Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eighteen

Malabo pa rin ang paningin ni Martina nang magising siya. Napagtanto niyang namamanhid na siya at hindi man lang makagalaw. Hindi niya rin makilala ang lugar pero alam niyang nasa isang hotel room siya ngayon.

Dahan-dahan niyang sinubukang bumangon sa kama ngunit nabigo na lang siya nang makaramdam siya ng mabigat na bigat sa ibabaw niya. Namalayan na lang niya na nasa panganib na siya.

"Jules, lumayo ka sa akin," pakiusap niya sabay hikbi Ngunit ang lalaki ay tila bingi at gumamit pa ng puwersa pagtangkaan siyang abusuhin. Tinakpan ni Jules ang bibig ni Martina habang mas lalo siyang nagiging marahas.

"Please, let go of me..." Naluluha na si Martina, nagdadasal na sana may makarinig sa kanila at makahingi siya ng tulong.

"Sorry, nanalo ako this time. Makuha na rin kita, sa wakas." Natigilan si Jules sa ginagawa niya kanina, he took a moment to glare at Martina. "I almost forgot, for sure gusto mong malaman kung bakit aware ako sa bawat detalye tungkol sayo."

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ni Martina habang umiiyak pa rin. Lumayo na rin siya sa kama, sinusubukan pa ring makatakas.

"Ako kasi ang laging tumatawag sa'yo. Pero ang sakit sa puso ko dahil lagi mo na lang akong akong tinatanggihan," pagtatapat ni Jules saka nagpakawala ng masamang tawa.

"Ang pervert mo! How dare you do that to me!" sigaw ni Martina. Pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng hininga at himatayin na siya sa takot.

"And I also wiretapped your phone, that's why I knew your boyfriend's number. And I'm always monitoring every move you make," dagdag ni Jules.

Walang nagawa si Martina kundi ang sumigaw kahit nanginginig na siya sa takot. "Tulong, tulong!"

"Kahit anong lakas ng sigaw mo, walang kwenta dahil soundproof ang kwartong ito. Ako rin ang may pananagutan sa pagkasira ng sasakyan mo," pag-amin ni Jules. At ngayon, hindi na siya nag-aksaya ng panahon para gawin ang plano niya para kay Martina. Inabot niya ang mga kamay niya at sinubukang halikan ito pero binato lang ni Martina ng unan ang mukha niya.

"Bakit mo ito ginagawa?" tanong ni Martina habang umiiyak.

"Siyempre, maganda ka at kaladkarin ka namang babae noon. Super easy to get ka pa. Gusto ka ng lahat!" bulalas ni Jules sa malademonyong tono. Ilang minuto ang lumipas, nakarinig sila ng malakas na tunog mula sa pinto, na parang may gumagamit ng malakas na puwersa para mabuksan ito.

At hindi nga sila nagkamali, may dumating para iligtas si Martina at hindi lang siya, may kasama siyang dalawang pulis. Ang lalaking iyon na dumating—ay si Randell.

Sa wakas, unti-unting nawawala ang takot ni Martina. Dumating ang mga pulis sa tamang oras at nasaksihan nila kung paano sinubukang halayin ni Jules si Martina, nakakuha na sila ng matibay na ebidensya laban dito. Agad na pinosasan si Jules, inihatid palabas ng hotel at diretsong dinala sa istasyon.

"Okay ka lang ba, Ms. Martina?" tanong ni Randell habang pilit na pinapakalma ang amo at hindi na umiyak.

Marahan niya itong hinawakan at binigyan ng comfort hug. "Ako ito, hindi mo na kailangang mag-alala pa."

"Salamat, Randell..." bulong ni Martina habang tumutugon sa yakap ni Randell. Nanghihina na ang katawan niya kaya naman hindi siya makatayo. Hinayaan na lang niya si Randell na buhatin siya palabas ng hotel room.

Hindi inaasahan ni Martina na mahahanap ni Randell kung nasaan siya. O baka naman dahil nag-text siya kay Nanay Remmy tungkol sa kanyang lokasyon bago siya sinubukang pagsamantalahan ni Jules.

Sa sandaling iyon, nalaman ni Martina na nagsasabi ng totoo si Nanay Remmy—na si Randell ay hindi makasarili at laging handang tumulong sa lahat. Dumating siya nang hindi inaasahan at ngayon, malaki ang utang nito sa kanya. Iniisip niya na hindi niya kayang mawalan ng empleyadong tulad nito.

Habang karga-karga siya ni Randell, nakapulupot ang mga braso niya sa leeg nito. Nanginginig pa rin siya pero hindi lang dahil sa takot—kundi isang biglaang kilig ang naramdaman niya para sa binata. She was enthralled by the scent of his polo shirt. Then, she suddenly realized na nasa taxi na pala silang dalawa.

"Pupunta muna tayo sa police station. Magsasampa tayo ng reklamo," he told Martina in a calm tone.

"Wala pa yata akong lakas ng loob na harapin ang lalaking iyon," sigaw ni Martina habang dahan-dahang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"Kailangan mong gawin 'yon. Nakipag-coordinate din ako sa mga empleyado ng mall sa parking area. Gusto ko lang malaman kung 'yong lalaking nagtangkang umabuso sa'yo ay siya ring lalaking umatake sa akin," paliwanag ni Randell sabay hawak sa ulo niya.

Napansin ni Martina ang bahid ng dugo sa polo ni Randell. Nakaramdam na naman siya ng takot.

"Sa tingin ko, kailangan muna nating pumunta sa ospital," mungkahi ni Martina habang naglalaan ng oras para tingnan nang malapitan ang bahaging tinitiis ni Randell ang sakit.

"Okay lang Ms. Martina, I can go on my own pero magsampa na lang muna tayo ng reklamo." Si Randell ay may ngiti pa rin sa kanyang mga labi. That smile was enough to ensure that everything was under control.

***

Gabi na nang bumalik sa bahay sina Martina at Randell. Sinisiguro nilang hindi makakalabas si Jules sa kulungan. Hinayaan ni Martina si Randell na gawin ang lahat para tulungan siya hanggang sa sandaling ito.

"Salamat, hindi ko alam kung paano ka masusuklian sa kabaitan mo. Kung hindi ka dumating ng mas maaga, tiyak na nagtagumpay na si Jules na pagsamantalahan ako," she said.

Ngumiti si Randell. "Hindi mo kailangang bayaran ito. Gusto ko lang sa susunod, hayaan mo akong sumama sa'yo. Hayaan mo akong maging all around assistant mo, dahil iyon ang pinirmahan kong magtrabaho sa iyo noong una pa lang."

"Hindi ko sinabi sa iyo ang tungkol sa schedule ko dahil ayaw kong maging masyadong dependent sa'yo," pag-amin ni Martina.

"Pero tingnan mo kung anong nangyari. Ms. Martina. Gayunpaman, hindi mo naman kasalanan. Pero mas magiging secure tayo kung hahayaan mo akong maging bodyguard mo na rin," sincere na suggestion ni Randell.

"Pero siguro, kasalanan ko naman talaga. Naakit ko siguro si Jules, baka nakipag-meeting ako sa kanya noon habang naka-mini skirt. At siguro, masyado akong mabait kaya na-misinterpret niya—"

"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Kung ang lalaking iyon ay may dignidad na natitira sa sarili niya, hindi niya sasaktan ang sinumang babae kahit anong kasuotan nito. Ang isang lalaking tulad niya ay nag-e-exist dahil siya ay isang abuser at hindi niya mapigilan ang sarili niyang gawin ang krimen na iyon," paliwanag ni Randell at biglang napabuntong-hininga.

"Matulog ka na," dagdag niya.

Napailing si Martina sa hindi niya pagsang-ayon sa sinabi ni Randell.

"Sinabi niya sa akin na easy to get akong babae. Kita mo na? Hindi pa rin ako makatakas sa aking maduming nakaraan. Ang tingin pa rin nila sa akin ay isang flirt, isang kalapating mababa ang lipad— lagi nilang binabanggit ang past ko. Ang unfair talaga! Ngunit kapag ang mga lalaki ay nagkaroon ng maraming affairs sa iba't ibang mga babae, hindi big deal at kahit na hindi sila gumawa ng seryosong mga pangako, kukunsintihin lang sila ng lipunan. Sasabihin nila na normal lang sa lalaki ang hindi magseryoso, normal lang sa lalaki na makipaglaro sa nararamdaman ng iba. Pero kapag ginawa ng babae ang ginagawa ng lalaki, automatic, slut agad ang ibabansag sa babae."

Napabuntong hininga si Martina at muling umiyak. "Parang ang dumi ko ngayon. Dahil kahit kailan ay hindi ko ipinagtanggol ang sarili ko noong hinawakan niya ako at hindi rin ako makalaban noong sinubukan niya akong hubaran."

"Hush. Ms. Martina, huwag kang mag-alala dahil nandito ako. Hindi kita sasaktan gaya ng ginawa sayo ni Jules. Tinitiyak ko sa iyo na mananalo tayo sa kasong ito. Siguradong mabubulok siya sa kulungan." Naawa si Randell kay Martina. Hindi na niya ito kayang tingnan nang mas matagal dahil sumasakit ang puso niya habang nakikita siya sa ganoong sitwasyon at alam niyang hindi sapat ang mga salita niya para pigilan ito sa pag-iyak at pag-aalala dahil sa trauma ng pag-abuso.

Biglang tumayo si Martina at pumunta sa comfort room. Doon, hinayaan niyang magbabad sa umaagos na tubig habang nasa labas pa rin si Randell at naalarma na narinig niya ang sigaw nito.

"Ms. Martina, okay ka lang? Pakibuksan naman ang pinto. Huwag kang gumawa ng isang bagay na ikapapahamak mo!" Ilang beses kumatok si Randell sa pinto. Napabuntong-hininga siya nang mapagtantong hindi naka-lock ang pinto kaya walang imik siyang pumasok. Nalaman niyang nasa shower si Martina at umiiyak nang malakas.

"Ms. Martina, anong ginagawa mo? Sinabihan ka ng doktor na huwag kang maliligo dahil sa paggamot sa iyong mga pasa!" bulalas ni Randell habang pinapatay ang shower. Agad niyang tinakpan ng tuwalya si Martina. Nabasa rin siya ng tubig ngunit labis siyang nag-aalala para kay Martina.

"Ms. Martina—"

"Masisisi mo ba ako? Galit ako, gusto kong manhid dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko," umiiyak niyang sabi.

"At nadudumihan din ako sa sarili ko ngayon. Kung maligo ako, baka mawala ang dumi," histeryosong dagdag ni Martina.

"Bakit nila ako tinatrato na parang hindi ako karapatdapat magbago?" Hindi na nakatiis si Martina, ipinatong niya ang ulo sa balikat ni Randell habang marahang tinatakpan siya ng tuwalya.

Hindi makapagsalita si Randell. Hinayaan na lang niyang magpahinga si Martina sa tabi niya. Natigilan din siya, alam niyang bigla siyang nakuryente nang maging malapit na sila sa isa't isa.

"Deserve ko ba ang lahat ng ito?" bulong ni Martina habang patuloy pa rin sa pagpalahaw.

"Siyempre hindi," mabilis na sagot ni Randell. Ilang minuto ang lumipas, nang tumingin siya kay Martina, napagtanto niyang nakatulog na ito habang nakapatong ang ulo nito sa kanyang balikat. At dahil doon, minabuti niyang kargahin ito at maingat na ihiga sa kama nito. Nagpaalam na rin siya kay Nanay Remmy na babalik na siya sa kanyang silid ngunit nakiusap naman ito na kung maaari ay samahan nito si Martina sa buong magdamag.

"Pero lola. I mean, Nanay Remmy, alam n'yo naman kung anong nangyari kay Martina. Ayokong pag-isipan niya ako nang masama kapag nagising siyang kasama niya ako sa iisang kwarto," pagdadahilan naman ni Randell.

"Please, Randell. Baka mag-self harm ang apo ko. Baka bigla siyang gumising tapos kung ano na naman ang gawin, " pagmamakaawa ng matanda.

Napabuntong-hininga lamang si Randell at pilit na tumango. "Sige po. Pangako, hindi ako lalapit sa kanya. Sa bakanteng couch lang po ako matutulog."

"Maraming salamat huh. Salamat dahil inintindi mo si Martina at halos binuwis mo pa ang buhay mo para sa kanya." Nanay Remmy went teary eyed for a moment. Tumango lamang si Randell at ngumiti bago bumalik sa silid ni Martina. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro