Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fourteen

Dalawang beses na kumatok si Martina sa pinto ngunit wala siyang narinig na tugon mula kay Randell. Halos sampung oras na siyang tulog. At sa pagkakaalala ni Martina, hindi nag almusal o tanghalian si Randell at oras na ng hapunan.

Nag-aalangan siyang pumasok sa loob ng kwarto ni Randell pero pinili pa rin niyang pumasok kahit walang pahintulot ng binata.

"Randell, gabi na, paano kaya kung mag-dinner ka na lang tapos makatulog ka na lang ulit?" suhestyon niya habang binubulong ang kanyang mga salita. Umiling agad siya dahil wala siyang nakuhang sagot mula rito, natutulog pa nga talaga ito .

Napabuntong-hininga si Martina. Nagpasya siyang lumapit sa tabi ng kama ni Randell at sa wakas ay nagkaroon siya ng kalayaan na tingnan siya at suriin ang bawat detalye ng mukha nito.

"Para kang maamong tupa. At napaka-cute mo rin pala" komento niya habang nilapitan at halos hawakan ang mukha nito habang natutulog. Halos malagutan siya ng hininga nang matagpuan niya itong parang anghel— payapang natutulog dahil sa wakas ay tapos na siya sa kanyang misyon. Ngunit hindi niya naisip si Randell bilang isang anghel, isa itong bampirang mapang-akit. He has these bloody red lips, white complexion and thick eyelashes, enough for everyone to fall easily for him.

"Mukhang harmless ka talaga kapag tulog ka or should I say, hindi masyadong halata na mayabang ka kapag ganito ka." She placed her hand behind her chin and she's still looking at Randell na parang si Sleeping Beauty ito.

Nang matapos niyang tingnan ang mukha ni Randell, dahan-dahan niyang tinapik ang mga braso nito para magising siya. "Hoy! Randell, gising na!" Nagtaas siya ng boses at umalingawngaw ito sa kwarto.

"Gumising ka o maubusan ka ng pagkain para sa hapunan!" sigaw niya ulit.

Paulit-ulit niyang tinapik ang mga braso ni Randell hanggang sa makaramdam siya ng biglaang tugon mula rito.

"Mamatay—" lumabas sa bibig ng binata. Walang kamalay-malay si Randell na tinulak niya si Martina at napaupo ito sa sahig.

Sa wakas ay nagising si Randell ngunit naghahabol siya ng hangin. "May mamamatay, nanaginip ako nang masama..."

"Huh? Nasisiraan ka na ba ng bait?" reklamo ni Martina at muli siyang nagalit nang maramdaman ang pananakit ng likod at hita niya dahil sa sobrang lakas ng pagtulak ni Randell sa kanya.

"Ms. Martina? Anong ginagawa mo rito?" natatarantang tanong ni Randell habang pilit na nanlalaki ang mga mata. "I'm really sorry, Binangungot yata ako tapos hindi ko naman namalayan na nandito ka pala dahil tulog ako. Totoo ang mga sinasabi ko," paghingi niya ng paumanhin nang sa wakas ay napagtanto niya ang kanyang pagkakamali.

"So, you are implying na mukha akong multo sayo?" tanong ni Martina habang sinusubukang tumayo. "Sa tingin ko kailangan kong magpatingin sa isang orthopedic surgeon dahil sa ginawa mo sa akin kanina," naiinis niyang dagdag .

"Sobra ka naman, hindi ka naman nahulog mula sa ikatlong palapag sa lupa." Ngumisi si Randell habang iniunat ang mga braso para maabot ito ni Martina at maingat na tumayo.

"Talagang hindi ka nagkukulang na pahirapan ako. Pumunta ka na nga lang sa dining area. Ginising lang kita kasi dinner na. Wala akong masamang hangarin sa'yo. Hindi ako yung tipo ng babae na madaling manligaw ng lalaki," paglilinaw nito habang hinihimas ang masakit na bahagi ng likuran.

Bahagyang natawa si Randell. "Hindi ko naman naiisip na magagawa mo iyon. Salamat sa paggising mo sa akin. Next time magse-set na lang ako ng alarm."

"Bahala ka. Ich-charge ko pa rin sa'yo ang pagpapa-check up ko sa doktor," galit na sambit ni Martina saka lumabas ng silid.

***

Matutulog na sana si Martina nang marinig niyang tumunog ang kanyang telepono. Bumuntong-hininga siya at kinuha iyon ngunit nabitawan niya iyon nang makita niya ang unregistered number na bumabagabag sa kanya simula noong nakaraang buwan.

"Sino ka ba? Bakit lagi mo akong tinatawagan at tine-text. Na-block ko na ang number mo dati. Huwag mo na akong tangkaing tawagan ulit!" sigaw niya sa kabilang linya.

"Alam mo ba? Kahit sinubukan mong tumakas sa akin, lagi kitang nakikita. So, sino yung lalaking kasama mo kagabi? Siya ba ang nobyo mo? Ang baba naman pala ng standards mo," tanong ng unknown caller. Hindi makilala ni Martina ang boses ng tumatawag dahil napakalalim, malamang ay gumamit ng app ang tumatawag para pekein ang boses.

"Huwag kang maglakas-loob na pumunta sa bahay ko! At huwag mo na akong takutin nang ganito! Kakasuhan kita!" babala niya.

"I already miss you," pabiro na sabi ng tumatawag at saka niya tuluyang tinapos ang tawag.

Hinagis ni Martina ang phone niya dahil sa sobrang inis niya sa mga sandaling ito. Sa halip na matulog ay nagdesisyon siyang pumunta sa kusina para lang uminom ng tubig. And after that, she decided to go to the pool area and she was surprised to see Randell, cleaning the swimming pool.

"Gabi na rin. Anong ginagawa mo rito. Sinong nagsabi sa'yo na maglinis ka?" tanong niya habang papalapit sa kinaroroonan ni Randell.

Napangiti si Randell at napatigil sa pinagkakaabalahan niya. "Sa nakikita mo, naglilinis ng pool. Tapos malapit na akong lumangoy, kung papayagan ako. Masama bang lumangoy dito?"

"Hindi naman, pinapayagan na kitang lumangoy anumang oras na gusto mo," sagot ni Martina.

"Bakit hindi ka natutulog?" tanong niya at nakagat lang ni Randell ang ibabang labi. "Mahigit sampung oras yata akong natulog at hindi na ako inaantok ngayon. At naiinip ako sa kwarto ko kaya napagdesisyunan kong pumunta dito at kausapin sandali ang pusa ko, pagkatapos ay sinimulan kong linisin itong pool."

"Hindi ako makatulog, ang dami kong iniisip." Napabuga ng hangin si Martina. "Parang sumasakit ang ulo ko sa tuwing naiisip ko ang nangyari sa buhay ko and also, this working matters."

"Okay lang na ganoon ang pakiramdam, Ms. Martina." Isang masayang titig ang ibinato ni Randell sa kanyang amo.

"Minsan kapag abala tayo sa pag-o-overthink, unti-unti tayong nawalan ng motivation. Kinakain ng kalungkutan ang ating kaluluwa at minsan, nababawasan ang kagustuhan nating mabuhay," saad ni Randell. "Ngunit noon, unti-unti kong napagtanto na walang ibang makakatulong sa iyo na manalo sa mga laban ng isipan maliban sa iyong sarili. Kapag nalulungkot tayo, sa tingin ko okay lang na gano'n ang pakiramdam. Hindi mo masusubukang pekein ito dahil habang nagpapanggap ka na ayos ka lang, lalo mo lang palang pinapahirapan ang sarili mo."

"Tama ka. Minsan, hindi ko alam kung paano burahin ang negative thoughts sa utak ko. Feeling ko, sobrang hina ko na" Umupo si Martina sa gilid ng pool at nilublob niya ang kanyang mga kamay sa tubig.

"Alam mo? Gusto ko talagang subukan ang paraan na sinabi mo sa akin bago tayo dumating dito. Na dapat kong hayaang mabasa ng tubig ang aking mga kamay hanggang sa manlamig at manhid ang mga ito. Kasi galit na galit talaga ako ngayon," Martina honestly said.

"Sige lang. Subukan mo," sagot ni Randell habang nakatingin sa kabilang side ng pool. "Hindi kita tititigan. Hahayaan na lang kitang gawin ang pamamaraang iyon hanggang sa matapos mo iyon."

"Salamat," sigaw ni Martina at hinayaang ibabad ang kanyang mga kamay sa tubig ng halos tatlumpung minuto. At nang maramdaman niya ang lamig at pamamanhid ng kanyang mga kamay, pinatuyo niya ito gamit ang bath robe na suot niya that time.

"Hindi talaga gumagana, galit pa rin ako. Gusto kong murahin sina Gwendolyn at Donny dahil sinira nila ang mood ko noong isang araw," reklamo niya sabay hinga nang malalim.

"Ang pinakamagandang paraan ay ang sumisid sa ilalim ng tubig na iyon. At kung sa wakas ay napalaya mo na ang iyong galit, ito na ang oras na maaari kang lumutang para umahon," mungkahi ni Randell.

"Okay okay." Bumaba si Martina sa tubig at hindi man lang tinanggal ang kanyang robe. Sinunod niya ang sinabi ni Randell.

Si Randell naman, halos walong minutong naghintay pero napansin niyang hindi pa umaahon si Martina. Nag-aalala tuloy siya para sa dalaga

.

"Uy, Ms. Martina? Ayos ka lang ba?" tanong niya na parang naririnig siya ni Martina na nakababad pa rin sa ilalim ng tubig.

Hindi siya nagdalawang isip na tulungan ito. Sumisid siya sa pool para tingnan kung maayos pa ba si Martina. Habang sumisid ay kitang-kita niyang nakapikit si Martina. Inabot niya ang kamay niya at lumalangoy habang hinihila ito palayo sa pool. Huminga siya nang malalim at marahan niyang hinawakan sa balikat si Martina at maingat na ihiniga sa sahig.

"Ms. Martina, okay ka lang?" tanong niya habang nagdadalawang isip kung dapat ba niyang bigyan ng first aid si Martina. Halos isang minuto bago sumagot si Martina, sa wakas ay iminulat niya ang kanyang mga mata at agad na nilayo ang sarili kay Randell.

"Nakatulog ako habang nasa tubig ako," bulong ni Martina at isang butil ng luha ang lumabas sa kanyang mga mata.

"Nakatulog talaga ako."

"Umiiyak ka. Pumatak na ang mga luha mo," puna ni Randell. Naawa siya kay Martina sa mga sandaling ito.

"I'm sorry dahil nakita kitang umiiyak, hindi ako makatingin sa malayo, alam kong hindi ka okay kanina," paghingi niya ng paumanhin.

"Hindi mo na lang sana ako sinagip," wika ni Martina habang pinupunasan ang kanyang mga luha. "Pero, nawala talaga ang galit ko. Salamat."

"Ms. Martina, matulog ka na. Dahil alam kong pagod ka buong araw," mungkahi ni Randell.

"Kumusta naman? Nagpupuyat ka ba talaga sa ganitong oras?" tanong ni Martina.

"Hindi naman. Sige, magda-dive na lang ako sa pool," mabigat na buntong-hininga ang sagot ni Randell. "Nag-aalala talaga ako, akala ko malapit ka nang mamatay."

"Kung mamamatay ako, sino ang mag-aalaga sa aking lola bukod sa akin? Nang bumalik si lola, nangako ako na mas magpapakabuti ako. Mabubuhay pa ako at aalagaan ko siya. Hindi ko siya hahayaang mawala tulad ng dati. And I will never be a cause of her pain and worries," pag-amin ni Martina.

"Isang magandang character redemption 'yan," komento pa ni Randell.

"Totoo 'yon. Simula ngayon, hindi ko na siya bibiguin. Gagawin ko ang lahat para alagaan siya dahil siya lang ang pamilya ko bukod sa mga loyal na kasambahay namin." May ngiti sa labi ni Martina.

"Ang gandang pakinggan ng sinabi mo, Ms. Martina." Ngumiti si Randell pabalik sa kanya at biglang natuon ang mga mata nito sa labi niya. Namumula ito at naka-pout, parang tinutukso siyang halikan ang mga ito.

Nakayuko si Randell para hindi makatingin kay Martina. Hindi niya maintindihan kung bakit naliligaw siya sa mga ganoong pag-iisip.

"I'm sorry for looking at you," paghingi niya ng paumanhin, nakayuko pa rin ang ulo at nakatingin sa asul na tubig.

"Huh? Hindi ka naman tumitingin sa akin ngayon," sagot ni Martina.

"Wala. I have to go, bigla kong naramdaman na matutulog na ako." Pineke ni Randell ang paghikab at nagmadaling umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro