Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Two: ZAVI

Chapter Two: ZAVI

CL's Note: Hey guys! Sana 'wag niyo akong awayin kung puro masasakit at mabibigat ang eksena sa mga naunang chapters sa Season Two! Huhu! Gano'n talaga kasi takbo nito kaya i-enjoy niyo na lang. It's part ho kasi of unfolding the mystery of our heroine's life. Gano'n!

Enjoy reading!



3rd.

"See you after 20 days, Zavi baby."

Napanguso ang batang si Katareina Zavina nang marinig ang seryoso at malamig na boses ng kakambal niyang si Katarina Zenkiah.

"You don't look excited to see me again, Zenki." nagtatampong saad niya.

Bumuntong hininga si Katarina Zenkiah saka nilapitan ang nagtatampong kakambal.

"That's not true. Kung pwede lang sana after 20 days na agad ay gagawin ko."

Malungkot na ngumiti si Katareina Zavina saka natatawang tinulak nang mahina ang balikat ng kakambal. "I know. Sige na! Umalis ka na! Baka nandiyan na ang sundo mo." marahan niyang tinulak palabas ng pinto si Katarina Zenkiah.

Tinukod nito ang dalawang kamay sa pintuan saka muling humarap sa kanya. "I love you, Zaviii baby." saad nito sabay yakap sa kanya nang mahigpit.

Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ng kakambal at pinagdikit ang kanilang noo. "I love you the most, Zenkiii baby." bumungisngis siya saka matunog na hinalikan ang pisnge ng kakambal na ikinainis nito.

"Ugh! I told you no wet kisses!" reklamo nito sabay pahid sa pisnge.

Tumawa si Katareina Zavina. "Now go!" tulak niyang muli dito. "Bye!" mahinang sigaw niya dito nang papalabas na ito ng pinto. Lumingon ito sa kanya saka tipid na ngumiti. Nagningning naman ang mga mata niya dahil sa wakas ngayong muling pagkikita nila ay nakita na naman niya ang ipinagdadamot nitong ngiti sa iba.

"Babye." Katarina Zenkiah mouthed.

Marahan niyang sinarado ang pinto at tila napapasong binitawan iyon saka lumayo. Tumungo siya sa tabi ng kanyang kama at sumalampak sa sahig.

Nilibot niya ang tingin sa loob ng kwarto... ang lugar na naging kanyang tahanan sa loob ng limang taon.

The little Katareina Zavina bended her knees and embraced her legs. Dumukmo siya sa mga tuhod at tahimik na umiyak.

*****

Nakangiting nilalaro ni Katareina Zavina ang tanging manikang pagmamay-ari niya. Regalo ito ng kanyang lola na ina ni Duke Douglas, si Lady Dane.

"Reina! Reina! I love you." aniya gamit ang iniipit na boses habang nakaharap sa kanyang mukha ang manika at pinatango-tango niya ang ulo nito na tila ito ang nagsalita.

"I love you too, Tari! You will never leave me right?" sagot niya naman gamit ang normal na boses.

"Promise Reina! Tari loves you so so so so much."

"Hihihi. I love you so so so so much even if you will eat my favorite banana! But you're a doll Tari I know you can't eat banana." napanguso siya dahil sa reyalisasyon na kahit ano man ang mangyari isang laruan pa rin ang tinuturing niyang kaibigan.

"I miss you Zenki." malungkot na wika ng batang si Reina at niyapos ang manika. Naalala niya ang kanyang kakambal... ang greyish-green nitong mga mata, ang golden blonde nitong buhok, ang seryoso nitong mukha. "You know what, Tari?" aniya sa manika. "I want to call her Tari and her calling me Reina. Isn't it cute?"

Tumawa siya nang mahina. "Ahh. Don't get jealous, ayaw niya naman tawagin siyang gano'n 'e. She wanted to be called Zenki and me Zavi." natahimik siya at sandaling napaisip. "I don't like it but I love her so much that everything she wanted me to do I'm willing to oblige."

Binalingan niya ang manika. "So, the name Tari is yours, okay?" humagikhik siya at muling niyakap ang manika.

Napatulo naman ang luha ni Lady Dane nang masaksihan ang eksenang iyon ng kanyang apo. Nakatayo ito sa pinto ng kwartong naging tahanan, playground, eskwelahan at training room ni Reina simula nang ipinanganak ito sa loob ng higit limang taon.

Gusto man nitong bigyan ng kalayaan ang apo ay hindi nito magawa dahil natatakot itong may mawala sa kahit sino man sa kambal dahil sa tradisyon ng mga Clementin.

Mag-aanim na taon na ang kambal at gano'n na katagal na ring tinatago sa lahat ng tao si Katareina Zavina o mas gusto niyang tawagin ang sarili na Reina. Lumaki si Reina na nasa loob lamang siya ng kwartong iyon at kahit kailan ay hindi pa nasubukang lumabas dahil sa takot na magalit ang inang si Kataleya.

Nakatira sila sa mansion ng mga Olson kung saan nanatili rin ang kanyang mga magulang, lolo't lola pati na rin ang nakababatang kapatid ng kanyang ama na si Mojica pero kahit kelan hindi naranasan ni Reina ang makisalamuha sa kanila maliban na lang sa lola at sa ama.

Alam ng buong mag-anak na Olson ang tungkol sa kambal ngunit nanatiling sikreto ito dahil sa kagustuhan ni Douglas at ng mga magulang nito, kahit na walang pakialam si Kataleya kung may mamatay man isa sa mga kambal at gusto pa nga nitong ipatapon sa ibang bansa si Reina.

Ang kakambal naman nitong si Katarina Zenkiah ay nakatira sa palasyo kasama ang hari at reyna. Ito ngayon ay ang Young Princess ng kaharian at susunod na magiging Crown Princess ng Slovenia.

Minsan sa isang buwan ay dumadalaw si Katarina Zenkiah sa bahay ng mga magulang at inuubos nito ang oras ng pananatili kasama ang kakambal.

Mahal na mahal nila ang isa't-isa at sa murang edad ay mulat na sila sa katotohanang isa lang ang pwedeng tatanggapin ng mga tao at ng kaharian sa kanilang dalawa at si Katarina Zenkiah iyon.

Kahit kailan hindi nainggit ang palangiti at masayahing bata na si Reina sa kapatid nitong seryoso at hindi palaimik na si Tari sapagkat masaya siya dahil may kapatid siyang prinsesa.

Hindi na tuluyang pumasok si Lady Dane at bumaba na lang at sinirado ang pinto saka labag sa loob na kinandaduhan ang attic ng mansion.

Samantala, iwinaksi ni Reina ang lungkot na nararamdaman at masigla itong tumayo sa pagkakasalampak sa sahig. Bitbit ang manikang si Tari ay naglakad ito papalapit sa kanyang white board na nakadikit sa pader at kinuha ang marker. Gumuhit ang bata sandali at tumakbo papunta sa kanyang mesa.

Tiningnan niyang maigi ang isang kakaibang bulalak na may kulay pula at asul na malalaking petals, binilang niya ang natirang petals nito.

"One, two, three, four, five... aha! Today is Wednesday!" humagikhik ang bata.

Kinuha niya ang notebook na may mga guhit-guhit at cut outs katabi ang halaman na iyon, she flip over the pages until she found the thing she's looking.

"December 20..." aniya na binasa ang kanyang sulat kamay sa notebook. Napangiwi pa ang bata dahil parang dinaanan ng bagyo ang kanyang sulat kamay. Binalik niya ang notebook saka tumayo sa harap ng bintana.

Inayos niya ang kanyang posisyon sa harap ng bukas ng bintana. Yumuyuko siya upang tingnan ang kanyang anino sa sahig pero napapangusong sumilip siya sa bintana dahil wala siyang may nakitang anino pero maya-maya nawala ang tumatabong ulap sa araw kaya napangiti siyang yumukong muli at sinundan ang direksyon ng anino. Tinataas-taas pa niya ang maliliit na mga braso.

"10am. Today is December 20... Wednesday, 10am." masayang aniya pagkatapos pumunta muli sa kanyang whiteboard at binilang ang mga guhit doon.

"One, two, three, four, five— fifteen." tinaas niya ang maliit na mga kamay at sinimulang bilangin ang mga daliri. "Sixteen, seventeen, eighteen, nineteen, twenty! Yehey five more days." Tuwang-tuwang tumalon-talon pa ito. "I will see Tari again. ~She will visit me~ She will visit me~ Tari loves me~ Tari loves me~" kinanta niya ang huling mga sinabi.

Nang marunong at maalam na si Reina na magsalita at magbilang pati na sa pagsusulat sa edad na dalawang taong gulang sa pagtuturo ni Lady Dane ay nagawa niya nang gawin ang mga ganitong bagay.

Tinandaan ni Reina ang araw na pumupunta si Tari sa kanya at binilang ang mga araw sa pagitan nito hanggang sa nakuha niyang every after 20 days ito bumibisita sa kanya.

"~Katareina, Katareina. Sweet and small, sweet and small. Don't you know I love you? Don't you know I love you? Very much! Very much!~~" magiliw na kumakanta si Reina sa paborito niyang kanta na palaging kinakanta ng kanyang Grandma Dane sa kanya.

Sumayaw-sayaw pa siya at nagsto-stomp ng kanyang maliliit na mga paa. Hinawakan niya ang hem ng kanyang dress at nagpaikot-ikot habang kumakanta pa rin.

Natigil na lang siya sa ginagawa nang tumilapon siya at malakas na humapas ang kanyang maliit na katawan sa konkretong pader.

"You noisy little rat! I told you not to make any noise!" puno ng galit na bulyaw ng ina niyang si Duchess Kataleya.

Hindi pa man siya nakakatayo ay sinipa siya nitong muli sa sikmura kaya napatakip siya sa bibig upang hindi makawala ang kanyang daing. Gustohin mang umiyak ng batang si Reina ay pinilit niyang hindi dahil mas lalong magagalit ang kanyang ina.

Binigyan siya nito ng nanlilisik na mga tingin kaya napapikit ang bata sa takot. Umalis rin agad ang limang buwang buntis na si Kataleya sa ikalawang anak nina Douglas.

Nang marinig ni Reina ang pagkalampag ng pagsarado ng pinto ay agad siyang umupo at sumandal sa pader. Ngumiwi siya ng todo dahil sa sakit at kirot sa likod pati na rin sa sikmura. Gustong-gusto niya nang ngumuwa pero hindi pwede kaya tahimik na lumandas ang piping luha ni Reina sa kanyang inosenting mga mata.

Mahigpit na nakalapat ang kanyang mga labi at nang hindi niya na kaya ay gumapang siya sa ilalim ng kanyang kama bitbit ang kumot. Mahina siyang umiyak habang takip-takip sa mukha niya ang kumot.

Ganito parati ang nangyayari sa tuwing bad mood ang ina. Siya palagi ang pinagbubuntungan nito ng galit. Ni minsan ay hindi niya narinig ang boses ng ina na malambing at malumanay tuwing kausap siya pero masaya siya kahit nasasaktan siya dahil minsan ay natanong niya sa ama kung bakit parati siyang sinasaktan ng ina.

"Daddy, why does Mommy hate me?" inosenting tanong ni Reina sa ama na nakahiga katabi niya sa kama. Kakatapos lang nitong magbasa ng bedtime story.

"Why do you say that, princess?" maamong tanong ng ama niya habang marahang tinatapik-tapik ang kanyang gilid.

"I was reading a book yesterday but she entered here and slapped me hard on my face then just this morning she whipped me with her belt." nakangiwing saad ng bata habang inaalala ang ginawa ng ina.

Napakuyom naman ng kamao si Douglas at napapikit ng ilang sandali. Hindi niya gusto ang ginagawang pagmamaltrato ng asawa sa kanilang anak at palagi nila itong pinag-aawayan ngunit hindi pa rin natitinag si Kataleya, patuloy pa rin ang ginagawa.

"Daddy?" tawag-pansin muli ng bata kaya bumuntong hininga ito.

"Mommy just loves you so much that she just want you to be aware in the things that might hurt you." napakunot naman ang noo ng bata dahil hindi niya makuha ang nais iparating ng ama.

"Why Daddy? Is hurting somebody means expressing your love towards that somebody? In the book I had read, the princess once said, 'When there's love, its other half is pain.' Is it true Daddy?" ngumiti lang ang ama bilang tugon at hinalikan siya sa noo.

"Hurting means loving. When there is love, expect the pain." muling dagdag ng batang si Reina na nakangiting nakapikit. "I believe on that Daddy that's why I love mommy very much."

"Close your eyes now, princess. Sleep tight and have a sweet dream." Niyakap nito ang anak ng mahigpit saka umalis sa attic.

Kaya kahit nasasaktan ay masaya si Reina dahil alam niyang mahal siya ng kanyang ina kaya sinasaktan siya nito.

Lumipas ang limang araw at tuluyang nalungkot si Reina dahil hindi pa rin siya binibisita ng kakambal. Nakasilip siya sa bintana at tinatanaw ang pag-ulan ng nyebe. Nakikita niya sa malayo ang mga batang masayang naglalaro sa labas. Hindi niya man marinig ang tunog ng kanilang mga tawa ngunit tila sumasama sa hangin ang boses ng mga batang naglalaro at dumidiretso sa kanyang puso.

Napahawak siya sa kanyang dibdib nang makaramdam ng kirot sa puso habang nakatingin sa masasayang mukha ng mga bata.

Ilang araw na rin siyang hindi binibisita ng ama kaya lagi na lang si Grandma Dane ang umaakyat sa kanyang kwarto pero hindi naman ito nagtatagal dahil parati itong abala.

She sighed and looked away.

Umupo si Reina sa sahig at sumandal sa pader. Pinapanood niya ang mga paang nakaunat na inuugoy-ugoy. Napadako ang tingin niya sa white board at binasa ang nakasulat doon.

"December 25, Monday."

Nilingon niya ang pintuan at tinitigan ito nang maigi. At hinihiling na sana ay bumukas ito. Kahit kailan hindi niya inisip na lumabas sa pinto dahil natatakot siyang magkaroon ng kagustuhang lumabas sa lagusan na iyon. Gaya ng sabi ng kanyang ina "You are not allowed to go outside kung gusto mong makita palagi ang kakambal mo." bumuntong hininga siya at ngumuso.

"No one's coming to visit me." malungkot niyang wika bago iniwas ang tingin sa pinto.

Inabot niya ang tray ng pagkain na nakalapag lang sa sahig at nakitang may card na nakaipit sa ilalim ng kanyang juice.

"Me-Merry Kri-Christmas, p-princess. Love Daddy, Mommy, Zenkiah and baby." mahina at mabagal na pautal-pautal na pagbasa niya sa nakasulat sa card.

Napangiti ang batang si Reina at sinimulang kainin ang pagkaing hinatid ni Grandma Dane sa kanya kanina pa.

Lumipas ang mga linggo na naging buwan nang hindi pa rin bumibisita si Tari kay Reina. Minsan na lang rin siya binibisita ng ama kaya sobrang nalungkot ang bata at nagkasakit ito.

Pumasok sa attic si Grandma Dane upang ibigay ang almusal ng apo. Nakita nitong nakadapa siya sa kama at mahimbing pa rin na natutulog kaya napangiti ito. Hindi na siya nito ginising pa at iniwanam na lang ang tray sa bedside table at nagmamadaling bumaba dahil may bisita itong kailangang asikasuhin sa baba.

Pilit na minulat ng bata ang kanyang mga mata ngunit mabibigat ang kanyang mga talukap at masamang-masama ang pakiramdam. Mas lalo niyang isiniksik ang sarili sa unan at niyakap ang kumot.

Masakit na masakit ang kanyang ulo na tila may bumabarena sa loob nito pero naramdaman niya ang pagkulo ng sikmura at nakita niya ang tray ng almusal sa bed side. Pinilit ng bata na bumangon upang makakain.

Napangiwi pa siya dahil ansama ng kanyang panlasa. Alam niyang may sakit siya kaya kailangan niyang alagaan ang sarili. Pagkatapos kumain ay tumayo siya at pumasok sa banyo. Kinuha niya ang face towel saka binasa iyon sa faucet at pinunasan ang sarili.

"Hindi ako pwedeng magkasakit, baka dumating si Zenki at mahawa siya. Ayoko no'n." aniya sa sarili habang pinupunasan ang sarili.

Pumatong pa siya sa bowl upang maabot ang medical kit at kumuha ng gamot na may label para sa lagnat.

"Fe-ver, 10ml per four hours." mahina at mabagal niyang basa sa nakasulat na label ng gamot.

Tinuruan siya ng kanyang Grandma Dane kung ano ang dapat gawin kung masama ang pakiramdam niya at ito rin ang nag-aayos sa kanyang mga gamit sa kwarto. Kaya nakakayanan rin ng bata ang alagaan ang sarili.

Kahit masama ang pakiramdam ay pinilit pa rin ni Reina na tumayo at sumilip sa bintana. Nagniningning ang kanyang mga matang nakatingin sa labas. Isa sa mga pangarap niya ay ang marating at makatakbo sa kalsadang nakikita niya mula sa kanyang kwarto. Pero alam niyang mananatiling pangarap na lamang iyon.

Napatalon pa siya sa gulat nang biglang pumasok sa kanyang silid ang inang si Kataleya na may malaki ng baby bump. Nilingon niya ang ina. Nanlilisik ang mga mata nito kaya umiwas siya ng tingin dahil sa takot. Mabilis itong nakalapit sa kanya at marahas siyang sinabunutan.

"M-mommy." naiiyak na tawag niya dito pero mas hinigpitan pa nito ang pagkakasabunot sa kanya. Napangiwi siya dahil sa sobrang sakit ng kanyang anit.

"How dare you telling my husband that I am maltreating you little useless thing." marahas siya nitong tinulak kaya napasalampak siya sa sahig.

Pinigilan niya ang sariling umiyak at pinilit 'wag gumawa ng ingay dahil ayaw niyang mas magalit ito. Hinuli ng ina ang kanyang panga at pilit pinapatingin sa mga mata nitong puno ng galit.

"Remember this little garbage. You are just a nobody. You don't exist. You are not part of our family and soon you will die." mariing sabi nito sabay kinaltok siya sa ulo at iniwan siyang nakahiga sa sahig.

As what has always happen, her mute tears roll down from her fearful and sorrowful eyes.

"Why?" mahinang tanong niya at niyakap ang sarili. "Why can't I be happy?" umiiyak na tanong niya.

Tatlong araw rin nagtagal ang kanyang lagnat na walang may nakakaalam kahit ang lola. Bumalik ang dating sigla ng batang si Reina, ang inosenti niyang mga ngiti sa labi ngunit nanatiling malungkot ang mga asul na mga mata na puno ng pangungulila.

Nagdo-drawing siya nang makarinig ng tunog ng sasakyang pumarada at apat na beses na pagbusina nito kaya napasilip siya sa bintana at gumuhit ang masayang ngiti sa mga labi ni Reina nang makita ang pamilyar na sasakyan.

Maya-maya pa ay may kumatok nang maraming beses sa pinto at bumukas ito. Nakangiting inabangan niya ang kanyang bisita.

"Zaviii baby!" wala mang emosyon ang boses ng kakambal ay ramdam niya ang tuwa nito nang magkita silang muli.

"Zenkiii baby!" masayang-masayang bulalas niya saka sinalubong nang mahigpit na yakap ang kakambal.

"I miss you so much Tari." aniya.

Umismid ang kakambal dahil ayaw na ayaw nga nito sa tawag niyang Tari.

"I miss you too. I'm sorry if I haven't visited you last Christmas. The King and Queen together with me went to The Netherlands to spend Christmas there." paliwanag nito at nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso dahil sa narinig pero binalewala niya lang iyon.

Magsasalita na sana siya nang bigla siyang pinigilan ni Tari. "Wait! 'Wag ka munang magsalita. I have a surprise for you!"

Namilog ang kanyang mga mata nang marinig ang sinabi nito.

"Close your eyes, first."

Nakangiting pinikit niya ang kanyang mga mata.

"One, two— open your eyes!" minulat niya ang mga mata. "Surprise!"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang hawak ng kakambal. Hawak-hawak nito ang isang golden necklace na may koronong pendant.

Umikot ang kanyang kakambal sa kanyang likod saka sinuot sa kanyang leeg ang kwintas. Naramdaman niya ang lamig nito sa kanyang balat kaya nakangiting inabot niya ang pendant.

"It's pretty. I love it, Zenki!" tuwang-tuwang saad niya. "But why are you giving me this?"

Hindi sumagot ang kakambal sapagkat niyakap siya nito nang mahigpit mula sa likod.

"Happy birthday." bulong ni Tari kaya natigilan si Reina.

"B-birthday?"

"Mmm. Belated na nga lang. Have you forgotten our birthday? December 24 is our birthday. I'm sorry kung wala ako to celebrate our birthday together. We went to The Netherlands nga kasi." Paliwanag nito kaya napayuko siya kagat-kagat ang labi.

"We're six." Mahinang aniya.


"Yes! We are already six!"

"B-but I don't have a gift for you." halos bulong na sabi niya. Mas lalong humigpit ang yakap ng kakambal.

"I love you." seryosong sagot nito sa kanya at natahimik silang dalawa. Nagpakiramdaman.

Humiwalay sa kanya ang kakambal kaya nakangiting hinarap niya ito. Sinipat niya ang kabuuan ni Tari. "Wow! You look so pretty with your dress!" komento niya para iiwas ang sinabi ng kakambal kanina.

Nakasuot ito ng kulay sky blue na royalty gown na hanggang talampakan ang haba. Mahaba na rin ang umaalon na kulay ginto nitong buhok.

Naglaro ang dalawang bata gaya ng nakagawian at nag-usap ng pambatang usapin.

"Zavi! Zavi!" tawag-pansin ni Tari sa kanya dahil busy siya sa pagdo-drawing, nakangiting nilingon niya ito. Nakakunot ang noo nito at seryoso ang mukhang nakatitig sa kanya.

"What is it Tari?" sumama ang mukha ng kakambal. "Okay! Okay! Sorry. What is it Zenki?" nakangiti niyang bawi.

"Zavina, put this on your mind. I will never leave you. That's a promise! I love you Zaviii baby." sinserong saad ni Tari kay Reina. Napangiti naman nang malaki si Reina pero nanatiling malungkot ang mga mata nito.

"Me too, I promise that I will always be here for you at gagawin ko ang lahat para sa'yo. I love you too Zenki." sagot niya saka nilapitan ang kakambal at mahigpit na niyakap.

Hindi nagtagal ang kakambal sa kanila at kailangan na nitong umalis. Sinundo ng kanilang ina sa attic si Tari.

"Baby, let's go downstairs. Bid a goodbye already to your twin." nalumanay at malamyos na saad ni Kataleya nang tawagin ito.

Tumayo naman agad si Tari at niyakap nang mahigpit na mahigpit ang kapatid. Pinagdikit nito ang kanilang mga noo at sabay na nagsabi ng...

"I love you my twin."

Tumakbo na si Tari papunta sa inang nasa pinto, nag-wave pa ang kakambal niya sa kanya bago inabot ng ina ang siradura at binigyan siya nang matalim at nakakahiwang tingin.

Napangiti nang malungkot si Reina saka sumilip sa bintana habang hawak-hawak ang suot na kwintas. Natanaw niya ang papalayong sasakyan na kung saan lulan si Tari. Nawala ang kasiglahan sa kanyang mukha at napalitan ng lungkot.

"I'm sad."


-End of Chapter Two-

Alam kong sabi ko hindi ako makakapag-update for a month pero 'di ko mapigilan kaya siningit ko talaga ito bago ako magbusy-busyhan sa buhay ko. Haha!

Hep! Teka! 'Wag niyo akong awayin kung ang sakit-sakit na, please tama na. Pagod na ako. Hindi ko na kaya. LuL. Nyahaha!

Thank you for reading freaks! GOD bless.

Hugs and kisses,

CL with love.

"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro