungkol sa ugali ng lalaking iyon, sasabihin ko kay Ms. Martina na dapat siyang mag-ingat sa lalaking iyon," sabi ni Randell. Nang magpaalam na siya kay Mang Damian ay agad itong bumalik sa mansyon at pumunta sa opisina ni Martina sa loob. Hinanap niya ito ngunit sa kasamaang palad ay wala na siya.
"Hindi man lang niya sinabi sa akin ang tungkol sa schedule niya at kung may iba pa siyang ipagagawa." Napabuntong-hininga si Randell pero hindi siya nawawalan ng pag-asa, baka hindi pa umaalis ng mansyon si Martina o nasa kwarto lang pala ito. Tinanong din niya si Alina kung nasaan si Martina as of this moment. Sinabi sa kanya ni Alina na nakita pala nito si Martina na nagmamaneho ng sasakyan palabas ng mansyon.
***
Napasinghap si Martina nang bigla niyang ihinto ang kanyang sasakyan. Napansin niyang flat ang gulong nito.
"Dapat pala, sinuri ko ito bago lumabas ng bahay," diin niya at nakaramdam na naman ng pagkairita dahil sa inconvenient na nararanasan niya ngayon.
Tatawagan na sana ni Martina si Randell, sa pag-aakalang matutulungan niya ito sa pagkakataong ito ngunit bago pa niya ito gagawin ay may isang pamilyar na lalaki ang lumapit sa kanya. Nagpakita lang siya sa harap ni Martina.
"Sir Jules? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Martina. Out of all the people that she could meet, bakit ang lalaking ito na nagpapasakit ng ulo niya?
"Such a coincidence, Ms. Martina, baka pareho tayo ng lugar na pupuntahan," sabi ni Jules sa kanya na may masiglang ngiti sa labi.
"Maaari mo bang sabihin sa akin kung may alam kang malapit na vulcanizing shop sa lugar na ito? Hindi naman kita aabalahin, minor flat tire lang siguro ito." Awkward na ngumiti sa kanya si Martina.
"Hindi, hindi ako pamilyar sa lugar na ito. O dapat mong tawagan ang iyong kasamahan o isang tao sa iyong bahay upang kunin ang iyong sasakyan at maaari naman kitang ihatid sa pupuntahan mo. I think you are supposed to have a meeting today," mungkahi ni Jules.
Nakatitig lang si Martina sa lalaki with a blank expression in her face. Iniisip niya kung paano nalaman ni Jules na dadalo siya sa isang mahalagang meeting.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa appointment ko ngayon?" prangka niyang tanong.
Sinamaan siya ng tingin ni Jules saka tumawa na parang may tinatakpan.
"Ah, nahulaan ko lang kasi alam kong busy kang tao. Wala ka man lang hiwalay na oras para makipag-date at mag-unwind."
"Ah sige. Sa tingin ko kaya kong i-drive ang kotse ko ng dahan-dahan para iparada ito sa isang ligtas na lugar. I might get a violation if I just park my car on this highway," paglilinaw ni Martina.
"Okay, aalalayan naman kita," nakangiting sagot naman ni Jules.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro